Her POV
"Here."
Bumaba ang tingin ko sa maliit na brown envelope na pinadulas ni Will sa mesa palapit sa akin, narito ako sa kusina, napapak ng tinapay. Kumabog nang bongga ang puso ko nang magkaroon ng kutob kung ano ang laman nito. Sh#t! Ito na ba ang sweldo ko? Tumitig muna ako kay Will hanggang sa tanguhan niya ako kaya naman kinuha ko 'yung envelope. Maingat ko iyong buksan kahit kating kati na akong punitin iyon para makita ang loob. Pagkuha ko sa loob nito ay nagtaka ako nang hindi makulay na papel ang bumungad sa akin kung hindi puting papel lamang.
Kunot noo akong tumingala kay Will ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay, telling me to unfold it to see what's inside. May paganito pa ang lalaking 'to. Bakit? Cheque ba laman nito? Mas lalo tuloy akong naexcite sa pamysterious na pakana niya. Nang tuluyan ko ng buklatin 'yung papel ay lahat ng excitement at tuwa ko ay tuluyang gumuho nang makita ko ang nakasulat. Drawing ng bente pesos na may kulay pa tapos nakableh emoji 'yung nasa gitna ng pera imbes na gwapong picture ni Manuel L. Quezon. Sa baba nito ay may nakasulat din.
━━━━━━━━
IT'S A PRANK! NYAHAHAHA
━━━━━━━━
Halos mag-usok ang ilong ko sa kalokohan nitong si William. Sinamahan ko siya ng tingin na kasalukuyang tumatawa dahil sa reaksyon ko. P#tangina nito. Ang bastos ng ugali.
"You should have seen your face, Khai." He still couldn't stop laughing. Napababa na siya sa sahig sa sobrang saya niya.
Gusto ko siyang sakalin sa isip ko at putulan ng hininga kaso nanghinayang ako. Gwapo pa naman. Sayang lahi. Papalahi pa ako rito e. Char! Landi, amp#ta.
Ang lakas ng loob nito para biruin ako sa oras pa mismo na bagong gising ako. Ang comfortable mo naman na ata, Sir. Sa pagkakaalala ko, close lang tayo sa panaginip. Kung hindi lang talaga siya fafable ay baka kanina ko pa nabato itong tinapay sa kaniya.
"Happy na ha? Happy?" Sarkastiko kong bitaw sa kaniya. Hawak hawak niya ang tyan niya nang pakalmahin niya ang kaniyang sarili. Pinunasan niya pa ang luha na kumawala sa mata niya sa sobrang pagtawa.
"I'm just kidding. Ito naman." Inurong niya ang upuan sa tapat ko saka umupo. May nilabas ulit siyang brown envelope saka inabot sa akin. "Here." I gave him a sharp look. Tingin ba niya papauto ako ng dalawang beses sa kaniya? Aba syempre oo, gwapo nito e.
"Ano na naman 'yan?" Mataray kong tanong.
"Totoo na 'to. I promise." Tinaas niya pa ang kamay niya, nangangako.
Minatahan ko muna siya bago ko damputin 'yung envelope. Hindi ko inaalis ang matalas kong tingin sa kaniya habang binubuksan iyon. Naiinis ako sa ngisi niya, feeling ko inuuto na naman ako nito e. Ako naman itong si t#nga na nagpapauto.
Pagsilip ko sa envelope ay doon namilog ang mata ko nang makita ang blue and purple bills. Sh#t. Totoo nga? Wait. Baka play money lang 'to. Para makasiguro ay nilabas ko 'yung mga papel sa loob. Para akong aatakihin sa puso nang makumpirma na totoo nga na pera. Sinilip ko siya na nakangiti lang habang pinapanood ako.
"Sweldo ko 'to?" Ngiting aso kong tanong, hindi pa rin makapaniwala.
"Yes. Sweldo mo 'yan para sa unang buwan mo."
Manghang mangha pa rin ako sa malaking pera na hawak ko. Tingin ko mas malaki pa itong sweldo ko ngayon bilang yaya kaysa sa nakukuha ko sa huli kong trabaho. Shemsh! Malaking tulong ito sa plano ko na pag-iipon.
"Thank you." I told Will. Tuluyang nawala ang inis ko sa pagprank niya sa akin.
Ano kayang bibilhin ko rito? Naisip ko kasi na sa unang sweldo ko ay magreregalo ako sa sarili ko. Kahit na maliit na halaga lang. Reward kumbaga. Deserve ko naman e. Galing ko kayang mag-alaga kay Winter. Sipag ko pa maglinis sa bahay nila. Wala siyang mapupuna kasi I'm doing my best as their all around yaya.
Tamang tama, pasukan na ni Winter bukas. Maybe I should treat her some food. Isama ko na rin itong si Will, kawawa naman kung di kasama. Uwian na lang namin ng pasalubong since nasa trabaho siya nun malamang.
"What's your plan with that?" Tanong ni Will saka nakikuha sa tinapay.
"Babawasan ko na utang ko. Then I have to save. May pinag-iipunan ako e." I replied.
"Like what?" Curious na tanong niya. "Hindi sa pangingialam. I just want to know if you don't mind."
"Pangarap kong makapagpatayo ng bakeshop." Pag-amin ko na siyang nagpangiti sa akin nang maimagine ang sarili ko na may sariling negosyo. Wala naman sigurong masama kung magkwento ako sa kaniya.
"Really? So you can bake?" Manghang tanong niya kaya tumango ako. Malamang, William. Magpapatayo ba ako ng bakeshop kung ang alam ko ay magbomba ng flat na gulong?! Naistress ako sa lalaking 'to. "Wow." Dugtong niya. "Patikim nga ko ng bake mo minsan."
E kung pechay ko na lang tikman mo? Char!
"Sige. Pagbebake ko kayo minsan."
"I love chocolate chip cookies. Can you do that?"
I looked at him in disbelief. "Ay wow demanding." Saad ko na ikinatawa niya.
"Fine. Bahala ka na sa gusto mo."
"Biro lang din. Ikaw lang ba pwede magbiro ha? Tsk. May paprank prank pang nalalaman." Inirapan ko siya.
"It was Winter's idea." He was so defensive.
"Idadamay mo pa anak mo." Bato ko sa kaniya.
"Hala, oo nga. Itanong mo pa sa kaniya."
"Anye nye nye." I made face saka tumayo. "Bahala ka dyan." Natawa lang siya sa inakto ko. "Maliligo muna ako." Paalam ko. Umukit ang pilyong ngiti sa labi ko nang makalagpas ako sa kaniya. I glanced back at him then added, "Sama ka?"
"Huh?" Taas kilay niyang tanong nang lumingon sa akin, hindi narinig ang sinabi ko.
"Wala. Kain ka lang dyan." Tuluyan ko na siyang iniwan sa kusina at nagtungo na sa kwarto para kumuha ng damit pampalit.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ito na nga ang simula ng pasok ni Winter sa school. Alas siyete ng umaga ang pasok nito kaya inagahan ko ang paggising sa kaniya para makaligo na siya habang ako naman ay abala sa pagluto ng breakfast niya. Will told me na mas magandang may baon siyang packed lunch para sigurado na healthy ang kinakain niya kaya iyon ang ginawa ko. Binaunan ko siya ng panglunch niya. Wala pang nahahanap na driver si Will kaya siya muna ang maghahatid sa amin.
Hindi naman ako estudyante pero naexcite rin ako na makita 'yung school na papasukan ni Winter. Nang makarating na kami ay halata ang excitement kay Winter dahil siya na mismo ang nagmadali na bumaba ng sasakyan. Hindi na hinintay ang papa niya na pagbuksan siya ng pinto. Dumiretso kami sa building ng grade 3 students.
"Ate Khai, how's my look?" Tanong ni Winter nang makalapit ako sa kaniya, nasa tapat na kami ng building.
"You look great, Winter. Galingan mo, okay?" Bumaba ako ng lebel sa kaniya saka inayos ang kwelyo ng kaniyang uniform. Inayos ko rin ang ilang hibla ng buhok niya na nagulo. Nagbiro pa ako na dinuraan 'yung kamay ko saka pinunas sa buhok niya. Imbes na mandiri siya sa ginawa ko ay ikinatawa niya lamang. "Sunduin kita mamaya tapos kain tayo ice cream. Gusto mo 'yun?"
Ganado siyang tumango, gustong gusto ang ideya na iyon. Nagpaalam na ko sa kaniya ngunit nabigla pa ako nang hinalikan niya ako sa pisngi. "Bye bye." Paalam niya saka kumaway pa.
Kinawayan ko naman siya pabalik bago ako tumayo nang tuwid. Napahawak pa ako sa pisngi ko kung saan humalik 'yung batang iyon. Napangiti na lamang ako. Pagkasweet! Nang silipin ko si Will ay bahagyang magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin.
"Bakit?"
"She kissed you." He stated. There was a hint of jealousy in his voice. "Sa akin hindi man lang siya nagkiss. 'Yung batang 'yun. Kinalimutan na ata na kasama niya tatay niya." Tumingin pa siya sa direksyon ni Winter na saktong kakapasok lang sa classroom.
I smiled playfully. "Ayiee. Bakit? Selos ka? Gusto mo kiss kita?" Biro ko.
Bumagsak ulit ang tingin sa akin ni Will, natulala pa siya. He looked shock and confuse at the same time. "Huh?" Nagtaka ako sa eskpresyon ng mukha niya. "What did you say?"
"Huh? Ang sabi ko kung selos ka ba kasi mas close na sa akin anak mo kaysa sa'yo." Ulit ko.
Mukhang may kung anong bumabagabag sa kaniya kasi hindi siya kuntento sa sinabi ko. "No. Hindi 'yun. You said something—" Umiling iling na lamang siya. "Never mind. Maybe I'm just mishearing things. Tara na?"
Naglakad na kami pabalik sa kotse, nakasunod lamang ako sa kaniya. Diretso siya sa Clinic kaya magpapababa na lang siguro ako sa may sakayan para hindi ko na siya maabala pa sa paghatid sa akin sa bahay. Napahinto si Will sa lakad na siyang nagpatigil din sa akin nang may tumawag sa kaniyang babae na may edad na.
"William? Is that you?" Sinuri niya pa kung si William nga ba ito hanggang sa umaliwalas ang mukha niya nang makumpirma. Lumapit siya kay William at nagbow naman ito sa babae bilang paggalang.
"Hello, Mrs. Delgado, long time no see." Ngiting bati ni Will. Ang awkward pa ng pwesto ko kaya tumalikod na lamang ako para hindi naman ako magmukhang nakikiusyoso sa kanila. Kaso masyado silang malapit kaya rinig ko pa rin ang chikahan nila. "How's your dog po?"
"Naku, ayos naman. Thanks to your advice. Maybe this Friday ay ipapacheck up ko ulit siya." Sabi ng babae.
"I see. Nasa Clinic naman ako nun."
"Good. Good. Hinatid mo ba ang anak mo?"
"Yes. Magkaklase pa rin po pala sila ni CJ, ano ho?"
"Oo nga e. Baka itinadhana na 'yung anak mo sa apo ko." Biro ng babae. Hindi ko napigilan ang pagkawala ng mahina kong pagtawa sa sinabi nito. Ano 'to? Pinapaarrange marriage na agad? Sandaling tumahimik 'yung paligid at naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya nilingon ko sila. Kinabahan ako nang makitang nakatitig sa akin 'yung babae. Narinig niya ba 'yung tawa ko? Nahuli ko pa ang pagsuri niya sa akin mula ulo hanggang baba bago siya ngumiti sa akin at magsalita kay Will. "Hindi mo sinabi sa akin na may bago ka na palang asawa."
Parang nahulog ang puso ko nang marinig iyon sa babae. Daig ko pang kinuryente sa buong katawan at naglipana ang mga paruparo sa loob ng tyan ko. Bagong asawa? Pinanood ko ang magiging sagot ni William kung itatanggi niya ba ako ngunit mas pinalala nito ang nararamdaman ko nang ngumiti lamang siya. He didn't say anything. He just f#cking showed her a small smile.
What was the meaning of that? Itanggi mo naman ako, William. Sabihin mo yaya ako ng anak mo para naman masira ang pantasya ko sa'yo tuwing gabi. But he didn't do that.
"Anong pangalan mo, hija?" Tanong sa akin ng babae.
Nahiya pa akong sumagot. "K-khaila Rachel po."
"Ooh i see. Gandang babae ah." Marahan niya pang hinampas ang braso ni Will tapos itong lalaki na 'to ngiti lang ang sinagot.
"Sige na po. Kailangan ko na rin pumasok sa Clinic. It was nice meeting you again, Mrs. Delgado. Ikamusta niyo na lang po ako kay Nico." Nagpaalam na siya sa babae habang ako naman ay parang aso na bumuntot sa kaniya. Yumuko pa ako sa babae bilang paggalang. Nginitian niya pa ako.
Para ng sasabog ang dibdib ko habang nakasunod kay William. Gusto ko sanang umupo sa backseat dahil baka hindi ko kayanin kung katabi ko siya kaso inunahan niya na ako nang buksan niya ang pinto sa passenger seat. Nakayuko lamang ako nang pumasok. Feeling ko sa mga oras na ito ay tumiklop buong pagkatao ko.
"P-pwede bang buksan ko 'yung bintana?" Tanong ko kay Will na abala sa pagmamaneho. I need air right now. It felt like I'm going to suffocate.
"Yeah sure."
Nang buksan ko ang bintana ay napapikit ako nang humampas sa mukha ko ang malamig na hangin. Maaga pa kasi kaya hindi pa ganoon kainit. Binabagabag pa rin ako sa naging usapan nila kanina. Should I ask him? Like how? Anong itatanong ko?
"By any chance, may gusto ka ba sa'kin?" Ganito ba? Proper way ba 'to para kumprontahin siya. Kung nasa katinuan lang kasi siya, bakit kasi hindi niya pinaliwanag na yaya lamang ako ng anak niya? Madali lang naman. Pwede naman niyang sabihin na, "No, she's my daughter's nanny." Why did he choose to just freaking smile?
"Mind if I ask you something?" I asked, nang silipin ko ang kamay niya na nasa manubela, his fingers weren't wearing any accessories. Sa isang buwan kong pagtatrabaho sa kaniya, ang dami ko ng ebidensya na single siya, especially 'yung main evidence ko na wala siyang suot na wedding ring or any sentimental rings. Pangalawa, walang dumadalaw na babae sa bahay nila. Maliban na lang kung sa ibang bahay niya dinadala babae niya.
"Hmm?"
"Why didn't you deny it?" Diretsa kong tanong.
"Deny what?" Magkasalubong ang kilay niya. "About what she said that you're beautiful? Why would I deny it? Totoo naman." He casually said which made me blushed. 'Wag kang ganyan, William. Seryoso akong nagtatanong rito.
"Hindi 'yun. Inakala niyang asawa mo ako though hindi naman talaga. Instead of denying it, hindi ka nagsalita."
Huminga siya nang malalim bago sumagot. "She just doesn't like the idea na maghire ng yaya para sa bata. Naniniwala kasi siya na baka maimpluwensyahan 'yung bata kung ipapaalaga sa iba na hindi naman nila lubos na kilala. Kung sinabi kong yaya ka ni Winter, baka mauwi pa sa sermon at malate pa ako sa work. Besides, makakalimutin din 'yon. Baka hindi nga niya maalala na nagkita kami." Mahabang paliwanag niya.
Napanganga na lamang ako sa paliwanag niya. Hindi ko inasahan iyon. Gusto ko pang batukan ang sarili ko dahil sa pag-aassume na may gusto itong amo ko sa akin. Assuming mo, Khaila. Ako lang naman itong maharot. At bakit ko naman naisip na magkakagusto ang katulad niya sa akin? Hindi naman kami magkalebel. Sobrang layo ng agwat namin sa isa't isa. He looked like he was born with a silver spoon in his mouth. Samantalang ako ay nagkakamay lang kumain. Hindi kami talo.
"If okay lang sana malaman, nasaan pala mama ni Winter?"
Doon ko nakitang nagbago ang awra niya. Pansin ko ang pagdaan ng lungkot sa kaniyang mga mata nang sumilip siya sa akin. Humigpit pa ang hawak niya sa manubela.
"She left us," sagot niya na siyang nagbigay kirot sa puso ko. "Eight years ago, she died after giving birth to Winter." I could feel the grief and pain from his voice.
Mas lalo akong nalungkot para sa anak niya. Naawa ako sa bata. Lumaki siya na walang kinikilalang ina. Bigla kong naalala ang sarili ko kay Winter. Ang pinagkaiba lang namin, nakasama ko pa ang ina ko sa kaunting panahon bago niya kami iwan ng kapatid ko.
"Sorry."
Mapait siyang ngumiti. "It's okay."
Hindi na ako nagtanong pa dahil baka ayaw na rin niya pag-usapan pa. Ramdam ko pa rin 'yung sakit sa tono ng boses noong nagkwento siya. It must be painful to lose someone you love, especially your other half. Nakakabilib na kinaya niyang makabangon matapos ang masamang pangyayaring 'yon.
Pinahinto ko na lamang ang kotse nang may makita kaming sakayan para diretso na lang siya sa Clinic kaysa ihatid ako. Kailangan ko rin dumaan ng supermarket para bumili ng ingredients. Naisipan ko kasing magbake na lang tutal nagrequest din siya na ipagbake ko siya ng chocolate chip cookies. Mas okay na rin iyon kaysa naman ready to made ang bilhin. Mas masarap ang pagkain pag may effort na kasama.
Bumalik din ako kaagad ng bahay para simulan na ang paggawa ng cookies. Kinabahan pa nga ako kasi baka nangalawang na ang skills ko sa pagbebake pero mabuti ay nagawa ko pa rin ng ayos. Dumating ang hapon at sobrang excited ko na nagtungo sa school ni Winter dala dala 'yung cookies na nasa brown paperbag. Nagcommute lamang ako para sunduin si Winter. Ang sabi ni Will ay itetext niya naman daw ako kung susunduin niya kami.
"Ate Khai," salubong na tawag sa akin ni Winter nang makita niya ako sa tapat ng building, naghihintay sa kaniya. Tuwang tuwa pa siya na tumakbo sa akin na nakaopen arms. Bumaba agad ako ng lebel para salubungin ang yakap niya.
"How's school?" Tanong ko nang humiwalay sa yakap, inayos ko ang uniform niya na may gusot na.
"It was fun." Nakangiting sagot niya. Tumayo ako saka kinuha ang bag mula sa kaniya para ako na ang magdala. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at nagsimula kaming maglakad. "I acted in front of them when our teacher told us to show our talent."
"Really?" Natawa ako sa loob ko. Favorite niya nga ang role play. Hindi na ako magugulat kung sa paglaki ng batang 'to ay maging artista siya or musical actress.
"Hmm." She happily nodded.
"I'm sure they liked your performance." I told her.
"I don't know. I just hope they did."
Nagsimula pa siyang magkwento nang maglakad kami sa may waiting area sa may bungad ng school. There were seats na may silong kaya roon muna kami tumambay. Natutuwa pa ako sa tuwing magkekwento siya kasi halatang naenjoy niya 'yung first day niya.
"May dala ako para sa'yo," sabi ko kay Winter. Kita ko ang pagliwanag ng mata niya nang ipatong ko 'yung paperbag sa ibabaw ng table. Kung aso lang siguro siya, naimagine ko na ang buntot niya na panay ang paggalaw.
"What's this?" Nakangiting tanong niya saka inabot 'yung paperbag. Hindi na niya hinintay ang sagot ko nang buksan niya iyon at makita ang laman. Agad namilog ang mata niya pati ang bibig niya sa pagkasurpresa. "It's chocolate cookies!" Pasigaw na sambit niya.
"I made it myself," I told her na mas lalong nagpalawak ng kaniyang ngiti.
"Really? Wow. Can I eat it?"
"Yes of course. Para sa iyo 'yan e. Tirhan mo lang si Daddy mo para makatikim siya. Pero meron pa namang natira sa bahay."
Hindi na maalis ang ngiti sa labi ni Winter nang kumuha siya ng isa at tikman iyon. The satisfaction in her eyes where clearly visible the moment she put the cookie in her mouth.
"It tastes great!" Kumagat pa siya ng isa hanggang sa maubos niya na 'yung isang cookie. "How come you know how to bake?"
"It's because I studied it. Let me tell you a secret." I learned forward, resting my arms on the table. Ginaya naman niya ang pwesto ko at inilapit din ang kaniyang tenga para marinig ang sasabihin ko. "My dream is to have my own bakeshop." I whispered.
"Woah. Really?" She also replied in a whisper. She was so amused, it was totally obvious. "Will you let me be your first customer then? Oh with Dad. Pwede kami maging first customer mo? Pero syempre ako una, tapos sunod na si Dad. Second na lang siya."
Kinagat ko ang labi ko nang matawa sa paliwanag niya. "Yeah sure. You and your dad will be my first and second customers."
"Yey!"
I instantly melt when she showed me her gummy smile. Magkakadiabetes na rin ata ako sa pagkasweet nitong batang 'to. Hinayaan ko na lamang siya na kumain sa ginawa kong cookies habang hinihintay namin ang confirmation ni William kung susunduin niya ba kami. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako makareceive ng text mula sa kaniya.
Boss William: Shoot, sorry late ko na nabasa. Is it okay kung magcommute na lang kayo? Hindi ko kasi maiwanan 'yung Clinic. Don't worry, I'll pay for the transpo.
Nakanguso akong nagtipa sa keyboard ng phone ko para magsend ng reply sa kaniya.
Me: Okiii
"Winter, una na tayo. Hindi tayo masusundo ni papa mo e. Busy daw sa Clinic." Pahayag ko kay Winter. Tumango naman siya saka dinala 'yung paperbag ng cookies. Kinuha ko na rin ang bag niya bago kami magkahawak kamay na lumabas ng school.
Inabot na ng alas nwebe ngunit hindi pa rin nakakauwi si Will. Sobrang busy siguro talaga sa Clinic. Napatulog ko naman na si Winter kaya dumito muna ako sa sala para manood since hindi pa naman ako inaantok. Nilipat ko 'yung channel sa sinusubaybayan kong heavy drama. Nasa intense scene na iyon nang bigla akong makarinig ng sumisigaw sa labas ng bahay, sinamahan pa ng doorbell. Nang silipin ko ang bintana ay natanaw ko na may nakaparadang kotse sa harap. Iyong amo ko na siguro 'yun. Bakit pa siya nagdodoorbell? E diretso pasok lang naman siya kapag nauwi siya.
Niyakap ko ang sarili ko nang lumabas ako ng bahay palapit sa gate. Humahampas kasi sa katawan ko 'yung malamig na simoy ng hangin. When I opened the gate, bumungad sa akin ang dalawang lalaki na hindi ako pamilyar. Pagtingin ko sa lalaking akay nila, I saw William who couldn't even stand straight, his face was facing the ground. Iyong dalawang kasama niya ay hirap na hirap na pag-akay sa kaniya. Napangiwi ako nang maamoy ang alak mula sa kanila.
"Uy, mali ata tayo ng binabaan gagi. Hindi naman sho bahay ni William e." Mapungay ang mata na saad ng isa na nasa kanan at halos hindi na maintindihan ang sinasabi dahil sa kalasingan. "G#gu pare. Hindi sho 'yung bahay."
"T#nga ito 'yun." Binatukan siya ng lalaki sa kaliwa. Tumingin ito sa akin saka pinilit na idinilat ang naniningkit na mata para maaninag ako nang maayos. "Bahay... bahay ba 'to ni William?"
"Ah, oo. Akin na, ako na bahala sa kaniya." Kinuha ko si William sa kaniya saka inakbay ang braso nito sa akin. Ang bigat niya jusko! "Kayo ba kainuman niya?" Tanong ko.
"Oo... ikaw shiguro ashawa nito. Nalashing 'yang isha hahah. Daming tinagay kanina." Pagewang gewang pa siya. Nag-akbayan pa silang dalawa para makakuha ng balanse.
"Bobo hindi ashawa. Girlprend pa ata. Wala naman kashi siyang suot na shing shing, tignan mo." Binalik ng lalaki ang tingin sa akin. "Girl.. girlfriend ka diba?"
Hindi na ako nakasagot nang tawagin na sila nung isa pang lalaki na nasa kotse. "Kayong dalawa bumalik na kayo rito. Bilis at nang makauwi na ako. Palasing lasing pa kasi e."
Tumawa silang dalawa. "Shige na mish. Ikaw na bahala dyan ha. Alagaan mo 'yan." Tinuro niya pa si William saka paatras na naglakad ngunit nawalan na nga ito ng balanse na siyang nagpabagsak sa kaniya sa sahig. Dahil nakaakbay siya sa isa ay pareho silang natumba. "Aray ko g#gu."
"P#tangina mo naman, pare. 'Yung buto ko sa pwet—" Napailing na lang ako at saka isinara 'yung gate.
Nang silipin ko si William ay wala pa rin ito sa huwisyo. Ano bang naisip nito at nagpakalasing? Ang akala ko ba busy siya sa Clinic? Busy busy pa. Dahilan nito. Hindi na lang nagsabi na iinom siya. Sa liit ko at tangkad niya ay hirap na hirap akong akayin siya papasok sa loob ng bahay. Pagewang gewang kasi siya edi ako na payat ay madali lang niyang nadadagnas.
"Uy, Will—Aray ko anak ka ng—!" Napadaing ako nang tuluyan na nga kaming bumagsak sa semento. Nahampas ko tuloy siya sa dibdib niya sa inis ko. "Ayan na nga sinasabi ko. Ang sakit." Napatingin pa ako sa kamay ko na napahawak sa lupa. Napairap na lang ako nang makita na nakatihaya siya sa sahig at nakapikit. Malalim akong bumuntong hininga bago tumayo ulit. "Sir Will, tayo na bilis at nang makahiga ka na sa kama."
Hinawakan ko ang kamay niya saka hinila siya patayo kaso wala man lang siyang lakas na bumangon. Dalawang kamay na ang hinila ko hanggang sa mapaupo na siya. Tumakbo agad ako sa likuran niya para hawakan siya sa magkabilang armpit niya at hilain siya patayo. Mapuputol na ata ugat ko sa leeg sa sobrang bigat niya patayuin. May malay naman siya kaso bagsak lang talaga ang katawan niya, halatang marami ang nainom nito. Inakay ko ulit siya papasok sa sala. Mahihirapan akong iakyat siya sa taas, sa kwarto niya, kaya napagdesisyunan ko na lang na ibagsak siya sa sofa.
Hiningal ako roon. Pumunta muna ako ng lababo para punasan ang kamay ko na nadumihan. Kumuha na rin muna ako ng tubig para mapawi ang uhaw ko. Daig ko pang sumabak sa marathon kahit labas ng bahay lang naman ang nilakad ko. Pagkabigat ba naman.
Bumalik na ulit ako sa sala saka napahawak ng bewang habang pinagmamasdan si Will na bagsak sa sofa, payapang nakahiga. O ano ng gagawin natin ngayon? Alangan hayaan ko siyang matulog na amoy alak. Bukas naman siguro kwarto niya ano. Hindi naman siguro siya magagalit kung lilinisan ko siya ng katawan. Pang-itaas lang ah! Hindi naman ako manyak para pati baba isama ko. Duh.
Umakyat na ako sa kwarto niya para kumuha ng damit. Mabuti na lang at naiwan itong hindi nakalock. Pagbukas ko ng ilaw ay nilibot ko ang paningin ko sa loob. In fairness, hindi makalat itong kwarto niya. Mali siguro na mag-assume na kadalasan sa kwarto ng lalaki ay puno ng pagala-galang damit.
Kumuha na ako ng damit sa closet niya. Puting shirt na lang ang kinuha ko. Palabas na sana ako nang may mahagip ako sa ibabaw ng bedside drawer. Lumapit ako rito para makita nang ayos.
It was a picture of him with a woman on his side. Kinuha ko iyon para makita nang malapitan. Namangha ako sa kagandahan ng babae. Kulay brown ang mahaba at wavy nitong buhok. Kung titignan ay kasingtangkad ko lang siya kung pagbabasehan ang pinagkaiba ng height nilang dalawa. Magkahawak kamay sila habang si Will ay nakatingin sa kaniya na tila ba ito ang pinakamagandang babae sa mundo habang 'yung babae ay matamis na nakangiti sa harap, sa camera. They looked cute together. This must be his wife. I also noticed that William looked younger in here. Maaga ba siyang nag-asawa?
Binaba ko na ulit ang picture saka lumabas ng kwarto. Pagtingin ko sa sofa kung saan ko iniwan si Will ay wala na ito. Hinahanap ko siya sa paligid hanggang sa marinig ko ang ingay sa banyo. Nagtungo ako roon at naabutan si Will na nakaluhod na sa harap ng toilet bowl. Iniwas ko ang tingin ko nang mapansin na sumusuka siya.
Para pa akong masusuka kaya mabilis akong lumabas ng banyo at naghintay na lamang na matapos siya. When I heard a flush, sinilip ko na ulit siya. Nakaupo na siya sa sahig at nakasandal sa pader. He was really wasted.
"Sir Will?" Tawag ko sa kaniya.
"Hmm?" Mukhang nasa ulirat na siya dahil tumugon siya sa pagtawag ko.
"Balik na tayo sa sala. Para makapagpalit ka na ng damit."
"Hmm." Bumagsak ang ulo niya, he's facing the ground again. Kahit hirap ay tinulungan ko ulit siyang makatayo at dinala sa kama. Kumuha na rin ako ng bowl ng tubig at towel para ipampunas sa kaniya.
"Huhubaran na kita ah. 'Wag kang mag-alala, wala 'tong malisya. Hindi po ako manyakol." Paalam ko habang nakaupo sa gilid ng sofa kung saan siya nakahiga, hindi sigurado kung narinig niya ba ang sinabi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang simulan kong tanggalin ang butones sa taas hanggang sa baba ng longsleeve shirt niya. Jusko, Lord. Matinding dalangin ang kailangan ko rito.
Napalunok ako nang madiin nang tuluyan ko ng matanggal ang lahat ng butones at bumungad sa akin ang walong pandesal na minsan ko ng nakita. Saan kaya nagji-gym ang lalaking 'to para maging ganito katigas 'yung abs niya? Pinakalma ko ang sarili ko. Jusko! Kaya mo 'to, Khaila. Nakisama naman siya nang alisin ko na ang damit niya sa kaniya. Gamit ang bowl ng tubig na nakapatong sa center table ay nilublob ko 'yung tuwalya saka piniga ito. Tinupi ko muna iyon bago marahan na ipunas sa mukha niya pababa sa katawan niya.
Matapos kong maisuot ang shirt sa kaniya, at nabigyan ko na rin siya ng kumot at unan pero imbes iwan na siya para magtungo na sa kwarto ko, I ended up admiring his innocent face. He looked fragile in his state right now. His brows were twitching. Nananaginip siguro. Mapait akong napangiti nang maalala 'yung nangyari sa asawa niya. Ang aga niya para maging byudo.
Iniisip ko pa lang na ako ang nasa posisyon niya, mawalan ng minamahal sa buhay, baka hindi ko kayanin. Iyong tipo na alam mong hindi mo na makikita pa kahit kailan. I'm proud of him. I'm proud of him and his daughter for being brave, for being tough, and for having the strength to keep moving forward.
Napagdesisyunan ko nang umalis ngunit saktong pagtayo ko ay biglang may humawak sa palapulsuhan ko. Bago pa ako makapagreact sa paghawak niya ay napairit ako nang bigla niya akong hatakin dahilan para bumagsak ang katawan ko sa ibabaw niya.
"William!" Sinubukan kong magpumiglas at itulak siya sa kaniyang dibdib para makaalis ngunit mahigpit niya akong kinulong sa bisig niya. I was panicking.
"Ssh. Don't go." He whispered in a hoarse voice, I froze. Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko ngunit lahat ng atensyon ko ay lumipat sa dibdib niya kung saan nakalapat ang tenga ko. I could clearly hear his heart pounding from this position.
At some point, his heartbeat calmed me.
"Autumn." I frowned when I heard him say that. "I missed you so much." His voice broke and the last thing I heard was his soft cry.