chapter 10

3621 Words
Chapter 10 "What's the problem aica? anong meron sabihin mo naman sakin oh para na akong tanga dito ". Inis kong sabi sa kanya ng sundan ko siya dito sa loob ng cottage kaming dalawa lang ang narito. Iniwas niya ang tingin sakin,ganun na lang ba kadali siyang magbago? "I told you im tired tapos sumunod kapa rin dito ,i want to rest dina". Ewan parang sumikip bigla yung dib dib ko sa sinabi niya.Lumapit ako sa kanya at siniil ng halik ang labi niya.I really miss her , i miss everything she used to do with me but kahit ilang ulit ko pang halikan ang labi niya hindi na siya tumugon . Napabuntong hininga na lang saka lumayo ng konti sa kanya.Ang sakit naman .. "What's wrong? ".Tanong ko pa rin kahit halos pumiyok na yung boses ko.Tiningnan niya ako pero saglit lang at agad na nag iwas ng tingin sakin. "please leave me alone i want to have some space ". Sagot niya ng hindi nakatingin sakin,i pursed my lips then tumango tango sa sarili ko . Lumabas na ako ng cottage at pinuntahan ang mga students kong aliw na aliw sa swimming pool. Huminga ako ng malalim bago lumusong sa pool para maligo na rin kasama sila. Graduation day! after ng ceremony's. Nagpicture picture muna kaming lahat si jen ang katabi ko nasa dulo si aica i can feel na iniiwasan niya ako. Ang sakit lang feeling ko wala na akong kwenta para sa kanya. I manage to smile sa harap ng camera kahit deep inside gulong gulo at nasasaktan ako. Nakita ko naman ang paglapit ng parents ni aica pati narin ang mga kuya nito.Niyakap siya ng mga ito . Napatingin ako sa lalaking kasunod nila may dala itong bouquet of flowers. "Ayieee ayan pala ang lucas niya". rinig kong tukso ng mga klasmeyt ni aica,kusang nagtama ang mga mata namin ni aica ng tanggapin niya ang bulak lak at halikan siya ni lucas sa pisngi.Nag iwas agad ako ng tingin dahil biglang pagsikip ng dib dib ko . If im not mistaken yan yung lucas na ex niya.Nagkabalikan na ba sila? kailan lang ito nakauwi? bakit walang sinabi sakin si aica? Bago pa man mas lalong gumulo ang isip ko ay napansin ko ang pagkaway ni michael sakin.Kumaway na rin ako dito Napatingin muli ako kay aica she's smiling while talking with lucas . Ang sakit ang sikip sikip ng dib dib ko ng makitang masaya siya ni hindi man lang ako pinansin .Lahat nagbago na sa kanya ,lahat lahat... She promised me ,i didn't forget her promised na ipakilala niya ako ngayon sa parents niya pero parang hindi na mangyari ang promise na yun. Bago paman ako maiyak ay minabuti kong umalis na sa lugar na iyon. Dumiretso ako sa office ko at doon humagulhol ng iyak. Ang sakit! Bwesit bakit ba ako nagpaloko sa kanya? bakit ba ako naniwalang mahal na mahal niya ako? Wala siyang katulad sa mga lalaki! parehong pareho lang sila ni diego! "Dina?are you there?".nagpahid ako ng luha ng marinig ang boses ni lawrence.Dali daling binuksan ko ang pinto. "Are you okay?".Tanong nito sakin ng makapasok na ito.Tumango ako sa kanya at mapait na ngumiti. "Alam kong hindi ,i know everything dina don't lie to me". Nagulat ako sa sinabi niya hindi agad ako nakapagsalita. "Yes you hear me ,i know everything between you and aica dash del valle". Napayuko ako dahil sa mixed emotion na nararamdaman hindi ko alam kung anong isasagot ko kay lawrence. "Pano mo nalaman?".Kinakabahang tanong ko sa kanya. "Doon sa hongkong nakita ko kayong naghalikan sa isang bench doon ,sinundan ko kayo dahil napapansin kong galit lagi si aica kapag kasama kita but it's not important anymore ,forget her and marry me". Hindi pa man ako naka recover na may alam siya sa amin ni aica ay muli na namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Baliw ka ba? pano mo naisip yan?, please wag mo ng dag dagan ang nararamdaman ko ngayon". Tinitigan ako ni lawrence na para bang binabasa nito ang nasa isip ko. "Ano?".Inis kong sita sa kanya ng nakatitig pa rin siya sakin. "hindi mo ako mapipilit lawrence ". "hindi kita pipilitin dina i just want you to be happy kung kinakailangang maging panakip butas ako gagawin ko". "Nahihibang ka na ba? lawrence wag mo muna akong guluhin please". "Pero dina-- Napatigil siya ng biglang may bumukas ng pinto.Nagulat ako ng makita si aica pati si lawrence ay gulat na gulat rin. "Can we talk".Seryosong sabi nito sa akin walang emosyon ang mga tingin nito sakin.Parang stranger na lang ako sa paningin niya. Senenyasan ko si lawrence na lumabas muna,nakipag titigan muna siya kay aica bago lumabas sa office. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ng wala na si lawrence.Everytime na titingnan ko siya iiwas siya agad sa mga mata ko.Ang hirap niyang intindihin! "Kailan lang kayo nagkabalikan ng ex mo?". Nagulat siya sa tanong ko ,ewan kahit alam kong natatakot ako sa isasagot niya ay ganun pa rin ang naitanong ko.Gusto ko ng clear na explanation sa kanya dahil parang mababaliw ako sa kakaisip kung bakit siya nagkakaganito. "Me and lucas are getting married ".Parang huminto sa pag ikot ang mundo ko sa sinabi niya.Habang nakatitig ako sa mga mata niyang walang emosyon ay hindi ako nakapag salita .Umurong ang dila ko . "Im breaking up with you dina".Hindi pa nagsink in sakin ang sinabi niyang marriage nila ng ex niya pero ito na naman siya .Kusang nag uunahan ang mga luha ko habang nakatitig pa rin sa kanya. "Bakit sa lahat ng taong gusto mong paglaruan bakit ako pa?".Mahina pero puno ng galit sa boses kong tanong sa kanya. "I don't love you anymore".Napansin ko ang pagpikit niya bago nagsalita ulit. "I realized that -i love lucas more than you". Napatakip ako sa bibig ko,ang sakit! bwesit ang sakit sakit!Tumango tango ako at pilit na ngumiti sa harap niya. "Congratulations!".Tanging nasabi ko na lang habang pilit na nilabanan ang sarili ,para kasing nanghihina ang tuhod ko feeling ko matutumba ako anytime. "Umalis ka na!".galit kong sabi sa kanya ngunit nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko na parang hinintay kung babagsak ba ako sa sahig. "Umalis ka na!".Sigaw ko dito sabay tulak sa kanya sa pinto,nagulat siya sa pagsigaw ko pero wala akong pakialam! sinasaktan niya ang puso ko pati pagkatao ko sinira niya! Bwesit bakit ba mas masakit pa to sa ginawa ni diego? Nakita ko ang pagbagsak ng luha sa kaliwang mata niya pero hindi ko ito pinansin masyado na niya akong dinurog! masyado na akong nasaktan! Tumalikod na siya sakin bago binuksan ang pinto at tuluyan ng nawala sa paningin ko. Hindi ko alam pero parang bumigat na lang bigla ang katawan ko hanggang sa..... blaagggggggg! After one year! "Dina anak may bisita ka ".Tawag sakin ni mama ,inayos ko muna ang mga plato sa lagayan nito bago hinarap ang sinasabing bisita . Napangiti ako ng makita si lawrence may dala itong bulaklak.Tumayo si mama at naglakad na pero huminto ito sa side ko at may binulong. 'bigyan nyo na kasi ako ng apo ,mag iisang taon na kayong kasal". Napailing ako sa sinabi ni mama sakin,tuloy tuloy lang ito sa paglalakad at pumasok na sa kwarto niya. "Naparito ka?".Inabot muna sakin ni lawrence ang bulaklak ,kinuha ko naman ito at inamoy amoy. Lawrence Montibon is my husband yeah i accept her proposal na pakasalan siya.Sa condo niya kami nakatira dahil yun ang gusto niya.Hindi ko akalaing susunduin niya ako ngayon dito sa bahay namin ,kagabi pa kasi ako narito dahil namimiss ko sina mama. "gusto lang kitang sunduin". Nakangiti nitong sabi sakin. "Wala ka bang work ngayon maaga pa ata para pupunta rito". "Well i have a meeting mamayang 1 pm ,i just dropped here para ihatid ka sa office mo". Ngumiti ako sa sinabi nito. "May meeting din ako mamayang 10 am kay mrs.del valle dahil walang pasok sa Bautista university ngayon. mukhang hindi tayo magkausap ng matagal ngayon". sabi ko dito na nagbago ng mood niya,pero ngumiti naman ito agad ng magkatinginan kaming dalawa. "Are you still working with Tasia's cup cakes?". Tumango tango ako sa kanya bilang sagot.Bago ang break up namin ni aica ay tinanggap ko na ang offer ni mrs del Valle , Naibili ko na nga ng bahay sila mama dahil sa laki ng shares na natanggap ko mula sa business namin. Magkapartner kami ni mrs del valle sa business mas lalong dumami ang nagpapasuply ng mga cup cakes or kahit sa mga malalaking cakes kaya lumago agad ang capital na ininvest ko sa company hanggang sa gawin ako nitong CEO at siya naman ang president. "Don't worry about me lawrence ang importante ngayon is yung future natin". Ngumiti naman agad ito sakin. Nagpaalam na ako kina mama at hinatid naman ako ni lawrence sa company bago siya nagtungo sa MB company. "Hello good morning let's start". Sabi ni mrs del valle ng dumating ,siya na lang hinintay namin sa meeting area. Balak naming magtayo ng branch sa davao ,sinang ayunan naman ito ng presidente na si mrs del valle sobra raw ang tiwala niya sakin kaya wala talaga siyang problema sa plano ko. After ng meeting ay naiwan kami ni mrs del valle diniscuss ko pa sa kanya ang mga bagong pasok na pera sa company maging ang mga profit na natanggap ng company pati na rin ang mga sales mula nong unang buwan pa. "That's all for now dina malaki ang tiwala ko sayo kaya alam kong safe ang company ko ". Nakangiting sabi nito sakin tumayo na ako pati rin siya. "thank you mrs del valle i promise to you that we will do everything para successful lahat ng mga projects na gagawin namin". Tinanguan lang ako nito,bago paman siya lumabas ay may inabot siya saking invitation card. "My daughter's birthday , it's our pleasure if we see you there". Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni mrs del valle . Napalunok ako ng mabasa ang laman ng invitation card. "It's dash's birthday and also our 31th weeding anniversary tomorrow ". dugtong pa nito. "Mrs.del valle i don't think i can come ,i will check my sched if i have- "No more exuses dina mas magiging complete ang celebration kapag nandun ka you are a part of our company means you're also part of our family". Hindi agad ako nakapagsalita ,hindi ko alam kung anong palusot ang gagawin ko talagang hindi ako makatanggi kay mrs del valle ayokong magtampo siya sakin pero- Ayoko pang makita siya ! this can't- be.ayoko pang makita ang anak niya. "Apparently we did this double celebration because it's so especial for us lalong lalo na uuwi na dito sa pilipinas si dash ,we miss her so much at alam ko rin na magkaibigan kayo ni dash dati kaya for sure magiging masaya siya kapag nandun ka". Pilit akong ngumiti sa kaharap ko hanggang kaibigan pa rin ang alam nila sa amin ng anak niya.Mabuti na rin yun wala na rin naman akong pakialam sa kanya. "Sure mrs.del valle expect me to be there". Mas lumawak ang ngiti nito sa labi,kaya ngumiti na rin ako dito kahit deep inside ay nakaramdam ako ng kaba sa araw na yun. "Oh thank you dina".Nakipag beso ito sakin bago lumabas .Napapikit ako ng mag isa na lang dito sa meeting area. Kaya ko to! i already forget her kaya dapat wala akong ikabahala. +++ "You can't go there dina ! alam mo naman kung sino ang may birthday ,ex mo lang naman".Galit na turan sakin ni lawrence ng mag usap kami tungkol sa invitation ni mrs del valle. "Tinanggihan ko na nga pero hindi siya pumayag ayokong magalit sakin si mrs del valle - Napatigil ako ng biglang tumayo si lawrence kita kong nagpigil ito ng galit niya.Lumapit ako dito at hinawakan ang balikat niya ngunit nanatili lang siyang nakatalikod sakin. "Lawrence alam kong nag alala ka lang sakin , matagal ko ng kinalimutan lahat at kung makita ko man siya ulit wala na akong pakialam dun lalong lalo na sa kanya". Humarap ito sakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Promise me na hinding hindi ka maapektuhan sa muling pagkikita nyo ". Ngumiti ako sa kanya at hinimas ang mga kamay nito na nasa dalawang pisngi ko. "Matulog ka na dahil may pasok ka pa sa baustista university bukas".Sabi nito sabay halik sa pisngi ko , naglakad na rin siya papunta sa kwarto niya. Nakaramdam ako ng awa kay lawrence OO kasal kami pero magkaiba ang kwarto namin na tinutulugan,isang taon kaming ganito ...Nagpakasal kami para sakin para makalimutan ang kahat ng nakaraan ko,pumayag ako sa gusto ni lawrence na maging panakip butas siya .Wala akong magawa iniisip kong matutunan ko rin siyang mahalin.Yun ang kailangan kong gawin ngayon at ayoko nang bumalik pa sa nakaraan. +++ I look myself in the mirror i wear red halter dress medyo reaveling yung cleavage ko sa suot ko pero konti lang naman ang nakita .Nakalugay ang buhok ko hanggang ibaba ng shoulder ko na maypag ka curly.I put some make up na rin on my face but slight lang .Hindi ako dapat kabahan pupunta ako ron para kay mrs del valle. Isinuot ko na ang heels na nasa paanan ko bago kinuha ang bag ko tsaka na lumabas ng kwarto. "Let's go!". Nagulat ako ng makita si lawrence may sala naka dirty white toxedo siya .Mas lalo siyang gumwapo sa suot niya. "Are you coming with me? akala ko nasa company ka pa ng umuwi ako dito". Naglakad na ako palapit sa kanya habang napansin ko naman na nakatitig lang siya sakin. "Lawrence!".Tawag ko ng nakatulala na ito habang nakatitig sakin. Agad itong nag iwas ng tingin ng mapansin ako ,pansin ko rin ang pamumula ng tenga nito. "You are so beautiful dina , sobrang ganda ng asawa ko ngayon". Nginitian ko na lang siya bago kami tuluyang lumabas ng condo niya. Pagdating namin sa bahay ng mga del valle which dito mismo ginanap ang party ay marami na ang mga tao.Pagpasok pa lang namin ay bumungad sa amin ang napakagandang bahay na nilagyan ng mga palamuti.May mga pumansin at bumati sa amin dahil kilala nila si lawrence at ganun din sakin. Agad na masagi ng paningin ko ang di ka nais nais na makita . It's aica dash del valle.Pansin ko ang pagkagulat ng mga mata nito ng makita ako bago bumaba ang tingin nito sa kamay ko na nakahawak sa braso ni lawrence.Nag iwas ako ng tingin ng biglang lumapit sa amin si mrs del valle. "Dina glad that you came"Nakipag beso ito sakin bago binalingan ng tingin si lawrence."Welcome mr.montivon".Nag shake hands lang silang dalawa.Sunod na lumapit sa amin ang asawa nito na si mayor Valentin. "Hon this is dina yung sinasabi ko sayo and her husband lawrence montibon".Nagshake hands sina lawrence at si mayor Valentin , nilapitan naman ako ng mayor para yakapin at makipag beso. "It's our pleasure to have the both of you come on let's have a seat over there para mas makapag usap pa tayo ". Dinala nila kami sa table nila kung saan nandun ang family del valle maliban lang kay aica na busy sa mga kaibigan nito.ipinakilala kami kay mike ang panganay ng mga del valle at ang asawa nitong si nicole nakipag shake hands naman kami dito. Sunod naman si michael halatang may pagkagulat pa sa mukha nito ng makita ako pero napalitan ito ng ngiti ng makipag shake hands kami sa kanya bago umupo. "Where's the celebrant? ".Tanong ni mike sa kanyang parents. "She was busy with her friends hayaan mo muna si dash namimiss lang niya ang mga kaibigan niya".Sabi naman ni mrs.del valle. "Well i guess mrs.montivon is her close friend also right?". Nagkatinginan kami ni lawrence sa sinabi ni mike,napasulyap rin ako kay michael na nakatingin na rin sakin. "Ah yes but we're not close as what you have think kasi after ng graduation nila wala na kaming communication ". Napatingin ako kay michael na nakikinig lang sa sagot ko . "Hindi naman talaga sila close magkaibigan lang sila siguro dahil dun sa activity sa Baguio pero after that wala na".Dugtong ni lawrence,pansin ko ang pagtaas ng kilay ni michael sa sinabi ni lawrence. "What a serious conversation over here!".Sabay sabay kaming napalingon kay aica na sumulpot sa likod ni michael.Nag iwas ako ng tingin ng sa akin siya nakatingin . Napansin ko naman ang kamay ni lawrence sa ilalim ng mesa na halatang pinapakalma ako.Sinulyapan ko ito at nginitian. "Ow the birthday celebrant is already here!". Nakangiting sabi ni mike ,umupo si aica sa tabi ni mrs del valle which opposite sa kinauupuan namin ni lawrence.Todo hagod si lawrence sa kamay ko,ewan ko ba sobrang lakas ng t***k ng dib dib ko hanggang ngayon pa rin kasi nasa akin ang mga mata ni aica. "Ang saya naman nun kuys!galing mong mag introduce ".maya mayay sabi nito ,salamat na lang dahil wala na sa akin ang tingin nito.Nagtawanan ang magkapatid , nagsimula na silang kumain at kung ano ano pang usapin tungkol kay aica sa ibang bansa. Tahimik lang akong kumain nakakawalang gana talaga.Panay sulyap naman si lawrence sakin. "Is the left hand of mrs.montivon alright?". Napatingin ako kay aica ,ako ba ang tinutukoy niya? Bwesit ako lang naman ang asawa ni lawrence diba? Sabay sabay tuloy silang napatingin sa kamay kong nasa ilalim ng mesa hawak hawak ni lawrence ito. "Of coarse it's alright i was just holding her hands below".Nakangiting sabi ni lawrence ,ngayon ko lang napansin ey habang kumakain ay isang kamay ko lang ang ginamit while iyong kanang kamay ni lawrence ay ginamit niya paminsan minsan everytime na kukuha siya ng pagkain for me or para rin sa kanya but after ay binalik niya ulit ito sa pagkakahawak sakin. "Well that's kind of sweet ,ang sweet ninyo bagay talaga kayo ang swerte nyo sa isat isa".Nakita kong nag roll eyes si aica sa sinabi ni nicole ang asawa ni mike.Ngumiti naman yung iba at sumang ayon sa sinabi ni nicole. "Yes ganito talaga si lawrence sobrang sweet kahit nga sa bahay ".Sabi ko naman sabay lagay ng kamay ko sa mesa.Hindi ko na pinansin ang mga matang nakatitig sakin dahil alam ko na kung kaninong mata iyon at wala na talaga akong pakialam sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa pagkain hanggang sa nagkaroon ng speech ang mag asawang del valle , pati na rin ang anak nilang may birthday. Nakakainis bakit ba kasi sobrang lakas pa rin ng kabog sa dib dib ko kahit wala na siya dito sa table. Nasa stage na siya kasama ang kanyang parents. "Okay ka lang ?". ngumiti ako kay lawrence at tumango tango. "Ikaw gusto mo bang umuwi na tayo?".Tanong ko pabalik sa kanya, Hinalikan nito ang kamay ko . "No let's stay here for awhile ,im so proud of you ,you did great kanina kahit alam kong nanginginig ang kamay mo". Hinalikan ulit nito ang kamay kong hawak hawak niya .Hindi ko maiwasang hindi ngumiti sa ginawa niya.Nahagip ng dalawang mata ko ang mga titig ng isang taong halos hindi gumalaw ang pilik mata sa kakatitig sakin. Hindi ko ulit ito pinansin ayokong magpapaapekto sa kanya dahil matagal na akong walang pakialam sa kanya. Nagfocus na lang ako kay lawrence habang kausap ito. Ilang oras din bago kami nagpasyang umuwi ni lawrence nagpaalam na rin kami kay mrs del valle . "lawrence mag c-cr lang ako kanina pa ako naiihi ey". Pigil ko kay lawrence habang naglalakad kami. "Sure I'll go with you hinihintayin na lang kita sa labas ng girl's comfort room".Hindi na ako umangal pa kay lawrence alam kong nagwoworry lang siya sakin. After ko mag cr lumabas na ako ng cubicle Nanlaki ang dalawang mata ko kung sino ang taong nakasandal sa pader ng cr. Nakatitig na naman siya sakin ngunit hindi ko siya pinansin naghugas ako ng kamay pagkatapos pinunasan ko ang basa kong kamay . Sinulyapan ko ang reflection niya sa mirror ng comfort room ganun pa din ang reaction nito nakatitig lang sakin. Napailing na lang ako sa sarili parang baliw lang! Lalabas na sana ako ng biglang hawakan nito ang braso ko.Bwesit na dib dib to bumilis na naman .Ramdam ko ang malambot nitong kamay sa aking balat. Nilingon ko ito at binigyan ng what look! ngunit nanatili lang siyang nakatitig sakin. Nong alam kong hindi na siya magsalita ay kinuha ko ang kamay niya sa braso ko at akmang lalakad na ng bigla na naman niyang akong wtf!!!----- Nakayakap siya sa likod ko! ramdam na ramdam ko ang mga kamay nito sa bandang tiyan ko habang ang mukha niyay ipinatong sa balikat ko. "I miss you so much". Kinilabutan ako sa bulong nito , No hindi na ako apektado sa kanya!hindi! pinilit kong ikalma ang sarili ko dahil feeling ko puputok na tong dib dib ko sa sobrang bilis kumabog. "Let go of me! ".Sita ko sa kanya ngunit mas humigpit ang yakap nito sa tiyan ko. "I wish i have never let you go,how i wish i have never did anything to you". Napapikit ako sa sinabi niya pilit kong inalis ang mga kamay niya tsaka ko siya hinarap. "Past is past miss del valle..infact wala na akong maalala sayo ".Nakita ko agad ang namumuong luha sa mga mata nito pero hindi ko na ito pinansin pa. "My husband is waiting for me , happy birthday by the way". Agad akong lumabas ng comfort room , napalunok ako ng maalala ang nangyari sa loob pero agad kong kinalma ang sarili ng makita si lawrence ,hinila ko na ito palabas ng bahay ng mga del valle. end of chapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD