I DELETED it.
Binura ko na 'yong mahaba at hindi kagandahang mensahe ko sa timeline ni Hani. Pagkatapos kong gawin 'yon, pakiramdam ko ay gumaang ang kalooban ko. Sa totoo lang, hindi ko na maalala ngayon kung bakit ginawa ko ang katangahan at kaduwagan na 'yon.
I felt sorry for myself now. Na-realize ko kung gaano ka-pathetic siguro ang naging tingin sa'kin ng mga taong nakabasa sa public message ko para sa ex-best friend ko. Lalo na sa mga mata ng mga kaibigan at family members niya.
Alam kong kailangan kong mag-sorry kay Hani at sa lahat ng mga nasaktan ko. Pero hindi ko pa kaya. Ngayon ko pa lang uli nakikilala ang sarili ko kaya nanamnamin ko muna ang oras na 'to bago ko ayusin ang gusot ko sa ibang mga tao. One step at a time. Makakarating din ako do'n.
Nangalumbaba ako sa mesa habang nakatitig sa laptop ko, partikular na sa nakabukas kong f*******: account. Kahapon pa ko naghihintay ng pulang notification mula sa isang tao. Pero hindi pa 'yon dumadating. Hindi ko nga rin alam kung bakit hinihintay ko siyang mangamusta kahit beinte kuwatro oras pa lang ang lumilipas mula no'ng huling beses kaming nagkita at nagkausap.
"Baka nagbabasa na naman siya ng libro sa Playroom," tumatango-tangong bulong ko sa sarili ko. "Kapag may hawak siyang book, nagkakaro'n siya ng sarili niyang mundo at hindi niya namamalayan ang oras." Napatitig ako sa wallclock. Parang literal na naririnig ko ang bawat paggalaw ng kamay niyon. Wala pang isang minuto, nainip na ko. Napabuga ako ng hangin sa sobrang pagkainip. "Sunny Esguerra, magsulat ka na nga lang. Muntanga ka na sa kakahintay sa wala."
Para hindi ako mainip sa kakahintay, binuksan ko na lang uli ang MS Word at ipinagpatuloy ang pagsusulat sa kuwentong naglalaro sa isipan ko– ang istorya ng isang buhay na manika na nakakulong sa isang malaking House of Dolls.
Usually, I struggled writing the first chapter because I know how important it was to make the first page interesting to catch the readers' attention. So I was very meticulous in constructing the characters' train of thoughts, the premise, and of course, the way I narrated the story.
Pero ng mga sandaling 'yon, parang may sariling buhay ang mga kamay ko. Sa unang pagkakataon simula nang nagsulat ako, sumabay ang mga daliri ko sa takbo ng utak ko. Malinaw kong nakikita ang mga eksena sa isipan ko at madali kong nahahanap ang mga salitang aakma para ilarawan sila. Siguro, masyado akong inspired.
"... and then she was drawn to him, the most handsome doll she has ever laid eyes on."
Gumuhit sa isipan ko ang guwapong imahen ni Levi.
Nag-init ang mga pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit. O puwedeng alam ko, pero hindi ko 'yon aaminin kahit sa sarili ko.
"Damn, hindi na ko makapag-concentrate," reklamo ko. Pagkatapos, may na-realize ako na nakapagpaungol sa'kin. "Gah, bakit ba kanina ko pa kinakausap ang sarili ko?"
Sinara ko muna ang MS Word ko at bumalik ako sa f*******: ko. Dahil hindi na ko nakatiis, ako naman ang nag-stalk sa profile ni Levi. Sa pagkagulat ko, hindi ko na makita ang account niya kahit naka-public naman 'yon.
Naka-deactivate kaya siya?
Nag-log out ako at nag-log in naman gamit ang account ni Rainy (na naka-remember ang password sa laptop ko) at sinubukan kong hanapin ang account ni Levi. Nakita ko 'yon. At may bago pa siyang post– ang malinaw na litrato ng universe sa kisame na may caption pa.
"The universe is a bitch."
Nanlumo ako.
Levi blocked me on his f*******: account.
Nang humupa ang pinaghalo-halong hinanakit, pagkapahiya, at pagkadismaya, bumangon naman ang galit ko. "Ang kapal ng Levi na 'to para i-block ako sa f*******: pagkatapos niyang magmakaawa sa'kin noon na tanggapin ko ang friend request niya!"
So, anong ibig sabihin ni Levi sa pauso niya na 'to? Binubura na niya ang trace ko sa buhay niya pagkatapos niya kong sapilitang ipasok sa mundo niya. Kung hindi naman siya nagpakita sa'kin, hindi ko malalaman ang tungkol sa existence niya, ha. Hindi ko naman pinilit ang sarili ko sa kanya, kaya bakit pakiramdam ko ngayon, isa akong malaking pasanin na kailangan niyang burahin?
Ang unfair lang, sobrang unfair.
Paano ako mabilis na natanggal ni Levi sa buhay niya habang ako, heto. Hindi ko makalimutan 'yong maiksing panahon na nagkasama kami. Lalo na 'yong mga bagay na natutunan ko sa kanya.
"Sunny?"
Nalingunan ko si Vince na kapapasok lang ng kuwarto. May dala siyang tray na naglalaman ng isang malaking plato ng palitaw, ang paborito kong merienda. Meron ding juice bilang panulak.
Simula nang bumalik ako sa bahay kahapon, hindi na ko iniiwan ni Vince ng matagal. Lagi niya kong sinisilip sa kuwarto. Kapag lumalabas naman ako ng silid para manood ng TV sa sala, nakadikit siya sa'kin. Kapag nasa bakuran naman ako para magwalis-walis at magpahangin, nakabuntot pa rin siya. Natatakot siguro siya na umalis na naman ako ng bahay ng walang pasabi.
Hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos ni Vince simula nang umuwi ako kahapon dahil hapunan na ko dumating. Ang sabi ko na lang kina Tita Viel at Tito Celio, nag-quit na ko kasi natakot ako sa mansiyon mag-isa dahil may nararamdaman akong kakaiba. Mukhang naniwala naman sila dahil hindi na sila uli nagtanong. Sa reputasyon ng House of Dolls, hindi na siguro sila nagtaka sa nangyari sa'kin.
Natulog din agad ako kagabi. Napansin siguro ni Vince na pagod ako kaya hindi na siya nangulit. Kaninang madaling-araw naman, bumangon ako para isulat na ang kuwentong base sa buhay ni Levi. Napansin ng pinsan ko na busy ako at nag-ko-concentrate kaya dinalhan na lang niya ko ng almusal kanina at hindi na kinausap.
Pero ngayon, alam kong may balak na si Vince na gisahin ako. Lalo na't napansin niyang nag-fe-f*******: na lang ako at hindi na nagtatrabaho.
"Oh, s**t," gulat na bulalas ni Vince habang titig na titig sa nakabukas na f*******: account. Para siyang nanghina nang mapaupo siya sa kama. "May f*******: account ang manikang 'yon?"
"Gawa lang sa ceramics ang katawan ni Levi ngayon," paliwanag ko naman. "Pero 'yong utak niya, nag-fa-function pa rin ng maayos. Nakakagalaw din siya na parang normal na tao. Saka nakakapagtaka man, pero nakakapagsalita rin siya sa normal na boses. Hindi ko rin alam kung pa'no niya nagagawa 'yon."
Binigyan ako ni Vince ng kakaibang tingin. "Mukhang marami ka nang alam tungkol sa kanya. You talk as if he's a real person."
"Levi is a real person," giit ko naman. "Produkto lang ng masamang black magic kung bakit siya naging manika. Kung kikilalanin mo lang siya, ma-re-realize mong hindi siya nakakatakot."
Bumuga ng hangin si Vince. Pinihit niya ang swivel chair na kinauupuan ko paharap sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang gano'n kaseryoso. "Sunny, you are my favorite cousin ever since we were little. Sa buong pamilya natin, ikaw 'yong naging pinaka-supportive sa'kin. No'ng nalaman mong bakla ako no'ng ten years old pa lang tayo, in-encourage mo kong magpakatotoo sa sarili ko. Tinulungan mo rin akong mag-out sa mga magulang ko. Sinasapak mo rin 'yong mga kaklase kong nanunukso sa'kin. You were my childhood hero. You still are."
Umungol ako sa reklamo. Alam ko naman kung saan papunta 'yon. "Vince, I know how much you care about me. Pero hindi mo kailangang mag-alala sa'kin. I may not be emotionally and mentally strong right now, but my sanity is still intact." Iminuwestra ko ang sarili ko. "Maniwala ka sa'kin. Hindi ako nababaliw. Walang ginawang masama sa'kin si Levi. Ni dulo ng buhok ko, hindi niya hinawakan. Nakita mo naman siguro na isang saway ko lang sa kanya, mabilis siyang sumusunod sa'kin, 'di ba? I had everything under control when I was still in the mansion."
"You don't seem okay to me, Sunny," giit pa rin ni Vince. Nakaka-touch ang concern sa boses niya, pero may halo rin 'yong pagdududa na parang hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko. "Parang nagbago ka na simula nang umuwi ka. Mas lalo kang naging aloof. Ilang beses kitang nahuling nakatulala simula kagabi. At ngayon naman, in-i-stalk mo ang f*******: profile ng manikang 'yon."
"Levi," pagtatama ko sa kanya. "Levi ang pangalan niya. Sana tawagin mo siya sa gano'ng paraan. Hindi mo naman siguro magugustuhan kung 'bakla' lang ang itatawag sa'yo ng ibang tao, 'di ba?"
Namula ang mukha ni Vince sa pagkapahiya. Pero tumango rin siya. "Okay, 'Levi' na ang itatawag ko sa kanya ngayon," pagsuko niya. Pagkatapos ay bumuntong-hininga siya. "Sunny, just forget about him, okay? Sabihin na nga nating mabait siya. Pero ano bang makukuha mo sa pakikipagkaibigan sa kanya? By the end of the summer, we will be leaving this place again. Ngayon pa lang, parang hindi mo na magawang lumayo sa kanya. Pa'no pa kung lalo ka nang na-attach sa kanya? Ano'ng gagawin mo kung mangyari 'yon? Titira ka sa mansiyon na 'yon kasama niya habambuhay?"
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko na kinakalikot ang hem ng suot kong skirt. Kailangan ko na sigurong maging honest kay Vince dahil gusto kong may mapaglabasan ng nararamdaman ko. "No'ng oras na pakiramdam ko, galit sa'kin ang buong mundo, naging mabait si Levi sa'kin. Kahit nakita niya na agad-agad ang lahat ng pangit at mali sa'kin, hindi pa rin niya ko tinalikuran. Yes, maybe he has uglier layer than I do so he doesn't have the right to judge me like everyone else did. The point is, he made me feel good about myself again. He was like the first star I saw during a very dark night sky that gave me hope. I wanted to show him the same act of kindness he has generously given me."
"Sunny..."
"He saved me, Vince."
"Paanong niligtas ka niya?"
Nag-angat ako ng tingin kay Vince. Ayokong gawin 'to, pero gusto kong kahit paano ay gumanda ang tingin ng pinsan ko kay Levi. Para maintindihan niya kung bakit hindi ako natatakot sa 'buhay na manika.' "No'ng pangalawang gabi na pumunta ako sa mansiyon, sinundan ako ni Jared sa loob." Nagsimulang manginig at mabasag ang boses ko nang bumalik ang takot at galit ko. Nangilid din ang mga luha ko. "He was stoned and he tried to r**e me, Vince."
Kulang ang sabihing nagulat si Vince. Sa panlalaki pa lang ng mga mata niya at biglaang paninigas sa kinauupuan niya, mukha siyang na-shock. Hindi rin siya nakapagsalita.
"Hindi naman natuloy ang masamang balak niya," mabilis na pagpapatuloy ko naman. "Totoo 'yong sinabi ni Jared na binugbog siya ng isang buhay na manika. Levi did that to save me."
Napalitan ng galit ang gulat sa mukha ni Vince. Mabilis itong tumayo at nagmartsa palabas ng kuwarto. "I'm going to kill that asshole!"
Mabilis naman akong tumakbo para pigilan si Vince. Niyakap ko siya sa braso bago pa niya mapihit ang seradura. "Vince, no," pagmamakaawa ko naman sa kanya. "Ayoko nang balikan ang gabing 'yon kasi siguradong uungkatin lang ng mga tao ang nangyari no'n kung kakalat na tinangka niya kong pagsamantalahan. Saka alam mong anak siya ng mayor ng bayan na 'to. Hindi natin alam kung ano ang puwede niyang magawa sa'yo o sa pamilya natin para lang masigurong hindi sila maeeskandalo."
Hindi pa rin nawala ang galit sa namumula nang mukha ni Vince. "Wala akong pakialam sa mangyayari sa'kin. Mapapatay ko ang gagong 'yon dahil sa tinangka niyang gawin sa'yo!"
Nagpapasalamat ako na wala na sa bahay sina Tita Viel at Tito Celio na pareho nang nasa kanya-kanyang trabaho. Sa lakas ng boses ni Vince, siguradong dinig siya hanggang sa sala. "Vince, calm down. Hindi naman natuloy 'yong masamang balak ni Jared sa'kin." Niyakap ko siya sa baywang at marahang hinagod ang likod niya para kalmahin siya. Unti-unti ko nang nalalabanan ang takot ko na malapitan o madikitan ng mga lalaki dahil ayokong magpatalo sa trauma ko. Isa pa, si Vince naman 'to. "Hindi ko 'to sinabi sa'yo para iganti mo ko. Sinabi ko sa'yo ang nangyari sa'kin kasi gusto kong maintidihan mo kung bakit ganito ako kabait kay Levi. Hindi niya ko minamanipula o kung ano pa man na naiisip mo. Binabalik ko lang sa kanya 'yong kabutihan na binigay niya sa'kin."
Sunud-sunod na humugot ng malalim na hininga si Vince na parang kinakalma ang sarili.
Kinulong ko ang mukha niya sa mga kamay ko. "Breathe, Vince. Breathe. I'm okay. Huwag mong sayangin ang buhay mo dahil lang sa mga tulad ni Jared, okay?"
Tumango si Vince no'ng kalmado na siya. Pagkatapos, niyakap niya ko ng mahigpit. "I will protect you from them, Sunny. Both Levi and Jared are not good for you. Babalik din sa normal ang lahat kapag nakabalik na tayo sa Manila."
NORMAL?
Ano ba ang ibig sabihin ng normal?
Siguro kung tinanong ko 'to sa sarili ko no'ng hindi pa ko nagbabakasyon dito, sasabihin kong normal 'yong klase ng buhay na meron ako. I was an average student, my family was struggling but we were getting by, and I had a job that I liked. Common ang kuwento ng buhay ko, hindi ako exceptional na tao, at wala akong pinagkaiba sa libu-libong mga taong nakakasalubong ko sa araw-araw.
Pero ngayon, pakiramdam ko, wala ng pangkaraniwan sa'kin.
Sa palagay ko, hindi naman kasi normal na titigan ko ang mga lalaking mannequin na nakadisplay sa mga salaming bintana ng mga men's shop. Habang nakatingin ako sa kanila, hindi ko maiwasang mapansin na wala silang binatbat kay Levi. He was the most handsome doll she had seen. World-class.
Gah, what was I saying?
Nagandahan ako sa blue bullcap na suot ng isa sa mga mannequin. Parang bagay 'yon kay Levi, lalo na't mukhang asul ang paborito niyang kulay. Paglabas ko ng men's botique, dalawang bullcap na ang meron ako. Bumili rin ako ng pula, para sa'kin naman.
Sinubukan ko namang kalimutan si Levi sa mga bagay na nakikita ko. Pero nang mapadaan ako sa bookstore para bumili ng notebook at pen, may nakita akong astronomy book. Ang solar system ang nasa cover ng book. Lumabas ako ng establishment na bitbit ang textbook na 'yon.
Shit, why would I read this kind of book?
Nang mapadaan ako sa store ng mga gadget at makita kong may bagong labas na model ang brand ng phone ni Levi, nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Jusko, ginto pala ang presyo ng mga gadget niya!
Damn, he was really rich and I should lecture him on how to spend money wisely. I would definitely ban him from buying overpriced phones and other expensive stuff.
Oh my god, Sunny Esguerra. Parang awa mo na. Tama na ang kakaisip kay Levi!
Nang lumabas ako ng bahay at bumiyahe pa sa pinakamalapit na mall sa bayan namin, ang plano ko ay mag-relax. Naisip ko na kung pansamantala akong malalayo ako sa katahimikan at kasimplehan ng probinsiya, baka magkaro'n ako ng peace of mind.
Pero heto ako, miserable pa rin dahil kahit saan ako lumingon, na-a-associate ko si Levi sa mga bagay na nakikita ko.
Para matigil na ko sa kabaliwan ko, nag-text na ko kay Vince at nagpasundo. Hindi niya ko nasamahang mag-ikot sa mall dahil may importanteng bagay daw siyang gagawin ng araw na 'yon. Kahapon pa siya may ka-conference call sa phone niya. Parang ang mga kaibigan niya ang kausap niya dahil kinakailangan pa niyang lumayo sa'kin kapag sasagot siya ng tawag. Karamihan kasi sa barkada niya, mga lalaki na crush niya kaya nahihiya siyang makipag-usap sa kanila kapag nand'yan ako.
Natigilan ako nang mapadaan ako sa isang gift shop. Mula sa salaming bintana, nakita ko ang isa sa mga naka-display na stuffed toy na kumuha sa atensiyon ko.
Kulay brown na owl 'yon na may malalaking bilog na mga mata na halos kalahati na ng mukha niyon. Pero ang pinakanagustuhan ko ro'n ay ang blue orbs niyon sa paligid ng malaking itim na bilog sa mga mata niyon. Kulay asul ang mga mata niyon na parang binudburan ng kulay pilak na glitters o kung anumang pampakislap.
The blue orbs reminded her of a night sky filled with twinkling stars.
Magugustuhan ni Levi ang stuffed toy na 'yon.
Napamura na lang ako sa isipan ko nang paglabas ko ng gift shop, yakap-yakap ko na ang paperbag na naglalaman ng owl na 'yon. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sa dami ng mga binili ko na may kinalaman kay Levi, imposibleng makalimutan ko siya pag-uwi ko mamaya.
Nag-aaksaya na ko ng pera.
Bago pa tuluyang maubos ang kakaunti ko na lang na ipon, lumabas na ko ng mall at car space na lang naghintay kay Vince. Gamit kasi niya ang lumang Toyota ng daddy niya sa pagsundo sa'kin.
Wala pa kong isang minuto sa parking lot, pinagsisihan ko na agad ang desisyon ko.
Nang makita ko si Jared na bumaba ng isang luxury car, sinubukan kong bumalik ng mall pero nakita na niya ko. Ayokong magmukhang duwag sa harap niya kaya nanatili na lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko siya tinitingnan para kalmahin ang sarili ko.
Nakatayo ako malapit sa entrance ng parking space kung saan may nakabantay na guwardiya. Baka makulong ako kung mapapatay ko si Jared dito at may witness pa.
"Hi, Sunny," nakangising bati ni Jared nang lapitan niya ko. Nakapamulsa siyang tumayo sa harap ko. "Fancy meeting you here, babe. Akalain mong nagtagpo pa rin tayo kahit nasa labas na tayo ng Sta. Elena? I think this is what they call destiny."
"I'd rather call it bad luck," malamig na sagot ko naman habang masama ang tingin kay Jared. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa mga shopping bags na dala ko. Medyo magastos ang mga 'yon kaya nakakahinayang naman kung ihahampas ko lang sa pagmumukha ni Jared. Kung noon, takot ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya, ngayon naman ay matinding galit. "At kung puwede lang, lumayo-layo ka sa'kin. Baka hindi kita matantiya."
Tinawanan lang ako ni Jared. "Fierce. I really like you, Sunny." Yumuko siya para magpantay ang eye level namin. "Sayang lang kasi kinalaban mo ko." Naging mapanganib ang ngisi niya. "Hindi ko pa rin makakalimutan na pinagmukha mo kong tanga sa harap ng mga taumbayan. Dahil sa'yo, napagalitan at naparusahan pa ko ng daddy ko. I'll return the favor, babe. Watch out for it."
Humakbang ako paatras kay Jared. Bukod sa hindi ko masikmura ang pagmumukha niya, hindi ko rin makayanan ang pagtama ng hininga niya sa mukha ko. I gave him my deadliest death glare. "Hindi ako natatakot sa'yo, Jared. Bring it on."
Dumeretso ng tayo si Jared, nakangisi pa rin. Kumikislap ang panganib at kasamaan sa mga mata niya. Promise, nagmukha siyang demonyo ng mga sandaling 'yon. "Oh, wait. I think we have a misunderstanding here." Humalukipkip siya at ipinatong ang isang daliri sa mga labi niya bago siya nagsalita. "Hindi ikaw ang tatanggap ng parusa ko." Nawala ang ngisi niya."Let's just say a certain doll deserves a proper hello from me after the heartfelt welcome he gave me."
Pigil na pigil akong mag-react kahit na ang totoo, nabigla ako sa mga sinabi ni Jared.
"I was not that stoned, Sunny," Jared said in clenched teeth. Wow, siya pa ang may lakas ng loob na magalit sa mga nangyari ng gabing 'yon na para bang wala siyang ginawang masama sa'kin no'n. "I know what I saw that night. And I'm going to prove to everyone that a f*****g possessed doll is really living in that f*****g mansion."
Pinilit kong maging kalmado. Ayokong may mapansin si Jared sa reaksyon ko. I played it cool. "Go ahead and make a fool of yourself again, asshole."
NAG-AALALA ako. Habang nakahiga ako sa kama, hindi ko mapigilang makapag-isip ng kung anu-anong senaryo habang nakatitig sa plain na kisame. Simula nang magkita kami ni Jared sa mall kahapon, hindi na ko mapakali. Para bang may mangyayaring hindi maganda at malapit na 'yon. Pakiramdam ko tuloy, may nakalingkis na ahas sa leeg ko at anumang oras, sasakalin na ko no'n.
Alam kong hindi empty threat ang binitawan ni Jared. Gago ang lalaking 'yon. Sigurado akong may gagawin talaga siya para mapatunayan sa buong bayan na may buhay na manika talaga sa mansiyon.
Mas nag-aalala ako kay Levi.
Mag-isa na lang siya sa malaking bahay kaya sigurado akong mahihirapan siyang protektahan ang sarili niya. Puwede niyang malabanan si Jared kung dalawa lang sila. Pero hindi siya puwedeng kumilos sa harap ng ibang tao.
Sa mga old thriller films na napanood ko, parating sinusunog ng buhay ang mga nilalang na 'kakaiba.' Kung susunugin ng taumbayan ang mansiyon, sigurado akong hindi lalabas si Levi. Baka nga maisip pa niya na 'yon na ang tamang oras para magpahinga siya.
Napabangon ako bigla. Hindi ko na kayang maghintay dito. Kailangan kong balaan si Levi. Kung mawawala man siya sa mundo, hindi ako papayag na dahil lang 'yon kay Jared.
Tumingin ako sa wristwatch ko. Mag-a-ala singko na ng hapon. Kanina pa wala si Vince. Hindi naman siya nagpaalam sa'kin dahil paggising ko kaninang tanghali, wala na siya. Mamayang ala-sais pa ang uwi nina Tita Viel at Tito Celio mula sa farm at palaisdaan.
Ayoko sanang iwan mag-isa ang bahay ng walang bantay, pero kailangan ko talagang umalis. Nag-iwan na lang ako ng note na may bibilhin lang ako sa labas at dinikit ko 'yon sa ref gamit ang magnet. Pagkatapos, ni-lock ko ang mga pinto.
Dala ko ang malaking paperbag na naglalaman ng bullcap at owl stuffed toy na binili ko para kay Levi. Kailangan ko ng 'props' para may dahilan akong dalawin siya. Sana lang ay tanggapin niya ko sa bahay niya kahit na ramdam kong binubura na niya ko sa buhay niya. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko siya nababalaan tungkol sa masamang balak ni Jared sa kanya.
Pagdating ko sa bakuran ng mansiyon, siniguro ko munang walang ibang tao sa paligid. Pagkatapos, pumuwesto ako sa tapat ng bintana ng kuwarto ni Levi. Pumulot ako ng maliliit na bato na hinagis ko sliding glass windows ng silid.Hindi naman kasi niya ko binigyan ng duplicate key ng mansiyon kaya hindi ako makakapasok do'n ng hindi niya binubuksan ang pinto mula sa loob.
Heavily tinted ang mga bintana sa silid niya kaya imposibleng makita kung nasa loob siya o wala. Umaasa na lang ako na mararamdaman ko kung nakatingin siya sa'kin o hindi.Sana lang, nasa kuwarto siya ng mga sandaling 'yon at nakatitig sa kisame himbis na nakakulong sa Playroom. Kung nasa basement siya, imposibleng marinig niya ko.
And then I felt it.
Nanayo ang mga balahibo ko at naramdaman ko ang pamilyar na sensasyon sa tuwing palihim akong tinititigan ni Levi. Sigurado akong pinapanood niya ko mula sa loob ng kuwarto niya.
"Levi, kung nakikita at naririnig mo ko, please open your window," sigaw ko sa kanya. Sigurado naman kasi akong walang ibang nakakakita o nakakarinig sa'kin ng mga sandaling 'yon. "Papasukin mo ko. May importanteng sasabihin ako sa'yo."
Lumipas ang matagal na mga minuto pero hindi pa rin bumukas ang bintana ng kuwarto ni Levi. Ibig sabihin niyon, wala rin siyang balak papasukin ako ng mansiyon niya.
Fine. Kung ayaw ni Levi madaan sa pakiusapan, ako na mismo ang gagawa ng paraan para mapilit ko siyang patuluyin ako. Hindi naman ako makakapag-publish ng mga paranormal at crime novels kung hindi ako creative at strategic pagdating sa mga ganitong sitwasyon.
"Okay, gets ko na," malakas kong sabi habang naglalakad ako paatras. "Aalis na ko. Bye!"
Pagtalikod ko mula sa bahay, ramdam ko pa rin na sinusundan ako ni Levi ng tingin. Napangiti ako at ginawa ko na ang plano ko– tumakbo ako at sinadya kong matalisod. Napasobra nga lang ang acting ko at mukhang nakarma ako sa pagsisinungaling ko dahil kahit sinadya kong bumagsak sa lupa, aksidente namang tumama ang tuhod ko sa malaki at matulis na bato.
Dahil naka-shorts ako, napunit agad ang balat sa tuhod ko. Nagdugo ang gasgas. Naging totoo tuloy ang pagsigaw at pag-iyak ko sa sakit. Mababa kasi ang pain tolerance ko kaya kaunting dugo lang, para na kong mahihimatay. Napaupo ako sa lupa at hinipan ko ang sugat ko. Hindi ko gusto ang hitsura no'n.
Tumayo ako. Bitbit pa rin ang malaking paperbag, iika-ika akong naglakad papunta sa water fountain. Balak ko sanang hugasan do'n ang sugat ko, pero napansin kong madumi na ang tubig at puro na dahon. Nakalimutan kong hindi ko nga pala nalinis 'yon.
Darn it. Mukhang kailangan ko na talagang umuwi. Paalis na talaga ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.Nang pumihit ako paharap sa mansiyon, napangiti ako nang makita kong nakaawang na ng bahagya ang pintuan. Malamang ay binuksan 'yon ni Levi.
Ewan ko ba pero bigla akong na-excite. Nakalimutan ko bigla ang iniinda kong sugat sa bilis kong maglakad papasok ng bahay. Maingat at tahimik kong sinara ang pinto no'ng nasa loob na ko.
Sa pagkagulat ko, sumalubong sa'kin ang kadiliman. Nakasarado kasi ang mga kurtina sa loob ng buong bahay kaya wala halos pumapasok na liwanag. Alam naman niya 'yon. Inasahan lang siguro niya na bubuksan ni Levi ang mga ilaw dahil pinatuloy siya nito.
Oh, look. He was not here, too. I could feel him watching my every move but I couldn't see him.
"Levi?"
"May first-aid kit sa coffee table," malamig na sabi ni Levi na nag-echo sa buong buhay. Nanggagaling ang boses niya sa bandang kanan ko. Siguro, nasa tuktok siya ng grand staircase. "Linisin mo muna ang sugat mo. Pagkatapos, umalis ka na at huwag na uling babalik. Sa susunod, kahit ano pa ang mangyari sa'yo sa loob ng bakuran ko, hinding-hindi ko na uli bubuksan ang pinto para sa'yo."
Okay. Hindi ko inaasahan ang gano'n kalamig na welcome. Alam ko namang pinilit ko lang ang sarili ko rito kahit alam ko namang ayaw na ni Levi na magkaro'n kami ng ugnayan. Pero para namang masyado pa ring harsh ang pagtanggap niya sa'kin ngayon.
Para namang wala kaming pinagsamahan.
Sa totoo lang, nakaramdam ako ng pagkapahiya. Para kasing masyado akong agresibo at mapilit. Pinaparamdam pa sa'kin ni Levi na hindi niya ko gustong makita. Na hindi siya masayang nando'n ako.
Nakakainis lang kasi kahit ganito ang trato ni Levi sa'kin, masaya pa rin akong makabalik dito sa mansiyon. Kahit hindi ko siya nakikita, kontento na kong malaman na magkasama kami sa iisang lugar, lalo na sa bahay na 'yon kung saan marami silang nabuong magagandang alaala.
Dumako ang tingin ko sa coffee table sa sala. May first aid kita nga na nakapatong ro'n. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot. "Bakit... bakit tinataboy mo ko ng ganito, Levi? Akala ko ba gusto mong maging magkaibigan tayo?"
"Bakit bumalik ka na naman dito?" tanong ni Levi himbis na sagutin ang mga tanong ko.
'Yong lungkot na nararamdaman ko, mas naging malala. Parang piniga ang puso ko. Mas masakit pa 'yon kaysa sa sugat sa tuhod ko. "Nakasalubong ko kahapon si Jared."
Hinintay kong mag-react si Levi. Gusto kong maramdaman uli na mag-alala siya sa'kin. Oo, aaminin ko. Inasahan kong tatanungin niya kung kumusta ko. Kung may ginawa bang masama sa'kin ang gagong si Jared. Pero wala. Nanatili siyang tahimik.
Mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak ko sa paperbag. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nanghina. Ginawa ko na lang kung ano ang pakay ko ro'n para makaalis na agad ako. "Sinabi niya sa'kin na may balak siyang patunayan sa mga taumbayan na may buhay na manika talaga sa mansiyon mo. Hindi ko alam kung ano ang eksakto niyang gagawin, pero hindi natin puwedeng bale-walain ang pagbabanta niya. Kaya gusto ko sanang mag-ingat ka, Levi. Kahit anong mangyari, huwag ka sanang magpapahulog sa trap na gagawin niya para mahuli ka."
"I see," walang emosyon na sagot naman ni Levi. "Salamat sa pagtimbre. Huwag kang mag-alala, hindi ako magpapahuli sa kanya." Saglit siyang tumahimik. "May kailangan ka pa?"
Paika-ika akong naglakad palapit sa coffee table. Pinatong ko ro'n ang dala kong paperbag. "Napadaan ako sa mall kahapon. Alam kong magugustuhan mo ang mga 'to kaya binili ko para sa'yo. Thank you gift ko 'to sa'yo, kaya sana tanggapin mo."
"Sige, walang problema. Meron ka pa bang sasabihin?"
Hindi ako makapaniwala, pero nangingilid na talaga ang mga luha ko. Ang hapdi tuloy ng mga mata ko. Ang sakit-sakit na rin sa lalamunan dahil sa pagpipigil kong umiyak. Pero kumawala pa rin ang mga hikbi ko sa sobrang sama ng loob ko. Tumingin ako sa direksyon ni Levi kahit hindi ko siya nakikita. "Bakit ganyan ka, Levi? Hindi ka ba masaya na makita ako? Ikaw ang may gusto na samahan kita sa mansiyon na 'to sa loob ng tatlong linggo. Kaya bakit tinataboy mo ko ng ganito ngayon?"
"It was a mistake, Sunny," frustrated na sagot naman ni Levi. "Mahirap sa'kin ang paalisin ka. Hindi ko gustong gawin 'yon–"
"Eh di sana hindi mo ko tinaboy!" sansala ko sa mga sinasabi niya. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko. Hindi na rin ako makakita ng katwiran sa mga nararamdaman ko. "Ayokong umalis, Levi. Hindi ko gustong iwan ka. Tatlong linggo ang usapan natin at hindi tatlong araw."
Narinig at naramdaman ko ang paglapit ni Levi. Hindi nga ako nagkamali dahil nang nagsalita siya, malapit na sa'kin ang boses niya. "Don't you realize I'm doing this for your sake?"
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Para sa'kin 'tong pag-iwas mo? Hindi ko maintindihan." Hindi ko nakikita si Levi dahil sa kadiliman, pero ramdam kong nakatayo na siya sa harapan ko. Sinubukan ko siyang hawakan, pero narinig at naramdaman ko ang pag-atras niya. "Levi–"
"Sunny, kinailangan kitang paalisin dahil hindi ko sigurado sa sarili ko kung kaya pa kitang pakawalan pagkatapos ng tatlong linggo."
Okay, ako naman ang natahimik. 'Yong puso ko, biglang humampas sa dibdib ko. Ang malakas at mabilis na t***k niyon, naririnig ko sa magkabilang-tainga ko.
"Oo, inaamin ko naman na ako ang nagsimula ng lahat ng 'to," pagpapatuloy ni Levi. Mahihimigan pa rin sa boses niya ang pinaghalong frustration at lungkot. "Nasabik ako sa isang kaibigan lalo na't mag-isa na lang ako ngayon, kaya ginawa ko ang lahat para pumayag kang manatili sa bahay na 'to sa loob ng tatlong linggo. Akala ko kasi sapat na 'yon. Inisip ko na makukuntento na ko na makabuo ng masasayang alaala kasama ang isang tao na hindi ako kinakatakutan. Pero nag-iba lahat 'yon no'ng nandito ka na.
"Iilang araw pa lang tayong magkasama pero hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko sa'yo. No'ng dumating ang pinsan mo at sinubukan ka niyang ilayo sa'kin, akala ko mababaliw na ko. Do'n ko na mas nakilala ang damdamin ko. I felt so possessive of you that I actually got scared of myself. Kasi alam ko, kung sakaling sumama ka nga sa kanya, mawawala ako sa sarili. Baka kung ano nang nagawa ko kay Vince habang ikaw naman, sigurado akong ikukulong uli kita sa kuwarto ko para lang masiguro kong hindi mo ko iiwan kahit kailan. Hindi ko na pala kayang makuntento lang sa tatlong linggo na ibibigay mo sa'kin. Ayoko na ng mga alaala lang. I wanted and needed you to stay here with me. For the rest of your life."
Nahigit ko ang hininga ko. Nahimigan ko sa boses ni Levi ang pagbabanta. Nakaramdam ako ng takot sa kanya kaya nang narinig ko siyang humakbang palapit sa'kin, umatras naman ako palayo sa kanya. Nanlamig ang buong katawan ko at nangatog ang mga tuhod ko kaya nang tumama ang mga binti ko sa sofa, napaupo ako ro'n.
I suddenly found myself trapped between the soft backrest and Levi's solid body.
Habang nakasandal ako sa kinauupuan ko, nakatukod naman ang mga kamay ni Levi sa magkabilang-gilid ng ulo ko. Nakayuko rin siya kaya pantay ang eye level namin. Blangko ang mukha niya, pero 'yong madalas na straight na linya ng mga labi niya, bahagyang nakakurba pasimangot.
He actually looked like a scary, angry possessed doll right now.
Napalunok ako. Hindi ko makita sa kanya ngayon 'yong lalaking naging kaibigan ko.
"You're scared of me now," dismayadong deklara ni Levi habang titig na titig siya sa mga mata ko. "You should be, because I'm starting to become dangerous to you. Kung mananatili ka pa ng mas matagal sa bahay na 'to, mababaliw talaga ako. Siguradong magiging halimaw ako dahil hindi ko na kakayaning pakawalan ka. And I don't want to turn into a monster. Mas lalong ayokong katakutan at kamuhian mo ko, Sunny. Nababaliw na ko sa nararamdaman ko para sa'yo. Alam kong wala 'tong patutunguhan at ayokong pilitin kang may maramdaman din para sa'kin. Kaya bago pa lumalim 'tong damdamin ko, gusto kong umalis ka na habang kaya ko pang mawala ka. Para rin sa'yo 'to. So please do us a favor and never show yourself to me again because I swear, if I find you again, I will lock you up in my room and I will never let you go. Even if you end up hating me."
Natakot ako.Pero hindi dahil sa pagbabanta ni Levi.Natakot ako kasi hindi ako natinag sa nararamdaman niya. Mas nakakatakot nga na nagustuhan ko ang ideyang habambuhay kaming magsasama sa bahay na 'yon. Kinatakutan ko 'yong malaking bahagi ng pagkatao ko na tinugon ang damdamin ni Levi sa paraang alam kong magpapasaya sa kanya.
But how could I? I was just an eighteen year old girl and I was my family's breadwinner. I couldn't turn my back on my responsibility to live with a doll.
"I'm sorry, Levi," bulong ko sa basag na boses. Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko. Pero hindi ako nagtagumpay. "Hindi na dapat ako nagpunta rito."
Tumango si Levi, pagkatapos ay dumeretso na siya ng tayo. Humakbang siya ng humakbang paatras hanggang sa lamunin na uli siya ng kadiliman. "Good-bye, Sunny."
Nakalimutan ko ang sugat ko sa tuhod sa bilis ng pagtakbo ko palabas ng bahay. Walang lingon-likod. Natatakot ako na baka kapag nakita ko ang sakit na nahimigan ko sa boses ni Levi kanina, baka hindi ko na nga siya talaga magawang iwan.Pero sa pagkakataong 'to, sigurado na kong hindi lang dahil sa awa o simpatya kung bakit gusto kong makasama si Levi.
I was losing myself in him.