Kristine Calina's POV
Mabilis lumipas ang oras habang nandito kami sa apartment ni Riza.
“Ako na ang maghuhugas,” pagpepresenta ko dahil katatapos lang naming kumain ng hapunan.
“Me na, ikaw na nga nagluto eh,” sabi ni Lane.
Napangiti ako. “Mag-ayos ka na diyan, ako na rito.”
“Haaaayyyy! Ikaw bahala, ’te!” sabi nito at nag-umpisa nang mag-ayos ng kanyang mukha.
Inayos ko na ang mga pinggan na huhugasan at inilagay ito sa isang lalagyan bago ako lumabas ng silid. Yes, walang sariling lababo (kitchen sink) ang kwarto ni Riza dahil room spacer lang naman siya at sa isang apartment ay lima silang naghahati-hati sa comfort room at kitchen.
“Oh, saan ka pupunta?” tanong ni Danna na nakasalubong ko, mukhang kalalabas lang ng CR.
“Huhugasan ko muna ’to,” sagot ko sa kanya at bahagyang itinaas ang planggana na may lamang mga hugasin.
“Tulungan na kita,” sabi nito at akmang kukunin ang aking mga dala na siyang mabilis kong iniwas sa kanya.
“Nakaligo ka na at nakapagbihis, ako na ang bahala dito,” sabi ko sa kanya at agad siyang nilagpasan dahil alam kong ipagpipilitan
nitong tulungan ako.
Dahil hindi naman kalakihan ang apartment ay agad akong nakarating sa kitchen. Buti na lang at walang gumagamit nito. Kanina kasi ay nagluluto dito yung ibang umuupa kaya naisipan namin na sa kwarto na lang magluto. Hindi naman puwedeng pati paghuhugas ng pinggan ay sa kwarto pa rin.
“Parang ang daming bago sa apartment na ’to?” hindi ko mapigilang mapalingon sa aking gilid nang marinig ang boses ng isang lalaki.
Doon ay nakita ko ang hindi kaputian na lalaki, ngunit may kaguwapuhan din at masasabi kong may ibubuga ang katawan. Mukhang isa ito sa mga estudyanteng nangungupahan dito.
“Kaibigan ako ni Riza,” sabi ko sa kanya at inalis na ang tingin dito.
“Yung inunahan ako kanina sa CR, kaibigan niya rin? Hindi siya mukhang friendly, ha?” natatawang sabi nito sa akin.
Napangiti ako habang naghuhugas ng mga plato. Yes, hindi naman talaga friendly si Riza. Sadyang makulit lang kaming tatlo at nasanay na lang din kaming apat sa presensya ng isa’t isa.
“Baka magbabanyo ka rin?” tumingin ako sa kanya at kita ko ang bahagyang pagngisi nito. “Puwede kang sumabay sa akin.”
“What the f**k! Tumigil ka nga diyan,” nagulat ako nang marinig ang sigaw ni Danna sa kabilang gilid ko at nakita ko ito roon na kasalukuyang nagsusuklay.
Tumingin siya sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa lalaki.
“Kaya sinabi kong tutulungan na kita, baka kasi makasalubong mo pa itong manyakis na ’to!” ramdam ko ang pagkaasar sa boses nito kaya dali-dali ko nang tinapos ang paghuhugas ko ng mga plato.
“Ito naman, hindi mabiro. Bitter ka pa rin ba dahil sa nangyari noon?”
Napatigil ako sa aking ginagawa dahil sa narinig at agad na tumingin kay Danna, isang tingin na tila nagtatanong kung kilala niya ba yung hambog na kausap niya.
Tinaasan niya ako ng isang kilay, mukhang nakuha nito ang gusto kong itanong. Nagkibit-balikat na lang ako.
“Bakit naman ako mabi-bitter sa katulad mo?” mataray na sabi nito at tiningnan yung lalaki mula ulo hanggang paa. “Bakit, sino ka ba?”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niyang dinampot yung planggana na naglalaman ng mga hinugasan ko at hinawakan ang aking isang kamay bago ako hinila pabalik sa aking kwarto. Wala na akong nagawa at nagpadala na lang sa kanyang paghila.
I could barely see how dumbfounded his face was.
Kakaiba talaga si Danna.
“Oh, what happened?” agad na tanong ni Lane nang makapasok na kami sa loob ng silid.
“Itong si Danna, balak atang makipag-away doon sa isang umuupa,” natatawang sabi ko at agad na kinuha ang planggana sa kamay ni Danna.
“Ako na,” agad na sabi naman ni Riza at kinuha ito sa aking kamay. “Magbihis ka doon, buti na lang magka-size tayo.”
Napakamot naman ako sa aking ulo kahit hindi makati, kasi naman kanina habang nagluluto ako ay nagkadumi ang aking white halter top kaya kailangan ko talagang magbihis ngayon. Wala naman akong ibang dalang damit dahil ito lang ang binaon ko kanina sa work.
“Sure ka, ito isusuot ko? Baka kabagin ako nito?” natatawang sabi ko habang hawak-hawak ang kulay pulang damit—o kung matatawag pa ba itong damit dahil mukha na itong bra.
“Bagay sa’yo ’yan, ’te, isuot mo na, huwag ka nang magreklamo!” sabi naman ni Danna sa akin na mukhang medyo kumalma na dahil nag-uumpisa na siyang magtuyo ng kanyang buhok.
“Kapag talaga ako kinabag dito,” sabi ko sa kanya, “isusuot ko ito basta pahiram din ako ng jacket ha!”
“Oo na, oo na, magbihis ka na at nang makapag-ayos ka na rin!” tulak naman sa akin ni Lane.
“Saan? Dito?” tanong ko.
“Bakit, gusto mo ba sumabay doon sa gagong ’yon?” nakita kong unti-unti na namang namula ang mukha ni Danna dahil sa inis.
Kaya dali-dali akong nagsalita, “Heto na, heto na, magbibihis na nga.”
Pagkapasok pa lang namin sa loob ay halos mapahinto ako sa aking paglalakad. Ibang-iba ito sa mga ordinaryong bar na nakikita ko lang sa social media. Madilim ang paligid ngunit hindi nakakailang, dahil sapat lang ang ilaw mula sa naglalakihang chandelier at sa mga warm lights na nakapalibot sa bawat sulok ng lugar. Nagre-reflect ang mga ilaw sa makintab na sahig at sa mga bote ng alak na maayos na nakahilera sa likod ng bar counter.
Mahina ngunit ramdam na ramdam ang tugtog ng musika—hindi iyong tipong sasabog ang tenga mo, kundi iyong klase ng tunog na parang kusang umaayon sa bawat galaw ng mga tao sa loob. Sa gitna ay may maluwag na espasyo para sa mga gustong sumayaw, habang sa gilid naman ay naroon ang mamahaling-looking na mga sofa at mesa kung saan nakaupo ang mga taong halatang sanay na sa ganitong klaseng lugar. Ang iba ay nakasuot ng fitted dresses, ang iba nama’y naka-polo at mamahaling relo, kaya lalo kong naramdaman kung gaano ka-high class ang ambiance ng bar na ito.
Maging ang hangin sa loob ay tila mabango—halo ng mamahaling pabango, alak, at malamig na air freshener na lalong nagpaangat sa elegante nitong dating. Saglit akong napatingin sa kisame, sa mga dingding na may modernong disenyo, at sa bar counter na yari yata sa marmol sa sobrang kinis at linis nitong tingnan. Para akong biglang napaalala na first time ko nga pala sa ganitong lugar, at sa totoo lang ay pakiramdam ko'y para akong napadpad sa mundong hindi ko kinasanayan.
“Hoy, Tin, huwag kang patulala diyan, baka akalain nilang ngayon ka lang nakakita ng bar,” pabulong ngunit natatawang sabi ni
Danna sa akin.
Napakurap ako at agad siyang inirapan. “Eh sa ngayon lang naman talaga,” mahina kong sagot na siyang nagpatawa sa kanilang tatlo.
Hindi pa man ako tuluyang nakakabawi sa ganda ng lugar ay agad na kami niyaya ni Lane sa isang bakanteng mesa sa bandang gilid, malapit sa bar counter. Mula roon ay kitang-kita ko ang bartender na abalang naghahalo ng iba’t ibang inumin, habang ang mga baso ay kumikislap sa ilalim ng ilaw.
“Dito tayo, mas okay. Kita natin lahat pero hindi tayo masyadong lantad,” sabi ni Riza habang nauuna nang umupo.
Agad naman kaming sumunod at naupo sa kulay itim na sofa na sobrang lambot, halos gusto ko nang hindi tumayo. Inilapag ko ang aking bag sa tabi ko at pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid. Kahit nakaupo na ako ay hindi pa rin maalis sa isip ko kung gaano ka-elegante ang bar na ito.
“Grabe, parang ang mahal rito,” bulong ko kay Danna.
Napatawa siya. “Huwag kang kabahan, Tin. Minsan lang ’to.”
Maya-maya ay lumapit sa amin ang isang waiter na naka-itim na long sleeves at may suot pang vest, mukhang mas maayos pa manamit kaysa sa ilang lalaking nakita ko sa labas.
“Good evening, what would you like to order?” magalang nitong tanong habang hawak ang maliit na notepad.
Biglang nagtitinginan kaming apat, at si Lane ang unang nagsalita.
“Hard drinks agad. Wala nang intro-intro,” sabi nito na para bang sanay na sanay na sa ganitong lugar.
Napatingin ako sa kanya. “Excuse me? Parang expert ka ah.”
“Malay mo,” sabi nito sabay-kindat na ikinatawa naming lahat.
Kinuha ni Riza ang drink menu at mabilis iyong sinilip. “May tequila, vodka, whiskey, rum…”
“Tequila!” agad na sabat ni Danna na tila biglang nabuhayan.
“Of course, tequila ang pipiliin mo,” natatawang sabi ko.
“Bakit? Pang-main character kaya ’yon,” depensa niya sa sarili.
“Ako gusto ko ng vodka,” sabi ni Lane. “Yung malakas-lakas na. Para sulit.”
“Hindi ka pa nga umiinom, maingay ka na,” sabi ko rito.
Bahagya namang natawa si Riza bago tumingin sa waiter. “Isang tequila tower na lang ba? Or mag-iba-iba tayo?”
“Tequila na lang para same-same tayo,” sabi ni Danna. “Para walang atrasan.”
Napakunot ang noo ko. “Teka lang, bakit parang may mission?”
“Meron naman talaga,” ani Lane. “Para sa practicum bukas. Isang tagay para sa mga future licensed professionals.”
“Licensed agad?” natatawa kong sabi.
“Manifesting,” sagot ni Riza nang walang pag-aalinlangan.
Tiningnan ako ng waiter. “And for you, ma’am?”
Bahagya akong napatigil. Sa totoo lang ay hindi naman ako sanay sa hard drinks, at lalo na sa ganitong klaseng lugar. Pero dahil
naroon na rin lang ako at kasama ko ang mga kaibigan ko, ayokong magmukhang aatras.
“Same na lang sa kanila,” sagot ko, pilit na kalmado ang boses.
“Four tequila shots first, then one bottle for the table?” tanong ng waiter upang kumpirmahin.
“Yes,” sagot ni Riza.
“And p’wede ring may Lidr,” dagdag ko agad, na siyang ikinatawa nilang tatlo.
“Kristine Kristine , ang babaeng hindi sanay uminom pero gustong magpaka-wild,” ani Danna.
“Natural. Ayoko namang mamatay rito sa first time ko,” sagot ko na naging dahilan para mas lalo silang matawa.