Edrian POV
Hindi ko alam pero naaawa ako sa kanya at nagagalit ako kay Erick kahit na wala pa akong alam sa kanila.
"Ba...bakit naman kasi ako ang tanga ko?! Ang tanga tanga ko! H-Hinayaan ko lang si Erick na lokohin ako at ipagpalit sa babaeng yun!"malungkot na sabi niya.
"Sshhhh don't say that. Hindi ikaw ang tanga kundi si Erick. Siya ang tanga dahil sinayang ka niya."yan na lang ang nasabi ko para mapagaan ang loob nya.
Fuck! Ayoko sa lahat ay nakakakita ng mga babaeng umiiyak.
Ang gago mo Erick para saktan si Shaina. Even I didn't know what happened...ang alam ko lang ay naiinis ako sa lalaking yun.
"Kasalanan ko kung bakit niya ako niloko. Siguro may kulang sakin kaya niya nagawa yun sakin."
"No it's not your fault. Ginusto niya yun kaya wala kang kasalanan. Sarili niyang desisyon na ipagpalit ka sa iba dahil yun ang gusto niya kasi siguro doon nya sa Babaeng yun nahanap ang kasiyahan niya."mahabang litanya ko.
"Hindi mo naman kasalan na niloko ka niya. Pagkakamali niya yun at alam kong pagsisihan niya to sa huli. Ang gago lang niya para pakawalan ka. Kaya hindi mo kasalanan okay?"dugtong ko.
Parang gusto ko na lang pagtawanan yung sarili ko dahil first time kong magsabi ng ganito sa babae.
Shaina POV
Napaisip ako sa sinabi sakin ni Edrian. Oo nga naman! Bakit ko ba sinisisi ang sarili ko eh hindi naman ako ang nagloko. Hindi ko kasalanan kung ipinagpalit niya ako.
Alam kong walang kulang sakin ...sadyang mahal pa rin talaga niya si Shantell. Bakit ko ba pinagaaksayahan ng luha ang mga walang kwentang tao? He's right kaya Shaina dapat huwag ka ng umiyak.
Ipakita mo sa kanila na makakamove on ka rin. Na balang araw hindi mo na siya iiyakan. Na masasanay ka na rin na iba na ang kasama niya.
Kaya kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya at inayos ang ko ang aking sarili.
Maya maya inabot niya sakin yung panyong hiniram ko sa kanya kanina.
"Here...punasan mo na yang luha mo baka mamaya sabihin nila pinapaiyak kita. Don't waste your tears for those useless people."seryosong giit niya. Inabot ko naman yung panyo sa kanya.
"Salamat. Alam mo tama ka ehh.
Tama yung mga sinabi mo sakin kaya naman simula ngayon uumpisahan ko ng magmove on. Hindi siya kawalan!"sabi ko habang nagpupunas ng luha.
Napansin ko namang nakatitig lang sya sakin kaya nakakailang tuloy.
"Oh bakit? May sipon ba ako?"medyo mataray kong tanong. Kung makakatitig sakin akala mo may kung ano na sa mukha ko.