Chapter 11

3423 Words
Chapter 11 Jazz POV "This way Sir." Ani ng Secretary ni Mr. Lavitus sa akin. Tahimik lang ako nakasundo sa kanya habang inililibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Napakatibay at talagang mamahalin ang mga materyales na ginamit sa pagpapatayo ng building na ito. "You may enter to his office anytime you want Sir. He is now waiting inside." Nakangiting bilin niya sa akin bago niya ako iniwan. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng opisina niya. Nakatalikod siya habang nakatunghay siya sa labas ng building. Tumikhim ako saka ako nagsalita. "Good evening Sir." Unti-unti naman siyang humarap sa akin. "Wo neng ba ni ma?" nakangiting tanong niya sa akin. Kaharap ko na ngayon si Mr. Lavitus. Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko nang masilayan ko ang mukha niya. Tinatanong niya kung ano daw ang maitutulong niya sa akin. "I am Jazz Jesrael Sy from Sy Campany. I am Mr. Sy's second child." Pagpapakilala ko sa sarili ko. "Oh! Hello iho? Kamusta?" masayang ani niya. Lumapit siya sa akin saka niya ako kinamayan. Malugod ko naman tinanggap ang palad niya. "Akala ko Chinese investor na naman ang kausap ko. Mabuti naman Pilipino na ngayon." natatawang dagdag niya. "Umupo ka." "Thank you." Napatitig ako sa isang painting na nakadisplay sa likod niya. Isa itong painting ng isang Lake House. Parang kapareho ito ng painting ni Mommy sa Mansion. Meron ding ganoon si Kuya sa bahay niya sa Ortigas. Lahat yon ay gawa ni Mommy. "Nabalitaan kasi namin ang mga transaksiyon niyo sa Europe. Gusto sana naming makipag-negotiate sa susunod niyong project. I brought with me all the papers you need if you intend to verify those. Malinis ang mga records namin at matataas ang demand sa mga materyales namin. Sigurado akong hinding-hindi niyo pagsisisihan ang pakikipagtulungan niyo sa amin kapag napapayag namin kayo." Napangiti naman siya sa akin. "It's the first time in the whole history. I never tried to work with Sy Company. It's not because I'm too picky when it comes to some investors but because of your independency. I tried to approached you before but you refused. It don't mind it anymore. I'm just surprised Iho." Natawa siya ng mahina. Napangiti na lang ako sa naging tugon niya. Wala akong nakikitang mali sa pagkatao niya ngayon. Magaan ang loob ko sa kanya. Hindi ko din kung bakit? Siguro ay dahil parang nakikita ko si Dad sa kanya. Isang taong pursigido. Nasisiguro kong magka-edad lang sila ni Daddy. Hindi ko dapat kalimutan ang totoong ipinunta ko dito. Ang makuha ang loob niya. "Sorry for that Sir. Nagkataon lang siguro na hindi nila nakita ang potensiyal niyo pagdating sa pamamalakad ng mga businesses. We have been treating ourselves as a great competitors but that's only a theory by the people around us. I came here to please you but I won't force you Sir. Sapat na sa akin na nagsumikap akong lumapit sayo. I'm looking forward to have your big yes." Nakangiting ani ko. "Anak ka nga talaga ng Daddy mo." natatawang sambit niya. "Pareho kayong hindi marunong magpaliguy-ligoy. About your offers, I'll think about it. I appreciate your effort to come and meet me here." "It's an honor Sir." Bigla akong naasiwa dahil sa pagkakatitig niya sa akin. Para bang kanina pa niya pinag-aaralan ang kabuoan ko. "Is there any problem Sir?" Napakurap naman siya agad saka niya ipinilig ang ulo niya. "Oh! Nothing." Tumawa siya ng alanganin. "Meron kang nunal sa leeg mo." nakangiting sabi niya. Sa dami niyang pwedeng mapansin, nunal ko pa talaga. Wala sa sariling napahawak naman ako sa leeg ko. "Matagal na po ito dito. Baby pa lang ako." Paliwanag ko. "Ganoon ba? Ang sabi kasi nila, kapag daw may nunal ang anak sa leeg suwerte daw ang mga magulang nito." Paliwang niya. "Suwerte nga talaga sila sayo. May anak silang katulad mo." nakangiting ani niya. Gusto ko din siyang tanungin tungkol sa buhay niya pero hindi ko gagawin yon hangga't hindi ko pa nakukuha ang loob niya. Ayaw ko namang maging masyadong papansin. May mga anak din kaya siya? Wala kasi akong nababasa tungkol sa pribadong buhay niya. Talagang nakakaintriga ang pagkatao niya. "Yan nga po ang lagi nilang sinasabi sa akin. Pati ang kapatid ko yan din ang sinabi niya sa akin dati. Masuwerte din naman po ako sa kanila kaya patas lang." napayuko siya saka siya huminga ng malalim. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Parang kahit na sa kanya ang lahat, nakikita kong parang may kulang pa sa kanya. Paano nga kaya naging Mafia Boss ang isang katulad niya? "Mabuti naman. I'll go now. I have lot of appointments to attend. Wala ka na bang ibang sasabihin?" kunot noong tanong niya. "I said everything I want Sir. You may now go Sir. Thank you for meeting me personally Sir." Tumayo ako saka ko inilahad ang palad ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin saka niya ito tinanggap. "No problem. From now on you have my big yes. I'll be glad to work with you." Lumapad ang ngiti ko sa pagpayag niya. "Wow! Thank you so much Sir. You won't regret this." Nagnod lang siya sa akin saka siya naglakad. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Hindi ko maramdaman na kalaban siya. Bakit nga kaya siya idinamay ni Susie Man sa pagkamatay ni Mommy? Sadyang may mga tao lang sigurong nagtatago sa ibang mga anino para magmukha silang mabubuting tao. Nagtuloy-tuloy kami ni Jimmy sa parking lot. "Uuwi ka ba agad sa New York o mananatili ka muna dito?" tanong sa akin ni Jimmy. "Uuwi ako ng Pilipinas." Tipid kong sagot. "Pero Sir ang sabi ng Mommy niyo sa New York kayo magdidiwang ng bagong taon." Apela niya. "Hindi ko din alam Jimmy. Parang may nag-uudyok sa akin na umuwi sa Pilipinas." Natulala lang ako sa malayo. "Ako na ang bahala kay Mom." "Kayo ang masusunod Sir." Sangayon naman niya. "Jimmy." Napatitig ako sa mukha niya. "Wala ba talagang anak si Mr. Lavitus?" seryosong tanong ko. "Wala Sir. Iyon ang alam ko. Nag-iisa na lang ata siya buhay. Kung hindi ako nagkakamali buhay pa ang Tatay niya. May mga kamag-anak din siya pero hindi siya malapit sa mga iyon." Paliwanag niya. Natahimik naman ako sa sinabi niya. "Manghihimasok na ako Sir." Napakunot noo naman ako sa tinuran niya. "Narinig ko kasi kay Cheska at Eunice noon na nag-uusap tungkol sa Girlfriend ni Vince ngayon. Ang babaeng iyon ay may kaugnayan daw sa mga Lavitus. Hindi malinaw ang iba pa nilang pinagsasabi noon kaya hindi ko rin tiyak." "Kailan mo sila narinig na nag-uusap." Lumapit ako sa kanya saka ako tumitig sa mga mata niya. Naasiwa naman siya sa ginawa ko. "Ah- Matagal na. Bago maganap ang Ball game ata? Ang malinaw lang sa akin ay pinsan daw ni Zykie si Shara. Si Shara ang babaeng nagiging malapit sa kapatid mo di ba? Yong Zykie naman ang karelasyon ngayon ni Vince. Kung ganoon nga, magpinsan silang dalawa. Ibig sabihin may kaugnayan din ang Shara na iyon sa mga Lavitus. Iyon ay kung totoong magpinsan sila." Bigla naman akong kinutuban sa mga sinabi niya. Bakit nga kaya hindi ko agad naisip iyon. Matagal na rin kaming hindi nagkaka-usap ni Cheska kaya wala akong alam sa mga nalalaman niya. "May tama ka pero mahirap ang magbintang. Malapit din sa akin si Shara kaya Malabo ang sinasabi mo. Maaaring pinsan lang niyang malayo. Hindi pa nga tiyak kung pinsan niya sa ama o sa ina. Sa susunod dapat malinaw ang mga impormasyon mo. Yong walang salitang daw ang maririnig." Aminin ko man o hindi medyo ginugulo din ako ng mga impormasyong iyon. Totoo nga kaya iyon. "Pasensiya ka na. Gusto ka mang magtanong kay Cheska hindi pwede dahil kilala ko siya. Umasa lang ako sa mga narinig ko sa pag-uusap nila. Sana lang hindi totoong may babae na naman ang kapatid mo. Hindi naman siya ang mahihirapan kundi yong babae. Sumugod kasi siya noon sa Site ni Susie Man. Siguro dahil sa babaeng iyon ang pinagtalunan nila." Matalino talaga si Jimmy. Talagang pinapahalagahan niya ang misyon niya. "Tapusin muna niya ang misyon niya bago siya magsaya. Hindi yong mandadamay pa siya ng ibang taong mahalaga sa kanya. Sinasabi ko lahat ito sayo dahil hindi ko naman siya kayang kausapin ng matino pagdating sa mga ganitong bagay. Masaya ako dahil napapayag ka ni Susie Man. Kapag nagkataong pumalpak na naman si Master, ikaw na lang ang tumapos." "Tama ka. Gusto kong matapos na ang lahat kaya ako nakianib. Wag niyo na lang intindihan si Kuya. Ako na lang ang magpapaalala sa kanya." huminga ako ng malalim saka ako naglakad papunta sa kotse ko. Pagkarating ko sa suite na tinutuluyan ko, nahiga ako agad. Bumangon ako agad nang may maalala ako bigla. Nagmamadali kong binuksan ang laptop ko saka ko hinanap ang mga files na kailangan ko. Nakaligtaan ko ang mga itong siyasatin dahil naging abala ako. Pinindot ko ang play button para magplay na ang magkakasunod na kuha sa CCTV sa naganap na g**g War sa Museum at Arena. Napatitig ako sa screen ng laptop dahil sa pamilyar na babaeng biglang lumitaw. Lumapit ako saka ko inaninag kung sino siya. Napalunok ako nang masigurado kong si Shara ang babae. Ang babaeng nasa Museum at Arena ay si Shara. Anong ginawa niya sa labas ng Museum at Arena noon? Bakit nandoon siya? Nakita ko na pumasok siya sa mga iyon. Wala na akong maaninag sa pagpapatuloy ng footage video dahil madilim na ang nakikita. Anong agenda ni Shara sa pagpunta sa mga ganoong klaseng pagtitipon? Bakit alam niya ang mga lugar na iyon? Inabot ko phone ko para tawagan si Jimmy. "Jimmy, hindi mo ba nakuha lahat ng mga CCTV footages na ipinapakuha ko sayo noon?" "Iyan lang ang nakalap ko Sir? Bakit Sir may nakita ka ba?" tanong naman niya. "Wala akong nakita. Parang kulang kasi." Pagpapalusot ko. "Yong mga ipinapakuha ko sayo sa ibang mga Sites?" "Nahirapan akong nakawin ang mg iyon Sir. Madami kasi silang mga bantay. Madali lang naman nating makukuha ang mga iyon kung ipapaalam natin sa kanila kaso baka maghinala sila. Mahirap na kapag sila ang nagtaka. Ginagawan ko ng paraan ang lahat. Makukuha din natin iyon." Mahabang saad niya. "Salamat Jimmy. Magpahinga ka na." pinatay ko na ang tawag saka ako sumandag sa upuan ko. "Si Shara ang may-ari ng mga sapatos na napulot ko noon sa labas ng Private Museum." Mahinang bulong ko sa sarili ko. Napapikit ako ng mariin. Sobrang nakakagulat lang talaga ang paglitaw niya sa mga lugar na iyon. END OF Jazz's POV Shara's POV "Nakasama mo siya sa barko? Anong pangalan niya?" maang kong tanong. "Oo. Ang pangalan niya ay... Brianna." Nakangiting ani niya. Siya pala ang tinutukoy niya. "Binigyan kasi niya ako ng pamsamantalang liwanag noon. Let's don't talk about her. Baka magselos ka pa." natatawang dagdag niya. "Bakit naman? Hindi naman ako magseselos." Sinabi kong hindi kahit oo naman talaga. Ilang babae din kaya ang dumaan sa buhay niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagseselos. Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako tinitigan ng taimtim. "I know you will get jealous." May gana pa siyang ngumisi. Nang-aasar ba siya? "Bakit naman ako magseselos? Natural lang yon." pakiramdam ko namumula na ako. Nagseselos naman kasi talaga ako. Nagselos din ako kay Brianna noon. Parang ang lalim kasi ng mga pinagdaanan nila noon. "Because I once fell in love with her." Wala sa sariling amin niya sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Kahit ganoon pa man, natutuwa pa rin ako sa katototohanang iyon dahil kahit papaano may puso din pala siya. Noong una ko kasi siyang makilala, akala ko siya yong tipo ng lalaking hindi magmamahal dahil na rin sa pag-uugali niya. May minahal din pala siya noon. "Mahal mo pa siya?" nakangiting tanong ko. Humigpit naman ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. "Yes, she's my ex though. I'm telling to you these because you're my Girlfriend. I won't hide things that you wanted to know about me." Ngumiti siya ng alanganin sa akin. Natawa lang ako ng mahina. Alam ko naman ang ilang mga detalye tungkol sa kanila dahil na rin kay Lindsy. "She died four years ago. Iyan ang ayaw kong pag-usapan. All I can say is, she made me lived before just like what you are doing to me now." Lumungkot ang mga mata niya. Para siyang maiiyak ng di oras. "I am praying that, you'll stay with me until the end." "Gusto mo bang umiyak?" nahihiyang ngumiti naman siya sa akin saka siya nagnod. Hinawakan ko siya sa kaliwang pisngi niya saka ko siya kinabig palapit sa akin. Ngayon yakap-yakap ko na siya. "You want to say something? I'm willing to listen." Masuyong bulong ko sa kanya. "I lost a lot Shara." Naiiyak niya sambit. "I can't take it anymore if I'll lost one last card again. That card is you." Nanatili lang akong nakikinig sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang mabigat na dala-dala niya. "My Mom died when I was four years old. Sumunod naman si Brianna. I tried to cover up my feelings to you because I'm afraid to feel the same pain again. Natatakot akong maiwan ulit. My worries taken away after knowing that you also feel the same towards me." Paos niyang ani. Hinalikan ko siya sa pisngi niya saka ako kumalas sa pagkakayakp ko sa kanya. Nanlulumo ang pakiramdam ko ngayon. Mali talaga ang unang pangkakakilala ko sa kanya. Ibang Bryle ngayon ang kaharap ko. Malayong-malayo siya sa pagiging cold at malupit niya noon. "Wag ka ngang umiyak diyan. Para ka tuloy tanga." Natawa naman siya ng mahina. "Ayan na tanga ka pa tuloy." Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang mga palad ko. "Nandito lang ako lagi para sayo gaya ng lagi kong sinasabi. Mahal kita tapos mahal mo ako. Iyon naman ang mahalaga sa lahat." Ngumiti siya sa akin saka niya ako hinalikan sa noo. "Wag kang malungkot kasi maraming dahilan para maging masaya. Nawalan din ako ng Ina kaya naiintindihan kita. Maging masaya na lang tayo ok?" "Thank you for loving me." Medyo tumahan na siya kaya napangiti na rin ako. "Dapat ako yong magpasalamat sayo. Dahil sayo, napatunayan kong ang gwapo mo pa rin pala kahit umiiyak." Natawa naman siya ng malakas. Tumatawa ako habang inilalapit ko ang mukha ko sa mukha niya. "Napakasarap sa pakiramdam kapag naririnig ko ang mga tawa mo." ngumiti ako sa kanya saka ko siya niyakap. "Masaya din ako dahil naririnig ko na din pati ang pag-iyak mo. Pakiramdam ko tuloy wala ka ng inililihim sa akin." "Ngayon naniniwala na ako." Mahinang ani niya. Kumalas naman ako agad sa pagkakayakap sa kanya. "Ang alin?" maang kong tanong. "That I must show the real me without hesitation to you. Marami ka pang malalaman tungkol sa akin pero ayaw kitang biglain." Natulala naman ako sa pagmumukha niya. Ano nga kaya iyon? Bakit parang kinakabahan ako? "Pwede mo namang sabihin na ngayon." alanganin kong sabi. "Not now." Hinawi niya ang mga buhok sa malapit sa mga tainga ko. "Hindi na ba masakit?" tukoy niya sa mga tainga ko. Wala sa sariling napahawak naman ako sa mga tainga ko. Nagulat ako nang bigla niyang tinampal ang mga kamay ko. "Aray!" reklamo ko. "Hinid ka pa naghugas ng mga kamay mo baka mamaya maimpeksiyon ka pa." inirapan niya ako. Natawa naman ako ng mahina. "Hindi na masakit. Sisiw lang ito sa sakin." Pagmamayabang ko. "Really?" kunot noong tanong niya. "Oo naman!" maangas kong sagot. "I have to ask you something." Seryoso ang pagkakasabi niya kaya natigilan ako bigla. "Ano yon?" napalunok ako kasi biglang nag-iba yong timpla ng mukha niya. "Bakit ang lakas mong sumuntok. Remember what you did to me at the Gym? You punched like a monster." Hindi makapaniwalang ani niya. Napangisi ako nang hawakan niya ang panga niya. "And that face, I hate that." Itinikom ko naman agad ang bibig ko. "Gusto mo ulitin ko yon sayo?" pagbabanta ko sa kanya. "Gusto ko lang kulugin yang utak mo noon. Masyado kasing hot noon." Napangisi naman siya ng nakakaloko. "Bakit ngayon ba hindi?" namula naman ako. Ibang hot ata ang pagkakaintindi niya. "Nako, iba na yang iniisip mo My Da. Masama na yan." Napangiwi ako sabay ubo. Mas gusto kong mamula dahil sa pekeng pag-ubo kesa mamula dahil sa mga pinagsasabi niya. "Seriously, hindi yong utak ko ang nakulog mo kundi yong puso ko." Diretso sa mga matang ani niya. "Masaya ang puso ko ngayon." Hindi na ata maitatago ng pag-ubo ang pamumula ko ngayon. Parang nagsilitawan bigla ng mga fireworks sa loob ko. In short kinikilig ako! Yong feeling na gusto ko na siyang hambalusin dahil sa sobrang kilig. "Natutuwa yong kamao ko dahil sa sinabi mo." "Hindi ka ba marunong kiligin?" inis niyang ani. "Ngingiti ka lang yon nayon?" dagdag niya. Papaano ko ba sasabihing kinikilig ako pero ayaw ko lang ipahalata? "Syempre marunong ako." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Then show me!" nag-angat ako ng mukha agad. Nakita ko ang mga mata niyang nanlalaki. Ano bang problema niya? "Ang sabi ko kanina, puso ko ang nakulog at hindi yong utak ko. My heart heart is happy right now. Kiligin ka na." Napangiti naman ako ng malapad. Siguro nga dapat ko na din siyang matutunang pakisamahan pagdating sa mga ganito. Kinurot ko siya sa may kaliwang pisngi niya. "Hmmmm! Kinikilig ako. Ayaw ko lang ipakita!" sinundot-sundot ko siya sa may tagiliran niya. Todo iwas naman siya habang tumatawa. "Gusto mo pala akong kiligin ah! Baka pagsisihan mo! Nambubugbog ako kapag panapakilig ako." Tawa lang siya nang tawa sa ginagawa ko. Nakangiti lang ako sa kanya habang pinapakalma niya yong sarili niya. Kiniliti ko kasi siya ng todo-todo. Hinangal tuloy siya. Sobrang pinagpapawisan na din siya. Nang kumalma na siya hinawakan niya ang mga kamay ko. "Ibang klase ka pang kiligin." Natatawang sabi niya. Tumayo siya saka niya inilahad niya ang kamay niya. "Pagpapasama sana ako sa School. Tara doon." Inabot ko naman agad ang kamay niya saka niya ako itinayo. "Anong gagawin natin doon? Ok ka na ba?" "I'm fine. Ikaw kasi pinatawa mo ko nang pinatawa. May kukunin lang tayo doon." Naglakad kami hanggang high way. Pumara kami ng taxi saka kami nagtungo sa University. Pagkababa namin sa University, nadatnan namin ang sasakyan niya. "Nasa University na tayo. Bakit ka pa sasakay diyan? Maglakad nalang tayo." "Sa Forest park tayo pupunta kaya malayo. Get in." pinagbuksan niya ako. Hindi ko alam kung saan kami nagsususuot-usot. Pagkababa ko ng sasakyan niya nasa isang hindi pamilar na lugatr na kami. Hindi ko alam kung parte pa rin ito ng University. "Nasaan tayo?" tanong ko habang inililibot ko ang paningin ko. "We are here at 4-Quarters. Our secret place here in the Campus. It is located under the Forest park." Natigilan ako sa paliwanag niya. "Nasa underground tayo ng Forest Park?" maang kong tanong. "Yes. It is one of my secrets that you must know." ngumiti siya sa akin saka niya ako iginaya papasok. Mayaman nga talaga siya. Meron din kaming ganitong hide out sa Mansion noon. Sa klase kasi ng trabaho ni Dad, talagang kailangan namin iyon. Ang luwang din pala ng 4-Quarters na sinasabi niya. Talagang tambayan ito kapag walang magawa. "Ikaw lang ba ang nakakapasok dito?" Natawa naman siya ng mahina. "Me and my friends. Sila Jace, Kevin, Vince and of course Jazz." Pumasok kami sa isang silid. "This my office. Dito ka lang muna. May kukunin lang ako saglit." Paalam niya sa akin. Pumasok na siya sa isa pang silid dito. Naglakad ako patungo sa table niya. Umupo ako sa swivel chair niya saka ko muling inilibot ang paningin ko sa sa kabuuan ng office niya. Wala itong pinagkaiba sa office niya sa Condo niya. Bumaba ang tingin ko sa mga picture frames na nakataob sa table niya. Akmang i-aangat ko ito nang may mapansin akong berdeng panyo sa tabi ng mga ito. Naka-ayos pa ito kaya parang pamilyar. Naalala ko tuloy ang lalaking humalik sa akin noon sa Forest Park. Kulay berde din kasi ang kulay ng panyong nakatakip sa mukha niya noon. Parang pareho lang ng kulay. Hinawakan ko ito saka ko ini-angat. Sakto naman na lumabas si Bryle dala-dala ang mga libro niya. Natigilan siya nang makita niya ako. Tumitig ako sa mga mga niya. "Bryle, ikaw ba yong lalaking nag-ligtas sa akin noon mula sa bolang apoy? Ikaw din ba yong humalik sa akin noong gabing iyon?" nakita kong napabuntong- hininga siya ng malalim. END OF Shara's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD