I DON'T like people.
Hindi naman ako mahiyain, suplada, o arogante. Ayoko lang nakikipag-usap at nakikisalamuha sa mga tao. Mahirap bang intindihin 'yon?
Unfortunately, gano'n na nga siguro.
Dahil para sa summer vacation ko, pinatapon ako ng mga magulang ko sa kung saang probinsiya para mag-'reflect' sa nagawa kong kasalanan. Yeah, right. That Hani b***h– my ex-best friend– deserved it. I will never apologize for what I did to her.
So, anong gagawin ng isang eighteen year old girl na tulad ko sa ganitong lugar?
Eh di magligtas ng mga api mula sa mga bully.
"I'll do it," walang ganang deklara ko na halatang ikinagulat ng apat na lalaki sa harap ko. They looked at me like I just grew a p***s on my forehead. Eww. "I said I'll do it. Ako ang papasok d'yan sa tinatawag niyong House of Dolls at mag-i-stay overnight para malaman niyo kung may multo nga d'yan o wala."
Si Jared, 'yong maskuladong leader ng mga bully sa lugar na 'yon dahil anak siya ng mayor, ay nanlaki ang mga mata sa gulat. Guwapo sana siya dahil may pagka-mestizo, mana raw sa nanay niyang dating beauty queen. Kaso, kung ano kinalaki ng biceps niya, gano'n naman ang ikinaliit ng utak. Twenty years old na siya pero sophomore pa rin sa course niyang Business Management. Ayon pa sa mga narinig ko, kung hindi lang dahil sa pera ng pamilya niya ay baka hindi pa rin siya naka-graduate ng high school. Idagdag na rin ang mga records niya ng pam-bu-bully sa university. Nagbabakasyon siya ngayon sa probinsiya dahil, well, nagtatago raw siya mula sa babaeng nabuntis niya sa Manila.
May dalawang alalay si Jared na mga pormang gangster. Naka-shades pa sila, parang bodyguard lang ang peg. Tawagin na lang natin silang Minion 1 at Minion 2 dahil honestly, wala akong interes sa kanila.
Finally, I met Vince's terror-filled eyes. Pinsan ko siya. Siya 'yong tipo ng bading na hindi mo maiisip na bakla dahil guwapo siya. Maamo ang mukha, at malinis at unat parati ang suot na mga polo, gaya ngayon. Kaso, malamya siyang kumilos at magsalita. Do'n mo lang mapapansin na hindi siya straight. Magkasing-age din kami. In fact, magkaklase pa nga kami sa course naming Journalism. Madalas kaming mapagkamalang kambal no'ng mga bata pa kami dahil lagi kaming magkasama.
Yep, close kami ni Vince. Sa sobrang close namin, akala ng mga magulang ko ay 'makakatulong' kung siya ang kasama ko habang nag-re-'reflect' dahil kilala ang pinsan kong 'to bilang 'good influence.' So yeah, I was living with his family right now.
Kaya bilang pagtanaw ng utang na loob kina Tita Viel at Tito Celio (na kuya ng mommy ko) para sa pagpapatuloy sa'kin sa bahay nila at pang-i-spoil sa'kin sa pamamagitan ng pagluluto ng mga paborito kong ulam at paggawa ng mga masasarap na dessert, ililigtas ko si Vince– na unico hijo nila– mula sa pam-bu-bully ni Jared.
I don't like people, yes. But I have my days. Awesome days, just like this one.
"Sunny, don't do this," pigil naman ni Vince sa'kin, halata sa boses ang takot. "The House of Dolls is haunted. Saka kamamatay lang ng housekeeper niyan. Baka multuhin ka niya."
"Alam mo namang hindi ako takot sa mga multo-multo na 'yan kaya huwag kang mag-alala, Vince," kampanteng sabi ko naman, saka ako humalukipkip at binigyan ng naghahamon na tingin si Jared. "You, Mr. All-Brawn-And-No-Brains." No reaction ang mokong. Alam niya kaya ang ibig sabihin ng tinawag ko sa kanya? Hmm, mukhang hindi. "Let me get one thing clear. Kapag nagawa ko 'yong challenge na pilit niyong pinapagawa sa pinsan ko, ibibigay niyo sa'kin ang kinuhanan niyong video ng intimate moment nila ng boyfriend niya. That's the deal, okay?"
Heto ang backstory: habang nag-de-date raw sina Vince at ang 'The Boyfriend' niya sa may tabing-ilog (gah, seriously, cous?) ay naghalikan ang dalawa (the torrid kind). Sa kasamaang palad, nando'n din ang grupo ni Jared kaya nakunan niya at ng mga minion niya ng video ang eksenang 'yon. Akala siguro nila, cool ang mang-istorbo ng private moment ng dalawang gay men para pahiyain at paglaruan ang mga ito.
'The Boyfriend' ran away as soon as Jared and his minions showed up, leaving Vince to deal with the bullies alone. Some boyfriend that jerk was.
Anyway, pinakiusapan ako ni Tita Viel na hanapin si Vince dahil nagluto ang tiyahin ko ng palitaw para merienda namin. Papunta sana ko sa local bookstore kung saan alam kong madalas tumambay ang pinsan ko. Pero hindi pa ko nakakalayo, may nabalitaan na ko.
Narinig ko mula sa mga bata sa kalsada na nakita nila ang 'bully' na may inaaway na 'bakla' sa may 'haunted mansion.' Malakas agad ang kutob ko na pinsan ko ang tinutukoy nila, kaya napasugod ako ro'n. Tama nga ako dahil nasa bakuran ng isang malaking lumang mansiyon sina Vince at ang grupo ni Jared nang abutan ko sila do'n. Medyo malayo ang lugar na 'yon sa ibang mga bahay. Parang isolated dahil panay bakanteng lupa na may matataas na puno ang nasa paligid niyon.
Siyempre, hindi ako masaya na makitang kinakaladkad ni Jared si Vince papasok sa malaking lumang mansiyon na parang suki ng mga horror films. Alam kong duwag ang pinsan ko at siguradong magkakaro'n siya ng sakit sa puso kung matutulog siya sa bahay na 'yon ng nag-iisa.
Kaya nga inako ko na ang 'challenge' para hindi ipagkalat ni Jared ang video. Well, open naman sa pamilya namin na bakla si Vince. Pero hindi kailangan ng pinsan ko ng 'scandal' para lang malait-lait siya ng mga taong mapanghusga, lalo na 'yong mga matatapang sa internet dahil dummy accounts lang naman ang mga gamit. Siguradong 'yon ang mangyayari kung ma-a-upload sa Youtube ang video na 'yon.
"Are you sure, little girl?" nakangising tanong naman ni Jared.
Okay, uminit ang ulo ko ro'n. Sensitive topic sa'kin ang height kong 5'2 dahil, well, ayokong tinatawag na 'little.' O kung ano mang adjective na magpapamukha sa'kin na pandak ako. Inangat ko ang hawak kong camcorder na kailangan ko para ma-video-han ang pag-o-overnight ko sa House of Dolls na 'yon bilang ebidensiya na nagawa ko nga ang challenge. Kay Jared 'yon. Inabot niya kay Vince kanina na kinuha ko naman mula sa pinsan ko. "See you tomorrow morning, Mr. All-Brawn-And-No-Brains."
"I want to see it clear," pahabol na sabi ni Jared no'ng paalis na ko. "Kiss one of the dolls and cuddle it for the whole night."
"Ano?" naguguluhang tanong ko naman.
Nginuso ni Jared ang malaking bahay. "Hindi ka lang basta matutulog do'n. Puro manika sa loob niyan. Ang sabi ko sa pinsan mo, gusto kong halikan niya ang isa sa mga lalaking manika na makikita niya sa bahay at yakapin 'yon buong magdamag. 'Yon ang gagawin mo, kaya nga gusto kong i-video mo, eh."
Bumaligtad ang sikmura ko. Mukhang may ideya na ko kung bakit gusto ng Jared na 'to na ipagawa 'yon kay Vince. This guy was a sick bastard. He probably wanted to embarrass my cousin and make it appear like he had a fetish for dolls. At dahil sa 'kabayanihan' ko, ako ang aako ng 'kapalaran' na 'yon. Great. Magmumukha akong may fetish sa mga manika. This was, like, the best summer ever. "Fine. That will give me a good night sleep," sarkastikong sabi ko naman.
Ngumisi si Jared. Kung tingnan niya ko, parang aliw na aliw sa'kin ang mokong. "Fiery." Umangat ang tingin niya sa pulang buhok ko. "Just like your hair color."
Yes, people. My shoulder-length uneven hair was so red and so fake. I had full bangs and the longer and the thinner part of my mane was braided neatly at my back. I was confident to say the vibrant color looked good on me because of my fair complexion. Thank you, Mommy, para sa kaunting Chinese blood sa lahi niyo. "Good-bye," sagot ko kay Jared, sabay talikod. Kaunti na lang kasi, masasapak ko na siya.
"Sunny, no," pigil uli ni Vince sa'kin, hinawakan pa ang kamay ko. Kitang-kita sa mukha niya ang pinaghalong takot at pag-aalala. "Let's just forget this. Hayaan na lang nating kumalat 'yong video, okay?"
Marahang binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Vince. Pagkatapos, pabiro ko siyang binunggo sa balikat. "Hindi ako papayag na mapahiya ka. Saka madali lang naman ang gagawin ko."
Nanatiling nakasimangot si Vince. "I know you, Sunny. Hindi mo naman 'to gagawin para sa'kin, eh. Gagawin mo lang 'to dahil bored ka at gusto mo ng distraction."
Wala akong comeback do'n, kaya naglakad na lang ako palayo. Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko sina Minion 1 at Minion 2 na pinigilan si Vince na sundan ako. Habang ako naman, nagpatuloy sa pagpasok sa malaking bahay.
Well, tama naman ang mga sinabi ni Vince tungkol sa'kin. Naghahanap ako ng distraction. Pero may mas malalim pa na dahilan kung bakit ginagawa ko 'yon kahit alam kong delikado.
Did you know? Not caring about yourself was a sign of depression. Look it up.
I FEEL like I live in a black hole.
Madalas, wala akong maramdaman. Para bang kapag binuksan mo ang loob ko, wala kang makikita na kahit ano. Siguro, kadiliman lang. Araw-araw, gumigising ako na walang inaasahang maganda sa buhay ko. I always expected the impending doom to do the worst thing possible to ruin me even more. And I was okay with it. I was too empty to feel anything.
May pakiramdam ako na ako ang pinakamalas na tao sa buong universe. Tinanggap ko na na lahat ng gagawin ko, magiging palpak lang. Na kahit ano pang laban ko, hindi naman magbabago ang sitwasyon ko, kaya bakit pa ko mag-e-effort? Gaya ng nangyayari sa pamilya ko ngayon.
I came from an average family. Dad used to work in a huge beverage company and Mom was a high school teacher. We used to be a happy and contented, until my father was fired when the business started to go bankrupt two years ago.
Ang daddy ko, madali siyang sumuko sa buhay. Fourty years old siya nang matanggal sa trabaho, kaya hindi na siya uli sumubok na mag-apply sa ibang kompanya. Sa kanya ko siguro namana ang pagiging pessimist. Matanda na raw siya at hindi na matatanggap sa ibang opisina. Pero alam ko ang totoo. Takot lang siya na magkaro'n ng mababang posisyon kaysa sa nakasanayan na niya. 'Yong separation pay na nakuha niya, ipinagpatayo niya ng maliit na grocery store. Na palugi na rin.
Na-frustrate si Mommy kasi kahit anong pagkumbinsi niya kay Daddy na maghanap uli ng trabaho sa mga kompanya o kaya ay mag-apply naman abroad, wala ring nangyari. Stable ang trabaho ng ina ko bilang teacher, oo. Pero hindi 'yon sapat para mapag-aral kami ng mga kapatid ko ng sabay-sabay.
Ako ang panganay at kasalukuyang kumukuha ng Journalism course sa isang private university. Simula nang natanggal sa trabaho si Daddy, nag-apply na ko ng scholarship at natanggap naman ako. Meron na rin akong part-time job kaya kahit paano, nasusustentuhan ko na ang sarili ko at nakakatulong ako sa mga gastusin sa bahay.
Nakakalungkot, pero ang mga kapatid ko ang kailangang mag-suffer. Sina Rainy (sister) at Cloudy (brother), kambal sila. Parehong fifteen years old at nasa ikatlong taon ng high school. Nasa private sila dati, pero nang mawalan ng trabaho si Daddy, nilipat namin sila sa public. Pero dahil pareho silang teenager din, marami silang mga bagay na gustong bilhin at makuha. Sanay kasi sila sa luho, lalo na no'ng medyo komportable pa ang buhay namin. Hindi nila matanggap na kinakapos na kami ngayon.
Dahil ako ang ate, sa'kin sila parating lumalapit para manghingi ng pera. Bukod kasi kay Mommy, ako lang naman ang may trabaho sa'min.
I started to work as a freelance writer under a big publishing house last year, like Hani. Pero hindi naman ako sing sikat ng ex-best friend ko, kaya hindi rin gano'n kalaki ang suweldo at royalties na nakukuha ko mula sa mga libro ko. Minsan sa isang buwan lang din ako nakakapagsulat dahil busy ako sa school, kaya hindi rin ako gaanong nakakatulong sa gastusin ngayon.
I loved writing. It has always been my passion. Pero dahil sa sitwasyon ng pamilya ko ngayon, nagsisimula na kong ma-frustrate. Trabaho na ang tingin ko sa bagay na gustung-gusto kong ginagawa noon. I was starting to hate my 'job.'
"Bakit ba kailangang puro ako na lang?" reklamo ko no'ng minsang tanungin ni Mommy kung kailan ako magsusulat uli.
You see, I haven't written a thing for about three months now. It was Hani's fault. I was down all these times, but nobody in the house seemed to notice. Parang nakikita lang nila ako kapag kailangan na nila ng pambayad sa bills o tuition. Wala man lang nagtatanong kung bakit hindi na ko makapagsulat.
"Ano bang problema, Sunny?" gulat na tanong naman ng mommy ko. Ngayon lang ako nag-lash out ng gano'n sa kanya. "Tingin mo ba ikaw lang ang napapagod sa ganitong sitwasyon? Hindi ikaw ang araw-araw na naghahanap ng pera makaraos lang tayo, lalo na ang pag-aaral niyo ng mga kapatid mo."
And then I said it. The things I may probably regret, but wouldn't admit to anyone. "Hindi naman kasi tayo magkakaganito kung may silbi 'yang si Daddy."
Sa unang pagkakataon sa buhay ko, sinampal ako ni Mommy. 'Yong sampal na nakapagpayanig sa mundo ko. 'Yong sampal na gumising sa pagkatao ko. Kitang-kita ko ang galit at hinanakit sa mga mata ng ina ko. "Hindi por que nagdadala ka na ng pera sa bahay na 'to ay may karapatan ka nang bastusin kami ng daddy mo. Tandaan mo, anak ka lang namin. Mga magulang mo pa rin kami."
Nagsunud-sunod na ang pagdating ng malas.
Nag-away kami ni Hani na lumala ng lumala hanggang sa napilitan ang mga magulang ko na ipatapon ako sa probinsiya para raw 'hanapin ang sarili ko.'
I wasn't lost, though. I was stuck. They just couldn't find me.
I'VE LOST interest in my daily activities.
Noon, excited ako kapag may long vacation dahil ibig sabihin no'n, makakapagsulat ako ng mga nobela. Parating may mga buhay na imaginary characters sa isip ko na nangungulit sa'kin. Kaya kong umupo sa harap ng laptop ko hanggang sa makatapos ako ng isang buong libro. Parang sasabog ang puso ko sa saya kapag nakakarating ako sa 'the end.' Pinagkakalat ko pa nga 'yon sa social media dahil gusto kong malaman ng mga readers ko na may bagong story ako na ipapabasa sa kanila.
Pareho kami ni Hani, 'yong ex-best friend ko. Dahil hilig namin ang magsulat ng mga kakaibang kuwento, parati kaming nagkukuwentuhan at nag-be-brainstorming para makagawa ng collaboration. Tuwing summer din, namamasyal kami para makapag-'research.'
Pero ngayon, wala akong maramdaman. Simula nang dumating ako sa probinsiya na 'to, sinubukan kong magsulat. Kaya lang, isang buong araw lang akong tumitig sa blangkong MS word. Kahit isang salita, walang lumabas sa isipan ko, kaya wala ring na-i-tipa ang mga daliri ko.
Kahit panonood ng mga crime series o pakikinig ng mga bagong kanta na hilig ko noon, nakakawalang gana na rin. Gusto ko na lang mahiga at matulog ng matulog. Hindi productive, pero matagal naman na kong nawalan ng silbi kaya wala ring pinagkaiba kung babangon ako o hindi.
Come to think of it, 'yon siguro ang dahilan kung bakit ko talaga tinanggap ang walang kuwentang challenge ni Jared. Gusto kong gumawa naman ng kakaiba. Para maramdaman kong buhay pa ko.
Sinipa ko 'yong pinto pabukas. Hindi 'yon naka-lock, gaya ng sabi ni Jared kanina. Naiwan daw sigurong nakabukas no'ng may-ari nang umalis siya para sa libing ng housekeeper. Pagpasok ko pa lang, napangiwi ako sa amoy. Guni-guni ko lang ba o parang may nagbuhos ng gasolina sa sala?
Inisip ko na lang na baka amoy lang 'yon ng mga bulaklak pampatay. Do'n kasi ginanap ang burol no'ng kamamatay lang na housekeeper ng malaking mansiyon. Alam ko dahil no'ng huling gabi, dumalaw sina Tita Viel at Tito Celio kasama si Vince. Nagpanggap akong tulog kaya hindi ako sumama. Maliit lang ang bayan ng Sta. Elena sa Bulacan, kaya halos lahat ng tao ro'n, magkakakilala. Kaya siguro kahit kinatatakutan ang House of Dolls ay may mga residente pa rin na nagpunta para makiramay.
Pero sa palagay ko, marami lang na-curious dahil ayon sa kuwento ni Vince sa'kin no'ng nakaraang gabi, dumating daw mula Australia 'yong ginang na may-ari ng malaking bahay para asikasuhin ang burol ng namatay na housekeeper. Heart attack ang ikinamatay no'ng tao, pero may mga kumalat na tsismis na namatay daw ang kawawang matanda dahil sa masamang multo na nakatira ro'n.
Like, seriously? 2012 na kaya.
Dahil wala akong nakitang mga manika sa first floor ng bahay na hindi ko rin naman gaanong natitigan dahil masyadong madilim sa loob ay umakyat ako sa second floor. Ang ilaw ng screen ng cell phone ko ang ginawa kong flashlight. Okay, pinagsisihan ko 'yon ng kaunti.
Ngayong nasa second floor na ko, na-realize ko na kung bakit tinawag 'yong 'House of Dolls.' Sa mahabang pasilyo na nilalakaran ko, may mga manika na nakapaloob sa pahabang mga salamin sa magkabilang gilid. May mga Japanese dolls, at mga ala-Prince Charming dolls din. Ang nakakakilabot do'n, mukha silang mga buhay dahil sa sobrang detalye ng pagkakagawa.
'Yong mga painting na nakasabit sa dingding, puro tungkol din sa mga manika. May nakita pa nga akong inspired ng Barbie doll. Chop-chop version ni Barbie nga lang. Galit siguro ang artist no'n kay Barbie. Medyo creepy na, pero kaya ko pa naman.
Hindi naman ako matatakutin. Hindi ako nagmamatapang lang nang sabihin ko 'yon kay Vince kanina.
Ayokong aminin 'to, pero nasanay ako sa mga 'goth' o mga 'creepy' na bagay dahil sa ex-best friend kong si Hani. Simula pagkabata, parati na kong nasa bahay nila. Well, naniniwala kami na may lahing witch ang pamilya nila dahil sa mga black book na nakatago sa library nila. Oo, mayaman sila kaya meron silang malaking library sa mansiyon nila.
Anyway, dahil din sa kakaibang 'lifestyle' ng pamilya nila Hani ay nahilig kami sa mga horror, mystery, at thriller movies and books. Kaya nga 'yong mga sinusulat naming nobela, madalas ay pinaghalong crime at paranormal ang genre.
Huminto ako sa dulo ng pasilyo, sa tapat ng malaking double-doors na gawa sa mahogany, kung tama ang hinala ko. Gano'n din kasi ang pinto sa library nina Hani.
Hindi ko rin alam kung bakit do'n ko napiling huminto kahit na may ibang mga pinto rin naman akong nadaanan. Dahil siguro 'yon sa ang double-doors na ito ang pinakamalaki sa lahat. Sana lang hindi 'yon ang master's bedroom dahil kung nagkataon, lagot ako.
I mean, sumama lang sa libing ng housekeeper ang may-ari ng malaking mansiyon. Siyempre, uuwi rin siya rito. Well, sana lang ay maisipan niyang umuwi na lang kung saan siya nanggaling. Ayaw ko namang mapagkamalang magnanakaw. Pero kung sakali man na dumating siya, baka mag-ninja moves na lang ako sa pagtatago. Kailangan ko lang namang mag-stay do'n ng buong magdamag.
Pinihit ko ang pinto pabukas. Wow, lahat ba ng pintuan sa malaking bahay na 'yon ay hindi naka-lock? Hindi ba natatakot ang may-ari na manakawan sila?
But then again, takot ang mga residente sa House of Dolls kaya wala sigurong nagtatangkang pumasok do'n. Sa mga horror films na napanood ko, kapag bukas ang pinto, invitation 'yon na may masamang mangyayari sa'yo. Oh s**t, was this a trap?
Huli na ang lahat para magdalawang-isip pa ko dahil nabuksan ko na ang pinto at nakaapak na ko sa loob. Well, mabilis din namang nawala ang takot ko nang isang normal na kuwarto ang sumalubong sa'kin. Patay ang mga ilaw pero tagos naman mula sa malaking salaming bintana ang sikat ng papalubog na araw, kaya nakikita ko ng malinaw ang kabuuan ng silid.
Okay, medyo hindi normal ang kuwartong 'yon.
Sa totoo lang, muntik na kong atakihin sa puso (kahit wala akong gano'ng sakit) nang sumalubong sa'kin ang isang guwapong manika na nakaupo sa malaking kama (king-sized, sosyal) habang nakasandal sa headboard. Oo, guwapo siya. Kung hindi ko lang siguro agad napansin na hindi gumagalaw ang dibdib niya at hindi kumukurap ang mga mata, iisipin ko talagang totoong tao siya.
Wow, aside from being good-looking, the doll was also life-sized.
Kumalma ako nang masiguro ko na sa sarili kong manika lang ang nasa harap ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kama. Nakakamangha talaga ang manika na 'to. Parang totoong tao. Masyadong detalyado ang mukha at katawan niya. Para siyang wax figure ng isang sikat na Hollywood actor.
Kung mag-se-selfie siguro ako kasama siya at i-po-post 'yon sa social media accounts ko, maraming maniniwala na totoong tao nga ang kasama ko. Sigurado rin ako na aabot pa sa daan-daang 'likes' ang picture namin dahil sa kaguwapuhan niya.
"Oh my god," bulong ko sa sarili, nanlalaki ang mga mata. Yumuko pa ko para mas matitigan ang manika. Mukhang may ideya na ko kung para saan ang manika na 'to. "s*x doll ka ba?"
The handsome doll had soft-looking, shoulder-length brown hair and it was beautiful. His eyes were ocean blue and they looked real, save for the fact that he wasn't blinking. His nose was pointed and perfect for his chiseled face. His pinkish lips formed a thin line, as if the sculptor copied an image of him frowning, but he was still charming. His skin didn't appear pale unlike other dolls, so he looked eerily lifelike. He was definitely a wax figure of some very good-looking boy in his late teens or early twenties.
Napansin ko rin na maganda ang bulto ng katawan niya na bakat sa suot niyang itim na long-sleeve shirt. Hindi ko sigurado kung ano ang pang-ibaba niya dahil natatakpan na ng comforter ang baywang niya pababa. Pero bagay siguro sa porma niya kung nakapantalon siya. 'Yong masikip, para uso.
Pansin ko lang din na base sa hugis ng mga binti niya sa ilalim ng comforter, matangkad siya. Siguro, nasa 5'10 ang height niya kung itatayo siya.
Ayokong sabihin ng malakas dahil magtutunog weird, pero kung naging tao siya, sobrang hot niya.
"Kiss one of the dolls and cuddle it for the whole night."
Naputol ang pagmumuni ko nang maalala ko ang challenge ni Jared. Gah, hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang mga pisngi ko habang nakatitig sa guwapong manika. Hahalikan ko siya? Well, wala naman siyang buhay. Pero pakiramdam ko pa rin, momolestiyahin ko siya.
"Stop being ridiculous, Sunny. He's just a lifeless doll," bulong ko sa sarili ko habang binubuksan ang camcorder na pabaon ni Jared sa'kin. Pagkatapos, itinapat ko ang camera sa mukha ko. Ngumiti ako, kahit alam kong ngisi ang magiging labas niyon dahil sa hindi magandang timpla ko ng mga sandaling 'yon. "Hi, Mr. All-Brawn-And-No-Brains. Sana maging masaya ka pagkatapos ng gagawin kong 'to." She raised her middle finger at the camera. "f**k you."
Pagkatapos ng 'sweet message' ko para kay Jared, tinutok ko ang camera sa mukha ng guwapong manika. Pero himbis na sa lense, sa kanya ako mismo tumingin. Para kasing hindi ma-ja-justify ng video kung gaano siya kaguwapo.
"Sorry sa gagawin ko, ha?" bulong ko sa sarili ko. Gah, kanina pa ko bulong ng bulong na para bang natatakot ako na naiistorbo ko sa pagpapahinga niya ang manika na 'to. "Kailangan ko lang talagang i-save ang pinsan ko."
Inangat ko ang kamay kong may hawak sa camcorder para masigurong nakatutok 'yon sa'kin. Pagkatapos, ipinatong ko ang isang kamay ko sa balikat ng manika. Ah, matigas 'yon at malamig, palantandaan na kalokohan lang ang naiisip ko kanina na para siyang buhay na tao.
Habang palapit ng palapit ang mukha ko sa manika, hindi ko maiwasang mapansin na para bang bahagyang nanlaki ang asul na mga mata niya. Bigla tuloy akong napaatras nang bigla akong kilabutan.
Nang tingnan ko uli ang manika, wala na kong nakitang kakaiba. Naisip ko na baka guni-guni ko lang 'yon dahil natatakot ako sa gagawin ko. Kinalimutan ko na lang dahil ayoko namang takutin ang sarili ko. Kahit mahilig ako sa mga paranormal na bagay, mas nangingibabaw pa rin sa'kin ang pagiging logical.
Humugot ako ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili ko.
I wanted to get this over and done with, so I closed my eyes this time then leaned down to kiss the strangely handsome doll. On the lips. Wow, kuryente ba 'yong naramdaman ko?