Chapter 9

3205 Words
Chapter 9 Shara's POV "Shawn, salamat sa paghatid ha? Gusto mo bang pumasok muna sa loob?" galing kasi kami sa opisina. Nagumpisa akong magtrabaho sa kanya kahapon. Pansamantala ko lang siyang Boss dahil aalis din siya sa Lavitus Company. Hindi kasi ang pagtratrabaho ang inaatupag niya ngayon. Mas pinagtutuunan niya ng pansin ang imbestigasyon sa mga namatay na bihag. Pag-aari kasi niya ang 10 percent sa company ni Dad pero binayaran na ito ni Dad kaya solo na ulit niya ang Company. "Hindi na. May meeting pa ako. Salamat na lang. Kamusta ang bago mong apartment. Mukhang nakakatakot diyan." Napatingala siya sa lumang building. Natawa ako ng mahina. "Safe diyan. Hindi lang halata. Maayos naman sa loob. Sapat lang sa akin kasi mag-isa ko lang naman." Akmang lalabas siya nang pigilin ko siya sa braso. "Wag na. Ako na ang magbubukas sa sarili ko." Lumabas na ako agad. "Kung wala lang akong meeting magfofood-trip tayo." Ani niya. "Ok lang yan. Marami pang pagkakataon." Ngumiti ako sa kanya. "Ano plano mo sa new year?" natigilan naman ako sa tanong niya. Halos makalimutan ko na magbabagong taon na pala bukas. "Wala pa." napakamot ako. "Saka na yan." "Minsanan na lang yong regalo ko sa New Year." Natatawang saad niya. "Wag mong intindihin yon. Ayos lang naman kahit wala." Seryosong ani ko. "Meron yon. Mag-iingat ka dito Shara. Tumawag ka lang sa akin kapag may kailangan ka." Masuyong ani niya. "Oo. Salamat. Sige na, baka malate ka pa sa appointment mo." kumaway siya sa akin kaya kumaway na din ako sa kanya. Pinaandar na niya ang sasakyan niya kaya naglakad na din ako paakyat sa apartment ko. Nakayuko ako habang kinakapa ko ang susi sa loob ng bag ko. "Where have you been?" Muntik na akong mapatalon nang biglang may magsalita. Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Nagangat ako ng mukha. Bumilis ang t***k ng puso ko nang masilayan ko ang mukha ni Bryle. "May Da." Nakangiting ani ko. Ngayon ko napatunayan kung gaano ko siya namiss. Tumakbo ako agad sa kanya saka ko siya niyakap. "Mabuti naman nakauwi ka na." bulong ko sa kanya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Napanis ang ngiti ko nang makita ako ang walang emosyong mukha niya. "Napagod ka ba sa biyahe?" nagaalalang tanong ko. Nagiwas siya ng tingin sa akin. "Saglit bubuksan ko lang ito." Hinila ko siya papasok sa apartment saka ko siya pinaupo. "Ano? Kamusta?" napasimangot ako kasi hindi lang siya umimik. Huminga siya ng malalim saka niya ako kinabig palapit. Napangiti ako nang yakapin niya ako. "I miss you." Bulong niya sa akin. Kung magkatabi lang ang mga tainga ko, siguradong papalakpak sila sa tuwa. "Miss na miss din kita." Malambing kong sagot. "Teka, paano mo nalaman na dito ako lumipat?" kunot noong tanong. "I can do anything in just one click." Seryosong ani niya. Natawa ako ng mahina. Tinampal ko siya ng mahina sa kaliwang pisngi. "Aminin mo na kasi na malakas yang radar ng puso mo." pangaasar ko sa kanya. "I won't deny that." Simpleng sagot naman niya. Natigilan ako nang bigla niyang hawiin ang buhok ko sa gilid ng tainga ko. "Bakit? Anong tinitignan mo sa tainga ko?" maang kong tanong. "You don't have piercings?" nagtatakang tanong niya. Napahawak naman ako sa mga tainga ko. "Hehe. Wala. Hindi ako naghihikaw. May allergy kasi ako sa mga fake na hikaw." Paliwanag ko. "Your Mom didn't bother to-" natigilan siya kasi napayuko ako. "Pinalagyan niya ako noong baby pa ako." Natawa ako ng mahina. "Ang kaso, simula noong mawala siya, hindi na rin ako naghihikaw kaya paglipas ng panahon paggising ko naghilom na pala." Ang totoo, tinusok ni Umma ShauMinLing ang mga butas ng mga tainga ko noon para daw maghilom. Sagabal lang daw kasi ang mga hikaw kapag nasa trainings kami kaya ipinatanggal niya. "Is that so? Anong ikinamatay ng Mommy mo." natahimik ako sa tanong niya. "Hindi ko alam. Paggising ko, wala na daw siya." ngumiti ako sa kanya. "Ayaw ko siyang pagusapan sa totoo lang. Nalulungkot kasi ako kapag naaalala ko siya. Ayaw kong umiiyak dapat masaya ako kasi nandito ka." "If you want to cry, my shoulders are readily available. You can lay on them anytime you wish." Napahawak ako sa mga pisngi niya. "Hindi ko akalaing nandito ka ngayon." paos kong ani. "Pasensiya ka na kung pinatayan kita ng tawag. Kung hindi na ako nagparamdam sayo." "Shhh..." alo niya sa akin. "Ayaw kong magalit sayo. Saka na natin pagusapan yan. I just want to be with you now." Niyakap niya ulit ako ng mahigpit. "Ok na sa akin yong hindi ka magparamdam paminsan-minsan. Ayaw ko lang na gawin mo yon habang buhay. Yon ang wag na wag mong gagawin." Bulong niya sa akin. Nagnod lang ako sa balikat niya. "Bryle, bakit parang namumutla ka." Napansin ko kasi ang pagiging matamlay niya. "It's nothing. I'm just tired." Tumayo siya agad. Pinagmasdan ko siya sa mukha. May nagbago talaga sa kaya pero baka nagkakamali lang ako kasi galing siya sa biyahe. "I did not brought anything. Dumuretso kasi ako agad dito." Paliwanag niya. "Let's date tomorrow?" nakangiting ani niya. "Gusto ko yan!" masayang saad ko. "Matutulog ka ba dito?" Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "No. I'll go home. Gusto lang kitang makita. Aalis na ako. Mag-iingat ka dito ok?" nagnod lang ako sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo saka niya ako hinalikan sa mga labi ko. "I'll drop here tomorrow. 7:30 a.m is that ok? I have also something to discuss with you." Seryosong sabi niya. "Ok lang." ngumiti ako sa kanya. Naglakad na siya palabas. Nakasunod lang ako sa kanya. "Dito ka na lang. Hindi mo na ako kailangang ihatid sa baba." Ani niya. Nakatunghay lang ako sa kanya habang humahakbang siya pababa. Nabigla ako kasi bigla siyang humarap sa akin. "You look beautiful." Seryosong ani niya. Namula na ata ako. "Maganda ka kahit anong gawin mo mukha mo." dagdag pa niya. Ngumiti siya sa akin saka niya ako tinalikuran. "My Dah. Salamat!" malakas kong sabi sa kanya. "Wag kang maingay baka magising pa yang mga kapit bahay mo." natatawang ani niya habang naglalakad siya pababa. "I love you. I love you!" natatawang pahabol ko. Narinig ko lang ang magagandang halakhak niya. Huminga ako ng malalim saka ako pumasok sa loob ng apartment ko. RINGGG!!! RINGGG!!! RINGGG!!! "Hello?" nagtataka ako kas unknown number ang nakalagay. "I love you more My Bee." Malambing niyang ani. Napangiti ako dahil si Bryle pala ang nasa kabilang linya. Pinatay din niya agad. Nailagay ko lang sa tapat ng puso ko ang phone ko. Para akong inaawitan ng mga anghel sa langit. Sobrang gaan sa pakiramdam kapag may nagmamahal sayo. END OF Shara's POV Lindsy's POV POKKK!!! PAKKK!!! BLAGGG!!! TINGGG!!! POKKK!!! TIKKK!!! PLANGGG!!! "Lumayas ka dito Jace! Lumayas kang Shokoy ka!" sigaw ko sa kanya. "Lindsy Baby please magusap tayo." Samo nong Shokoy sa labas. "Baby? Ulol! Hanayupak kang lalaki ka!" balik ko sa kanya. "OMG! Lindsy tama na yan!" alo sa akin ni Zykie. "Ubos na ang mga gamit natin!" Tumigil ako saglit. "Please Beh umalis ka diyan. Hindi ka ba napapagod kakailag?" Panay ang paghinga niya ng malalim. Siya ang napagod, hindi si Jace. "Oo na ito na." Naglakad siya patungo sa gilid. Dinampot ko ang isang vase sa table. Akmang ibabato ko ito sa labas nang pigilin ako ni Zykie. Nakangiting aso siya sa akin. "Hehehe. Wag yan please. Ten thousand din yan. Ito na lang. Five Hundred lang ang bayad niyan." inabot niya sa akin ang plastic flowers na nakalagay kanina sa vase. Aabot kaya ito sa kinatatayuan ni Jace? "Daphnie, paki abot yong planggana sa kusina. Pakibitbit na din yong washing machine at refrigerator. Ihahambalos ko talaga lahat yan sa lalaking yan." Naiiyak ako na ewan. Gusto ko siyang ipabitay kay uncle Duterte. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Alam kong manliligaw ko lang siya pero ang sakit talaga eh! Yong gusto kong ilabas yong puso ko tapos didikdikin ko na parang luya. Ganoon kasi ang nararamdaman ko ngayon. "Sige na Daphnie. Ibigay mo na lahat ng mga mura sa kanya." ani ni Zykie. "Tama na yan Lindsy! Wala na si Jace. Umuwi na siya." natigilan ako bigla. Para akong nagising sa katotohanan. "Sigurado ka na wala na siya?" naiiyak kong tanong. "Wala na nga! Galing ako sa labas. Naririnig mo pa ba siya? Wala na nga di ba?" naglakad siya palabas. Dahan-dahan naman akong naglakad palabas ng bahay. Naiiyak akong nakatunghay sa nakabukas na gate namin. Napahawak ako sa panga ako. "Huhuhu. Umalis siya agad? Ganoon siya kadaling sumuko." Umiiyak kong ani. "Ang sakit ng panga ko." Napailing na lang si Daphnie sa akin. "Sino namang hindi aatras sayo? Pati kutsilyo, pinggan, kutsara, tinidor, planggana, chopping board, kaserola at arenola pinaginteresan mo. Wala kang sinanto. Tapos iiyak-iyak ka ngayon." "Huhuhuhu!!!" Mas lumakas pa ang iyak ko. "Pakshet na panga ito. Sobrang sakit kapag umiiyak ako." "Wag mo kasing ibuka yang bugnganga mo kapag umiiyak ka." Ani naman agad ni Daphnie. "Beh tama na yan. Malay mo hindi lang talaga siya ang lalaking para sayo? There are many fish in the sea." Alo naman sa akin ni Zykie. Hinahakod niya ako sa likod ko. "Talaga?" masayang ani ko. "Gusto ko si Memo ah? Pati aquarium na din. Pating pa sana kaso baka gawin ko siyang tuna." Natawa lang si Daphnie. "Tumigil ka na nga. Para kang tanga. Boyfriend mo ba yon? Hindi naman ata. Itigil mo na yang drama mo. Mukha kang tao pero nag-anyong ipo-ipo ka kanina." Naiyak na nanaman ako. Narealized ko kasi lahat ng mga sinabi niya. "Ano Beh? Naalala mo na naman si Jace kaya ka umiiyak?" nagaalalang tanong sa akin ni Zykie. "Hindi." Umiling-iling ako. "Narealized ko lang na para tayong nasa Tacloban. Nayolanda ang bahay natin. State of calamity pa! Huhuhu. Ang dami kong babayaran." "Maiyak ka pa lalo kasi wala tayong matatanggap na relief goods." Ngumisi si Daphnie sa akin END OF Lindsy's POV Vince's POV "Cheers!!!" malakas na sigaw ni Jace. Nakatingin lang kaming tatlo sa kanya habang nagpapalunod siya sa alak. "Parang tanga yan. Kanina pa yan eh-" natatawang sabe ni Kevin. Huminga ako ng malalim saka ako tumingin sa kanya. "Nagmamahal kasi siya kaya siya ganyan. Ikaw kailan mo ulit bubuksan yang pabebe mong puso." Natawa naman ng mahina si Bryle. "His heart is pabebe and no one will stop it." Nakangiting saad niya. "Kamusta nga pala sa New York Master?" pag-iiba ko ng usapan. "Ok lang." tipid niyang sagot. Tumikhim ako saka ako nagsalita. "Nakausap mo na si Shara?" "Yes. Ayaw kong mag-away kami kaya hindi ko muna siya kinausap ng matino." Muli siyang uminom ng alak. Humitit din siya ng yosi pagkatapos. "Inihatid siya ni Summer kanina." Naikuyom niya ang mga kamay niya. "She's really working to that bastard." Madiin niyang ani. Napalunok na lang ako. Himala dahil nakaya niyang pigilan ang bugso ng damdamin niya. Kapag nagalit kasi siya tuloy-tuloy na yon. Iba din talaga ang naging epekto ni Shara sa kanya. "Ganoon ba Master? Si Jazz pala? Magkasama ba kayong umuwi?" "No. I asked him to accompany our Mom. He will going home soon." Sagot niya. "Napano si Tita?" gulat kong tanong. "Nothing. She is undergoing some therapies." Natigilan kami nang lumapit sa amin si Jace. Ang pungay-pungay ng mga mata niya. "Mga Men!!! Hehehe." Napaling na lang ako kay Jace. Lasing na naman siya. "Alam niyo yong ok lang matamaan ng kung anu-ano. Lahat ng mga ibinato niya kaya kong saluhin pero yong makita ko siyang nasasaktan dahil sa kagaguhan ko, yon ang pumapatay sa akin eh-" naiiyak niyang ani. "Galit na galit siya sa akin." Inilang lagok lang niya ang alak sa glass niya. Nandito kami ngayon sa bahay ko. Kagaya ni Bryle, sariling kayod ko din ang ipinangpundar ko mapatayo lang ito. Mas Malaki nga lang yong bahay ni Bryle. Mas mayaman siya sa akin eh- "Men. Kausapin mo kapag malamig na yong ulo niya." Bilin ko sa kanya. "Ganoon din si Zykie minsan. Hayaan mo lang siyang magsalita. Wag mong sasabayan kasi parehas talaga kayong sasabog." "Alam mo si Lindsy? Hik! Hik! Lagi siyang sabog. Para kayang twitis yon. Hik! Feeling pla-pla. Hahaha. Akala niya ang lakas-lakas niya pero weak naman kapag sumabog. Mga Men, kahit ganoon yon, hik! mahal na mahal ko siya." ipinatong niya ang ulo niya sa table saka niya pinaglalaruan ang mga bote sa harapan niya. END OF Vince's POV Jazz's POV "Anong ginagawa mo dito?" nagulat ako dahil pagkadungaw ko sa labas ng bintana, nakita ko si Susie Man na nakatayo. Sa labas ng gate. Lumabas ako agad saka ko siya hinila palayo mula sa bahay. "Gusto lang kitang kamustahin bata." Nakangiting sagot niya. Napailing na lang ako sa naging sagot niya. "Kapag nakita ka ni Dad, malaking g**o na naman. Wala si kuya dito. Umuwi na siya sa Pilipinas." Tumawa lang siya ng mahina saka niya ako tinapik sa balikat ko. "Ikaw talaga ang sadya ko." "Bakit anong kailangan mo sa akin." Mahinahon kong tanong. "Ang balita ko, hinahanap mo daw ang tunay mong pamilya." Seryoso ang pagkakasabi niya kaya natahimik ako. "Wala namang masama kung hanapin ko sila. Matagal ko na silang hinahanap." Paliwanag ko. "Tutulungan kita." Agad niyang saad. Alam kong Malaki ang maitutulong niya sa akin dahil marami siyang kilalang matataas na tao sa iba't ibang parte ng mundo. Ngumiti ako sa kanya. "Hindi na po kailangan. I can handle this. Total pagkatao ko naman ang hinahanap ko." "Hayaan mong tulungan kita." Pagpupumilit niya. "Nangako ako sa Mommy niyo noon na aalagaan ko kayong dalawa ni Bryle kapag sakaling may mangyari sa kanya. I never wish to betray her." Seryosong turan niya. "Alam mo ba kung bakit ayaw kong humingi sayo ng tulong? Dahil alam kong may kapalit yan." Madiin kong balik sa kanya. "Tama ka Jazz. May kapalit talaga pero hindi naman para sa sarili ko. Nagtratrabaho ka sa ilalim ng kapatid mo at hindi sa akin. Gusto ko lang ibigay mo ang sarili mo ng buong-buo sa mga hangarin natin. Nakikipagtulungan ka lang sa amin dahil gusto mong bantayan ang kapatid mo." may halong hinanakit niyang sabi. "Yong totoo? Oo tama lahat ng mga sinabi mo. Ikaw ang dahilan kaya nagkaganyan si Kuya. Kung hindi lang siya nalason sa mga pandudurog mo, sana normal siyang lumaki. Lumaki siyang punong-puno ng galit sa mundo. You pushed him to live inside the world of revenge. You are always reminding him those heartaches he has been enduring because of our Mom's death." Galit kong sumbat sa kanya. "My mission is to give justice to your Mom. Ano bang masama sa hangarin ko?" galit niyang balik sa akin. "Buhay ng Kuya ko ang nasisira. Hindi iyon ang gusto ng Mommy!" natahimik naman siya sa sinabi ko. Huminga siya ng malalim saka siya tumingin sa mga mata ko. "Patawarin mo ako. Ang kaso, nandito na tayo. Malapit na nating maipaghiganti ang pagkamatay ni Jasmine. Tatapusi lang natin lahat. Konting tiis na lang. Mabubuhay ulit si Bryle ng normal. Mas matatahimik lang ang kapatid mo kapag nabigyan na niya ng hustisya ang Ina niyo. Wala ka bang gagawin man lang bilang anak niya? Itinuring ka nilang parang tunay na anak. Binuhay ka nila, dinamitan, pinakain at pinag-aaral." Napayuko ako sa mga sinabi niya. "Intindihin mo na lang ang Kuya mo dahil hindi mo alam kung ano ang mga nangyari noong gabing iyon. Mahal na mahal niya ang Ina niyo pero pinatay lang siya sa harapan niya. Matapang ang kapatid mo dahil sa murang edad, nagawa niyang pigilan ang pag-iyak niya. Nakaya niyang labanan yong sakit. Hindi lahat ng bata kayang gawin yon. Alam kasi niyang oras na may nakakita sa kanya noon, siguradong papatayin din siya. Kapag nangyari yon, hindi na niya magagawang tulungan ang ina niya. Iyon ang pinaghuhugutan ng kapatid mo Jazz." Naglakad siya palapit sa akin saka niya ako tinapik sa balikat. "Tulungan mo siya para matapos na. Umaasa akong mapapapayag kita." Nag-angat ako ng mukha. Buong tapang akong tumitig sa kanya. "Pumapayag na ako. Mangako ka sa akin na pagkatapos ng lahat. Hindi mo na guguluhin si Kuya." Matapang kong sambit. "Hindi ko akalaing mapapapayag kita ngayon." ngumiti siya sa akin. "Nangangako ako Jazz. Bibigyan natin ng hustisya ang pagkamatay ni Jasmine." Nagnod lang ako sa kanya. "Anong dapat kong gawin?" "Bibigyan kita agad ng assignment. Ang dati mong ambag ay ang pag-iimbestiga sa Lavitus Company. Ngayon iba na. Hanapin mo si Mr. Richard Gait Lavitus. Sa kanya iikot ang trabaho mo. Alamin mo lahat ng mga may kinalaman sa kanya." seryosong sabi niya. END OF Jazz's POV Kevin's POV Natigilan ako dahil biglang nagvibrate ang phone niya sa table. Nakapikit na ang mga mata ni Jace kaya ako na umabot sa phone niya. "Hello?" ani ko. "Hello Jace? Si Daphnie ito. Yong wallet mo naiwan mo dito kila Zykie. Sunduin mo na lang dito baka kailanganin mo kasi bigla. Wag kang matakot tulog na si Lindsy." Naningkit ang mga mata ko sa tinuran niya. Ang bait niya kay Jace. "Maraming pera yan. Ayaw mo?" nag-uuyam kong sagot. "Anong sabi mo?!" tumaas ang boses niya. "Ah- Hindi ikaw ang kinakausap ko, yong katabi ko. Susunduin ko na lang mamaya. Thank you ha?" malambing kong ani pero sa loob-loob ko gusto ko na siyang tirisin. Kunyari pa siya! Alam ko namang mukhang pera siya. "Sige." Tipid niyang sagot saka niya pinatay. Iyon na yon? Walang man lang kaamor-amor na kausap yon. Kungsabagay, kapag nalaman niyang ako ang kausap niya baka kanina pa niya pinatay. "Men, bakit ganyan yang mukha mo?" untag sa akin ni Vince. "Babae?" nakangiting tanong niya. "Hindi." Tanggi ko. Bwisit talaga ang babaeng iyon. Babae ba yon? Mas maangas pa ata siya sa akin. Pinagtitipa ko ang screen ng phone ni Jace. Natatawa ako sa mga naiisip ko. Muli kong tinawagan ang number niya. "Hello? Bakit Jace?" agad niyang bungad. "Ah- gising ka pa ba hanggang 12 midnight or ala una ng umaga?" nakangiting tanong ko. "Sobrang late naman. Bakit?" napaupo ako ng maayos. "Hindi kasi ako makakapunta agad ngayon. May lakad kasi ako. Mamayang 2 a.m kasi kakailanganin ko kasi yang wallet ko. Nandiyan kasi yong lisensiya ko." Mahinahong paliwanag ko. "Please naman." Sana pumayag siya. Narinig ko ang pagbutong hininga niya ng malalim. "Oo na. Sige hihintayin kita. Bilisan mo ok? Magkakape na lang ako ng marami para hindi ako makatulog." Lumapad ang ngiti ko. Magkape ka ng isang dram dahil walang Jace na sisipot sayo. "Salamat talaga Daphnie. Ikamusta mo na lang ako kay Lindsy ha? Thankyou talaga." Masayang ani ko. "Oo na." tipid niyang sagot. Pinatay na naman niya. Nakakairita talaga ang pag-uugali niya. Hindi ba uso sa kanyang magsabi man lang bago niya patayin ang tawag? "Uto-uto ka din pala? Sige hintayin mo si Jace hanggang mamuti yang mga mata mo diyan." Bulong ko sa sarili ko. Natawa ako ng mahina. Napatingin ako kay Jace na tulog na tulog ngayon. Humihilik na siya ngayon. Binabago ka talaga kapag nagmamahal ka. Hindi ko alam kung kailan ulit ako tatamaan ng pag-ibig na yan. Sana magawa ko pang magmahal ulit. Iyong tipong wala akong magiging kaagaw. Napatitig na lang ako sa pagmumukha ni Jace. Para siyang napariwarang uwak. Kapag nagmahal ka, mararanasan mo din masaktan. END OF Kevin's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD