Chapter 15

4265 Words
Chapter 15 Summer's POV "Hi!" masayang bati sa akin ni Shara. Napatayo ako agad para salubungin siya. Nandito kami ngayon sa Site ko. Nagkaroon kami ng pagsasanay kahapon sa mga empleyado namin lalong-lalong na sa mga security guards na under sa amin. Hindi siya nakadalo kahapon dahil sa hindi ko alam na dahilan. "Ganyan mo ba sasalubungin ang bagong taon Summer?" kunot noong tanong niya sa akin habang nakangiti. Nagising naman ako agad. "Hahaha." Napakamot ako sa batok ko. "Bakit wala ka kahapon sa Callibries Shop? Wala lang. Nagtataka lang ako. Hindi ako sanay na tinatawag mo ako sa pangalan ko ngayon." Ngumisi lang siya sa akin saka niya inabot ang b***l sa table ko. Napanganga ako nang ikasa niya ito. Nagulat naman ako sa sumunod niyang ginawa. Pinagbabaril niya ang target sa harapan namin. Namangha ako dahil sa limang balang lumabas dito, lahat ay sapul. Lumabas ang mga bala sa iisang butas lamang. Napailing na lang ako habang nakangisi. Ano pa nga bang aasahan ko sa taong kaharap ko ngayon? An Angel with a shot g*n. "Wag ka ngang sumimangot diyan! Dapat masanay na akong tawagin ka sa pangalan mo ngayon. Mahirap na..." ani niya habang nakatutok pa rin ang b***l niya sa target. Halatang inaasinta pa rin niya ito nang maigi. "Ano Mr. Shiva? Kailangan ko pa ba ng try-out?" humarap na siya sa akin. Natawa na lang ako nang alanganin. Siya si Lady Black Fire. Sa totoo lang, hindi na niya kailangan ng try out sa paghawak ng b***l. Alam kong sanay na siya hindi lang tungkol sa mga b***l kundi sa marami pa. May iba akong agenda sa kanya kahapon kaya gusto ko pa rin siyang pumunta. "Sa tingin mo, pinapapunta kita kahapon para lang humawak ng b***l?" ani ko na siyang nagpakunot ng noo niya. "Babatiin mo ako ng Happy New Year?" Maang niyang hula. Natawa na lang ako nang malakas. "Hahaha. Ayaw ko sanang sabihin sayo pero sigurado naman akong malalaman mo din." Ngumiti ako sa kanya saka ako nagseryoso. "Spill it now Summer. Para makaalis na ako agad. Marami kasi akong dapat gawin ngayong araw." Sabi niya. "Ayaw mo bang pumunta sa bahay? Ah- Remember I told you before about my Mom?" pagpapaalala ko sa kanya. Gusto din talaga siyang makita ng Mommy ko. "Oo, naalala ko na." nahihiyang ani niya. "Pasensiya na pero hindi pwede ngayon Summer. Siguro sa ibang araw na lang. Gusto din kasi akong makita nong Tita ko. Yong kapatid ni Mama na Mommy ni Zykie. Ilang taon na din kasi kaming hindi nakikita." Malungkot niyang paliwanag. Lumapit na lang ako sa kanya. "Walang problema sa akin." Huminga ako nang malalim saka ko siya tinitigan sa mga mata niya. "Alam na ng Daddy mo na nagtratrabaho ka sa company niya." Nakita kong natahimik lang siya. "Malalaman din naman niya. Tama ka sa sinabi mo. Proprotektahan ko lang ang mga bagay na mahalaga sa kanya. Walang masama doon." Mahinang turan niya. "Baka isipin kasi niya na handa mo na siyang palitan balang araw..." alanganin kong sabi. "Hindi ko pa sigurado. Gusto ko lang gumalaw habang wala ako sa anino ng pangalan niya. Kapag nakilala na ako ng lahat, magiging komplekado lang ang sitwasyon. Pinagiisipan ko pa ang lahat." Umupo siya sa sahig habang pinaglalaruan niya ang b***l sa mga kamay niya. Iniluhod ko ang isang tuhod ko sa sahig para makita ko siya nang maigi. "Ikaw lang ang nag-iisang anak niya. Tandaan mo yan..." Ngumiti lang siya sa akin nang tipid. "May boyfriend na ako Summer..." nakangiting ani. Napalunok na lang ako. "Siya- ba-" napayuko ako. Nauutal kasi ako. Wala akong karapatan pero nakaramdam ako ng sakit. Gusto ko lang naman siya pero natatakot akong malaman niya. "Siya ba ang dahilan kaya parang nagbago na ang isip mo?" Tumungo lang siya sa akin bilang sagot. "Gusto mo bang pamahalaan ang company ni Dad? Kung oo, ibibigay ko yon sayo. May tiwala ako sayo at alam mo namang maayos na ako sa simpleng buhay lang di ba?" mahinahong wika niya. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Handa niyang ibigay sa akin ang buhay na dapat ay sa kanya. Hindi ko ata magagawang kunin yon sa kanya. "Marami pang pwedeng magbago Shara... Masaya ako para sayo. Unang pag-ibig mo siya di ba?" tumungo lang ulit siya sa akin. "May mga bagay na hindi nagtatagal Shara. Sabihin mo ulit sa akin ang alok mo kapag kayo na talaga hanggang huli." Matalim kong ani. "Ingatan mo ang puso mo dahil alam kong hindi 'yan sanay masaktan." Seryosong bilin ko. Natulala lang siya sa akin. "Summer..." paos niyang tawag sa pangalan ko. Tumayo na ako saka ulit ako tumingin sa kanya. "Gusto ko lang malaman mo na kapag pumasok ka sa relasyon, mararanasan mo ding masaktan. Hindi puros saya ang mararanasan mo Shara. Tutulo at tutulo ang mga luha mo. Marami pang mga pagsubok ang dadaan sa inyo bago mo masabing kayo na talaga. Nais ko lang malaman mo na nandito lang ako kapag nangyari ang mga yon... Happy New Year Shara... Maiwan na kita." Tinalikuran ko na siya agad dahil ayaw kong marinig ang mga sasabihin niya kung meron man. Wala akong ibang hangad kundi ang maging masaya siya. Karapatan niyang makatagpo ng taong handa siyang tanggapin maliban sa akin. Marami na siyang pinagdusahan sa buhay. Kung hindi niya makita sa akin ang kaligayahan na yon, hindi ako magdadamdam. Gusto ko lang makilala ang lalaking dahilan ng mga ngiti niya ngayon. Misyon kong protektahan siya dahil iyon na lang ang magagawa ko. END of Summer's POV Kevin's POV Tahimik lang akong namamasid dito sa sala ni Bryle. Napailing na lang ako. Ang laki talaga ng bahay ni Master. Dapat magkaroon siya ng madaming lahi balang araw para magkaroon naman ng silbi ang maluwang na espasyo nitong bahay niya. Punung-puno ng sagradong mga bagay ang bawat silid nitong bahay niya kaya iilan lang ang nakabukas na mga silid. Yong iba, dala-dalawa pa ang kandado. Naglinis na kami dito kahapon pero hindi kami natapos. Ewan ko ba kay Master kung bakit kami pa ang naisipan niyang magpaganda ng bahay niya. Isinadya niya siguro iyon para walang ibang mga taong makapasok sa mansion niya. May pagkasensitive talaga siya minsan. Nagdedecorate na lang kami ngayon kaya maagan lang ang trabaho. Ilang oras na lang kasi, bagong taon na! "Hmmm! Ang bango mo baby!" nanginig ang laman ko nang biglang sumulpot si Vince habang inaamoy-amoy niya ako. Nakanguso pa siya kaya nakakadiri talaga. Napangisi ako saka ko itinulak ang nguso niya palayo. "Lumayo ka nga sa akin Vince! Baka gusto mong magbagong taon na may black eye sa mata!" banta ko sa kanya. Natawa lang siya nang malakas. "Ready ka na talaga sa date mo ha? Ang bango mo Men! Hahaha. Mukhang hindi excited!" pang-aasar ulit niya sa akin. "Nag-ayos ako para ipamukha sa bababeng yon na hindi ako basta-bastang tao!" madiin kong wika. Naalala ko na naman tuloy siya! "Sus! Ang gwapo mo. Sigurado maglalaway 'yon!" natatawang sambit niya. Inirapan ko na lang siya. Nagtataka din ako sa sarili ko. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito para sa muling paghaharap namin ni Daphnie mamaya. May atraso ako sa kanya pero mas malaki ang atraso niya sa akin. Ang lakas talaga ng loob niyang pagbantaan ako! Humanda din siya sa akin mamaya sa mala-impiyernong date namin. "Maglalaway talaga siya 'yon! Alam kong gwapo ako. Salamat na lang pero hindi mo kailangan ulit-ulitin pa." nakangising ani ko. "Nagbago ka na talaga Kevin!" kumunot noo naman ako sa kumento niya. "Hindi ka na katulad nang dati na sobrang haba ng pasensiya." Dagdag pa niya. Napailing na lang ako. "Ako pa rin yong dati. Ibang usapan na lang talaga kapag yong babaeng yon na ang sangkot." Matalim kong sabi. "Hmmm... Watch your words men! Diyan din kami nag-umpisa ni Zykie dati." Nang-iinis niyang turan. "Magkaaway tapos biglang naka-inlovan. Hehe. Idagdag mo na din si Jace na ngayon ay nanliligaw kay Lindsy na pusa. Hehe." "Papatunayan ko sayong hindi ako matutulad sa inyo." Seryosong bitaw ko pero natawa lang siya lalo. "Hindi ko na nililigawan si Lindsy." Sabay kaming napatingin sa likod ni Vince. Nakatayo doon si Jace habang seryosong nakatitig sa amin. Tama ba ang narinig namin? "Hindi ko na siya nililigawan." Ulit niya. "Ah- oh!" nakangangang sambit ni Vince Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Lindsy sa may gilid, hindi kalayuan sa amin. Ibig sabihin narinig niya ang sinabi ni Jace. Nakita kong parang naiiyak na si Lindsy pero hindi ko tiyak. Napayuko siya habang tinatapik-tapik siya ni Zykie sa may kaliwang balikat niya. END OF Kevin's POV Shara's POV Linibot ko ang buong mall para maghanap ng pinakamagandang New Year's gift kay Dann. Mas madalas ko na siyang tawaging Dann dahil lahat ay tinatawag siya sa pangalan niyang Bryle. Gusto kong maiba naman. Sa dami ng mga stores na pinuntahan ko, dito lang pala sa food court ang bagsak ko. Nakatitig ako sa isang vendo machine dito. Pinagmamasdan ko ang mga pepsi sodas na nasa loob nito. Naalala ko kasi ang pull tap na bigay niya noon sa akin na galing sa isang soda can. Wala sa sariling inilabas ko ang dalawang pull taps mula sa bulsa ng jacket ko. Binawi ko kay Dann yong ibinigay kong pull tap sa kanya. Gusto kong itago yon kasi baka mawala pa niya. Napangiti ako sa naiisip kong ideya. Alam ko na kung ano ang ireregalo ko sa kanya. Pagkatapos kong bilhin ang mga dapat kong bilhin, nagtungo na ako agad sa bahay ni Dann. Nag-aalangan akong kumatok o mag-door bell dahil nahihiya ako. Sana pala nagpahintay na lang ako kila Lindsy para may kasama ako ngayon. Napapatingin na lang ako sa mga naka-black suit na mga body guards sa loob. Nakabalibot sila sa buong bahay ni Dann. Wala ba siyang planong pauwiin ang mga ito sa kani-kanilang pamilya? Kawawa naman sila kung hindi nila makakasama ang kanilang pamilya ngayong magbabagong taon. Naaasiwa ako sa suot ko. Mukhang hindi ata ito pang-bagong taon. Nakasimpleng maong pants lang kasi ako at white t-shirt. Nahihiyang naglakad ako palayo. Bigla akong nahiya. Dapat matuto na din akong magpaganda kaya iyon ang gagawin ko kahit ngayong araw lang. Tama sila Zykie, may boyfriend na ako kaya dapat maganda ako lagi. Napadpad ako dito sa Mansion namin. Katatapos ko lang magpalit sa Mcdo kanina kaya dumeretso na ako dito. Napahawak ako sa mga grills ng gate namin. Bahagyan akong nakaramdam ng lungkot dahil sa mga alaalang biglang nabuhay sa isipan ko. Tahimik lang akong nakatunghay sa malaking mansion namin habang lumuluha ang mga mata ko. Punung-puno ito ng mga alaalang hindi na kailanman maibabalik. Makalipas ang sampong taon, nakabalik din ako dito. Ang dating tahanan na punung-puno ng buhay at kulay, ngayon ay kumupas na. Pinagmasdan ko ito sa huling pagkakataon saka ako naglakad paalis. Napadpad ako sa paborito kong candy shop. Napangiti ako dahil hanggang ngayon nakatayo pa rin ito at mas lumaki pa. Natigilan ako nang may mapansin akong pamilyar na lalaking nakaupo sa harapan nito. Nakasalampak siya sa semento malapit sa daan. "Dann..." mahinang ani ko. Nag-angat siya ng mukha kaya nakita niya ako. Napakunot noo siya habang nakatitig siya sa akin nang matagal. Anong ginagawa niya dito? Gusto kong tumakbo palayo pero sigurodong magagalit siya sa akin. Napangiwi ako nang tumayo siya nang tuwid saka siya naglakad patungo sa akin. Napahawak na lang ako nang mahigpit sa laylayan ng dress ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kinabig niya ako nang tuluyan na siyang makalapit sa akin saka niya ako iniikot papunta sa gilid ng kalsada. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko habang yakap-yakap niya ako nang mahigpit. Wala sa sariling napakurap ako sa kawalan. Narinig ko ang mga busina ng mga sasakyan. Akala ko masasagasahan na ako kanina. BEPPP!!! BEPPP!!! "Ano Miss? May balak ka bang magpakamatay?" galit na bulyaw sa akin nong isang driver. "Are you ok?" nag-aalalang tanong sa akin ni Bryle. "Ah-" Ano bang nangyari? "Tell me your fine!" matigas niyang utos sa akin habang panay pa rin ang haplos niya sa mukha ko. "Oo- Ok lang ako Dann." Mahinang sagot ko. "Miss! Bayaran mo itong gasgas sa kotse!" sabay kaming napatingin ni Dann sa Driver. Paano naman nagasgas yong kotse niya? Hindi naman niya ako nasagasahan. "Ano ba?! Tutunganga ka na lang!" magpasalamat siya dahil nandito si Bryle. Kung wala lang siya, baka kanina ko pa siya sinapak sa mukha. "Stay here." Bulong sa akin ni Bryle. Ngayon ko lang napansin ang nakakuyom niyang mga kamay habang nakatingin siya sa driver. Nataranta ako dahil parang may balak siyang masama. "Wag na Bryle!" Pigil ko sa kanya. "Wala namang nangyaring masama sa akin. Babayaran ko na lang siya para walang gulo." Ayaw ko namang mapaaway siya dahil lang sa akin. "No. Just stay here." Madiin niyang utos saka siya naglakad patungo sa lalaki. Nagulat ako nang bigla nitong hablutin ang ulo nong lalaki saka niya inilabas sa bintana nong sasakyan niya. Nasa loob pa rin kasi yong driver ngayon. "Damn you!" malakas niyang mura dito. Mas nagulat na naman ako nang suntukin niya sa mukha ang lalaki. "Sir..." makaawa nong lalaki. "Do it again and I'll kill you!" si Bryle Dann ba talaga ang nakikita ko ngayon? Galit na galit kasi siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Iyong tipong parang papatay na siya ng tao. Tumakbo ako patungo sa kanya saka ko siya inawat. "Bryle tama na yan!" "You almost killed my girl then you still have the guts to make her pay. What if I decided to erase you in this world?!" mabangis na bitaw pa rin niya sa lalaki habang pilit ko siyang hinihila. "Sir, hindi ko naman sinasadya!" samo naman nito. "Sige na Kuya! Umalis ka na!" ani ko sa kanya. "Sorry Mam..." mangiyak-ngiyak niyang paumanhin. "Ok lang... Umalis ka na." hinawakan ko si Bryle sa mga braso niya para bitawan na niya ito. "Please naman oh-" samo ko kay Bryle. Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha niya. Dahan-dahan niya itong binitawan. Agad naman na pinaharurot nong driver yong sasakyan niya palayo. Masuyo niya akong hinawakan sa mga pisngi ko. Inilapit niya ang noo niya sa noo ko habang nakapikit siya nang mariin. Kinabig niya ako palapit saka niya ako niyakap nang mahigpit. "Muntik ka na talaga kanina..." ramdam ko ang matinding takot sa boses niya. "I'm fine. Kumalma ka na." naramdaman ko ang dampi ng mga labi niya sa mga buhok ko. "I'm sorry..." Mas hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin. Napangiti ako. "Sorry din..." kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya. "What do you think you are doing a while back? You just stared at me and sunddenly you never mind to move a bit." Nalilitong ani niya. Napanganga na lang ako sa kanya. Natigilan kasi ako noong makita ko siya sa harapan ng shop. "Nagulat kasi ako kasi nakita kita dito." Amin ko sa kanya. "Ano bang ginagawa mo dito?" "I should be the one who is asking you that." Balik naman niya sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya. "Magpapalit sana ako ng damit kasi-" Pagsisinungaling ko. Kapapalit ko lang naman. Bumaba ang tingin ko sa suot ko. "You don't have to. You look stunning with that dress." Masuyong sabi niya saka niya ako hinawakan sa mga kamay ko. "Polka girl." Nangingiting sambit niya. Binili kasi ni Lindsy sa akin ang dress na ito. Magbabagong taon daw mamaya kaya dapat magsuot kami nang pampasuwerte. May mga print na mga bilog ang dress ko. Iba-iba din ang kulay ng mga ito kaya sobrang ganda sa mga mata. Nagaalangan pa nga ako kung isusuot ko ito kanina. Napangiti na din ako nang tipid sa kanya. "Salamat." Nahihiyang sabi ko. "I love you..." iniangat niya ang mukha kong bahagyang nakayuko. Ngayon kitang-kita ko na siya sa mga mata niya. Bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin ni Summer kanina. Sana siya na kahit ano pang dumating na pagsubok sa amin... Sobrang mahal na mahal ko ang lalaking kaharap ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya saka ko iniangat ang mga kamay niya. Unti-unti ko itong pinagdikit at masuyong hinagkan ang mga likod ng mga palad niya. "Mahal na mahal din kita..." buong pusong sabi ko. Natawa siya nang mahina saka niya ako inakay sa paglalakad. "I won't get tired of hearing that from you..." bulong niya sa akin. Natawa na lang ako nang mahina. Hindi din ako magsasawang sabihin yon sa kanya nang paulit-ulit. Pumasok kami sa Candy Shop. Napangiti ako nang makita ko ang favorite heart chocolate ko dito. "Wait me here My Bee." Paalam niya sa akin. Tumungo lang ako sa kanya bago siya tuluyan nagtungo sa counter. Nakita kong inabot nong isang Miss ang dalawang boxes kay Bryle. Bumalik lang ulit ang tingin ko sa paborito kong chocolate. Three hundreds pesos din ang isa nito kaya hindi kaya ng bulsa ko. Ipinatong ko na lang ang baba ko sa kamay ko. Napapatingin pa rin ako kay Bryle na abala sa pakikipagusap sa babae sa counter. Gustung-gusto ko na talagang magpakilala sa kanya bilang first love niya pero hindi pa muna ngayon. Napayuko na lang ulit ako. "You have been staring that chocolate heart." Nag-angat ako ng mukha para salubungin siya. Nakatayo siya habang bitbit niya ang mga boxes sa magkabilang kamay niya. "You want some?" kunot noong tanong niya. Umiling naman ako nang paulit-ulit. "Ah- Hindi! Hindi ako mahilig sa mga chocolates." Ngiting asong palusot ko. "Remember the chocolate you saw at my office inside the 4-Quarters?" Napalunok na lang ako sabay tungo. "Yan yon." Nakangiting sabi niya habang nakatingin sa mga chocolate hearts. Alam ko naman yon kahit hindi pa niya sabihin. Sa akin kaya galing yon. "Mahal mo pa ata siya eh-" biro ko sa kanya. "She's special. Don't get jealous because I love you more than anything else and anyone else." Napangiti naman ako. Lumapit na lang ako sa kanya saka ko binuhat ang isang box mula sa kamay niya. "Ikaw talaga! Pinapakilig mo na naman ako." Hinalikan lang niya ako sa noo saka niya ako hinawakan sa isang kamay. "Let's go polka girl." Ngiting asong ani niya. END OF Shara's POV Lindsy's POV "Jace!" malakas kong tawag sa kanya pero parang hindi niya ako narinig. "Jace harapin mo ako utang loob!" Nakatoka kaming kanina sa kusina para magluto pero iniwan niya ako. Hind ko pa rin nakakalimutan ang masasakit na sinabi niya sa mga barkada niya tungkol sa amin. Hindi kami pero ang sakit lang marinig ang mga iyon mula sa kanya. Pakiramdam ko pinaasa lang niya ako sa mga sinabi niya noon. "Bumalik ka na sa loob Lindsy." Pagtataboy niya sa akin. Nakarating na kami hanggang dito sa garden ni Bryle. "Mg-usap tayo!" sigaw ko sa kanya. Napilitan naman siyang humarap sa akin. "Para saan? Hindi naman tayo di ba?" bahagyan siyang natigilan dahil nakita niya akong umiiyak. "Wag ka ngang umiyak!" ani niya sabay iwas ng tingin sa akin. "Hindi ako umiiyak! Kasalanan ko bang ako ang pinaghiwa mo lahat ng mga sibuyas kanina?" inis kong balik sa kanya. Umiling lang siya sa akin. "Anong kailangan mo?" walang ganang tanong niya. Ibang-iba na siya sa dating Jace na nakilala ko. Dati habol siya nang habol ngayon halos ayaw na niyang lapitan ko siya. Nasasaktan ako at hindi ko yon matanggap. Ang sakit-sakit sa loob kung paano niya ako pikitunguhan ngayon. "Hindi mo na ako liligawan? Totoo ba ang sinabi mo kanina?" nanghihinang tanong ko. "Tama ang narinig mo." agad naman niyang sagot. "Hindi na kita liligawan. Wala na akong planong magpatuloy na suyuin ka." Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Nanikip kasi ito bigla. Parang naulit lang yong sakit noong iwan din ako ni Luiford para kay Chantal. Naiinis ako dahil parang mas masakit ngayon. "Pinaasa mo lang ako?" mapait kong tanong. "Kilala mo naman ako di ba? Hindi ako sanay maghintay. Lahat ng gusto kong babae, nakukuha ko nang walang kahirap-hirap. Pagod na ako sayo Lindsy!" Naiiritang ani niya. "Better forget me and all the promises I've said to you." Malayang tumulo muli ang mga luha ko. Hindi ko na ata kayang magdiwang ng bagong taon dahil sa sakit na kumakain sa akin. "Happy New Year Jace. It's the most unforgettable gift ever." Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likod ng mga kamay ko saka ko siya tinalikuran. "Lindsy!" tawag niya sa akin. Napapikit na lang ako nang mariin. "May mas kaya kang mahalin kesa sa akin..." narinig kong ang pagpiyok ng boses niya. "Babaero ako at may komplikadong tungkulin." Pagpapatuloy niya. "Hindi ako nababagay sayo sa ngayon." Humarap ulit ako sa kanya. "Mahal kita Jace... Sasagutin kita ngayon para wala kang masabi. Hard to get ba ako? Magpapa-easy to get ako para sayo. Tanggalin mo lang itong sakit na nararamdaman ko ngayon please! Tayo na! Sinasagot na kita!" Samo ko sa kanya. Hindi naman siya nakasagot agad. Ngayon ko lang napatunayan kung gaano ko siya kamahal. Tama nga ang sabi nila, mas mapapatunayan mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na siya sayo. Mas lalo na naman akong naiyak nang umiling siya sa akin. "Wag Lindsy... I can't accept that." Mahinang sabi niya pero rinig na rinig ko. "Anong kailangan kong gawin?" desperada na kung despereda! Ang gusto ko lang bumalik ulit kami sa dati. "Wala Lindsy. You don't have to do anything. Just go and forget me..." "Hindi pwede Jace..." umiiling kong ani. Humakbang ako palapit pero humakbang siya palikod. "Marami akong babae Lindsy. Wag kang magpakatanga! Hindi ako nakukutento sa isa lang. Gusto ko marami at iba-iba." Matalim niyang sabi. Naglakad ako nang mabilis patungo sa kanya. Nagulat siya nang kabigin ko siya palapit. Hinalikan ko siya nang buong puso pero hindi ko naramdaman na tumugon siya sa halik ko. "Lindsy stop!" nagulat ako nang pagtaasan niya ako ng boses. Marahas niya akong inilayo sa kanya. "Marami kang babae?! Then, make me one of them!" Matapang kong sabi na ikinagulat naman niya. Ngumisi lang siya sa akin nang nakakaloko. "I realized that you are not my type. Aggressive ka din pala." Pang-iinsulto niya sa akin. "Kapag pumayag kang maging babae ko, hindi pwedeng walang s*x. Everyday, there should be a s*x involve. Handa ka bang maging s*x w***e? Dahil kung oo, you're qualified. Tandaan mo, katawan mo lang ang hahabulin ko sayo." Napintig ang mga tainga ko sa sinabi niya. Walang sabi-sabing sinampal ko siya sa pisngi niya. Lahat ng lakas ko ay inilagay ko sa palad ko para maramdaman niya. "I hate you for saying that!" galit kong bitaw sa kanya. "Wag kang mag-alala, makakamove-on din ako sayo! You're not the first person who hurt me this much!" nanlilisik ang mga matang dagdag ko. Tinapunan ko siya nang masamang titig bago ako naglakad palabas ng garden. Umiiyak ako habang naglalakad patungo sa garahe para kunin ang sasakyan ko. Nang makasakay na ako, pinaharurot ko ito palayo. Napadpad ako sa Lavitus Site. Nanghihina ako habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Pumunta ako sa shooting area dito saka ko kinuha ang b***l sa ilalim ng drawer ko dito. BANG!!! BANG!!! BANG!!! Sunud-sunod kong tira sa target na nakapwesto sa malayo. Naiyak ako nang hindi ko ito natamaan. Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Naiinis ako dahil sa bawat pagbukas ng mga mata ko, ang mukha ni Jace ang sumasalubong sa akin. Sana matapos na ang pagdudusa kong ito. Sobrang sakit na talaga... "Alam mo bang bawal ang magtungo dito sa shooting area kapag walang suot goggles." Tumayo ako nang maayos nang marinig ko ang pamilyar na boses niya. "Boss..." mahinang ani ko. Umiiyak akong humarap sa kanya na siyang ikinagulat niya. "Mr. Lavitus." Mahinang sambit ko sa pangalan niya. "Lindsy napano ka?" nalilitong tanong niya sa akin. Tumakbo agad patungo sa kanya saka ko siya mahigpit na niyakap. "Huhuhu. Daddy Boss." Iyon ang tawag naming mga anak-anakan niya sa kanya. "I remember you when you broke up with Luiford. Ganito ka din noon." Sabi niya habang umiiling. Natawa lang ako nang mahina. "Siya ang nakipaghiwalay sa akin." Pagtatama ko naman. "Nagmakaawa siyang sayo para balikan mo lang siya." balik naman niya. "Tama. Hahaha. Ako nga ang nakipaghiwalay sa kanya. Siya lang ang unang sumuko." Natatawang sabi ko habang umiiyak. Nakamove-on na ako kay Luiford. Si Jace ang dahilan kaya ganito ako ngayon. Huminga ako nang malalim. Kailangan kong ibahin ang usapan dahil baka magalit pa si Boss. Tumigil na din ako sa pag-iyak. "You're back Boss." Masayang ani ko. Mabilis akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. "Ang totoong matapang, hindi umiiyak. Bakit mo iiyakan kung pwede mo namang patayin?" Makahulugan niyang sabi. Tumungo lang ako sa kanya saka ko inayos ang sarili ko. Tama, siya. Ngayon ko lang ulit naalala ang mga itinuro niya sa akin. Ang maging matapang kahit sa loob-loob mo, nanghihina ka na. Syempre hindi ko naman magagawang patayin si Jace. Uumpisahan ko na din siyang kalimutan katulad ng paglimot niya sa akin. Nagawang kong ibaon sa limot ang mga nakaraan namin ni Luiford. Magagawa ko din iyon kay Jace. Naging manliligaw ko lang siya kaya kakayanin ko. "Umuwi po kayo." "Gusto ko lang makita ang anak ko." Tipid naman niyang sagot. "Si Shara." "You know her?" maang niyang tanong. Ngayon ko lang napagtanto na mag-ama nga sila. May pagkakahawig kasi sila ni Boss. "Yes Boss. Kasama ko siya kanina." Nakangiting balita ko sa kanya. Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha niya. "Take me to her." Seryosong ani niya na nakapagpatigil sa akin. END OF Lindsy's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD