Shaina POV
Narinig kong bumuntong hininga sya at humarap sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya at magtama ang aming mga mata.
"Kaya kailangan kita Shaina. Ngayon na ikaw na ang ipinakilala ko sa mommy ko,sana tulungan mo ako. Please help me.Be my FAKE GIRLFRIEND"sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
"Ano? Bakit ako? Ayaw ko nga!. Ayoko kong magsinunaling sa mommy mo. Bawiin mo na lang kasi yung sinabi mo tapos maghanap ka lang ng iba. Basta ayoko."pagtutol ko.
Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko pa kayang pumasok ulit sa ganyan kahit pa FAKE lang dahil nasasaktan pa rin ako.
Kakabreak lang namin ni Erick at sariwa pa sakin ang sakit kaya kailangan ko pa ng oras para sa sarili ko.
"Hindi pwede. Wag na lang ako."yan na lang ang nasabi ko dahil bumalik na naman yung sakit sa akin sa tuwing naaalala ko yung ginawa sakin ni Erick.
"But Shaina pl---"naputol ang sasabihin ni Edrian ng may dalawang taong huminto sa harapan namin.
Pag angat ko ng tingin mas lalo lang akong nasaktan sa nakikita ko ngayon. Si Erick at si Shantell ang dalawang taong dahilan kung bakit ako nayon nasasaktan.
Edrian POV
Akala ko pa naman ay mapapapayag ko na si Shaina sa gusto ko pero mukhang ayaw nya. Sayang ang effort kong magpaawa sa kanya.
Nagtataka lang ako kung bakit may humintong dalawang tao sa harapan namin at mukhang kilala niya ang mga to dahil agad na napayuko si Shaina. Sino naman kaya ang mga to.
"You're here pala Shaina at sino naman tong lalaki na katabi mo? Boyfriend mo?"maarteng tanong nung babae na kung makadikit sa lalaki ay akala mo nakaglue na silang dalawa.
"Wala kang pakialam."sagot ni Shaina habang nakayuko pa rin. Ano bang nangyayari? Bakit parang magkagalit ata sila?.
"Shaina why are you here? Sinunsundan mo ba kami?"tanong naman nung lalaki.
Hindi siya pinansin ni Shaina at patuloy lang ito sa pagyuko.
"Alam mo babe baka tama ka nga. Baka sinusundan niya talaga tayong dalawa dahil hanggang ngayon hindi nya pa rin matanggap na ako ang pinili mo at hindi sya."litanya ulit ng babae na kahit pananalita pa lang ay alam mo ng maldita at masama ang ugali.
At dahil sa sinabi nung babae,matapang silang tiningnan ni Shaina pagkatapos ay ngumisi siya.
"Ang kakapal naman ng mukha nyo para sabihing sinusundan ko kayo!. Bakit ko naman gagawin yun at bakit ko naman pag aaksayahan ng oras ang mga tulad nyong walang kwenta."mahinahon pero galit na giit ni Shaina.