chapter 11

3566 Words
Chapter 11 Aica's pov: "So anong plano mo ngayon? ". Tanong ni alexa sakin,Sinabi ko sa kanila kung anong nangyari sa pagkikita namin ni dina.One week na yun pero para sakin parang kahapon lang kami nagkita. "I still don't know lex maybe i will avoid her ,i really don't know but I don't think i can't do it ngayong nakita ko siya ulit". Napainom ako sa hawak kong champagne dahil naalala ko na naman yung time na niyakap ko siya.S-hit i miss her so much kung pwede lang sana siyang dukutin sa lawrence na yun ginawa ko na. Sobrang sakit para sa akin na yung babaeng mahal na mahal ko nasa bisig ng ibang tao natutulog.She's married and i can't have her anymore! I still remember how i hurt her before durog na durog ako ng gawin ko yun sa kanya dati. Yung pakikipaghiwalay ko sa kanya mas doble ang sakit na nararamdaman ko nun but still im happy because lucas died happily kasi nagawa ko yung hiling niyang magpakasal kami kahit na alam kong mawawala sakin si dina . "Bakit di ka na lang bumalik sa LA para makalimutan mo siya ". Napatingin ako kay alexa ,ayoko ng bumalik sa LA ..ngayong malubha ang kalagayan ni mom,she has a leukemia ginagamot na siya ngayon.Gusto niyang ako ang papalit bilang president sa TCC company hindi ako makatanggi kay mom ayoko siyang biguin sa hiling niya. "You know my mom's condition i can't leave her lex". Naramdaman ko ang paghimas ni alexa sa balikat ko.Napabuntong hininga na lang ako bago ininom ang hawak hawak kong champagne. +++ "Yes hello". "Miss president , mrs.montivon is on her way to your office now". Rinig ko sa kabilang linya,binaba ko na ang telephone saka huminga ng malalim .Makakaharap ko ulit siya and im feeling nervous. Araw araw ko na pala siyang makikita dahil magkasama kami sa trabaho mula ngayon. "Mrs- Hindi natuloy ang sasabihin ni dina ng makita niya akong nakaupo sa chair ni momy hindi rin kasi niya alam na ako na ang bagong presidente ng TCC.Gulat na gulat ito ng makita ako. Ngumiti ako sa kanya . "Have a seat mrs.montibon".Nakataas ang isang kilay ko ng makitang nakatulala na siya. "Ahm- whe-re is mrs del valle ,i want to talk to her about the project- "Talk!".Putol ko sa kanya kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Come on mrs.montibon have a seat please and let's talk about it". Nakangiting sabi ko sa kanya ngunit nanatiling nakatingin lang siya sakin. "Im not joking here miss del valle , seriously i really want to talk to mrs del valle right now". Ngumisi ako sa harapan niya ,hindi talaga siya naniwala sakin. Nakita ko pa ang pag irap niya ng ngumisi ako . "im serious here mrs.montibon..i think you're secretary didn't mention it to you that im the new president of TCC". Ngumisi rin ito sa harapan ko at kahit pilit lang niyang itong ginawa ay mas lalo siyang gumanda sa ngiti niyang pilit. "Binalak mo bang sundan ako dito mismo sa company ng momy mo? You look like being desperate ".Nagkasalubong ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Kahit anong gawin mo or kahit saang lupalop man ng mundo ay susundan mo pa rin ako nagsasayang ka lang ng oras mo miss del valle,Hindi na ako interesado sa mga katulad mo lalong lalo na sayo!".sabi nito sabay alis at lumabas ng office ni mom. Napapikit ako ng mariin ,nasaktan ako sa sinabi although hindi ko naman tlaaga siya sinundan dito nagkataon lang na ako ang pinalit ni momy sa pwesto niya habang nagpapagaling pa siya pero yung sinabi ni dina kanina parang tumagos sa kaloob looban ko .Ang sakit!.Huminga ako ng malalim para mawala ang sakit na nararamdaman. "Hello jolina kindly please email all the board members that i want an urgent meeting ! right now!". Binaba ko agad ang telephone saka hinilot ang sentido ko dahil parang sumasakit ito . Gusto kong ipaalam sa lahat na ako na ang bagong presidente ng TCC .I want to see dina's reaction, Tanggap ko na wala na talaga siyang feelings for me but my heart keeps on beating for her.Habang nabubuhay ako mananatili ako sa kanya kahit masakit makita ko lang siya araw araw masaya na ako. +++ "Congratulations miss del valle it's our pleasure to have you as our new president of TCC company" .Bati sakin ng isang board member ,lahat sila binati at nakipag shake hands sakin maliban lang kay dina na busy sa pagbabasa ng papels na nasa harap niya. Nang makalabas na ang iba ay nakita ko ang pagtayo niya at tumingin ng deretso sakin. "So ikaw na pala ang bagong presidente dito congrats! I just hope for the justice of this company ,mrs.del valle will always be the best whatever her reason is ,sana nga lang mapapantayan mo siya". Sabi nito sakin na nakatitig sa mga mata ko,Her eyes is now different from those eyes that I've always seen before.Ibang iba na wala na akong nakikitang pagmamahal sakin. "Are you trying to say na hindi ako magaling". Nakangiting sagot ko sa kanya,nanatili ang titigan naming dalawa . "Wala ako sinabing ganyan miss del valle, anyways i want to represent to you this".Binigay nito ang isang papel inabot ko naman agad at binasa. So may project na palang nakalaan sa davao at may pirma na rito si momy . "Well let's have a seat and discuss it to me- "No need miss del valle nakausap ko na ang momy mo kanina at approved na sa kanya ang lahat ,she want me to hand it to you para alam mo ang mga nangyayari sa company". Sabi nito sabay labas na ng meeting area,napaawang ang labi ko dahil dun. She's different! Ibang iba na siya ngayon,and im so proud of her...I know how Smart she is nong teacher ko pa siya sa bautista university but now mas lalo kong nakita ang pagiging smart niya.Mas lalo rin siyang gumanda ngayon ... Bukas na pala ang flight niya papuntang davao bibisitahin niya ang lugar kung saan itatayo ang bagong branch ng TCC. +++Dina's pov: Sasakay na sana ako sa private plane ng company ng mapansin kong may nakaupo na sa loob .Nandun na rin ang secretary ko pati na rin ang ibang staff ko pero agad na nakaagaw ng pansin ko ang babaeng malapad na nakangiti sakin. Nakangiti ito sakin pero inirapan ko lang ito at sumakay na rin sa loob. Pati ba naman dito susundan niya pa rin ako.. Umupo ako sa kabilang side ayokong mapalapit sa kanya dahil sa tuwing nakikita ko siya bumabalik lahat ng sakit at alaala nong araw na nagbago siya sakin at hanggang sa hiwalayan na lang niya ako bigla. Ang hindi ko lang maiintindihan ay kung bakit del valle pa rin ang dala dala niyang apleyido eh kinasal na siya kay lucas noon. At hindi ko rin nakita si lucas maging nong birthday niya.Bakit kaya?nasan kaya ang asawa niya? Mag tatanong pa sana ang isip ko ng may napansin akong tumabi sa gilid ko . "anong gina- "Shhh wag ka ng magtanong suotin mo na yang seat belt mo dahil ilang minuto lang ay lilipad na tayo". inis na sinuot ko ang seat belt bakit ba siya tumabi? ano na naman bang trip niya sakin? At higit sa lahat bakit pa siya sumama rito? Napansin ko ang paggalaw ng airplane kaya napabuntong hininga na lang ako tsaka pumikit.Napadilat ako bigla ng maramdamang may nakatitig sakin kahit na hindi ko ito tiningnan ay alam kong nakatitig si aica sakin.Napalunok ako saka lumingon sa kabilang side .Yung puso ko daig pa sa nakipag karerang kabayo sa bilis. "You look more beautiful when irritated". Hindi ako lumingon sa kanya nanatili akong nakatingin sa ulap dahil feeling ko namula ako sa sinabi niya .Why i am blushing right now?Bakit iba ang naging epekto sakin sa sinabi niya. Nakarating agad kami sa davao,baba na sana ako ng mag abot ng kamay si aica sakin.Hindi ko ito pinansin tuloy tuloy lang ako sa pagbaba.Pansin ko ulit ang pagtitig niya sakin ngunit tuloy lang akong naglakad papunta sa sasakyan namin. "Mrs.montivon sumabay ka na po kay miss President,may pag uusapan daw kayo tungkol sa project".Sabi sakin ng secretary ko. "Why? wala na akong kailangang i discuss sa kanya,sa inyo na ako sasabay".Sabi ko sabay lakad papunta sa van namin ngunit pinigilan ako ng secretary ko. "Maam please ,baka mawalan kami ng trabaho medyo strict po si miss president sa amin- "Mawalan ng trabaho? regine ,secretary kita hindi ka matatanggal sa trabaho unless ako ang magpatanggal sayo".Nakayuko lang ang secretary ko ,iniwan ko na ito at akmang sasakay na ng van ng biglang magsalita ang driver . "Maam medyo overload na po yung sasakyan,baka po may mag suggest na makisabay sa kabilang van". Napatingin ako sa loob punong puno na yung van dahil kasama ko ang mga staff ko plus nasa likod ko pa si regine ang secretary ko. Inis na umatras ako at naglakad sa papunta sa van ni aica,bumukas agad ang pintuan ng palapit na ako. Pilit kong inalis yung inis ko ng makita si aica na nakaupo na sa loob.so tabi kami? Walang imik na umupo ako sa tabi niya. Bakit sa tuwing malapit kami sa isat isa sumulpot naman tong mga kabayo sa dib dib ko? Wala na akong gusto o Pagmamahal kay aica .Kung may nararamdaman man ako yun ay galit at poot . "What do you want me to discuss to you?".Tanong ko ng umandar na ang sasakyan. "Nothing". Napalingon ako sa sagot niya,napapikit ulit ako sa inis kung pwede lang sanang sapakin tong katabi ko ginawa ko na! nakakainis bwesit! "Seriously? ano bang trip mo ? gusto mo pang takutin ang mga staff ko dahil sa trip mo!". Ngumiti lang ito sakin pero inirapan ko siya agad.Narinig ko naman ang mahinang tawa niya.Napalunok ako dahil isang taon ko na ring hindi narinig yun. "I just want you to be with me ,mas panatag ako kapag kasama kita dito at sumasaya ang araw ko kapag nakikita kita ". Halos mabitawan ko na ang hawak hawak kong folder sa narinig .Bakit ba niya sinasabi lahat yun? bwesit pinagtitripan na naman ba niya ako katulad ng dati ? At kapag makuha niya ulit ako saka niya ako hiwalayan? No! hindi na ayokong ng maging tanga ulit! Wala kaming imikan hanggang sa nakarating kami sa lugar ng pagtatayuan ng project.Sinalubong agad kami ng may ari ng lupa. Medyo madilim na ng matapos naming kumbinsihin ang may ari.Aaminin ko man sa hindi ay nagpasalamat ako kay aica dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi namin makumbinsi ang may ari . Napanga nga pa nga ako Everytime na nagsasita siya at mag explain sa may ari ng lupa. Una ako ang gumawa ng paraan kung paano makumbinsi ang may ari but i failed buti na lang kasama namin si aica.. Perfect kasi ang lugar na ito sobrang lawak . +++ "Thank you kanina".Hindi ko napigilan ang sarili ko ng sambitin ang mga katagang ito kay aica ng magdinner kami sa isang hotel dito sa davao. Ngumiti ito sakin medyo namula pa siya ng tingnan ko ito. "It's okay the place is good i can smell how successful the project is". Nakangiting sabi nito sakin , nagpatuloy lang ako sa pag kain,medyo nakaramdam kasi ako ng hiya after what i had said sa meeting namin doon sa company kahapon. Pagkatapos ng discussion namin ng mga staff ko para sa plano bukas ay nagpasya kaming matulog na.its 11 pm na rin kasi. Pumasok na kami sa mga rooms namin. Pag pasok ko palang agad akong naghalfbath bago nagpalit ng damit. Hihiga na sana ako ng mapansin ang tawag mula kay lawrence. Napangiti ako sa nakita, sinagot ko ito agad. "heloo?". "Hai kumusta dyan? ". "Okay naman katatapos lang namin sa work ,ikaw ba bakit hindi ka pa natulog?". "Hindi ako umuwi sa condo im here sa isa sa mga friends ko ,may birthday kasi medyo may nagkaroon ng inuman". 'Hai dina' Rinig ko naman ang pagbati ng mga kaibigan ni lawrence sakin.May narinig din akong boses ng babae pero agad kong iniwaksi sa isipan iyon.He deserve to be happy kaya hahayaan ko siya sa mga gusto niyang gawin. "Sige na matulog na ako goodnight ,enjoy ".Sabi ko bago ibinaba ang phone. Humiga na ako saka pumikit ngunit bumalik sa isipan ko ang mga sinabi ni aica nong sakay kami sa isang van kanina. Umiling iling ako saka pilit na pumikit.i don't care about her anymore!Ayoko ng magpakatanga pa ulit sa kanya. Kinabukasan ay agad naming sinuri ang lugar sa para sa gagawing project.May mga kinuha na rin kaming engineer at construction workers. Habang si aica ni hindi ko man lang nakita magmula non kagabi .Hindi din ito lumabas sa kanyang room sa hotel.Anong ginawa niya rito? ayaw naman pala niyang tumulong? Habang nag uusap kami ng engineer na si mr matteo ay nahagip ng dalawang ko si aica may kasama siyang babae.Napakunot ang noo ko ng makilala ang kasama niya. 'Miss santos?' Kunot noo kong tanong sa sarili,kaya pala hindi siya lumabas mula kagabi dahil may kasama siya?"Ano naman ang paki ko?" inis kong bulyaw sa sarili. "Yes mrs Montibon ? wala kang paki kung matibay ang pagkakagawa?". Naguguluhang tanong ni mr matteo sakin.Bwesit narinig pala niya. Ngumiti ako sa lalaki . "No i mean im sorry i was just out of my mind mr matteo ,let's talk about it some other time kailangan ko pang puntahan ang mga staff ko". Naglahad ng kamay ang lalaki tinanggap ko naman iyon bago nagpaalam sa isat isa. Nilapitan ko sina regine para alamin ang status ng pinapagawa ko sa kanila. "How are you here?". Napalingon kaming lahat kay aica na kararating lang may dala dala itong dalawang box ng pizza , napatingin ako sa likod nito akala koy kasama nito si miss santos pero mag isa lang siya. "Okày naman po miss president ".Sagot ng isa sa mga staff. "Well itigil nyo na muna yan ,tara merienda muna tayo". Nakangiti nitong saad sa amin,wala na rin akong nagawa dahil alam kong pressured ang mga kasama ko at need nila ng free time. Habang kumakain ay lihim akong napasulyap kay aica busy siya sa pakikipag usap sa mga staff ko. Hindi pa rin siya nagbago ,maganda ,jolly palangiti ,dati payat siya na matangkad pero ngayon mukhang tumaba siya .At bagay sa kanya iyon hindi naman mataba talaga , malaman lang ng konti kesa dati. Nag iwas agad ako ng tingin ng lumingon siya sa gawi ko parang nag init pa ang mukha ko sa nangyari.Nakakahiya ! "Hey sorry nalate ako".Sabay sabay kaming napalingon sa narinig , nagulat ako ng makita si miss santos may dala itong mga drinks na agad naman siyang tinulungan ng isa sa mga satff ko na lalaki.After nun sa activity sa Baguio ay ngayon ko lang ulit siya nakita. "Thank you mica ". Nakangiti na salubong ni aica sa kanya.Nag iwas ako ng tingin ng binigyan siya ni aica ng isang slice ng pizza at sabay silang naupo sa sa upuan. Hindi ko na sila pinansin dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng makita sila. Kumuha ako ng isang drinks bago nagpaalam sa mga kasama ko na magpapahangin lang muna. Bwesit! bakit nakaramdam ako ng ganito ? ganitong ganito ang pakiramdam nong una ko silang nakita na magkasama sa Baguio dati. Napabuntong hininga na lang ako bago ininom ang hawak kong drinks. "hey ". Tumingin ako sa lalaking tumawag sakin di kalayuan sa kinauupuan ko.Nakita ko ang paglapit nito habang nakangiti. "I knew it ,its you!".Sabi nito ng nasa harapan ko na ito. "Mr matteo? anong ginagawa mo dito?".Tanong ko sa kanya. "Nasa kabilang site ako ,may kinausap lang ako dyan ".Tinuro nito ang isang factory. "Until i saw you here,by the way im justin matteo ". Naglahad ito ng kamay sakin. "Dina Montibon ".Sabi ko at nakipag shake hands sa kanya. "Hindi na ako nakapag pakilala sayo kanina dahil medyo wala ka sa mood ,you look annoyed din". Nag iwas ako ng tingin dito,nakakahiya kasi .. "Im sorry mr matteo ,medyo wala talaga ako sa mood kanina at Pasensya na rin dahil sa nasabi ko".Tilay nahihiyang sabi ko sa kanya. Kwento ito ng kwento tungkol sa trabaho niya ,ke lalaking tao ang dal dal.I think nasa 30th na ang edad niya dahil matured na itong tingnan ,gwapo at makisig rin ang pangangatawan niya. Nagpasya na kaming bumalik sa site kung saan itatayo ang projects ,sumabay na rin sakin si mr matteo dahil may kailangan rin daw siyang e check sa lugar. Pagdating namin ay nasa work station na ang mga kasamahan ko.Pati si aica na akala koy umalis na ay nandun rin pero wala na naman doon si miss santos. Nakatingin siya sa amin,i don't know but i can see the anger of her eyes .Hanggang sa mapalapit kami ni mr matteo ay kitang kita ko pa rin ang galit sa mga mata nito. "Ahm mr matteo this is our president miss aica del valle". Ngumiti ang lalaki sa kanya ngunit walang ka emo emosyong tiningnan lang siya ni aica. "So you're the engineer ,how are you sure that this place is secured and safe?".Cold nitong tanong sa lalaki . "Yes maam but im here to check again the site and i can assure you that we put everything so that the establishment is strong ". Nakangiting saad ni mr matteo ngunit nanatiling walang emosyong tiningnan lang siya ni aica.What's her problem?.. AWKWARD na ngumiti na lang si mr matteo ng hindi sumagot si aica. "We trust you mr matteo". Nakangiti sabi ko sa lalaki para mawala ang hiya sa paligid. "Thank you dina". Awtomatikong napataas ng kilay niya si aica ng tingnan ko ito ,maging ako hindi makapaniwala na tawagin ako ni mr matteo sa aking pangalan .Hindi ko na lang ito binigyan ng deal at nginitian na lang ang lalaki. "Mrs.montibon can i talk to you ! follow me". Nauna ng naglakad si aica,gusto ko sana siyang tanungin kung bakit ? pero naglakad na ito palayo sa amin.Muli ko na lang tiningnan si mr matteo na nakatingin na rin sa akin para magpaalam. Hindi ko alam kung ano na namang pakulo ni aica to bakit kailangan sa room pa talaga niya kami mag usap ! pwde namang sa labas. "anong pag usapan natin?". Kabadong tanong ko , nakatalikod siya sakin ewan kung bakit ako kinabahan ngayon? bwesit nandito kami ngayon sa room niya walang ibang tao kami lang. "Are you having affair with your husband?". Nagulat ako sa tanong niya,sa lahat ng pwedeng naming pag usapan ito pa? Nakaramdam ako ng inis sa tanong niya this time ay nakaharap na siya sakin. "Ano bang klaseng tanong yan ? ano ba talaga ang gusto mong pag usapan natin nasasayang lang ang oras ko dito!".Inis kong sabi sa kanya ,tatalikod na sana ako ng bigla niya ako hawakan sa magkabilang braso ko. "Ano ba!bitiwan mo nga ako".inalis ko ang dalawang kamay niya sa braso ko.At nakipagtitigan sa kanya ng walang takot at kaba! "Ano naman sayo kung nagloko ako sa asawa ko ? may epekto ba nun sayo?".She look away from my eyes means meron talaga. "Kung iniisip mong niloloko ko si lawrence dahil nakita mo kaming magkasama ni mr matteo pwes wala ka dun,wala ka ng pakialaman dun-- "May pakialam ako dina!". Nagulat ako ng bigla ako nitong tawagin sa pangalan ko.Biglang na lang sumulpot ang mga kabayo sa dib dib ko.Napalunok ako ng paulit ulit dahil dun . "T-this is nonsense!".Mahinang sabi ko sa kanya at tumalikod na dito bago pa man ako makalapit sa pintuan ay naramdaman ko na naman ang mga kamay nito sa bandang tiyan ko. Naka back hug na siya sa sakin para na naman akong nanghina sa ginawa niya feeling ko kailangan ko ng makapitan dahil baka matumba ako. "Im jelous".Sabi nito , naramdaman ko rin ang bawat paghinga nito sa bandang tenga ko konting galaw ko lang ay mahalikan na ako nito sa leeg .Bakit ba siya ganito? bakit ba ganito ang epekto niya sakin? "I don't know if i have the right to feel this but i am really f*****g jelous when other man go near you even touches your hand,Im so crazy i can't control myself ,hindi ko alam kung bakit ganito ". Napapikit ako ng mas humigpit pa ang yakap nito sakin.Kinilabutan ako sa mga sinasabi niya.Hindi ako makagalaw ,ayokong gumalaw ....sobra ang kabog sa dib dib ko feeling ko pinapawisan na ako kahit malakas ang aircon sa kanyang room . "Please let's stay like this,i miss you so much". Napakagat ako sa labi ko hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Parang blanco ang isip ko.Ilang minuto ay naramdaman kong wala na ang mga kamay niya sa tiyan ko ngunit nagulat ako ng mapansing nasa magkabilang braso na ito.Hindi ako nakaimik ng iharap niya ako sa kanya . Umiiyak ba siya? Nakita ko kasing namumula ang dalawang mata niya. Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sakin ,Hindi talaga ako makagalaw feeling ko naestatwa na ako sa harap niya. "Ai-aica".Sambit ko sa pangalan niya ng mas lumapit pa ang mukha niya sakin.Sobrang bilis na rin ng mga kabayo sa dib dib ko hanggang sa napapikit na lang ako at hinintay ang pagdampi ng labi niya ngunit napadilat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. end of chapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD