
Chapter 01
Edrian POV
I really really hate my mom!. Ipagkasundo ba naman akong ipakasal sa babaeng di ko naman gusto at patay na patay sakin. Tsss as if naman na magpapakasal ako sa babaeng yun.
Kailangan kung magisip ng paraan para di matuloy and kasal. Hmm.... sabi sakin ni mommy pag di pa daw ako makakahanap ng girlfriend ko ay itutuloy nya ang kasal.
Hayyy pano yan wala naman akong girlfriend pero kung gusto ko makakahanap ako. Sino namang babae ang hindi papatol sa kagaya kong gwapo at mayaman.
Nasa park ako ngayon at nakaupo sa bench. Kailangan Kong gumawa ng paraan. Saan ako makakahanap ng babaeng magiging FAKE GIRLFRIEND ko?. Isip isip isip!!!
"Kuya patabi ah" napatingin ako sa babaeng kakaupo lang sa tabi ko kahit di pa naman ako pumapayag.
Tsss nagpaalam pa!. Medyo nawiwirduhan ako sa babaeng to dahil nakasuot sya ng sunglasses at mask tapos may cap din sya. Tsk yaan na mga lng.
Di ko na pinansin yung babae at patuloy na nagisip. Paano ako makakakuha ng babae nang hindi na nahihirapan? Aishh magisip ka Edrian!
Naputol ang pagiisip ko ng marinig kong umiiyak yung katabi Kong babae. Bale dalawa lang kasi kami dito sa bench.
What should I do? Di naman ako pwdeng magpretend na lang na di ko sya naririnig na umiiyak. No hayaan mo sya Edrian dahil you don't know her okay?
Uusog na sana ako ng konti para lumayo sa kanya kaso bigla syang nagsalita
"Kuya may tissue ka ba dyan o kahit panyo?"tanong nya habang umiiyak pa rin. Nakaharap sya sakin ngayon peri di ko pa rin makita ang mukha nya kasi nga nakamask sya at nakasunglasses.
Feeling close naman to. She's lucky because I have handkerchief here. Kaya dinukot ko na sa bulsa yung panyo ko at binigay ko sa kanya.
"Thanks"sabi nya sabay abot nung panyo habang nakaharap pa rin sakin.
Tinanggal nya yung sunglasses at yung mask nya. Habang ginagawa nya yun parang biglang nag slow motion lahat.
Hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya.
Nang wala ng kahit ano sa mukha nya kitang kita ko kung gaano sya kaganda.

