10

3395 Words
His POV Mataman kong pinagmasdan ang maamo niyang mukha habang nakapikit pa ang mga mata nito. Nakapatong ang ulo ko sa kamay ko habang nakalapat naman ang siko ko sa malambot na kama. She was peacefully sleeping. I brushed some strands of her hair with my fingertips and tucked it in behind her ear. I quietly admired her beauty. Ilang taon naman na kaming magkarelasyon pero sa bawat araw na lumilipas, walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kaniya. No. May nagbago. I kept falling harder and deeper everyday. Is it normal? Napansin ko ang paggalaw ng talukap ng mata niya, hudyat na magigising na siya, kaya naman nilapat ko ang labi ko sa kaniyang noo para bigyan siya ng halik. She instantly beamed when she felt that, and I melted right away the moment I saw her sweet smile. Niyakap niya ang kaniyang kamay sa bewang ko bago sumiksik sa akin. Ginawa niyang unan ang braso ko nang istretch ko ito. I kissed the side of her head again. We had no clothes under this thick comforter in our bed since we just had a morning s*x earlier. Sa pagod ay umidlip lang muna kami. "Good morning, sleepyhead." Bati ko kay Autumn nang yakapin siya pabalik. "Good morning, dickhead." We both laughed from that greeting. "How's your nap?" I asked her. "It was good." Sandali pang tumahimik bago siya magsalita ulit. "Hanz." Tawag niya sa akin. I hummed just to let her know that I heard her call my name. "Can we talk?" Napakunot ang noo ko. Bakas ang pagiging seryoso sa tono ng boses niya kaya lumayo ako nang bahagya para matanaw ang kaniyang mukha. She really was serious. Kinabahan tuloy ako. "What kind of talk? Like a talk talk? Or talk with some intimacy?" I tried to joke but she just smiled halfheartedly. "A serious talk." She uttered. I think I never gulped so hard in my life. "What do you want us to talk about?" Pinilit kong hindi ipahalata ang kaba ko. Wala akong ideya sa kung anong pag-uusapan namin. It scared the sh#t out of me. Nagiging seryoso lang naman kasi siya kapag may ginawa akong mali. Hinalungkat ko pa agad sa isip ko 'yung mga ginawa ko kagabi at sa mga nakaraang araw, inaalala kung mayroon ba akong nagawang mali na hindi niya nagustuhan at hindi ko napansin. Wait? Anong araw ngayon? Hindi naman namin anniversary. Hindi rin naman niya birthday. O kahit ako. Nilapat niya ang daliri niya sa dibdib ko at nagkunwaring may sinusulat na random. "What are your thoughts about us having a baby?" Napataas ako ng kilay. "Is that it?" Nagsalubong ang kilay niya at natigilan sa pagdodrawing sa dibdib ko saka tumingala sa akin. Daig ko pang nakakita ng mabangis na leon. "Anong is that it?" Kahit papaano ay nabunutan ako ng tinik. Safe naman pala ako. Ang akala ko may problema na kaming dalawa. "I mean, ang akala ko lang may ginawa akong kasalanan at 'yun ang gusto mong pag-usapan natin." Muntikan ng magkita ang kilay niya nang mas lalo pang kumunot ang kaniyang noo. "May ginawa kang kasalanan sa'kin?" What? Wait. "No. No. Autumn, wala." Hinapit ko siya palapit sa akin saka hinalikan sa pisngi. "I promise." She was giving me a sharp look but I just stole some kisses from her to calm her. "Anyway, balik sa tanong mo. My thoughts about having a baby? Hmmm, I kind of want to." "Ready ka na?" "Since the day I laid my eyes on you, I've always been ready to build a family with you. But it still depends on you, my love." Marahan kong hinaplos ang kaniyang pisngi. "Ready ako kung ready ka." Nalulunod ako sa paraan ng pagtitig niya sa mga mata ko. Binasa niya pa ang nanunuyo niyang labi. "Well, I think this is the right time to congratulate you." I frowned. "For what?" "That you're now a Dad?" I froze. Tulalang tulala pa ako sa kaniya, trying to absorb the last thing she said. I blinked twice or thrice. I don't know. Nawala ako sa ulirat. "M-magiging daddy na ko?" I even stuttered. Natawa lamang si Autumn sa naging reaksyon ko. Humiwalay siya ng yakap sa akin saka tumihaya. "Bakit parang hindi ka masaya na—?" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita nang pumaibabaw ako sa kaniya. Diniligan ko siya ng maiinit na halik mula sa mukha hanggang sa leeg niya. She was giggling. I kept repeating the two phrases in between my kisses. "Thank you. I love you. Thank you. Thank you. I love you." "Masaya ka?" She gently pushed me on my chest to stop me from kissing every parts of her beautiful body. I nodded erratically. "I'm the happiest man, happiest husband and happiest dad in the world. Thank you, Autumn." Hinalikan ko siya sa leeg niya pabalik sa kaniyang labi. She wrapped her arms around my neck. "Tingin mo, saan natin ginawa si baby?" Kinagat niya ang labi niya para pigilan ang tawa sa tanong ko. Inirapan niya pa ako. But what she just did f#cking turned me on. Gustong gusto ko talaga pag kinakagat niya ang ibabang labi niya. It felt like she was giving me permission to smack my lips on her. Inangkin ko ulit ang labi niya. "Hmm? Tingin mo saan? Shower?" I asked again, then I planted a soft kiss on the side of her lips. "Sa living room?" Mapang-akit na tanong ko saka hinalikan ang panga niya. "Car?" She giggled again when I licked her earlobe. "Kitchen? Hmm?" Nang tignan ko ulit siya, I could clearly see that we're both on the same page. We were both turned on and in heat again. "Bed." She seductively answered. I claimed her lips again. "Hmm bed. Classic." A smile spread across her lips as I kissed her. "Round 2?" I looked at her deeply in the eyes. Sandaling bumaba ang tingin niya sa labi ko bago siya tumango. "Round 2." That morning, we became one again. Napamulat ako nang maramdaman na may mabigat sa ibabaw ko. Ramdam ko ang pagkirot ng ulo ko. Wala pa masyadong liwanag sa labas. Anong oras na ba? Iaangat ko na sana ang kamay ko para tignan ang orasan sa wristwatch ko ngunit napatigil ako nang mapansin ang nakapatong sa akin. Nanlaki ang mata ko to see Khai sleeping peacefully on top of me, her head were on my chest. Wait? What happened? Binalik ko ang kaliwang braso ko sa likuran ni Khai to secure her from not falling to the ground. Sinuri ko pa kung may saplot kami pareho. We do have. So walang nangyaring kababalaghan samin. Okay. That calmed me a bit. But why did my clothes changed? Kung tama pa ang pagkakatanda ko, nakasuot pa ata ako ng longsleeve shirt nang makauwi ako. Hindi ba? F#ck. I shouldn't have drink too much. Huli kong nilunod ang sarili ko sa alak ay noong huling nagcelebrate ako sa anniversary namin ni Autumn. Binalik ko ulit ang atensyon ko kay Khai. Sinigurado ko pang dahan dahan ang paghinga ko kasi umaangat ang ulo niya sa dibdib ko, baka magising kasi. Hindi ko masyadong maaninag ang kaniyang mukha dahil sa pwesto namin. I brought my hand near to her face to brush off some strands of her hair that was blocking her face. I unconsciously smiled kahit hindi ko masyadong makita ang mukha niya. Hindi ko alam kung paano niya nakukuhang makatulog nang mahimbing sa ganitong posisyon. Was she comfortable? Kinagat ko agad ang labi ko nang saktong humilik siya nang malakas, pinigilan na matawa. 'Yung dibdib ko, kailangan kumalma dahil magigising itong isa. I tried to remember how did we end up in this position but the alcohol really did too much in my head that I couldn't even remember who sent me home. Hinatid ba ako nila Mark? I should better ask them later. But right now, iniisip ko kung paano ako gagalaw at aalis sa sofa ngayon na mahimbing na natutulog itong isa. Nakakahiya naman gisingin. Baka magpanic iyon kapag nalaman niyang ginawa niya akong higaan. Pero t#ngina kasi, ihing ihi na ako. Punong puno na ata itong pantog ko. Natulala lamang ako sa kisame at pilit na nag-isip ng bagay na makakatulong sa akin na pigilan ang ihi ko. I don't wanna think about running water, neither a fountain. Birds. Forest. Dogs. Not water. Ano pa ba? Think, William. I heard her loud snore again. When I glanced at her, I immediately turned my head on my side then closed my eyes when she slightly moved on top of me. Gising na ata siya. Kinailangan ko pang magkunwaring tulog dahil ang awkward naman kung makikita niya akong gising na. I don't want her to get uncomfortable towards me. Kung kailangan kong magkunwaring tulog at walang alam sa nangyari, I would willingly do that. "Sh#t." I heard her curse when she pushed herself up, her hands on my side. "F#ck. T#ngina mo talaga, Khaila." Halata ang panic sa boses niya. Mabilis siyang bumangon ngunit maingat pa rin, natatakot na baka magising niya ako, though I could hear her murmuring different kinds of curses from her mouth. Sunod kong narinig ang malalaking yabag mula sa hagdan. Ang huli ay malakas na pagkalabog ng pinto na sa tingin ko ay mula sa kwarto niya. Wala na siya. Idinilat ko na muli ang mata ko. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa ng bumangon ako at ipit ang binti na tumakbo papuntang banyo para mailabas na 'tong tubig sa katawan ko. It was satisfying and felt good the moment I release it. Nilinisan ko agad ang kamay ko. Nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin dito sa may lababo sa loob ng banyo, napansin ko ang pamamaga ng mata ko. Dinama ko pa sa daliri ang pamamaga nito. I wish I could exactly remember everything happened after getting drunk. Ayoko namang itanong kay Khai dahil baka ayaw niya na rin matandaan ang nangyari kagabi base sa mga panic at mura na narinig ko kanina. Nang mahilamusan ang mukha ko ay tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Tanda ko naman 'yung mga nangyari bago ako malasing nang todo. I was in the Clinic. Hindi ko nagawang masundo sina Winter at Khai dahil hindi ko maiwan ang trabaho. Ilang minuto bago ako mag-out sa work ay dumating ang ilan sa mga kabatchmate ko noong highschool sa Clinic. Inaya nila akong makipag-inuman sa kanila. I wanted to inform Khai about that kaso lowbatt naman na ang phone ko. Hindi ko naman kabisado ang number niya para makitawag kaya hinayaan ko na lang. Sumama ako kanila Mark sa bar. We just had fun and reminisced our memories we shared when we were young. After a few drinks, napunta ang usapan sa relasyon. The moment they mentioned their wives and girlfriends, it triggered the pain I had when I lose my wife. I mean, natrigger naman na noong nasa school ako ni Winter ngunit wala naman masyadong epekto sa akin. But now that I was under the influence of alcohol, bumalik lahat ng sakit at pagkamiss ko sa asawa ko. Gusto kong burahin sa isipan ko iyon at magpakasaya na lamang kasama ang kaibigan ko kaya naman nilunod ko ang sarili ko sa alak. Kahit ata hindi ko bote ay kinukuha ko. I want to get drunk. Tipong wala akong mararamdaman na kahit ano dahil sa kalasingan. Tipong matutulog na lang ako pag-uwi. I ended up crying when I went to the restroom. Ayokong ipahalata sa kanila ang nararamdaman ko so I went back as if nothing happened. Tungga lang nang tungga hanggang sa umikot na ang paligid ko. And the last thing I knew, I was in the sofa with a girl sleeping on top of me. Binasa ko muna ng tuyong tuwalya ang mukha ko bago ako lumabas ng banyo at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Sumandal ako sa countertop sa kusina saka tutunggain na sana 'yung malaking bote ng tubig nang biglang dumating si Winter. Natigilan ako sa gagawin ko nang makita niya ako. Siningkitan niya ako ng mata. "Tumutungga ka na naman po." Puna niya sa akin saka lumapit sa tapat ko. Nakapameywang pa siya na para bang handa ng sermonan ang makulit niyang anak. It was like our roles got reversed. I smiled awkwardly after getting caught. Bakit ko ba kasi sinabi sabi sa kaniya na bawal tumungga sa ganito? Bumalik tuloy sa'kin. "Ito na po. Kukuha na po ng baso." Kumuha na lang ako ng baso saka nilipat 'yung tubig roon. Nasa tabi ko na rin siya, pinapanood ang ginagawa ko. "Bakit pala aga mo magising?" Nang silipin ko kasi ang relo ko ay mag-alas quatro pa lang. "I'm thirsty." Inabot niya ang kamay niya sa basong tapos ko ng lagyan ng tubig. Ibinigay ko naman iyon sa kaniya at iyon ang ininom niya. I gently caressed her long hair. Namana niya sa mama niya ang pagiging wavy ng buhok. "How's school?" Tanong ko. Ibinaba niya ang baso saka tumingala sa akin. Sinamahan niya ng ngiti ang sagot niya. "It was fun. Kwento ko po sa inyo mamaya pero I have to sleep po muna. Antok pa po ako e." I smiled, too. "Alright. Ihahatid ko kayo. You better tell everything to me, okay?" "Hmm," masiglang tango niya. I kissed the top of her head bago ko siya hinayaang bumalik sa taas para makatulog pa. Dahil antok pa rin ako ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Bago pa ako pumasok ay sinilip ko pa ang pinto sa kwarto ni Khai na katapat lang ng sa akin. She must be sleeping again. Nagising na lamang ulit ako nang magdabog itong alarm clock ko. Napakawrong timing naman kasi ang pagyaya nila Mark sa akin. Dapat Sabado para kinabukasan ay wala akong pasok. Wala tuloy akong magawa kung hindi bumangon sa kama kahit na parang binibiyak itong ulo ko. Kumuha ako ng damit sa closet saka hinugot 'yung tuwalya bago lumabas ng kwarto. Saktong paghawak ko sa handle sa banyo ay bumukas ito at niluwa si Winter na patakbo na sana palabas ngunit hindi ako napansin kaya bumangga siya sa akin. Hinawakan ko agad para alalayan na hindi matumba. "Sorry." Sambit ni Winter sabay tingala sa akin. Nakapulupot pa sa buhok nito ang tuwalya niya. "Be careful." I told her. Gumilid ako para makadaan ang anak ko. Natawa pa ako nang excited itong tumakbo patungo sa kwarto niya. Papasok na sana ako nang mapahinto ulit dahil saktong lalabas din si Khai. Namilog ang mata niya nang makita ako. Saktong pagtama ng mata namin ay mabilis niyang ibinaba ang kaniyang tingin. "Excuse me." Dadaan na sana siya sa kanan ko ngunit mabilis kong hinarang ang katawan ko at gumilid sa kaniyang daraanan. Sinilip niya ako at nagtangkang dumaan sa kabila but I blocked her way again. "Excuse me po." She tried again but failed. Doon na sumama ang tingin niya sa akin kaya napatuwid ako ng tayo. "Tadi dyan, dadaan ako." Madiin niyang utos na ikinangiti ko sa loob ko. Kailangan niya pang mainis para tignan ako sa mata. "Do you know how to make soup for hangover?" I asked. I hoped she can. Hindi kasi ako marunong. Si Autumn ang madalas gumagawa noon sa akin. Dahan dahan pa siyang tumango. "Hmm marunong. Papagawa ka?" "Yes, please. Ang sakit ng ulo ko e." "Sige. Pero umalis ka muna sa daraanan ko." Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matatawa sa pagiging authoritarian ng boses niya. It felt like I didn't hire her as Winter's nanny, but as my daughter's new buddy. Mas close pa ata 'yung anak ko sa kaniya kaysa sa'kin. And I find it weird na siya lang ang kauna-unahang babae na kumportable ako makasama. I don't even care if she threw some bad words at me. Actually, I just find it funny. Naisip ko lang na hindi ka naman casual na mumurahin ng tao kung hindi siya kumportable sa'yo. Sana lang iyon ang nararamdaman niya. Gumilid na ako para makadaan siya. Bago pa ako pumasok ay pinanood ko muna siya maglakad pababa ng hagdan. She's really an interesting woman. Mabuti na lamang ay hindi ganoon kabusy sa Clinic kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na iyon para matulog sa loob ng office ko. Nabawasan naman ang hangover ko, thanks to chicken noodle soup na ginawa ni Khai. Natuwa pa ako kasi pinabaunan niya ako ng cookies. Gumawa pala siya. This was one of my favorites. Napapikit pa ako nang masarapan sa gawa niya. Natutunaw sa dila ko 'yung chocolate. Kung pagbake-in ko kaya siya every weekends? Kaso baka samaan naman ako ng tingin nun. Para kasing tigre tumingin kapag nanliliit 'yung mata. I find it deadly, but cute. Nakalimutan kong tanungin siya kanina kung paano ako nakauwi. Mamaya na lang siguro. Hayaan ko na lang siguro siya magkwento. Titignan ko rin kung babanggitin niya ba na nakatulog siya sa ibabaw ko. I'm very curious on how did we end up like that. Panigurado ako ang dahilan. Imposible naman kasi na samantalahin niya ang pagkakataon na iyon habang wala akong kamuwang-muwang. Hindi naman siguro siya ganoon. Besides, walang matinong babae ang papatong na lang sa amo niya. I should definitely ask her. Tonight. Nagawa ko naman masundo sila Winter sa school. Wala rin naman masyadong inasikaso. Habang nasa byahe ay nakinig lamang kami sa kwento ng anak ko tungkol sa nangyari sa araw niya. Nakakatuwang isipin na naeenjoy niya ang pag-aaral niya. 'Yung ibang bata kasi puro laro pa ang nasa isip, tulad na lang sa anak ng pinsan ko. Napagkwentuhan namin dati na 'yung anak niya raw ay mahilig magcutting class para lang makipaglaro ng taya-tayaan sa field. Pasalamat ko na lang na mabait at masunurin 'tong anak ko. Proud dad here. Anak ko 'yan. Dumaan na ang gabi, hindi pa ako inaantok kaya nagtungo na lamang ako sa may terrace para tumambay at magpaantok. May reclining chair naman dito kaya doon ako nagpahinga. Nakapikit na lamang ako nang marinig na bumukas 'yung pinto, it was Khai. Nagulat din siya nang matagpuan akong nagpapahinga rito. "Ay sorry, kala ko walang tao." Isasara na sana niya ulit ang pinto but I stopped her. "Stay here. May isa pa namang upuan." Sabi ko, tukoy sa katabi kong bakanteng upuan. Napansin kong may dala siyang sandwich. Nakita niyang doon ako nakatingin kaya inilahad niya ito sa akin. "Gusto mo? Mayonnaise lang pinalaman ko. Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan kong tumambay na lang muna sana habang nakain nito." Paliwanag niya at inalok ako. Payak lamang akong napangiti. "No, thanks. Busog pa ako." Hindi pa siya gumagalaw sa pwesto niya kaya nginusuan ko 'yung upuan. "Sit here." Nagpabalik-balik pa ang tingin niya sa akin at sa upuan, nagdadalawang isip pa, bago siya magsimulang maglakad palapit sa akin at umupo roon. "Sorry kung naabala kita." "It's fine." Nginitian ko siya to reassure her. "Tumatambay ka rin ba rito tuwing ganitong oras?" Umiling siya. "Hindi. Ngayon ko lang naisipan." I scanned her and based on her clothes right now, I can confirm na first time niya nga. "You should have brought a jacket or sweater. Malamig kasi rito kapag gabi." Sinuri niya ang suot ko bago niya tignan ang kaniyang sarili. "Aah, next time na lang." Ayoko namang kabagin siya dahil sa lamig kaya naman hinubad ko ang sweater ko saka inabot sa kaniya. "Here, wear this." "No. Hindi na. Hindi naman ganoon kalamig." "Prevention is better than cure. Inisip ko rin dati 'yan na hindi magjacket, kinabukasan nagkalagnat ako. Take this, Khai." "Paano ka?" "Don't worry. I'll be fine." I rest assured her. Kinuha niya na rin sa wakas 'yung sweater ko at sinuot. Ewan ko nga kung namamalikmata ba ako noong nahagip kong inamoy niya pa iyon. Hindi naman siguro mabaho 'yun. Bagong kuha ko lang sa closet 'yung sweater e. Ilang minuto ng tahimik at pansin ko na busy lang siya sa pagkain ng sandwich. Kumuha ako ng pagkakataon na tanungin 'yung tungkol sa nangyari kagabi pero naunahan niya ako. Napanganga pa ako nang marinig ang tanong niya, tulala sa kaniya, iniisip kung dapat na ba akong magpalinis ng tenga. These past few days, I kept mishearing things. Gaya na lang ngayon, I looked at her with a shock on my face when she asked, "Masarap ba púke ko?" I blinked twice. "Huh?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD