Chapter 14

3649 Words
Chapter 14 Zykie's POV "Beh!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nabawasan ang kaba loob ko nang makita ko si Lindsy. Maingat kong isinara ang pintuan ng sasakyan ko saka ako tumakbo patungo sa kanya. "Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo." Naiiyak ako na ewan. Masama din kasi ang loob ko kay Vince. Nakailang texts ako sa kanya pero wala man lang reply ni isa. "Beh! I miss you too!" ngiting asong sagot lang niya saka niya ako sinugod ng yakap. "Gaga ka talaga!" yumakap na din ako sa kanya. Humiwalay siya sa akin saka siya tumingin sa mukha ko. "Umiiyak ka ba? Sorry na Beh. Hindi ko naman kasi alam na ganito mo pala ako kamahal. Gusto din kitang hanapin kaso hindi ko naman alam kung saan kaya hinintay na lang kita dito. Akala ko nga nagtanan na kayo ni Vince eh." Natawa lang ako nang mahina. "Pagod lang ako. Tara sa loob." Inakay ko na siya papasok ng bahay. "Alam kong pagod ka kaya naghanda ako ng pagkain para sayo! Yey! Himala di ba? Ngayon lang ito kaya dapat happy!" minasa-masahe niya ako sa may likod ko habang hinihipan niya ako. "Ayan, may free electric fan ka pa. Fresh from my mouth. You're so lucky girl!" umiling na lang ako. "Oh, nandito na pala sila! Hi Zykie. Kamusta ang paghahanap ng batang yagit?" napasimangot lang ako kay Daphnie. Naka-apron siya ngayon habang nakahawak siya ng sandok. Ang lapad ng ngiti niya ngayon. "Kanina pa si Lindsy dito. Sinabi ko naman sayo na maghintay na lang tayo dito. Napagod ka pa tuloy." "Ang sweet kaya niya. Hinanap niya ako." Nakapout naman na singit ni Lindsy. Sa totoo lang, nagalala ako kay Lindsy kanina. Hindi ko na kasi alam kung anong dapat kong isipin tungkol sa kanya. Mahalaga siya sa akin. Yong pag-aalala ko sa kanya ay parang kay Ate Shara din. Nagulat lang ako kaninang naglinis ako sa kwarto niya. May nakita kasi akong b***l sa ilalim ng kama niya. Akala ko pellet g*n lang pero sigurado akong hindi. May mga alam din kasi ako sa mga b***l. Kaya kong alamin kung totoo o hindi. Minsan, nagiging palaisipan na din ang pagkatao ni Lindsy sa akin. Bakit meron siyang ganoong b***l? "Daph! Yong mga carrots nasaan na?" natigilan ako kasi biglang lumabas si Ate Shara mula sa kusina. Napatitig din siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Bumalik siya. Hindi na kaya siya galit sa akin? "Ay! Oo nga pala! Wait lang." nagmamadaling lumabas si Daphnie. "Saan pupunta si Daph?" kunot noong tanong ni Lindsy. "Sa garahe." Tipid na sagot naman ni Ate. "Kukunin yong carrots." "Ha? Bakit sa garahe?!" nagulat ko sa lakas ng pagkakasabi niya. "Dapat sa Sagada. Taga-doon kaya si Carrot Man!" napatutop pa siya sa bibig niya kaya lalong nangunot ang noo ko. Ano na naman bang problema ni Lindsy? "Oh no! Ibig bang sabihin nagpunta kanina si Carrot Man dito para mag deliver ng Carrots?!" napasimangot siya. "Bakit hindi ko alam? Bakit hindi niyo ako tinawag?" naiiyak na siya ngayon. "Lindsy... Galing yon sa palengke. Binili yon ni Bryle kanina." Paliwanag naman ni Ate. "Ibig sabihin si Bryle si Carrot Man? Sikat pala siya! Bakit hindi ko alam yon?" napailing na lang si Ate. "Si Carrot Man ay hindi si Bryle ok? Manahimik ka na." bulong ko kay Lindsy. Nagnod lang siya ng paulit-ulit. "Pero magpapa-autograph ako kay Bryle bukas." Bulong din niya sa akin. Natawa na lang ako nang mahina. Napatingin ulit ako kay Ate Shara. "Ate... Kamusta? Mabuti naman nakapunta ka dito?" huminga lang siya nang malalim saka siya bumalik sa kusina. "Anong nangyari sa kanya?" maang naman na tanong ni Lindsy. Ngumiti lang ako sa kanya. "Nasusunog na siguro yong linuluto niya kaya bumalik na siya." sumunod siya sa kusina kaya sumabay na ako. "Kamusta ang bago mong apartment Ate?" Sana hindi na siya galit sa akin. Hindi naman kasi siya pupunta dito kung may sama pa din siya ng loob sa akin. "Ok lang." tipid niyang sagot. Napansin ko si Lindsy sa sulok na kumakain ng ubas. Hinawakan niya yong isang yelong naka-plastik saka niya ipinukpok sa pader. Nagulat ako kasi sobrang lakas ng ginawa niya. Halos mayanig na ata yong bahay. Ang lakas niya. "Durog na!" nakangiting anunsiyo niya. Nagkatinginan lang kami ni Ate Shara. Nawirdohan din siguro siya katulad ko. "Bakit?" maang niyang tanong sa amin. Nakatitig lang kami sa kanya. "May kukunin lang ako sa labas ha? Bye! bye!" ngumiti lang siya sa amin saka siya naglakad palabas. "Ibig klase talaga si Lindsy." Umiiling kong sambit. "Ate, napatawad mo na ba ako? Hindi ko na ulit gagawin yon. Gusto ko lang makatulong kaya ko nagawa yon." Nagseryoso naman ang mukha niya. Pinatay niya ang apoy saka siya humarap sa akin. "Umamin ka nga sakin, may organization ka bang kinabibilangan?" nakita ko ang hinanakit sa mga mata niya kaya napayuko ako. "Meron." Mahinang sagot ko. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. "Kailan pa?" napalunok na lang ako. Paano ko ba sasabihin sa kanya? Natatakot kasi ako. Lakas loob akong tumingin sa mga mata niya. "Hindi ko pwedeng sabihin Ate." Nagulat ako nang bigla niyang isaksak yong kutsilyong hawak niya sa chopping board. Nanginig ako sa malamig niyang titig. Pakiramdam ko, kahit anong oras susugudin na niya ako. Si Lady Black Fire ang kaharap ko ngayon at hindi si Ate Shara. "Malalaman at malalaman ko din Zykie. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo." madiin niyang ani. "Nagtratrabaho ako sa anak ni Cleofa." Amin ko sa kanya. Hindi naman siya nakaimik agad. Sigurado akong kilala niya ang tinutukoy ko. END OF Zykie's POV Lindsy's POV Napatakip ako sa bibig ko sa sinabi ni Zykie. May anak pala si Cleofa mula sa Egypt. Kilala ko si Cleofa pero hindi ang anak niya. Nagkaroon pala sila ng anak ni Susie Man. Matagal na siyang ipinapahanap ni Boss sa amin kaso masyadong magaling ang matandang iyon. Hanggang ngayon wala pa kaming balita sa kanya. Hindi ko lang alam kung may lead na si Boss. Matagal na din kasi kaming hindi nagkakausap. Sino kaya yong anak ni Cleofa kay Susie Man? Anak nga kaya ni Susie Man yon? Kailangan kong mahanap ang Boss na sinasabi ni Zykie. Malaking tulong yon para matunton namin si Susie Man. Misyon din naming iharap siya kay Boss nang buhay. Malaki kasi ang atraso niya kay Boss. Balak siguro niya na siya na lang mismo ang papatay sa matandang yon. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit ganoon na lang ang galit ni Boss kay Susie Man. "Anong ginagawa mo diyan Lindsy? Nakikinig ka ba sa usapan ng iba?" napatingin ako kay Daphnie na nakakunot noo. "Wala naman. Hahaha. Hinihintay talaga kita para sabay tayong maki-echos kaso ang tagal mo kaya nauna na ako." Tumayo na ako nang maayos saka ko siya inakay sa paglalakad. "Hmmm... Ikaw ha!" ngumiti lang ako sa kanya. "Wala naman akong narinig eh- Ang boring kaya ng pinag-uusapan nila." Palusot ko na lang. Pasimple ako napatingin ulit kila Ate Shara. Malalaman ko din ang lahat. END OF Lindsy's POV Mr. Lavitus's POV Napatitig ako sa picture ng anak kong si Amaroh. Siya ang panganay na anak ko. Simunod naman sa kanya si Ricky Amarah. Dalawang taon ang pagitan nilang mag-kapatid. Dinukot si Amaroh noong baby pa lang siya. Kagagawan iyon ng mga taong nakabangga ko noon. Alam kong hindi na nila bubuhayin ang panganay ko dahil na rin sa pagiging Mafia Boss ko. Isa iyon sa mga naging kapalit ng mga tungkulin ko. Hindi alam ni Amarah na may kapatid pa siya. Inilihim namin ito sa kanya ni Jasmine. Gusto lang namin na ibaon sa limot ang lahat dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa nangyari sa pamilya ko. Pagkasilang ni Amarah, pineke namin ang birth certificate niya. Iniligay namin ang kaarawan ni Amaroh sa mga papeles niya. 18 pa lang siya ngayon kung tutuusin. Lahat iyon ay hindi niya alam. Gusto kong maibsan ang nararamdaman na sakit ni Jasmine noon sa pagkawala ng panganay namin. Ipinaramdam ko sa kanya na may biyayang dumating sa pagkawala ng panganay niya. Iyon si Ricky Amarah. "Noong nakita ko ang nunal ng batang iyon sa leeg niya, naalala kita anak." Ngumiti ako ng mapait. Nakita ko ang pagtulo ng luha ko sa hawak kong litrato niya. Ito ang kahuli-huliang titrato niya sa akin. Naalala ko noong una kong mahawakan ang mga maliliit niyang kamay. Napapikit ako ng mariin. "Mahal na mahal kita anak. Patawarin mo ako sa lahat." Napahagugol ako ng malakas habang naaalala ko ang mga taong nawala sa akin. "Wala na din ang Mommy mo. Pinabayaan ko kayo. Wala akong kwentang ama." Pinunasan ko ang mga luha ko. "Isa lang ang maipapangako ko, hindi ko pababayaan ang kapatid mo. Hindi ko hahayaang mawala siya sa akin. Itatama ko ang lahat para sa magandang kinabukasan niya. Nahanap na niya ang tamang landas niya. Nag-aaral na siya at desidido siyang makapagtapos gaya ng pangako niya sa akin. Sana mapunan ko lahat ng mga pagkukulang ko sayo sa pamamagitan ng kapatid mo..." KNOCK!!! KNOCK!!! Inayos ko ang sarili ko ng mabilis saka ko itinago ang picture ni Amaroh drawer. "Come in." humarap na ako. Nakita ko si Francis na hindi makapakali. Siya ang kanang kamay ko. "What?" malamig kong untag sa kanya. "Gusto niyo bang paimbistigahan ko ang batang iyon Boss." I just raise my left hand to make him shut. "No need." Seryosong sagot ko. "Go out." "But Sir-" natigilan siya nang itaas ko ulit ang kaliwang kamay ko. Ibig sabihin lang na gusto kong itikom niya ang bunganga niya bago ko pa siya mapatay. Napayuko siya ng bahagyan. "I saw you how you looked at him." Mahinang ani niya. "It's just a birth mark. Lots of people have it. Too much hoping can kill sometimes." I said in low tone. "He is Mr. Sy's son. Just to make your mouth shut." I added. I look at him with a sharp glare. "Hindi ko alam na anak siya ni Mr. Sy Boss." Mahinang ani niya Halatang nagulat siya. "That is why I told you. Get out before I'll kill you." Pinandilatan ko siya ng mga mata bago ako umupo ulit. "I'm sorry Boss." Paumanhin niya. Hindi ko lang siya pinansin. Nagangat ako ng mukha nang mapansin kong hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan niya. Isinara ko ang librong binabasa ko saka ko inalabas ang b***l ko mula sa drawer ko. "Out." Madiin kong utos sa kanya. Napalunok lang siya habang nakatitig sa b***l na hawak ko. "Sir... Your daughter is working in your company as a private Security guard. Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo bago ako umalis." "Si Amarah?" natigilan ako sa sinabi niya. Akala ko kasi ayaw niyang magtrabaho sa akin o ang pumasok man lang sa kahit na anong pag-aari ko. "Yes Boss... Aalis na po ako." Paalam niya. Tumungo lang ako sa kanya bago niya tuluyang nilisan ang opisina ko. Napatitig lang ako sa headset na nakapatong sa table ko. Pag-aari ito ni Amarah. Lagi ko siyang nakikitang noon na nakaupo sa sulok ng room niya habang nakikinig siya ng music gamit ang ineregalo kong headset. Napangiti ako ng mapait. Kamusta na kaya siya? Hindi ko na alam kung tama bang hayaan ko siyang mamuhay ng mag-isa. Pakiramdam ko din kasi mas malalagay lang sa pangananib ang buhay niya sa poder ko. Ayaw kong mawala din siya sa akin. Siya na lang ang meron ako. Inabot ko ang phone ko saka ko idinial ang numero ni Summer. "Good Day. Yes, Mr. Lavitus?" ani niya sa kabilang linya. "I want the list of all Security Guards and including their Agencies. ASAP. Make it fast Mr. Shiva." Agad kong sabi. May sasabihin pa dapat siya pero pinatay ko na agad ang phone ko. Maya-maya pa, tumunog na ang email box ko. Agad kong sinuri kung may nagngangalang Shara Mai Coe sa mga ito. Napatitig na lang ako sa monitor nang mabasa ko ang pangalan. Totoo ngang nagtratrabaho siya sa akin. Ibig bang sabihin, gusto na niyang pamahalaan ang mga iiwan ko sa kanya pagdating ng araw? Kailan ko siyang makausap. END OF Mr. Lavitus POV Jace's POV Napapatingin na lang ako kay Master Bryle habang nakatitig siya sa isang singsing dito sa jewelry Shop. Napalunok ako nang masulyapan ko ang presyo nito. 10 million lang naman ang halaga nito. "Woah, pag-ibig nga naman." Bulong ko sa sarili ko. Para akong pinagpawisan ng malapot. Ang simple kasi ng disenyo nong singsing pero sobrang mahal. Nainis ako sa sales lady kasi kanina pa siya nakatitig kay Master. Alam kong kapag medyo lumapit ako sa kanya, mapapatingin din siya ng ganyan sa akin. Gwapo lang naman ako. "Master, nakapili ka na ba?" tanong ko sa kanya. Napatingin naman sa akin yong sales lady. Tama ako, na in love siya sa akin pero saglit lang dahil bumalik ulit ang tingin niya kay Master. Nakita kong medyo sumama ang mukha niya habang nakatitig pa rin sa singsing. Napakamot na lang ako. Namahalan siguro siya. Alam ko namang kayang-kaya niyang bilhin yon o kahit itong buong jewelry Shop pa. Maging ang buong mall ay kaya din niyang bilhin. Sa yaman ba naman niya. Sa totoo lang, wala akong ideya na dito kami papasok kanina. May plano na kaya siyang magpakasal kay Shara? Napailing ako sa naisip ko. Masyado pang maaga. Hindi naman siguro. Baka regalo lang niya sa Girlfriend niya o di kaya kay Mommy niya. "You told me that ring is just the only one in the whole world! How come that this one still exist? You're a liar!" nagising ako nang makita ko si Master na ngayon ay nakatayo at galit na galit habang kaharapan niya yong sales lady. Agad akong pumagitna sa kanina. Mahirap na, baka masuntok pa niya si Miss Ganda. "Sir... Hindi ko pala alam. Baka- hindi po ako yong nakausap niyo dati..." garalgal na sagot naman niya. "Master, anong nangyari?" gulat kong tanong habang pasimple kong pinagmamasdan ang mga nakakuyom niyang mga kamay. "Masyado bang mahal? Kung sabagay naman kasi Miss." Ngumiti ako sa sale lady. "Ang simple lang naman kasi nong design tapos 10 million agad?" napailing ako. "Master, maghanap na lang tayo ng ibang shop." Ngiting asong suhestiyon ko sa kanya. "F*ck you. I have money." Malamig niyang ani. "Sabi ko nga." Napalunok na lang ako. Bakit kasi bigla na lang siyang nag-alburuto? "Sorry po Sir... Hindi ko po alam ang tungkol diyan. Ang mabuti pa po, kausapin niyo na lang ang Manager namin." Natatakot na ani ulit ni Miss sales lady. Maya-maya pa dumating na ang tatlong security guards habang humahangos sila. Nagulat ako dahil nakasunod sa kanila ang isang pamilyar na babae. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang b***l. Napakunot noo ako habang pinapanood ko siyang tumatakbo. Para tuloy siyang kabilang sa SWAT. Muli kong itinuon ang mga mata ko sa mukha niya. "Lindsy?" maang kong bulong sa sarili ko. Palapit na kasi siya nang palapit kaya unti-unti ko na siyang nakikilala. Seryoso lang ang mukha niya habang matalim na tumitingin sa paligid niya. Ibang-iba siya sa Lindsy na nakilala ko. Mukha siyang papatay ng tao. Simple lang din ang suot niya. Ibang-iba sa mga kikay dresses niyang laging suot. Anong ginagawa niya dito? "Ano? Nanakawan ba tayo? Nasaan sila?" sunod-sunod niyang tanong. Bahagyan akong tumalikod para hindi niya ako agad makita. "Siya?!" Narinig kong tanong niya pero hindi ko siya nakikita. "Hindi lang pala magnanakaw, manyak din! Pati mga sales ladies minamanyak niya." malakas niyang sabi. Napabitaw ko sa kamay ni Miss sales lady. Hindi ko namalayan na nakahawak pala ako sa kamay niya. Nagulat ako nang biglang may humawak sa kaliwang braso ko. Napasigaw ako sa sakit dahil may pumilipit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko kasi si Lindsy pala ang nakahawak sa akin ngayon. Katulad ko, nagulat din siya nang makilala niya ako. Agad siyang bumitaw sa akin sabay sulyap kay Master na abala lang sa panonood sa amin. "Bryle- Ikaw pala?" si Master pinansin niya pero ako hindi. Ako kaya ang nasaktan dito! "Hehe. Anong ginagawa mo sa Shop ko?" nakangiting tanong niya. Ngumisi lang si Master sa kanya sabay tingin sa akin. Siya pala ang Manager ng Shop na ito. Ngumiti ako sa kanya kahit medyo masakit pa ang braso ko. Tinitigan lang niya ako ng walang emosyon saka din siya nag-iwas ng tingin sa akin. Ang bilis pa din nang t***k ng puso ko sa tuwing nasisilayan ko ang maganda niyang mukha. Ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Sa sobrang dami kong kagaguhan, hindi ko na alam kung karapat-dapat ba ako sa kanya? Sa tuwing lumalapit ako sa kanya, pakiramdam ko mas lalo ko siyang nasasaktan. Napagdesisyonan kong lumayo na lang ako sa kanya. Hindi ako katulad ni Vince at Master na kayang isabay ang misyon sa pag-ibig. Iyon ang dahilan kaya kuntento na ako sa pakikipag-fling sa kahit kanino. Ayaw ko lang gawin yon kay Lindsy dahil mahal ko siya. Kontento na akong nakikita siyang ligtas. "I never knew that you're the Manager here." Kalmadong ani ni Master. Napakamot naman si Lindsy. "Ako nga. Pasensiya ka na Bryle. Akala ko nanakawan na kami. Ibang klase naman kasi maka-react yong secretary ko kanina kaya nagtungo agad-agad ako dito." Natatawang paliwanag niya. Sa totoo lang, parang hindi niya ako nakikita. Nasasaktan ako pero ayos lang. "Ano bang problema? May ginawa bang kalokohan itong mga empleyado ko sayo?" "I bought a limited ring here a weeks ago. The sales lady told me that it's limited. The ring I bought is just the only type of ring in the world. I was shocked because I saw another one with an exact designs." Paliwanag ni Master. Napangiti naman si Lindsy. "Nako sorry!" paumanhin niya pero hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mga labi niya. "Magpro-propose ka na ba kay Shara?" ngiting asong tanong niya. Napatitig din ako kay Master. Parehas naming hinihintay ang sagot niya. "At the right time..." mahinang sagot naman niya na mas lalong ikinatuwa ni Lindsy. "Ayiieee! Todo na ito!" masayang sambit niyang habang kinikikig. "Ang galing mong mamili ng singsing ha!" natigilan naman si Bryle dahil sa sinabi niya. "What do you mean?" kunot noong tanong ni Master. "Mas nauna si Shara na nakakita sa singsing na yan. Totoong nag-iisa lang yan pero umorder ulit ako kasi nalungkot si Shara noong sinabi ko sa kanyang hindi sinasadyang naibente nong isa kong sales lady. Nakakatuwa naman kasi ikaw pala yong bumili. Nako, destiny nga naman!" tuwang-tuwang turan niya. Napapangiti na lang ako sa kanya. Namiss ko din si Lindsy pero hanggang tingin na lang ako sa kanya. Nakita kong nakangiti si Master. "I knew it. She will going to love it." Mahinang sambit niya. "May kasalan na bang magaganap?" manghang tanong ni Lindsy. Ngumiti lang si Master nang tipid. "I'm still thinking." Tipid niyang sagot. "See you tomorrow Lind." Ani niya saka siya naglakad palabas ng shop. Sumunod naman ako agad sa kanya. "Don't worry I won't sell the ring!" pahabol ni Lindsy. Hindi na humarap sa kanya si Master kaya ako na lang ang lumingon. "I'm glad you're happy." Ani ko sa kanya. Nagiba naman agad ang ekspresyon ng mukha niya. Napalunok siya at biglang lumungkot. Ngumiti lang ako sa kanya sa huling pagkakataon bago ko siya tuluyang tinalikuran. Ayaw ko siyang nakikitang ganoon. Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Dapat ko na siyang iwasan. Ang misyon namin ang dapat kong unahin. Nakarating na kami sa Condo ni Master. Nagulat kaming pareho nang maabutan namin si Shara na nakahiga sa sofa habang payapang natutulog. May hindi kalakihang tapper ware din sa maliit na mesang katabi lang niya. Nagdala siguro siya ng pagkain para kay Bryle. Lumapit sa kanya si Bryle saka siya maingat na pinangko. Dinala niya ito sa loob ng kwarto niya. Nakasunod lang ang mga mata ko sa kanila. Naglakad din ako patungo sa kwarto saka ako maingat na sumilip sa awang ng pintuan. Nakita kong marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Shara. Maingat din niyang kinumutan ang dalaga. Napangiti na lang ako sa kawalan. Kitang-kita ko kasi kung gaano niya kamahal ang babaeng nasa harapan niya. Sana katulad ko din siya... Yong lumalaban kahit alanganin. Sumusugal kahit iisa na lang ang alas. Napailing na lang ako. Hindi ako nararapat kay Lindsy. Maling mahulog sa taong inosente at mabait na katulad niya. Naglakad na lang ulit ako papunta sa sala. Maya-maya pa, lumabas na din si Master. "We will buy guns." Ani niya. Tumayo naman ako agad. Talagang magseseryoso na siya sa misyon niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang dedikasyong matapos na ang lahat. Sigurado akong malaki ang kinalaman ni Shara sa nangyayari sa kanya ngayon. Singsing na kanina ang sangkot. Hindi kaya, may balak na siyang mag-settle down? Si Shara na talaga... Wala sa sariling iniangat ko ang phone ko. "Vince at Kevin, sa Callibries Shop tayo." Ani ko habang hindi ko inaalis ang tingin kay Master. "Woah! Ang tagal na nating hindi pumupunta doon. Bakit?" tanong ni Jace. "Para sa try out ng mga b***l na aangkatin natin mamaya." Sagot ko na lang. "Kapapasok lang na balita Lolo!" narinig kong singit ni Kevin. "Nandoon sila Mr. Shiva." Napasapak na lang ako sa ere. "Anong ginagawa nila doon?! Paano mo nalaman?" inis kong tanong. "Shooting lesson Men. Exclusively to all their PSG. Naitawag sa akin ni Joe, yong may-ari nong Shop. Ipinapahanap ko nga si Shara eh. Kay Shiva kasi siya nagtratrabaho di ba? Malamang nandoon yon para sa tainings." "Nandito si Shara sa condo ni Master." Mahinang ani ko. Napapasulyap na lang ako kay Master na abala sa pag-aayos ng ilang mga gamit niya. "Siguradong pupunta siya mamaya dito dahil amateur lang siya. Isa siya sa mga dapat sanayin. Alam ko kung paano mag-isip si Summer." Seryosong sabi niya. END OF Vince's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD