I WAS aware Levi literally didn't have a heart, so it amazed me how he could be so selfless.
Una, kahit may karapatan siyang mag-demand sa ina niya na manatili sa tabi niya dahil anak siya nito, hindi niya 'yon ginawa. Siya pa nga ang nag-encourage sa mommy niya na bumuo ng bagong pamilya, kahit siya ang mas nangangailangan ng pagmamahal at pagkalinga.
Ngayon naman, kahit alam kong mahirap at masakit para sa kanya, hinayaan niya kong umalis. Ramdam ko sa boses niya kanina na napipilitan lang siyang itaboy ako. He was fighting his own demons for my sake. Akala kasi niya, mapanganib siya sa'kin at ayaw niyang maging halimaw, mas lalo na ang masaktan ako. Kumakapit siya sa natitirang pagkatao niya kahit na naging manika na siya sa loob ng napakahabang panahon.
Si Levi ang pinakadisenteng tao na nakilala ko sa kabila ng sumpang bumago sa anyo niya.
Pero may magbabago ba?
Wala.
He knew it very well, so he forced himself to push me away while he still could.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. May nararamdaman si Levi para sa'kin, at sigurado ako sa sarili ko na gano'n din ako. Pero alam naming pareho na wala naman 'tong patutunguhan. Sobrang mali ng nangyayaring ito.
Binigyan ako ni Levi kanina na pagkakataong piliin siya, na manatili sa mansiyon niya habambuhay. Pero tinakbuhan ko siya. Wala naman akong magagawa dahil hindi ko kayang talikuran ang mundo ko para makasama siya.
I knew I wanted to stay with Levi for the rest of my life. I just didn't have the courage to choose him over my family who needed me.
Alam kong hindi lang dala ng kabataan o kapusukan ko ang nararamdaman ko ngayon. Sigurado ako na malalim ang damdamin ko para kay Levi at 'yon ekskato ang kinakatakutan ko. Kailangan ko 'yong pigilan dahil alam ko namang hindi kami puwedeng magkasama.
I was a human and he was a doll.
Madaling makita ang buhay na si Levi ang kasama ko. Pero mahirap 'yong panindigan. Maraming tao ang siguradong tututol, lalo na't kakaiba siya. Hindi nila kami maiintindihan.
May pakiramdam ako na kung malalaman ng mundo ang tungkol sa'min ni Levi, ipapasok nila ako sa mental hospital. Samantalang ang binata naman, siguradong susunugin nila ng buhay. Hindi naman ako papayag na mangyari 'yon sa kanya.
Alam ni Levi na ganito ang mangyayari kaya siya na ang nagdesisyon para sa'ming dalawa.
"Sunny?"
Napakurap-kurap ako nang ma-realize kong kanina pa pala bukas ang pinto ng bahay at nasa harap ko na si Vince, halata sa mukha ang pag-aalala habang nakatitig sa'kin. "Hi."
Tiningnan ako ni Vince mula ulo hanggang paa. Nang napako ang tingin niya sa mukha ko, may nakita akong iritasyon at awa sa mga mata niya. "You look like a mess, Sunny. Nagpunta ka na naman ba sa bahay ni Levi, ha?"
Nilagpasan ko lang si Vince dahil wala akong lakas makipagtalo sa kanya ngayon. Dumeretso ako sa kuwarto namin para sana magpahinga pero sa pagkagulat ko, sumalubong sa'kin ang mga mukha ng mga taong hindi ko inaasahan.
Hani. Smith. At Felix.
They all looked somber, but gorgeous. Para silang mga demi-god na bumaba ng Earth.
Si Hani, may pagka-Chinita dahil may lahi siyang Korean sa father side. Mahaba at straight na itim ang buhok niya. May full bangs din siya na lalong nagpaliit sa maganda niyang mukha.
Si Smith naman, half Filipino-half American. Matangkad siya, pang-atleta ang bulto ng katawan, at natural na blonde ang buhok. Ang mga mata naman niya, berde.
At si Felix. Sa totoo lang, ngayon ko lang siya nakita ng personal. Sa mga family pictures lang nina Hani ko siya nakikita dati. Pero guwapo rin pala ang binata. Matangkad din siya, lean ang katawan, at may eyeglasses siya na mukhang makapal ang grado. Gaya ng inaasahan ko sa kanya, nakasimangot siya at halatang may pagkamasungit at suplado.
Okay. Now I was officially confused. "Anong nangyayari..."
"Sunny, I'm sorry," sabi naman ni Vince na kapapasok lang ng kuwarto. Sinara at kinandado pa niya ang pinto. "Pinapunta ko sila rito kasi nag-aalala na talaga ako sa'yo."
Okay, masyado akong kalmado na kahit ako sa sarili ko, natatakot na sa reaksyon ko. Alam kong dapat nagwawala na ko sa galit dahil nasa harap ko ang tatlong tao na nagpahirap sa buhay ko nitong lumipas na mga buwan.
Pero ngayon, wala akong maramdaman. Kung papipiliin ako sa pagitan ng away namin ni Hani at ang paghihiwalay namin ni Levi, mas gugustuhin ko pang maranasan ang friendship break-up ng paulit-ulit kaysa ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa pag-alis ko sa mansiyon.
Well, losing my best friend sucked, but I knew Hani was only one apology away. Losing Levi was harder because the moment I left his universe, I knew he was already light years away from me.
Hindi ko naiintindihan ang nangyayari no'ng una, hanggang sa makita ko ang awa at simpatya sa mga mata nina Hani, Smith, at Felix habang nakatingin sila sa'kin. Mukhang may ideya na ko sa nangyayari. Wala na kong lakas magreklamo sa ginawa ni Vince kaya bumuga na lang ako ng hangin at umupo sa kama. "Guys, I'm really tired right now. Puwede bang bukas na lang tayo mag-usap-usap?"
Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Hani nang lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko. Marahang ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. "Sunny, you're hurt. Linisin muna natin ang sugat mo."
Nilingon ko si Hani. Genuine ang concern na nakikita ko sa kanya. Nang maalala ko ang mga masasamang bagay na ginawa ko sa kanya, biglang nanikip ang dibdib ko. "You're supposed to be mad at me, Hani."
"Let's set it aside for the meantime," marahang sabi naman ni Hani. Mula sa balikat ko, bumaba ang kamay niya sa kamay ko. "You need us, Sunny. Nabanggit na sa'min ni Vince ang tungkol sa kaibigan mong si Levi. Alam na namin kung ano siya. We saw it on the video."
Tumingin ako kay Vince na biglang namula ang mukha at napayuko, halatang guilty. Gusto kong magalit sa kanya, pero bale-wala na rin naman 'yon ngayon. Tinuldukan na namin ni Levi kung ano man ang meron kami. "Levi is not a bad person," sabi ko nang balingan ko uli si Hani. Nang maramdaman ko ang pamilyar na comfort na naibibigay sa'kin ng ex-best friend ko, para bang biglang may nagbukas na kung ano sa loob ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong nagkukuwento sa kanya. Wala na kong pakialam kahit naroon din sina Smith at Felix. Pakiramdam ko kasi, hindi na ko makakahinga kapag hindi pa ko naglabas ng mga saloobin ko. "Hindi niya ginustong maging manika siya. Naging gano'n lang naman siya dahil sa sumpa ng kung sinong baliw na babae." Kumurap-kurap ako nang manlabo ang mga mata ko dahil sa luha. "Nakakulong lang siya sa mansiyon niya sa loob ng twenty years. Hindi naman gano'n kasama kung mag-asam siya ng kaibigan. Tatlong linggo lang naman ang hiningi niya. Hindi niya ko pinilit na samahan siya. Kusang-loob akong pumayag sa deal namin. Alam kong delikado 'yong ginawa ko. Pero maniwala kayo. Hindi niya ko sinaktan."
"Shh, Sunny," sympathetic na sabi naman ni Hani habang marahan niyang hinahagod ang likod ko. "It's okay, honey. We're not here to chastise you."
Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng mga hikbi ko. "Tapos naman na ngayon 'yon, eh," pagpapatuloy ko pa rin sa basag na boses. "Iniwan ko na siya kasi hindi ko kayang mag-stay sa mansiyon niya at iwan ang pamilya ko. Alam kong tama ang ginawa ko kasi hindi naman kami puwedeng magkaro'n ng normal na relasyon. Tanggap din naman niya 'yon, eh." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. "Pero bakit ganito, Hani? Why do I feel so bad about leaving him?"
Bahagyang nanlaki ang singkit na mga mata ni Hani. "Sunny are you... are you in love with the doll?"
How could I not be?
"I'M SORRY, Sunny. Alam kong masyado na kong pakialamero. Naisip ko lang naman kasi na baka nakikipagkaibigan ka kay Levi kasi na-mi-miss mo na ang best friend mo. Kaya tinawagan ko na si Hani. Eh nasa bakasyon pala sila ng pamilya niya kasama ang pamilya ni Smith sa Baguio. Nang sabihin kong kailangan mo sila rito, mabilis naman silang pumayag na pumunta rito. Hindi sila pinayagan ng kanya-kanya nilang mga magulang na silang dalawa lang na mag-jowa ang umalis kaya pinasama sa kanila si Felix bilang chaperone nila. I know you hate Felix, so I'm so sorry if he has to be involved in this."
"Anong naging reaksyon nila nang nalaman nila ang tungkol kay Levi?"
"They took it better than I expected. Naniwala agad sila nang pinakita ko sa kanila 'yong video ni Levi na gumagalaw. Pero siguro, sanay na sina Smith at Felix. Kasi 'di ba 'yong angkan nina Hani, may lahi daw na witch? Madalas magkuwento si Hani ng mga kababalaghan sa pamilya nila simula pagkabata, kaya siguro hindi na sila masyadong nagulat na totoong may buhay na manika sa mundong 'to."
Natahimik na uli ako habang pinapanood si Vince na i-empake ang mga gamit ko. Siya ang gumagawa niyon dahil wala talaga akong lakas na kumilos ngayon. Pakiramdam ko, wala pa ko sa tamang huwisyo at hindi pa nag-si-sink in sa'kin ang lahat.
Nang sabihin sa'kin ni Hani kanina na mas makakabuti sa'kin kung aalis na ko sa probinsiya na 'yon para makalimutan ko si Felix, mabilis akong pumayag. Siguro kasi gusto ko na talagang makalimot nang mawala na 'tong sakit na nararamdaman ko.
I couldn't afford to fall apart when I have to be strong for my family. I have to pick myself up as soon as possible, so I have to leave this place for good.
Sa ngayon, nasa sala sina Hani, Smith, at Felix habang naghahapunan kasama sina Tita Viel at Tito Celio. Pinagpapaalam nila kami ni Vince para sa 'barkada gimmick' namin sa isang resort, para lang hindi magtaka ang tiyuhin at tiyahin ko sa pag-alis namin ng pinsan ko.
Tumayo si Vince sa harap ko matapos niyang isara ang maleta ko. His features were stern. "You're stronger than this, Sunny. Makakalimutan mo rin si Levi. Ayokong nakikita kang nagkakaganyan nang dahil lang sa isang manika."
Hindi na ko nagkomento. Hindi maiintindihan ng ibang tao ang koneksyon na nag-uugnay sa'min ni Levi kahit ilang araw lang kaming magkasama. Nakakapagod na ring magpaliwanag. "Aalis na tayo sa lugar na 'to, Vince. Magiging okay din ako."
Tumango si Vince. "That's my girl."
Lumabas na kami ni Vince nang pareho na kaming handang umalis. Nagpaalam kami kina Tita Viel at Tito Celio na mukhang naniwala namang may bakasyon ang barkada namin. Nagbilin na lang sila na mag-iingat kami ng pinsan ko at tumawag sa kanila ng madalas.
Hinawakan ni Hani ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa van. Tinulungan naman ni Felix si Vince na hilahin ang mga maleta namin. Si Smith naman, nauna na sa sasakyan dahil siya ang magmamaneho. Binuhay na niya ang makina habang pasakay pa lang kami.
"Gusto mo bang tabi na lang tayo dito sa likod?" tanong ni Hani no'ng pasakay na ko sa gitnang upuan sa loob ng van. "Puwede namang si Kuya Felix o si Vince na lang ang sa passenger's seat."
Umiling ako. "I'm fine, Hani. Kailangang nasa tabi ka ni Smith dahil medyo tatanga-tanga sa direksyon 'yang boyfriend mo. Alam mo namang ikaw ang human GPS niya."
"Hey," pabirong reklamo naman ni Smith.
Wow. Improvement 'yon. Nakikipagbiruan na ko kay Smith na kamakailan lang ay kaaway ko sa f*******:.
Tiningan ko si Vince na nasa pinaka-backseat na. Mahiluhin kasi sa biyahe ang pinsan ko kaya gusto niyang nasa pinalikod parati at walang katabi para hindi raw siya mahiya kapag sumuka siya. Gross, I know. "I don't think gugustuhin ni Smith na makatabi si Vince na siguradong masusuka sa biyahe na 'to."
"Damn right," sabay na sagot naman nina Vince at Smith.
Natawa naman ng mahina si Hani. Pero bigla rin siyang sumeryoso nang balingan niya si Felix na nakatayo sa tabi niya. "Sunny, Kuya Felix, alam kong hindi kayo okay kahit ngayon lang kayo nagkakilala ng personal. I hope this time, you'll get along well."
Tumango lang ako. Hindi ko rin alam kung saan nagmumula ang peace na nararamdaman ko pero nakatulong 'yon para ako na ang unang magpakumbaba. Nilahad ko ang kamay ko kay Felix. "Hi. I'm Sunny Esguerra."
Nanatiling seryoso ang mukha ni Felix pero tinanggap naman niya ang pakikipagkamay ko. He firmly squeezed my hand and shook it gently. "Felix Hernandez."
Ngumiti si Hani na parang nakuntento sa maayos naming pagpapakilala ni Felix sa isa't isa. "Now, let's go. Excited na kong makasama kayo ngayong bakasyon."
Mayamaya lang, nakaupo na ko sa loob ng van at nasa biyahe na. Abala si Hani sa pagbibigay ng direksyon kay Smith. Si Vince naman, tulog na sa backseat para hindi siya mahilo. At si Felix naman, tahimik lang na nakaupo sa tabi ko.
Bigla akong na-tense nang mapansin kong malapit na kaming dumaan sa mansiyon ni Levi. Talagang madadaanan namin 'yon bago kami makalabas ng Sta. Elena dahil maliit lang naman ang bayan namin kaya isa lang ang daan papasok at palabas.
Nilingon ko si Felix para lang mawala sa salaming bintana ang atensiyon ko. Nakahalukipkip lang ang lalaki at deretso ang tingin. Para siyang si Levi, masyadong stiff. Ang kaibahan lang, siyempre, humihinga siya at kumukurap-kurap.
Naramdaman yata ni Felix na nakatingin ako sa kanya kaya nilingon niya ko. Tinaasan niya ko ng kilay. "What?"
"I thought you were in LA," sabi ko na lang para hindi naman ako gaanong mapahiya.
"I just came back last week for a short vacation."
Tumango na lang ako. "Ah... okay."
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na lumingon sa labas ng bintana. Bukod sa ramdam kong walang balak makipagkaibigan si Felix sa'kin, naisip ko rin na gusto kong matanim sa alaala ko ang mansiyon kung saan nakatira si Levi.
Madilim na sa labas dahil mag-a-alas otso na ng gabi. Bumiyahe pa rin kami kahit gano'n na ang oras dahil gusto ni Hani na makaalis na ko agad-agad sa lugar na 'yon. Maging si Vince, natatakot yata na bumalik na naman ako sa mansiyon kung magtatagal pa kami ro'n.
Kumunot ang noo ko nang makilala ko ang luxury car na nakaparada sa tapat ng malaking bakuran. Sigurado akong kotse 'yon ni Jared! Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Ito na ba ang gabi ng 'paghihiganti' ng gagong 'yon?
"Stop," natatarantang sabi ko. "Smith, ihinto mo ang sasakyan. Bababa ako!"
"Smith, no," mariing sabi naman ni Vince na gising pala. "D'yan nakatira sa malaking bahay si Levi. Huwag mong ihihinto ang kotse."
"Uhm, sure," nag-aalangang sabi naman ni Smith na hindi nga hininto ang kotse.
Marahas na nilingon ko si Vince. "Listen, nando'n si Jared ngayon sa bahay ni Levi! Siguradong may gagawin siyang masama para ilantad sa lahat na may buhay na manika sa mansiyon! I have to help him!"
"Hindi ko kailangang iligtas si Levi," giit naman ni Vince. "Sunny, pinutol niyo na ang uganayan niyo. Kung babalik ka pa sa mansiyon na 'yon, hindi mo na talaga siya maiiwan! Gusto mo ba talagang makalimot? Sa nakikita ko kasi sa'yo ngayon, wala ka nang balak iwan siya."
Wala na kong balak iwan si Levi?
Well, damn right, Vince!
I opened the window. Kung ayaw nilang ihinto ang sasakyan, ako na mismo ang lalabas mag-isa. Ngayon ko na-appreciate na maliit ako at payat dahil mabilis kong nailusot ang katawan ko mula ulo hanggang baywang sa nakabukas na bintana.
"Are you insane, shorty?!" galit na saway naman ni Felix sa'kin. Naramdaman kong ipinalupot niya ang isang braso niya sa baywang ko. "Umayos ka nga!"
"I need to save Levi!" giit ko naman. "Let me go!"
"Sunny!" saway naman ni Vince sa'kin.
"Oh, god. Baka mahulog si Sunny!" natatarantang bulalas naman ni Hani. "Stop the car, baby!"
Hinila ako ni Felix pabalik sa loob. Wala akong nagawa kundi ang yumuko para hindi ako mauntog sa hamba ng bintana. Pagkatapos, biglang huminto ang sasakyan kaya pareho kaming nawalan ng balanse at nahulog sa upuan. Namalayan ko na lang na nasa sahig na ko habang nakakubabaw sa binata.
Wow, ang tigas ng katawan ni Felix, solidong-solido. At ang bango-bango pa niya.
Umungol sa reklamo si Felix. "Damn you, Smith! Papatayin ko ang nagbigay sa'yo ng driver's license!" Tumingin siya sa'kin, tabingi na ang pagkakasuot niya ng salamin niya. "I know there's a reason why I don't like you, Sunny Esguerra."
"Most people don't," malamig na sabi ko naman. "And I don't give a shit."
Tumayo na ko at mabilis na bumaba ng sasakyan sa kabila ng pagpigil sa'kin ng mga kasamahan ko.
Tumakbo ako pabalik sa mansiyon na nalagpasan din namin. Naramdaman at narinig kong may mga sumunod sa'kin pero hindi ko sila pinansin. Nanlumo ako nang makita kong nagbabantay sa pinto sina Minion 1 at Minion 2 na nakangising hinarang ako.
Napaatras ako. 'Yong ngisi nila, gano'n din ang ngisi ni Jared no'ng gabing inatake ako ng demonyong 'yon. Sa totoo lang, nakaramdam ako ng takot nang magsimula silang maglakad palapit sa'kin.
"Talagang makulit ka rin 'no?" nakangising sabi ni Minion 2.
"'Di bale, pare," sabi naman ni Minion 1 at binigyan ng malaswang tingin ang katawan ko. "Mukhang mag-e-enjoy naman tayo sa kanya."
Tatakbo na sana ako nang sa pagkagulat ko, dumaan sa magkabilang-gilid ko sina Felix at Vince. Walang sabi-sabi na sinalubong ng sapak ng dalawa sina Minion 1 at Minion 2.
Hindi na ko nagkaro'n ng pagkakataong makapagpasalamat kina Felix at Vince dahil alam kong wala na kaming oras para ro'n. Patakbo akong pumasok sa loob ng mansiyon. Nag-alala ako dahil halatang sinira ang seradura ng pinto at sapilitang pinasok ni Jared ang bahay. Kung naglakas siya ng loob na pumasok do'n ng nag-iisa, siguradong may masama siyang plano.
Dumeretso ako sa kuwarto ni Levi. Alam kong alam ni Jared na doon 'nabuhay' ang manika kaya malakas ang loob ko na doon siya pupunta. Hindi nga ako nagkamali.
Pagpasok ko sa silid, laking gulat ko nang makita kong binubuhusan ni Jared ng gasolina ang paligid ng kuwarto. Mabilis namang dumako ang tingin ko sa malaking kama. Naroon si Levi, nakaupo lang at hindi gumagalaw. At mukhang wala siyang balak 'mabuhay' para hindi siya mahulog sa trap. Mabuti 'yon.
"Jared, alam mo bang puwede kang makasuhan ng arson sa gagawin mong 'to?" galit na tanong ko kay Jared. "Ako ang housekeeper ng mansiyon na 'to at isusumbong kita kay Ma'am Beatrice! Talagang gustung-gusto mong makulong 'no?"
Tumawa si Jared, saka hinagis ang bote ng gasolina na wala nang laman. Nakangisi siyang humarap sa'kin. "Mabuti naman at dumating ka. Hindi na ko mahihirapang tawagin ka papunta rito." Nginuso niya si Levi. "Hindi pa siya gumagalaw simula nang dumating ako. Naalala ko na no'ng gabing nabuhay siya, iniligtas ka niya mula sa'kin. Kaya naisip ko na baka mabuhay uli siya kung mapapahamak ka uli."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Buwisit, alam na ni Jared kung paano gamitin ang utak niya!
Sa pagkagulat ko, naglakad na si Jared papunta sa pinto habang sumisipol-sipol. "Now, all I have to do is to wait for the two of you to get out of this room."
Nalaman ko kung ano ang eksaktong plano ni Jared nang sa paglabas niya sa kuwarto, nakangisi siyang pumihit paharap at naghagis ng nakabukas na lighter. Sa isang iglap, kumalat ang apoy sa buong kuwarto, paikot sa'min ni Levi.
"Now, it's time for your doll-in-shining-armor to save you, babe," nakangising sabi ni Jared bago siya patakbong umalis.
Damn that bastard.
"Sunny!"
Pumihit ako paharap kay Levi. Natayo na siya ngayon at napansin kong hindi siya masayang makita uli ako. "I'm here to save you, Levi."
"No, you're here to kill yourself!" galit na sabi naman niya. "Bakit ba bumalik ka pa rito?"
"May plano ka ba talagang mamatay ng dahil lang kay Jared?!"
Wow. Sa lahat talaga ng oras, ngayon pa namin napiling mag-away ni Levi. Napakainit na ng kuwarto at nagsisimula nang kumapal ang usok. Nasa gitna kami ng literal na ring of fire. Mabilis kumakalat ang apoy pero himbis na tumakbo na kami palabas (na mukhang imposible na dahil nasusunog na ang pinto at may malaking apoy na rin sa harap ng mga bintana) ay mas pinili pa naming magtalo.
"Ikaw ang nagsabi sa'kin na huwag na huwag akong magpapahuli kay Jared," sumbat naman sa'kin ni Levi. "Kaya nga kahit gustung-gusto ko nang sapakin ang gagong 'yon dahil sa pagsira niya sa bahay ko at sa mga pinagsasasabi niya sa'kin, hindi ako kumilos dito. Pagkatapos ngayon, gusto mo kong lumabas sa kuwarto na 'to kung saan alam naman natin pareho na hinihintay na tayo ni Jared para ipakita sa lahat na buhay na manika nga talaga ako?!"
"Hindi na mahalaga kung malaman ng lahat na buhay ka!" giit ko naman. Natataranta na ko ng mga sandaling 'yon dahil palapit na ng palapit sa'min ang apoy at malapit nang kumapal ang usok sa buong kuwarto. "We can just run away from all of them! Kung hindi na tayo puwede dito sa mansiyon mo, eh di sa ibang lugar na lang. Marami ka namang pera, 'di ba? Sabihin mo lang sa'kin kung saan tayo puwedeng tumira, 'yong malayo sa mga makakaalam na buhay ka. Sasama ako sa'yo. Puwede kang magpanggap na s*x doll ko para walang maghinala na buhay ka!"
Halatang nabigla si Levi sa mga sinabi ko.
Maging ako, hindi makapaniwala. Hinahabol ko ang hininga ko habang inaalala kung ano ang mga salitang ginamit ko. Sinabi ko ba ang lahat ng 'yon? Wow. Hindi masyadong romantic at medyo ridiculous pakinggan. Pero na-gets naman siguro ni Levi ang gusto kong sabihin.
He probably did because he laughed.
"Walang nakakatawa!" naiinis na sigaw ko naman sa kanya. Nangingilid na ang mga luha ko at basag na ang boses ko. Dala 'yon ng relief ko dahil alam kong natibag ko na ang pader na tinayo ni Levi sa pagitan namin. "Sira-ulo kang manika ka!"
"Mas baliw ka para balikan pa ko rito at subukang iligtas kahit alam mong puwede kang mapahamak," nakangiting sabi naman ni Levi habang naglalakad siya palapit sa'kin. "I corrupted you, didn't I?"
Tumango ako. "You did. Kaya kailangan mo kong panagutan." Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Let's run away, Levi."
Hinawakan ni Levi ang kamay ko. "If you're sure about this, Sunny, then let's do it."
May sasabihin pa sana ako. Pero sa pagkagulat ko, may narinig akong ingay na parang may tangke na bumukas. Kasunod niyon, bigla na lang nagkaro'n ng puting foam sa paligid. Hindi lang sa mga kasangkapan kundi maging sa mga katawan namin ni Levi.
"Goddammit, lovebirds!" sigaw ni Felix. "Bago kayo mag-ayaang magtanan, sana lumabas muna kayo ng kuwarto!"
Pumihit ako paharap kay Felix. Gusto ko sana siyang sagutin, pero mas nangibabaw ang relief no nang makita ko siyang may hawak na fire extinguisher. Ligtas na kami ni Levi. Pinisil ko ang kamay niya nang mapansin kong mainit ang palad niya. Nope, we were really safe now. "May fire extinguisher ka pala."
"I told you Mom had a breakdown when she found out I tried to set myself on fire before," sagot naman ni Levi. "Simula no'n, parati na nilang sinisigurado ni Tatay Tonio na may fire extinguisher sa bawat parte ng bahay." Nilingon niya ko. "Nasa tabi lang ng mga manika sa pasilyoang mga fire extinguisher. Hindi mo ba napansin 'yon?"
Umiling ako. "Ayoko kasing tinititigan ang mga manika sa pasilyo. They're creepy."
Ipinaikot ni Levi ang mga mata niya. "God, Sunny. You're creeped out by real dolls and not by something like me?"
I was shocked. Hindi dahil sa mga sinabi ni Levi kundi dahil sa pagpapaikot niya ng mga mata niya. Isa pa, ngayon ko lang napansin na kumukurap-kurap siya na hindi niya nagagawa noon. "Levi–"
"I hate to interfere, but we have company, lovebirds," iritadong anunsiyo ni Felix mayamaya, saka niya binalingan si Levi. In fairness, he was still composed and he didn't appear afraid. "Play dead, doll."
SO APPARENTLY, this was what happened.
Nang umakyat ako sa kuwarto ni Levi, naiwan sina Felix at Vince na na-knock out sina Minion 1 at Minion 2. Sina Smith at Hani naman, humingi ng tulong sa mga tanod na nakita nilang rumoronda.
Ang mga tao sa baranggay ang humuli kina Minion 1 at Minion 2. Habang ni-re-report ni Vince ang ginawa ng mga gagong 'yon, pasimple namang pumasok si Felix sa loob ng mansiyon para maging back up ko. Nakasalubong niya si Jared na sinabing malapit na kaming maging barbecue ng 'buhay na manika.'
Felix was, according to him, was pissed so he knocked out Jared with his martial arts skills and then went straight to the second floor. Nang ma-realize niyang nasusunog nga ang kuwarto, binasag niya ang isa sa mga salamin kung saan nakalagay ang fire estinguisher gamit ang mga manika na nakadispaly sa pasilyo. At niligtas na nga niya kami ni Levi.
At ito naman ang mga sumunod na nangyari.
Hindi puwedeng makita ng ibang mga tao si Levi, kaya kami lang ni Felix ang bumaba para humarap sa mga tanod. Naabutan namin ang walanghiyang si Jared na gising na pala at pinagpipilitang may buhay na manika sa mansiyon. May mga residente na rin sa labas. Kasali sa mga 'yon sina Tita Viel at Tito Celio.
Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya sinapak ko si Jared. Sinabi ko sa mga tanod ang ginawa niyang pagsunog sa mansiyon dahil bangag na naman siya. At dahil wala namang buhay na manikang lumabas, sa'kin mas naniwala ang mga residente. Sa pagkakataong 'yon, wala nang nagawa ang mga tao ng barangay kundi hulihin ang demonyong 'yon kahit anak pa siya ng mayor.
Sina Vince, Smith, at Hani ang sumama sa barangay para magbigay ng statement. Sinamahan sila nina Tita Viel at Tito Celio (pero pagkatapos lang masiguro ng tito at tita ko na talagang maayos na ang kalagayan ko). Samantalang ako naman, nagpanggap na tatawagan si Beatrice dahil bilang 'housekeeper' ng mansiyon, responsibilidad kong ipaalam sa may-ari ang nangyari. Nagprisinta si Felix na bantayan ako just in case may dumating na ibang tao, pero binigyan niya kami ni Levi ng privacy kaya do'n siya sa labas ng mansiyon 'nagbabantay.'
Kaya heto ngayon ang nangyayari.
Nakahiga kami ni Levi sa kama niya sa kabila ng pagiging magulo at makalat ng kuwarto niya habang nakatingala kami sa munting universe sa kisame niya. Sa pagkakataong 'yon, wala ng distansiyang nakapagitan sa'min.
In fact, magkadikit ang mga balikat at mga braso namin. Nakakakawit ang hinliliit ko sa hinliliit niya. Para bang gusto naming maramdaman na talaga ngang magkasama na uli kami sa gano'ng paraan.
"Babasahin kaya ng mommy mo ang email mo?" tanong ko kay Levi mayamaya.
"Sana."
Dahil nga nagpanggap akong tinatawagan si Beatrice kanina, iniwan sa'kin ng barangay captain ang number niya. Patawagin ko raw sa kanya ang may-ari ng mansiyon para maayos ang kaso. Seryoso kasi ang arson. Nang balikan ko si Levi kanina at sinabi ko sa kanya ang nangyari, nagprisinta siyang mag-email sa mommy niya.
"Levi?"
"Hmm?"
"Nagbabago ka na, hindi ba?" tanong ko sa boses na puno ng pag-asa. "'Yong mga mata mo, nagagalaw mo na sa normal na paraan. Kumukurap ka na rin. At ngayon, nararamdaman kong umiinit na ang katawan mo."
Matagal bago sumagot si Levi. "Mukhang gano'n na nga, Sunny. Napansin ko rin na unti-unti nang bumabalik sa'kin ang mga katangian ko na nawala no'ng naging manika ako."
Napangiti ako. Kung hindi lang ako nag-aalala na baka may makarinig sa'kin at maisipan pang sumilip sa mansiyon, baka sumigaw na ko sa sobrang saya ko ng mga sandaling 'yon. "Ngayon lang ba nangyari 'to, Levi?"
"Yes. I'm quite stoked. Ayoko nga sanang pansinin dahil baka mamaya, imahinasyon ko lang pala 'to."
Nilingon ko si Levi. Kahit gaano pa kaganda ang pagkakapinta niya sa universe, siya pa rin ang paborito kong titigan sa lahat. "Ano sa tingin mo ang nag-trigger ng pagbabago mo?"
Matagal bago muling nagsalita si Levi. "Nangyari lang naman sa'kin 'to simula nang may maramdaman ako para sa'yo."
Nag-init ang mga pisngi ko. "You mean, 'yong cure sa sumpa mo, parang 'yong sa mga Disney movies? True love?"
"I don't want to assume, Sunny," maingat na sagot ni Levi. "Hindi pa naman tayo nakakasiguro kung unti-unti na ba talaga akong bumabalik sa pagiging tao. Alam mo namang ayoko nang magkaro'n uli ng maling pag-asa, 'di ba? Kapag may bagay akong inaasahan o kinakapitan, pakiramdam ko naririnig 'yon ng universe at inaagaw niya para hindi ako maging masaya."
Naiintindihan naman ni Sunny 'yon. False hopes ruined people, but they have to gamble this time. "Subukan uli natin, Levi. 'Yong pamilya ni Hani, may history sila ng witchery. Baka masabi nila sa'tin kung anong nangyayari sa'yo ngayon at matulungan ka pa nila. Alam kong ayaw mo na uling pagdaanan ang lahat ng 'to. Pero gusto kong makalaya ka sa sumpa mo. Saka sa nangyayari sa'yo, sa palagay ko naman, malaki ang chance na may pag-asa ka pa talagang maging tao uli."
Himbis na sumagot, kinalas ni Levi ang hinliliit niya sa hinliit ko. Pero bago pa ko makapagreklamo, hinawakan na uli niya ang kamay ko. This time, he entwined our fingers together. "Alright. Let's give it a shot again."
Napangiti ako. "Thank you! Kung gagawin kasi natin 'to, gusto kong gawin mo 'yon ng maluwag sa loob mo at hindi lang dahil sa pinilit kita. I want to give you hope, Levi. Malakas ang kutob ko na sa pagkakataong 'to, magiging maayos ang lahat."
"Hmm. Why do you say so?" tanong ni Levi sa naaaliw na boses.
"Because I'm your lucky star," natatawang sagot ko naman. Gah, masyado naman yata akong pa-cute ngayon. "Kasi kitams, nagbabago ka na simula no'ng nakilala mo ko."
"I beg to differ," marahang sabi naman ni Levi. Nilingon niya ko. I thought that was the most gentle gaze he had given me. "Sunny, you are more than a lucky star to me. You are my milky way. You are the galaxy that contains the stars I live to see."
I was left speechless.
#