Shaina POV
Hindi ko maintindihan kung ano ba ang kailangan nya sakin at bakit sa lahat lahat ng babae sa mundo ay ako pa?!
"Bakit? Ano bang kailangan mo sakin?"seryoso pero mahinahon kong tanong. Hindi sya sumagot at umupo na lang sa bench na nasa likuran namin at ako naman itong curious ay umupo rin sa tabi nya pero dumistansya ako ng konti.
Huminga siya ng malalim bago sya nagsalita.
"Gusto akong ipakasal ng mommy ko kay Krizalyn but I don't want to because I don't love her. Hindi ko nga alam kung bakit nagmamadali si mom na ipakasal ako kahit na 19 pa lang ako."paguumpisa nya.
So totoo ngang fiancé na nya si Krizalyn.
"Sabi ni mommy sakin na kapag wala pa daw akong naipakilala sa kanya na girlfriend ko ay ipapakasal nya ako sa babaeng yun at ayaw kong mangyari yun kaya wala na akong nagawa kundi ang ipakilala ka sa kanila kahit na hindi naman talaga ikaw ang gf ko tutal nandito ka na rin naman. Wala naman kasi akong gf kaya sino naman ang ipapakilala ko?"dugtong nya.
Seryoso wala siyang gf sa lagay na yan?
"Talaga bang wala kang girlfriend ngayon? Seryoso?"tanong ko pero pinagsalubungan nya lang ako ng kilay.
"Do I look like I'm joking?"masungit na tanong nya.
"Sorry naman tsaka malay ko bang nagsisinungaling ka lang noh."pagdedepensa ko.
"Ayaw kong makasal sa babaeng hindi ko naman mahal.I want to be married with the girl I love kaya gagawin ko ang lahat para hindi makasal kay Kriza."saad nya.
Bakit naman kasi ayaw na lang nya maghanap ng totoong mamahalin at ipakikilala sa mommy nya? Tsss may itsura naman sya kaya hindi malabong magkagf sya no.
Pero teka nabanggit nga pala ni tita kanina na ako palang daw ang babaeng naipakilala sa kanya ni Edrian. Totoo kaya yun?
"Matanong ko lang Edrian ah...wala ka pa bang nagiging gf? eh kasi sabi ng mommy mo na ako palang daw ang naipakiala mong babae sa kanya."tanong ko.
"May mga naging girlfriends naman ako noon pero hindi ko sila ipinakilala kay mommy dahil hindi ko naman sila m minahal. Ang gusto ko kasi pag may ipapakilala na ako sa mommy ko ay yung bababeng mahal ko at seryoso ako."sagot nya.
Grabe kawawa naman yung babaeng papasok sa buhay niya at maiinlove sa kanya kasi pano kung mahal na siya ng babae tapos sya hindi naman pala edi masasaktan lang yung babae non. Mahirap pa lang mahalin tong si Edrian. Tsk tsk! Kawawa rin yung mga babaeng nagdaan sa buhay nya.
Narinig kong bumuntong hininga sya at humarap sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya.