Chapter 12
Bumalik na kami ng maynila after masecured na namin na safe ang lugar na pagtatayuan namin ng bagong project.
After ng huli naming pag uusap ni aica sa room niya ay hindi ko na siya ulit nakita hanggang sa pabalik na kami ng maynila,ang alam koy nauna na itong nagpahatid sa private plane ng kompanya.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya sa Lahat ng sinabi ko,galit ba siya? nasaktan ko ba siya?
Flashback:
After namin mag usap ni lawrence ay ibinulsa ko na ang aking cellphone.
"You're husband seems missing you so much right now".Maya maya pay sabi nito na nakatingin sakin.Kita ko ang lungkot sa mukha niya pero bakit? bakit niya ito ginawa sakin gayong may asawa na siya at nasan ang asawa niya ngayon?Ayoko na ring magtanong hindi naman ako interested na sa kanya.Pero bakit nga ba niya ito ginagawa sakin?
"But he don't know the things you did here ,making laugh with someone else no! mali with some other man out there".
Galit ko siyang hinarap pero bakit lungkot ng mga mata niya ang nakikita ko?
"Pwede ba tumigil ka na dyan sa pinaniniwalaan mong nagloko ako sa asawa ko! In the first place wala ka ngang pakialam dun-
"may pakialam nga ako!
Putol niya sakin,saglit kaming nagkakatitigan.
"Really? kailan pa aica? kailan pa? baka nakalimutan mong iniwan mo na lang akong bigla ...tapos ngayon babalik ka para sabihin ang lahat ng yan na may pakialam ka sakin? Unang una matagal na kitang kinalimutan lahat lahat ng nangyari satin! ". Napalunok ako bago nagsalita ulit dahil di ko kayang sambitin ang mga katagang nasa isip ko ,
Naghihintay lang siya sa sunod kong sasabihin. "At ma-hal ko ang asawa ko ,siya ang tumulong sakin para makalimutan ang lahat ng katangahang ginawa mo sakin kaya please tumigil ka na!".
Umalis na ako sa room niya,hindi naman siya sumunod sakin kaya nakahinga ako ng maluwag dumiretso ako sa room ko para makapag isip ng mahusay.
end of flashback
Pumasok na ako sa company ng biglang magkasalubong kami ni aica sa hallway.Mugto ang mga mata niya halatang galing pa sa pag iyak.Umiwas siya ng tingin sakin at tuloy tuloy lang sa paglalakad.
Anong nangyari? ako ba ang dahilan ng pag iyak niya? bakit nakaramdam ako ng ganito? bakit parang nasaktan din ako sa nakita ko ?
Pilit kong iniwaksi sa isipan ang mga tanong at nagpatuloy paglalakad.
"Maam you have a meeting with mr.sandoval this 3 pm ".
Sabi ni regine sakin ng makapasok sa office ko, Tumango ako dito saka siya lumabas .Bwesit bakit mukha ni aica ang nasa isip ko? yung tagpo namin kanina .
'Hays no im not into her again! ayoko na i promise myself na matutunan ko ring mahalin si lawrence'
Napapikit ako sandali saka ulit nagtrabaho sa harap ng laptop.Medyo marami ang investors this month , napangiti ako sa nakita magiging proud ulit si mrs.del valle nito.
Nasan na kaya siya? hindi ko na siya nakita dito after sa celebration nila.Si aica na ang pumalit sa kanya bilang presidente ng TCC
Ilang oras ang lumipas nagpasya akong lumabas na ng office para kumain hindi pa kasi ako naglunch after ng klase ko sa baustista university ay Dumiretso agad ako dito.
"Wait-".Isasara na sana ang elevator buti na lang nakahabol ako ngunit napatigil ako ng makitang si aica pala ang nasa loob.Napalunok muna ako bago pumasok, tumingin lang siya sakin saglit pagkatapos ay nag iwas na siya ng tingin .Still mugto pa rin ang mga mata niya? Gustong gusto ko siyang tanungin pero hindi ko magawa.Nanatiling tahimik ang paligid namin.
"WTF!".Sambit niya ng biglang nagstop ang elevator OMG! na stuck kami! Brown out ata takot pa naman ako sa dilim.
Umusog ako ng konti sa kanya ,Kahit madilim ay naaninag ko ang mukha niyang lumingon sakin dahil nagdikit ang mga braso namin ng umusog ako.
"Are you okay?".tanong niya ni hindi ko na makuhang sumagot dahil parang nanginginig na ang buong katawan ko sa takot.Umaataki na naman ang nerbyos ko naramdaman ko na lang ang mga kamay niya sa braso ko. "Dina are you okay? please talk!".May pag alalang tanong niya sakin ngunit parang nanghihina na ako.
"s**t what happened?".tarantang tanong niya ng napasandal na ako sa kanyang gilid,buti na lang at nahawakan niya ako agad kundi bagsak na ako sa sahig.Sobrang nanghina na ako pati tuhod ko hindi ko na maituwid sa pagtayo.
Ramdam kong dahan dahan niya akong inalayan paupo sa floor.
"Please talk dina, what happened ? come on!"
May halong inis at pag alalang tanong niya ,kumalma na ang katawan ko ng yakapin niya ako,napasandal nalang ako sa balikat niya dahil feeling ko comfortable ako sa ginawa niyang pagyakap.
"M-y ner-vous at-tack".utal at mahinang sabi ko sa kanya.
"s**t! come on ! ayusin nyo na to! heyyy!".Sigaw niya as if namang may nakarinig sa kanya.
"don't worry im okay right now".Mahinang sabi ko sa kanya para siya naman ang kumalma,Ramdam ko kasing nataranta at nag alala siya sakin. naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sakin.Sobrang lakas na naman ng mga kabayo sa dib dib ko.
Hanggang sa bigla na lang sumulpot ang ilaw.Ilang minuto kaming ganun ang sitwasyon hindi pa rin kasi siya bumitaw sa pagyakap sakin.Bakit ba kasi comfortable ako sa mga yakap niya bakit?
"Come on,i will take you to the clinic ".Sabi niya sabay tulong sakin sa pagtayo.Ayoko ng umangal pa dahil talagang nanghihina pa rin ako .Bumukas agad ang elevator ,maraming security ang nasa labas tinulungan nila kami .
"Miss president okay lang ba kayo?".
Tanong ng isang staff sa company.
"No we're not ! i will take mrs.montibon to the clinic please tell them we have an emergency!". seryosong sabi niya sabay hawak sa kamay ko para namang may namuong kuryente na gumapang sa buong katawan ko sa ginawa niya.
"Im okay -
"No you're not! dadalhin kita sa clinic para makainom.ka.ng gamot".
Ayoko ko pa sanang umangal pero pinagtitinginan kami ng mga tao sa loob ng company ,may mga security naman kasi ang nakasunod sa amin sa kanila na lang ako sasama .
"May mga security naman sa kanila na lang ako magpahatid".Bulong ko sa kanya sa may tenga habang naglalakad kami napansin ko naman ang pamumula ng mukha niya at paglunok niya ng paulit ulit.
"Maam okay lang ba kayo?". Salubong sa amin ni regine ang secretary ko.
"Okay lang ako regine". Huminto muna ako at hinarap si aica kinuha ko na rin ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya. "Si regine na lang ang maghatid sakin sa clinic total secretary ko siya ".
"Oo.nga miss president nakakahiya naman sayo ako na po ang bahala sa kanya".
Sabi ni regine sabay lapit sakin at inakbayan ako sa balikat para alalayan sa paglakad ngunit napansin ko ang pagtitig ni aica sa kamay ni regine na nakaakbay sakin.
"She's not coming with you ,ako ang magdadala sa kanya sa clinic".Mayamaya'y sabi ni aica sabay kuha sa kamay ni regine sa balikat ko bago niya hawakan ang kamay ko. "Go check dina's office may mga papers pa dun na kailangan mong trabahuin and cancel all the meetings that dina have".Dugtong pa niya sabay hila sakin palayo kay regine.
Bago pa man kami makalayo ay nilingon ko si regine at senenyasang bumalik na sa office.
Pagdating sa clinic ay sinalubong agad kami ng mga nurses.
Cheneck nila ang BP ko habang si aica naman nasa gilid lang nakatingin sakin.
Binigyan na rin nila ako ng gamot .
"You okay now?".Tanong niya ng makalabas kami sa clinic.Tumango tango ako sa kanya bilang sagot.Hindi na ako makatingin sa kanya dahil hindi ko na maintindihan ang sarili ko .Para kasing unti unti ng nawala yung galit ko sa kanya .
"I think you shoud go for now to take some rest total nandito naman si regine ,she can handle anything i guess".
Umiling iling ako sa sinabi ayokong maging pabaya sa trabaho ko,OO CEO ako ng kompanya but it doesn't mean na ipaubaya ko na lang sa secretary ko ang trabaho ko.
"Ayokong umuwi muna okay na rin naman ako ".Sabi ko sa.kanya na nagpahinto sa kanya sa paglalakad kaya huminto na rin ako para harapin siya. "Look nagpapasalamat ako sayo dahil kanina but you can't demand me ".
"Ok! then let's go!".Bigla na lang akong hinila nito sa labas ng company hindi na ako nakaangal dahil gutom na ako,pumasok kami sa isang restaurant na pagmamay ari din nila ni aica ang kuya mike at ate nicole niya ang namamahala dito .
Umupo agad kami pagkatapos naming mag ooder.
"tagal ko ng hindi nakakain dito".Sabi niya sabay lingon sa paligid wala ang mga kapatid niya dahil may meeting raw ang mga ito.
Hindi ako sumagot bagkus ay tinitigan ko lang siya.Hindi ko na maintindihan ang sarili ko parang gusto na lang siyang titigan buong araw. she looks more beautiful compared before ,she looks an elegant woman kung datiy estudyante ko pa siyay nagsusuot lang siya ng simpleng dress,jeans,tshirt ngayon para na siyang sikat na model .Kung artista lang siya malamang pinagkakaguluhan na ang kagandahan niya sa tv.
Napansin ko ang pamumula ng pisngi niya ng makita niyang nakatitig ako sa kanya.Agad akong nag iwas ng tingin ng dumating ang order namin.
"Umiiyak ka ba kanina?".
Tanong ko sa kanya ng nasa kalagitnaan kami sa pagkain.
"No ".Sagot niya pero agad siyang umiwas ng tingin sakin.
"Gusto ko lang magsorry about sa nangyari doon sa davao i didn't want to say it but siguro dahil gusto ko lang na tigilan mo na ako dahil may asawa na ako at ganun ka rin alam kong may asawa ka na i remembered last time that you and lucas are getting-
"Wala akong asawa".putol niya sakin habang patuloy lang na kumakain,wala siyang asawa? seryoso ba siya?
"Ayaw mong maniwala ? kung makatingin ka kasiy parang binabasa mo ang nasa isip ko, it's true I don't have a husband ..im single since one year ago".
Napatigil ako sa pagkain seryoso siyang nakatingin sakin.Totoo ba talaga? nasan si lucas? imposible talaga!
"I know you're kidding ". Napailing kong sabi sa kanya . Ngunit natawa lang siya sa sinabi ko.
"I only loved once ,and ...that one is here eating with me".
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya ,ayokong maniwala sa kanya.Niloloko lang niya ata ako ey!Tuloy tuloy lang siya sa pagkain habang ako ito hindi pa rin makapaniwala .
"Dina"
Magsalita na sana ako ng biglang may tumawag sakin.Nagulat ako ng makita si lawrence' na nasa gilid ko na.
"Im so worried about you".Sabi nito sabay halik sa pisngi ko.Napansin ko naman ang pag iwas ng tingin ni aica sa amin at uminom ng tubig.
"How did you know?".Tanong ko kay lawrence naupo na rin ito sa tabi ko habang hawak hawak niya ang kamay ko.
"It's not important ok! ang importante nandito na ako!ha wala ng mangyari sayo nandito na ako".Sabi nito sabay halik ng paulit ulit sa kamay ko.Nahagip ng dalawang mata ko si aica na seryosong nakatingin sakin. Ngumiti ako sa kanya dahil parang nakimutan ni lawrence- na may kasama ako.Nakita ko lang ang seryosong pagtango niya sakin.
"Ow,dina i need to go ".Tumayo si aica at ngumiti sakin. "I will go back to the office now since you're husband is already here"
Sabi niya sabay lakad .°Hindi niya pinansin si lawrence at tuloy tuloy lang sa paglalakad.
"So the two of you now are friends?".Tanong ni lawrence seryoso ang mukha niya habang naghihintay ng sagot ko.
"She help me kanina nong na stuck kami sa elevator-
"And that's why you accept her again in your life!".
Kunot noo kong tiningnan si lawrence ,what does he mean?
"Ano bang sinasabi -
He faked a laugh then stares at me.
"Hinayaan mong makapasok ulit siya sa buhay mo ! Gusto mo na namang magpakatanga pa sa babaeng yun ulit!".
Napatingin ako sa paligid dahil biglang nagtaas ng boses si lawrence.
"Pwede ba kumalma ka".Mahinang sabi ko sa kanya. "Let's go let's talk about it sa condo mo".Nauna na akong naglakad sa kanya ilang seconds lang napansin ko ang pagsunod nitp sakin.
+++
"You promised me dina ,nangako ka na ako lang ang priority mo para matutunan mo akong mahalin ".
Galit nitong sabi sakin ng makarating kami sa kanyang condo.
"Ano bang ginawa ko ha lawrence OO aaminin ko nangako ako ! Bakit sa tono ng pananalita mo parang sinasabing mong mahal ko pa rin si aica--
"Hindi nga ba?".
Natigilan ako sa tanong niya hindi agad ako nakapagsalita,parang umurong yung dila ko.Mahal ko pa ba talaga?Mahal ko pa ba siya?
"hindi na ! hindi ko na siya mahal ".Walang gana kong sagot sa kanya , ayokong pahabain pa ang usapang ito lalo nat involved si aica.I can't tell that i don't love her anymore gusto ko lang patigilin si lawrence.
Ramdam ko! ramdam ko sa puso ko na nandito pa rin siya.
Nakita ko ang pagngiti ni lawrence- bago lumapit sakin.Agad ako nitong niyakap ng mahigpit.
"Im sorry for accusing you in that way ,i just thought you never give me a chance but now alam ko na na may pag asa pa ako,thank you dina".Muli ay niyakap niya ako ng mahigpit, hinimas ko na lang ang likod niya para maniwala siya sa sinabi ko.
end of chapter