PARANG binibiyak ang ulo ko sa sakit nang magkaro'n ako ng malay.
Nang magmulat ako ng mga mata, kadiliman ang sumalubong sa'kin. Pero salamat sa mapusyaw na liwanag mula sa lamp shade sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kama kung saan ako nakahiga, unti-unti ko nang naaninag ang nasa paligid ko, lalo na nang masanay na ang mga mata ko sa dilim.
Bumangon ako, sapo-sapo sa isang kamay ang noo ko. Naramdaman kong meron akong malaking gaza malapit sa sentido. Nasaktan ba ko?
Nanigas ako sa panlalamig ng katawan ko nang mapansin ko kung nasaan ako. Mabilis na gumapang ang takot sa sistema ko. Dama ko 'yon sa mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko. Kasabay niyon, unti-unti na ring bumalik sa isipan ko ang mga nangyari sa'kin bago siguro ako nawalan ng malay.
Ang House of Dolls.
Si Jared.
Ang buhay na manika.
Lumipad sa ere ang comforter na nakabalot sa katawan ko sa bilis ng paghagis ko niyon. Kahit mahilo-hilo pa ko sa biglaan kong pagkilos, tumayo pa rin ako at tumakbo papunta sa pintuan. Kailangan kong samantalahin ang pagkakataon na nag-iisa ako sa kuwarto. I needed to escape from here, fast.
Nagrereklamo ang bawat kalamnan sa katawan ko dahil alam kong pinupuwersa ko na ang sarili kong kumilos kahit hindi ko pa kaya, pero kailangan kong makaalis agad sa lugar na 'to. Mababaliw ako kapag nag-stay pa ko ng mas matagal sa haunted na bahay na 'to.
Kung hindi man, baka mamatay ako rito sa mga kamay ng possessed doll na nakita ko kanina.
Nanlaki ang mga mata ko sa pinaghalong gulat at takot nang ma-realize kong naka-lock ang pinto. Kahit anong pihit ko sa seradura, hindi pa rin 'yon bumubukas. Kinulong ako sa kuwartong 'to!
Tinangka kong kalampagin ang pinto at sumigaw para humingi ng tulong. Alam kong maliit ang tsansa na may makarinig sa'kin, pero kailangan ko pa ring subukan kung gusto kong makalabas ng buhay. Kaya lang, naisip ko rin na kung gagawa ako ng ingay, baka marinig ng buhay na manika na gising na ko. Kailangan ko nang makatakas bago pa niya ko balikan sa kuwartong 'to.
Nang sukuan ko na ang pinto, tumakbo naman ako papunta sa mga bintana. Sliding glass windows ang mga 'yon. Kapag nabuksan 'yon, magkakasya ako at makakatalon paalis ng kuwartong 'yon. Alam kong nasa second floor ako. Pero mas gugustuhin ko nang mabalian ng mga buto kaysa naman habambuhay makulong do'n kasama ang isang possessed doll.
"s**t, s**t, s**t," frustrated na bulong ko sa sarili nang ma-realize kong naka-lock din ang mga bintana.
Sobrang dilim na sa labas. Wala ring mga bituin, pero bilog na bilog ang malaking buwan. Alas-diyes ng gabi ng umalis ako sa bahay kanina. Siguro lagpas midnight na. Napansin na siguro ni Vince na nawawala ako. Sana maisip niya na dito lang ako sa malaking mansiyon nagpunta dahil wala naman akong ibang pinupuntahan sa bayan na 'to simula nang dumating ako rito.
Pero sana lang din, hindi na nagtatampo sa'kin si Vince. Hindi niya sana isipin na gusto kong mapag-isa at hanapin pa rin niya ko. Bigla akong nagsisi na inaway ko pa siya kanina at ni hindi ko man lang nasabi sa kanya ang plano kong kunin ang naiwan kong phone sa haunted mansion na 'to.
Bilang last resort, lumapit ako sa gilid ng kama at kinuha ang stool na gawa sa kahoy. Binuhat ko 'yon at ihahampas na sana sa bintana para mabasag ang salamin nang maramdaman ko ang biglaang pagbabago ng hangin. Kasabay niyon ay ang ingay na parang bumukas na naman 'yong lumang pintuan. Malamang, 'yong secret door 'yon.
"You're awake."
Nanayo uli ang mga balahibo ko sa katawan.
Hindi ko alam kung ano ang mas nakakakilabot. Ang katotohanan bang nakakapagsalita ang manika, o 'yong katotohanang normal ang tunog ng boses niya at hindi metallic o robotic gaya ng mga sa horror films. Alam kong hindi ito ang tamang oras para humanga sa kanya, pero aaminin kong magandang pakinggan ang tinig niya. Malalim 'yon, malamig, lalaking-lalaki. Para siyang DJ na may bedroom voice.
Dahan-dahan kong binaba ang hawak kong stool. Kailangan ko ang lahat ng natitira kong lakas para labanan ang manika kaya kailangan ko ring mag-ingat sa mga ikinikilos ko. Nahihilo pa rin ako at sa palagay ko nga, willpower na lang ang dahilan kung bakit nakatayo pa rin ako ngayon.
"I think you still need to rest more, Sunny."
Sa lahat ng possessed doll, ang isang 'to ang English ng English. Ayaw ko mang aminin, pero kung pagbabasehan ang nakakaaliw na Australian accent niya, para bang matino siyang... well, lalaki?
Humugot ako ng malalim na hininga bago ako pumihit paharap sa manika na nakatayo malapit sa pinto, ilang metro ang layo niya sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang inaasahan ko, pero nabigla pa rin ako nang makitang nag-change outfit na siya.
The possessed doll looked dashingly handsome in his black and red striped long-sleeved shirt, dark pants, and sneakers. Gah, now he looked like a mannequin sporting the latest fashion trend for men and he was stunning. Ang porma niya.
Gusto kong sampalin ang sarili ko. Heto ako, trapped sa isang kuwarto kasama ang isang buhay na manika pero nagagawa ko pa ring purihin kung gaano siya kaguwapo kahit hindi naman siya totoong tao.
Nasa'n ang takot ko?
Nakakapagtaka man, pero unti-unti na kong kumakalma ngayon. Kahit na nakatayo sa harap ko ang isang buhay na manika, hindi ako nakakaramdam ng panganib. Siguro 'yong kaba ko, dala na lang ng disbelief sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung saan nagmumula 'yong pakiramdam na sa kabila ng lahat, nakakasiguro ako na ligtas ako at hindi ako sasaktan ng possessed doll na kasama ko.
Dahil ba 'yon sa maamong mukha ng manika? Gayunman, hindi ko binaba ang depensa ko.
"I won't hurt you, Sunny."
Nahigit ko ang hininga ko sa pagsasalita ng manika. Kusang kumilos ang katawan ko para mas isiksik pa ang likod ko sa bintana, umaasa na bubukas 'yon at makakalabas na ko ng kuwartong 'yon. Nakakailang pa ring makita ang maliit na pagbuka ng bibig niya.
Humakbang palapit sa'kin ang manika.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkataranta. Itinaas ko ang mga kamay ko at hindi ko rin inaasahan ang pagtaas ng boses ko nang magsalita ako. "D-d'yan ka lang!"
Mabilis siyang huminto sa paglalakad. Ngayong nakatayo na lang siya habang nakatitig sa'kin nang hindi kumukurap at hindi humihinga, nagmuka na talaga siyang manika lang. At tama nga ang hinala ko. Matangkad siya. Nasa 5'10 siguro ang taas niya. His height was perfect for his lean body.
"H-huwag kang lalapit sa'kin," pabulong kong dagdag. Hindi ko naman gustong mautal. Kasalanan 'yon ng panginginig ng mga labi ko.
"I'm Levi Mitchell Hope," pagpapakilala ng manika. "I won't hurt you, Sunny. I'm a good guy."
"Yeah, right. Kitang-kita ko nga kung ga'no ka kabait sa ginawa mo kay Jared." Wow. Humanga ako sa sarili ko dahil nagawa ko pang maging sarcastic kahit na malaki ang posibilidad na sakalin ako ng manikang 'to kapag nainis siya sa'kin. Pero ano'ng magagawa ko? Hindi siya convincing.
"Serves him right," kaswal na sagot ni 'Levi.' "I hate men who force themselves on women. They deserve to die the most painful way."
Nanlaki ang mga mata ko sa takot. "P-patay na si Jared?"
"Oh, no. He's still breathing when we dropped him off the road... I think."
Kumunot ang noo ko. "'We?'" Napalunok ako nang may ma-realize ako mula ro'n. "May kasama ka?"
As if on cue, someone knocked on the door.
"I'll leave you for awhile to give you time to change clothes," sabi ni Levi, saka tinuro ang damit ko.
Napatingin naman ako sa sweater ko. Ah, may mantsa pala ng dugo sa bandang dibdib 'yon. Napatakan siguro nang dumugo ang noo ko kanina.
Nawala lang ang atensiyon ko sa damit ko nang marinig kong maglakad na palayo si Levi. This time, he was walking toward the double-doors and not the secret door on the wall. But before he touched the knob, he turned to me as if he just remembered he still had something to say to me.
"Sunny?"
"A-ano?"
Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi ni Levi. God, the doll was grinning! "I'm not a s*x doll."
TINITIGAN ko ng masama ang middle-aged pero magandang babae na pumasok sa kuwarto paglabas ni Levi. The woman was blonde, tall, and slim. She was probably in her mid to late fifties but she still looked young and stunning for her age.
Pero hindi na ko magpapadala sa pisikal na anyo ng isang tao. Guwapo rin naman si Levi, pero isa pa rin siyang manika kahit pa ulit-ulitin niya na 'good guy' siya. Isa pa, sinong nasa matinong pag-iisip ang magtatago ng living doll sa bahay niya?
Mga baliw lang.
Ngumiti ang babae sa'kin. Ayokong aminin, pero mukhang totoo naman ang nakikita kong kabutihan sa maamo niyang mukha. "Hello, Sunny." Inangat niya ang dala niyang tatlong malalaking paperbags. "I brought you clothes and some toiletries."
Hindi ko nagustuhan 'yon. Sa dami niyon, iniisip ba talaga ng babaeng 'to na mag-i-stay ako ng matagal sa bahay na 'to kasama ang isang buhay na manika? "Sino ka?"
Halatang nabigla ang babae sa marahas kong tono. Pero mukhang hindi naman siya na-offend. "Oh, I'm sorry. Where are my manners?" Marahan niyang tinampal-tampal ang noo niya. Nang mukhang kumalma siya, ngumiti uli siya sa'kin. "I'm Beatrice. I'm Levi's mother."
Okay. Kung hindi convincing si Levi, mas lalong hindi convincing si Beatrice. Hindi ko na naman tuloy napigilan ang pagiging sarcastic ko. "Wow. Siguro ikaw ang kaisa-isang babae sa human history na nanganak ng manika 'no? That's very impressing, ma'am."
Was I being rude? Hindi ko mapigilan. Sa sitwasyon ko ngayon, tanging ang pagiging palaban at maanghang sa pagsasalita na lang ang mapaggagamitin ko ng lakas ko. Kailangan ko 'yong lubus-lubusin. Hindi ako mamamatay nang hindi lumalaban. Kahit sa verbal na paraan man lang, makaganti ako.
Ngumiti uli si Beatrice, pero malungkot na 'yon sa pagkakataong 'to. Saka ko lang din napansin ang matinding kapaguran na makikita sa asul niyang mga mata. Ah, sa kanya pala namana ni Levi ang ocean blue eyes ng manika. Lumapit ang babae sa'kin, pero dumeretso siya sa kama kung saan niya ipinatong ang mga paperbag na dala niya bago niya ko muling nilingon. "Sunny, Levi is my birthson. He used to be human, just like us."
Okay. Kulang ang sabihing nagulat ako sa rebelasyon na 'yon. Ni hindi nga ako nakapag-comeback.
Marahang tumango-tango si Beatrice na para bang alam niyang kailangan ko ng kumpirmasyon kung tama nga ba ang narinig ko o hindi. "Yes, you heard it right, Sunny. Normal na tao si Levi noon," paliwanag niya. May 'accent' ang pag-ta-Tagalog niya, pero malinaw naman ang pagsasalita niya niyon.
"Ano'ng nangyari kay Levi? Paano siya naging manika?" curious na tanong ko naman.
"Why don't you stay and find out yourself?"
"Talagang i-to-tolerate mo si Levi sa ginagawa niyang pagkukulong sa'kin sa kuwarto na 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko. Gah, this woman must really be crazy! Akala ko pa naman, mabait siya.Bumalik tuloy ang takot ko. "Ilang tao na ang naikulong niyo rito bago ako? Hobby ba ng anak mo ang dumukot ng mga babae para gawin niyang preso? At ano'ng ginawa niyo sa kanila?"
"You're the first."
Natahimik ako. Hindi ko alam kung pa'no mag-re-react do'n.
"For twenty years since my son has turned into a doll, he lived in solitude," pagpapatuloy naman ni Beatrice. "Ako at si Tonio lang ang nakakaalam ng sekreto niya kaya kami lang din ang madalas niyang nakakasalamuha sa bahay na 'to." Siguro, si 'Tonio' ang housekeeper na kamamatay lang nitong nakaraan. "Sa loob din ng napakahabang panahon na 'yon, ni hindi na siya lumabas ng mansiyon na 'to. Pero dahil hindi naman ako puwedeng manatili dito ng matagal, wala akong nagawa kundi ang iasa ang pangangalaga niya kay Tonio. Minsan sa isang buwan ko na lang siya nadadalaw, kaya alam ko kung gaano kalungkot ang anak ko na tanging ang housekeeper lang ang madalas niyang nakakasama."
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Bakit hinayaan mo si Levi kasama ng ibang tao? Hindi ba puwedeng ikaw na lang ang mag-alaga sa kanya since anak mo naman siya?"
"My life is in Australia now," malungkot na sagot ni Beatrice. "I...I remarried a few years ago. My new husband is a man with three young kids. They are between ages five to nine. Maliit pa sila kaya hindi ko sila maiwan ng matagal."
"Ouch," hindi napigilang komento ko. Bigla naman akong nakaramdam ng awa para kay Levi. Ayoko man, pero nahusgahan ko na agad si Beatrice bilang masamang ina. Mas pinili niya ang mga anak ng ibang tao kaysa sa sarili niyang laman at dugo.
Namula ang mukha ni Beatrice dala siguro ng pagkapahiya. "Levi wanted me to continue living a normal life," depensa niya sa sarili. "In-assure niya ko na walang problema sa kanya kung si Tonio lang ang magbabantay sa kanya dito sa mansiyon na 'to habang nasa Australia ako kasama ang bago kong pamilya. Wala rin naman akong choice dahil... dahil..."
"Dahil may sarili ka ring buhay," pagtatapos ko para kay Beatrice
For some reason, naiintindihan ko siya. Alam ko ang pakiramdam na ma-stuck sa isang responsibilidad na hindi ko man gustong gawin, pero kailangan pa rin dahil ako lang ang makakagawa no'n. Mahirap panindigan dahil may sarili rin akong buhay na gustong patakbuhin sa sarili kong paraan. So yeah, I finally understood her harsh choice and I actually sympathized with her.
Marahang tumango si Beatrice. "That's right. Pero dahil ako pa rin ang ina ni Levi, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kanya. Kaya nga pinipilit ko pa ring mabisita siya kahit minsan sa isang buwan lang. Nang mabalitaan ko ang nangyari kay Tonio nang i-email ako ng anak ko, nagmamadali akong umuwi dahil alam kong mahihirapan siyang mag-isa. Pero hindi ako puwedeng magtagal dito."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. May pakiramdam ako na hindi ko magugustuhan ang susunod na maririnig ko.
"Sunny, please," pagmamakaawa ni Beatrice. "Stay with my son."
"At bakit ko naman gagawin 'yon?" gulat na tanong ko.
"For twenty years, Levi never asked me for anything else aside from what he already has in this mansion," paliwanag ni Beatrice sa desperadong boses. "Pero no'ng isang gabi, no'ng pauwi na ko mula sa libing ni Tonio, tumawag siya sa'kin. Nakiusap siya sa'kin na huwag muna kong umuwi sa bahay dahil may bisita siya. Natatakot kasi siya na baka kapag dumating ako, umalis ka naman."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. 'Yon pala ang dahilan kung bakit hindi umuwi ang may-ari ng bahay no'ng unang gabing pumuslit siya sa loob ng mansiyon para sa challenge ni Jared.
"Ayaw pa rin sana akong pauwiin ni Levi dahil umaasa siyang babalik ka," pagpapatuloy ni Beatrice. "Naiwan mo raw kasi ang phone mo rito sa kuwarto niya. Naniniwala siyang babalikan mo 'yon at magkikita uli kayo."
Nalaglag ang panga ko. Kung gano'n, tama nga ang hinala ko. Kinagat ko nga ang trap!
Sinadya ni Levi na i-post ang picture na 'yon sa f*******: niya dahil gusto niyang malaman ko na nasa kaya ang phone ko. Kaya pala nang bumalik ako sa mansiyon, bukas ang mga pinto. Iniimbita niya kong pumasok sa loob. Ako naman 'tong tatanga-tanga na nagtuloy-tuloy pa rin.
Malakas ang pakiramdam ko na walang balak ang manika na 'yon na pakawalan pa ko.
Nangilid ang mga luha ko sa takot. Binigyan ko ng nagmamakaawang tingin si Beatrice. "Please help me get out of here, ma'am. Hindi ako puwedeng ma-stuck dito kasama si Levi. He's scaring me."
"He's desperate to keep you here, Sunny."
"At hahayaan mo siyang gawin 'yon?"
Bumakas ang guilt at awa sa mukha ni Beatrice. Pero taliwas sa emosyon na nakikita ko ang mga sinabi niya. "My son needs a friend, Sunny. For twenty long years, ngayon lang siya nag-asam ng isang bagay ng ganito katindi. Nang tawagan niya ko kanina at sabihin niya sa'kin ang nangyari, sinabihan din niya ko na magdala ng mga gamit para sa'yo. Kailangan ka niya rito, hija."
Mabilis akong umiling. Biglang nanikip ang dibdib ko. Heto na naman ako, natataranta habang iniisip ang mga puwedeng mangyari sa'kin sa mansiyon na 'yon. Lahat ng 'yon, hindi maganda. "Hindi niya ko puwedeng ikulong dito habambuhay!"
Itinaas ni Beatrice ang mga kamay na para bang pinapakalma siya. "Just for awhile, Sunny. Stay with my son for three weeks. Babalik ako pagkatapos ng isang buwan para isama siya sa Australia. Pero may mga kailangan pa kong asikasuhin kaya wala akong choice kundi iwan uli siya rito pansamantala. He needs someone to take care of him and the house now that Tonio is gone."
Mas naging matigas ang iling ko. "Hindi ko kayang mag-stay kasama ang isang manika ng gano'n katagal. Kahit ngayong gabi lang, hindi ko kakayanin!" Well, nagawa ko ng mag-stay kasama si Levi ng isang gabi. Pero iba na ang usapan ngayong alam ko nang buhay pala siya.
"He won't hurt you. Hindi nananakit ang anak ko."
"Muntik na niyang mapatay si Jared!"
"Who almost r***d you," paalala naman ni Beatrice sa'kin. Ah, mukhang full report ang natanggap niya mula kay Levi. "My son saved you. Kung may balak si Levi na saktan ka, hindi na niya sana ko tinawagan para gamutin ka."
Medyo kumalma ako. Tama si Beatrice. Kung hindi dahil kay Levi, siguradong nagahasa na ko ng walanghiyang si Jared. Pero hindi no'n tuluyang naalis ang takot ko sa gusto ng mag-ina na gawin ko. "Natatakot ako kay Levi. Para siyang psycothic, possessed doll sa mga horror films."
"Normal na tao ang anak ko noon," giit ni Beatrice.
"Exactly," katwiran ko naman. "Kung ako ang nasa kalagayan ni Levi, mababaliw din ako kung mula sa pagiging tao ay magiging manika ako. He's been almost alone in this house for twenty long years with barely human contact." Iminuwestra ko ang paligid ko para mas idiin ang punto ko. "His desperation to imprison me here might be a sign of him losing his mind."
"He's just lonely," pagtatanggol pa rin ni Beatrice kay Levi sa desperadong boses. "Sunny, all I'm asking is for you to keep him company for a month. Ipinapangako ko sa'yo na walang masamang mangyayari sa'yo at pakakawalan ka ni Levi ng walang ni isang gasgas pagbalik ko."
"Pero-"
"Babayaran kita ng isang milyon."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Isang milyon? Wow, malaking halaga 'yon.
"One million pesos for a few weeks with my son," pag-uulit ni Beatrice sa mas kampanteng boses. Napansin siguro niya na na-te-tempt ako sa inaalok niya. "He won't hurt you, Sunny. I promise that. Hindi siya gagawa ng kahit ano na ikinakatakot mo. Kailangan lang talaga niya ng isang kaibigan bago namin tuluyang iwan ang mansiyon na 'to pagkatapos ng isang buwan."
Marahang tinampal-tampal ko ang mga pisngi ko para gisingin ang sarili ko. Isang milyon 'yon, oo. Pero sigurado akong higit pa ro'n ang halaga ng buhay ko. Binigyan ko si Beatrice ng determinadong tingin. "My answer is still no, ma'am."
HINDI na naman ako makatulog.Pero seryoso, pa'no ko makakatulog sa sitwasyon na 'to?
Nakakulong ako at isang buhay na manika ang captor ko. Nakita ko kanina kung ga'no siya kalakas nang muntikan na niyang mapatay si Jared kaya sigurado akong hindi ko siya malalaban. Ang mas malala pa, si Beatrice na nag-iisa kong pag-asa para makatakas ako sa mansiyon na 'to, ay mas piniling kampihan ang anak niya. Kaya heto ako, bilanggo pa rin.
Humiga ako sa kama at tinitigan ang universe na nakapinta sa kisame. Sinusumpa ko talaga ang malawak na space na 'to na kahit kailan, hindi nakinig sa mga hiling ko. She once read in a book that if you wanted something really bad, the universe will conspire to help you. But it ignored her tonight. Again.
Salamat, universe. Ikaw ang pinakamalaking paasa sa lahat.
Kanina, habang naghahanap ako ng damit ay may nakita akong nightgown sa isang paperbag. Pero ayokong magmukhang komportable ako sa sitwasyon ko kaya 'yong T-shirt at maong na shorts ang sinuot ko. Kahit pa'no, nagpapasalamat ako na kumpleto ang toiletries na dinala ni Beatrice para sa'kin. May kasama pa 'yong mga bago at malilinis na underwear kaya nakaligo ako.
Kinailangan ko talagang maligo dahil gusto kong maalis sa katawan ko ang nakakadiring sensasyong pinaramdam sa'kin ni Jared kanina. Kiniskis ko ng mabuti ang bawat parte na nadilaan, nahawakan, at nahalikan niya. Hindi na siguro mawawala 'yon sa alaala ko, pero kahit paano, gumaang ang pakiramdam ko. Nagpapasalamat na lang ako na hindi natuloy ang masamang balak niya sa'kin.
Ayoko 'tong aminin, pero sa pagitan ni Jared at ni Levi, mas pipiliin ko ang huli. Hindi pa kasi ako tinatangkang hawakan ng buhay na manika. Sana lang, hindi niya 'yon maisip gawin.
Bigla akong napabangon nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Awtomatikong tinakpan ko ng comforter ang buong katawan ko mula leeg pababa. Sa totoo lang, naiisip ko pa rin na bigla na lang babalik si Jared at tatangkain uli niyang makuha ako. 'Yon ang pinakanakaka-trauma na nangyari sa'kin ngayon. Ah, napakahaba talaga ng gabing 'to. Sana matapos na 'to agad.
"It's me, Sunny," maingat na sabi ni Levi. Iba na naman ang suot niyang damit. Sa pagkakataong 'yon, royal blue silk pajamas ang outfit niya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya habang binibigyan siya ng masamang tingin.
"This is my room."
"Then find another one. Hangga't hindi mo ko pinapakawalan dito, akin lang ang kuwarto na 'to."
"I won't touch you. Don't be scared of me."
Hindi ko aaminin, pero nakahinga ako ng maluwag na si Levi ang dumating at hindi si Jared. But that didn't make my situation any better. I was still a captive of a possibly psychotic doll. "Kinulong mo ko rito. Paano akong hindi matatakot sa'yo?"
"I'm not Jared. I won't hurt you. I promise."
"You already have when you locked me up here."
Hindi nagkomento si Levi. Pero tahimik at dahan-dahan siyang naglakad palapit sa'kin. Talaga bang iniisip niya na papayag akong matulog kami ng magkatabi sa kamang 'yon?
Itinaas ko ang isa kong kamay. Epektibo naman 'yon para huminto si Levi sa paglalakad. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"I wanna rest beside you."
"Lumayo ka sa'kin," pagtataboy ko sa kanya sa iritadong boses. Pero hindi naman talaga siya ang source ng iritasyon at pagkataranta na nararamdaman ko ngayon. "Kahit manika ka, lalaki ka pa rin. Ayoko nang may kahit na sinong lalaki ang lalapit sa'kin."
Nakakalungkot mang aminin, pero na-trauma talaga ako sa ginawa ni Jared sa'kin. Kahit na hindi natuloy ang masama niyang balak, nag-iba na ang tingin ko sa mga lalaki. Alam kong hindi tama ang pag-ge-generealize, pero hindi nakikinig sa'kin ang katawan ko. I saw men as monsters now and just the thought of one of them coming near me already made my skin crawl.
Marahang tumango si Levi na para bang naiintindihan ang pinagmumulan ng panibago kong takot. Himbis na sa kama, sa may windowsill siya dumeretso at do'n siya umupo. Nagde-kuwatro at humalukipkip siya habang nakatingin sa'kin. "My mom said you turned down her offer."
"Baliw lang ang tatanggap sa offer ng mommy mo," mapait ko namang sabi. "At hindi pa ko nababaliw."
Well, siguro malapit pa lang. Sa dami ng mga nangyari sa'kin sa napakahabang gabi na 'yon, nakakapagtaka nga na nakakapag-isip pa ko ng deretso. Muntik na kong ma-r**e, nalaman kong buhay ang manika na napagkamalan ko pang s*x doll no'ng una, at kinulong niya ko rito sa kuwarto niya.
"Gusto mo bang gawin kong ten million pesos ang offer?" tanong ni Levi. Gaya ni Beatrice, may 'accent' din ang pag-ta-Tagalog niya pero malinaw namang naiintindihan.
Kinagat ko ang ibabang labi ko bago ako mawala sa sarili dahil sa offer na 'yon. Sampungmilyon na ang pinag-uusapan. Mababago ng halagang 'yon ang buhay ko at ng pamilya ko. Lalo na't pera ang talagang kailangang-kailangan namin ngayon.
"Kung gusto mong makasiguro na meron kaming gano'ng kalaking kahalaga ng pera, puwede kong ipakita sa'yo ang bank account ni Mommy," sabi ni Levi na iniisip siguro na pinagdududahan ko ang sinasabi niya. "At ibibigay talaga niya 'yon sa'yo kapag sinabi ko. That's my money anyway."
Lumunok ako bago nag-iwas ng tingin. Mahirap tanggihan ang offer na 'yon. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, hindi pa ko nababaliw. "Hindi pa rin ang sagot ko."
"Why?" parang nagtatakang tanong naman ni Levi.
Lumingon uli ako sa kanya para bigyan siya ng matalim na tingin. "Pa'no ko ma-e-enjoy ang ten million pesos na in-o-offer mo kung baliw na ko pagkatapos ng lahat ng 'to?" Inangat ko ang hinliliit ko sa kanang kamay ko habang nakasara naman ang ibang mga daliri ko. "Sing liit na lang ng kuko ng daliri kong 'to 'yong intact sanity ko. Kahit ako nga sa sarili ko, nagugulat na hindi pa ko na-sha-shock pagkatapos kitang makitang lumabas mula sa dingding kanina. Kung mag-i-stay pa ko rito, mababaliw na talaga ako."
"Isipin mo na lang na normal at totoo akong tao. I do look like one, don't I?"
"No, you don't," pagsisinungaling ko naman. Well, totoong mukha namang tao si Levi, pero wala akong balak i-encourage ang manika na 'to sa kahibangan niya. "Hindi ka kumukurap, 'yong ngipin mo halatang fake, at masyadong matigas at malamig ang katawan mo."
"Fine. I'm a doll, yes. But I'm far more decent than that Jared guy. I won't hurt you, Sunny."
"Paano ako magtitiwala sa manika na minanipula ako para pumunta rito at pagkatapos, kinulong ako sa kuwartong 'to? Ano ba'ng gusto mo sa'kin at ayaw mo na kong pakawalan?"
"I just want someone to talk to."
"Sana hiningi mo na lang ang phone number ko."
"Ibibigay mo ba kung 'yon ang ginawa ko?"
Hindi ako nakasagot. Siyempre, hindi ko gagawin 'yon. O puwede ring ibigay ko nga, pero hindi ko sasagutin ang tawag niya kahit kailan. Pagkatapos, mag-e-empake na ko at babalik ng Maynila.
"Kung hindi kita kinulong sa kuwartong 'to, siguradong kanina ka pa kumaripas ng takbo. Baka dumating na rin ang taumbayan dito para sunugin ang mansiyon ko. That's exactly what you have done if I didn't lock you up, right?"
Hindi ako sumagot dahil sigurado akong alam na ni Levi na tama ang hinala niya. "Kung ang pinag-aalala mo ay ang pagkalat ng sekreto mo, huwag kang mag-alala. Hindi ko sasabihin sa kahit sino na may buhay na manika sa bahay na 'to. Isasama ko hanggang hukay ang nalaman ko." Tinaas pa niya ang kanang kamay niya na parang nanunumpa. "Promise. Basta ba pakawalan mo lang ako."
Marahang umiling si Levi. Blangko ang mukha niya noon pa man, pero para bang mas lalo siyang naging malamig ngayon. "I need you here, Sunny. Hindi mo ba ko kayang pagbigyan kahit isang buwan lang naman ang hinihiling ko sa'yo?"
Hindi dahil siguradong mababaliw ako sa isang buwan na 'yon. Ngayon ay pinagsisisihan ko nang naghanap pa ko ng delikadong gawain para lang ma-distract ang sarili ko. Kung maibabalik ko lang ang oras, mas gugustuhin ko nang mabaliw kakaisip sa mga taong galit sa'kin kaysa mabaliw dahil sa isang buhay na manika na gusto akong ikulong sa kuwarto niya.
"Sunny, tell me what I need to do to prove to you that I'm a good guy?" parang desperado namang tanong ni Levi.
"Pakawalan mo na ko, at maniniwala na kong mabait ka nga," pakiusap ko sa basag na boses.
"Anything except that."
Matigas akong umiling. "Pakawalan mo ko. 'Yon lang ang magagawa mo para maniwala akong wala kang masamang balak sa'kin." Hindi ko na napigilan ang biglaang pagsabog ng emosyon ko. Sa sobrang dami siguro ng iniisip ko, hindi ko na napansin na kanina pa pala gustong pumatak ng mga luha ko. Kaya ngayon, walang permiso silang gumugulong sa magkabila kong pisngi na may bonus pang mga hikbi. "Please let me go, Levi. Please."
Nanatiling blangko ang mukha ni Levi. Pagkatapos, tumayo na siya at nagsimulang maglakad palabas ng kuwarto. Hindi na siya lumingon uli sa'kin. "Goodnight, Sunny."