Her POV
Malaya akong nakalibot sa bahay habang si Winter ay busy sa panonood sa tablet niya. Sa pag-usisa ko sa bahay nito, isa lang ang nalaman ko. There was no any sign of adult woman in here which was confusing me right now. Isang araw na ang lumipas simula nang magtrabaho ako rito kanila Will pero wala namang babaeng umuwi rito sa kanila.
Ang akala ko ba may asawa siya? Pero bakit wala ni isang gamit na pangbabae rito sa bahay niya? Puro lang panlalaki at gamit ni Winter. Kahit sa laundry area, sa basket, wala naman akong nakitang damit ng babae. Mali ba ako ng akala? Was he a single dad? Divorced man? Widower? This is a sensitive topic so I better not ask his daughter about it.
"Winter." Pagkuha ko sa atensyon niya saka umupo sa kaniyang tabi rito sa sala. Nakasandal ang siko ko sa ibabaw ng sandalan habang nakalapat ang kamay ko sa gilid ng ulo ko. Inakyat ko 'yung binti ko sa sofa habang nakaharap sa kaniya. Tumingala naman siya sa akin, nakataas ang dalawang kilay, nagtatanong. "Anong grade mo na?"
"Turning grade 3 this coming school year."
My mouth formed an 'o'. "Ooh really? Ang galing naman. Magaling ka sa math?" Tumango siya kaya pilyo akong ngumiti. "Sige nga. One times one?"
Kumunot pa ang noo niya. Maybe she was thinking that that was the stupidest question she ever heard. "One." She confidently answered na ikinatawa ko nang mahina.
"Aba ang talino ah."
"That's basic."
Aba. Iba rin confident nitong batang ito. "Two times five?"
"Ten." Ang bilis niya sumagot.
"Eight times eight?"
"64."
My mouth twitched as I think of numbers. "9 times 6?"
"54." Ilang segundo lang siyang nag-isip nun. Ang galing naman nito. Humarap pa siya sa akin para ibigay niya ang atensyon niya sa'kin.
"Galing naman. O eto," nag-iisip ako ng numbers. "287 times 576? O ano sagot?" Binilisan ko pa 'yung pagtanong.
Nang tignan ko ang reaksyon niya ay doon ako humagalpak ng tawa kasi natulala lang siya sa akin tapos naiwang nakanganga ang bibig. She didn't see that coming. Hindi ko rin naman alam sagot doon. Nag-isip lang ako ng random numbers. Hindi ko na nga din matandaan 'yung binanggit ko.
"How am I supposed to know that?" Reklamong bulong niya saka umayos ng upo. Natatawa pa rin ako habang pinapanood siyang kalikutin ang tablet niya. Ang cute niya asarin. Ang akala ko ayaw niya ng makipag-interact sa akin kaso napansin kong calculator ang binuksan niya sa tablet. Namangha ako nang matandaan niya 'yung mga numero na binanggit ko. "165,312. Here's the answer. Is it correct?" Pinakita niya sa akin ang screen ng tablet.
"I see."
Nagsalubong ang kilay niya nang makita ang reaksyon ko. "I see? You don't know the answer either?" Umiling ako bilang pag-amin. Totoo naman e. Malay ko ba doon. Three digits iyon. Kaya ko lang magsolve ng multiplication hanggang 2 digits. And I hate Math. Sinukuan ko na 'yan dati pa. Buti nga kahit papaano ay nakapasa pa rin ako. "I thought you know the answer." She sounded disappointed.
"Hindi ko alam ah. Kaya nga tinanong ko sa'yo."
"You're an adult. You're supposed to know it." Nakanguso niyang tugon saka nagbukas na lamang ng videos na papanoorin sa tablet, natawa pa ulit ako. Ang cute! Sarap pisilin ang pisngi.
"Well, sad to say, not all adults have a built in calculator in their minds. And... hindi lahat ng bagay alam namin. 'Wag ka na magalit. Halika na rito." I stretched out my arms para hikayatin siyang lumapit sa akin. Sinilip niya pa ako bago siya gumapang palapit sa akin. Awtomatiko akong napangiti nang kumportable siyang sumisiksik sa katawan ko kaya naman niyakap ko siya sa kabilang bisig ko. Isinandal ko ang pisngi ko sa ulo niya as we both watched the cartoon show.
Ewan ko ba. Wala pa naman ilang araw nang makilala ko ang batang ito pero ang gaan talaga ng pakiramdam ko sa kaniya. Pareho sila ng ama niya. They both have this charisma that would instantly melt even the thickest ice cold heart.
Ganito lang naging takbo ng dalawang araw naming pagsasama habang hindi pa umuuwi ang papa niya. Sa umaga, maghahanda ako ng almusal niya. After noon ay maglilinis na ako. Then pagkatapos ng gawain ay sandali muna akong manonood sa TV habang si Winter ay nagbabasa ng pambatang libro. Pagkatanghali ay magluluto naman ako. Tinatanong ko palagi si Winter kung anong gusto niyang kainin. Buti nga kaya kong lutuin 'yung pinapaluto niya kaya keri naman. Tapos, kasama sa letter na kailangan patulugin ko siya ng hapon.
━━━━━━━━━━━━
5. Afternoon nap is important
━━━━━━━━━━━━
Nakikinig naman siya. Ang hindi ko lang inasahan sa kaniya ay ang pagiging hyper niya. Niyaya ko kasi siyang maglaro kami ng role playing since nakaindicate iyon sa mga dapat kong malaman. Grabe! Kakapagod, sobra. Sa sala kasi gumawa kami ng bahay-bahayan kuno, like a castle.
Kala ko simpleng actingan lang, bahay-bahayan ganun. Aba! Gawin daw ba naman akong monster. May nakahanda talaga siyang costume ng monster, kaloka. Ano bang binibili nitong Will na 'to sa anak niya? Ang akala ko pa magkukunwari siyang simpleng princess ganon. Jusko, si Winter, sinamahan ng action. Ayaw niya raw na siya 'yung nililigtas. That's why she turned into a princess warrior. Nag-abala pa kami sa paggawa ng armor and bow & arrow niya gamit ang karton para maging bongga ang costume niya. Sasabak ata 'tong contest para sa mga cosplayer e.
"Humanda ka! Dahil tatapusin ko na kayo." I said in my deepest voice. Parang masisira vocal chords ko nito sa sobrang baba. Nakapatong ako ng tayo sa sofa habang si Winter naman ay nasa ibaba habang nakaabang sa paglusob ko.
"I am Princess Winter, daughter of King Hanz, will fight you will all my strength! You better go back to where you belong if you don't want to get hurt." Sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko para manatili ako sa character na pinopotray ko pero kanina pa talaga ako gustong yakapin itong si Winter at panggigilan. Pagkacute kasi! Feel na feel niya character niya e.
Sunod kong ginawa ay tumalon sa sahig para sugudin siya. Gumawa pa ako ng ingay para masabing isa nga akong monster. Binato niya sa akin 'yung arrow na gawa sa karton na siyang tumama sa katawan ko. I acted like I'm pissed on what she did so I chased her around. Nauwi kami sa tawanan nang dakmain ko siya at patumbahin sa mga unan na nakalatag sa sahig. She started laughing when I tickled her. Nagpumiglas pa siya sa akin but I pulled her again towards me saka mas ganado siyang kiniliti.
Sa sobrang pagod namin sa pagkikilitian ay bagsak ang katawan namin sa mga unan. We stayed like this for a minute hanggang sa mapagdesisyunan naming magligpit na at magsnack. Hindi ko alam kung anong oras uuwi si Will. Kung ngayong gabi ba o bukas pa. Pangalawang araw na kasi ngayon, wala naman siyang nabanggit tungkol sa uwi niya.
Dumating ang gabi kaya sinabihan ko na si Winter na maglinis na ng katawan dahil kailangan niya ng matulog. Reminder number six.
━━━━━━━━━━━━
6. She should be in bed at 9, not later than 10
━━━━━━━━━━━━
Inayos ko pa ang pagkakalagay ng bedsheet at unan niya. Maaga pa naman pero hinihikab na ako. Dahil siguro sa pagod kanina sa pakikipaglaro kay Winter. Kailangan ko ata mag-exercise na ulit para hindi mabigla itong katawan ko.
Bumukas ang pinto sa kwarto at pumasok na si Winter na galing sa pagbihis. Napangiti agad siya nang makita ako na terno kami ng suot. We were wearing a matching onesies, parang pajama costume ganon. Pareho kaming nakabrown bear ang suot. Pinilit niya ako, anong magagawa ko?! Tumakbo agad siya palapit sa akin so I instantly spread my arms and lifted her up. Ipinatong ko siya sa kama.
"It looks good on you," she complimented when she lay down on her bed. Umupo ako sa gilid ng kama saka inangat ko ang comforter sa ibabaw niya para makumutan siya.
"It's looks good on you, too." I replied back. "Ikaw ba nagpabili sa daddy mo nito?" Tukoy ko sa onesies namin.
She shook her head. "Nope. Aunt Madi bought it for me para daw match kami."
"Aunt Madi?" I asked.
She nodded. "Yes. Dad's sister."
"Oh, okay." May kapatid pala siya.
"Ate Khai," tawag niya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Can you read story for me?"
"Story?"
"Hmm." Sandali siyang bumaba ng kama para may kunin sa mini bookshelf niya. Bumalik ulit siya kaya inayos ko ulit ang comforter sa ibabaw niya. "This." Inabot niya sa akin ang libro kaya naman kinuha ko iyon.
Mommy loves you
Iyon ang title ng book. Binuklat ko saglit 'yung libro to scan it. It looked like it was about the story of mother and daughter bears. I smiled at her then nodded. Naexcite siya nang pumayag ako kaya humiga na siya nang ayos. Niyaya niya pa akong tumabi sa kaniya kaya naman umakyat ako sa kama saka umupo, isinandal ang likuran sa headboard. Hindi naman ako magaling magkwento but I tried my best to put feelings in every words I narrated and every lines I expressed. Nakatingin lamang si Winter sa book habang taimtim na nakikinig sa kwento ko.
"Mom will always love you, my little child. And it will never change."
Napatitig ako sa huling page ng book na ito kung saan magkayakap 'yung mag-inang oso. Reading this book made me think of my mother, and it's weird kasi wala naman ako nun. Sinara ko na lamang ang libro at tinanggal sa isip ko 'yung pait ng nakaraan. Nang silipin ko si Winter ay nakapikit na ang mata nito. Para hindi ko siya magising ay dahan dahan akong bumaba sa kama ngunit napahinto ako nang magsalita siya.
"Stay," halos pabulong niya ng sabi, nakapikit pa rin. Hindi ako sigurado kung nagsasalita ba siya ng tulog o ano. Imbes na umalis ng kwarto ay pinili kong tabihan siya. Pinatay ko muna ang main switch saka binuksan 'yung night light sa may bedside drawer.
━━━━━━━━━━━━
7. She hates to sleep when the lights are off. TURN ON her night light
━━━━━━━━━━━━
Sumiksik agad siya sa akin saka tinandayan ang binti ko. It made me smile. She really was comfortable with me. It felt nice to have someone beside me as I dozed off to sleep. I missed this kind of feeling, na may katabi ako sa kama. Us, just peacefully sleeping.
Huling beses na nakatabi ko sa kama ay ang kapatid ko. Bata pa ako noon. But the moment she married someone, naiwan akong matulog mag-isa. Mabuhay mag-isa. Ate Vien wanted me to live with them dahil nag-aaral pa lang ako at ayaw niya akong maiwan mag-isa, but her husband didn't like that idea. Asawa niya na mismo ang nagpaalis sa akin. I don't wanna leave my sister with him, who happened to be pregnant that day, kasi may kutob akong hindi maganda ang magiging buhay nilang mag-ina sa kaniya. But I had no choice. Kung ipipilit ko ang sarili ko kay Ate, madadamay sila at hindi sila mismo tutustusan ng tatay. Wala pa akong pera noon para kunin sila at panagutan lahat ng gastusin dahil student pa lang ako noon kaya ako na mismo ang umalis. Tapos 'yung pera na inipon ko, nauwi lang sa wala after I got scammed.
Sa murang edad, natuto akong pumasok sa kung ano-anong trabaho. Kasi pinangako ko sa sarili ko na kapag may trabaho na ako, napatayo ko na ang pinapangarap kong bakeshop, at marami na akong pera ay kukunin ko sila sa asawa niya. Wala naman kasing kwenta iyon. Sa una lang magaling. Nang magsimulang malulong sa sugal at alak, naging pariwara na. Minsan ko pang nahuli iyon na binugbog si Ate nang dalawin ko sila at mapansin na may pasa ito sa katawan. Simula talaga ng araw na iyon ay sinumpa ko 'yung walang kwentang lalaki na katulad niya.
Kaya nga sobrang namangha ako nang makilala si Will. Kasi ibang iba siya sa asawa ni Ate. As in, hindi sila magkalebel. Libag lang ata siya ni William. Kitang kita ko kasi kung paano alagaan ni Will ang anak niyang si Winter at ramdam ko ang pagmamahal nito. Nakakainggit lang na hindi ko man lang naranasan iyon. Nakakainggit na hindi man lang naranasan iyon ng pamangkin ko.
Nasa malalim akong tulog nang maramdaman ko na may gumagalaw ng comforter. Pagmulat ko nang mata ay may naaninag akong tao na nakatayo sa gilid ko. It took me seconds to realize that it was William. Natigilan siya sa pag-angat ng comforter nang makitang nagising ako.
He cleared his throat. "Good morning." Mahinang bati niya para hindi magising itong bata sa tabi ko na nakabaluktot ang katawan at mahimbing pa rin ang tulog.
"Good morning." Tumayo siya nang tuwid nang bumangon ako. Pinunasan ko agad ang bibig ko dahil baka may natuyong laway kung makita niya. Bawas ganda points din 'yun! "Kakauwi mo lang ba?" Tanong ko nang makaalis sa kama.
Hindi muna siya sumagot nang pagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Ako tuloy ang nahiya. Nakasuot pa rin pala ako ng pajama costume ng bear. Sumilay ang ngiti sa labi niya. Mukha ba kong ewan sa suot ko?
"You looked cute in that dress." He said. "Ano ka? Si Mama bear?"
Tapos ikaw si Papa Bear?
Umiwas ako ng tingin saka nagsimulang magmartsa sa pinto ng kwarto. Mukhang hindi ko na kailangan pang marinig ang sagot niya sa tanong ko kasi halata naman na kakauwi niya lang dahil nakasuot pa siya ng skyblue button down shirt with a three colored stripes on each side of its sleeves at black pants.
"Magluluto lang ako ng almusal. May gusto ka bang ipaluto?"
"Anything will do." He answered.
Napasandal pa ako sa pinto pagkalabas. My heart skipped a beat for a few seconds. Weird heart.
***
Halos kalahating buwan na rin since I started working as a certified nanny of Winter at wala naman kaming naging problema. Nakakabonding ko si Winter. Naglalaro pa kami sa playground if ever na pumayag si Will kapag nagpapaalam ang anak niya. Sa mga araw na iyon ay mas lalo akong napapalapit kay Winter. Minsan ko lang makasalamuha si Will, madalas sa gabi lang kapag nakauwi na siya galing Clinic.
Grabe pala pagkaworkaholic ng lalaking 'yon. Kaya naman pala need niya ng mag-aalaga sa anak niya kasi wala talaga siyang time. Everytime na uuwi siya, he looked exhausted. Pero hindi niya iyon pinapahalata lalo na sa anak niya. I was like a proud wife watching them interact with each other.
Ay wow! Wife? Tigil tigilan mo ko, Khaila. Kaharutan ko na naman jusko.
"Gusto niyo po ba ng coffee?" Tanong ko kay Will nang maabutan ko siya sa dining table, busy sa pagtipa sa keyboard ng kaniyang laptop. Day off niya kasi ngayon. Kakatapos ko lang rin sa laundry. Snack time na rin ni Winter kaya magluluto na ako ng grilled cheese sandwich na gusto niya. Mga ganitong oras kasi ang gising noon sa hapon.
Sandaling umangat ang tingin sa akin ni Will bago siya tumango. "Yeah sure."
Abala ako sa paggawa ng kape niya nang maisipan kong silipin ang kaniyang ginagawa. When I stared at the screen, it looked he's in the website of a school. Naalala ko, nabanggit nga pala sa akin ni Winter na malapit na raw pasukan niya. Halata ngang excited iyon kasi tuwang tuwa siya noong bumili kami ng school supplies niya, kasama namin si Will nun. Natawa pa ako kasi puro 'yung cover ng mga notebook niya ay mga cartoon ganun. E noong panahon ko dati, puro mga TV shows 'yung cover, mga character sa Filipino TV series or movie.
Kamiss tuloy mag-aral. Pero Elem lang ha, 'wag na Highschool or college. Mas gusto ko pang magbasa basa lang tapos tamang palo lang sa pwet kapag mali 'yung sagot sa math.
"Anong ginagawa mo? I mean, ano pong ginagawa niyo?" Tanong ko kay Will nang mailapag ang coffee niya sa mesa.
"Ah wala 'to. Tinitignan ko lang kung naglabas na ba sila ng schedule ng class." He answered then took a sip of coffee. "F#ck." Daing niya nang mapaso sa init nito.
"Dahan dahan, mainit 'yan." I warned him kahit huli na kasi napaso na siya.
"Yeah. Ramdam ko nga."
Kumuha ako ng tissue saka inabot sa kaniya. Wala na kaming mapag-usapan kaya nag-isip ako ng pwedeng sabihin para hindi naman awkward na nakatayo lang ako habang hinihintay na maluto itong sandwich.
"Anong favorite subject ni Winter?" Ang ganda ng tanong, Khai. I mean, pwede ko naman itanong iyon sa anak niya mismo. Wala naman kasi akong maisip! At saka, pwede na rin 'tong tanong ko na 'to. I can test his knowledge about his daughter. Malalaman ko kung kilala niya ba talaga anak niya.
"Well mmm." Ang sarap sa pandinig 'yung pag-hum niya. "Her most favorite subject is English. And then math. And science." Binilang niya pa sa daliri niya 'yung mga subject nang silipin ko siya. Kinuha ko na 'yung sandwich sa pan saka inilipat ito sa plate. "The subject she hates the most is Filipino. Weird ng batang 'yun. Pilipino naman pero ayaw ng Filipino. Nakakalito raw."
Napangisi ako. Same rin naman kami. Isa rin 'yung Filipino subject na medyo nahirapan ako since mabilis akong malito lalo na sa mga term ng parts of speech ganun. Madalas ko silang napagbabaliktad. Pero keri naman. Depende lang siguro sa tyaga at pasensya.
Okay! Pasado siya! He knew his daughter.
"Hinahatid sundo mo ba siya?" Tanong ko nang makaupo sa tapat niya matapos mailagay 'yung pagkain sa mesa.
"Actually dyan ako namomoblema. Dati kasi, noong nandito pa 'yung kapatid ko, siya 'yung taga hatid sundo ni Winter sa school. Ito ang magiging unang school year kung saan wala ang Tita niya kaya iniisip ko pa kung paano magiging set up." Paliwanag niya saka kumuha ng sandwich. "Kain ka na rin. Bababa na rin siguro 'yung isa." Aniya saka nilipat 'yung pagkain sa platito niya.
"Edi ako maghahatid sundo sa kaniya." I suggested.
"Commute?"
Tumango ako. "Yeah."
Napaisip pa siya habang nakagat sa sandwich. "Maybe I should hire a driver para may maghatid sa inyo. What do you think? I have two cars naman."
Iba talaga pag mayaman. May pa two cars. Hindi ko pa kasi nararating ang garahe ng bahay niya kaya hindi ko pansin na dalawa pala sasakyan niya. Isa lang din naman ang nakikita ko na ginagamit niya.
"Ikaw bahala."
Ngumiti siya. "Okay. Maghahire ako ng driver, tapos ikaw kasama maghatid sundo." Ulit niya sa sarili niya.
"If pwede malaman, nasaan na pala kapatid mo, 'yung Tita ni Winter?" Maingat kong tanong.
"Ah 'yun, kinailangan niyang umalis papuntang Paris. Kaya ayun, kami na lang ni Winter ang naiwan."
Ipinagtaka ko ang huli niyang sinabi. 'Kami na lang ni Winter ang naiwan'. Wait? So wala nga siyang asawa? Nasaan ang mommy ni Winter? May kung anong mali sa puso ko dahil mukhang nagdiriwang pa ito sa nalaman ko. Magtigil ka, Khaila. 'Wag ka muna mag-assume.
Bumaba na rin si Winter na mapungay pa ang mga mata na siyang nagpahinto na rin ng pag-uusap namin. Naghuhugas na ako ng pinagkainan nang mapansin kong ubos na 'yung diswashing liquid. Tinuro niya naman kung saan iyon nakalagay kaya naman binuksan ko 'yung wall cabinet. Napabuntong hininga ako nang makitang nasa dulo ito nakalagay kaya hirap akong abutin. I even stood on tiptoes but I still couldn't reach it. Ano ba naman iyan? Luminga pa ako sa paligid at naisipan na gamitin 'yung upuan para maging patungan ko.
Inusog ko iyon sa tapat ng wall cabinet saka pumatong. Napangiti ako nang tuluyan na itong makapa at makuha. Pahirapan pa e. Bababa na sana ako nang bigla akong madulas dahil hindi ko pala tinanggal 'yung suot kong slippers. Nabitawan ko 'yung bote ng diswashing liquid. T#nga talaga.
"Sh#t."
"F#ck."
Naghanap ako nang makakapitan kaso wala, huli na. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay naramdaman ko na lamang ang katawan ko na bumagsak sa... takang taka ako nang maramdaman na hindi matigas na sahig ang binagsakan ng katawan ko. When I tried to see where I landed, my eyes widened only to see William groaned in pain underneath me. Kaya naman pala hindi ganoon kalala ang bagsak ko kasi imbes na sa sahig ay sa katawan niya ako lumanding. He caught me from falling on the ground.
"William!" Nagpapanic kong sambit saka mabilis na bumangon. Lumuhod ako sa tabi niya, sinusuri kung ayos lang ba ang kalagayan niya. "Ayos ka lang?"
He winced before he spoke. "You should have called me kaysa naman gumawa ka ng stunt dyan."
"Sorry." I said in an apologetic voice. "Masakit ba?" Hinawakan ko ang braso niya para tulungan siyang bumangon. But instead of answering my concern, mas inuna niya pang alalahanin ang kalagayan ko.
"Nasaktan ka ba? Patingin nga. Baka nagkasugat ka." He examined my arms.
Kinabahan ako na baka marinig niya ang nangyayari sa katawan ko. My heart... my heart pumped harder like what happened before, but much longer this time. It's acting weird again. I calmed myself saka mabilis na tumayo.
"Ayos lang ako. Tumayo ka na dyan." Mabilis kong sambit. Inabot ko ang kamay ko at kinuha niya naman iyon. Hinila ko siya patayo. "T-thank you."
"Sure ka bang hindi ka nasaktan?"
"A-ayos nga lang." Sagot ko nang hindi makatingin ng diretso sa kaniya. "Salamat sa pagsalo sa akin." Tumalikod na ako saka pinulot 'yung lagayan ng dishwashing liquid. Gusto ko sanang tumakbo sa kwarto sa sobrang kahihiyan ko kaso may hugasin pa ako.
Sandali pang nakamasid sa akin si Will bago siya lumapit sa tabi ko. Kumabog lalo ang puso ko dahil sa lapit namin sa isa't isa. "You should go upstairs and check yourself if ever you got any bruises. Ako na bahala dyan."
Aagawin niya pa sana 'yung sponge ngunit inilayo ko ito sa kaniya. "'Wag na. Ayos naman ako e."
"Akin na." Pangungulit niya.
"Ano ba?" Itinago ko sa likuran 'yung sponge kaya humakbang siya sa tapat ko para kunin iyon. Sa sobrang abala ko sa paglayo nito sa kaniya ay huli ko ng namalayan na sobrang lapit na namin sa isa't isa. Our chest almost touched, our faces were just inches apart. Nagpigil ako nang hininga lalo na nang magtama ang tingin namin. I froze, so was he. Nagwawala na masyado ang puso ko na baka marinig niya sa sobrang lapit namin. Ilang segundo pa kaming magkatitigan hanggang sa mahuli kong bumaba ang tingin niya sa labi ko. He gulped.
It seemed like we both got hit by realization nang agawin niya mula sa likuran ko 'yung sponge saka tuwid na tumayo. He even cleared his throat before he spoke. "Go take a rest. Ako na bahala rito." His voice was stiff. Napaatras ako nang sakupin niya 'yung pwesto ko sa lababo.
Wala akong laban kaya nagmartsa na lamang ako. Pabalik na ako ng kwarto ngunit hindi pa rin tumigil ang puso ko sa pagtibok nang mabilis.
What the hell? Bakit may pag dug dug 'tong puso ko? Pechay p***y mo lang dapat ang dumu-dug-dug sa kaniya!