Chapter 13

3362 Words
Chapter 13 Lindsy's POV Mahirap magpanggap sa katauhan ng iba kaya naiintindihan ko si Amarah. Napahilamos ako sa mukha ko. Matagal ko na siyang binabantayan dahil hindi pa ako sigurado noong una. Mas napatunayan ko lang ang hinala ko noong magtapat siya sa amin ni Daphnie. Ang alam ko lang ay may dapat akong bantayan dahil may darating na sugo ayon sa mga elders. Sila ang mga Leaders namin sa Melted Thunder, isang sangay na naka-hanay sa pangalan ni Mr. Lavitus. Ang ama ni Shara. Ama niya ang pinaka-boss namin. Siya din nag-aaruga sa pamilya ko sa matagal na panahon. Si Shara lang ang naiiba sa school noon dahil bago siya kaya linapitan ko siya agad at inalok na sumali sa mga ball games. Sigurado akong matutuwa si Boss sa akin kapag nalaman niyang nakilala ko ang nag-iisang anak niya at kaibigan ko pa. Hindi lang dahil sa trabaho ang lahat. Talagang mabait sa akin si Amarah. Malayong-malayo siya sa ama niya pagdating sa estado ng buhay. Nandito ako ngayon sa Site ni Boss. Naisipan kong bumisita dahil matagal din akong nawala. Gusto kong magliwaliw muna. Nagbabakasakali din akong baka nandito si Boss ngayon. Marami kasi akong gustong ibalita sa kanya na alam kong ikakatutuwa niya. Naalala ko si Boss noong huling makita ko siya. FLASHBACK "Anak na ang turing ko sayo pero kaya kitang patayin." walang emosyong ani niya sa akin. "Boss..." nanginginig kong sambit. Hindi ko alam kung anong problema niya. Basta na lang niya akong ipinatawag sa opisina niya. "Hahaha." natigilan ako sa pagtawa niya ng malakas. "Is that the exact words you wanted to hear from me?" nanatili lang akong tahimik. "Accomplish your work and everything will be done." seryosong utos niya. "Opo." sangayon ko agad para matapos na. "Let's meet outside." huling bilin niya saka siya naglakad palabas. Huminga ako ng malalim bago ako sumunod sa kanya. Napadpad kami sa isang mamahaling Restaurant. Umupo siya kaya nanatili lang akong nakatayo. Malay ko ba kung balak lang niya akong gawing bantay. Ganoon naman lagi. Kapag may balang parating sa kanya, kaming mga tauhan niya ang dapat sumalo. Iyon ang trabaho namin sa kanya. "Sit." tipid niyang utos kaya sumunod ako agad. Nagulat ako nang magsidatingan ang mga masasarap na pagkain. Order lahat ito ni Boss? Para kasi siyang magpapa-fiesta sa sobrang dami. "May bisita po ba kayo Boss?" Lakas loob kong tanong. Hindi lang niya akong sinagot. "Unti-unti mo na bang napag-aaralan ang lahat?" nagulat ako sa tanong niya. Mas nagulat na naman ako nang ngumiti siya sa akin. "The difference of life outside and inside." Ang buhay sa mga kamay ng mga Mafias ang ibig niyang sabihin. "Medyo po." ngumiti ako ng tipid. "You should be more confident when I'll ask you again the same question soon." nakita kong lumambot na ang mukha niya. "Opo Boss." "I know who you really are." napangiti lang ako ng mapakla. "A young and an innocent child." Naramdaman ko ang pag-iinit ng mg sulok ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim para pigilin ang mga luha kong nagbabadyang bumagsak. Iba kasi ako kapag nasa labas ng trabaho. May sarili akong pagkatao. "You are like my daughter..." unang beses kong makita si Boss na malungkot. Alam kong may anak siya pero hindi ko pa ito nakikita kahit kailan. Ang alam ko lang, namumuhay ito ng simple. Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko na rin yong ganoon para malayo sa panganib ang mga mahal ko sa buhay. Tama lang na walang nakakaalam sa nag-iisang anak ni Boss. "May gusto po ba kayong iparating Boss." ngumiti lang siya sa akin. "Hanapin mo siya at bantayan." diretso sa mga matang sabi niya. "I'll send to you some informations about her then you decide if you can." Tumayo na siya. "Enjoy the foods." Napatayo din ako agad. "Tinatanggap ko po ang misyon na yan Boss. Ngayon ko na sasabihin ang desisyon ko." Nagnod naman siya sa akin. Napatingin ako sa mga pagkain sa table. Wala sa sariling napakamot ako sa ulo. Sobrang dami kasi. Kaya ko kayang ubusin lahat? "Any minutes your family will come over. They will join you." Napatitig ako sa kanya. Pupunta ang pamilya ko mamaya? "Just enjoy." naglakad na siya palabas ng Restau. pero mabilis ko siyang sinundan. "Thank you po Boss." hinihingal kong sabi. Nagnod lang siya sa akin bago siya pumasok sa naghihintay na kotse niya. END OF FLASHBACK Alam ko din na siya si Lady Black Fire. The famous Gangster in the World of g**g war. Pati ata ang mga matataas na Mafias ay nahihirapang hanapin siya. Sobrang nagulat lang ako dahil anak pala siya ni Boss. Paano ko nalaman? FLASHBACK Apartment "Beh! Pakibilis ang paghahanap ok? Mahirap na, baka biglang dumating si Ate Shara!" ani ni Zykie. Nagnod lang ako sa kanya ng paulit-ulit. "Ano bang gagawin mo sa mga gamit niya Beh? Ipapadala mo ba sa ukay-ukay store? napatutop ako sa bibig ko. "Nako Beh! Maawa ka naman kay Shara! Wala na nga lang siyang masyadong gamit." nakapout kong ani. Naiiyak na din ako. Naaawa kasi ako kay Shara. May b*a kasi akong nakita na butas-butas na. "Kawawa naman siya Huhu." "Beh, bakit ka ba umiiyak? Patay na ba yang b*a niya?" nakapout na tanong niya sa akin. "Oo Beh... Huhu. Patay na din ata? Hindi na kasi humihinga eh." Naiiyak talaga ako. "OMG!" bulalas niya. "I-check mo yong pulso niya bilis." Napakapa naman ako agad sa foam ng b*a ni Shara. "Dead on arrival na Beh..." naiyak na ako. "Lagot! Iwan mo na lang diyan Beh! Baka mahalata pa tayo ni ate na binawasan natin ang mga gamit niya." sumunod naman ako agad sa kanya. Pinahid ko ang mga luha ko sa mga pisngi ko. Kailangan ko na talagang mag-move on. "Kawawa naman yong bra..." sino ba kasing bumaril doon? May drawing pa naman na Hello Kitty yon. Sayang tuloy. "Hayaan mo na yon Beh. Yumuko ka saka mo kunin yong mga ibang gamit ni Ate sa ilalim ng kama niya." Sumunod naman ako agad. "Saan dito Beh?" tanong ko sa kanya. "Kahit ano na diyan basta bilisan mo. Idadaan pa natin ang mga ito sa bahay. Walang magagawa si ate kundi ang sumunod sa atin sa bahay. Dapat doon na siya manirahan para mabantayan ko siya." Napakunot noo na lang ako. Maya-maya pa, hinila ko na ang isang kahon. Medyo mabigat ito kaya napagdesisyonan ko itong bawasan. Pagkabukas ko ng kahon, may isa pang maliit na kahon kaya binuksan ko. Nagulat ako nang makita ko ang kwintas ni Lady Black Fire. Ang necklace fire. Alam na alam ko iyon dahil madalas naming pag-aralan ang tungkol doon. Iyon kasi ang bagay na ilang beses na lumigtas kay Lady Black Fire. Marami din kasing mga Mafias ang nagkakainteres sa kanya. Isa lang ang dahilan, para maging tao siya ng mga ito. Malas nila dahil mailap ito. "Si Shara at si Lady Black Fire ay iisa?" maang kong sambit. Napalunok na lang ako. "Beh, may sinasabi ka ba?" napasulyap ako kay Zykie. Umiling ako. "Wala Beh." mabilis kong ibinalik ang kwintas sa kahon saka ko linagay sa dating pwesto nito. END OF FLASHBACK Mas napatunayan ko pa ang lahat nang marinig ko noon silang mag-pinsan na nag-uusap tungkol sa katauhan niya bilang Lavitus. Magpinsan sila sa Ina pero may koneksiyon si Zykie sa Daddy ni Shara. Si Ricky Amarah sa totoong buhay. Napapikit ako nang may marinig akong kasa ng b***l. "Stop the f**k-up Chantal." matalim kong utos. Natawa naman siya saka niya kinalabit ang b***l niya. BANG!!! Kasabay nito ang pagliwanag ng buong paligid."Huh?" nakita kong hindi niya nasapol ang target sa malayo. Napangisi ako sa kagagahan niya. "I think you never changed. Boba ka pa rin." nang-uuyam kong ani. "Ang tagal mong nawala ah? Sana nagbigti ka na lang." humarap ako sa kanya. Hindi na ako nagulat nang makita kong nakatutok na sa akin ang armscor GI standard CS Baby rock niyang b***l. "Nice gun." nakangising ani ko. Ngumisi naman siya ng nakakaloko. "Inaasahan ko talaga yan para espesyal ang b***l na papatay sayo." "Armscor GI standard CS Baby." huminga ako ng malalim saka ko tinabig konti yong b***l niya. Naduduling kasi ako. Sana meron din akong ganoong b***l pero bawal muna akong humawak sa ngayon. "Chantal! What are you doing?!" sabay kaming napatingin kay Luiford. Nanlalaki ang mga mata niya habang palapit siya sa amin. Nang makalapit na siya, marahas niyang inagaw ang b***l kay Chantal. "Are you insane?!" bulalas niya dito. "Baliw talaga yan. Isa ka pang boba dahil ngayon mo lang nalaman." malamig kong sabi sa kanya. Inirapan naman ako ni Chantal. Luiford is my ex and he's Chantal current boyfriend. Iyon ang dahilan kaya bitter sa akin ang babaeng yan. Kinamot ko lang ang ilong ko habang pinapanood ko silang nagtatalo. Alaga din sila ni Boss kaya magkakapantay lang kami pero iba ang interpretasyon nila doon. Akala ni Chantal, linamangan ko sila. Boba talaga. Ganoon kaboba ang babaeng yan. Si Luiford ang naging third boyfriend at pinakanasaktan ako sa lahat ng mga nakarelasyon ko. Nagtaksil lang naman siya sa akin at si Chantal ang higad na babaeng sangkot. Nagmakaawa siya sa harapan ko para balikan ko siya pero hindi ako pumayag dahil hindi na ako uto-uto. Iyon ang dahilan kaya hindi pa ako sigurado kay Jace. "P*tangina mo Lui! Pakialam mo ba? Let go of my hands will you?" nanlilisik ang mga matang utos niya. "You want me to break your leg stupid?!" "Chantal! Stop being stubborn! You're not a stupid chid anymore!" balik naman nito habang nag-aagawan pa rin sila sa b***l. Kawawang b***l. Ang ganda pa naman. "Gago ka!" mura ni Chantal sa kanya. "P*tangina! Gago ka din!" ani naman nito. Napangisi na lang ako. Ganyan sila magmahalan. Mas madalas pa silang magpalitan ng mga mura kesa i love you. Ako si Lindsy at may dalawa akong katauhan. Dati isa akong inosenteng bata at may pagka-isip bata talaga. Naiiba ako mag-isip sa labas pero kapag nasa loob na ako, iba din ako. Ang nagturo sa akin ng lahat ay walang iba kundi si Mr. Lavitus. Hinubog niya ako kung sino ako ngayon. Ang mga ipinakita kong pag-uugali kila Shara ay totoo. Iyon talaga ang totoong ako noong hindi pa nagtratrabaho ang ama ko kay Mr. Lavitus. Muli akong  tumingin sa mag-syota. Nag-aaway pa rin sila. "Mag-sip ka nga Chantal! Kapag pinatay mo siya, papatayin ka din ni Boss!" bulyaw sa kanya ni Luiford. Natahimik naman siya saka siya kumalas sa pagkakahawak sa kanya. BANG!!! Binaril ko ang target sa malayo. Napangisi ako nang mataan ko ito ng walang palya. "Ang ingay niyo." naiiritang sabi ko. "Gago!" Singhal naman sa akin ni Chantal. Halatang nagulat siya sa putok kanina ng b***l. Boba." mahinang sambit ko sapat lang para marining ni Chantal. Tinitigan ko lang siya ng walang emosyon saka ako nag lakad palabas ng Site. Luiford POV "Boba." Lindsy said before she walked away. I released a heavy sighed. I miss her. She is gone for almost two months. Big boss given her an important mission and she hardly indeed to leave. "Damn that bitch." my girlfriend exclaimed. I love her but i love Lindsy more. I was forced to stay with Chantal because she told me that I got her pregnant. Cool, I thought i will be a goddamn father soon but that was a prank. She fooled me. "What was that all about?" i asked her coldly. "What? Tanga ka?" I just chuckled. "Natatakot ka dahil baka purihin na naman siya ni Boss? Don't worry sweetheart Boss is now in China." i said in a very sarcastic tone. She just look at me crying. I just can't leave her but damn, I want Lindsy back. END OF Luiford POV Daphnie's POV Kanina pa ako palakad-lakad sa kwarto ni Shara. Ito yong dati niyang kwarto pero ngayon wala na siya. Sinabi kasi niyang hintayin ko siya dito. Naiinis ako dahil pwede naman na niyang i-text sa akin agad. Natakot kasi ako noong sabihin niyang maghintay ako. Kinulit-kulit ko kasi siya kanina kaya nabanas siya sa akin. Napatitig ako sa magandang dress na nakahunger malapit sa bintana. Nakakapikon kasi yong kulay niya. Pangmalandi kasi dahil pulang-pula. "Beh!" nagulat ako dahil biglang bumukas yong pinto. Iniluwa nito si Lindsy. "Mabuti naman nandito ka na. Kanina ka pa namin hinahanap." bigla na lang kasi siyang nawala kanina. Ilang oras din siyang nawala kaya umalis din si Zykie para hanapin siya. Napakamot naman siya. "Ah- Eh- Hahaha. Bumili lang ako ng stick-o sa grocery store sa kabilang planeta." Napailing na lang ako. Sinumpong na naman ata siya. "Na-meet mo ba si Goku?" nakangising tanong ko. "Hindi naman... Si Pikulo lang at si Majinbo." inosenteng sagot naman niya. "Hahaha." Masaya talagang kasama si Lindsy pero parang may nararamdaman akong may iba sa kanya. Hindi ko lang alam kung ano yon. "Oo na. Kanino pala ang dress  na yan?" turo ko sa red dress. Ngumiti naman siya ng malapad. "Ito ba?" lumapit siya saka niya hinawakan yong dress. "Maganda ba Beh?" nakangiting tanong niya. "Yong totoo?" nagnod naman siya. "Ang pangit. Parang pang-pokpok." inis kong sabi. Nanlalaki naman ang mga mata niya. "Talaga? Sayo kaya to!" "Ano?" kunot noong tanong ko. "Ikaw ang may-ari nito. Ay nako, bingi." nakapout pa siya. "No way!" madiin kong bitaw. "Yes way!" siya. "No!" ako. "Yes!" parang mababaliw na ako. Kadiri talaga. Wala akong interes sa ganoong  tabas ng damit. Tinitigan ko lang siya ng masama. "Ito ang isusuot mo sa date mo bukas! Yiiieee!!!" kinikilig niyang ani kaya natulala ako sa kanya. Inaatake na naman siya. Napatingin ako sa phone ko dahil biglang nagtext si Shara. Huminga ako ng malalim. May kinalaman ba siya sa mga pinagsasabi ni Lindsy? From: Shara Di na ako matutuloy na pumunta diyan. Isukat mo na lang yong dress diyan sa kwarto. Yong kulay red. May lakad tayo bukas. Naikuyom ko ang mga kamay ko. Pinagkoloko ata ako ni Lindsy? Raket lang siguro yong pupuntahan namin bukas. "Ikaw talaga Lindsy. Magbagong buhay ka na nga." Umupo ako sa kama. Umupo naman siya sa tabi ko. "Matagal na akong nagbagong buhay Beh. Pang-sampong buhay ko na nga ito eh." napatakip na lang ako sa bibig ko. "Pfft! Hahaha." nakakatawa talaga siya. "Hahaha. Hindi ka naman pusa eh." "Pusa ako! Kapatid ko nga si Hello Kitty eh." napakamot siya sa ilong niya. Tawa lang ako nang tawa. "May date ka talaga bukas. Si Kevin yong ka-date mo." napanis naman ang ngiti ko sa sinabi niya. Yong lalaking yon? Balian ko sa buto yon eh! May atraso pa yon sa akin. END OF Daphnie's POV Vince POV Kanina pa text nang text sa akin si Zykie pero hindi ko sinasagot. Nagpapasama kasi siya na hanapin si Lindsy. Hindi ko siya masasamahan dahil nagpatawag ng pagpupulong si Pinunong Bryle. Wala din akong planong sabihin kay Jace dahil baka magkaroon pa ng aberya mamaya. "Sorry Babe." ani ko na lang sa sarili Pagkarating ko sa 4-Quarters, naabutan ko si Bryle na nagyoyosi. Nanonood lang sa kanya yong dalawang ugok. Tumikhim ako para lang magpapansin. "Ahem." ulit ko. "You want me to cut your throat?" iritang saad ni Master kaya natameme ako. Bakit ba ang seseryoso ng mga mukha nila? "Wag naman Master. Iisa na nga lang ito eh." nakatitig lang sila ng seryoso sa akin. Nakakapanibago kasi pati yong dalawang ugok ay nakikiuso. "Gusto mo mamatay ngayon Vince?" mariin na tanong ni Jace sa akin. Gusto ko na talagang matawa ang pangit kasi niya. Di niya bagay. Inilabas naman ni Kevin ang phone niya saka niya itinapat sa tainga niya. "Isang kabaong po. Yong kulay rainbow." Napakunot noo naman ako. "Wala lang Miss. Para masaya. Size?" napatingin siya sa akin. "Mga..." itinaas niya ang kamay niya na para bang sinusukat niya ako gamit yong dalawang daliri niya. Ginagago ba nila ako? "Pst. Pakisabi din na You raise me up ang kanta Men. Ayaw ko kasi yong mga trumpets. Ang sakit sa mga tainga eh. Tsaka libing yon hindi fiesta. Mahirap na, baka bigla pa siyang bumangon bukas." Libing ko ba ang plinaplano nila? Magpasalamat sila, sila ang nauna dito. "Nasabi ko na Men." Si Kevin. Napatitig ulit siya sa akin. "Libing mo bukas kaya wag kang male-late please lang." Hinubad ko ang jacket ko saka ko ibinato sa mukha niya. "Gago!" mura ko sa kanya. Gusto ko na din siyang bugbugin hanggang sa magmakaawa siya. "Hahahaha!" humalagapak sa tawa si Jace. Napaupo na din siya sa sahig. "Men, it's a prank!" anunsiyo niya. Napatingin ako kay Master na umiiling ngayon habang nakangisi. Kailan pa siya natutong makipagsanib puwersa sa kabaliwan ng dalawang ito? Natawa na din si Kevin at mangiyak-ngiyak na nakahawak sa tapat ng tiyan niya. "It's a prank! It's a prank. Magsalamin ka Men mukha kang gago!" natatawang ani ni Kevin. Bwisit siya. "Ikaw ang gago!" bwisit lang talaga. "Hahahaha Pfft! Hahaha!" tawa nilang dalawa ni Jace. Sa totoo lang nabahala ako noong una dahil kaya talaga akong ipapatay o patayin ni Bryle. Wala naman kasi siyang sinisino. Tapat naman kami sa kanya kaya buhay pa kami hanggang ngayon. Ganito naman talaga ang eksena kapag may late sa amin. Yon ang pagtri-tripan. Maliban na kang kay Master. Sa aming tatlo lang yon. Naniwala ako kasi pati si Bryle nakisama sa kanila. Dati kasi walang pakialam yan noon sa amin pagdating sa pangtri-trip. Napailing na lang ako. "Bakit ka pala nagpatawag ngayon Master?" Gusto kong putulin ang kasiyahan nong dalawang ulupong. Diretso sa agenda na para matahimik  na sila. Nagseryoso naman sila agad. "I already told Shara." Napanganga naman kaming tatlo sa ibinalita niya. "Eh? Tapos? Lahat? Eh?" nawawala na ako sa sarili ko. Malupit na sekreto kasi yon. Wala pa nga siyang planong ipaalam yon kay Shara dahil natatakot siya. "Anak ng tipaklong pero bullfrog ang tatay!" bulalas naman ni Jace. Nakatanga lang si Kevin. "Anong sabi Master? Full support ba?" "Pffft!" Ako naman yong natuwa sa tanong niya. Punyetang full support yon. "I just told her that I'm a normal Gangster who is hanging around and waiting someone to s***k. I don't told her about the whole me." Ang g**o. Ibig sabihin hindi pa rin niya sinasabi yong totoo. Mukhang hindi pa talaga siya handa. Tumayo na siya. "After tomorrow, everything will be back into normal." Seryosong sabi niya. "The mission has been waiting for us. We only have 2 months." Tuloy na tuloy na talaga ang lahat. Sana mahanap na namin agad si Lady Black Fire. "Ok lang kahit mag-umpisa na tayo agad." singit ko. "Kahit wag na tayong mag-New year." "We have to celebrate New Year." Napakamot na lang ako. Syempre gusto ko naman ang sinabi niya. Makakasama ko ang pinakakamahal kong Girlfriend. "Together..." In love din pala si Master. Bakit hindi ko agad naisip yon? Napatingin siya sa gawi ni Kevin. "Kevin have a date with-" "Hehe. Daphnie ang pangalan niya Master." ngiting aso na singit ni Jace. Nakatanggap tuloy siya ng nakakamatay na titig mula kay Kevin. "Ayan! Sa wakas nagdalaga ka na din kumareng Kevin!" asar ko sa kanya. Itinuro ko yong mukha niya saka ako tumawa ng malakas. "Humanda sa akin yong babaeng yon. Sasabunin ko yon sa mga mata niya!" inis naman na balik niya. Kita niyo na kung gaano siya kabastos? "Be kind to her Kevin. She's my Girlfriend's friend." utos sa kanya ni Master. Ang galing talaga ni Master. Kaya mahal na mahal ko siya eh! "Pumalakpak ata ang mga tainga ko?" si Jace. "Hahaha! Yey Master! Maganda yan. Mabibinyagan na din ulit siya!" "Gago kang balimbing ka!" sita naman sa kanya ni Kevin. Tumabi ako kay Jace saka kami nag-appear. Kami naman ang magkakampi ngayon. "All of you go to my house this afternoon. You are all incharged to make all the tasks there. We will be celebrating the New year there and that's final. End conversation."  naglakad na siya palabas. "Cool!" nakangiting anas ko. Iyon na kasi yong kahuli-huliang makapagsasaya kami. Kapag nasa mission na kami, hindi na din kami masyadong makakalabas o pasok man lang sa school. Lahat ay magbabago na. Si Zykie lang ang inaalala ko kapag nangyari yon. END OF Vince's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD