NAGBAGO ang plano.
Himbis na kami nina Felix at Levi ang sumunod sa Antipolo, sina Hani, Vince, Smith, at Tita Carolina ang nagpunta sa condo.
Sa ilang oras na paghihintay ko, hindi ako umalis sa tabi ni Levi na wala pa ring malay hanggang ngayon. Nang nawalan siya ng malay, hiniga siya ni Felix sa kama.
I laid beside him, hugging him, feeling him close to me. I needed to anchor myself to him or else, my mind would get lost and I might have a breakdown.
Huminto na ko sa pag-iyak. Pakiramdam ko nga, naubos na ang mga luha ko dahil simula nang nawalan ng malay si Levi, hindi na ko natapos sa pagngawa na parang bata. Apat na oras na ang lumilipas. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang naidasal sa isipan ko ang lahat ng dasal na kabisado ko. Sana lang may makapangyarihang nilalang na nakakarinig sa'kin sa Itaas.
"Levi?" pagkausap ko sa walang malay na si Levi. Ayokong isipin ang kalagayan niya dahil alam ko, magiging emosyonal na naman ako. Pinilit ko na lang magpanggap na natutulog lang uli siya. "Magpahinga ka lang, ha? Pero huwag ka munang susuko. Hindi tayo mananalo sa race kapag iniwan mo ko. Dapat sabay nating marating ang finish line." Ikinawit ko ang hinliliit ko sa hinliliit niya. "Kapag gumising ka, ipapangako ko na hindi na kita aawayin kapag tumingin ka sa ibang babae. Magbabasa na rin ako ng maraming textbooks. Saka susubukan ko na ring maintindihan at ma-appreciate ang mga weirdo mong paintings. Kung gusto mo, hindi ko na rin kakausapin si Felix para hindi ka na magselos uli."
Mas yumakap ako kay Levi at sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. 'Yong init ng katawan niya na lang ang nagbibigay ng pag-asa sa'kin na hindi pa niya ko iniiwan.
Pumikit ako at inalala ang mga gabing magkatabi kami ni Levi sa kama niya habang nakatingin sa munting universe sa kisame ng kuwarto niya. Wala akong hindi ibibigay o gagawin para bumalik kami sa sandaling 'yon. Kahit isang beses na lang uli.
Bakit gano'n? Bakit dahil lang sa kasakiman ng isang obsessed at baliw na babae, nasira ang buhay ni Levi? Bakit hinahayaan ng kung sino mang makapangyarihang nilalang na magdusa ang isang inosenteng tao ng dahil lang sa kasamaan ng iba? Bakit?
Hindi pa ba sapat ang dalawampung taon na pagdurusa ni Levi? Simula nang naging manika siya, nagkulong na lang siya sa mansiyon. Sa kabila ng mga nangyari sa kanya, kumapit siya sa pagkatao niya at piniling magmahal at magsakripisyo para mapasaya ang ina niya.
Alam kong magtutunog-mayabang ako, pero ramdam kong ngayon lang uli naging masaya si Levi. Hindi ba puwedeng maging panghabambuhay na 'to?
"Levi, gumising ka na. Please," pagmamakaawa ko sa kanya."Marami pa tayong hindi nagagawa. Ni hindi pa nga natin nasasabi sa isa't isa 'yong mga salitang katumbas ng nararamdaman natin. Saka 'di ba ang sabi mo, pananagutan mo ko? Pa'no mo magagawa 'yon kung matutulog ka lang d'yan?"
Hindi sumagot si Levi, pero may ibang tunog akong narinig.
Heart beat.
Dahil nakasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Levi, narinig at naramdaman ko ang malakas na t***k ng puso sa dibdib niya.
Nanigas ako. Hindi ko sigurado kung totoo ba 'yon o nag-i-imagine lang ako para gumaang ang pakiramdam ko. Hindi ako kumilos o nagsalita man lang sa takot na baka bigla akong magising mula sa magandang panaginip na 'yon.
Hearing this heart beat was like hearing God say He finallygranted Levi and I the permission to be together forever. It was a miracle, probably the fruits of our incessant prayers. I hadn't been this grateful in my entire life until this moment.
"Sunny?"
Napapikit ako nang marinig ko ang boses ni Levi. Hindi ako nananaginip. Nang magmulat ako ng mga mata, dahan-dahan akong tumingala sa kanya. Nang sumalubong sa'kin ang asul niyang mga mata, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Sa kabila ng pagbalik ng puso niya, nanatiling manika ang anyo niya. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil alam ko, kaunti na lang at babalik na siya sa pagiging tao. At ang pinakamahalaga sa lahat, gising na uli siya. "Levi, alam mo bang matagal na kong hindi nakikipag-usap sa Kanya? Akala ko kasi noon, hindi naman Siya nakikinig sa'kin. Na kahit Siya mismo, hindi rin ako gusto. Ang dami-dami ko kasing problema no'n. Sobrang hirap na. Marami akong hiniling na hindi Niya binigay sa'kin kaya nagtampo ako. Ngayon lang uli ako nakipag-usap sa Kanya. Nakakahiya nga kasi lumapit lang uli ako sa Kanya dahil may gusto na naman akong hilingin. Kaya sobrang grateful ko na kahit nagkulang ako sa Kanya, pinakinggan pa rin Niya ang dasal ko. Siguro nakulitan na Siya sa'kin. O baka talagang mahal Niya lang tayong lahat. Alinman sa dalawa, pinagsisisihan ko na minsan sa buhay ko, tinalikuran ko Siya. Pero ngayon, babawi ako sa Kanya."
Ngumiti si Levi at marahang hinaplos ang pisngi ko. Malamig at makinis pa rin ang kamay niya, pero hindi ako magrereklamo. "I stopped believing in Him when I turned into a doll. But my faith in Him was restored when you walked through my door. He may have taken away everything I had before, but He gave me the only thing I needed now– you."
Tumango lang ako. Naiintindihan ko si Levi dahil naranasan ko rin 'yon.
Ng mga sandaling 'yon, naisip ko na baka nga may mga bagay siyang Hindi binibigay sa'tin dahil hindi naman 'yon makakatulong sa buhay natin, o puwede ring hindi pa 'yon ang tamang panahon para makuha natin 'yon. Maybe God really has the perfect timing for everything.
Isang marahang katok sa pinto ang umistorbo sa'min.
"Sunny?" Nag-aalangang boses 'yon ni Felix. "Is Levi awake? Nandito na sina Tita Carolina."
Mabilis akong bumangon nang marinig ko ang magandang balita na 'yon. Tiningnan ko si Levi na bumangon na rin mula sa pagkakahiga. "Okay na ba ang pakiramdam mo, Levi? Masakit pa ba ang katawan mo? Saan 'yong pinaka?"
"I'm fine," sagot naman ni Levi. "Just a little headache, but I will survive."
Naiinis na hinampas ko siya sa balikat. Medyo napalakas 'yon pero ako nasaktan dahil matigas ang katawan niya. Hindi ko lang ininda dahil mas nangibabaw ang iritasyon ko. "Huwag kang magbibiro ng ganyan, Levi. Muntik ka nang mawala sa'kin kanina."
Hinawakan ni Levi ang kamay ko at dinala 'yon malapit sa bibig niya. Hindi niya inaalis ang tingin sa'kin nang halikan niya ang palad ko na para bang apology. "I'm sorry, Sunny."
Bumuntong-hininga lang ako. Mag-so-sorry din sana ako, pero natigilan na ko nang pumasok na sa kuwarto si Tita Carolina at Hani.
Napaderetso ako ng upo. Nilamon ako ng hiya dahil pagkatapos ng mga ginawa ko kay Hani, si Tita Carolina pa rin ang hiningan ko ng tulong. She deserved an apology from me. "Tita–"
"Honey, you don't need to explain anything to me, especially now that you and my daughter have already made up," nakangiti at gentle na sabi sa'kin ni Tita Carolina. Pagkatapos, dumako ang tingin niya kay Levi. "So, this is the young man your friends have been telling me."
"Good evening," magalang na bati naman ni Levi kay Tita Carolina. "I'm Levi Mitchell Hope. You can call me 'Levi, ma'am.'"
"Alright, Levi. Just call me 'Tita Carolina' then. 'Yon ang tawag sa'kin ng lahat ng mga kaibigan ng anak ko," nakangiting sabi ni Tita Carolina. "Puwede ba kong lumapit sa'yo, hijo?"
Tumango si Levi. "Walang problema, Tita Carolina."
Sinubukan kong tumayo nang lumapit si Tita Carolina sa kama, pero hinawakan ni Levi ang kamay ko na para bang hinihingan niya ko ng lakas. Kaya nag-stay ako sa tabi niya.
Si Hani naman, tumayo sa likuran ko at ipinatong ang mga kamay sa mga balikat na parang siya naman ang nagpapalakas ng loob ko.
"I'm sorry, Tita," sabi naman ni Levi sa nahihiyang boses. "Can Sunny stay here with me?"
Ngumiti naman si Tita Carolina na parang naiintindihan ang sitwasyon. "Of course. Why not?" Sa kabilang gilid ng kama na lang umikot ang ginang. Do'n siya umupo. "Levi, puwede ko bang mahawakan ang kamay mo?"
Tumango si Levi at inabot kay Tita Carolina ang kamay niya.
Hinawakan ni Tita Carolina ang kamay ni Levi. She closed her eyes and there was a look of concentration on her face. I didn't know what she was doing, but I hoped it would be fruitful.
Sa bawat segundong lumilipas, pakiramdam ko ay nahihirapan na kong huminga. Daig ko pa ang umakyat ng bundok at kinapos ng hangin. Nanikip ang dibdib ko, pero pinuwersa ko ang baga ko na maglabas ng hininga. Hindi 'yon ang tamang oras para mawalan ng ulirat.
Nanlalamig na ang buong katawan ko, pero bahagya akong nag-relax nang nagmulat na ng mga mata si Tita Carolina. Kaso, blangko ang mukha niya kaya hindi ko alam kung ano ang eksaktong sasabihin niya.
Sana magandang balita 'yon.
"Malaya ka na sa sumpa, Levi," anunsiyo ni Tita Carolina sa pantay na boses. "Unti-unti ka nang bumabalik sa pagiging tao."
Dinig na dinig ko ang pagbuga ko ng hangin. Maging si Hani, pinisil ang mga balikat ko na para bang natuwa siya para sa'kin. Kaya lang, nang napansin kong parehong nanlulumo ang hitsura nina Levi at Tita Carolina ng mga sandaling 'yon, mabilis bumalik ang matindi kong kaba. "There's a 'catch,' right?" Nagpalipat-lipat ako ng tingin kina Levi at Tita Carolina na parehong hindi makatingin ng deretso sa'kin. Mas lalo tuloy akong nataranta. "Anong nangyayari? Please naman. Magsalita kayo."
"'Yong sumpa ni Levi ay iginawad ng isang mangkukulam na hibang sa kanya at baliw sa ideya ng pag-ibig," pagbasag ni Tita Carolina sa katahimikan niya. 'Yong tinging ibinigay niya sa'kin, puno ng simpatya at awa na pumisil sa puso ko. Ngayon pa lang, alam ko nang hindi ko magugustuhan ang mga maririnig ko. "Madali lang naman ang lunas sa sumpa, Sunny. In fact, it was very cliché. Kailangan lang ni Levi na matutong magmahal at maranasang mahalin ng totoo sa anyo niya bilang isang manika. It sounds simple, right? No, honey.It's actually cruel. Dahil sa oras na mangyari ang kondisyon para bumalik siya sa pagiging tao, saka pa lang magsisimula ang tunay na sumpa. Wala na 'yong kinalaman sa kapangyarihan ng mangkukulam. Tinawag ko lang 'yon sa sumpa dahil sa kalupitan niyon."
Okay, I was officially lost. Kumunot ang noo ko sa labis na pagkalito. "Tita, hindi ko maintindihan..."
"Hija, sa oras na bumalik si Levi sa pagiging tao, babalik din sa dati ang kondisyon ng katawan niya bago siya naging isang manika," malungkot na pagbabalita ni Tita Carolina.
Bumalik sa dating kondisyon?
"No'ng normal na tao pa ko, na-diagnose na meron akong brain tumor. Huli na nang matuklasan namin 'yon. Nasa huling stage na 'yon...."
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang mga sinabing 'yon ni Levi noon. Kung sa pagbalik niya sa pagiging tao ay babalik din sa kondisyon ang katawan niya, isa lang ang ibig sabihin no'n. I looked at him and I saw the despair on his face that probably mirrored mine perfectly. "Mamamatay ka dahil sa sakit mo kapag naging tao ka uli...?"
KUNG mamamatay si Levi kapag tuluyan na siyang bumalik sa pagiging tao, mas gugustuhin ko pang maging manika na lang siya habambuhay.
Napakasimple ng lunas. Pero napakalupit din. Naiintindihan ko ang ginawa ng bruhang si Louissa. Gusto niyang maranasan at iparanas kay Levi ang tunay na pag-ibig para lang bawiin 'yon sa oras na mawala na ang sumpa. Kumbaga ba, parang tinakam lang niya ang binata sa isang bagay na mawawala rin agad-agad. Kasi ang mahawakan mo ang pangarap mo sa loob lang ng napakaiksing sandali ang pinakamasakit na puwede mong maranasan sa buhay. Mag-aasam ka ng mas mahabang pagkakataon, hahanap-hanapin mo, pero hindi mo na uli mahahawakan.
Hindi lang si Levi ang makakaranas no'n.
Pakiramdam ko tuloy, sa'kin nalipat ang sumpa. Ako ang maiiwanan, at alam ng lahat na kapag namatay ang isang tao, mas kawawa 'yong mga maiiwan niyang nagmamahal sa kanya.
I didn't want to be left behind because I didn't want to lose Levi.
Hindi ko kakayanin.
"Tita Carolina, wala na ba talagang pag-asa para mahinto ang pagiging tao uli ni Levi?" nagmamakaawang tanong ko kay Tita Carolina. "Hindi niyo ba kayang pahintuin ang pagbabago niya?"
Halatang nagulat si Tita Carolina sa tanong ko. "Sunny, honey, naririnig mo ba ang sarili mo? Gusto mong huwag nang bumalik sa pagiging tao si Levi?"
Naging emosyonal na ko. Para bang nawalan na ang 'pampamanhid' sa katawan ko. Muli, nagparamdam na naman ang mga luha ko. "Tita, kapag bumalik si Levi sa pagiging tao, mamamatay siya dahil sa brain tumor niya," sagot ko sa basag na boses. "Bago siya naging manika, comatosed na siya at wala nang pag-asang maging tao. Kahit wala na ang sumpa niya, iiwan pa rin niya ko dahil sa cancer niya."
Natahimik ang buong kusina.
Sa kasalukuyan, nasa guest room pa rin si Levi kasama si Felix na nagprisintang maging bantay niya para kung sakaling may mangyari na namang hindi inaasahan.
Samantalang ako naman, nandito sa kusina kasama si Tita Carolina, Hani, at Smith. Si Vince ay nasa balkonahe habang kausap sa phone si Tita Viel na nangangamusta siguro sa kalagayan namin.
"Please, Tita," pagpapatuloy ko sa desperadong boses. "Mas gugustuhin ko nang maging manika si Levi habambuhay kaysa namin maging tao siya para lang mamatay agad."
Marahang umiling si Tita Carolina. "I'm sorry, Sunny. Wala akong kakayahang para gawin 'yon. Ang paggamit ng itim na mahika ay matagal nang itinigil ng pamilya namin. Kaalaman na lang ang naiwan sa'min at psychic ability. Gaya ng nangyari sa'kin. Ang kaya ko lang gawin ay bumasa ng sumpa at makita ang lunas niyon. Pero hindi ko kayang kontrahin 'yon. I also don't have the ability to cast a spell. And it's too late for that. Levi has been freed from the curse the moment he started to change."
"What triggers his change, Tita?" tanong ko para makumpirma ang hinala ko.
"Ang lalim ng pag-ibig niyo para sa isa't isa," sagot ni Tita Carolina sa malungkot na boses. "Habang mas nahuhulog ang loob ni Levi sa'yo at sa tuwing nararamdaman niya ang pagmamahal mo sa kanya, mas bumibilis ang pagbabago niya. Nagiging tao uli siya dahil sa pagmamahalan niyong dalawa."
Nanlumo ako dahil nakumpirma ko ang masama kong kutob. "I'm killing Levi."
"Sunny, no!" mariing kontra naman ni Hani. "Bakit mo naman nasabi 'yan?"
"Kung hindi ako pumasok sa mansiyon ni Levi at hindi niya ko nakilala, hindi mangyayari 'to," sagot ko naman sa basag na boses. Heto na naman ako, hindi makontrol ang emosyon ko. "Kung hindi siya natutong magmahal at kung hindi ko siya minahal, hindi siya makakalaya sa sumpa. Eh di sana, hindi malalagay sa panganib ang buhay niya."
"Do you really think he'd choose his old life over the kind of life you have given him, Sunny?" hindi makapaniwalang tanong ni Hani sa'kin.
Tahimik at mabilis na pumatak ang mga luha ko. Kilala ko na si Levi, kaya alam ko ang sagot sa tanong na 'yon. "Hindi ko alam kung pa'no mabubuhay ngayong alam ko nang ako ang pumapatay sa lalaking mahal ko. Hindi dapat ganito ang nangyayari. Bakit lahat ng magagandang bagay na nangyayari, parating may masakit na kapalit?" Naiinis na pinunasan ko ang mga luha ko pero wala rin 'yong silbi dahil bumagsak lang ang pangalawang batch. "Hindi ba tayo puwedeng maging masaya nang hindi sinusundan ng lungkot?"
Walang sumagot sa'kin. Walang makakasagot kasi alam naman ng lahat na hindi patas ang buhay. Kailangang may balanse. Alam ko rin naman 'yon. Mahirap lang 'yong tanggapin sa sitwasyon ko ngayon.
"Uhm, Sunny?"
Nalingunan ko si Vince. Mukhang nag-aalangan pa siyang lumapit dahil nasa hamba lang siya ng pinto. Kinutuban ako ng masama nang makita ko ang pag-aalala sa mukha niya. "Anong nangyari, Vince?"
"Si Mommy kasi, tinawagan siya ng mommy ni Levi."
Bigla akong napatayo. Ako na ang lumapit kay Vince dahil mukhang wala siyang balak lapitan ako. "Tumawag si Ma'am Beatrice kay Tita Viel? Bakit daw?"
"Nabasa raw ni Miss Beatrice 'yong email niyo sa kanya," pagsisimula ni Vince sa halatang nag-aalangan na boses. "Tumawag siya sa barangay captain natin para makibalita tungkol sa nangyari sa mansiyon niya. Pagkatapos, hininga raw niya ang number mo eh kaso, hindi naman alam ni Kap kung pa'no ka tatawagan, kaya 'yong contacts na lang ni mommy ang nakuha niya."
"Binigay ba ni Tita Viel ang number ni Ma'am Beatrice?"
Tumango si Vince. "Gusto ka raw makausap ni Ma'am Beatrice." Inabot niya ang phone niya sa'kin. "Heto ang iniwan niyang number."
Kinuha ko ang phone at mabilis na tinawagan si Beatrice. Pagkatapos ng ilang ring, sinagot agad niya 'yon. Hindi ko napigilang ang pagbugso ng emosyon ko nang marinig ko ang boses niya. Nangibabaw ang hinanakit ko at wala na kong pakialam kung maging bastos man ako at marinig 'yon ng lahat. "Iniwan niyo si Levi at pinasa niyo sa'kin ang responsibilidad sa kanya, kaya kayo umalis kaagad nang tanggapin ko ang summer job sa mansiyon, hindi ba?"
"Sunny, I'm so sorry," sabi naman ni Beatrice na puno ng guilt ang boses. "I can explain–"
"Hindi niyo na kailangang mag-explain," sansala ko sa mga sinasabi niya. Sinalo ko ng kamay ko ang noo ko nang mapayuko ako. "Malaya na sa sumpa si Levi. Bumabalik na siya sa pagiging tao. Parang awa mo na, Ma'am Beatrice. Umuwi na kayo ng Pilipinas at magpakananay ka sa anak mo kahit sa huling pagkakataon man lang. Kayo ang mas kailangan niya ngayon at hindi ako."
"Hindi ko maintindiha–"
"Anong mahirap intindihin, Ma'am Beatrice?" frustrated na tanong ko, kasunod ng sunud-sunod kong paghikbi. "Kailangan kayo ni Levi dahil kayo ang nanay niya. Hinayaan niyo siyang mabuhay ng nag-iisa sa loob ng mahabang panahon. Hindi ba puwedeng kahit sa huling sandali man lang niya sa mundong 'to, samahan niyo siya? Naranasan niyo ang magkaro'n ng normal na buhay kasama ang bago niyong pamilya. Pero si Levi, mararanasan niya lang 'yon kapag ilang minuto na lang ang natitira sa kanya. Baka puwede namang sa kakaunting oras na 'yon eh maranasan niya uli na may ina siya." Napapikit ako nang hindi ko na makontrol ang pag-iyak ko. May sinasabi si Beatrice sa kabilang linya pero hindi ko siya maintindihan. "Please, Ma'am Beatrice. Levi needs you right now...."
Unti-unti akong natigilan nang may marahang umagaw sa phone na hawak ko. Kahit hindi ako magmulat ng mga mata, kilala ko ang matigas at makinis na kamay na 'yon.
"Sunny, we need to talk," malumanay na sabi ni Levi.
Nang nagmulat ako ng mga mata, nakita kong ibinalik ni Levi ang phone kay Vince pero sa'kin siya nakatingin. May naalala ako sa naging reaksyon niya kanina nang sabihin ni Tita Carolina na malaya na siya sa sumpa. "Matagal mo na bang alam ang lunas sa sumpa mo?"
"No'ng una, hindi ako sigurado," pag-amin ni Levi sa pantay na boses. "Naghinala lang ako na tunay na pag-ibig ang lunas sa sumpa no'ng pagkatapos mo kong halikan, nagkaro'n ng maliliit na pagbabago sa katawan ko. Sa unang pagkakataon, naigalaw ko na ang bibig ko para ngumiti, at nagkaro'n na rin ng tunog ang pagtawa ko. Hindi ko nagagawa ang mga 'yon noon."
Wow. Kung gano'n pala, nagtapos na ang kuwento namin no'ng gabing hinalikan ko siya. Gusto kong tumawa at sampalin ang sarili ko dahil sa katangahan na 'yon.
"Naisip ko na kaya siguro hindi nagbago ang hitsura ko kahit na naging manika na ko ay dahil gusto ni Louissa na maging kaakit-akit pa rin akong tingnan," pagpapatuloy ni Levi sa pantay na boses."Gusto niyang mapadali ang paghahanap ko sa babaeng puwedeng magmahal sa'kin para makalaya ako sa sumpa. Ginusto niya 'yon dahil siguro, inisip niya na masasaktan ako ng husto na sa oras na matuto akong magmahal at maranasan ko rin ang mahalin sa anyong 'to, ay saka naman ako mamamatay. Bukod do'n, nasaktan pa niya ang babaeng mamahalin ko at magmamahal sa'kin. It was a direct hit at both of us. Loving and being loved when I have only a few minutes to live is probably the real curse."
"Alam mo rin ba na babalik din ang dati mong sakit kapag naging tao ka uli?"
Marahang tumango si Levi. "But I only realized it recently. No'ng oras na nagkaro'n uli ako ng kakayahang matulog, inaatake na ko no'n ng p*******t ng ulo. Gano'n ang nararanasan ko no'ng tao pa ko, kaya naisip ko na sa pagbabago ko, siguradong babalik din ang dati kong sakit."
"Bakit, Levi?" halos pabulong na tanong ko sa kanya. Nahimigan ko ang paghihinanakit at disbelief sa sarili kong boses. "Bakit hinayaan mong umabot pa tayo sa ganitong punto kung alam mo naman pala ang magiging kapalit ng pagbalik mo sa pagiging tao?"
"Our story ended the moment it began," malungkot na sagot ni Levi. "Wala akong kakayahang pigilan ang isang bagay na nangyari na. Sinubukan ko naman, kaya nga kita pinaalis sa mansiyon, 'di ba? Alam ko kasing masasaktan ka pagdating ng araw na 'to. Pero no'ng bumalik ka, hindi na kita nagawang itaboy. Kasi hindi ko na kayang magpanggap na hindi kita mahal. Ayoko nang takasan ang nararamdaman ko para lang iligtas ang sarili ko. Kasi ano bang klase ng buhay ang naghihintay sa'kin kung wala ka?"
Marahan akong umiling-iling, hindi tinatanggap ang paliwanag ni Levi. "You're setting yourself on fire again, Levi. This time, ginagamit mo ko para mag-suicide ka."
Tumawa ng mahina si Levi, tawa na walang buhay at puno ang pagod. "Malayong-malayo sa pagpapakamatay ang ginagawa ko ngayon, Sunny. Being with you is like living a dream. I am not killing myself. I just want to love and be loved while I'm still here."
"Well, then, I'm sorry," paghihinanakit ko naman habang naglalakad paatras kay Levi. "Ayokong magmahal at mahalin ng lalaking iilang minuto na lang ang natitira."
HINDI totoo ang sinabi ko kay Levi na ayoko siyang mahalin dahil iilang minuto lang ang matitira sa kanya kapag bumalik na siya sa pagiging tao. Siguro, hindi ko lang matanggap na 'yong pagmamahalan namin ang magiging sanhi ng kamatayan niya.
Love was supposed to make you feel alive, not kill the person you cherished the most.
Isa pa, mas mapapanatag ako na malayo kay Levi basta ba alam kong buhay siya. Kaysa naman tuluyan na siyang mawala sa mundong 'to. Mas mahirap 'yon kasi kahit anong gawin ko, hindi na siya makakabalik sa'kin.
Kaya nagdesisyon akong huminto sa pagmamahal kay Levi.
Kung gagawin ko 'to, baka tumigil din ang pagbabalik niya sa pagiging tao.
Naramdaman ko ang pagkawit ni Levi ng hinliliit niya sa hinliliit ko. Magkatabi kaming nakahiga sa kama. Para sa gabing 'yon, pumayag ang lahat na magsama kami sa iisang kuwarto para bigyan kami ng pribadong oras para makapag-usap ng masinsinan.
Ako ang unang pumasok sa kuwarto. Nagkulong ako ro'n pagkatapos kong mag-walk out kay Levi. Pinilit ko ang sarili kong matulog para makalimutan ko ang mga problema ko.
Nagising lang uli ako nang narinig ko si Levi na nagpapaalam kina Felix at Tita Carolina kung puwede siyang matulog sa tabi ko. Pumayag ang dalawa.
Nang tabihan ako ni Levi sa kama, nagpanggap uli akong tulog. Well, nakaidlip naman talaga ako dala siguro ng pagod dahil buong araw na kong umiiyak. Ngayon lang uli ako nagising, nang ikawit niya ang daliri niya sa daliri ko.
"Sunny?"
Hindi ako sumagot. Ramdam ko, nakatingin si Levi sa'kin. Hindi ko siya nilingon, kahit pa gustung-gusto ko uli titigan ang mukha niya.
"May resort sa Batangas ang pamilya ni Smith na hindi pa bukas sa publiko," pagkukuwento ni Levi sa halatang pilit lang na pinasiglang boses. "Nang banggitin ko kanina na gusto kong pumunta sa beach, nagprisinta siya na ipahiram sa'tin ang resort nila. Ligtas daw ako ro'n dahil wala pa raw namang mga guest do'n. May mga caretakers, pero puwede naman daw niyang pauwiin muna ang mga 'yon para masolo natin ang lugar."
"Bakit gusto mong pumunta sa beach?" walang ganang tanong ko.
"Hindi pa kasi tayo nakakapag-date ng matino, eh," katwiran naman ni Levi. "Parati na lang tayong nakakulong sa kuwarto."
"Ayokong sumama," malamig na sabi ko. "Nakausap ko ang mommy mo. Siguro naman, makokonsensiya siya sa mga sinabi ko kaya baka umuwi na siya ng bansa. Spend time together with her."
"Matagal na kaming nakapagpaalam ni Mommy sa isa't isa," katwiran naman ni Levi, hindi pa rin sumusuko. "Gusto kong ikaw ang makasama sa natitira kong oras."
Nagbabadya na namang pumatak ang mga luha ko, kaya kumalas ako sa pagkakakawit ng daliri ko sa daliri ni Levi, saka ako tumagilid ng higa para talikuran siya. Ayokong magpaalam sa kanya. Hindi ako papayag na mawala siya dahil sa'kin.
Naramdaman kong maingat na inangat ni Levi ang ulo ko para ipaunan sa'kin ang isa niyang braso. Samantalang ang isa naman niyang braso, pumalupot sa baywang ko. Kinabig niya ko palapit sa katawan niya hanggang sa lumapat na ang likod ko sa dibdib niya. "Sunny..."
Ramdam ko ang init ng katawan niya at ang heart beat niya sa likod ko. Ang unfair lang na ako ang dahilan ng mga 'yon, pero ako rin ang magiging dahilan para maging literal malamig uli siya at para huminto ang t***k ng puso niya. Panghabambuhay na sa pagkakataong 'yon. "Itigil na natin 'to, Levi," sabi ko sa pagod at paos na boses. "Ayoko nang mahalin ka."
"Loving someone is not something you could simply stop when you don't feel like loving that person anymore," natatawang sabi naman ni Levi. Tawa na walang buhay. "Kung madali lang itigil ang pagmamahal sa isang tao, hindi sana nagkalat ang mga bigo sa mundo."
"Hindi ko makita ang point ng pagmamahalan natin, Levi."
"Our love is point less," katwiran ni Levi. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin na para bang sinasabi niya sa'king nandito pa siya, at hindi siya aalis hangga't kaya niya. "'Point less' kasi walang tuldok. Hindi hihinto, kahit mawala na ko sa mundong 'to. And that's the point that is unique to our story."
Hindi ako sumagot. Wala akong isasagot dahil ng mga sandaling 'yon, hindi ko man makita ang point, alam kong malapit na kaming huminto. Sa ayaw o sa gusto man ni Levi, 'yon ang katotohanan.There was a point in every story. Sadly for us, it meant goodbye.