Shaina POV
Hindi niya ako pinansin at nakatingin lang sa harapan namin.
"Si Erick...siya yung ex ko na niloko lang ako at si Shantell naman ay ex niya na ipinalit niya sakin."paliwanag ko sa kanya.
Sinabi ko rin sa kanya kung bakit ako nandito.
"So ginamit mo akong boyfriend mo para itanggi na sinusundan mo nga sila?"seryosong tanong niya. Tumango naman ako.
"Eh diba sabi mo gusto mo rin na maging fake girlfriend ako kaya sinabi ko na lang sa kanila na ika ang boyfriend ko."sagot ko at tumingin sa paligid.
Dumidilim na pala hindi ko man lang namalayan. Hayy grabe feeling ko maaming nangyari ngayong araw na ito.
"Let's go dumidilim na hatid na kita"sabi niya at tumayo na.
"H-Hindi na magpapasundo na lang ako sa driver ko."tanggi ko. Pero hinawakan nya ako sa kamay at hinila ako patayo.
"No wag ka ng makulit. Kapag sinabi ko gagawin ko kaya tara na."saad niya at kinaladkad na ako. Wala naman na akong nagawa kaya sumama na ako sa kanya.
Saan ba ako dadalhin ng lalaking to?
"Hoy san tayo pupunta?"tanong ko.
"Sa kotse ko... diba nga ihahatid kita?"sagot niya.
Aisshhh! Sabing wag na kasi!
"Wag na la---"
"Shut up will you?"utos niya kaya tumahimik naman ako. SUNGIT TALAGA!
Parang hindi ko ata matatagalan ang ugaling to ni Edrian. Jusko ang sungit grabe!
Lakad lang kami ng lakad at take note ah nakahawak pa rin sya sa kamay ko! My ghaaad hindi naman ako tatahbo o kaya tatakas pero bakit ayaw nya oang bitawan ang kamay ko...hanggang sa huminto kamisa tapat ng kotse.
"Eto na ba yung kotse? Sayo ba to?"tanong ko.
"Hindi, baka sayo."pamemelosopo niya ulit. Aba! Nagtatanong ako ng maayos eh!
"Hindi ehh wala naman pa naman akong kotse kaya hindi akin yan. Hmmm kanino kaya yan?"pinilosipo ko rin sya. Tingnan lang natin kung hindi ka mabwisit.
"Funny"pangaasar niya. Tsss sapakin kita dyan eh! Kalalaking tao napakasungit.
Binitawan nya na ang kamay ko at pumasok na siya sa loob habang ako nakatayo pa rin. Sayang gwapo ka pa naman sana kaso hindi ka gentleman.
"What are you waiting for? Sakay na!"pagsusungit niya sakin. Napakasungit mo talaga Edrian!
Nakasimangot akong sumakay sa kotse nya. Napakamalas ko naman kung siya ang magiging boyfriend ko pero buti na lang fake lang haha.
"Stop staring at me."suway nya sakin kaya napatingin ako sa ibang direksyon. Kanina ko pa pala sya tinititigan. Nakakahiya! Hindi ko man lang namalayan na nagmamaneho na pala sya.