Chapter 8

3336 Words
Chapter 8 "Shara Mai Coe. Who is she?" tinitigan ko siya ng taimtim saka ako tumawa ng malakas. "Idol mo?" matalino siya pero mas matalino ako sa kanya. "Are you trying to be the greatest hypocrite pretender?" I just stared at her as if she is the most nonsense person I ever talk to. "I don't know who are you talking about." Seryosong ani ko. "I'm not as blind as Bryle. So Shut up!" sigaw niya sa akin. "Pinagbibintangan mo ako ng mga kung anu-ano tapos gusto mong shut-up na lang ako?"  I raise my left brow to show how pathetic she is right now. "I am not accusing you. I am telling the truth Ricky Amarah Fortania Lavitus." She spoke my name in a very hard tone. Huminga ako ng malalim saka ako ngumiti sa kanya. "You want the truth?" humalukipkip naman siya. "Yes. I am Ricky Amarah Fortania Lavitus. Happy?" ngumisi ako sa kanya. Natawa siya saka siya pumalakpak. "The hypocrite pretender just admitted her real colors. Why do you have to lie?" matigas niyang tanong. "Simply because I don't have the guts to explain myself to you. You're not even my friend." I said in a very sarcastic way. "So are you ready to face Bryle with your filthy lies behind your back." Hamon niya sa akin. Napailing na lang ako. "Sabihin mo. Gusto mo ngayon na eh-" hamon ko din sa kanya. I raise my face to meet her b****y gazes on my eyes. "Are you trying me?" pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Gawin mo. I'll be glad too. I may take that as a thanksgiving for introducing his real girlfriend and that girlfriend is no other than me not you." Matigas kong saad sa kanya. Naikuyom naman niya ang mga kamay niya sa inis. Natuwa naman ako sa naging reaksiyon niya. "Atleast he will going to hate you after knowing everthing!" nanggagalaiting sabe niya. "Hate me?" humakbang ako palapit sa kanya. "Baka ikaw ang baliktarin ko." Bulong ko sa tapat ng bibig niya. Wala siyang pinagkaiba sa mga taong nakaharap ko na noon. Isa din siyang tinik sa lalamunan ko. "Isa kang ambisyosa." Matalim ko akusa sa kanya. "Anong sabi mo?!" galit niyang tanong. Akmang sasampalin niya ako nang matigilan siya. Napatingin siya sa itaas.  Napangisi ako nang makita namin si Daphnie. Nakahawak siya ngayon ng cellphone. Ibinulong ko kasi sa kanya na kunan niya ng video ang mga kaganapang pakana ng babaeng kaharap ko ngayon. "Nice catch Shara. It's almost done!" masayang saad niya. "Nakunan ko lahat ng mga kaganap mula sa bar hanggang dito. Salamat naman sa isang secret friend natin na tumulong." Kininditan niya ako. "I said, you'll fall under the hole you made for yourself." tumingala ulit ako kay Daphine. "Tama na yan. Sapat na ang ibedensiyang iyan. I-send mo agad kay Lindsy para safe." "Tapos na kanina pa. Gusto mo ipadala ko pa kay Mark Logan para naman sumikat ang babaeng papansin na yan." Nangiinis na saad niya. "Bumaba ka na diyan." Utos ko sa kanya. "Ok." naglakad na siya pababa. "Ano namang kinalaman ng video na yon sa mga kasinungalingan mo." natatawang tanong niya. "Kapag inilabas mo ang totoong ako, ano sa tingin mo ang mababago sa pagitan namin ni Bryle?" natigilan naman siya sa sinabi ko. "Sa tingin ko wala naman. Bryle loves me so much just so you know." tinitigan ko siya sa mga mata niya. "Maaring magagalit siya sa akin kapag nalaman niya pero mahal niya ko kaya tatanggapin niya ako. Tama ba?" ngumisi ako sa kanya. "Hindi ako natatakot sa mga binabalak mo. Anak ako ng isang Lavitus pero iyon lang yon. Normal na buhay ang gusto kaya wala kang pakialam." I said in a very intense meaning. "About the video, I intend to use it to prove what you just did today. Sisiguraduhin kong ikaw ang tatanggap ng galit ni Bryle sa mga ginawa mo sa amin. Isama mo na din ang galit ni Jace. Tama bang i-kidnapped mo si Lindsy? Ngayon alam mo na. Mayaman din ako kaya wag mo akong takutin. Ilalabas ko din ang video kapag sinabi mo ang totoong pangalan ko sa ibang tao para patas ang laro. Hindi naman ako maaapektuhan sa katotohanang yan baka lumuhod pa nga ang lahat ng mga tao sa akin dahil ako ang nagiisang tagapagpagmana ng Lavitus Company. Ikaw, kamusta ka? Mas ilalayo mo lang ang loob ni Bryle sayo." Tinalikuran ko na siya pero pinigilan niya ako sa braso. "Hindi pa tayo tapos. Hindi mo kailangang ilabas ang video. Walang makakaalam sa totoong ikaw. Ito lang sasabihin ko, sulitin mo na ang bawat segundong kasama mo siya dahil hindi habang buhay sayo siya. Guard yourself because I won't   stop." Matalim niyang saad saka niya ako binitawan sa braso ko. Hindi na ako lumingon pa sa kanya. Ang mahalaga, hindi na niya sasabihin. "Tara Daph." Ngumisi naman siya sa akin saka siya sumunod. Kailangan ko pa tuloy magpaliwanag sa kanilang dalawa ni Lindsy mamaya. "Ang galing mong makipaglaban ah?" Well- trained? Parte din ba yan ng pagiging Lavitus?" nang-uuyam niyang tanong. "Napag-aaralan yan." Balik ko naman sa kanya. "One more thing Amarah." Natigilan ako nang magsalita ulit siya. "Bakit hanggang ngayon nagsisinungaling ka kay Bryle." Napilitan akong humarap ulit sa kanya. "Sinabi ko na di ba? Siya na din ang nagsabi na tatanggapin niya kahit ano pa ang pagkatao ko. Mas naniniwala ako sa pagmamahal niya sa akin." Seryosong sagot ko.Nakita ko ang hinanakit sa mga mata niya. "Your Dad is a Mafia Boss." How's that?" balik niya. Halatang hindi talaga niya ako titigilan. "Nasaan ang ebidensiya mo?" hamon ko sa kanya. "You don't know my Dad. Mabigat ang mga paratang mo. Kung gusto mo sabihin mo lahat yan sa mukha niya. Mag-ingat ka baka hindi mo kilala ang binabangga mo." tinalikuran ko na siya. "Bakit kailangan mong magpanggap na mahirap?" pahabol niyang tanong. Huminga ako ng malalim. "Ayaw kong kainin mo ang mga panglalait mo sa akin noon. Ang taong sinabihan mo ng mas mahirap pa sa daga ay mas mayaman pa pala sayo. You can now differentiate diamond and rag." Madiin kong paliwanag saka ako naglakad ng mabilis palayo sa kanya. END OF Shara's POV Lindsy's POV "Ano bang ginagawa mo Shara?!" bulalas kong tanong. Pagkatuntong kasi namin dito sa bahay dumeretso na siya sa kwarto niya. Agad niyang hinanap ang mga maleta niya saka niya ipinaglalagay ang mga gamit niya. "Ibalik mo yang mga gamit mo! Ikaw naman Daph! Wala ka bang gagawin?" nakatunganga lang kasi siya kay Shara. "Wag ka kang maingay. May dahilan kaya siya aalis kaya bayaan mo siya." seryosong sagot naman niya. Inirapan ko lang siya. Naglakad ako palapit kay Shara. Hinablot ko ang b*a niya na hawak niya ngayon. Agad naman niya itong nahawakan kaya para kaming naglalaro ng tug of war ngayon. "Ibalik mo ang mga gamit mo!" utos ko sa kanya. "Bitawan mo itong b*a ko Lindsy! Hindi yan kasya sayo!" sita niya sa akin. "Ayaw ko!" hinila ko ito sa kanya pero hinila din niya pabalik kaya napunit ito. "Ops!" napatakip ako sa bibig ko. Napailing na lang siya. Naghalungkat ulit siya ng mga gamit niya sa cabinet. "Huhuhu. Sawa ka na ba sa amin kaya ka aalis?" malungkot kong ani. Umupo ako sa kama niya. "Yong usapan kasi lagi ay gumising ng maaga para maglinis pero tanghali kami nagigising ni Zykie. Hindi na yon mauulit wag ka lang umalis." Pagsusumamo ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin. "Wala akong pakialam kahit anong oras pa kayo gumising. Wala akong karapatang magreklamo kasi nakikitira lang naman ako sa inyo. Marami na kayong naging gastos sa akin kaya hindi ko na yon dadagdagan pa." "Nagpabayad ba kami? Mga kaibigan mo nga kami di ba? Hindi mo kailangang magbayad sa amin. Free lahat yon." Paliwanag ko. Napayuko ako kasi hindi siya nakasagot. "Dahil ba alam na namin ang lahat kaya ka nagkakaganyan?" mahinang tanong ko. Napabuntong hininga naman si Daphnie. "Ginulat mo ako Shara. Hindi ko akalaing anak ni Mr. Lavitus..." ani ni Daphnie. "Kung hindi dahil kay Cheska hindi na namin malalaman." Nagangat ako ng mukha. Nakita ko si Shara na naglakad palapit sa pintuan saka siya umupo sa sahig. Isinandag niya ang likod at ulo niya sa pader saka siya pumikit ng mariin. "Tama si Cheska. Anak ako ni Mr. Lavitus. Isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo. Gusto kong liwanagin ang lahat sa inyo bago ako umalis." Iminulat niya ang mga mata niya. "Mayaman ang pamilya ko." Natawa siya ng mapakla. "Sobrang yaman... I was born where diamonds are made up. Sa sobrang kislap, hindi mo na alam kung ano ang araw at buwan. When you have bunch of money, your life is at risk. Nawala ang Mommy ko noong four years old pa lang ako. Hanggang ngayon, wala pa kaming naging balita sa kanya." ngumiti siya ng mapait. "Mula noon, nahirapan na akong mamuhay ng normal. Nagalit ako sa Daddy ko kasi itinigil na niya pag-eembestiga sa pagkawala ni Mommy. From the moment I lost my Mom, I lost everything also. My childhood, my friends, my life and my Dad... I gave up everything I had to explore the world outside the Diamond's Paradise. Nabuhay ako na malayong-malayo sa buhay ko noon. Alam mo yan Daphnie." Nakatitig lang sa kanya si Daphnie ng taimtim. "Hindi kayang bilhin ng pera lahat. Masaya ako kasi nabubuhay ko ang sarili ko kahit hindi ako manghingi sa Daddy ko. Anak lang niya ako pero hindi ako ang kumayod sa malaking perang meron siya. Living this way is my choice. Hindi ako nagiinarte, talagang ganito ako." Tumayo na siya saka niya ulit ipinagpatuloy ang pag-iimpake. Nagulat siya nang lumapit ako sa kanya. Tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga gamit niya. "Ngayon naiintindihan nakita..." ngumiti lang siya sa akin. "Saan ka lilipat? Welcome ba kami doon?" "Oo naman." Ginulo niya ang mga buhok ko. "Sa dating apartment mo ba?" umiling siya. "May nahanap akong bago. Mas mura kaysa sa dati kaya mas makakatipid ako ngayon." sagot niya. "Wala ka bang balak bumalik sa Tatay mo?" biglang sabat naman ni Daphnie. "Mag-aapply ako ng trabaho sa company niya bilang isang body Guard or kahit ano na." Natigilan naman kaming dalawa sa naging sagot niya. "Ah- Ah- Shara, tungkol sa sinabi ko." Nauutal na ani ni Daphnie. Natawa lang si Shara. Ano bang pinag-uusap nila? "Mag-apply man ako o hindi doon, sigurado namang hindi magtatagumpay ang mga impokritong gustong pabagsakin si Dad. Ilang dekada na ang Company sa kanya kaya dapat noon pa nila napatumba. Susubukan ko pa ring magtrabaho doon para sa sarili ko. Kailangan ko ng pagkakakitaan." "Total ikaw naman ang tagapagmana ng Lavitus Company, tulungan mo naman akong makapasok." Napakamot na lang ako. "Saglit nga! Bakit body Guard lang? Ikaw kaya ang may-ari non." Litanya ko. Natawa lang siya. "Ako si Shara Mai Coe ngayon. Hindi ako si Ricky Amarah Fortania Lavitus. Hindi kita matutulungan dahil wala dito ang main office ni Dad." Paliwanag niya. "Sana hindi na makalabas ang mga ito. Nasabi ko lahat ang mga ito dahil mga kaibigan ko kayo. Sa buong buhay ko, ngayon lang ulit ako nagtiwala sa ibang tao. Sana wag niyo akong biguin. Ako pa rin si Shara kaya wag kayong maasiwa." "Maaasahan mo ako Shara!" kinamaya ko siya. "Kaibigan na din kita Shara. Mapagkakatiwalaan mo ako kahit ano pa yan." Saad naman ni Daph. Nagnod lang siya sa amin. Natigilan ako nang maalala ko si Zykie. "Nga pala, si Zykie? Nagpaalam ka na ba sa kanya?" maang kong tanong. "Siya ang unang nakaalam sa plano kong pag-alis dito. Alam naman niya ang mga dahilan ko kaya hindi na yon magtataka." Seryosong sagot niya. "Ok. Ang balis mo naman siyang napapayag." Natahimik lang siya. "Anyway. Sasamahan ka na namin sa bago mong apartment tapos sasamahan ka na din namin sa Lavitus Company. Wag kang tumanggi kasi alam naman naming wala kang pera. Sasakyan ko na lang ang gagamitin natin para makatipid ka sa pamasahe." "Tama si Lindsy. Dapat makuha ka agad sa trabaho." Dagdag naman ni Daphnie. "Salamat." Seryosong sabi ni Shara. Ngumiti lang kami sa kanya. Iniligtas niya ako kanina sa ulupong na si Cheska kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Nakikipaglaban din ako pero hindi kasing galing niya. May iba pa ba kaming dapat malaman tungkol sa pagkatao niya? END OF Lindsy's POV Kevin's POV Pagkabukas ng elevator, natigilan ako dahil natanaw ko sa malayo si Daphnie. Susugudin ko na sana siya nang mapansin kong kasama niya sina Shara. Anong ginawa nila dito? "Men bakit para kang nakakita ng multo?" untag sa akin ni Jace. Sinundan niya kung saan ako nakatingin. "Si Lindsy." Mahinang anas niya. Pupuntahan na sana niya nang pigilan ko siya sa balikat. "Wag muna. Nandito tayo sa Lavitus Building." Sabi ko sa kanya. "Men, ngayon lang ito. May tampuhan kasi kami ni Lindsy kaya gusto ko siyang kausapin." Pagmamakaawa niya sa akin. "Then go!" madiin kong ani. "Babae ba ang ipinunta natin dito?!" sita ko sa kanya. "There is a better place for all your dramas! Nasa mission tayo ngayon kaya magbehave ka nga." Napakamot na lang siya. "Anong ginawa nila Shara dito?" maang na tanong naman Vince. "Hindi ko alam." Naglakad na ako palabas ng elevator. Sumunod naman agad sila sa akin. "Aalamin natin mamaya kaya wag kayong magpahalata. Hindi dapat nila tayo makita dito." Nandito kami ngayon sa Lavitus Company. Inalam namin kung tugma ba ang mga transaksiyon ng mga budgets na ginamit nila sa pagpapatayo ng buildings sa Europe. Magkatunggali kasi ang Lavitus Company at Sy Company pagdating sa numbers and qualities ng mga building and resorts na naipapatayo sa iba't ibang parte ng mundo. So far, mas angat talaga ang Lavitus Company. Ang misyon namin ay alamin kung walang ginagawang paglabag sa batas at alituntunin ang Company nila dahil kung meron, malaking puntos yon sa ibang businesses lalong-lao na sa Sy Company. Hindi naman talaga target ni Master Bryle ang Company ni Mr. Lavitus pero biglang nagbago ang lahat simula noong dumating si Susie Man. Si Jazz talaga ang nais niyang gumawa ng trabaho pero nasa New York naman siya kaya kami na lang. Pagkagraduate ni Jazz sa college, siya na ang hahawak sa ibang businesses nila. Isa na dito ang pagmamanman sa Company ng Lavitus. Napagalaman kasi nila na binibili ng Lavitus Company ang kinatatayuan ng bahay ampunan na ipinatayo ng Ina nila. Maganda kasi ang area na yon para sa pagpapatayo ng isang Hospital sa isang Rural Area. Labag naman sa kanila ang nais ng Company kaya hindi nila ito ibinigay. Ayon kay Susie Man, isang kaalyado ng mga Mafias si Mr. Lavitus at isa sa mga may alam sa kaganapan sa bodega kung saan namatay ang Ina Bryle. Maaring sangkot ang Big Boss nila kaya mula noon hindi na rin tinigilan ni Bryle at Jazz ang pamilya ng mga Lavitus. "Anong sabi?" seryosong tanong ko kay Vince at Jace. Inutusan ko kasi silang alamin kung ano ang agenda nila Shara sa pagpunta dito. "Letsugas ka! Sana ikaw na lang ang pumunta!" galit na balik ni Jace. Padabog niyang ibinaba ang milk tea na ipinabili ko sa kanya. "Inumin mo na yan baka idiretso ko pa sa stomach mo yan." "Ano nga?" pambabalewala ko. "Magsasalita ba yong mga staffs doon kung hindi mo lalandiin?" inis niyang ani. "Anak ng baklang hindi mabuntis-buntis!" pinagsasapak niya ang noo niya. "Anong problema nito?" tanong ko kay Vince. Humigop muna siya sa milktea niya bago siya nagsalita. "Ayaw magsalita yong isang staff kanina." "Tapos?" kunot noong tanong ko. Ngumisi siya sa akin saka niya pinunasan ang bibig niya. "Parang hindi mo naman alam ang tatak ni Jace." Natawa kaming dalawa. "Malandi din yong chick kaya yon. Naghalikan sila. Hahaha. Tapos nandoon pala si Lindsy." Natawa ako ng malakas. Tinitigan kami ng masama ni Jace. "Ako ba ang unang humalik? Iyong tarantadong babaeng yon kaya! Nagulat na lang ako! Ang malas talaga! Bakit ngayon pa?" pinagsasapak niya ang table. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Talagang malakas ang tama niya kay Lindsy. "Ako yong nasasaktan sa itsura niya kanina. Nanliligaw pa lang ako pero andami ko ng mga sabit." Tinapik ko na lang siya sa balikat. "Dapat kasi tinawag niyo ako agad." Ani ko. "Hindi naman pwedeng ako ang humarap sa babaeng yon. May Girlfriend ako." Seryosong sabat naman ni Vince. "Siya lang ang mamahalin ko." Nakangiting ani niya. Parehas silang inlove. Si Jace talaga ang hindi marunong mag-ingat sa amin. "Sa susunod, ikaw na ang sumabak sa gera men kasi wala ka namang babae. Ikaw na sumalo sa susunod. Kaming nagmamahal ang napapasubo." Tukoy niya sa akin. "Kaya nga! Hindi ko na alam kung anong mukhang ihaharap ko kay Lindsy." Napasandal ulit sa table. "Sure. Walang problema." Sangayon ko. "So, nakausap niyo sila Shara?" pagiiba ko ng usapan. Nakayuko lang si Jace kaya kay Vince na lang ako tumingin. "Hindi. Si Lindsy lang ang nakakita sa amin. Siya kasi yong nagmamaneho kanina. Paalis na kasi sila." Paliwanag niya. "Anong sabe nong staff?" nagseryoso naman ang mukha ni Vince. Huminga siya ng malalim. "Sasabihin kaya natin kay Bryle? Ang sabi kasi ni Miss, nag-apply daw si Shara bilang body Guard dito. Nakuha siya agad kasi maganda daw ang records. Sino namang tatanggi kay Shara? Isa siyang genius. Pakiramdam ko nga, isa siyang Kung Fu Master. Yong pagsuntok pa lang niya kay Bryle noon sa Gym. Matapang din talaga si Shara." Nag-angat naman ng mukha si Jace. "Dapat talaga nating sabihin kay Bryle agad dahil magiging amo ni Shara si Mr. Shiva." Natigilan ako sa sinabi niya. "Si Summer? Na galing sa Thailand?" pagkukumpirma ko. "Siya nga. Yong ulupong na yon na walang ginawa kundi mangimbistiga sa Dragon Site." Inis niyang sagot. "Ang pagkakataon nga naman. Dapat mapaalis agad natin si Shara sa poder nila. Hindi makakapayag si Bryle na manatili si Shara sa lungga ng mga kalaban." Seryosong saad ko. "Sa dami ng mga trabaho, bakit yon pa ang pinasok ni Shara? Pwede naman siya sa Coffee Shop ni Bryle." RINGGG!!! RINGGG!!! RINGGG!!! Kinabahan ako nang makita ako ang pangalan ni Master Bryle sa screen ng phone ko. "Men, si Master tumatawag." Nauutal na ani ni Jace. Nagkatinginan lang kaming tatlo. Inihagis ko ang phone ko sa tapat ni Vince. Para naman siyang nakahawak ng tae dahil agad niya din itong nihagis sa tapat ni Jace. Ibinalik naman ito agad ni Jace sa akin. Para tuloy kaming mga tanga dito. Pinagtitinginan kami ng mga ibang costumers dahil pinagpapasahan namin itong kawawang phone. "Men- Pho-ne mo naman yan eh- ikaw ang sumagot. Wag mo kaming idamay." Nauutal na saad ni Jace. "Uso talagang mang-iwan kapag ganito na?" inis kong sita sa kanila. Nag-iwas lang siya ng tingin sa akin. "Men maganda yong bagong mga panood ngayon sa sinehan." ani ni Jace kay Vince. "Oo nga men. Ano manonood ba tayong dalawa?" sagot naman niya. Inirapan ko na lang siya. Halatang umiiwas sila. Huminga ako ng malalim saka ko buong tapang na sinagot ang tawag niya. "Master." "It takes decade for you to answer the phone?" matalim niyang ani. Napalunok na lang ako. "Report now." "Uunahin ko na sa pinaka-importante Master. Si Shara-" napanganga yong dalawang kasama ko sa sinabi ko. "Why Shara?" agad naman nitong tanong. "Ano- Kanina lang namin nalaman." Pinagpapawisan ako ng malapot. Alam ko kasing magagalit na naman siya. "What about Shara!" matigas niyang untag sa akin.Mutik na akong mapatalon sa gulat. Napapikit naman ng mariin itong mga bulok kong mga kasama. "Magtratrabaho siya under Lavitus Company. Magiging Boss niya si Mr. Shiva." Mabilis kong sagot. "What?!!!" agad kong inilayo ang phone sa tainga ko. Ang bangis kasi ng pagkakasabi niya. "Narinig niyo?" natataranta kong tanong sa dalawa. Nagnod naman sila agad habang nanlalaki pa rin ang mga mata nila. Alam kong nanginginig na din ang mga kaluluwa nila. "I'll go home as soon as possible." Madiin niyang ani. Pinatay na niya agad. Lagot si Shara kay Bryle. Lagot din kami kay Shara. Naging cycle tuloy. Huhu. END OF Kevin's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD