NAPAATRAS ako pagkatapos kong makaramdam na parang nakuryente ang mga labi ko nang dumikit ang mga 'yon sa malalamig na mga labi ng guwapong manika. Oh, s**t.
Ano'ng nangyari? Bakit may kuryente? Saan galing 'yon?
Tumayo ako, dahan-dahan na para bang natatakot akong gumawa ng ingay. Unti-unti rin akong naglakad paatras, hindi inaalis ang mga mata ko sa guwapong manika. Sa totoo lang, biglang lumakas at bumilis ang t***k ng puso ko. Okay, it was official. Kinakabahan na ko.
No'n ko lang din napansin na mainit pala sa kuwarto dahil nakasara ang mga bintana at pinto. Hindi rin nakabukas ang aircon o ang malaking ceiling fan. Pero ang pawis na namuo sa noo ko, malamig at malapot. Ayokong aminin 'to, pero natatakot na talaga ako ngayon.
'Yong guwapong manika, parang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Kanina, para siyang nakasimangot at galit sa mundo. Pero ngayon, nag-iba na. Magkadikit pa rin naman ang mga labi niya, pero parang mas maaliwalas na siyang tingnan. Hindi ko ma-pinpoint kung ano ang eksaktong nagbago.
One thing was for sure: the handsome doll looked more lifelike now.
Inuutusan ng utak ko ang mga paa ko na tumakbo na habang sumisigaw, pero hindi ko magawa. Para akong tinubuan ng mga ugat kaya bigla akong hindi makagalaw. Wala na rin akong ibang naririnig kundi ang malakas na t***k ng puso ko na malapit na yatang lumabas ng dibdib ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding takot at kaba.
Okay, kailangan kong kumalma. Sa mga horror films, namamatay agad 'yong mga taong natataranta at hindi alerto. Kaunting takbo lang naman, makakalabas agad ako.
But what the hell?
Hindi naman 'to horror film. Ako na nga mismo ang nagsabing 2012 na kaya hindi na uso 'yang mga possessed dolls na 'yan. Sa mga movies at books lang nangyayari ang mga gano'n. Nakakahiya naman kung lalabas ako ng mansiyon na sumisigaw sa takot. Baka mamaya, nand'yan pa sina Jared at Vince. Ang tapang-tapang ko pa naman kanina. Busog pa ko kaya ayokong lunukin ang pride ko.
Saka kung buhay 'tong manika na 'to, dapat kanina pa niya ko pinatay.
Pero well, posible rin naman na baka hinihintay niya lang tuluyang lumubog ang araw bago niya gawin ang masama niyang balak...
Nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ng pantalon ko.
Pinakawalan ko ang hininga ko na hindi ko namalayang pinipigil ko pala.
Dinukot ko ang phone ko mula sa bulsa at tiningnan kung text ba ang pumasok. Ah, f*******: notification pala 'yon. May nag-comment sa p-i-n-ost ko sa timeline ni Hani. Nang mabasa ko pa lang ang mahabang komento, kumunot agad ang noo ko.
Felix Hernandez: low class act, you say? heh, what do you call this act you just showed, Miss Sunny Esguerra? high class? morally sound? oh, goodie. stop pretending to be something you're not because obviously, you are as cheap as your choice of words. uneducated and without a doubt, lacking in manners.
Like. Reply.Just now
Tuluyan ko nang nakalimutan ang lahat ng takot ko nang mabasa ko ang komento na 'yon ni Felix Hernandez. Kung tama ang pagkakaalala ko, siya 'yong pinsan ni Hani na sa Los Angeles nag-aaral. Obviously, nabasa ng pakialamero na 'to ang p-i-n-ost ko sa timeline ng ex-best friend ko.
Nanginig ang mga kalamnan ko sa galit. Pero sa kasamaang palad, parang huminto rin sa pag-function ang utak ko kaya wala akong maisip na smart comeback para sagutin ang comment na 'yon ni Felix.
Sa sobrang frustration ko, napaupo na lang uli ako sa kama. Hindi pa man din ako nakakabawi, nag-vibrate na naman ang phone ko. May nag-comment uli sa post ko sa timeline ni Hani.
Blue Ray Smith: spot on, Felix! too bad i was asleep when this happened 'coz if the both of us were awake at the time, man, i swear this girl would burn so much.
Like. Reply. Just now
Si Blue Ray Smith, or commonly referred to as 'Smith,' ay ang boyfriend naman ni Hani. Well, magkaibigan kami dati. Pero simula nang nag-away kami ng girlfriend niya, naging malamig na siya sa'kin. Not that it mattered anyway.
Bago ko maproseso ng utak ko, na-type ko na ang comment ko. Gigil na gigil pa ang mga daliri ko sa bawat pagtipa. Nilalamon ako ng pinaghalong pagkapahiya at galit.
Sunny Esguerra: Felix Hernandez, stay out of this. You don't know the whole story. You're not even here. You think Hani is still a baby you need to protect? Gah, overprotective asshole. Let her fight her own battle.
Like. Reply
In-off ko muna ang phone ko pagkatapos kong sagutin si Felix, pagkatapos ay pinatong ko 'yon sa mesa sa tabi ng kama. I hated to admit this, but I felt jealous knowing that Hani had her own 'army' ready to defend her from me. While here I was, fighting a tough battle I started.
Napatingin ako sa guwapong manika. Nawala na ang takot ko sa kanya. Naisip ko kasi na hindi naman mga possessed doll ang dapat kinakatakutan ko ngayon. Fighting alone was scarier, especially when you were against a legion of people who fought to protect their loved one.
Heto na naman ako, nauubusan ng energy. Simula nang nakaramdam ako ng 'matinding kalungkutan,' parati na lang akong nanghihina. My body felt heavy, and everything I did felt exhausting.
Tinapon ko na ang lahat ng 'pake' ko ng mga sandaling 'yon.
Ibig sabihin, tumabi ako sa guwapong manika. Inangat ko ang comforter. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakapantalon siya. Well, kung s*x doll kasi siya, iniisip ko na baka wala siyang suot pang-ibaba. Anyway, nakisalo ako sa makapal na kumot kahit mainit naman.
Inayos ko ang camcorder sa ibabaw ng night table. Naka-on 'yon, at kuha sa frame ang buong kama kung saan makikita ako na nakaupo at nakasandal sa headboard, gaya ng guwapong manika.
Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ng manika. Dahil nakarolyo ang suot niyang long-sleeved shirt, nagkadikit ang mga braso namin. Malambot at mainit ang akin. Matigas at malamig naman ang kanya. "Sorry, s*x doll. Kailangan ko 'tong gawin para sa isang challenge. Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako makikipag-one night stand sa'yo."
Awkward.
Sinubukan kong makatulog sa gano'ng posisyon. Nagtagumpay naman ako dahil ilang minuto ring naging blangko ang isipan ko. Pero nang mangalay siguro ang katawan ko, unti-unti akong nagkamalay uli. Ah, mukhang oras din ang tinagal ng idlip ko dahil nang magmulat ako ng mga mata, madilim na.
Heto ang problema ko nitong nakaraan. Madalas, puro tulog ang ginagawa ko. Pero may mga pagkakataon din naman na hindi ako makatulog. Dahil siguro sa mga 'yon kaya nabawasan ang timbang ko. Noon naman, kahit paano ay may laman ako. But now, I was skinny as f**k.
Alam ko naman ang dahilan.
Kapag gusto kong kalimutan ang mga problema ko, natutulog ako ng natutulog. Do'n na lang kasi ako nagkakaro'n ng peace of mind ngayon.
Pero kapag ni-re-reevaluate ko naman ang buhay ko, hindi ako makatulog. Sa tuwing binabalikan ko ang lahat ng mga ginawa kong desisyon, hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. Pakiramdam ko, kasalanan ko rin ang lahat ng nangyayari sa'kin. Gusto kong sisihin si Hani o ang mga magulang ko.
But in the end, it all boiled down on me being a failure. Despicable. Unwanted. I hated myself for it.
Dahil nangalay ang leeg ko sa paghiga sa balikat ng guwapong manika, dumeretso ako ng upo at nag-inat. Mukhang hindi pa umuuwi ang may-ari ng bahay. Siguro, na-creepy-han din siyang umuwi sa mansiyon dahil kamamatay lang ng housekeeper niya. Marami nang maliliit na hotel/motel/inn sa Sta. Elena para sa mga turista. Sa isa sa mga 'yon siguro siya nagpalipas ng gabi pagkatapos ng libing.
Ang mga baliw na tulad lang siguro niya ang magtatangkang mag-stay sa bahay kung saan may kamamatay lang na tao.
Humiga ako ng likod ko ang nakalapat sa kama, inunan ko ang matigas na tiyan ng guwapong manika para magmukha pa ring 'cuddle' ang ginagawa ko sa kanya, gaya ng challenge ni Mr. All-Brawn-And-No-Brains. Nagulat ako sa sumalubong sa'kin.
The ceiling had a nice painting of night sky, galaxies, and a lot of stars. Asul ang nangingibabaw na kulay niyon pero 'yong mga bituin, parang budbod ng mga diamond dust. Gano'n 'yong mga galaxy at nebula na nakapinta sa ibang parte ng kisame. Dahil do'n, nag-ala glow in the dark 'yon. Sa madaling salita, ang gandang pagmasdan niyon.
"Wow," namamangha kong sabi. "Ang suwerte mo namang s*x doll ka. Gabi-gabi mong nakikita ang ganitong kagandang view kapag nakahiga ka sa kamang 'to. Kung may ganito ako sa kuwarto ko, hindi na siguro ako tatayo. Ikaw siguro ang favorite ng may-ari nitong bahay kaya nandito ka."
Siyempre, katahimikan lang ang naging tugon sa'kin ng guwapong manika.
Pinatong ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng tiyan ko habang nakatitig pa rin ako sa munting replica ng universe sa kisame. Nagiging komportable na ko sa sitwasyon ko. Weird, pero nawala na 'yong takot at kaba ko. Natahimik na rin ang isipan ko. Bihira lang 'yong mangyari kaya sinamantala ko na.
"Alam mo ba kung ano ang una kong naiisip kapag nakakakita ako ng magaganda at kumikinang na mga bagay?" tanong ko sa guwapong manika. Alam kong hindi siya sasagot. That was exactly the point. "Si Hani, 'yong ex-best friend ko. Ex kasi nag-break na kami. And you know what? Friendship break ups are worse than romantic relationships'. I mean, simula kindergarten, magkaibigan na kami. Fixture na siya sa buhay ko kaya kahit ayokong aminin, na-mi-miss ko pa rin siya. Siguro kung buhay ka, itatanong mo sa'kin kung bakit hindi na lang ako makipagbati sa kanya, 'di ba? Mas madali namang mag-sorry at lunukin ang pride kaysa mawalan ng best friend, 'no? Pero mahirap, eh. Sobrang hirap. Alam mo kung bakit?"
Naging emosyonal na ko. Sa tatlong buwan na hindi namin pagpansinan ni Hani, kinimkim ko ang lahat ng sama ng loob ko. Kahit si Vince na tinuturing kong second best friend, hindi ko pinagsabihan. Kasi alam kong magiging biased siya. Natatakot akong mahusgahan ng mga taong nakakakilala sa'kin, kaya siguro mas madaling ibuhos lahat ng saloobin ko sa isang manika na walang buhay at hindi makakapagkomento.
"Nasisilaw ako kapag tumitingin ako kay Hani," pag-amin ko sa basag na boses. Ayokong umiyak. Pinipigilan ko naman, eh. Pero alam ko, hindi ako tatagal kasi ang sikip-sikip na ng dibdib ko sa dami ng hinanakit na baon ko. "You see, my best friend is very close to perfection. She's beautiful, she's nice and smart, she's talented, she's famous, she has loving and well-to-do parents, and many people adore her. She has an equally gorgeous boyfriend, and while she's an only child, she has tons of protective cousins– her whole family loves her. Pero kahit sobrang komportable ng buhay niya, humble pa rin siya. Tumutulong pa nga siya sa mga charity work at parati siyang volunteer kapag may mga sakuna na nagaganap. Sobrang positive niyang tao, kaya marami ang gustong makipagkaibigan sa kanya."
'Yong bag na dala-dala ko sa dibdib ko, sumabog na. Naging mga luha na hindi ko mapigilan sa pagpatak. Nauwi sa mga hikbi na pigil na pigil, pero kumakawala pa rin. Pero nagpatuloy ako. Hindi ko na kayang pigilan ang paglabas ng itinatago kong damdamin.
"I love her for being that way, I really do. But I also hate her for having all the things I could only dream of. Umabot na 'yon sa point na ang sakit-sakit na kapag nakikita ko siya. Napapatanong tuloy ako. Bakit ang dali-dali para kay Hani ang makuha ang mga bagay na pinaghihirapan ko? Bakit ang dami-daming nagmamahal sa kanya kahit wala naman siyang effort para magustuhan ng iba? Bakit kung sino pa 'yong sobrang blessed na, siya pa rin 'yong pinapaulanan ng suwerte?"
Pinunasan ko 'yong mga luha sa mga pisngi ko. Pero para lang sumahod ng tubig gamit ang butas na tabo. Nag-aksaya lang ako ng lakas.
"Ang unfair kasi, eh. Hindi ko maiwasang i-compare 'yong sitwasyon ko sa sitwasyon niya. Ayoko namang maramdaman 'to kay Hani kasi nga best friend ko siya. Wala naman siyang ginagawa para iparamdam sa'kin na inferior ako sa kanya. Inaamin ko naman na ako lang 'tong inaatake ng insecurity. Ang hirap lang kasing labanan dahil wala namang bagay na nakakapagbigay ng contentment sa'kin. I feel like I have nothing while she has everything. Alam kong hindi niya 'yon kasalanan. But it makes me hate her. And I don't have the courage to say it to her face."
Tumagilid ako ng higa para yakapin ang guwapong manika at isubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Gusto kong sumigaw, kaya ginawa ko 'yon para walang makarinig ng nakakahiya kong pagngawa. Yumugyog ang mga balikat ko habang patuloy sa pag-iyak. Hinayaan ko ang sarili kong magpakahina dahil wala namang ibang tao na nakakakita sa'kin ngayon.
And I needed someone to hold me right now, even if it was a lifeless doll.
HINDI ko na kayang maging masaya para kay Hani.
'Yon ang naging simula ng pagkakasira ng pagkakaibigan namin. Sinubukan ko namang pigilan, pero ang hirap kasi nilamon na ko ng inggit. Lalo na nang makatanggap siya ng isang magandang balita.
May movie offer na 'yong Field Trip, 'yong paranormal book niya na naging best seller din.
Pinilit ko ang sarili kong maging masaya para kay Hani. Pareho naming pangarap na makita sa big screen ang mga librong sinulat namin. Ilang gabi ang inubos namin sa paghahanap ng mga perfect actor and actress na babagay gumanap sa mga character ng nobela namin.
Uso kasi ngayon 'yong mga book na ginagawang movie, kaya talagang pinagdasal namin na sana, 'yong amin naman ang susunod na i-pitch ng publishing house sa mga producer.
Pero sa kaibuturan ng puso ko, alam kong mas malaki ang chance na ang libro ni Hani ang magawan ng movie. No'ng nasa online writing site pa lang ang Field Trip at iba niyang stories, inabot na ang mga 'yon ng million reads, kaya nga napansin ng publisher namin. Samantalang lagpas one hundred thousand lang ang pinakamataas na inabot ng isang libro ko. Kung hindi lang siguro connected ang mga kuwento namin ng ex-best friend ko, hindi mapipilitan ang publishing house na isalibro ang mga sinulat kong nobela. Siya namin kasi talaga 'yong mas maraming readers. Kumbaga ba, naging package deal na lang kami dahil puro collaboration ang mga gawa namin.
Sabi nga ng mga online 'bashers' ko, sumikat lang ako dahil kay Hani. Na ginagamit ko lang siya para may magbasa ng mga gawa ko kahit parang trashy version lang 'yon ng mga sinulat ng ex-best friend ko.
Masakit, pero in a way, totoo. Hindi ko man sinasadya, pero gano'n nga ang sitwasyon.
Kahit na inaasahan ko nang magkakaro'n ng movie offer si Hani, nasaktan at umiyak pa rin ako sa sobrang inggit.
Sa'ming dalawa ni Hani, alam kong ako 'yong mas passionate sa pagsusulat.Hobby lang naman niya ang paggawa ng kuwento. Hindi naman niya 'yon gagawing career dahil siya ang magmamana ng family business nila. Titigil din siya sa paggawa ng mga nobela pag-graduate namin ng college.
Alam kong masaya si Hani kasi sinasamantala niya ang mga huling taon na malaya pa siyang magsulat. Gaya nga ng sinabi ko, pagtapos niyang mag-aral ay mag-fo-focus na siya sa negosyo nila. Dapat siguro hayaan ko na lang siyang matupad ang mga pangarap niya bago siya mag-quit, 'di ba?
Pero hindi ko magawa, eh.
Ako 'yong mas may gusto na maging movie ang mga libro ko. Ako 'yong mas nangangailangan ng pera na makukuha ko sana sa gano'ng klase ng offer. Ako 'yong mas desperado para sa recognition na may talento rin naman ako sa pagsusulat at hindi lang ako basta trying hard sa craft na 'to.
But guess what? Si Hani pa rin ang sumalo ng suwerte.
Naging malamig ako sa ex-best friend ko. No'ng una ay nag-reach out pa siya sa'kin. Pero kalaunan, nagsawa rin siya. Ang mas masakit, kung anu-ano pang pagpapaawa ang p-i-n-ost niya sa mga social media account niya para magmukhang may ginawa akong masama sa kanya. Na dahilan naman para putaktihin ako ng mga readers niya at maging bashers ko sila.
Ayon sa iilang loyal readers ko, pinagkakalat daw ni Hani na nagagalit ako sa kanya dahil 'lang' ayaw na niyang maging konektado ang mga nobela namin.
Saan galing 'yon?
Sa sobrang sama ng loob ko sa ex-best friend ko, nag-post ako ng masasakit at mapapait na salita sa f*******: timeline niya para mabasa ng lahat kung anong klaseng 'kaibigan' siya.
Sunny Esguerra: Hani Lee, you hypocrite. Can you stop playing victim with your paawa posts?! Kung may gusto kang sabihin sa'kin, hindi mo na ko kailangang i-backstab. Why not say it straight to my face? Ang kapal naman ng mukha mo para ipagkalat na masyado na kong dependent sa'yo? FYI, I don't need you to gain more readers. At pagsabihan mo rin 'yang mga 'fans' mo na tantanan ako dahil ikaw naman ang nagsimula ng lahat ng 'to. Nananahimik lang ako, kung anu-ano na ang pinagkakalat mo? Why? Kasi hindi mo matanggap na kaya ko nang mabuhay na wala ka? Na-te-threaten ka na ba kasi kahit hindi tayo magka-collab, bumebenta na rin ang mga books ko? At the end of the day, people will know the truth at malalaman nila kung gaano ka ka-manipulative. You can delete this post dahil sigurado naman akong ayaw mong masira ang goody-two-shoes image mo. What a low class act you showed there, b***h. I wonder how I stayed friends with you for thirteen long years. Oh, well. I'm glad na ikaw na rin ang tumapos ng 'friendship' natin. Good luck sa'yo at sa susunod mong magiging 'best friend.'
Like. Reply
Hani Lee: Sunny, we have a thirteen year old history. Akala ko, kilala mo na ko by now. I'm hurt and disappointed by how easily you believed the lies people told you to break us up. That just goes to show how shallow our friendship is to you. You could have confronted me privately, but you chose to face me this way. I don't think I owe you an explanation after this.And, no, I won't delete this post. This shows people YOUR character, not mine. I don't know what's happening to you, but I'm tired of our little drama. Maybe this is for the best. God bless you.
Like. Reply
NAGISING ako dahil sa naririnig kong mga munting ingay. Para bang may matigas na bagay na tumatama sa kung anong babasagin. Kasunod niyon, may tumatawag sa pangalan ko.
Vince? Ah, oo. Boses nga ng pinsan ko ang naririnig ko.
Sinubukan kong tumayo kahit antok na antok pa ko, pero natigilan ako nang maramdaman kong may malamig, matigas, at mabigat na brasong nakapalupot sa baywang ko. Bigla akong napamulat ng mga mata. Napasinghap ako nang sumalubong sa'kin ang mukha ng isang guwapong lalaki...
... na hindi kumukurap at hindi humihinga.
'Yong tangka kong pagsigaw, biglang nahinto nang maalala ko kung ano ang nangyayari. Tinanggap ko nga pala 'yong challenge ni Jared na matulog kasama ang isang manika sa 'House of Doll.' Napunta ako sa kuwartong 'yon at napili kong makasama ang guwapong s*x doll na 'to.
Pero hindi ko natatandaan ang ganitong posisyon: nakaunan ako sa isang braso ng guwapong manika na nakapalupot sa baywang ko. Habang ako naman, nakapalupot ang isang braso sa gitnang bahagi ng katawan niya. Maging ang isa kong binti, nakaposisyon sa pagitan ng mga hita niya.
This. Was. So. Intimate.
Napabangon ako bigla. Ayoko man, naging reflex ko ang itulak ang guwapong manika. Mabilis akong tumayo habang binibigyan siya ng nagdududang tingin.
The handsome doll remained lying down the bed, lifeless. But somehow, his expression became livelier that it had been last night. Ang nakakapagtaka lang, nanatili pa rin namang magkadikit ang mga labi niya pero para siyang nakangiti. At 'yong mga mata niyang nakatingin sa'kin, para bang biglang nagkaro'n ng buhay. Pakiramdam ko pa nga, kinakabisado niya ang bawat anggulo ng mukha ko at nasisiyahan siya sa nakikita niya. Na para bang buong magdamag niya kong pinanood matulog.
Kinilabutan ako.
"Sunny!"
Napasinghap ako sa gulat dahil sa lakas ng pagsigaw ni Vince. Kung walang nag-re-react sa loob ng mansiyon, siguro nga ay hindi umuwi ang may-ari ng bahay. Mabuti na lang pala kung gano'n.
Tumingin ako sa labas ng bintana para sana silipin si Vince. Pero naramdaman kong parang sumunod sa galaw ko ang tingin ng guwapong manika. Ayokong kumpirmahin ang hinala ko, kaya lumapit ako sa night table nang hindi lumilingon sa kanya. Mabilis kong kinuha ang camcorder, saka ako nagmamadaling lumabas ng kuwarto.
Ngayong maliwanag na sa pasilyo, saka ko lang nakita kung gaano karaming manika pala ang nakahilera sa magkabilang gilid. Ang mga painting sa dingding, mas malala pa pala kaysa sa naaalala niya kagabi. Bukod kay chop-chop Barbie doll, may nakita rin siyang dalawang manikang lalaki na, uhm, nagtatalik. Doggy-style. May pakiramdam siyang iisa lang ang artist ng mga painting na 'yon.
Tumakbo na ko.
Dumulas ang paa ko sa kahoy na baitang kaya gumulong ako sa hagdan. Ang sakit sa puwitan dahil ilang steps din ang dinaanan ko bago ako kumalabog sa sahig.
"s**t," bulong ko habang dahan-dahan akong tumatayo na nakahawak sa balustre.
And then I felt it.
Nakaramdam ako ng mga matang nakatingin sa likuran ko. Para bang bilang patunay, nanayo ang balahibo sa batok ko. Hindi ko alam kung tinatakot ko lang ang sarili ko, pero may narinig akong mahinang pagtawa. Malalim at boses-lalaki. Nag-echo 'yon sa buong bahay. Pero ilang segundo lang.
Kumaripas uli ako ng takbo. Sa pagkakataong 'yon, tuloy-tuloy na kong nakalabas ng malaking bahay ng walang inaabot na disgrasya. Walang lingon-likod, dahil malakas ang kutob kong hindi ko magugustuhan ang makikita ko kung sakaling tumingin ako sa likuran ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko sa malawak na bakuran si Vince. Sa sobrang relief ko, natuwa na rin akong makita si Jared na nakasandal sa nakapaikot na balustre sa water fountain. Oh, wow, meron palang gano'n. Masyado yata akong preoccupied kahapon kaya ngayon ko lang napansin. In fairness, may tubig pa 'yon. Sabagay, kamamatay lang naman ng housekeeper.
"Okay ka lang, Sunny?" nag-aalang tanong sa'kin ni Vince na sinalubong pa ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko na nagpakunot siguro ng noo niya. "Ang lamig ng mga kamay mo."
Yumuko si Vince para magpantay ang eye level namin. Matangkad kasi siya, nasa 5'11 siguro kung tama ang pagkakatanda ko. Kung itatayo siguro 'yong guwapong manika na nakasama niya kagabi, baka hindi nagkalayo ang height nila ng pinsan ko.
Oh, God.
Nangilabot na naman ako nang maalala ang guwapong manika.
"Namumutla ka, Sunny," nag-aalalang dagdag naman ni Vince. "Ano bang nangyari sa'yo sa loob?"
Umiling lang ako. Bukod sa ayokong mag-alala si Vince, natatakot din ako na baka isipin niyang nababaliw na ko. Isa pa, nandito si Jared. Kailangan kong kumalma dahil ayokong isipin ng maskulado na 'to na nagimbal ako dahil sa walang kuwentang hamon niya.
"Hi, Sunny," nakangising bati sa'kin ni Jared habang palapit sa'min. Feeling close naman ang lalaking 'to. "Nagawa mo. Nakapag-stay ka nga sa House of Doll ng buong magdamag."
Nag-ingay ang camcorder na hawak ko, dahilan para mapansin ko 'yon. Pula na ang battery niyon, tanda na malapit na 'yong mag-lowbatt. Pa'no, buong magdamag 'yong nakabukas.
Shit.
Kung buong gabi nga 'yong nakabukas, posibleng nakuhanan ng video ang mga nangyari habang natutulog ako. Malalaman ko kung paano kami napunta sa gano'ng posisyon ng guwapong manika. Pero ang tanong, gusto ko ba talagang malaman ang sagot?
"Sunny?" untag ni Vince sa'kin. Kung tingnan niya ko, para bang nagtataka na siya sa mga ikinikilos ko. Pati na rin siguro sa biglaan kong pananahimik.
"Nagawa ko," sabi ko kay Jared sa pinatapang na boses. Ako na ang lumapit sa kanya, para ipakita sa kanya ang laman ng video. Gah, nanginginig ang kamay ko nang iangat ko ang camcorder.I pressed the 'play' button without looking at the camera. "'Yan ang patunay na may hinalikan nga akong manika."
"Woah," gulat na bulalas naman ni Jared nang mag-play na ang video. Napaatras pa nga siya na para bang natakot. "Sigurado ka bang manika 'yan? Mukhang totoong tao 'yan, ha!"
Naglakas-loob akong tumingin sa nag-pe-play na video. 'Yon 'yong eksena na hinalikan ko ang guwapong manika. Napalunok ako. Para ngang totoong tao ang s*x doll sa camera. "Manika 'yan. Tingnan mo nga, hindi siya kumukurap. I think he's a wax figure of someone close to the house owner."
"'He?' Oh, please. Don't talk as if thatthing is alive," puno ng disgustong sabi naman ni Jared. Pagkatapos ay tumayo uli siya sa tabi ko para ipagpatuloy ang panonood ng video.
Samantalang ako naman, natigilan. Ngayon ko lang napansin na, oo nga. Simula nang makita ko ang guwapong manika, parang totoong tao ang turing ko sa kanya at hindi bagay.
Gah. Ano ba'ng nangyayari sa'kin?
Naputol lang ang paglipad ng isip ko nang akbayan ako ni Jared. 'Yong klase ng akbay na para bang boyfriend ko siya at kaunti na lang, didikit na ang kamay niya sa dibdib ko. Maliit nga siguro ako, pero maipagmamalaki ko namang malusog ang boobs ko. Lalo 'yong na-emphasize ng suot kong fitted shirt.
Siniko ko si Jared sa sikmura bago pa siya maka-jackpot. Nang umaray siya, mabilis naman akong lumayo sa kanya. Naging maagap naman si Vince na pumagitna sa'min ng manyak na lalaki. Napansin siguro ng pinsan ko ang masamang balak ni Mr. All-Brawn-And-No-Brains.
"Nagawa ko na ang challenge mo," sabi ko kay Jared. "Ibigay mo na sa'kin ang video ni Vince at ng boyfriend niya."
Nakasimangot si Jared habang hinihimas-himas ang 'nasaktang' sikmura niya. Ang OA ng lalaking 'to. Hindi naman gano'n kalakas ang pagsiko ko sa kanya. Isa pa, sa tigas ng tiyan niya, hindi siya dapat nasaktan sa 'pag-atake' ko. Baka steroid lang ang nagpalaki sa katawang niya. "Fine," pasukong sabi niya, saka dinukot sa bulsa ng pantalon niya ang isang flash drive. Hinagis niya 'yon sa'kin at sa kabutihang palad, nasalo ko 'yon. "Don't worry. Hindi ko kinopya ang video na 'yan kaya makakasiguro kayong hindi masasangkot sa viral scandal ang pamilya niyo."
Tumango lang ako. Natuon sa camcorder ang atensiyon ko nang tumunog uli 'yon at tuluyan nang namatay dahil sa pagkaubos ng battery. Binuksan ko ang loob niyon at kinuha ang memory card bago ko sinauli ang gadget kay Jared. "May mga interesting dolls akong nakuhanan ng video na magagamit ko para sa project ko," pagsisinungaling ko. "Kukunin ko muna 'tong memory card at isasauli ko na lang sa'yo kapag nakopya ko na ang mga videos na kailangan ko."
Halata sa mukha ni Jared ang pagtataka nang kuhanin niya ang camcorder. Pero sa huli, ngumisi uli siya. "Okay. So I guess I'll see you again?"
"Excuse me?"
Naging pilyo ang ngiti ni Jared. "You'll return the memory card, remember? Hiniram mo lang 'yan at hindi ko ibinibigay sa'yo."
Ipinaikot ko ang mga mata. Bulok talaga ang style ni Jared. Hindi ko tuloy maintindihan kung paanong may naikamang babae ang lalaking 'to. Himbis na pansinin pa siya, binalingan ko na lang si Vince. "Let's go home, V," sabi ko, saka ako nagpatiuna ng paglalakad.
Mabilis na umagapay naman ng lakad si Vince. "Sunny, talaga bang okay ka lang?"
Tumango ako, hindi makatingin sa pinsan ko. "Okay lang ako. Napansin ba nina Tita Viel na hindi ako umuwi kagabi?"
Umiling si Vince. "Ayaw sana kitang iwan mag-isa kagabi. Pero naisip ko na kung dalawa tayong hindi uuwi, mag-aalala sina Mama at Papa. Kaya umuwi ako para mapagtakpan kita sa kanila. Ang sabi ko, gusto mong magpahinga kaya hindi ka lumalabas ng kuwarto. Ngayon naman, ang sabi ko, maaga kang lumabas para mag-jogging."
Tumango-tango ako, nakangiti na sa pagkakataong 'yon. "Nagiging sinungaling ka dahil sa'kin. Bad influence nga talaga ako sa'yo."
"Hindi naman 'to mangyayari kung hindi dahil sa'kin," halatang nahihiyang sabi naman ni Vince. "Sunny, sorry kung sobrang duwag ko, ha? Alam mo namang hindi ko nasakyan ang trip niyo ni Hani pagdating sa mga paranormal na 'yan dahil matatakutin ako."
"Okay lang naman sa'kin 'yon, Vince. Pero kung gusto mo talagang bumawi sa'kin, may isa pa namang paraan."
"Ano 'yon?"
"Hiwalayan mo na 'yang duwag mong boyfriend."