Chapter 12

3521 Words
Chapter 12 Cheska's POV Nagtungo ako dito sa Site nila Susie Man para humingi ng basbas niya sa nalalapit kong pagbabalik sa Germany. Nagkaroon kasi ng problema g**g Site namin doon. Babalik din ako pagkatapos kong maisaayos ang lahat. "Kamusta Tito? Bakit hindi kayo nagpunta sa bahay noong Christmas? Hinihintay ka ni Mama noon." Bungad ko sa kanya. "Maupo ka muna Cheska." Sumunod naman ako. "Hindi uso sa akin ang magdiwang ng pasko. Alam mo yan. Kapag nagtungo ako sa bahay niyo, siguradong hindi na ako lalabas na buhay. Alam mo naman kung gaano kalaki ang galit ng Daddy mo sa akin." Natawa namang ako ng mapakla. Magkagalit si Daddy at Uncle dahil sa akin. Si Tito kasi ang sinisisi niya kung bakit ako napasok sa mga Gangs. "Nakakatawa naman yan Tito. Wala siyang karapatang sisihin ka dahil siya naman talaga ang totoong dahilan kung bakit nagkaganito ako. Siya ang sumira sa akin. Siya ang naunang manakit. Wala akong pakialam sa mga sasabihin niya laban sa inyo. Pumasok na ako sa mga Gangs kahit noong nasa Germany pa lang ako." "Hanggang kailan ka magiging ganyan? Habang buhay mo na lang bang kakamuhian ang ama mo?" seryosong tanong niya. "Wala akong planong patawarin siya." matalim kong sagot. "Yong sakit na nararamdam ko ay pabewala lang sa akin pero yong sakit na nararamdaman ni Mommy ang pumapatay sa akin." "Mabuti naman." Ngumisi siya sa akin makahulugan. "Bakit gusto mong tumulong sa paghahanap kay Lady Black Fire?" "First of all, I want to thank you for allowing me to be part of the group. Siya ang pumatay kay Tita sa Jasmine gaya ng sabi mo. Dapat lang na tumulong ako." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Iyan lang ba? Sabihin mo sa akin ang totoo." Natahimik naman ako bigla. Ayaw kong magsalita ukol sa totoong nararamdaman ko. "Ako na lang ang magsasabi sayo. Sabihin mong mali kung mali man ako." Napatitig naman ako sa mukha niya. "Mahal mo si Bryle. Kapag nahanap mo si Lady Black Fire, umaasa kang mababago ang pagtingin niya sayo. Tama ba?" napalunok ako dahil lahat ng mga sinabi niya ay totoo. "Tama ka Tito." Ngumiti ako ng mapait. "Ako ang makakahanap sa Lady Black Fire na iyon. Bigyan niyo lang ako ng panahon. Mapapatunayan ko din ang sarili ko sa inyo at lalong-lalo na sa kanya." desididong ani ko. "Gaano ka kasigurado? Gumagalaw din si Bryle. Alam mo naman kung paano siya magtrabaho." Napangisi naman ako. "Papaano siya makagagalaw ng maayos kung may ibang pinagkakaabalahan na naman ang sugo niyo." Nang-uuyam kong sabi. "Anong ibig mong sabihin." Gulat niyang tanong. "Hindi niya kaibigan ang babaeng kasama niya noon. Nagsinungaling si Jimmy sa inyo. Hindi ko alam kung alam niya o talagang hindi din niya alam. Girlfriend ni Bryle ang babaeng dahilan kaya siya sumugod noon dito. Iyon ang bago niyang prino-protektahan ngayon." nakita kong ikinuyom niya ang mga kamay niya. Sigurado akong nagngingitngit na siya sa inis ngayon. Gusto ko din sanang idagdag ang totoong pagkatao ni Shara bilang isang tunay na Lavitus pero hindi muna ngayon. Ayaw kong unahan niya ako sa mga plano ko. "Bakit mo lang sinabi lahat ito?" galit niyang tanong. "Hawak ko ba ang pag-iisip niya? Hindi ko din sigurado lahat noong una kaya nanahimik ako. Ngayon alam ko na kaya ko nga sinasabi sa inyo." balik ko naman sa kanya. "May kinalaman ka ba sa mga sinasabi niya noon? Ikaw ang nagtangka sa buhay ng babaeng iyon?" kunot noong tanong niya. "Ako nga. Inutusan ko ang isa sa mga tauhan ko para sagasahan siya pero nandoon si Bryle kaya nakaligtas siya." nagtagis bagang naman siya sa sinabi ko. "Bakit iyon lang ang ginawa mo? Bakit hindi mo pa sinubukan?!" galit niyang ani. "Hindi ko yan trabaho Tito. Bakit hindi mo utusan ang mga galamay mo para mas madaming kumilos hindi yong umaasa lang kayo sa akin? Alam niyo na nga lang na ayaw na ayaw kong nagmumukhang masama sa harapan ni Bryle. Ayaw kong kamuhian na naman niya ako. Hindi ko makukuha ang loob niya kapag palagi ko siyang kinakalaban. Kaya kung gusto niyong ilayo ang babaeng iyon sa kanya, kayo ang may dapat na gawin dahil may mga sarili din akong mga paraan." Huminga ako ng malalim saka ko ikinuyom ang mga kamay ko. Mawawala din sa landas ko ang babaeng iyon. Hinding-hindi niya ako masisindak sa mga pananakot niya. "Matagal ko na sanang ginawa kung mas maaga kong nalaman." Matigas naman niyang balik. "Hindi na siya natuto sa ginawa namin sa kapatid mo. Gusto pa niyang maulit iyon. Talagang kinakalaban niya ako. Sisiguraduhin kong siya mismo ang lalayo sa babae niya." Tumitig siya sa akin ng seryoso. "Tawagin mo ang kasamahan mo mamaya. May ipapagawa ako sa kanila." Maowtoridad niyang utos. "Sinabihan ko na sila. Alam ko naman na yan ang susunod mong sasabihin kapag nalaman mo na ang lahat." Nakangiting sabi ko. "Kumalma muna kayo. Mauuntog din si Bryle." "Sinabi ko na nga lang na hindi siya maaaring magmahal habang hindi pa niya natatapos ang misyon niya." Matalim niyang ani. "Hindi na niya inisip ang kapakanan ng Ina niya." "Paano mo pala nasiguradong si Lady Black Fire nga ang pumatay kay Tita Jasmine." Nagtatakang tanong ko. May hindi ka pa ata sinasabi sa akin Tito. Magkakampi tayo dito kaya sana magawa mo akong pagkatiwalaan ng buong-buo." Napabuntong hininga siya ng malalim. "Ako ang totoong pumatay kay Jasmine." Malungkot niyang amin. Nanlalaki naman ang mga mata ko sa tinuran niya. "Ikaw... Pi-natay mo si Tita?" nauutal kong tanong. Umiling siya sa akin. "Hindi." Tipid niyang sagot. "Ako lang ang dahilan kaya nagkaroon ng g**g War sa bodega noon. Ako ang dahilan kaya pumunta si Jasmine doon. Kung hindi ko siya pinapunta, sana buhay pa siya ngayon." mahinang sabi niya. "Kung ganoon, sino ang totoong pumatay kay Tita?" madiin kong tanong. "Hindi ko alam." Tipid niyang sagot. "Paanong si Lady Black Fire ang sangkot?" pang-uusisa ko sa kanya. Wala na talaga akong maintindihan. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong sa kanya dahil wala pa naman ako noong mangyari ang trahedyang iyon sa pamilya ng Sy. "Bakit si Lady Black Fire ang sinisisi ng lahat?" Napatitig si Tito sa kisame na para bang nagbabalik nakaraan siya. "Dahil ang Tattoo mask niya ay ang dating ginagamit ni Jasmine noon. Iyon ang pagkakakilanlan sa kanya ng mga tao sa mundo ng g**g War. Siya talaga ang may-ari non." Nakita ko ang matinding kalungkutan sa mga mata niya. Huminga siya ng malalim saka ulit siya nagpatuloy. "Tumigil si Jasmine sa paglitaw gamit ang mukhang iyon. Dahil inumpisahan na niyang lumitaw gamit ang totoong mukha niya. Nakilala ng lahat kung sino talaga siya kaya naging madali sa kanila ang pabagsakin siya. Ninakaw ni Lady Black Fire ang mukhang iyon. Siya o ang mga taong nasa likod niya ang may kagagawan ng lahat. Sila lang ang maaaring sisihin sa pagkamatay ni Jasmine." Napapikit siya ng mariin. "Mahal ko si Jasmine kaya ayaw kong sukuan ang lahat. Pinatay siya ng taong iyon gamit ang mukha ni Jasmine. Gamit ang tattoo mask na iyon. Iyon ang senaryong nasaksihan ni Bryle kaya hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ni Lady Black Fire." Ngayon mas naiintindihan ko na ang lahat. Iyon pala ang totoong dahilan. "Ano namang kinalaman ng mga Lavitus sa pagkamatay ni Tita?" Ano nga kayang kinalaman ng pamilyang kinabibilangan ni Shara? "Isa sila sa mga nakabangga namin noon. Naikwento ka naman na sayo ang pagkakakulong ko noon sa kulungan. Ako ang pinalabas nilang d**g Lord ng mga drugs na inilayag patungo sa Europe. Si Jasmine ang tumulong sa akin para makalabas ako. Pinag-initan nila si Jasmine noon kaya humantong sa ganoon. Sila lang ang may kayang gawin yon dahil galing sila sa makapangyarihang angkan." Mahabang paliwanag niya. Nanatili lang akong walang kibo. Sumasagi sa isipan ko si Shara. Tamang-tama lang pala ang lahat. Si Tito laban sa Ama niya at ako laban kay Ricky Amarah. Napangisi ako sa mga nagsilitawan sa utak ko. "Pagkauwi ko galing ng Germany, tutulungan kita. Gagawin ko ang parte ko. Iyan ang ipinapangako ko sayo." Ngumiti naman siya sa akin ng makahulugan. "Gawin mo. Wag mong sabihin." Pagtatama naman niya. "Gagawin ko talaga." Seryosong ani ko. Kapag sinabi, gagawin ko. END OF Cheska's POV Shara's POV "Yes. It's me." Seryosong sagot niya sa akin. Ngumiti siya sa akin ng tipid. "It's one of my secrets too. I have a very smart Girlfriend. Are you an agent or something?" Lumapit siya sa akin saka niya kinuha ang panyo mula sa mga kamay ko. Natulala lang ako sa kamay ko. "That time, I was still in the in denial stage. Until Jazz's came and slapped me hard with those truths. It kills me but he freed me up from my own lies somehow." Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Why are you smiling?" kunot noong tanong niya. "Mabuti na lang ikaw yon. Akala ko kasi nag-hired ka pa ng mga bungi, bad breath at full of cavities na mga tao diyan sa gilid-gilid." Natawa naman siya ng malakas sa sinabi ko. "Mahirap magka-STD." pagpapatuloy ko. "Alam ko naman ikaw ang nagplano lahat yon." "Alam kong nasaktan ka sa mga ginawa ko. Napahanga mo ako dahil hindi lahat kayang lagpasan yon. How did you do that?" Natahimik ako sa katanungan niya. Paano ko ba sasabihing ako si Lady Black Fire? Na lahat ng mga ginawa niya ay sisiw lang sa akin. Papaano ko din kaya ipapaintindi sa kanya ang tunay kong pagkatao? Matatanggap kay niya ako? Dahil kung hindi, hindi ko na lang sasabihin. "Hindi lang ako marunong sumuko. Hindi ako nasaktan. Nagtaka lang ako noong una." Ngumiti ako ng alanganin sa kanya. "Yong iba kasi, isa pa lang ang nagagawa ko umaalis na sila agad sa University. Ganoon sila katakot sa akin pero ikaw... Nakaya mo lahat." seryosong ani niya. "Mahal na kasi kita noon Bryle." Mabilis kong sagot. "Lahat ng mga ginawa mo sa akin ay wala lang pero hindi ko na kinaya noong sinabi mong umalis na ako. Alam ko kasing kapag umalis ako, hindi na kita makikita ulit. Kaya kinaya ko dahil gusto ko pang manatili sa tabi mo kahit mula sa malayo lang." Ngumiti siya sa akin ng alanganin. "I'm sorry My Bee for everything. I just want to take you out of my way before." Napakamot siya sa batok niya. "Thanks God you managed to hold on. I thought you will just walked away and start all over again away from me. If that happened I don't know where I will find you because my heart will get mad at  me. It will stop beating once I let go of you." Lumundag naman yong puso ko sa sinabi niya. Gusto na atang lumabas sa sobrang saya niya. "Talaga? Nakakausap mo yang puso mo?" "Not really but it is pumping so bad before. I really love you." Diretso sa mga matang sabi niya. Ang galing niya talagang magpakilig. Gusto ko na atang mahimatay. Napatakip ako sa mukha ko. "Ibang tao ka na talaga." Nangingiting ani ko. "Why are you hiding your face." Pilit niyang tinatanggal ang mga kamay ko sa mukha ko pero itinodo ko ang pag-ilag. "Wag kasi My Da!" inis kong sita sa kanya. "Bakit nga?" pangungulit naman niya. "Doon ka nga!" inis kong utos sa kanya. Imbis na lumayo, mas lumapit pa siya sa akin. "Simple instruction, you cannot follow. I said keep distance. 20 kilometers away is enough." Demanding ang nais. "Wag mo ngang tinatakpan yang mukha mo. Ano bang problem mo?" natatawang ani niya. Napilitan akong ibaba ang mga kamay ko. "Kinikilig nga ako!" pigil tawang paliwanag ko. Lumapit ako sa kanya saka ko siya tinampal sa braso niya. "Ayan! Magpakilig ka pa. Masasaktan ka talaga sa akin." "You know what, I'm not really a Keso Man who always says cheesy things. It just come out naturally everytime I'm with you." Seryosong sabi niya. Sa sobrang tuwa ko, pinagsasapak ko na naman siya sa braso niya. Ganito pala ako kapag kinilig. Nanakit pala ako. Kawawa naman si Bryle. "Hihihi." PAKKK!!! PAKKK!!! "Hahaha! Walang kaamor-amor ang pagkakasabi mo pero kinikilig ako. Ano ba yan?!" "Hampas pa more." Ani naman niya. (Now Playing: FIRST LOVE [string and piano instrumental] By: Utada Hikaru) Napatitig ako sa isang cabinet sa harapan ko. May napansin kasi akong bagay na nakadispaly sa loob. Dahan-dahan akong naglakad palapit dito. Inaninag ko ng mabuti ang itsura nito. "Bryle ano yon?" itinuro ko yong bagay na nakalagay sa isang transparent box. "Where?" maang naman niyang tanong. Binuksan niya ang cabinet niya saka niya inilabas ang bagay na iyon. "Ah- This? My first love gave this to me. Isn't cute?" nakangiting tanong niya. "She gave this chocolate heart to me 10 years ago." Napalunok naman ako sa sinabi niya. "I remember how coward she is the first time I saw her. Mukhang anak kasi siya ng mayaman. I defended her from my r****t friend. As a reward, she gave this to me." Napatitig siya sa chocolate heart na hawak niya. "This is her most favorite chocolate and she wanted me to taste this." Natulala ako sa pagmumukha niya. Siya ang batang iyon? Ang batang pinagbigyan ko ng heart chocolate ko dati? Bago kasi ako magtungo sa Thailand noon, napadpad pa ako sa isang paborito kong chocolate store noon. Doon ako madalas bumili ng paborito kong mga chocolates and candies. Pagkatapos ng araw na iyon, umuwi si Dad sa Mansion. Nagtalo kami noon kaya nagdesisyon akong umalis ng bansa. Napatutop na lang ako sa bibig ko. "Ikaw pala yon." Mahinang bulong ko sa sarili ko. "Are you saying something My Bee?" kunot noong tanong niya. "Ah- wala." Kinuha ko ang hawak niyang heart chocolate. "Mabuti naman hindi mo kinain. Mukhang masarap kasi." Gustung-gusto ko na talagang umiyak pero pilit kong pinipigilan. Ang liit ng mundo. Siya din kasi ang First Love ko dati. Natuwa kasi ako sa kanya noong iligtas niya ako. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa hawak ko. Paborito ko ang chocolate na ito. Naiiyak ako kasi matagal na din akong hindi nakakakain nito. Mahal din kasi. Hindi kaya ng budget ko. "I really don't have the intention to eat that before." Natatawang ani niya. "Itinago ko siya agad tapos ginawa ko lahat para hindi malanta at kainin ng mga langgam. She's my first childhood crush by the way." Napakagat labi ako. "I think she came from an elite family. The way she talked, the way she dressed and everything. That heart chocolate alone is a signature brand." Napailing siya. "I know that day is our first and last encounter." Hindi yon totoo dahil nagtagpo ulit ang mga landas namin. Kung hindi lang ako nagtatago sa katauhan ni Shara Mai Coe, sana kanina pa ako nagpakilala sa kanya. "Bakit mo naman nasabing first and last encounter?" natawa naman siya ng mahina. "I got sicked before and I badly need to leave. Sakitin kasi ako noong bata pa ako. I think until now. Matagal ko na siyang hindi nakikita. I tried to go back where I first met her but I failed to see her there. Yan ay noong magaling na ako." Napangiti ako ng mapait. Hindi na talaga niya ako makikita noon doon dahil sa mga panahon na iyon nasa Thailand na ako. "Magkwento ka pa." undyok ko sa kanya. "I met Brianna before her but I didn't felt the same feeling. Brianna is my childhood friend back when we were 4 years old. We just met again when I was 10 years old. She did encredible things in my life that is why I also fell in love with her." Kinuha niya ang chocolate heart sa mga kamay ko saka niya ibinalik sa cabinet. Kusang tumulo ang mga luha ko habang nakatitig ako sa bagay na iyon na ngayon ay nakasilid na sa loob. Masaya lang ako dahil ako pa din pala ang una niyang minahal. Siya pala yong Gangster na yon. "Talaga?" paos kong ani. "Why are you crying?" nag-aalalang tanong niya. "Ha?" gulat kong sambit. Napahawak ako sa mga pisngi ko. "Wala ito! Hahaha. Nagseselos ako! Oo- nagseselos lang ako." Nauutal kong palusot. "We? Di nga?" nagiting asong tanong naman niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Napapikit naman ako ng mariin. "I already sat my mind and I believe that I won't regret it. "Ano bang pinagsasabi mo?" maang kong tanong. "Ikaw na ang huli." Mahinang bulong niya sa akin. Napangiti ako ng malapad sa sinabi niya. Sa sobrang saya ko, pinagsasapak ko na naman siya sa braso niya. Natigilan naman ako nang mapansin ko ang pamumula ng braso niya. "Nako po! Sorry! Namula tuloy. Masakit ba?" nag-alala ako bigla sa nangyari sa braso niya. Bumakat pa yong kamay ko sa braso niya. Hinihimas-himas ko ito habang sinusuri ko. Wala akong narinig na tugon mula sa kanya kaya unti-unti akong tumingin sa kanya. Nakita ko siyang taimtim na nakatitig sa akin. "Bryle." Mahinang tawag ko sa kanya. Napakurap naman siya. "May problem ba?" Tumayo siya ng maayos saka niya inalis ang mga kamay ko sa braso niya. "Naninibago lang ako." "Naninibago saan?" ngumiti siya sa akin ng tipid. "Yong may nag-aalala sa akin kapag may konting nangyari sa akin. It's been a long time since someone asked me if I'm ok. Everytime that I'm hurt I just go to my Condo and hide away from the people outside." Tumawa siya ng mahina. Ngumingiti siya pero bakit ang lungkot-lungkot ng mga mata niya? Ako tuloy yong nasasaktan para sa kanya. "I have been curing my own wounds alone. Kapag malungkot ako, ako lang ang nakakaalam. Ayaw kong sabihin sa iba. Wala din akong pakialam kahit mapansin pa nila. Ang lungkot ng buhay ko Shara. Hindi ko alam kung paano ka sasaya sa akin. Ang komplekado kasi ng buhay ko. I'm being selfish now. Masaya akong kasama ka pero hindi ko iniisip yong mga magiging kapalit." Nahihilo ako sa mga pinagsasabi niya. Naiiyak na ako sa mga nalalaman ko tungkol sa kanya. "Bakit mo tinatanong kung paano mo ako mapapasaya? Makasama ka lang masaya na ako. Alam mo ba yon?" naiyak na ako ng tuluyan. Pakiramdam ko kasi may ipinapahatid siya pero hindi ko makuha ng tama. Napayuko lang siya. "Wala tayong pinagkaiba Bryle. Malungkot din ang buhay ko pero nagbago yon simula noong makilala kita. Pariwa din ang buhay ko noon. Isa akong batang-" natigilan ako dahil bigla niya akong niyakap ulit. Mas lalo pang lumakas ang iyak ko. Napapikit ako ng mariin. "Hindi lang ako basta galing sa US Bryle. Kung saan-saan ako tumira. Nasubukan ko ding tumira sa Japan, Germany, Italy Taiwan, Thailand at iba pa. Binuhay ko ang sarili ko ng mag-isa. Naging malungkot din ang buhay ko pero nanatili akong matatag. Ilang taon ko ding tiniis mag-isa ang lahat." pagpapatuloy ko. "Hinahanap ko kasi yong taong gustung-gusto kong makita pero kahit kailan hindi ko siya nahagilap. Gusto ko pang bumalik sa dati kong buhay pero parang hindi na. Hindi na kita maiwan... Hanggang dito na lang ata ako. Komplikado din ang buhay ko pero kaya kong iwan lahat yon pagdating ng araw alang-alang sayo." "Sorry." Mas niyakap niya pa ako ng mahigpit. "Natatakot lang ako kaya ko nasabi lahat yon." Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya. Nakita kong umiiyak na din siya. Bakit kailangan naming humantong sa ganito? Kanina masaya lang kami tapos biglang ganito. "Ayaw kitang masaktan dahil sa akin." Paos niyang sabi. "Kahit sinabi kong pro-protektahan kita, nag-aalangan ako dahil baka may pagkakataong hindi ko magawa." "Hindi mo ako kailangang protektahan. Kaya ko ang sarili ko. Manatili ka lang sa tabi ko. Iyon lang ang gagawin mo! Tungkol ba ito sa mga taong fans mo sa school? Handa akong magpasabunot sa kanila. Kalbuhin nila ako kung gusto niya! May wig naman eh! Wala akong pakialam sa mga sasabihin nila o sa mga maaari nilang gawin sa akin!" tumaas na ang boses ko. "You will never understand me." Napailing siya. Lumapit ako sa kanya saka ko siya hinawakan sa magkabilang mga pisngi niya. Tinitigan ko siya sa mga mata. "Edi ipaintindi mo sa akin. Hindi ko maintindihan kasi wala kang balak linawin lahat. Ano ba talagang problema?" "Wala." Tipid niyang sagot. "Wala? Kung wala bakit ganyan ka?! Bakit biglang nagbago ang pakikitungo mo sa akin? Ayaw mo na ba sa akin?" may halong hinanakit kong ani. "That's not what I am trying to say." Mahinahong balik niya. "Ano nga Bryle? Kahit ano pa yan tatanggapin ko kaya hayaan mong malaman ko." Nag-iwas lang siya ng tingin sa akin na siyang ikinainis ko. "Akala ko ba hindi mo ako iiwan? Bakit sa klase ng pananalita mo parang may balak ka ding sukuan ako? Sabihin mo na kasi sa akin! Bakit ka natahimik? Sabihin mo na kasi sobrang nasasaktan na ako!" "I am a Gangster Shara and I have a Mission!" diretso sa mga matang sagot niya. Napabitaw ako sa mga pisngi niya. Kasabay nito ang pagtulo ng mga luha niya sa mga mata. "Makakaya mo pa rin bang..." napahikbi siya. "manatili sa tabi ko?" lumuluhang tanong niya sa akin. Natulala lang ako sa mga mata niya. Anong sabi niya? END OF Shara's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD