Chapter 10

3446 Words
Chapter 10 Shara's POV KNOCK!!! KNOCKK!! Ngumiti ako sa salamin bago ako naglakad patungo sa pintuan. Alam kong si Bryle ang kumakatok. Ang aga niya ngayon kung ganoon. Napanganga ako nang makita ko si Bryle. Ang gwapo niya ngayon. Natigilan ako nang lumabas ang mga kaibigan niya mula sa likuran niya. "Oh?" mahinang sambit ko. "Good morning Shara!" nakangiting bati nila sa akin. Todo kaway sa akin si Jace habang kumikindat-kindat naman si Vince sa akin. Hindi ba napapagod yong mga talukap niya? Nakangiti lang sa akin si Kevin. Napakamot na lang ako. Ibig sabihin group date ang tinutukoy ni Bryle kagabi. Akala ko pa naman kami lang. "Hi!" alanganing bati ko sa kanila. "Pasok kayo?" "Maiiwan ka pa ba dito Master?" nagtatakang napatingin siya kay Bryle. Napatingin naman sa akin si Bryle. "Do have still something to do?" "Wala na. Kayo? Baka kasi gusto niyong pumasok muna." Maang kong sagot. "Then let's go." Aya niya sa akin. "Sasabay tayo sa kanila." Wala akong magawa kundi ang ngumiti na lang sa kanila. Totoo ngang group date ang magaganap. Inilocked ko ang pintuan ko saka ako humarap ulit sa kanila. Masuyong inabot ni Bryle ang kaliwang kamay ko saka niya ako inakay sa paglalakad. Narinig kong napahagigik si Jace. Namula tuloy ako. Hindi ako sanay na makasama sila lalo pa ngayon kasi kami na ni Bryle. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Napapatingin na lang ako sa rear mirror para makita ko sila sa likod. Nakaupo kasi ako sa harapan. Katabi ko si Bryle na abala sa pagmamaneho. "Shara bakit pala umalis ka sa bahay ni Zykie?" biglang tanong ni Vince. "Siya na lang ang pamilya mo dito kaya sana doon ka na lang." sumulyap naman sa akin si Bryle. Halatang interesado silang lahat sa sagot ko. "Hindi kasi ako sanay manirahan sa ganoon kalaking bahay. Nakakapagod kaya maglinis." Natawa naman silang lahat maliban kay Bryle. "Nahirapan ka?" maang na tanong ni Vince. "Bakit pumayag kang maging Maid ni Bryle noon?" Natigilan naman ako. Nakita kong siniko siya ni Kevin. Sabay-sabay silang napatingin kay Bryle. "Joke ko lang yon." Bawi niya. Napalunok siya ng todo. "Ang laki kasi ng bahay ni Bryle sa Ortigas. Idagdag mo na din ang isang floor na Condo niya. Haha. Alam ko namang hindi ka nahirapan kasi mahal ka naman ni Bryle." Kinikilig niyang ani. Napangiti ako nang makita kong ngumiti si Bryle habang nakatingin sa harapan. "Loko ka talaga Vince. Wag mong pakiligin si Master baka mabangga pa tayo sa daan." Kinikilig na singit naman ni Kevin. "Ah- Hindi ah! Nagtrabaho talaga ako sa kanya. No special treatment yon." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Hindi ko inakalang mamahalin niya ang isang katulad ko. Alam ko naman kasi kung saan kami nag-umpisa. "Oo na kahit hindi." Nag-aasar na sambit ni Jace. Nagsasabi ako kaya ako ng totoo. "Totoo yon. Bryle, sabihin mo sa kanila." Lumingon lang siya sa akin saka siya ngumisi. Itinuon niya ulit ang pagmamaneho. Tuwang-tuwa pa siya na pinagtutulungan ako ng mga kaibigan niya. Anong klaseng Boyfriend siya? Natawa ng mahina si Kevin. "Kita mo na. Wag mo na kasing itanggi." Napayuko na lang ako. Pinaglaruan ko na lang ang mga daliri ko. Isinama ba nila ako para asarin? "Ang problema mo ay ang malaking bahay ni Zykie? Yon lang ba?" natatawang ani ni Jace. "Bumalik ka na doon. Ako na ang bahala sa inyo. Sagot ko na ang magiging katulong niyo. Hindi mo naman sinabi agad. Ayaw ko din namang magpagod si Lindsy sa paglilinis ng bahay. Hati pala kami ni Vince kasi bahay naman ng Girlfriend niya yon." "Walang problema." Sangayon naman agad ni Vince. Nagaalangang lumingon ako sa kanina. "Para sa akin, wag na lang. Hayaan niyo silang matuto sa mga gawaing bahay. Hindi naman mahirap gawin yon. Masisipag naman sila." "Sanay sa magandang buhay ang pinsan mo at si Lindsy kaya baka hindi nila kayanin." Apela naman ni Jace. Umiling-iling ako para ipakita ang pagtutol ko. "Masasanay din sila. Lalo pa ngayon kasi kasama na nila si Daphnie. Masipag ang isang yon." Naptingin naman silang lahat kay Kevin. "Nakatira na talaga ang babaeng yon doon?" hindi makapaniwala ang reaksiyon ni Vince. "Oo." Wala sa sariling sangayon ko. "Ayaw na niyang umalis doon eh. Kaibigan na din siya ni Lindsy at Zykie." "Hahaha. Chicks yon ni Kevin. Tamang-tama lang! May kasama na din akong aakyat ng ligaw doon. Mabuti na lang in love na ulit si Kevin." masayang ani ni Jace. "Ikaw at si Daphnie?" kunot noong tanong ko. Napatitig naman ng masama si Kevin kay Jace. "Hindi ah! Ang babaeng yon? Iba na lang. Isa lang ang masasabi ko, pagsisisihan nilang pinatuloy nila ang babaeng magnanakaw na yon." Galit nitong saad. Napanganga na lang ako. "Nako naman Men! Wala ka ngang ibang bukang bibig kundi si Daphnie noon." Tukso sa kanya ni Vince. Napangiti na lang ako sa kanila. "Gusto mo bang sabihin ko kay Daphnie?" Ang suwerte naman ni Daphnie kay Kevin kapag nagkataon. Gwapo din kasi si Kevin kaso parang mukhang masungit. Mayaman din siya. Simple lang ang pamumuhay ni Daphnie. Katulad ko rin siya na kayad marino. "Wag!" agad niyang sagot. Nagulat ako dahil sobrang lakas ng pagkakasabi niya. Nayanig ata pati itong sinasakyan namin. Nagpapalit-palit namang ang tingin ni Jace at Vince sa aming dalawa ni Kevin. "Lagot ka Men! Sinigawan mo ang Girlfriend ni Master. Lagot ka mamaya." Pananakot ni Jace sa kanya. Itinaas nilang dalawa ang kanilang hintuturo tapos iginagalaw nila sa mukha ni Kevin. "Lagot ka! Magtago ka na sa puso ni Daphnie!" banta naman ni Vince kay Kevin. Nagaalangang napatingin naman si Kevin kay Bryle. "Master... Mas-yado kasing maba-it ang Girlfriend mo kaya ko siya nasi-gawan." Nauutal niyang ani. "Si Daphnie? Parang Shara din siya noon. Akala ko lalaki! Bastos at wala siyang awang tao. Matapos niya akong tapunan ng sobrang init na kape basta na lang niya ako tinakbuhan. Tangay-tangay pa niya ang mga barya ko!" litanya niya. "Para barya lang nagkakaganyan ka na? Matagal na din yon. Learn to let go Men!" pahayag ni Jace. Ngumisi naman si Kevin. "Huh? Ayos lang sa akin kung hiningi niya pero ninakaw nga niya di ba? Ibang usapan na yon!" galit niyang balik. Natawa lang si Bryle ng malakas. "Who is Daphnie? I want to congratulate her." Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Hindi kita paparusahan sa ginawa mo sa Girlfriend ko. In one condition. You have to date that Girl in return." Seryosong bitaw niya. Nalaglag naman ang panga ni Kevin sa tinuran nito. "Kaibigan ko siya kaya tutulong akong maisagawa yan." Masayang ani ko. Napatingin naman kaming lahat kay Kevin na tulala pa rin hanggang ngayon. "Hoy!" Ikinaway-kaway ni Jace ang mga kamay niya tapat ng mukha ni Kevin. "Ako? Magde-date kasama ang babaeng bull dog na yon?" hindi makapaniwalang sambit niya. Nagnod naman kaming lahat sa kanya. "Oo, tama ang narinig mo Men. Patunay lang yan na gumagana pa yang mga tainga mong punung-puno ng tae." Seryosong sagot naman ni Vince. "Malinis ang mga tainga ko! Naglilinis ako araw-araw." galit naman niyang ani. "Master, iba na lang pakiusap!" hinawakan niya sa balikat si Bryle. "Kevin, can't you see? I'm driving." Malamig naman na sabi ni Bryle. Binitawan naman siya agad nito. "Alam mo na nga lang na ayaw na ayaw ni Bryle na sinisigawan ang Girlfriend niya kasi iginagalang naman niya tayo kapag may mga babae tayo. Marami din siyang tiniis sa atin kaya gawin mo na lang ang napakadaling parusa mo." madiin na saad ni Jace. "Anong madali doon?" inis naman na sumbat niya. "Gusto niyong i-date ko ang babaeng gusto kong suntukin?" galit niyang bulalas sa amin. "Ah!" malakas na sambit naman agad ni Jace. Para siyang napukpok ng malaking bumbilya sa ulo niya. "Bryle alam ko na! Papipiliin na lang natin siya!" nakangising pahayag niya. "Bring it on!" nakangising sangayon naman ni Bryle. Tumitig ng seryoso si Jace sa mga mata ni Kevin. "Makikipagdate ka kay Daphnie o ia-unstalled mo yong COC sa phone mo?" "Hahaha! Tama yang naisip mo Jace!" Humalagapak sa tawa si Vince. "Oo nga pala T.H 10 na siya! Sayang naman ang pinaghirapan niya kung mawawala lang yon. Nako! Ang arte mo kasi! Kung ako sayo, makikipagdate na lang ako kay Daphnie kasi ang cute kaya niya. Yong COC, ilang taon din yon bago ka makapunta sa pinakamataas na level." "You can choose now Kevin." Madiin na ani ni Vince. "Oo na! Makikipagdate na ako!" natuwa kaming lahat sa pagpayag niya. Halatang napilitan lang siya. Gusto ko ding makita ang magiging reaksiyon ni Daphnie. Ngayon ko lang napatunay kung gaano katibay ang samahan nilang apat. Para silang mga tunay na magkakapatid. Hinahangaan ko sila. Hindi naman pala ganoon kasama ang mga ugali nila. Masaya din silang kasama. "Yes! Sa wakas magiging tao ka na din!" ginulo ni Jace at Vince ang mga buhok ni Vince. "Aray! Tigilan niyo nga ako!" reklamo naman nito. Tumikhim si Bryle kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Nga pala. Tumawag si Daphnie kagabi sa phone mo Jace. Galit na galit siya sayo." Sabi niya. "Ha? Ako? Walang naman akong matandaan na kasalanan sa kanya." pagtatanggol niya sa sarili niya. "Don't worry I already explained to her." Sagot naman ni Bryle. Napakamot si Jace. "Bakit siya nagalit sa akin?" "Pinaghintay mo daw siya hanggang 1 a.m pero hindi ka daw dumating." Paliwanag niya. "Pinaghintay?" maang naman na sambit ni Jace. "Wala akong matandaan na may sinabi akong ganoon sa kanya. Lasing na lasing ako kagabi." "I know. Sinabi ko na yan sa kanya. Sinabi ko ang katotohanang si Kevin ang may hawak ng phone mo kagabi. Kaya siguradong si Kevin din yong nakausap niya." Napanganga naman ulit si Kevin. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatunghay siya sa likod ni Bryle. "Sinabi mo talaga yon Master?" hindi makapaniwalang tanong nito. Inosenteng nagnod naman sa kanya si Bryle. "Mag-usap daw kayo kapag nagkita kayo. Humanda ka daw sa kanya. Kaya nga magde-date kayo." Maliwanag na paliwanag ng aking mahal na Boyfriend. Muli kaming nagtawanan dahil sa naging reaksiyon ni Kevin. Hindi na kasi maipinta ang mukha niya. END OF Shara's POV Jazz's POV Macau, China Inalabas ko mula sa bulsa ko ang picture na nahulog ni Kuya noong nagtungo siya sa Kwarto ko. Isa itong one by one I.D picture ni Shara. Hinaplos ko ang maliit niyang mukha dito. Gustung-gusto ko talaga siya. Una ko pa lang siyang makita sa School, naramdaman ko na yon. Ayaw kong aminin sa kanya na mahal ko din siya dahil natatakot akong lumayo siya sa akin. Dapat ba naging totoo na lang sana ako sa kanya at sa sarili ko noon? Kung naging matapang ba ako, ako ang kasama niya ngayon at hindi si Kuya? Hinayaan kong tangayin ng sarili kong kapatid ang taong mahal ko. Mas inintindi ko kasi ang sinabi sa akin ni Kevin noon. Ang iparaya ang taong mahal mo sa taong higit siyang mamahalin. Alam kong mamahalin at proprotektahan siya ni Kuya higit pa sa buhay niya. "Wag mo na siyang isipin Jazz..." bulong ko sa sarili ko. "Kalimutan mo na siya. Hindi kayo pwede..." huminga ako ng malalim sako ko muling itinago ang picture niya. Bahagyang lumingon sa akin si Jimmy. "Sigurado ka ba sa gusto mong gawin Sir?" tanong niya sa akin. "Oo." Tipid kong sagot. Nagtungo ako dito sa Macau para makita si Mr. Richard Gait Lavitus. Napagalaman ko kasing hindi ko siya kailan man mahahagilap sa Pilipinas. Tinatahak namin ang daan patungo sa Main office niya. Kung totoo mang isa siya sa mga may kinalaman sa pagkamatay ni Mommy, hinding-hinding ko siya mapapatawad. Magbabayad din siya kapag napatunayan ko yon. "Hello?" sagot ko sa phone ko. Nakita ko kasing tumatawag si Lailanie. Ilang beses ko na siyang naging classmate sa New York noong nasa High School pa lang kami kaya malapit kami sa isa't isa "Jazz! Mabuti naman sinagot mo na. Kanina pa ako tawag nang tawag sayo." Pagmamaktol niya. Tumawa lang ako ng mahina. "Alam ko. Pasensiya ka na. I am busy right now. Kamusta ang flight niyo ni Kuya noong isang araw?" "Ewan ko sa Kuya mo." malungkot niyang sagot. "Ang sabi ko dapat lagi ko siyang kasama kasi matagal din akong nawala dito sa Pilipinas. Nakakainis na siya kasi hanggang ngayon hindi pa rin niya ako tinatawagan." Pagmamaktol niya. "Napatawag ako sayo kasi gusto ko sanang itanong kung alam mo kung nasaan siya." Na-love at first sight siya kay Kuya noon. Lagi siya sa bahay namin sa New York para bisitahin si Kuya noong nagpapagaling pa lang siya mula sa eye surgery. Ayon sa kanya, matagal na niyang gusto si Kuya. Nasa elementary pa lang siya noon. Pakiramdam tuloy niya destiny sila kasi muli silang nagkita sa New York 10 years ago. 3 months pa lang kasi silang naninirahan sa bansa noong panahong iyon. "Baka kasama niya ang mga kaibigan niya ngayon." ani ko sa kanya. "Sir, nandito na po tayo." Paalam ni Jimmy. Nagnod lang ako sa kanya. "Lailanie baka kasama niya ang Girlfriend niya ngayon." natahimik naman siya. Alam kong nagdaramdam na naman siya. Hindi niya kasi matanggap na may Girlfriend na si Kuya. "May gagawin na ako. Ganito na lang, tatawagan ko si Kuya mamaya tapos sasabihin kong samahan ka sa pamamasyal. Ngumiti ka na kasi gagawin niya yon." "Sana sayo na lang ako na in love. Si Bryle kasi talaga ang mahal nitong puso ko eh-" Mahinang turan niya. Natawa naman ako ng malakas. "Kapag na in love ka sa akin, baka masaktan ka lang din." Napangisi tuloy ako. "Bakit naman?" pagmamaktol niyang tanong. "Baka kasi kapag dumating na ang araw na yon, may mahal na din akong iba." Natatawang sagot ko. "Sige na. Ibaba mo na. Marami pa akong gagawin." "Sige na nga. Mag-iingat ka diyan Jazz. Salamat ha?" malambing niyang bilin. "Welcome." Narinig kong pinatay na niya ang tawag. "Let's go Jimmy." Tumalima naman siya agad. Lumabas siya saka niya ako pinagbuksan. Pagkalabas ko agad akong tumingala sa napakatayog na building sa harapan namin. Totoo ngang mayaman si Mr. Lavitus. END OF Jazz's POV Shara's POV Natigilan ako dahil sa isang hospital kami tumigil. Tahimik lang akong nakasunod sa kanila hanggang sa makapasok kami. Pasimple kong siniko si Bryle. Lumingon naman siya agad sa akin. "Why?" nakangiting tanong niya. "Anong ginagawa natin dito?" bulong ko sa kanya. "Akala ko magrereklamo ka kasi hindi ko hawak ang kamay mo." napakamot siya sa ulo niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang cute kasi niya. "Master, sasama ka ba sa loob?" tanong ni Jace. "No. I'll wait you here." Sagot naman nito. "Ok. Sige Shara." Ngumiti lang ako sa kanya. Pumasok na silang lahat sa isang room. Napatingin naman ako kay Bryle na nakatingin ngayon sa akin. "Nagpunta kasi si Jace sa bahay ni Zykie noong isang araw. Gusto lang sana ni Jace na makipag-ayos kay Lindsy. Nag-anyong toro daw si Lindsy kaya pinagbabato siya ng mga kung anu-ano. Nasugatan si Jace sa hita niya dahil sa kutsilyong inihagis sa kanya ni Lindsy. That's the reason why he called us early last night to have some drink." Mahabang paliwanag niya. Hindi ako makapaniwalang nagawa yon ni Lindsy. "Hindi ko alam ang nangyari. Magkasama kami noong isang araw pero wala siyang nabanggit sa akin. Tahimik lang kasi siya magdamag. Kawawa naman si Jace. Kakausapin ko na lang si Lindsy kapag nakita ko siya." "No doubt. Jace really like her so much. I never seen him like that before." Seryosong ani niya. Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Magkakaayos din sila." Nakangiting sabi ko sa kanya. Pinagsilop niya ang mga kamay namin saka niya ako hinila patayo. "May pupuntahan tayo ok?" nagnod lang ako sa kanya. "Kapag nasaktan ka, hawakan mo lang ng mahigpit ang kamay ko." Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon ko. Naglakad kaming magkahawak kamay. Natigilan ako nang bigla siyang tumigil. "Pumasok ka na." napatitig ako sa Doktorang nakatayo sa harapan namin. "Palalagyan kita ng mga butas sa mga tainga mo. I'll ask you now. Are you willing?" nakangiting tanong niya. "Bakit mo gustong magpabutas ako ng mga tainga ko." Natatawang tanong ko. "Wala lang. Babae ka kaya dapat meron kang ganoon." Sagot niya. "Sige, walang problema." Naglakad kaming dalawa papasok. Nakasunod lang sa amin ang Doctor. Mabilisan lang ang paglagay nila ng mga butas sa tainga ko. Ilang minutos lang. "Masakit ba?" nagaalalang tanong niya sa akin. "Hindi." Wala pa ang sakit na iyon kumpara sa balang tumama sa balikat ko noon. Naglalakad kami habang magkahawak kamay kami. Umiinom kami ng Pepsi Soda ngayon. Napapatingin ako sa magkahawak na mga kamay namin paminsan-minsan. Iniwan namin ang mga kaibigan niya sa hospital. Hinila na lang kasi niya ako palabas ng Hospital. "What are you thinking?" biglang tanong niya. "Inaalala ko ang mga kaibigan mong naiwan sa hospital. Baka isipin nila na ini-indian natin sila." Nakangiting sagot ko. "They are adults already. They can walk with their own feet anytime they want." Seryoso ang pagkakasabi niya. Napadpad kami sa Manila Bay. "Tara doon My Dah!" hinila ko sa papunta sa malapit sa mapit sa Bay para mas mapagmasdan namin ito. Madilim na din kasi kaya hindi na gaanong makita ang view. Umupo kami sa isang ipinagawang view deck dito.  "Wala na tayong makita kasi madilim na." Ani ni Bryle. "Oo nga eh-" Sumulyap ako sa kanya. Nakita ko siyang tahimik na nakatingin sa malayo. Napakurap ako dahil bigla siyang tumingin sa akin. "Nasaan ang Pepsi soda mo? Itinapon mo na?" "Ha? Nandito sa tabi ko. Bakit? Gusto mo pa?" inabot ko ang soda ko saka ko inabot sa kanya. "Sayo na." alok ko sa kanya. Natawa naman siya ng mahina. Kinuha niya ang soda sa akin saka niya ito ipinatong sa baba. Ngayon yong soda naman niya ang inabot niya. Nagulat ako nang tanggalin niya ang pull tap nito. Napatingin siya sa akin pababa sa hawak-hawak niya. "Shara... madalas kong gawin ito noong nabubuhay pa ang tunay kong Ina." Mahinang ani niya. Kung ganoon, nag-asawa ulit ang Daddy nila. "Ganoon ba? Kagaya pala kita na maagang nawalan ng Ina." (Now Playing: THE WOMAN'S WORK By: Greg Laswell) "You're right." Ngumiti siya sa akin ng malungkot. Walang paalam niyang inabot ang kaliwang kamay ko.Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Napangiti ako nang dahan-dahan niyang isinusuot ang pull tap sa pinakamaliit kong daliri. Para niya itong ginawang singsing. "Ang ganda naman. May singsing na ako." Tuwang-tuwang ani ko. Napatitig ako sa binigay niya. Aalagaan ko ang pull tap na ito.  "When I were a kid, I'm always telling my Mom my strong urge to marry a girl someday. She told me that, I should give her a ring first. I'm too young to provide money just to buy a precious diamond ring. I really like diamond because diamond is forever." Natawa siya ng mahina. Nanatili lang akong nakikinig sa kanya. "Kapag umiinom si Mommy ng Soda noon lagi kong kinukuha yong mga pull taps niya tapos isinusuot ko sa daliri niya. I told myself before that if I were the one to choose a girl, I would chose my Mom. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya gusto ko na siyang pakasalan kasi ayaw kong mawalay pa siya sa akin at sa amin." Nakita ko ang hinanakit sa mga mata niya. Mahirap talagang mawalan ng Ina. Iyon ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko kaya alam kong ganoon din siya. "Your my second behalf. I am looking forward to be with you in the future." Natigilan ako sa sinabi niya. "Sa tamang panahon. Engaged ka na ngayon. Ang pull tap na iyan ang magpapatunay. Itago mo yan ha?" Ngumiti ako sa kanya saka ko siya niyakap ng mahigpit. Hindi ko na din napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Pinunasan ko ang mga luha ko saka ko hinanap ang soda ko. Tinaggal ko din ang pull tap nito saka ko isinuot sa daliri niya. "Engaged ka na din." Tumatawang ani ko. "Itago mo din yan ha? Mahal na mahal ka kasi nong nagbigay." ngumiti siya sa akin saka niya ako niyakap. "Mahal na mahal din kita." Masuyong ani niya. Niyakap ko din siya pabalik. "May trivia ako sayo." Bulong ko sa kanya. Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin. "Ano yon?" Tumingin ako sa malayo. "Alam mo bang makikita mo ang hugis ng mundo kapag nasa gitna ka ng dagat? Hindi yong bilog pero yong curve niya." Natahimik naman siya bigla. "Alam ko na yan. Ginawang trivia din yan sa akin ng batang babaeng kalaro ko noon." "Wow naman. Sino siya?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin. "Nakasama ko siya sa barko dati." Nawala ang malapad kong ngiti dahil sa naging sagot niya END OF Shara's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD