CHAPTER 1

1526 Words
Kristine Calina's POV “Tin, mamaya ka pa ba diyan? Bilisan mo naman!” sigaw sa akin ng aking kaibigang si Danna. “Oo, oo, inaayos ko lang mga gamit ko at dadaanan na lang daw ni Mama dito mamaya!” sigaw ko pabalik sa kanya habang inaayos ang aking mga gamit. “Sige at papunta na raw si Lane,” sagot pa nito sa akin. Hindi na ako nagsalita pa. Tumingin ako sa salamin at naglagay ng lipstick sa aking labi. Ang totoo niyan ay tapos na akong mag-ayos ng aking gamit, inaayos ko na lang ang aking mukha. Dahil ngayon ay huling araw ng aking trabaho dito sa malaking karinderya ng aking tiya at bukas naman ay unang araw ng aking practicum bilang isang pre-service teacher, kaya napag-usapan naming magkakaibigan ang bar bago sumugod sa laban. Char. Para sa amin, isang malaking laban ang practicum kaya naniniwala kami na deserve namin ito. Tumingin ako sa salamin at inayos ko ang aking suot dahil nakapagbihis naman na ako at naihubad na ang aking uniporme dito sa trabaho. Ngumiti ako nang malaki at agad na lumapit sa aking gamit. Nakita ko sa ibabaw ng aking uniporme ang aking name tag. ‘Kristine Calina,’ hindi ko mapigilang mapangiti dahil bukas ay may isusuot pa rin akong name tag, ngunit hindi na bilang worker kung hindi bilang isang pre-service teacher na. Malapit ko nang maabot ang aking pangarap at maiahon sa hirap ang aking ina na solong nagpapaaral sa aming dalawa ng kapatid ko. “Oh, Tin, nandito ka pa pala? Sige na, umalis ka na. Ako na ang bahala diyan,” sabi ng aking tiya mula sa aking likod. “Sige, Tiya, dadaanan naman po ni Mama yung mga gamit ko mayamaya pagkagaling niya sa palengke,” sagot ko sa kanya at isinukbit ang aking shoulder bag na sinadya ko pang dalhin. “Talaga naman, 24 years old na ay nakaasa pa sa ina, tsk tsk,” natawa na lang ako sa sinabi nito. Alam ko namang biro lang ito para sa aking tiya. Mabait ito at maalaga sa amin nila Mama. Sa katunayan ay ang ginagamit ni Mama na puwesto sa palengke ay sa kanya. Pinapagamit niya ito nang libre sa amin kaya nakapagtitinda si Mama ng mga seafood. “Tiya, ako’y gagala. Kapag ako’y umuwi pa sa bahay, siguradong hahabol sa ’kin si Bunso,” natatawang sabi ko sa kanya. “Oo na, siya, sige na. Ikaw ay humayo at—” tumigil ito bago ako tinaasan ng kilay, “Subukan mo magparami! Grumaduate ka muna bago mag-asawa ha!” “Si Tiya talaga!” nasabi ko na lang at saka ako nakangiting lumabas ng silid. Agad kong nakita ang aking kaibigan na si Danna na abalang naglalagay ng blush on. Tumingin ako sa malaking orasan na narito sa karinderya. It’s already 5 in the afternoon at bago magpunta sa bar, we will go to Riza’s apartment. “Let’s go?” sabi ko kay Danna. “Tara,” at saka nito kinuha ang kanyang bag at tumayo na. “Nasaan na pala si Lane?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa sakayan. “Katagalan mo, pinadiretso ko na doon kay Riza,” sagot nito sa akin. “Ito naman, nagbihis pa ako siyempre,” sabi ko sa kanya. “First time kong pupunta, gusto mo ba mukha akong basahan, baka hindi ako papasukin at mapagkamalan akong pulubi.” “Oa mo naman, ’te, sa pulubi. Siguro homeless, puwede,” nang-aasar na sabi niya. “Hindi ba iisa ’yon?” tanong ko sa kanya. Napatawa naman siya. “Awan sa’yo, ’te, ayan na ang jeep, sumakay ka na.” Sinimangutan ko siya bago ako sumakay sa e-jeep at agad naman siyang sumunod. Tahimik lang ang naging biyahe namin. Maya-maya ay tumigil ang e-jeep sa tapat ng isang eskuwelahan. “Dito tayo ide-deploy bukas, ’di ba?” tanong sa akin ni Danna. “Yes,” maiksing sagot ko. “Sana mabait ang mapuntahan kong cooperating teacher.” “Akin sana pogi tapos hot, katulad nung mga nababasa ko sa kuwento,” kinikilig-kilig na sabi ni Danna at may pagyakap-yakap pa sa braso ko. Inirapan ko agad siya. “Nand’on tayo para mag-aral, hindi para kumiri.” “Sinasabi mo lang ’yan kasi ’di mo pa nararansanang ma-in love,” natatawang sabi niya sa akin. “Kapag naranasan mo na ang tusok ng pana ni Kupido, ewan ko na lang sa’yo.” Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa apartment ni Riza at dahil tabing-kalsada lang naman ito, pagkababa pa lang ng e-jeep ay rinig na rinig na namin ang malakas na boses ni Lane. “Mukhang nasa loob na si Lane,” banggit ko kay Danna. “Obvious ba? Ang lakas ng speaker ng bunganga eh,” natatawang sagot ni Danna sa akin. Napatawa na lang din ako at nagtuloy-tuloy na sa aming paglalakad. “Papunta kayo kay Riza? Pakisabihan naman yung isang bisita na medyo hinaan ang boses,” sabi ng isang lalaki na nakasalubong namin. “Sige, Kuya, pasensya na,” sagot ko sa kanya. Ngumiti naman ito at umalis na, tila babalik na sa kanyang silid. Nagtuloy-tuloy na kami patungo sa silid ni Riza. Actually, this apartment is shared with 5 people. “Pakihinaan daw ang boses, bes, nagrereklamo yung kasama n’yo dito,” sabi ni Danna nang makapasok na kami sa silid. “Hindi naman malakas boses ko, te,” pabalyang sagot ni Lane. “Ewan ko sa’yo, pero in fairness, ang ganda ng view dito sa apartment mo, Riza,” sabi ni Danna na siyang nagpakunot ng noo ko. “Katulad kanina, ang sarap sa mata nung pandesal na nakipag-usap sa’yo, ’di ba, Tin?” “Ha?” confused na tanong ko sa kanya. “Ano ka ba, sabi niya ang sarap daw ng abs nung lalaki,” sabi ni Lane. “Teka, kasamahan mo dito sa apartment ’yon? Nakita ko ’yon kanina galing jogging.” “Yep, he’s Yohan, from Sinclare University,” nonchalant na sagot ni Riza habang nanonood sa kanyang iPad. “Wow, isang linggo ka pa lang dito kilala mo na agad siya?” surprised na tanong ni Danna dito. “Of course, gusto kasi ng tenant na magkakakilala kami dito sa bahay, and also, mabait si Yohan,” sabi ni Riza. “Makakasama natin siya sa school kung saan tayo ide-deploy bukas, pero by next week pa ang deployment nila.” “Nila? Do you mean na may makakasama tayong mga practice teacher na galing sa ibang school?” tanong ko sa kanya. “Yes, actually, kasama ko yung apat dito, dalawang guy at dalawang girl,” sagot niya na hindi man lang ako pinadadapuan ng tingin. Hindi na lang ako umimik, since they are from university siguradong maca-compare na naman kaming mula lang sa maliit na paaralan ng kolehiyo. “Alam ko iniisip mo, actually pumasok din sa isip ko ’yan na malamang maca-compare tayo sa mga ’yon,” sabi ni Riza. “Edi mas galingan natin!” sang-ayon naman ni Danna. “Mas malaki lang school nila, mas magaling pa rin tayo!” sigaw naman ni Lane. “Shhh! Ang bunganga mo talaga, Lane, lalagyan ko na ’yan ng silencer!” pagsuway ko sa kanya. Napatawa na lang silang tatlo dahil sa sinabi ko, habang ako ay napailing-iling na lang. “So, anong oras daw ba bukas at nagawa n’yo pang mag-aya para mag-bar ngayon?” sabi ko bago naupo sa kama ni Riza. “Itong taong ’to, napakatamad makinig sa ating formator, ala-una pa tayo ng tanghali kaya okay lang na mapuyat tayo!” sagot ni Lane sa akin. “Nasa trabaho nga ni, ’di ba nga,” nang-aasar na sagot ko sa kanya. Sinimangutan ako nito samantalang tinawanan ko lang siya. “Mga 9 p.m. us pupunta, ’no?” tanong ni Lane. “Yes,” maigsing sagot ni Riza. “Bawal magsama ng boyfriend ha! Respeto naman sa single!” singit ko sa kanilang usapan. “Si Lane lang naman ang may boyfriend!” sagot naman ni Danna sa akin. Nginitian ko siya. “So dapat ba sinabi ko na ‘bawal sumama sa hindi boyfriend?’” natatawang sabi ko sa kanya. Umirap naman ito sa akin. Hindi na ako nagsalita pa dahil baka mamaya ay mapikon ito sa akin. Simula nang makipaghiwalay ito sa kanyang boyfriend na two years ay parang naging isa na itong playgirl. Kung kani-kanino na lang sumasama at kung saan-saan nakikitulog. “Gayahin mo si Tin, no boyfriend since birth,” biglang imik ni Riza sa gitna ng aming katahimikan. “No boyfriend since birth, libo-libo naman ang crush,” nakairap na sagot ni Danna. “Tapos ang hilig-hilig sa gwapong clean boy na mayroong malaking biceps!” “Oh, bakit ba? Ikaw nga ang hilig-hilig mo sa cosplayer!” sigaw ko sa kanya. “Pag tinanggal naman ang make-up, tingin mo ba ’yun pa rin yung paborito mong character?” Nakita ko ang bahagyang inis sa mukha nito bago mabilis na kumuha ng unan at ibinato sa akin. Agad naman akong gumanti, hinampas ko ito at doon na nag-umpisa ang aming pillow fight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD