Chapter Twelve: Clingy Much

4594 Words
HINDI pa tapos ang gabing 'yon. Magkahawak-kamay kaming bumaba ni Levi sa sala nang tawagin kami ni Felix mula sa labas ng kuwarto kanina. Nakabalik na raw sina Vince, Smith, at Hani. Pagbaba namin sa sala, naro'n na nga sila na para bang kami na lang ang hinihintay. Nagpalipat-lipat ng tingin si Vince sa mukha ko at sa magkahawak-kamay namin ni Levi. My cousin gave me a mix of confused and curious look. "Uhm, so, I'm assuming hindi ka aalis ng bayan na 'to na hindi kasama si Levi?" Tumango ako at tiningan ang malaking backpack na nakasukbit sa mga balikat ni Levi. Tinulungan ko siyang mag-empake kanina ng mga damit at gamit niya. "Yep. I have a plan," sagot ko nang muli kong balingan si Vince."Pero bago 'yon, gusto ko muna kayong ipakilala sa isa't isa." Iminuwestra ko ang grupo ng mga kaibigan ko. "Levi, nakilala mo na si Vince. Sila naman sina Hani, Smith, at Felix." Si Levi naman ang itinuro ko. "Guys, this is Levi." "Hi," nahihiyangbati ni Levi sa mga kaibigan ko. "I know you're quite shocked and probably scared of me, but I want to assure you I don't hurt anyone... except bad guys. So, breathe, people." Nakakatawa, pero sabay na bumuga ng hangin sina Hani at Smith. Si Vince naman, napailing na lang. Samantalang si Felix, sobrang cool at composed pa rin. "Damn, he's really alive," hindi makapaniwalang bulalas ni Smith, saka tumingin kay Hani. "Baby, he is scarier than the voodoo dolls you keep in your room. Rest assured, simula ngayon, hindi ko na tatawaging 'creepy' ang mga manika mo." "Excuse me?" parang nagulat at na-offend naman na sabi ni Levi. "I'm pretty sure I look better than voodoo dolls." Smith let out a nervous laugh. "Yeah, sure. Pero hindi buhay ang mga voodoo dolls ng girlfriend ko. No offense meant, man. But you kinda look like you're pulled straight out of a horror film." Tiningnan niya si Levi mula ulo hanggang paa. "Though I have to admit you're also kind of chic for a doll." Tumango si Levi. "Thank you." Halatang nagulat si Smith sa naging tugon ni Levi, pero sa halip na magkomento ay ngumiti na lang. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa. Medyo naaasar nga si Levi na nasunog ang karamihan sa mga stylish clothes niya. Sa kabutihang palad naman, may mga nailigtas pa, 'yong mga bagong bili na hindi pa nailalabas sa shopping bags na nasa itaas ng malaking cabinet niya. Sa kasalukuyan, nakasuot siya ng graywool sweater sa ibabaw ng maroon collared polo, brown pants, and black shoes. Hindi akma sa summer, pero kaya naman niyang dalhin. Inakbayan ni Smith si Hani. "Alright. Binabawi ko na ang mga sinabi ko. My baby's voodoo dolls are still scarier than you, man." Hani just scoffed at that. Pabiro pa niyang siniko sa sikmura si Smith. "Tigilan mo ang voodoo dolls ko, Smith." Dumako ang skeptical na tingin niya kay Levi. "I'm surprised you look more human than you did on the video, Levi. Parang may nagbago sa'yo." "You can say that," marahang sagot naman ni Levi. Mabilis naman akong tumango. Nilunok ko na ang pride ko dahil sa mas mahalagang bagay na kailangan kong gawin."I'm glad you noticed, Hani. 'Yon nga ang dahilan kung bakit kailangan namin ang tulong mo ngayon." "I can help you?" parang nagulat na tanong naman ni Hani. "With what?" "Nagbabago na si Levi," pagsisimula ko, saka ko binalingan si Levi na tumingin din sa'kin. Naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko kaya ngumiti ako sa kanya. Alam ko kasing kinakabahan siya kaya gusto kong palakasin ang loob niya. Pagkatapos, hinarap ko uli si Hani. "Paunti-unti, nagagawa na niya 'yong mga hindi niya kayang gawin no'ng naging manika siya. Kumukurap na siya at nag-iinit na rin ang katawan niya." "Nakakaramdam na rin ako ng antok at pagod," dagdag ni Levi. "Sa loob ng dalawampung taon, ngayon lang nangyari 'yon sa'kin." Bahagyang nanlaki ang singkit na mga mata ni Hani. Binalingan niya ko. "You mean to say, bumabalik na siya sa pagiging tao?" "Ayaw naming mag-assume dahil hindi rin namin alam kung bakit at paano 'to nangyayari," maingat na sagot ko. "Kaya nga gusto ko sanang hingin ang tulong ng pamilya mo, Hani. May alam sa witchcraft ang mommy mo, 'di ba? Baka masabi niya sa'tin kung ano ang nangyayari kay Levi ngayon." Nag-init ang mga pisngi ko nang may maalala ako. "Alam kong may nagawa ako sa'yo na siguradong ikinagalit sa'kin ng pamilya mo, pero kakapalan ko na ang mukha ko. I need your help." "Like I said before, i-set aside muna natin ang naging problema natin," marahang sagot naman ni Hani. "I will help you, Sunny." Kinagat niya ang ibabang labi niya na parang nag-iisip. "Nasa Baguio sina mommy ngayon. Pauwi na sila bukas pero hindi ko alam kung dederetso sila ng uwi o itutuloy nila ang bakasyon sa bahay ng tita ko. I'll call her later." "Thank you, Hani," sincere na sabi ko. Ngayon pa lang, sobrang grateful na ko sa mga taong kasama ko ngayon. Isa kong pinasadahan ng tingin sina Hani, Smith, Felix, at Vince. "Guys, sobrang salamat talaga at hindi niyo pinagkakalat ang sekreto ni Levi." "And thank you for not freaking out," dagdag ni Levi. "I really appreciate the fact that you're treating me like a normal person right now." "Oh, I'm still freaking out internally," natatawang sabi ni Smith. "Pero I must say I'm kind of used to supernatural stuff by now after being with Hani for three years. Her family still creeps me out sometimes, especially when they talk about black magic and voodoo dolls. I absolutely hate voodoo dolls." "Hey," pabirong reklamo naman ni Hani. "I still love you, baby," malambing na sabi naman ni Smith kay Hani, bago binalingan si Levi. "All I'm saying is, meeting a living doll is kind of scary and cool at the same time. Saka mas maraming importanteng bagay pa kong kailangang gawin kaysa sa pagkakalat na may buhay na manika akong kilala. Magagalit pa sa'kin 'tong girlfriend ko. And man, now that I've met you, I think you're great. I don't do s**t to people who have my respect." Tumango naman si Hani. "Alam namin kung gaano kaseryoso ang sitwasyon, Sunny. You can depend on us. You know that." Dumako ang tingin niya kay Levi. "Plus, you know my family's history. Hindi na ko nagugulat sa mga ganitong kakaibang pangyayari, lalo na kung may kinalaman sa mga witch at sumpa." "Well, I'm just here to accompany my cousin and her boyfriend," sabi naman ni Felix, wala pa ring emosyon. "Hindi kasama sa job description ko ang pagkakalat na may nakita akong buhay na manika." "You know I'll stick with you, Sunny, kahit gaano ka pa kabaliw," sabi naman ni Vince. "Anyway, I hate to break this moment. Pero sa tingin ko, kailangan na nating umalis. No'ng nasa barangay hall kami, narinig ko 'yong ibang mga residente na pinagdududahan na ang mansiyon dahil sa mga claim ni Jared. Baka may magpunta rito para siguruhin kung totoo talaga 'yon o hindi." Dumako ang nag-aalala niyang tingin sa'kin. "Pati ikaw, Sunny, pinagdududahan ka na nila. Iniisip nila na weirdo ka, at nagtataka rin sila kung bakit bigla kang naging housekeeper ng mansiyon. Kaya mas mabuti siguro kung ngayong gabi na tayo aalis bago pa lumaki ang tsismis tungkol sa'yo." Tumango ako. "Pero saan tayo dederetso?" "We can crash my condo for tonight," prisinta naman ni Felix na nakahalukipkip lang at binibigyan ako ng nayayamot na tingin. Pakiramdam ko, isang malaking pasaway ang tingin niya sa'kin. Pero kung matutulungan niya kami ni Levi, matitiis ko siya kahit halatang hindi niya ko gusto. "Bukas na lang natin tawagan sina Tita Carolina. Late na rin naman. Baka nagpapahinga na sila." "Thank you," puno ng gratefulness na sabi ko. "If everything is set, let's go." Nauna nang lumabas ng mansiyon sina Hani, Smith, Felix, at Vince. Naiwan ako at si Levi na halatang nag-aalangan. Iyon kasi ang unang pagkakataon na lalabas siya ng mansiyon pagkatapos ng napakaraming taon. Alam kong natatakot siya. "Huwag kang mag-alala, Levi," pagpapalakas ko sa loob niya. "Kasama mo ko." "Kapag lumabas ako ng mansiyon, hindi na ko makakabalik sa dati kong mundo." Nalungkot ako para sa kanya. "I'm sorry if you have to leave your universe behind." Marahang umiling si Levi. "I don't need the whole universe." Inangat niya ang kamay ko malapit sa bibig niya at hinalikan 'yon. "I have the whole galaxy I need in you, Sunny." LEVI was asleep. Hindi ako makapaniwala, pero talagang natutulog siya. Magkatabi kami sa backseat. Ako ang nasa gilid ng bintana. Nakahiga ako sa balikat niya buong biyahe habang nakaakbay siya sa'kin. Mainit ang katawan niya pero matigas pa rin. Gayunman, komportable akong makasama siya sa gano'ng paraan kaya siguro nakatulog ako. Nang maramdaman kong may mabigat na bagay na nakadantay sa balikat ko, nagising ako. Sa pagkagulat ko, sumalubong sa'kin si Levi na tulog na tulog. Nakahilig siya sa'kin habang ako naman, nakahilig na sa bintana. Sa totoo lang, medyo mabigat siya, pero hindi naman niya ko napipisa. Marahang tinulak ko si Levi palayo sa'kin. Maingat na inayos ko ang ulo niya pasandal sa backrest para maging komportable pa rin ang pagtulog niya. Sa kabila ng ginawa ko, nanatili pa rin siyang tulog. Wow. Palaki na nga ng palaki ang nagiging pagbabago sa katawan ni Levi. Ramdam kong malapit na uli siyang maging tao. Pero hindi naman ako gano'n kahibang para matuwa agad. Sumpa 'yon. Siguradong hindi gano'n 'yon kadaling mawala dahil kung oo, matagal na sana siyang naging malaya. I knew there was a catch somewhere, and we have to find it out soon. Napangiti ako habang pinapanood kong matulog si Levi. Ang payapa ng anyo niya. Para pala siyang baby kapag ganitong natutulog siya. Ang haba ng mga pilik niya. Sana lang, may kakayahan na rin siyang managinip ng maganda. "Ngayon lang ba siya nakatulog?" Napatingin ako kay Felix na hindi ko namalayang kasama na pala namin sa sasakyan. Nakaupo siya sa gitnang upuan na parang kanina pa niya kami ni Levi hinihintay na magising. Bago ako makatulog kanina, narinig kong nag-uusap-usap sina Felix, Hani, Smith, at Vince na mag-midnight snack muna. Huminto kami sa isang fast food restaurant. Sa loob kumain ang magkasintahan at ang pinsan ko. Samantalang ako naman, nagpaiwan sa loob ng sasakyan na nakaparada sa car space dahil ayokong iwan si Levi sa sasakyan ng nag-iisa. Nagprisinta rin si Felix na maiwan para may bantay kami. O palagay ko, gusto niya lang makasiguro na hindi magwawala ang 'manika.' Pakiramdam ko kasi, masyado pa siyang wary kay Levi kaya siguro lagi siyang nakabantay sa'min. At twenty one, siya ang pinakamatanda sa grupo kaya pakiramdam niya siguro, responsibilidad niya kaming mga teenagers. Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Felix. "Simula ng naging manika siya, hindi na siya nakatulog. This is a proof na malaki na talaga ang pinagbabago niya." Hindi na nagkomento si Felix. Sa halip, inabot niya sa'kin ang isang paperbag na naglalaman ng pagkain. "Dinala 'yan ni Vince kanina para sa'tin. Kumain ka muna." "Salamat, Felix," sabi ko naman. "Ikaw? Kumain ka na ba?" Tumango lang si Felix. "Pabalik na rin sila. They just went to the drugstore to buy some stuff." Saktong pagbukas ko ng paperbag, nilanghap ko agad ang amoy ng burger at fries. No'n ko lang na-realize na gutom pala ako. Napa-'mmm' ako sa sarap sa unang kagat pa lang sa cheeseburger ko. "The best talaga ang cheeseburgers." "I know, right?" sagot naman ni Felix. "Mahilig ka rin sa cheeseburgers?" Tumango lang si Felix. Napatitig ako sa kanya. Dahil nakasandal siya sa bintana ng sasakyan, nakikita ko ng maayos ang profile niya. Ah, matangos pala ang ilong niya at mahaba rin ang pilik na halos nakadikit na nga sa suot niyang salamin. I felt like he was a nice person. Too bad he didn't want to be my friend. "That smells good." Nawala kay Felix ang atensiyon ko nang narinig kong magsalita si Levi. Napangiti ako nang makita ko siyang gising na. Nakasandal pa rin siya sa backrest pero mulat na ang mga mata niyang nakatitig sa mukha ko. "Levi, na-realize mo ba na nakatulog ka?" Tumango si Levi. Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi niya. "Yeah. And I feel tired. Pakiramdam ko, ginawa akong punching bag ni Jared kaya ganito kasakit ang katawan ko." Naawa naman ako kay Levi dahil mukha talagang pagod siya. "Baka parte 'yan ng pagbabago mo." Inangat ko ang hawak kong paperbag. "Nakakaamoy ka na rin?" "Surprisingly, I do. Para ngang natatakam na rin ako sa pagkain." Napangiti ako. "That's good news. Mabilis ang nagiging pagbabago mo, Levi." Marahang umiling si Levi. "We both know there's a catch here, Sunny. Kailangan nating malaman kung ano 'yon." Bigla akong nalungkot. Alam ko naman 'yon. Hindi ko lang talaga napigilang maging masaya sa mga nakikita kong pagbabago sa kanya. Sigurado masyado nang wary si Levi dahil sa mga false hopes na pinagdaanan niya noon kaya ganito na siya kaalerto ngayon. Parang ang childish ko tuloy. "Sorry," mayamaya ay sabi naman ni Levi. Marahan niyang pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang daliri niya. "I didn't want to dampen your mood, Sunny. I'm just being realistic." Bago pa ko makasagot, bumukas na ang pinto ng van kung saan sumilip si Vince. Pagkatapos, pumasok na siya kasunod sina Smith at Hani. "Galing kaming drugstore," sabi ni Vince mayamaya at nilabas mula sa hawak niyang plastic bag ang isang pakete ng face mask na inabot niya kay Levi. "Gamitin mo 'yan mamaya paglabas natin ng sasakyan. Kahit mukha kang tao, hahakot ka pa rin ng atensiyon dahil literal na gawa sa porselana ang balat mo. Mabuti na lang at balot ng damit ang katawan mo." Si Smith naman ang nag-abot ng malaking sunglasses kay Levi. "Isuot mo 'yan kahit gabi na para itago ang mga mata mo. Kailangan nating maging maingat. Wala na tayo sa probinsiya ngayon. Ang mga tao rito, may makita lang na kakaiba, i-vi-video na at i-a-upload sa internet. Mahirap na." "Masyado ring malaki ang grupo natin kaya sa palagay ko, mas okay kung hindi tayo sabay-sabay na aakyat sa condo mo, Kuya Felix," sabi naman ni Hani. "Ikaw, si Sunny, at si Levi muna ang umakyat para hindi tayo humakot ng atensiyon. Susunod na lang kami nina Smith at Vince." Tumango naman si Felix. "Alright. Let's do that." Nang magkasundo-sundo na kami sa gagawin, umalis na kami sa fast food chain. Mabilis na ang naging biyahe namin mula ro'n hanggang sa condominium building kung saan nakatira si Felix. Ang grupo namin ang unang lumabas. Napangiti ako habang pinapanood si Levi na bumaba ng van. Suot niya ang asul na bullcap na regalo ko sa kanya (dala niya 'yon sa backpack niya, kasama ang owl stuffed toy), naka-sunglasses siya, at naka-face mask din. Wow, walang mag-iisip na manika siya. Mukha siyang celebrity na nag-di-disguise para hindi makilala ng mga reporter. "I think you need to put your hands in your pocket," sabi naman ni Felix kay Levi. "Sorry, loverboy. Hindi kayo puwedeng mag-holding hands ng girlfriend mo dahil mapapansin ng iba na masyadong makinis ang balat mo para sa isang tao." Tumango lang si Levi. Pinasok niya ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. "Wow," namamanghang bulalas ko naman. Ang cool ni Levi sa gano'ng porma. Siguradong magiging head turner siya mamaya. Kaya bago pa may magka-interes na ibang babae sa kanya, umabistre na ko sa braso niya. Ngumiti ako nang lumingon siya sa'kin. "Kailangang malaman ng ibang girls na off-limits ka na." Levi scoffed. "I'm pretty sure they will run away from me as soon as they find out I'm a living doll." Tinawanan ko lang 'yon. Sinundan namin ni Levi si Felix na hindi tahimik lang. No'ng nasa elevator na kami, napansin kong nahigit ni Levi ang hininga niya nang nagsimula 'yong umakyat. Mabuti na lang, kaming tatlo lang ang lulan niyon ng mga sandaling 'yon. "Okay ka lang, Levi?" nag-aalalang tanong ko naman. "Mukhang hindi na ko sanay sa paggamit ng elevator," parang nahihiyang pag-amin naman ni Levi. Muffled ang boses niya dahil sa face mask. "Masyadong matagal akong nakakulong sa mansiyon." Naawa naman ako kay Levi pero ayokong ipahalata 'yon kaya niyakap ko na lang ang braso niya. Tumahimik na rin ako nang dumating na kami sa lobby ng building. Kahit malalim na ang gabi, medyo marami pa ring tao ang naroon. Mabilis ang lakad naming tatlo. Sumakay uli kami sa elevator paakyat sa unit ni Felix. Sa pagkakataong 'yon, may kasabay kaming isang maganda at sexy na babae na mukhang may lahing mestiza. Panay ang tingin niya kay Levi na may halong interes. Masyado siyang pa-obvious. Gah, hindi ba nakikita ng higad na 'to na nakayakap na ko kay Levi? "Miss, is there something in my boyfriend's face?" kalmado kong tanong sa babae nang hindi na ko nakatiis. Para kasing hinuhubaran na niya si Levi sa isipan niya. "Oh, he's your boyfriend?" parang dismayadong tanong ng babae nang tumingin siya sa'kin. "I didn't mean to stare. He looks like a celebrity in disguise, so iniisip ko kung sino siya." "He's not a celebrity," mariing sagot ko naman. Nakakainis. Halos wala na ngang makita sa mukha ni Levi, napansin pa rin siya ng babae. Kasi naman, masyadong maporma ang lalaking 'to. Tindig pa lang at composure, ang guwapo na. Para bang naglalabas siya ng vibes na heartthrob material siya. Mabuti na lang, bumukas na ang elevator. Unang lumabas si Felix. Hinila ko naman si Levi palabas at binigyan ng masamang tingin ang babae. Nakasimangot pa rin ako habang naglalakad kami sa pasilyo papunta sa unit. "Nakakatakot ka pala, Sunny," bulong ni Levi mayamaya, halata sa boses ang pagkaaliw. "Akala ko, kakalbuhin mo na 'yong babae kanina." "So, napansin mo pala siya?" iritadong tanong ko. Sa inis ko, bumitiw ako sa kanya. "Siguro tinititigan mo siya sa elevator 'no? Naka-shades ka kaya hindi ko alam kung saan naglalakbay 'yang mga mata mo kanina. Tell me. Nag-enjoy ka bang titigan siya?" "Siyempre, nakita ko siya. Hindi naman ako bulag." Bigla kong naalala ang sinabi ni Napoleon noon na babaero si Levi. Sa inis ko, mas binilisan ko ang lakad. Pero hindi pa ko nakakalayo, nahabol na niya ko at hindi na ko 'nakatakas' nang ipalupot niya ang isang braso sa baywang ko. "Hindi ko siya tinitigan," mariing kaila naman ni Levi. "Trust me, ikaw lang ang baliw na magkakagusto sa isang buhay na manika," halatang nagbibiro na sabi niya. "Plus, I told you you're my galaxy. I will never look at the other stars the way I see you." Ipinaikot ko ang mga mata ko. "Siguraduhin mo lang 'yan. Baka kapag naging tao ka na uli, makalimutan mo na 'yang mga pa-galaxy-galaxy mo at mag-star hunting ka agad." Hinigpitan ni Levi ang pagkakayakap niya sa'kin. "Never." "Uhm, tapos na ba kayo sa LQ niyo?" tanong ni Felix nang huminto siya sa tapat ng isang pinto. "You know, kahit inuuwian ko lang ang condo na 'to sa tuwing nagbabakasyon ako dito sa Pilipinas, eh mahalaga pa rin sa'kin ang mga gamit dito. Ayokong madamay ang mga 'yon kapag nag-away kayo." Nag-init ang mga pisngi ko sa pagkapahiya. "Sorry, Felix. Okay na kami ni Levi. Hindi naman kami nag-aaway." "Really? I'm pretty sure you were about to bite Levi's head off a few seconds ago," sarkastikong sabi naman ni Felix habang binibigyan ako ng nagdududang tingin. "Shorty, you're scary." Mabilis namang tumango si Levi. "I almost forgot how terrifying women can be when they're jealous." Binigyan ni Felix ng nakikisimpatyang tingin si Levi. "That's exactly the reason why I'm still single." "Hey!" pabirong reklamo ko nang naramdaman kong pinagkakaisahan na nina Levi at Felix ang buong female population. "We can't help it, okay? Women are very territorial, kaya kayong mga lalaki, lumugar kayo ng maayos." Sabay na umiling-iling sina Levi at Felix. Ipinaikot ko naman ang mga mata ko sa kadramahan nila. Pagpasok namin sa loob ng condo, nabigla ako nang makita ko kung ga'no 'yon kalaki at kaganda. Kaunti lang ang kasangkapan, pero masinop at maayos 'yong tingnan. Puti at itim din ang dominanteng kulay, halatang lalaki ang nakatira ro'n. "I have two rooms here," sabi ni Felix at iminuwestra ang dalawang malaking pinto, saka siya humarap sa'min ni Levi. "Sorry, lovebirds, pero kailangan niyong maghiwalay ngayong gabi. Wala akong pakialam kung magkatabi kayong natutulog noon sa mansiyon. Dito sa condo ko, hindi puwedeng magsama sa parehong kuwarto ang isang babae at isang lalaki," istrikto niyang sabi. "Sunny and Hani will use my room." Tinuro niya si Levi. "You, Smith, Vince, and I will sleep in the guest room. Is that clear?" Tumango lang si Levi. "Yes, Dad," sarkastikong sagot ko naman. "Very well, daughter," sarkastiko ring sabi ni Felix habang binibigyan ako ng iritadong tingin. "Lalabas lang ako para sunduin sina Hani. I trust you two to behave," bilin niya bago siya lumabas ng condo. "Gah, daig pa ni Felix ang daddy ko sa sobrang strict niya," reklamo ko nang kami na lang ni Levi ang nasa condo. Umupo ako sa malaki at malambot na couch. "I think he really hates me." Umupo si Levi sa tabi ko. Hinubad na niya ang suot niyang bullcap, shades, at face mask. "Siya 'yong kaaway mo sa f*******:, 'di ba?" Tumango ako. "Kaya nga medyo naiilang ako sa kanya. Ramdam ko kasi na hindi niya ko gusto. Well, not that it matters. Ang mahalaga, tinutulungan niya tayo." Hinimas-himas naman ni Levi ang baba niya na parang nag-iisip. "Hmm. I think you and Felix get along just fine. He genuinely cares for you, Sunny. Tinatago niya lang kaya gano'n ang trato niya sa'yo." "Hindi naman kami close ni Felix kahit noong okay pa kami ni Hani. Feeling niya kasi, bad influence ako sa pinsan niya." Naramdaman ko na ang pagod dahil sa napakahabang gabi na 'yon kaya inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Levi. Ah, ang init na ng katawan niya kaya lalo akong naging komportable kasama siya. "Kaunti na lang, magiging okay din ang lahat, Levi." Inihilig din ni Levi ang ulo niya sa ulo ko. Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ko. "I hope so, Sunny. I really do." Bumuntong-hininga na lang ako at pumikit. At the back of my mind, I couldn't erase the word 'catch' in my head. "I'M GIVING you three minutes, lovebirds." Ipinaikot ko ang mga mata ko sa sinabing 'yon ni Felix. Pero nawala rin agad sa kanya ang atensiyon ko dahil nasa harap ko si Levi. Habang ako naman, heto at nakayakap sa pinto ng kuwartong ginagamit namin ni Hani. "You should go to your room, Levi. Baka pagalitan ka ni Daddy Felix." Tumango si Levi. "I'm just here to say goodnight." Inangat niya ang hawak niyang owl stuffed toy. Oo, 'yong regalo ko sa kanya. Ibinigay niya sa'kin 'yon kanina para raw may katabi akong matulog na magpapaalala sa kanya. Pero binalik ko 'yon sa kanya dahil mukhang siya ang mas nangangailangan no'n lalo na't puro strangers pa ang kasama niya sa kuwarto ngayon. "And thank you for this. Hindi ako nakapagpasalamat sa'yo noon sa mga ibinigay mong regalo." Ngumiti ako. "You're welcome." Sa pagkagulat ko, ipinalupot ni Levi ang isang braso niya sa baywang ko marahang ipinatong niya ang kamay niya sa likod ko. Pagkatapos, yumuko siya para idikit ang mga labi niya sa noo ko. "Good-night, Sunny." Nag-init ang mga pisngi ko. Hindi ako makatingin sa kanya dahil nahihiya ako. Ngayon lang nangyari sa'kin 'to kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. "Good-night, Levi." Pag-alis ni Levi para matulog sa guest room kasama nina Felix, Smith, at Vince ay bumalik naman ako sa kuwarto kung saan nakaupo na sa kama si Hani habang nagbabasa ng English romance book. Bukod sa mga crime at supernatural novel, gustung-gusto niya ring nagbabasa ng mga nakakakilig na libro. Nang umupo ako sa tabi ni Hani, bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Madalas kaming mag-overnight noon, pero pagkatapos ng mga nangyari sa'min, alam kong nagkaro'n na ng pader sa pagitan namin. Hindi lang namin 'yon pinagtuunan ng pansin dahil kay Levi. Pero ngayon, alam kong kailangan na naming mag-usap ni Hani. "Hani?" Marahang sinara ni Hani ang librong binabasa niya bago siya nakangiting humarap sa'kin. "Yes?" "Thank you," sinsero kong sabi. Alam kong paulit-ulit na, pero gano'n talaga kalaki ang pasasalamat ko sa tulong niya sa'kin. "Kahit na may nagawa akong masama sa'yo, tinutulungan mo pa rin ako. In fact, hindi ako makapaniwala na nagpunta ka sa'kin dahil lang sinabi ni Vince na may problema ako." Naging seryoso si Hani. "You're my best friend, Sunny. Hindi kita kayang talikuran kahit hindi tayo okay. Kasi alam kong kung ako ang nalagay sa gano'ng sitwasyon, darating ka rin para tulungan ako." Nangilid ang luha ko nang kainin ako ng guilt. Bigla ko kasing naalala lahat ng kasalanan ko kay Hani. Pakiramdam ko, kailangan na niyang marinig lahat ng kinikimkim ko. "I hated you, Hani. I hated you for having a perfect life," pag-amin ko sa basag na boses. "I got so sick of you. So sick of watching you have everything so easy. Habang ako, kailangan ko pang paghirapan 'yong mga bagay na gusto kong makuha. I am always not good enough for anything or for anyone. Kasi ikaw 'yong lagi nilang napapansin sa'ting dalawa. Ikaw 'yong mas magaling. Ikaw 'yong mas madaling mahalin. Parati na lang ako 'yong second best kahit ako naman 'yong mas nagsisikap sa'tin. Sa'yo na lang parati napupunta 'yong mga bagay na ako 'yong may mas gusto." Pumatak na ang mga luha ko. "'Yong inggit ko sa'yo, naging malala. Nagalit ako sa'yo. Sinisi kita sa pagiging miserable ko. Hindi ko na magawang maging masaya para sa'yo kasi lahat ng meron ka, kinakainggitan ko. I failed as your best friend, Hani." Halatang nagulat si Hani sa mga ipinagtapat ko. Pagkatapos, siya naman ang naging emosyonal at tahimik na umiyak. "Hindi ko alam na ganyan na pala ang nararamdaman mo, Sunny." Sinubukan niyang punasan ang mga luha niya gamit ang mga kamay niya pero bale-wala rin 'yon. "I thought we were okay. Kasi natutupad na 'yong mga pangarap natin." Tumawa ako ng mapait habang iiling-iling. "Sa'yo lang nangyayari 'yon, Hani. Ikaw 'yong best-seller at ikaw lang ang may movie offer sa'ting dalawa." Matagal bago muling nagsalita si Hani. "You know, Sunny.Hindi naman ako gano'n kabait gaya ng iniisip ng marami. Ang totoo niyan, natakot ako sa'yo. I was so afraid you'll outshine me." "Hindi ko maintindihan..." Ngumiti ng malungkot si Hani. "Hindi mo lang napapansin, pero lumalaki na ang mundo mo. Alam nating mahirap kang pakisamahan sa umpisa, pero ikaw 'yong klase ng tao na madali ring kagaangan ng loob kung kikilalanin ka lang nila. At marami nang nakakapansin no'n." Pinunasan uli niya ang mga luha niya. "Natakot ako, Sunny. Akala ko no'ng una, ayoko lang na malamangan mo ko. I have been conceited. Nasanay ako na ako 'yong parating superior sa'yo. Pero ngayon, na-realize ko na hindi 'yon ang source ng takot ko.The truth is, natakot ako na baka hindi na ko ang maging best friend mo. Kaya nakapagsalita ako ng hindi magagandang bagay tungkol sa'yo. I don't want other people to discover how great of a person you are, so I said mean things about you behind your back. I've been selfish, I know. I'm so sorry." Wala akong naramdamang sama ng loob sa mga ipinagtapat ni Hani. Mas malala naman ang nagawa ko sa kanya. Pero dahil sa mga sinabi niya, naiintindihan ko na kung ano ang nangyari sa'min. "I'm so sorry for being a b***h, Hani. Siguro naramdaman mong iniiwan na kita no'ng mga panahong iniiwasan na kita. Hindi na kasi magawang tingnan no'n nang hindi naiinggit sa'yo." Tumango si Hani. "I thought you were leaving me behind." Hinawakan ko ang mga kamay ni Hani. Ako naman ang nagsimula ng gulong 'to, kaya ako ang dapat umayos. "Hani, I was wrong. Hindi dapat ako nainggit sa'yo. Na-realize ko na ang malaking pagkakamali ko lalo na't may nagpaalala sa'kin na may mga taong nagmamahal sa'kin, at may mga blessing din akong natatanggap na hindi ko lang na-a-appreciate dahil naka-focus ako sa inggit ko. I hope you forgive me." "Only if you forgive me, too," nakangiting sabi naman ni Hani. "I want my best friend back, Sunny." I looked at Hani, smiled, and then launched myself at her, making her laugh. Friendship restored.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD