Edrian POV
Pero parang wala lang sa babae ang sinabi niya at tumawa lang ito ng peke pero alam ko na may epekto ito sa lalaki dahil napayuko sya ng konti pero tiningnan nya ulit si Shaina sa mga mata.
"Then why are you here?"ulit nya sa tanong.
Tumayo si Shaina mula sa pagakakaupo at hinawakan ako sa kamay sabay hila sakin patayo na siya namang ikinagulat ko.
"A-Andito ako k-kasi nagdedate kaming dalawa ni Edrian."sagot nya na lalo kong ikinabigla. So ibig sabihin ba nito pumapayag na sya sa gusto ko? Ayos!
Nagsalubong naman ang dalawang kilay nung lalaki sa sinabi ni Shaina.
"Eh diba kakabreak lang natin tapos may bago kana agad?"tanong nung lalaki.
"Bakit anong pakialam mo? Ikaw nga naghanap na ng iba kahit tayo pa. Bakit akala mo hindi agad ako makakahanap ng iba tulad ng ginawa habang tayo pa? Kaya ko Erick!"saad ni Shaina na halatang nagpipigil ng luha nya. Ang higpit higpit rin ng hawak nya sa kamay ko.
"Pero ba---" hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil sumingit na ako.Oras na para simulan ko na ang pagiging FAKE BOYFRIEND ko.
"Teka lang bro...ano bang problema mo kung kami na agad ni Shaina huh? Diba dapat wala ka ng pakialam doon?"maangas na tanong ko.
Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.
"Wala na kayo pero bakit nangingialam ka pa sa buhay nya huh? Ano bang pakialam mo kung mabilis ka nyang pinalitan? Don't tell me nagseselos ka?"tanong ko na may halong pangiinis.
Halata naman kasi sa kanya na nabigla siya tungkol saming dalawa.
"P-Pasensya na. Let's go Shantell"sabi ni Erick.
Nakaalis na sila pero nakayuko pa rin si Shaina.
Nararamdaman ko ring lumuluwag na ang pagkakahawak nya sa kamay ko kaya ako naman ang mahigpit na humawak sa kamay nya at hinila sya paupo sa upuan.
"Cry"utos ko dahil alam kong gusto niya na talagang umiyak kaya naman napatingin sya sakin.
"Huh?"
"Sige na umiyak kana pwede mong iyakan yung balikat ko."sabi ko.
Hindi na nga nya napigilang umiyak kaya tuloy tuloy na umagos ang mga luha sa pisnge nya.
Hindi ko alam pero niyakap ko na lang sya dahil yun ang sinasabi ng puso ko. First time na may umiyak sa balikat ko na ibang babae bukod kay mommy.
Hahayaan ko muna siyang umiyak dahil alam kong kailangan nya.
"A-Ang sakit lang kasi makitang masaya silang dalawa h-habang ako...eto sobrang nasasaktan."sabi nya habang patuloy pa rin sa pagiyak.
Gusto ko man siyang tanungin tungkol sa dalawang tao na nakaharap namin kanina ay hindi ko magawa.