Chapter Fifteen: Wherever You Will Go

3902 Words
NATUPAD ang pangarap ni Levi na makapag-beach. Sinubukan kong tumutol, pero nang lumabas si Levi ng kuwarto, dumating naman si Hani. Pinilit ako ng best friend ko na mag-empake. Hindi niya ko kinausap ng matino. Basta sinabi niya lang sa'kin na aalis na kami ng condo at pupunta sa beach ng pamilya ni Smith. Napilitan akong sumama sa kanila dahil nagbanta si Felix na kung hindi raw ako kusang lalabas, bubuhati niya ko pasakay ng van. Tutulong pa raw si Vince. No'ng si Tita Carolina na ang nagsabing pagbigyan ko na si Levi, wala na kong nagawa dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya. Saka obvious naman na pinagkakaisahan nila ko, kaya hindi na ko lumaban. Habang nasa van, nasa pinaka-backseat kami ni Levi. Kahit hindi ko siya kinikibo, hawak niya ang kamay ko buong biyahe. Madalas, hinahalik-halikan niya 'yon. Pero ako, nakatingin lang sa labas ng binatana. Desidido akong ipakita sa kanya na ayoko na sa kanya. Pero nang nakatulog ako at nagising ako na nakahiga sa dibdib ni Levi habang nakapalupot ang braso niya sa'kin, hindi na ko nakatiis. Pasimple akong yumakap sa baywang niya. Nagpanggap akong tulog pa rin, pero nang halikan niya ko sa tuktok ng ulo, alam kong alam niyang umaarte na lang ako. I closed my eyes and spent the whole trip listening to his heartbeat. Pagdating namin sa resort, gabi na. Sinadya 'yon nina Smith para wala masyadong makapansin na may kasama kaming buhay na manika. Wala na ang mga caretaker, pero mabuti na rin ang nag-iingat. Kami ni Hani ang magkasama sa kuwarto. Pagkatapos naming magbihis, inaya niya ko na maglakad sa tabing-dagat. Pero sa malayo pa lang, natanaw ko na kung bakit nag-aya siyang maglakad-lakad. May naghihintay na sorpresa sa'kin. Kaya heto ako ngayon, nakahiga sa blanket na nakalatag sa buhangin. Nakikinig sa paghampas ng alon sa dalampasigan habang nakatitig sa nagkalat na mga bituin sa madilim na kalangitan. Nakaupo sa tabi ko si Levi, kinakalabit ang strings ng hawak niyang ukelele. Kung saan niya 'yon nakuha o kung marunong talaga siyang gumamit niyon, wala akong ideya. Until he started to sing. "So lately, been wondering... who will be there to take my place..." pagsisimula ni Levi. In fairness, his singing voice was decent. 'Yong pagkalabit niya sa strings, nalalapatan na ng tono ang kanta. "When I'm gone... you'll need love... to light the shadows on your face..." "Stop," pigil ko kay Levi nang nanghina na naman ang mga emosyon ko. Para kasing nagpapaalam na siya sa'kin sa pamamagitan ng lecheng familiar song na 'yon. Bakit parang sinulat 'yon para sa'ming dalawa? Nakakainis pala ang isang kanta kapag nakaka-relate ka. "I hate that song." Pero siyempre, hindi naman nagpaawat si Levi. Nagpatuloy siya sa pagkanta at pagtugtog ng ukelele na malapit nang magtunog pang-death march sa pandinig ko. "If I could... then I would... I'll go wherever you will go... way up high... or down low... I'll go wherever you will go..." "You can't go 'wherever I will go' when you're about to leave me behind!" sigaw ko sa basag na boses. At dahil nakahiga ako, mabilis na pumatak ang mga luha ko. Huminto agad si Levi sa pagkanta at pagtugtog. Ginamit pa rin niya ang linya ng kanta sa pagsagot, pero pabulong niya lang 'yong sinabi. "If I could, then I would." "But you couldn't." Marahang umiling si Levi. "I couldn't." Hindi na ko nakasagot kasi puro hikbi na lang ang lumabas sa bibig ko. Kulang ang salitang 'sakit' para ilarawan ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko, na-trap ako sa isang universe na hindi lumulubog ang araw at hindi lumalabas ang mga bituin na siyang bumubuhay sa'kin. I was dying inside, and I swore it was worse than physical death. Ang mga namatay na, hindi nakakaramdam ng sakit. Ang mga namatayan, sila 'yong patuloy na magdurusa sa pagkawala ng minamahal nila. Humiga si Levi sa tabi ko. Kinuha niya 'yong kamay ko na nakapatong sa tiyan ko at ibinaba 'yon sa gilid ko. Ikinawit niya ang hinliliit ko sa hinliliit niya. "Sunny, naniniwala ka ba sa Multiverse? 'Yong teorya na meron tayong iba't ibang universe, hindi lang dito kung saan tayo nabubuhay." "Hindi ko alam. Ano bang meron sa ibang universe?" Naramdaman kong tumingin siya sa'kin. "Posibleng sa ibang universe, merong ikaw at ako na merong happy ending. Sa lawak ng universe, hindi naman malayong mangyari 'yon." "Don't give me that crap, Levi," paghihinanakit ko naman. "Hindi ko kailangan ng ikaw at ako sa ibang universe. Ito ang universe nating dalawa. Dito kita gustong makasama." "Nagkasama naman tayo, Sunny," katwiran naman ni Levi. "Kahit maiksing panahon lang, binuo mo naman ang buhay ko." Nilingon ko si Levi. Gaya ng inaasahan ko, nakatitig na siya sa'kin. Matindi ang intensidad ng pagmamahal na nakikita ko sa mga mata niya. Pero sigurado akong mas matindi ang intensidad ng hinanakit na nakikita niya sa'kin. "Bakit ba ang dali-dali sa'yong tanggapin ang posibleng mangyari sa'yo kung patuloy nating mamahalin ang isa't isa? Na dahil sa nararamdaman natin, mawawala ka." "Sunny." Heto na naman ang tono ni Levi na parang bata ang kausap niya. "Kung hindi nangyari sa'kin 'to, sa tingin ko hindi tayo magkakakilala. Mas matanda ako sa'yo ng dalawampung tao." Natahimik ako. May punto si Levi. Pero ayokong tingnan 'yon. "Kung meron ngang alternative universe kung saan nabuhay ako sa normal na paraan at hindi sinumpa ng kung sinong baliw na mangkukulam, sigurado akong hindi pa rin tayo ang magkakatuluyan," pagpapatuloy ni Levi. Naging malungkot na ang boses niya. "Kung magkita man tayo sa mundong 'yon, siguradong may asawa at mga anak na ko. Napakalaki ng pagitan ng edad natin, Sunny." "Wala tayo sa alternative universe, Levi," katwiran ko sa basag na boses. Heto na naman ang mga hikbi ko, ayaw paawat. "Ito ang canon world natin. Nagkita tayo. Nagmahalan. Pero pakiramdam ko, 'yong t***k ng puso mo, tunog ticking bomb na. Parang anytime, sasabog ka na parang isang supernova." "Supernova?" tanong ni Levi sa naaaliw na boses. "You've been doing your homework?" "Shut up." Nakakainis, pero nag-init ang mga pisngi ko. Bumili ako no'ng astronomy book at binabasa ko 'yon para makasabay naman ako sa adiksyon ni Levi sa universe. "Hindi mo na maituturo sa'kin ang ibang terms na hindi ko naiintindihan dahil mawawala ka na." Nag-iwas ng tingin si Levi. Tumingala siya sa mga bituin. May munting ngiti sa mga labi niya. "Our love is like a massive star in its last stellar evolutionary stage. It's too awesome, so it has to end in one final titanic explosion. A supernova that will cause the appearance of a new bright star." Ngumiti ako ng mapait. "Ano naman ang mabubuong 'new bright star' ng supernova natin?" "Our memories." Tumingin ako kay Levi. Nakatingala pa rin siya sa mga bituin. Payapa ang anyo niya. "What?" "When I explode, I want my remains to scatter across the night sky. I hope the memories of you and I cluster into one huge, bright starthat will sparkle each time you look up to find me. That would be our own unique supernova." "Levi–" "Sunny," marahang sansala ni Levi sa sasabihin ko. "No'ng hindi pa kita nakikilala, walang araw na hindi ko sinumpa si Louissa dahil sa ginawa niya sa'kin. Pero ngayon, sa unang pagkakataon, nagawa ko na siyang patawarin ng taos-puso at pasalamatan pa sa pagsumpa sa'kin. Dahil kung hindi ako nakulong sa katawan ng isang manika, hindi ko mararanasan magmahal at mahalin ng ganito kalalim." Alam kong tama ang mga sinasabi ni Levi. Mahirap lang tanggapin na mawawala na siya sa'kin. Ng dahil sa'kin. "Sana hindi mo na lang ako nakilala." Lumingon si Levi sa'kin. Nang nagsalita siya, malungkot na ang boses niya. "Mas gusto mo bang habambuhay akong mabuhay bilang isang manika? Ako kasi, hindi. Hindi ko nga tatawaging 'buhay' ang pinagdaanan ko sa loob ng dalawampung taon. Ang lungkot-lungkot ko no'n, Sunny. Para akong mababaliw dahil sa pag-iisa ko. Nagbago lang 'yon nang dumating ka sa buhay ko. Pinasaya mo ko, eh. Kung papipiliin ako sa pagitan ng pagiging manika na may mahabang buhay, at pagbabalik sa pagiging tao sa loob ng ilang minuto, pipiliin ko 'yong pangalawa. I'd rather give up my last few minutes to feel your skin against mine, than waste eternity in the mansion as an almost-immortal yet lonely doll." Kinagat ko ang ibabang labi ko. Pinagtakpan ko ng galit ang sakit na nararamdaman ko. "Hindi nakinig ang universe sa'tin. Kahit Siya, hindi naawa." "Don't blame Him, Sunny," marahang saway sa'kin ni Levi. "Simula nang naging manika ako, wala akong ibang hiniling sa Kanya kundi ang kunin na Niya ko para matapos na ang paghihirap ko. He did end my sufferings. Not by taking my life, but by giving me a new life instead– you. Siguro nga maiksing oras lang ang binigay Niya sa'kin, pero sapat na 'yon sa'kin at buong puso ko siyang pinasasalamatan na ipinahiram ka Niya sa'kin. He didn't let me die unloved. It's something we should always be grateful for." Hindi ko alam kung paano hahawakan ang mga emosyon ko. Galit ako. Pero hindi ko alam kung kanino ididirekta ang lahat ng negatibong damdamin ko. Kaya umiyak na lang ako ng umiyak. Kapag hindi ko 'yon nilabas, baka mamatay ako sa sobrang sama ng loob. Hinawakan ni Levi ang kamay ko. He intertwined our fingers and he started to sing again. "And maybe... I'll find out... the way to make it back someday... to watch you... to guide you... through the darkest of your days..." HABANG nag-a-almusal kami, bigla kong naalala 'yong nabasa kong crime novel noon kung saan tinanong 'yong preso na nakatakda nang bitayin kung ano ang huling hapunan na gusto niyang kainin. 'Yon ang nakikita ko kay Levi ngayon. Bukod sa'ming dalawa, kasalo rin naman sa mesa sina Hani, Smith, Vince, at Felix. Si Tita Carolina ay in-excuse ang sarili niya para makipag-usap sa phone. Tapos na kasi ang bakasyon ng ginang pero dahil sa kanila, hindi pa makapasok ng opisina. Anyway, naging madaldal si Levi. Alam kong nagpapaalam na siya sa mga kaibigan namin. Kahit magkatabi kami, hindi ko siya magawang tingnan. Sigurong maiiyak ako kapag ginawa ko 'yon. "Kung magkakaro'n pa siguro ako ng mas mahabang oras, magiging matalik na kaibigan kita, Smith," nakangiting sabi ni Levi habang nakatingin kay Smith. "Weird, but I have a feeling we'll get along even if our personalities are poles apart." "We could even have a bromance!" natatawang sagot naman ni Smith. Minsan, manhid talaga ang lalaking 'to. Hindi niya napapansin na siya lang ang masaya at masigla sa mesa na 'yon. "Nabanggit ko nga rin dito kay Hani na magaang ang loob ko sa'yo. Sabi pa nga niyang si Sunny, kung sakaling ikakasal daw kayo, ako ang kukunin mong best man." Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos, pero hindi pa rin ako nag-angat ng tingin sa plato. Naramdaman kong tumingin si Hani sa'kin na katabi ni Smith. Gano'n din si Vince na nasa kabilang gilid ko naman. Si Felix, hindi ko sigurado. Levi chuckled. "Maybe. Maybe not. Kailangan pa nating problemahin si Vince kung papayag siyang magpakasal kami ni Sunny. He's so protective of his cousin. He's like an annoying in-law." "Excuse me?" kunwari ay na-offend naman na sabi ni Vince, kahit walang kombiksyon sa boses. Halatang napipilitan lang sakyan ang usapan na 'yon. "I'm too young to be your in-law, Levi. Di hamak namang mas matanda ka kaysa sa'kin." Tinawanan lang 'yon ni Levi. "Bilang best man mo, akong bahala sa'yo, Levi," nakangising sabi naman ni Smith, hindi pa rin talaga makaramdam. "Saka sigurado namang si Hani ang magiging maid of honor ni Sunny sa kasal. Tutulungan ka namin ng baby ko para mapa-oo ang pamilya ng girlfriend mo." "Uhm, baby?" nag-aalangan namang saway ni Hani kay Smith. "Mag-almusal ka muna. Hindi ka na nakakakain ng maayos sa kadaldalan mo." Tumawa lang si Smith. "Ang saya kaya ng usapan. Levi, kung best man mo ko at in-law mo naman si Vince, ano naman para sa'yo si Kuya Felix?" "A rival," mabilis at mariing sagot naman ni Levi. Sa wakas, tumahimik na rin si Smith at mukhang nakaramdam na sa tensiyon sa paligid. "Bakit mo naman ako naging karibal?" curious na tanong naman ni Felix na no'n lang nagsalita. Nang mag-angat ako ng tingin, nagulat ako nang makitang may mini staring contest na sina Levi at Felix. Blangko pareho ang mukha nila, kaya hindi ko alam kung ano ang iniisip nila. "I just have a feeling that in an alternative universe, we were born to compete with each other," maingat na sagot naman ni Levi. "Nararamdaman ko kasing marami tayong pagkakatulad." Tumaas ang sulok ng mga labi ni Felix. "You're probably right. But in this universe, I don't have any plan to compete with you." Itinaas niya ang nakasara niyang kamao. "Bro?" Ngumiti rin si Levi at inumpog ang kamao niya sa kamao ni Felix. "Bro." Hindi ko na kinaya ang ginagawang pagpapaalam ni Levi sa mga kaibigan namin. Tumayo at tahimik akong umalis ng mesa. Naramdaman kong may sumunod sa'kin, pero hindi siya 'yon. Bumalik ako sa kuwarto pero bago ko pa maihagis ang katawan ko sa kama, natagpuan ko na lang ang sarili kong nakakulong sa yakap ni Hani. Umiyak ako. Hindi ko na napigilan. "Pinapahirapan mo lang ang sarili mo, Sunny," marahang sabi ni Hani habang hinahagod ang likod ko. "Pinahihirapan mo lang din si Levi." "Ayokong mawala siya ng dahil sa'kin, Hani," humihikbing katwiran ko naman. "Ikaw lang ang nag-iisip na kasalanan mo kung bakit siya mawawala," giit ni Hani. "Sunny, stop blaming yourself for all the misfortunes in your life. Walang may kasalanan ng lahat ng 'to. Alam 'yon ni Levi. Hindi ka niya sinisisi. Malayong-malayo ro'n ang nararamdaman niya at nakikita namin 'yon. Kaya bakit sa lahat ng tao, ikaw pa ang hindi makakita kung ano ba talaga ang gustong mangyari ni Levi?" Nagsimula na ring mabasag ang boses niya. "Ikaw lang ang makakapagbigay no'n sa kanya pero ipinagkakait mo 'yon kasi nagiging selfish ka na naman." Hindi ko inaasahan 'yon. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Hani para bigyan siya ng naguguluhang tingin. "Hindi ko maintindihan..." "Kasi ayaw mong intindihin si Levi," frustrated na sabi naman ni Hani. "Wala ka kasing ibang inintindi kundi ang sarili mo. Sa tingin mo ba, kung may choice siya, iiwan ka niya? Hindi, Sunny. Pareho nating alam 'yon. Pero heto ka, sinasayang ang huling sandali niyong magkasama. He only wants one thing, you know. Gusto niyang maging tao uli kahit sa maikling panahon lang para mahawakan ka niya gamit ang totoo niyang katawan." Nabigla ako. Hindi ko naisip 'yon dahil masyado akong naging makasarili. "Natatakot akong mawala siya, Hani." "Sa tingin mo ba, hindi siya matatakot sa mangyayari sa kanya?" malungkot na tanong ni Hani. "Sunny, ikaw lang ang taong inaasahan ni Levi sa mundong 'to. Pero tinalikuran mo siya kung kailan kailangang-kailangan ka niya. Bakit kinakatakutan mo ang isang bagay na hindi pa naman nangyayari? We're living in the now, remember that." "Kapag nawala si Levi–" "Ay dapat siyang mawala ng masaya," sansala ni Hani sa sinasabi ko. "No'ng minahal mo si Levi, alam mong imposible kayong magkasama dahil sa sitwasyon niya. Tinanggap mo 'yon ng buong-puso no'ng una. Pero binulag ka ng pag-asang kinapitan mo, Sunny. Na-frustrate ka nang nalaman mong hindi mo siya makakasama ng matagal. Pero gano'n na lang ba 'yon? Hindi mo na ba siya mamahalin dahil lang mawawala na siya? Hanggang d'yan lang ba ang feelings mo for him? Parang shooting star lang na ilang segundo lang ang tinatagal ng liwanag bago maglaho nang hindi tinutupad ang kahilingan ng mga taong nakakita rito?" Humakbang siya paatras habang iiling-iling."If yes, then I'm disappointed." Hindi ako nakasagot. Hanggang sa iwan ako ni Hani sa kuwarto, nakatulala pa rin ako. Pero alam ko, ng mga sandaling 'yon, unti-unti na kong natauhan. HINDI ako shooting star. Mas lalong hindi patay na bituin na bumagsak sa Earth ang nararamdaman ko para kay Levi. Hindi ako magiging panibagong kabiguan sa buhay niya kasi nangako akong pasisiyahan siya. Gusto kong sampalin ang sarili ko kasi ngayon ko lang na-realize 'yon. Only now while I was watching Levi stare up at the dark sky. A single tear rolled down his cheek. It was the first time I saw him cry, but it made me realize that what we have right now was our own version of forever. Because right at that moment, I knew our love was 'point less.' Kasi walang tuldok. Hindi hihinto. Lalong hindi matatapos. Bakit ngayon ko lang tinanggap 'to? Mukhang hindi lang ako nakapansin sa tahimik na pag-iyak ni Levi dahil natigilan din sa paghaharutan sina Smith at Vince. Maging si Felix, napahinto sa pagsisindi ng luses. Oo, nagpapasindi kasi ang mga lalaki ng firecrackers ng gabing 'yon sa tabing-dagat. Habang kami naman ni Hani, magkatabing nakaupo sa natumbang malaking katawan ng puno. Buong maghapon akong nagkulong sa kuwarto. Lumabas lang ako nang sabihin ni Hani na nagsisindi ng luses sina Smith, Vince, Felix, at Levi sa tabing-dagat. Pero hindi ko inasahan ang nakita kong luha na 'yon. "He's crying," bulong ni Hani, nakatakip ang mga kamay sa bibig. Puno ng simpatya at awa ang boses niya. Na naiintindihan ko dahil 'yong isang luha ni Levi, puno ng sakit at paghihirap. Sigurado akong naramdaman naming lahat 'yon. Sa isang iglap, nakatayo na ko at naglalakad palapit kay Levi. Huminto lang ako no'ng ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya. "Levi?" Mula sa madilim na kalangitan, bumaba ang tingin sa'kin ni Levi. Blangko ang mukha niya no'ng una, pero bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi niya nang dumaan ang rekognisyon sa mga mata niya. "Yes, Sunny?" Tinuro ko ang pisngi niya kung saan basa pa ang dinaanan ng pumatak niyang luha. Nadurog ang puso ko sa kanya. "Bakit ka umiyak?" Umangat ang kamay ni Levi sa pisngi niya. Parang nagulat pa siya nang naramdaman siguro niyang basa iyon. "Oh. I didn't realize I was crying just now." "Anong iniisip mo ngayon?" malungkot na tanong ko kay Levi. Ngumiti si Levi. Sa pagkakataong 'yon, mas nagmukha na siyang tao. Na para bang nawawala na ang pagiging manika niya. "I just feel really grateful, so I looked up to thank Him. Nagpapasalamat ako kasi naranasan kong magkaro'n uli ng mga kaibigan kahit sa maiksing sandali lang." Inangat niya ang hawak niyang luses. "Ngayon lang uli ako nakapaglaro. I'm having so much fun right now, Sunny. I'm surrounded by nice people.You and your friends are awesome." Pinasadahan niya ng tingin sina Hani, Vince, Smith, at Felix na nagiging mga emosyonal na rin. "Salamat sa pagtanggap sa'kin. All of you has been good to me.Thank you for making me feel like a human again." Humawak siya sa batok niya na parang nahihiya."I know this is too much to ask, but please take good care of Sunny for me." "Ang hirap naman ng pinapagawa mo," reklamo ni Vince sa basag na boses. "Alam mo namang matigas ang ulo niyang si Sunny." Natawa si Levi. "I know. Pero alam kong puwede ko siyang iwan sa inyo." "I got your back, man," sabi naman ni Smith na siyang unang umiyak sa'min. Pulang-pula na ang mga mata niya, pati ang ilong niya. "Walang masamang lalaki ang makakalapit kay Sunny. If someone dares to take your place, I'll make him bleed." Pabiro namang sinikmura ni Hani (na lumapit na rin kay Smith kanina) ang boyfriend niya sa sikmura. Pagkatapos, ngumiti siya kay Levi. "I'll make sure Sunny will keep on shining." "Thank you, Hani," sabi naman ni Levi, saka niya binalingan si Felix. "Felix." "I can't promise since I'm going back to LA next week," nag-aalangan na sagot ni Felix, saka dumako ang tingin niya sa'kin. "But I'll check on her from time to time." Ipinaikot ko ang mga mata ko kahit ang totoo, naiiyak na naman ako. Binigyan ko ng nananaway na tingin si Levi. "I'm not a child, Levi. Stop asking my friends to take care of me." "Gusto ko lang makasigurong magiging maayos ka kahit wala na ko," nakangiting sagot ni Levi. Maaliwalas ang mukha niya, payapa, at halatang masaya. He was happy. Maybe parting with him would be really painful, but the happiness I saw in his eyes would make up for it. He would always, always be worth every tear. Oras na para sa permanenteng pamamaalam. If I was going to say good-bye to him, I better do it like a supernova. Kaya kumanta ako. Sinagot ko ang kanta ni Levi. "I know now, just quite how... my life and love might still go on... in my heart... in my mind... you'll stay with me for all of time." Napangiti si Levi. 'Yong ngiti na nagsasabing masayang-masaya ng mga sandaling 'yon. Sa wakas, naging maluwag na rin sa kalooban ko ang pagtanggap na hanggang dito na lang kami ni Levi. Himbis na makita ko 'yong malungkot na parte ng paghihiwalay namin, mas pinili kong tingnan 'yong buting idudulot niyon. At ang makita siyang masaya? Handa akong masaktan para lang makita ang ngiting 'yon. "You're too awesome for this universe, Levi." "Finally!" natatawang sabi ni Levi habang iiling-iling. "You finally saw the point of my existence." Ngumiti lang ako. Sa totoo lang, nahahawa ako sa kasiyahang nakikita at nararamdaman ko kay Levi ngayon. "Levi, my universe has only one galaxy– you." "You know there are other galaxies in this universe, Sunny," nakangiting kontra naman ni Levi. Mahihimigan ang lungkot sa boses niya. "May makikita ka pang bagong galaxy pagkalipas ng maraming taon. Kapag nangyari 'yon, ma-re-realize mo kung bakit ako naging supernova. You will be fine eventually." Tumango ako. "I will be, because you taught me how to be stronger." Tumingala ako sa madilim na kalangitan. Nagkalat ang mga bituin sa kadiliman. Hindi magtatagal, magiging isa na si Levi sa mga 'yon. "Kailangan mong maging supernova, Levi. Kailangan mong lagyan ng point ang love story natin sa pinaka-awesome na paraan. Kailangan nating mang-inggit ng ibang couple." "I love you, Sunny Esguerra." Nang bumaba ang tingin ko kay Levi, nakita ko siyang nababalutan na ng puting liwanag. Mabilis na pumatak ang mga luha ko. Masakit ang lalamunan ko sa pagpipigil ng iyak pero nagawa ko pa ring sabihin ng malakas at malinaw ang mga salitang katumbas ng nararamdaman ko para sa kanya. "I love you, too, Levi Mitchell Hope. Mahal na mahal kita." Pagkasabi ko ng mga salitang 'yon, sumabog ang liwanag na nakapabalot kay Levi. Akala ko, mawawala na siya. Pero hindi 'yon ang nangyari. Sa halip, bumalik siya sa pagiging tao. Hinangin-hangin na ang kulay tsokolate niyang mga mata, mas naging asul ang mga mata niya, naging mapupula ang mga labi, mestizong balat, at namumulang mga pisngi. Maging si Levi ay halatang hindi makapaniwala sa pagbabago niya. Tiningnan pa niya ang mga braso niya na may mga ugat nang makikita dahil sa kaputian niya. Nang masiguro niyang tao na talaga uli siya, tumingin siya sa'kin na puno ng kasiyahan ang mga mata. Natatawang ibinuka pa niya ang mga braso. "Come here, Sunny!" Hinagis ko ang sarili ko kay Levi. Ipinalupot ko ang mga braso ko sa leeg niya habang pumalupot naman ang mga braso niya sa baywang ko. Pumikit ako at sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Hindi ako makapaniwalang nangyayari 'yon. Nararamdaman ko ang init at kinis ng balat niya. Ang malakas niyang katawan. Ang mainit at mahigpit niyang yakap. Naririnig ko ang malakas at mabilis na t***k ng puso niya. Ang sunud-sunod at malambing na pagbulong niya sa'kin ng 'mahal kita.' Buhay si Levi. Buhay na buhay siya ng mga sandaling 'yon. Sana hindi na 'yon matapos. "Sunny?" Nag-angat ako ng tingin kay Levi. Nang magtama ang mga mata namin, alam ko na na may isa pang paraan para magpaalam sa isa't isa sa pinaka-awesome na paraan. I closed my eyes when he leaned down to capture my lips for a kiss. My first kiss. I was ecstatic to feel him nibbling my lower lip, teasing my tongue with his, tasting every cavern in my mouth,as if he intended to imprint his hot and sweet kisses in my memories for as long as time will allow. And then I was alone, with a supernova twinkling above me. ---END---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD