Shaina POV
Grabe sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa at ang lakas ng t***k ng puso ko. Panigurado namumula na ako nito buti na lang at madilim.
"Good night. See you tomorrow YAM" yam? Ano yun?
Pero bago pa ako makapagsalita ay lumayo na sya at sumakay na sa kotse niya.
Naiwan akong nakatulala at namumula dahil sa ginawa nya. Anyare sa lalaking yun?
Hoy! Hindi ako kinikilig ah! Hindi pa nga ako nakakapagmove on kay Erick eh!
Hindi ko na lang pinansin ang ginawa ni Edrian at pumasok na lang ako sa bahay. Pagbukas ko ng pintuan,mukha agad ni mommy ang nakita ko.
"Mommy nandyan pala kayo!"sabi ko na lang.
"San ka galing? Sino yung naghatid sayo? Bakit hindi ka nagpasundo kay Mang Dani? Bakit ngayon ka lang?"sunod sunod na tanong ni mommy. Hehe pasensya na po sa bunganga ng mommy ko!
"Mom isa isa lang ang tanong. Don't worry sasagutin ko lahat yan."sabi ko sabay upo sa sofa. Grabe gusto ko ng mahiga at matulog.
"Okay so first...where have you been?"naka cross arm pa talaga sya. Mabait naman talaga ang mommy ko masyado lang syang worried sakin dahil babae ako.
"Sa park"sagot ko.
"At anong ginagaw mo doon?"sasabihin ko bang nagpunta ako sa park dahil sinusundan ko sila Erick.
"Ah...eh..."anong isasagot ko. Alam na ni mommy na break na kami ni Erick.
"Naku mommy nagpunta sa park yan kanina sinundan yung ex niya."sumbong ni kuya Jake kay mommy habang bumababa sa hagdan. Huh? Pano niya nalaman yun?
Oo may kuya ako na sobrang epal pero gwapo yan.Tiningnan ko si kuya na ngayon ay mapangasar na nakangiti sakin. Humanda ka sakin mamaya kuya?
"Is that true Shaina?"tanong na naman ni mommy.
Napayuko na alang ako at tumango sa kanya.
"Why did you do that? Diba dapat nagmo-move on ka na? Pano ka makakapag move on nyan kung hindi mo sya titigilan?"kung kanina ay medyo galit ang boses ni mommy,ngayon ay mahinahon na.
Feeling ko kahit anong oras maiiyak na naman ako.
"S-sorry po"sabi ko. Tumabi sakin si mommy at niyakap ako.
"Sssshhhh okay na basta wag mo na lang ulit gagawin yun huh? Ayaw ko lang na nasasaktan ka anak. Alam kong malalampasan mo rin ito."sabi niya habang hinahaplos ang anking buhok.
"Mom is right. Wala ka na dapat pakialam sa lalaking yun dahil sinaktan ka lang nya."saad naman ni kuya. Sinamaan ko lang sya ng tingin dahil sa sinumbong nya ako kanina.
"Tse!"pagsusungit ko sa kanya pero tinawanan lang nya ako.
"Mommy oh si kuya!"sumbong ko