RAMDAM ko ang pagkulo ng dugo ko. Well, hindi sa literal na paraan. Pero sobrang init ng mukha ko ng mga sandaling 'yon dahil sa galit. Nanginginig ang buong katawan ko habang nakaupo ako sa kama. May nakapatong na unan sa mga hita ko kung saan naman nakapatong ang laptop. Salamat sa posisyon ko na 'to, hindi pa ko nagtatatalon habang sumisigaw para lang mawala ang sama ng loob ko.
Kung kaya ko lang palitan agad-agad ang laptop ko, baka kanina ko pa sinuntok ang monitor niyon habang in-i-imagine na ang pagmumukha ni Felix Hernandez ang binabasag ko. Bakit? Grabe magsalita ang lalaking 'yon. Kala mo kung sinong anak ng Diyos!
Oo, nag-reply uli ang mokong sa sinagot ko sa comment niya kahapon.
Felix Hernandez: i don't really care about your obnoxious bark, you uncivilized dog. i don't give a f**k if you think Hani's a b***h or a backstabber. i know my cousin and that's enough of a reason for me to stand up for her. and my point is simple: you are calling someone a b***h on f*******: all the while acting like that in itself is not a b***h move. (if you get my point, which i assume you don't). and for the record, i saw this on my newsfeed and left you a comment not because i felt the need to defend Hani. i know our little princess is capable of protecting herself from the likes of you. i did it just for the satisfaction of showing everybody what kind of stupid a*s personality you got there. no person in their right mind would get back at a person on f*******:. that's called cowardice. look it up in a dictionary, if you know how to use one. this will be my last comment on this issue because i feel like i'm wasting my precious intellect. it's like explaining rocket science to a doll. pointless.
PS: i seldom post on f*******:. and I rarely comment. but when i do, i always make sure i make a statement. consider yourself lucky, b***h. i wasted my expensive time on something as trivial as your worthless tirade.
Like. Reply.4 hours ago
Masusungkit ko na siguro ang world record sa pinakamaraming na-i-type sa loob ng isang minuto sa bilis ng galaw ng mga daliri ko habang sinasagot ang mga pang-iinsulto ni Felix. Pero nang pindutin ko na ang 'enter' button ay biglang nawala ang lahat ng sinulat ko dahil sa bagal ng internet connection.
Napaungol ako sa sobrang inis. Hindi ako makakapayag na wala akong maisagot sa hinayupak na lalaking 'to!
Wala naman talaga akong balak na magbukas ng f*******:. Simula nang i-post ko ''yon' sa timeline ni Hani, pinutakte na ko ng mga fans at kaibigan niya. Ngayon naman, pati ng mga family member niya. Kahit naman gaano katigas ang mukha ko, may damdamin pa rin ako. Masakit din ang mga sinasabi nila tungkol sa'kin. Pero ako naman ang may gawa nito sa sarili ko kaya nga ako na ang umiiwas na mabasa ang mga 'love letters' nila sa inbox ko.
Nagbukas lang naman ako ng f*******: ngayon dahil may kukunin sana akong document sa inbox ko na sinend sa'kin ng kaklase ko. Hindi ko naiwasang makita ang naging sagot ni Felix sa binigyan kong comment sa isa pa niyang komento sa post ko.
That guy was getting on my nerves.
"Sunny?"
Nalingunan ko si Vince na parang nag-aalangan pang pumasok sa kuwarto kahit kanya naman 'yon. Habang nag-i-stay ako sa bahay nila, ako ang gumagamit ng kama niya. Samantalang ang pinsan ko naman, naglalatag ng foam sa sahig kapag matutulog na kami.
Malaki ang bahay nila dahil mas may-kaya sila kaysa sa pamilya ko. Masagana ang buhay nila rito sa probinsiya dahil sa pag-aaring vegetable farm at fishing pond nina Tita Viel at Tito Celio. Kaya nga sa Manila rin nakapag-aral si Vince ng college at sobrang spoiled pa. Pero dahil close nga kami ng pinsan ko, nagdesisyon kaming mag-share na lang ng kuwarto niya.
"Bakit, Vince?" medyo iritadong tanong ko naman. Hindi ko naman sinasadyang magtunog-iritable. Pero 'yon ang nararamdaman ko kaya hindi ko mapigilan.
Tuluyan nang pumasok si Vince kuwarto. Pagkatapos ay umupo siya sa kama, sa tabi ko. "Malapit ng maluto ang dinner. Gusto mo bang silipin kung ano ang ulam natin ngayon?"
Umiling ako. Humarap uli ako sa laptop at sinubukang mag-type. Pero nakakailang letra pa lang ako, tinawag na uli ako ni Vince. Binigyan ko siya ng iritadong tingin. "Ano ba 'yon?"
"Huwag mo nang sagutin si Felix," parang nag-aalangan pa na sabi ni Vince sa malamya niyang boses. "Mas lalo lang lalaki ang gusot niyo ni Hani kung pati family members niya, makakabangga mo."
Hindi ako sumagot. Close kami ni Vince kaya ayokong kami naman ang mag-away. Kaya sana, tumigil na rin siya sa pagsesermon dahil malapit nang maubos ang pasensiya ko. Lalo na't hindi pa ko nakaka-get over sa mga pinagsasasabi ni Felix sa'kin.
Pero nagpatuloy pa rin si Vince. Nakakainis ang kalmado niyang boses na para bang sinasabi sa'kin na tama siya at dapat akong makinig sa kanya. "Nabasa ko ang sagutan niyo ni Felix sa f*******:. It's getting uglier, Sunny. Ihinto mo na 'yan, please. Bago naman kayo nagkagalit ni Hani, naging malapit ka rin naman sa family niya. Hindi magiging okay kung makakarating 'yan kay Tita Carolina."
Si Tita Carolina ang mommy ni Hani na naging sobrang bait sa'kin. Alam ko 'yon. Aware na aware ako sa mga nawawala sa'kin dahil sa mga ginagawa ko ngayon. Pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I have reached the point of no return. I was self-destructing, yes.
"It's none of your business, Vince," iritadong sabi ko kay Vince. Wala na talaga akong kontrol sa sarili ko. Kahit nirerendahan ko ang emosyon at bibig ko, mas nangingibabaw pa rin ang galit ko na hindi ko alam eksakto kung saan nanggagaling. "Bakit hindi ka na lang makipag-meet sa boyfriend mo at gumawa kayo ng bagong scandal? Magpahuli na rin uli kayo kay Jared para naman may exciting na mission na naman akong gawin para iligtas ka mula sa kahihiyan."
Dumaan ang sakit sa mga mata ni Vince. Okay, fine. Inaamin ko namang sumobra ako sa mga nasabi ko. Pero mahirap nang bawiin ang mga salitang nabitawan na. Hindi na rin 'yon mabubura ng kahit ilan pang 'sorry.' Kaya tumahimik na lang ako. Nagpanggap na bale-wala sa'kin kung makasakit man ako. Nasasaktan din naman ako, kaya ano namang masama kung ako naman ang manakit ngayon?
"Fine. I'll leave you alone," halos pabulong na sabi ni Vince. Halatang nagtatampo siya. "Tatawagin na lang uli kita kapag ready na ang dinner."
Nakahinga lang ako nang sumara na ang pinto at mag-isa na uli ako sa kuwarto. Hindi ko gustong saktan si Vince. Pero paano ko poprotektahan ang feelings ng iba kung sarili ko ngang damdamin, hindi ko maprotektahan mula sa mga nananakit sa'kin?
Nitong nakaraan, bumaba talaga ng husto ang tolerance level ko. Mabilis ding uminit ang ulo ko. Nag-la-lash out ako sa kahit sino. Kahit nga sa mga magulang ko. Kung minsan, naiisip ko ring maging bayolente. Naghahagis ako ng kung anu-ano kapag sobrang frustrated ko.
Hindi ko na talaga mapigilan ang pag-self destruct ko.
I-sha-shut down ko na sana ang laptop ko, nang mag-refresh ang newsfeed ko. Nagulat ako nang makita kong nag-upload ng picture si Sunny Esguerravia mobile.
Yep, that was me. But I wasn't holding my phone. Come to think of it, where was it?
Nanlaki ang mga mata ko habang tinititigan ng mabuti ang picture na na-upload. Medyo madilim 'yon kaya wala akong naaninag no'ng una. Pero habang tumatagal, may nakikita na kong mga imahe.
Dark sky with bright little stars.
Oh, s**t.
Kinilabutan ako. Kitang-kita 'yon sa pananayo ng maninipis na balahibo sa mga braso ko. Sigurado ako na kung nakatayo ako, bumigay na ang mga tuhod ko. Nanginig uli ang katawan ko pero hindi na dahil sa galit– sa takot na.
Kung hindi pa ko kinapos ng hininga, hindi ko maaalalang kailangan kong bumuga ng hangin kung gusto ko pang mabuhay. Nanlalamig ang mga kamay ko at naninigas ang mga 'yon kaya sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko habang kinakalma ko ang sarili ko. Walang mangyayari kung mag-pa-panic ako.
Okay. So 'yong view na nasa picture, 'yon 'yong painting sa kisame sa 'House of Dolls.'
Ibig sabihin, naiwan ko sa malaking bahay na 'yon ang phone ko. Come to think of it, naaalala ko ngang binaba ko 'yon sa night table pagkatapos kong i-off 'yon. Wow. So, may nagbukas niyon, kumuha ng picture, at in-upload sa f*******: ko na naka-log in at naka-unlisurf.
Ewan ko ba, pero unang pumasok sa isipan ko ang imahen ng guwapong manika.
"Huwag ka ngang magpatawa, Sunny," saway ko sa sarili ko, pabulong. "Paano naman makakapag-f*******: ang isang manika? Hindi nga siya buhay, okay?"
Marami namang ibang posibleng paliwanag.
Baka dumating na 'yong may-ari ng malaking bahay. Nakita niya siguro ang phone ko at para siguro ipaalam nasa kanya ang gadget ko, nag-post siya ng picture sa sss ko. Bakit niya ginawa 'yon? Well, baka gusto niya kong takutin bilang 'ganti' sa pagpasok ko sa mansiyon niya ng walang paalam.
Para saan pa ang malawak kong imahinasyon bilang writer kung hindi ko 'yon magagamit para bigyan ng logical na paliwanag ang 'kababalaghan' na 'to?
Okay. Kalmado na ko. Ngayon, kailangan ko na lang isipin kung ano ang gagawin ko.
I KNEW I was being reckless. I wasn't like this before. Sunny Esguerra used to be a safe girl.
Pero ngayon, heto ako. Hindi ako nagpaalam sa kahit sino at tumakas ako ng bahay ng alas-diyes ng gabi. At nag-iisa. Wow, ang tapang ko, 'no? Naglalakad ako papunta sa mansiyon. Nakasuot ako ng hoodie, pants, at sneakers na parang rebelde ako na naglayas sa'min at natatakot makilala ng ibang tao.
Kailangankong makarating sa House of Dolls agad-agadng walang nakakakita sa'kin. Sigurado kasing may pipigil sa'kin 'pag nagkataon. Kahit alam kong delikado ang ginagawa ko, ayoko pa ring huminto. May malakas na puwersang humihila sa'kin papunta sa malaking mansiyon.
Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na ginagawa ko 'to para makuha ang phone ko. May unfinished novel ako na naka-save do'n at walang back-up copy, kaya kailangan ko 'yong mabawi. Saka kung totoong 'yong may-ari nga ang may hawak ng gadget ko, gusto kong mag-apologize sa ginawa kong pagpasok sa bahay niya habang wala siya. Mahirap na dahil puwede na kong makasuhan at makulong sa edad ko.
It was hard to admit, but I was doing something as dangerous as this because I wanted to engage myself in anescapist behavior.
Hindi ako makapag-concentrate sa kahit ano dahil sa masasakit na mga insultong binato sa'kin ni Felix. Umabot ng mahigit isang daang 'likes' ang comment niyang 'yon. Gano'n karaming tao ang sumang-ayon sa kanya at nag-iisip na napakasama ko ngang tao. Na isa akong b***h na walang manners at hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras. Gano'n ba ko ka-trivial at ka-worthless sa mata ng marami?
Alam kong hindi ako makakatulog mamaya at siguradong mababaliw lang ako sa pag-iisip kung ano na ang tingin sa'kin ngayon ng mga taong nakakakilala sa'kin, kaya heto ako. Dini-distract ko ang sarili ko sa pamamagitan ng paggawa ng isang mapanganib na bagay.
"Hey, Sunny!"
Just my luck.
Nagdalawang-isip ako kung tutuloy pa ba ko sa plano ko o hindi na nang makita ko si Jared kasama sina Minion 1 at Minion 2 na nakatambay sa bakuran ng malaking mansiyon. Bukas ang gate, at nasa loob ang mga lalaking 'to habang may ginagawang kababalaghan sa espasyo sa likod ng pulang truck. Pamilyar sa'kin ang hawak na foil at 'sigarilyo' ng grupo.
God, they were stoned.
Hindi na ko nagtataka kung bakit sa lugar na kinatatakutan napili ng grupo ni Jared 'magtago.' Perfect spot 'yon para magpakalulong sa drugs dahil walang nagtatangkang pumunta ro'n. Lalo na kung malalim na ang gabi. Dahil sa kanila, confirmed na nga kung gaanoka-delikado ang adventure ko ngayon.
Thanks, guys.
Mula sa cargo space sa likod ng pick-up truck ay tumalon si Jared at naglakad palapit sa'kin. Kung hindi lang dahil sa namumula niyang mga mata, iisipin kong normal lang siya dahil hayun pa rin ang pamilyar na mayabang niyang ngisi. "Hey, babe. Missed me?" Ibinuka pa niya ang mga braso niya. As if naman sasalubingin ko siya ng yakap. "Come here."
Nilagpasan ko lang si Jared at nagawa ko pang iwasan ang unwanted embrace niya. Madali ko 'yong nagawa dahil maliit ako, magaang ang katawan, at maliksing kumilos. "Go home, Jared. You're stoned."
Narinig kong tumawa si Jared. Sa pagkadismaya ko, sinundan pa rin niya ko. "I'm not that stoned, babe. I can still have fun with you. We can have plenty of enjoyment tonight, just the two of us."
"Uhm, no, thanks," walang gana kong sagot habang mas binibilisan ang paglalakad.
May sinabi pa si Jared. Pinaalis yata niya ang mga kaibigan niya, pero hindi ko na siya pinansin dahil naka-focus na ko sa main door. Nagulat ako nang pagpihit ko, bumukas 'yon. Seryoso bang hindi nagla-lock ng mga pinto ang house owner? Dahil ba wala nang housekeeper kaya napapabayaan na 'yon?
O baka naman gaya ng mga sa horror movies, imbitasyon nga 'yon para sa isang karumal-dumal at kahindik-hindik na gabi.At kinagat ko naman ang trap.
Great.
"Woah, Sunny. Papasok ka na naman sa bahay na 'yan?"
Nilingon ko si Jared. Ilang metro rin ang layo niya sa'kin. Nakatingala siya sa malaking bahay, bakas sa mukha ang takot. Good, at least hindi na ko mahihirapang paalisin siya. "I forgot my phone inside. Kukunin ko lang 'yon," paliwanag ko. Ayoko namang mapagkamalang magnanakaw ng isang d**g addict.
"Are you sure?" halatang natatakot na tanong ni Jared. "You can do it alone, can't you?"
Ipinaikot ko lang ang mga mata ko. Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto at walang lingon-likod na pumasok na ko sa loob ng bahay.
"I'll wait for you here!" sigaw naman ni Jared bago tuluyang sumara ang pinto.
Whatever.
Madilim ang buong bahay gaya ng inaasahan ko. Kaya nga nagdala na ko ng flashlight sa pagkakataong 'yon. Pero dahil maliit lang ang baon ko, 'yong dinadaanan ko lang ang naiilawan. Mas mabuti na 'yon kaysa wala.
Habang paakyat ako ng hagdan, sinubukan kong huwag lumingon sa paligid. Deretso lang ang tingin ko para masigurong hindi ako masisindak ng mga nakakatakot na manika at hindi masyadong magagandang painting na nakasabit sa mga dingding. Sa sobrang konsentrasyon ko, wala na kong halos marinig kundi ang malakas at mabilis na t***k ng puso ko na lang.
Lakad-takbo ang ginawa ko sa mahabang pasilyo. Ako lang ba o mas malamig ngayon ang hangin sa loob ng mansiyon kaysa no'ng unang gabi akong pumasok dito?
Bago pa magbago ang isip ko tungkol sa pinaggagagawa ko, narating ko na ang dulo ng pasilyo. Nakaharap uli ako sa double-doors na gawa sa mahogany. Humugot ako ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili ko. Ginusto ko, 'di ba? Kailangan ko 'tong panindigan.
Pinihit ko ang seradura. Hindi ko alam kung ako lang ba, o parang mas lalong tumahimik ang buong bahay. Pakiramdam ko pa nga, biglang nagkaro'n ng buhay ang mga dingding at pinapakiramdaman niyon ang bawat galaw ko. At ang sahig na kinatatayuan ko? Parang biglang nagkaro'n ng 'puso' at tumitibok 'yon ngayon. O posible ring nanginginig lang ang mga tuhod ko kaya akala ko, gumagalaw ang aspalto kahit na ang totoo, nasa verge lang siguro ako ng pagkahimatay.
Nananayo ang mga balahibo ko at hindi ko maalis ang sensasyon na para bang may nagbabantay sa'kin at sinusundan ang mga kilos ko.Pagbukas ng pinto, patakbo akong pumasok sa loob. Daig ko pa ang runner sa bilis at liksi ko. Pero kita ko naman sa gilid ng mga mata ko na walang tao sa kuwarto.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa night table. Masuwerte ako na nando'n ang phone ko. Pagdampot ko pa lang ng gadget, narinig at naramdaman ko na ang pagbukas ng pinto.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Ayokong isipin, pero natataranta na ko. Come to think of it, bukod sa walang 'tao' sa loob ng kuwarto, wala rin ang guwapong manika sa kama.
Nakarinig ako ng mga yabag, papalapit sa'kin.
Napalunok ako. Pasimple kong binulsa ang phone ko. Sinara ko rin ang mga kamay ko. Isang malakas na siko kung sakaling magtangka siyang atakihin ako mula sa likuran. Pagkatapos, tatakbo na ko.
"Sunny."
Napasinghap ako nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Unti-unti kong pinakawalan ang pinigil kong hininga. Nakakapanghina ang relief na naramdaman ko. Pumihit ako paharap at sumalubong sa'kin si Jared na nililibot ng tingin ang buong kuwarto. Sinimangutan ko siya. "Bakit mo ko sinundan?"
Sa sobrang konsentrasyon ko siguro kanina, hindi ko namalayan o naramdaman na sumunod pala sa'kin si Jared. Sa sobrang takot na nakita ko sa mukha niya bago ako pumasok sa bahay, akala ko hindi siya maglalakas-loob na sundan ako.
Pumito si Jared bago dumako ang tingin niya sa'kin. Ngumisi siya. "Nainip na kasi ako kakahintay sa'yo, babe. Saka naisip ko na kung nakabalik ka rito for the second time, it only means the rumors aren't true. Walang multo sa bahay na 'to kaya wala akong dapat ikatakot."
Ipinaikot ko lang ang mga mata ko. Sinubukan kong lagpasan si Jared, pero hinawakan niya ko sa braso. Mahigpit ang pagkakahawak niya. Kumunot ang noo ko. "Ano ba?"
Pinasadahan ako ni Jared ng malaswang tingin mula ulo hanggang paa, at napako ang mga mata niya sa dibdib ko. Dinilaan niya ang ibabang labi niya. "I can totally have fun with that."
Kinilabutan uli ako, pero hindi na dahil sa kung anong hindi nakikitang elemento. May porma na ang takot ko ngayon– si Jared at ang masamang balak niya sa'kin. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero nang hindi niya pinakawalan, sinipa ko siya sa pagitan ng mga hita niya.
Sumigaw si Jared ng malakas, halatang nasaktan. Nang bitawan niya ko, tumakbo agad ako.
Pero hindi pa ko nakakalayo, nahila na ni Jared ang buhok ko. Pinaulanan niya ko ng mga mura habang sumisigaw naman ako na pakawalan niya ko. At sa totoo lang, masakit na ang anit ko.
"b***h!" sigaw ni Jared, pagkatapos ay hinawakan niya ko sa braso at hinagis ng malakas.
Lumipad ang katawan ko.
Pakiramdam ko ay umikot ang mundo ko nang tumama ang noo ko sa gilid ng mesa. Kasunod niyon ay naramdaman ko ang paglabas ng malagit na likido mula sa bumukas na sugat sa balat ko. Sa sobrang panghihina ko, natagpuan ko na lang ang sarili kong nakahiga na sa malamig na sahig.
Pinilit kong bumangon dahil alam kong malaking disadvantage kung mananatili akong nakahiga, pero muling lumapat ang likod ko sa sahig nang kumubabaw sa'kin si Jared. Ah, hindi. Mas tama yatang sabihing dinaganan niya ko. He straddled my hips and pinned me to the bed, holding my hands together above my head.
"Get off me!" galit na galit na sigaw ko habang sinusubukan kong sumipa. Pero inupuan ni Jared ang mga hita ko at sinadyang mas pabigatin ang katawan niya. Tuluyan na kong nag-panic. "Jared! Ano ba?!"
Here was the thing: Jared was huge and strong.
Kahit anong galaw ko para makawala mula sa pagkakahawak niya sa'kin, hindi siya natinag. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa mga kamay ko kaya hindi ko siya makalmot o masapak para protektahan ang sarili ko. Mas lalo na kong walang nagawa nang isubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.
Napasigaw ako sa sobrang pandidiri nang maramdaman ko ang basa niyang dila sa balat ko. 'Yong isa niyang kamay, lumusot na sa ilalim ng sweater na suot ko hanggang sa pinipisil-pisil na niya ang dibdib ko. I felt so helpless and weak and I wasn't able to stop myself from crying.
"Jared, stop!" pakiusap ko sa basag na boses. Ayokong magmakaawa sa kanya, pero 'yon na lang ang magawa ko ngayon. Ang umasang matatauhan si Jared sa pag-iyak ko. "Huwag mo 'tong gawin. Please..."
Pero walang nangyari sa pag-iyak at pagmamakaawa ko. Nagpatuloy pa rin si Jared sa kamanyakan at kababuyang ginagawa niya sa'kin. Sumasakit na rin ang mga pupulsuhan ko sa higpit ng pagkakahawak niya sa mga 'yon. Napaka-hayup talaga ng lalaking 'to!
Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha at nawawalan na rin ako ng lakas lumaban. Dahil sa sugat na natamo ko mula sa pagtama ng ulo ko sa gilid ng mesa, nakakaramdam na ko ng antok at pagod. Akala ko talaga mawawalan na ko ng malay at hindi na ko makakatakas sa impiyernong pinaparanas sa'kin ni Jared ngayon. Pero may himalang nangyari.
Narinig ko ang ingay na 'yon. 'Yong para bang may nagbubukas ng isang lumang pinto. Pero hindi pintuan ang bumukas kundi ang dingding sa ulunan ng kama. Parang secret door.
And then he came out of the wall.
WHEN I said 'he,' I meant the handsome doll.
Pero sa kalagayan ko ngayon, hindi ko na rin mapagkatiwalaan ang sarili ko. Duguan ako, nasa isang traumatizing situation, at wala akong ibang nararamdaman maliban sa matinding sakit sa buong katawan.
Hindi ko alam kung nasa tamang huwisyo pa ba ko o imahinasyon ko na lang ang nakikita kong paglabas ng guwapong manika mula sa dingding. Sa pagkakataong 'yon, puting long-sleeved shirt naman ang suot niya, maong na pantalon, at ankle boots.
Naglalakad siya na parang normal na tao. Kung kukurap lang sana siya o gagalaw ang dibdib, baka pumasa pa siyang buhay. Pero hindi. Kumikilos siya, oo. Kaya lang, mahahalata pa ring manika lang siya dahil fixed ang mukha niya at hindi rin siya humihinga.
Sa pagkagulat ko, hinila ng guwapong manika si Jared sa kuwelyo. Sa laki ng demonyong lalaki, nakakagulat na madali lang para sa wax figure na iangat siya sa ere dahilan para masakal siya dahil bigla siyang napahawak sa leeg niya.
Mabilis naman akong gumapang palayo hanggang sa dumikit ang likod ko sa malamig at matigas na dingding. Niyakap ko ang sarili ko para makontrol ko ang panginginig ng katawan ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa blangkong mukha ng guwapong manika na bitbit pa rin si Jared na para bang sing gaan lang ng papel ang walanghiya.
"What... the..." hirap na pagsasalita ni Jared habang nakahawak sa leeg niya na nasasakal na sa suot niyang collar. Nang lingunin ng lalaki ang 'umatake' sa kanya, para bang biglang nawala ang tama niya. Sumigaw siy– sigaw na puno ng takot. "D-Doll! T-the d-d-doll i-is f-f*****g p-possessed!"
Hinagis ng guwapong manika si Jared sa dingding. Pero bago pa makatakas ang d**g addict, sinakal na siya ng gumagalaw na binatang mala-wax figure ang anyo gamit ang isang kamay.
Then much to my horror, the handsome doll started to throw heavy and solid punches at Jared's face until he was bleeding and begging for mercy.
Gusto kong maawa kay Jared dahil duguan na siya at halos hindi na makilala ang mukha. Pero no'ng ako ang nagmamakaawa at umiiyak sa kanya kanina, ni hindi niya ko pinakinggan. Masama mang aminin, pero masaya akong makita siyang nasasaktan ngayon ng higit pa sa walang-awang pag-atake niya sa'kin.
Lumaylay na ang mga braso ni Jared sa magkabilang-gilid niya na kanina ay nakahawak pa sa pupulsuhan ng guwapong manika na konektado naman sa kamay na sumasakal sa kanya. Mukhang nawalan ng malay ang d**g addict. O baka naman...
"Stop!" sigaw ko sa guwapong manika. Kahit ako ay nagulat sa nahimagan kong pinaghalong takot at desperasyon sa boses ko.
To my amazement, the doll did stop his punch mid-air.
Napalunok ako sa takot. Hindi gumagalaw ang guwapong manika na para bang naghihintay ng susunod kong iuutos. Sinubukan ko ang suwerte ko. "B-bitawan mo siya. A-ayokong maka-witness ng m-murder sa mismong harapan ko. P-please."
Binitawan ng guwapong manika ang leeg ni Jared na mabilis bumagsak sa sahig, duguan at walang malay. Pero tumataas-baba pa naman ang dibdib niya, palatandaan na humihinga pa siya.
Wala na kong oras para intindihin kung buhay pa o hindi ang ibang tao dahil dahan-dahang pumihit ang guwapong manika paharap sa'kin. Sinubukan kong mas sumiksik pa sa dingding, umaasa na secret door din 'yon at dadalhin ako sa ibang kuwarto. Kahit saan, malayo lang ako sa possessed doll na 'to.
Pero siyempre, hindi na naman ako pinakinggan ng universe.
Nanatili akong nakaupo sa sahig at yakap ang sarili, nanginginig ang buong katawan sa takot habang ang buhay na manika naman, nakatayo na sa harap ko. Dahan-dahan siyang tumalungko hanggang sa magpantay na ang eye level namin. Titig na titig sa mukha ko ang asul niyang mga mata na walang buhay, magkadikit pa rin ang mga labi niya gaya no'ng unang beses ko siyang nakita, at hindi pa rin siya kumukurap o humihinga. Pero buhay na buhay ang paggalaw niya kanina.
"Hi, Sunny," masiglang bati sa'kin ng buhay na manika sa malalim at malamig na boses. Bumuka ang bibig niya sa unang pagkakataon at nakita ko ang peke pero kumpleto at mapuputing ngipin niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at mas pinatinding takot. Pakiramdam ko, lalabas na ang puso ko sa dibdib ko at mawawalan na ko ng ulirat. Nagsasalita siya. At tinawag niya ko sa pangalan ko! Gusto ko sanang magmakaawa sa kanya na huwag niya kong sasaktan, pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Sa halip, nanginig lang ang mga labi ko. Mga hikbi ko ba ang naririnig ko ngayon?
The handsome doll c****d his head at one side. "Would you like to stay here with me... forever?"