Chapter 13
Aica's pov
"Nag iinom ka na naman akala ko ba okay ka na?".
Napatingin ako kay alexa ,pati sa daliri niyang may laman ng sing sing.Kahapon lang nag propose ang boyfriend nito sa kanya.Happy ako para sa kaibigan ko ,mabait naman ang soon to be husband niya.
"Congrats sayo".Imbes na sagutin siya sa tanong niya ay binati ko na lang siya dahil ayokong sabihin dito ang dahilan kung bakit gusto kong mag lasing.
"Yeah it's 4 years na din bago naisipang pakasalan ako kung hindi ako nabuntis wala naman talagang balak yun eh,!".Sabi nito sabay tingin sa daliri niya kumukurap kurap pa ito habang nakatitig sa sing sing niya.
"What did you say ? you're pregnant?".Gulat na tanong ko sa kanya.Tipid na ngumiti si alexa sakin.Sa bagay malamang mabubuntis talaga siya dahil everytime na nandito ako sa club walang araw na hindi ko siya nakitang nakipaglandian sa boyfriend niya.
"That's a double celebration!".Nakangiti sabi ko sa kanya.
"OO nga eh haha gulat ka ba?".
"hindi ! alam ko namang mabubuntis ka dahil sobrang landi mo!".Pang aasar ko sa kanya,but Truth is happy ako sa kanya,sinamaan ako nito ng tingin..natawa nalang ako dito.
"Ninang ako ah".Sambit ko dito ng masama pa rin ang tingin sakin. "Sorry na joke lang yun".
"number one ninang ka talaga ,dahil gusto ko talaga galante ang mga ninang ng anak ko nuh".
Mas lalo akong natawa sa sinabi niya pero hindi na ako sumagot dahil naalala ko na naman si dina,Siguro kong hindi kami naghiwalay baka niyaya ko na yung magpakasal kami pero hindi na pala mangyayari yun dahil may asawa na siya at hinding hindi ko na siya mababawi pa.
Napabuntong hininga na lang ako bago ininom ang alak na nasa harapan ko.
"I knew it! it's miss ca--ah no no it's dina again right?".
Hindi ako kumibo kay alexa ngunit ramdam ko pagtitig niya sakin habang hinintay ang sagot ko.ininom kong muli ang hawak kong alak parang gusto ko na talagang maglasing buong araw para makalimutan ko lahat ng sakit na nandito sa puso ko.Ang bigat bigat na rin e! habang tumatagal lalong bumibigat tong dib dib ko.
"Siya pa rin kilala kita , pero may asawa na yung tao aica bakit hindi mo na lang siya pakawalan kalimutan at bigyan ng chance ang sarili mong magmahal na deserve ng puso mo".I bite my lips then close my eyes para pigilan ang pag iyak.Bakit ba ang sakit pag narinig kong kalimutan na lang si dina? Magagawa ko ba yun? feeling ko nga mas lalong nadag dagan yung pagmamahal ko sa kanya ngayong lagi ko siyang nakikita .
"I can't ".Pumiyok ang boses ko dahil naiiyak na talaga ako,hinagod naman ni alexa ang likod ko napayakap nalang ako sa kanya ng tuluyang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pilit na pinigilan.
"Shhhh it's okay ,mawawala rin yang sakit na yan,masasanay ka rin all you need to do is accepte the reality na may asawa na siya at hindi na pwedeng maging kayo ulit".
Mas lalo akong humagulhol sa balikat ni alexa dahil sa sinabi niya.
Matatanggap ko ba? Why i am suffering like this? bakit kapag lagi akong nagmahal ng totoo laging ganito.
+++Alexa's engagement party
"Anong ginagawa niya dito?".Bulong ko kay alexa ,nakita ko kasing pumasok si dina sa venue kasama si miss karen ang kaibigan niya.Sunod kong tiningnan ang likod nito na Akala koy kasama rin nito ang asawang si lawrence' pero sila lang dalawa ang narito.
"I invite her ". Nakangiting sagot nito sakin, Napakunot noo na lang ako sa kanya.
"Kahapon you comfort me to forget her pero ngayon you invite her dito sa engagement party mo ,paano ko siya makakalimutan? kaibigan ba talaga kita ?".
Tumawa ito na para bang baliw haha.
"Sira syempre kaibigan talaga kita ,hindi ko ininvite si dina dito nagjoke lang ako kanina si miss karen ay kapatid ng soon to be husband ko kaya malamang si miss karen ang nag invite sa kanya dito".
Natigilan ako sa sinabi ni alexa ..iba talaga ang tadhana eh nuh..Hindi ako pumasok kanina dahil ayokong makita muna si dina gusto.ko na siyang iwasan buong araw tapos dito ko pa talaga siya makita ulit..
Naramdaman kong papalapit sila sa amin kaya nagkunwari akong uminom ng whine na hindi ko sila napansin.
"Hai alexa congrats..".Bati ni miss karen sa sister in law niya.Narinig ko rin ang pagbati ni dina kay alexa.Ang sarap talaga pakinggan ng boses niya .
"Hai aica!". Napalingon ako kay miss karen
pilit akong ngumiti sa harap nila ,nagkasalubong pa ang mga mata namin ni dina naka smile lang siya sakin pero agad akong nag iwas dun.
"Hai miss karen".Bati ko pabalik sa kasama niya,hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa suot niya . She's so damn! sexy...nakakaakit yung bandang dib dib niya medyo lumuwa ng konti ang dalawang bola roon ..bagay sa kanya ang suot niyang fiited dress na red mas lalong nakita ang kakinisan at kaputian niya.
"Sexy ba?".Natauhan ako bigla ng biglang bumulong si alexa sakin.Sinamaan ko ito ng tingin bago ininom ang whine na hawak ko.
Nagpaalam din agad sina miss karen at dina sa amin ,nagpunta sila sa kabilang side ng venue.Di ko tuloy maiwasan ang magselos dahil may mga lalaking nakipag shake hands kay dina.
"Now i knew it kung bakit hindi mo malimot limutan si miss dina ,grabi siya pati ako natotom-
"Aray!"
Kinurot ko lang naman ang gilid niya dahil sa gusto niyang sabihin.
"Alis ka na nga shoooo doon ka sa asawa mo !!!"Taboy ko rito ,gusto ko lang mapag isa , naglakad naman ito agad pero lumingon ito saglit .
"Doon ka sa table namin mamaya ah".Sabi nito Tinanguan ko lang ito.Kumuha pa ako ng isa pang whine dahil naubos ko na ang hawak ko kanina.Muli kong sinulyapan si dina busy siya sa pakikipag usap sa grupo nila ni miss karen.
Nagulat ako ng bigla itong lumingon sakin,hindi tuloy ako makaiwas sa mga mata niya .Nagtitigan kami pero siya na ang unang umiwas sa mga mata ko.
"May balak bang maglasing ang babe ko".Nanlaki ang dalawang mata ko ng maramdaman ang kamay ng isang lalaki sa aking beywang.
Inis na tiningnan ko ang may ari ng mga kamay na nasa beywang ko.
Jordan?
"Miss me?". Nakangising sabi nito sakin, inirapan ko ito buti na lang at agad nitong kinuha ang kamay sa aking beywang dahil baka nabali ko na ito.
"Bakit naman kita mamimiss !umalis ka nga! kumukulo dugo ko sayo".Sita ko sa kanya.
"Grabi ka naman namiss na nga kita paalisin mo pa ako,nakabalik ka na pala ng ph".
"Ano namang paki mo!".
"You're so pretty!".Sabi nito sabay kurot sa pisngi ko.
"Ano ba! lumayo ka nga sakin!".Tilay hindi ito natinag sa mga pagtaboy mas lumapit pa ito sa sakin.Aalis na sana ako ng mahagip ng dalawang mata ko si dina,she was staring at us.
I don't know kong galit ba siya? pero parang nakita ko sa expression ng mukha niya ang inis.Nagselos ba siya? sh-it! sana nga!
Ayokong magalit siya sakin kaya naglakad na ako at iniwan si Jordan doon.Pumunta ako sa table na sinasabi ni alexa sakin.
Ilang minutes din akong inom ng inom hanggang sa matapos ang speech nila alexa sa stage.Kasama ko sa table sina miss karen at dina ,.. ngunit ni isang sulyap man lang ay hindi ito ginawa ni dina sakin.Galit ba siya? kanina lang Nakangiti siya sakin e tapos ngayon parang wala na siyang balak kahit tingnan man lang ako.
"Eh kayo ni lawrence wala ba kayong balak magkaanak?".Rinig ko sa pinag uusapan nila ni miss karen.
"Soon siguro hindi pa ito ang tamang oras kar".
"Ika nga enjoy enjoy muna kayo hehe ,anong feeling na katabi mo ang isang lawrence'montibon".Muntikan ng maibuga ni dina ang ininom nito dahil sa tanong ni karen.Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero bakit nga ba ganun ang reaksyon niya?
bakit parang nagulat siya sa Tanong ni miss karen.Napansin kong nakatingin sakin si dina ngunit kita ko pa rin ang galit sa mukha niya ng tingnan ako.
"well this days parang lagi akong nahihilo ,i feel nausea Everytime na may naamoy akong hindi maganda".Sabi nito habang nakatitig sakin.Nag iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya.
"Talaga dina OMG! magkakaanak na siguro kayo ganyan kasi ang symptoms ng buntis ".
Hindi ko mapigilan ang pagsikip ng dib dib ko,Iniisip ko pa lang na magkakaanak na sila ni lawrence parang mas dumuble ang sakit na nararamdaman ko.
May iba pa silang sinasabi pero parang nawalan na akong ganang makinig puro lawrence kasi ang pinag usapan nila.Kesyo gwapo daw at maraming abs ,may narinig pa akong tanong ni miss karen kung magaling daw ba si lawrence sa kama, hindi pa sumagot si dina ng tumayo ako hindi ko kayang pakinggan ang sagot niya.
Dumiretso ako sa cr para pakalmahin ang pag sikip ng dib dib ko.
Bakit nga ba ganito ang buhay ko? kailan ba sasaya tong puso ko.
Ilang minuto pa ang nakalipas bago ako nagpasyang lumabas ng comfort room.
Pagbalik ko sa table naroon na sina alexa , nagulat ako ng makita si diego roon kasama ni jordan.Anong ginawa niya dito?Sunod kong sinulyapan si dina , napansin kong hindi siya comfortable sa kinauupuan niya dahil titig na titig sa kanya si diego.
"Oh hey hai babe ,tagal mong nag cr ah".sigaw ni jordan Ngumiti ako ng sabay sabay silang napalingon sakin.
Sinadya kong umupo sa tabi ni dina since wala ng vacant sa upuan ko kanina .
Nag uusap lang sila about sa baby at sa wedding nila alexa . Muli kong tiningnan si diego ganun pa rin ang ginawa nito panay tingin o sulyap sa katabi kong si dina.
"Are you okay?". Mahinang tanong ko sa kanya,ramdam ko kasing hindi talaga siya comfortable,may nangyari kaya kanina bago ako dumating?
Nakita ko naman ang pagtango niya sakin.
"Cheers for alexa and bryan".Sigaw ni jordan,itinaas namin ang mga basong may laman na whine bago ininom.
Ilang minuto rin bago nagpaalam ang mga parents ng bagong ikakasal.Tanging ang kaibigan nalang nila alexa at bryan ang naiwan.
"Parang may lamay ah".Natatawang sabi ni jordan , tahimik kasi ang buong paligid , nagpaalam si miss karen na mag cr muna tapos kasama ko sina dina ,alexa,bryan ,jen sa opposite naman namin sina jordan ,diego at si myco.
"Oo at libing muna ngayon!".Biro naman ni myco sa kanya ,nagtawanan sila maliban lang kay dina na seryoso ang mukha.
"Teka magsaya naman tayo baka gusto nyo ng sweet music wait ah".Tumayo si bryan at pumunta sa stage ,pinatugtug nito ang kanta ni ed Sheeran na thinking out loud.
Unang pumunta sa gitna ang ikakasal na sina alexa at bryan.Sunod naman si jen at myco.
Mas lalong naging awkward ang paligid namin dahil sa kanta.
"Babe can we dance?". Napalingon ako kay jordan na nasa gilid ko na .Hindi ako makasagot sa tanong niya, tiningnan ko si dina na nakatingin na rin sakin.Napalunok ako sa expression ng mukha niya batid kong ayaw niyang tanggapin ang hiling ni jordan.
Muli kong nilingon si jordan Nakangiti pa rin ito habang hinintay ang sagot ko.
Magsasalita na sana ako ng may maramdaman akong malambot na kamay sa ilalim ng mesa god! dina is holding my hand,sh-it parang nakuryente ang buong katawan ko sa ginawa niya,she just hold my hand hinimas pa niya ito i think pulang pula na ako dahil sa kilig.Tiningnan ko ang paligid Tanging si Diego at dina na lang ang narito,wala pa.kasi si miss karen .Ayokong iwan si dina ay di pala ! ayoko ng bitawan ang kamay niya.
"Masakit paa ko!".Tanggi ko kay jordan,nawala ang ngiti nito sa labi .
"Busted pre!".Biro ni diego sa kanya, parang adik talaga! Kanina pa kasi ito nguya ng nguya sa bibig niya.
Napakamot ng ulo niya si jordan bago bumalik sa pag upo.
"Dina".Sabay sabay kaming napalingon sa dumating it's lawrence.Kinuha ni dina ang kamay niya sa pagkakahawak namin at agad siyang tumayo para salubungin ang lalaki.Nag iwas ako ng tingin ng halikan siya nito sa pisngi.
end of chapter