18

3806 Words
Her POV "Hey. Hindi ka makatulog?" Tulala lamang ako habang nasa terrace ako, nakaupo at kung ano-ano ang tumatakbo sa aking utak. I watched Will sit on the vacant chair beside me. Isinandal ko na lamang ang ulo ko sa headrest. Nakatingin lamang ako sa munting liwanag sa garden sa harap ko. It's been two days but I'm still bothered by that message, especially from that guy. Pinatay ko na nga lang ang phone ko para hindi ko na mabasa pa ang message niya. Kaso kinabukasan naman ay nabasa ko na naman ang message niya ulit. Unknown: We need to meet. I think you owe me something "Should I meet him?" Tanong ko sa sarili ko. Ang akala ko sa isip ko lang iyon tinanong ngunit lumabas din pala sa bibig ko kaya napatanong si Will. "Who?" He asked, completely baffled. Nilingon ko si Will. Nakwento ko na rin naman sa kaniya 'yung aksidente noong Sabado. Siya pa nga rin nagsabi na magsorry ako sa lalaking 'yon. But I just don't have the courage to face that guy after the mess I made. Napahiya kaya ako! Umay kasi sa'yo, Khaila. Why did I even tried to be heroic? O, ito tuloy ang napala ko. Ang akala ko makakatakas na ako roon. "Kinuwento ko sa'yo 'yung nasipa ko noong Sabado diba? The guy I thought na manyak." Pahayag ko kay Will. He nodded. "What about it?" Nagpakawala ako ng buntong hininga. "He found out my number." Kumunot ang noo ni Will. "How?" "I don't know. Maybe from the registration sa baking class since siya 'yung pastry chef." Sagot ko. "Is he bothering you?" Will looked worried from the tone of his voice. "I owe him a proper apology. That's what he reminded me when he said he wants to meet me." Iniisip ko kung dapat ba akong makipagkita sa kaniya. Ayoko naman maging bastos since I really do owe him an apology. Hindi lang naman simpleng kasalanan ang nagawa ko. Sinira ko ang araw niya by accusing him a pervert and criminal. Not only that, I even physically hurt him. Maybe he was still holding a grudge against me. Ayoko naman na dumating ang araw na karmahin ako matapos niya akong sumpain na hindi magiging maganda ang buhay ko. Gusto kong gumanda ang buhay ko ano! "Gusto mo bang samahan kita for safety if ever you agreed to meet him?" Alok ni Will. I looked straight into his eyes. Why was he bothering to involve himself in my own problems? "Hindi na. Kaya ko naman. Sa mataong lugar na lang siguro kami magmeet para kung sakaling kidnapin niya ako at balak parusahan, may makakakita at makakarescue agad sa'kin." I joked but Will didn't find my humor funny. "Do you want me to put tracker in your phone?" Seryosong tanong ni William na ikinatawa ko nang mahina at umiling. "Ano tayo? Nasa movie?" Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka naglakad papunta sa tapat niya. I straddled his hips and I even heard a soft moan from him. Sinuklay ko ang buhok niya bago siya malagkit na tinitigan sa mata. "Kaya ko ang sarili ko, Sir. Hindi naman ako prinsesa na kaligtas-ligtas. I can stand on my own." I licked the side of his lips. "But thanks for the concern. Salamat sa pagiging protective f#ckbuddy." Napasinghap ako nang hawakan niya ako sa bewang ko. Kahit may suot naman akong damit ay pakiramdam ko nanunuot pa rin ang init ng palad niya sa balat ko. Hinalikan niya ako sa labi kaya napahawak ako sa balikat niya. "I don't wanna hear that again from you." He muttered between our passionate kiss. "Hmm?" "F#ck buddy. Those words." Humiwalay ako sa labi niya para matitigan siya. Kinunutan ko rin siya ng noo. "Bakit? Allergic ka ba sa word na 'yun?" "No. It's just that—" He paused. "Ang panget lang pakinggan." Natawa ako nang mahina. Anong pinagsasabi nito? Panget pakinggan? Iyon nga ang status namin tapos sasabihin niyang panget pakinggan. "So ano? Gusto mong pabanguhin ko? Like what? A non romantic partners in bed? Gusto mo ba 'yun? Or s*x partners in crime?" Walang emosyon niya lamang akong tinitigan. Bumuntong hininga lamang siya bago niya ako iangat patayo para makatayo na rin siya. "Go back to bed. Baka lamigin ka pa rito." Malamig niyang saad. Napatitig na lang ako sa kaniya nang pumasok siya sa loob ng bahay at iniwan akong nakatayo dito sa terrace. Problema non? Bakit biglang naging moody? Kanina lang concern, tapos naging protective, tapos ngayon naman ay kasing lamig ng yelo kung iwan ako rito. Daig pang may dalaw e. Bumalik na lamang ulit ako sa kwarto. Wala akong nadatnan sa kama kung hindi malamig na mattress lamang. Mukhang walang balak si William na matulog dito. Bago ako matulog ay inisip ko muna ang gagawin ko to that guy. I just decided to meet him para naman hindi na ako gambalain ng konsensya ko. I brought out my phone and typed a message to that guy. Me: Send me the time, date, and location. I'll meet you there Gaya ng napag-usapan ay pinuntahan ko ang lalaking iyon sa location na binigay niya. Mabuti na lamang ay sa isang kilalang coffee shop kaya naginhawaan ako. Aba, subukan niya lang na makipagkita sa mga eskinita eskinita, hindi ako magdadalawang isip na hindi siya siputin. Malay ko ba kung katiwa-tiwala siya. Mamaya sa tindi ng galit niya sa akin ay maisipan niya akong gantihan. Nagdala na nga lang din ako ng pepper spray e. Si Will ang nag-iwan nito sa ibabaw ng drawer ko. Hindi lang spray kung hindi pati self defense alarm na ang lakas ng tunog kapag pinindot. Ang sabi pa sa note na nakalagay, "for safety". Natouch naman ako sa concern ng lalaking 'yon kahit biglang naging moody. He even told me na imessage siya kapag nakarating na ko. So that's what I did. Huminga muna ako nang malalim bago ko itulak 'yung glass door sa coffee shop. Nilibot ko ang paligid at hinanap 'yung lalaki. Hindi ko masyadong matandaan ang mukha nito noong nakaengkwentro ko siya dahil hindi ko naman gustong maalala pa. Sinilip ko ang phone ko. Tama naman itong coffee shop ah. "Psst." Iyon ang umalingawngaw sa paligid kaya hinanap ko kung saan nanggaling iyon. Sino 'yun? May naririnig ba akong hindi ko dapat marinig? Iyong mga tao naman na narito ay may sariling mundo kaya hindi sa kanila nanggaling iyon. "Dito sa taas." Doon umangat ang tingin ko at natanaw ang isang lalaki na nakasandal ang bisig sa railings habang sa akin nakatingin. Nginitian niya pa ako. Siya ba 'to? Inusisa ko pa ang paligid ko kung ako ba tinutukoy nito. "Khaila Rachel Buena," tawag niya sa pangalan ko at doon ko nakumpirma na siya nga ito. May tinuro siya at iyon ang hagdan. Shala naman ng coffee shop na 'to, may second floor. Umakyat na ako at nilapitan na table kung saan siya nakaupo na. Nang makaupo sa kaniyang tapat ay pinagmasdan ko muna ang paligid nito. Mas maaliwalas ang paligid dito sa taas dahil sa mga hanging plants. As in napapalibutan ng green plants kaya relaxing tignan. Nang ilipat ko ang atensyon sa lalaking nasa harap ko ay prente lamang itong nakaupo habang nakatingin din sa akin. Nakasuot lamang ito ng simpleng white shirt at black pants. He had one small piercing on his right ear. Mayroon din siyang silver necklace. Kahit ang aura niya ay may pagka-bad boy. Kaedad ko lang ba 'to? I couldn't tell. "Ang akala ko hindi ka sisipot." Saad niya. "Why would I? Hindi naman ako nang-i-indyan." Sagot ko. "You didn't attend the class kanina kaya ang akala ko hindi mo ko sisiputin." Sambit niya saka humalukipkip. Sabado ngayon at pinili ko talagang hindi na umattend pa roon. I'm going to back out. Sinabi ko kasi sa sarili ko na ito na ang huling pagkakataon na makikita ko pa siya. May iba pa naman sigurong class na libre. Or pwede namang hindi na ko umattend sa mga ganyan ganyan. Bahala na. "Bakit nga pala hindi ka sumipot? Nakaregister ka diba?" He added. Ano namang pake nito kung hindi ako sumipot? I tried not to be rude so I answered him nicely. Tandaan mo, Khaila. May kasalanan ka sa taong 'to. "Hindi ko na itutuloy. Naisip ko na hindi ko kayang hatiin ang oras ko since I'm a busy person." I lied. I mean totoo rin naman. May gampanin ako bilang tagapag-alaga ni Winter. Nasa Clinic nga ulit iyon e kasama ng papa niya kasi may lakad ako. Susunduin ko na lang siya pagkatapos nito. "A busy person, huh. It's either totoo 'yang sinasabi mo or..." He leaned forward, his arms rested on the table. "You're just avoiding me." Tinitigan niya ako sa mata. Ayokong magpahalata na nakuha niya ang totoo kong dahilan kaya nilabanan ko rin ang titig niya. He just smirked and sit up straight. "Let's talk about it later. Why don't we order drinks first? Shall we?" Dinampot niya ang menu na nasa ibabaw ng table saka tinignan ang mga nakasulat dito, namimili na ng oorderin. "Hindi ako magtatagal. Ngayon na natin pag-usapan." He smirked again. It irritates me. "Bakit ka ba nagmamadali? May iba ka bang lakad?" He asked, then he gave me a suspicious look when he put down the menu he was holding. "O baka naman may meet up kayo ng boyfriend mo after this kaya nagmamadali ka." Makahulugan niyang sambit. My forehead instantly frowned after hearing that last sentence. "Excuse me?" He just shrugged. "Just saying. Bakit? Ano ba ang totoo?" "Ayoko lang magtagal dito dahil may trabaho pa ko." Sagot ko. "So wala kang imimeet up na boyfriend?" Ano bang problema ng lalaking 'to? Bakit ba idinidiin niya na may plano akong makipag-meet up sa lalaki? "Sinabi na sa'yo diba? Wala nga." "Wala." Ulit niya. "Wala dahil wala sa schedule or wala kasi wala kang boyfriend? Alin sa dalawa?" Nagsalubong ang kilay ko saka napabuga ng hangin. Umiikli na masyado ang pasensya ko sa lalaking 'to. "Bakit ba tinatanong mo pa 'yan? Ano naman sa'yo kung meron? Alam mo hindi ito ang pinunta ko rito. I came here because I want to apologize to you. Gusto kong magsorry kasi pinagbintangan kita and I even hurt you. Alam kong mali iyon kay—" "Sandali." I stopped myself from talking when he raised his hand towards me, showing me his palm. "Why don't I feel any sincerity in every words you said? Napipilitan ka ba?" "Ano bang gusto mo? Should I kneel down in front of you so that I could prove to you na sincere ako sa paghingi ng tawad?" Tanong ko. "No. You don't have to do that. Tinatanong ko lang naman kasi kung bakit madaling-madali ka na makaalis dito. Ang gusto ko lang naman ay makapag-kape muna tayo bago mo sabihin ang gusto mong sabihin." Paliwanag niya. Pinahinahon ko ang sarili ko. Ayokong makipagtalo sa lalaking 'to. Sumasakit lang ulo ko. "Pwes, Sir. May trabaho akong kailangan balikan kaya hindi ako pwede magtagal." "Ano ba trabaho mo?" Bakit ba ang hilig nitong magtanong ng personal? We're not even close for Pete's sake. "Wala ka na do'n." "Such an impatient woman." Bulong niya. Itatanong ko sana kung ano 'yung binulong niya pero hindi ko na binigyang pansin. Wala akong pake kung maging bubuyog siya dyan kakabulong. Nakakairita kasi! Panay tanong sa mga bagay na wala naman dapat siyang pake. He's frustrating me. "You know what, woman, I've changed my mind." Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Humalukipkip pa siya saka seryoso akong tinignan. "I don't wanna hear your apology anymore. Papatawarin lang kita sa ginawa mo if you do me a favor." Dugtong niya. Pinaprocess pa rin ng utak ko ang sinabi niya. Ano? Ayaw niya ng marinig ang apology ko? Favor? Ano bang tumatakbo sa utak ng lalaking 'to? "Whether you like it or not, you're going to work as my assistant." He added. Halos magtagpo na lang ang kilay ko nang magtaka sa sinabi niya. Assistant? May ubo ba 'to sa utak? Bakit naman ako papayag na magtrabaho sa kaniya? Hunghang ba siya? "Ano bang pinagsasabi mo?" "Hindi mo ba naintindihan? You'll be my assistant." Ulit niya pa, inemphasize lang. "Sapat na siguro ang isang buwan na magtrabaho ka para sa akin." Tinaasan niya ako ng kilay. Naiirita ako sa mukha niya. "At bakit naman ako papayag sa ganyan aber?" He squinted his eyes on me. "Bakit?" Isinandal niya ulit ang bisig niya sa mesa saka tinignan ako nang diretso sa mata. "For what you've done to me, sa pag-akusa sa akin na manyak at kriminal ako. Sa pagsipa mo sa akin na nagbigay sa akin ng pasa at sakit sa katawan. I even broke my phone that day. No. You broke my phone. Tingin ko hindi lang simpleng apology ang kailangan ko." "So ano? Kukunin mo kong assistant para lang paghigantihan mo? Ano papahirapan mo ko?" "No. What the f#ck? Why would I do that? Hindi ako bababa sa ganoong level. Like I said, I just need a favor. Ang maging assistant ko ang kapalit sa ginawa mo sa'kin. My bakeshop is in need of staff right now. Umalis ang assistant ko for medical reasons and I need an immediate replacement." "Bakit ba ako? Kunin mo na lang ang apology ko." "Need ko na nga diba? Ikaw lang ang naisip ko since you're interested in baking." "May trabaho ako. Hindi ko iiwan ang trabaho ko para lang magtrabaho sa'yo." Sagot ko. Huminga siya nang malalim. "Fine. How about weekends?" "May trabaho nga rin ako nun." Naiirita na ako sa lalaking 'to. Ang demanding. "Weekends? But you were available last Saturday just to attend the class. Which means there's a possibility na wala kang work sa ganoong araw. And most of all, Linggo? Ano bang trabaho mo para maging unavailable ka sa araw na iyon?" "Yaya ako bakit?" Napataas siya ng kilay na animo'y nakarinig ng chismis. "Yaya? Really?" Pinagmasdan niya ako saglit mula ulo hanggang baba. "Interesting" He mumbled. "Then sabihin mo sa amo mo ang tungkol dito. Hindi ko na problema 'yun." Napahawak ako ng sentido ko nang maramdaman ang kirot sa ulo ko. "What if ayoko talaga?" "Then... you must pay for the damage that you've done. How about 50k? Don't worry discounted na 'yun." "50k?! Hindi naman kita nabalian ng buto ah!" Singhal ko sa kaniya nang hindi makapaniwala sa sinabi niya. "How about my phone? Ang mahal ng phone ko na sinira mo lang. Alam mo bang kinailangan ko pang galawin ang savings ko para lang makabili ng bago?" Hindi ako nakasagot. I still looked at him in disbelief. This guy is insane. "Fine, 35k. Pili ka. Pay me that money or just be my assistant? You choose." May kinuha siya sa wallet niya saka ipinadulas ito sa table palapit sa akin. It was a business card. "Just call me kung nakapagdesisyon ka na." Tumayo na siya at aalis na sana siya ngunit huminto pa siya sa gilid ko at hinawakan ang balikat ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin bago bumulong. "I'll wait until the next Saturday. Either you show up with the money or you show up as my assistant." Mahinang sambit niya sa tenga ko. Mabigat ang kamay nang tapikin niya ang balikat ko bago niya ako iwan. That f#cking guy! 35k? Saan ako pupulot no'n? At talagang nagbigay pa siya ng numero na hindi madaling bayaran ng isang yaya na katulad ko. May utang pa nga ako sa amo ko. Iyong ipon ko ay hindi pa ata aabot sa 10k para ibayad kay Will. Tapos ngayon may utang na naman ako ng 35k? Napahilamos ako sa mukha ko. Sumasakit lang ulo ko. Ano bang gagawin ko? Lutang ang isipan ko nang magtungo ako sa Clinic. Muntikan pa nga akong lumagpas. Buti nagising din ako sa reyalidad at nakapara agad kay Manong. Ang akala ko tuluyan ng naputol ang kamalasan sa buhay ko kaso may pahabol pa pala. Nadelay lang pala ng ilang months. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nasa may glass door na pala ako dahilan para mauntog ang ulo ko. "Aray!" Napahawak agad ako sa noo ko. Ang sakit gagi. Patay malisya ko na lang binuksan ang pinto ngunit nakita pala ako nang babae na nasa front desk. Nagpipigil siya ng tawa sabay iwas ng tingin sa akin. Nagkautang na nga, napahiya pa. May balat ba ako sa pwet? Ipacheck ko nga kay Will mamaya para naman may masisi ako sa kamalasan na nangyayari sa akin. "Si Doc William po?" Tanong ko sa babae na nasa front desk. "Ah nasa office niya po. May appointment po ba kayo sa kaniya?" Magalang nitong tanong. Napaka-professional. Parang kanina lang ay pinagtawanan nito ang katangahan ko. "Wala. Pero pwedeng sabihin mo lang sa kaniya na nandito ako? Sabihin mo nandito si Khaila." Sagot ko sabay ngiti rito. "Ah sige po." Sandali siyang umalis para siguro sabihan si Will at bumalik din sa akin. "Pasok na daw po kayo sa office." Tumango ako at nagtungo na sa office kung nasaan si William. Kinatok ko pa ang pinto bago dahan dahan na binuksan iyon at sinilip ang loob. Napansin ko si Will na nasa desk niya habang nakatutok sa computer. Seryoso ang mukha nito. Nang silipin niya ako ay doon sumilay ang ngiti sa mukha niya. "Hello," bati ko sa kaniya. "Pasok ka." Tumayo na siya at sinalubong ako. "Bakit ka nandito? Tapos na ba meeting mo don? Kumusta naman? Nasettle niyo na ba?" Sunod sunod ang tanong niya. Nilingon ko muna ang paligid ngunit napansin ko na wala rito si Winter. "Nasaan si Winter?" Tanong ko. "Aah, lumabas muna saglit kasama ng assistant ko. Nagugutom daw e." Sagot niya kaya tumango-tango ako. "So how was it?" "Huh?" "'Yung pag-uusap niyo nung lalaki ngayon, kumusta ba? Did he accept your apology?" Curious niyang tanong. Wala pa ako sa huwisyo para pag-usapan iyon kaya naman tumingkayad ako saka kumapit sa balikat niya para mahalikan siya. Pumupulot naman agad ang braso niya sa bewang ko. "Maya na lang natin pag-usapan. Wala akong energy ngayon." Nagtungo ako sa kama at umupo sa gilid nito. Sumunod naman siya saka tumapat sa akin. "Bakit? Hindi ba naging maganda? Nagtanim ba siya ng sama ng loob? Did he decided to sue you? Should I hire a lawyer para ipagtanggol ka?" Napairap at napailing na lang ako sa sinabi niya. I'm not even sure if he's serious or not. "Timang hindi. Humingi lang siya ng favor." "Favor? What favor?" Sa kakatanong niya ay kinurot ko ang tagiliran niya dahilan para umiwas siya. "Tanong nang tanong, William. Sabi ng ikukwento ko sa'yo mamaya." Tumawa lamang siya bago niya ako itulak nang marahan sa balikat dahilan para mapahiga ang likuran ko sa kama. Yumuko naman agad siya para ilapit ang mukha niya sa akin at mapusok akong halikan. Shuta! Dito talaga sa office, Sir? Kinabahan ako. At the same time ay naexcite sa thrill na nararamdaman ko. Bumalik ata ang nawalang enerhiya sa akin at handang makipagjugjugan dito kay William. Nasa leeg ko na siya at pinapapak na ako nang biglang may kumatok sa pinto. Narinig kong bumukas ito dahilan para marahas kong itulak si Will palayo sa akin. Tumayo agad ako at mabilis na lumayo si Will sa akin para bumalik sa desk niya. "Winter," bati ko rito nang pumasok ito ng office na may hawak na sundae. Nagulat pa ito nang makita ako rito sa loob. "Ate Khai!" Bumaba agad ako para mayakap siya. "Nandito ka." "Yes, baby. Susunduin kita, diba?" "Ay oo nga po pala." She giggled before she walked towards her dad. "Dad, aalis na po kami." Hinawakan ni Will ang anak niya sa tagiliran saka inangat ito para mapaupo sa hita niya. "Aww aalis na kayo?" Tumango si Winter. "Hmm okay po. Penge muna ako niyan. Pwede?" Tukoy niya ang sundae na hawak ni Winter. Sumandok naman ang anak niya ng malaki saka inilapit sa bibig ni Will. He ate it with a smile on his face. "Thank you." Bumaba na si Winter at tumakbo pabalik sa akin. "Ingat kayo, okay? I'll just text you kung makakaabot ako sa dinner or not." Pahayag ni Will. Lumabas na kami ng Clinic ni Winter at bumyahe na pabalik ng bahay. Kinagabihan ay sinabi ko kay Will ang nangyari kanina nang tabihan niya ako sa kama, nakasandal kami pareho sa headboard. Pili lang ang sinabi ko. I didn't mention to him na kailangan kong magbayad. Baka kasi pautangin niya ako e may utang pa nga ako sa kaniya. Ayoko ah. I decided na piliin ang pangalawang option. Sobrang hirap naman kasi na mabayaran ang ganoong kalaking halaga sa isang linggong palugit kaya wala akong choice. "Are you sure you're okay with that?" Tanong ni Will. "Wala bang ibang choice? I can pay him para bayaran 'yung phone and every expenses na nilabas niya. Bakit kailangan ka pa niya maging assistant?" Kinagat ko ang ibabang labi ko, nag-iisip ng isasagot para hindi niya malaman ang totoong dahilan. "Hayaan mo na. Ito lang ang kaya kong gawin para makabawi sa lalaking iyon." Nag-aalala ang mukha niya habang nakatitig sa akin. "I'm worried." Nilingon ko siya. "Pero ikaw ba? Ayos lang sa'yo? Every weekend wala ako rito." Tanong ko sa kaniya. Dahil kung ayaw niya ay mapipilitan akong umutang na naman sa kaniya. Hindi niya alam kung tatango ba siya o hindi. In the end, he just nod his head. "Yeah. I can take care of Winter. Weekend naman. Hindi ka naman siguro 24 hours nandoon." "Hindi ah. Uuwi din agad ako dito. Sa tingin ko hanggang 7pm lang naman iyon." I told him. Pansin ko ang lungkot sa mukha niya. "Bakit parang malungkot ka? Bakit ha? Kasi mamimiss mo ang s*x partner in crime mo?" Biro ko pero inirapan niya lang ako. Natawa lang ako sa pag-irap niya. Suplado naman. Umaakto na naman pagiging moody nito. "Weekend lang naman e. Huwag mo na ko mamiss. Ikaw naman. Ganoon ka ba kaaddict sa'kin?" Panggagatong ko pa sa biro ko. Lumapit siya sa akin saka humiga at ginawang unan ang hita ko. Kaharap ko ang likuran niya habang nakabaluktot ang katawan niya para magkasya siya sa kama. Hinawakan ko ang buhok niyo at marahan itong sinuklay. Ngunit napatigil agad ako nang marinig ang huling bulong niya. "Hmm mamimiss kita." Napakahina noon pero dahil sobrang tahimik ng paligid ay malinaw na malinaw iyon sa pandinig ko. I felt a familiar heartbeat inside my chest. But much heavier than the last time I felt it. Napahawak ako sa dibdib ko. What does he mean? And why does my heart keeps beating like this? It's getting heavier and heavier. I'm starting to hate this feeling. No. I already hate this feeling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD