Chapter 16

4248 Words
Chapter 16 Zykie's POV Nasa harapan na kami ng malaking table ngayon. Tumulong kami kanina ni Lindsy sa pag-aayos ng bahay ni Bryle. Hindi naman kami nahirapan kasi yong sala lang naman ang kinarir namin. Halos lahat kasi ng mga silid dito ay nakasarado. Siguro dahil hindi naman lagi dito yong may-ari. Kompleto na kami kanina kaso biglang nawala si Lindsy. May pinuntahan lang siguro pero hindi man lang niya nagawang magpaalam sa amin. Silang tatlo na lang ang hinihintay namin. Papunta na daw si Bryle at si Ate Shara. Nag-aalala ako dahil hanggang ngayon hindi pa rin nagpaparamdam si Lindsy. May kinalaman kaya ang sinabi ni Jace kanina na hindi na siya liligawan nito? Ang sabi naman kasi niya sa akin, ok lang daw iyon sa kanya kaya napatanag ako kanina. Hindi kaya sinabi lang niya iyon para mapagtakpan ang sakit na nararamdaman niya? "Babe ok ka lang?" napakurap ako nang magsalita si Vince. Ngumiti lang ako sa kanya. "Oo Babe..." "Bakit ganyang ang itsura mo?" kunot-noong tanong niya ulit. Napatingin na lang ako kay Jace na abala sa phone niya. Magkatabi silang dalawa ni Kevin ngayon. Napailing na lang ako dahil napapasulyap siya sa relo niya. Hinihintay kaya niya si Daphnie? May date kasi sila. Isa pa si Daphnie, hanggang kasi ngayon wala pa rin siya. Nagtagal siguro siya sa bahay dahil sa pag-aayos sa date nila ni Kevin. Ang kaso parang imposible naman yon. Hindi naman kasi romantic date ang turing niya sa magaganap mamaya kundi revenge date. Di ko gets ang ibig niyang sabihin. Ang alam ko lang, magde-date sila at excited na ako! "Wala Babe. Masaya lang ako dahil magkasama tayo ngayong sasapit ang bagong taon." Nakangiting ani ko. Inilapit naman niya ang mukha niya saka niya ako masuyong hinalikan sa mga labi ko. Napakapit na lang ako sa batok niya. "I love you..." He said between our kisses. "Tangina! Hindi mo man lang sinabi na may rated SPG pala dito! Haha. Nice Men!" malakas na ani Kevin. Bumitaw ako agad kay Vince. Nakanganga silang dalawa ni Jace habang nakatingin sa amin ni Vince. Naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi. "Galawang hokage lang ah!" dagdag pa niya. Narinig kong natawa lang si Vince. "Get a room Men!" natatawang sabi ni Jace habang nakanguso siya sa isang room sa malapit. "For what? Para hindi kayo mainggit?" nakangising tanong namin ni Vince. Yumuko na lang ako sabay siko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. "Why Babe? Hayaan mo lang sila. Palibhasa mga single sila. Hahaha." Pang-aasar niya sa mga kaibigan. "Sus! Kami inggit? Sa kamandag naming ito?" sabi ni Kevin habang nakaturo siya sa mukha ko. "Iba ang charm namin Men at kayang-kaya naming makabingwit ng chick sa isang kindat lang namin." Mayabang niyang sabi. "Di ba Jace?" wala sa sariling tumungo naman si Jace. "Haha. Anong nangyari sayo Jace? Mukha kang nabagsakan ng lupa?" maang na tanong ni Vince sa kanya. Kanina pa kasi walang imik si Jace. May nangyari kaya sa pagitan nila ni Lindsy? Nakita ko sa mga mga ni Lindsy kanina na medyo apektado siya pero pati pala itong si Jace. Bakit kasi niya sinabi yon? Manliligaw pa lang naman si Jace kay Lindsy kaya akala ko wala lang yon sa kanila kahit hindi na magpatuloy si Jace sa panliligaw. Mas masakit kasi kapag kayo tapos maghihiwalay kayo. "I'm fine Men." Seryosong sagot niya. "Sigurado ka?" paniniguro naman ni Kevin. "Men, if it is about Li-" "Ofcourse not!" putol naman niya dito. Napatingin sa gawi ko si Jace. "Hindi naman kami di ba? Kaya siguradong makakalimutan din niya ako." Ako ba ang tinatanong niya? "Jace kasi... manliligaw ka niya di ba? Paano kung nahulog na pala siya sayo." Hindi naman siya nakasagot agad. "Help her to forget me." Seryosong ani niya. "May nangyari ba Jace kaya wala siya ngayon dito?" nag-aalalang tanong ko. "Wala naman." Ipinilig niya ang ulo niya. "Akala ko magagalit ka sa akin dahil sa ginawa ko sa kaibigan mo." Sa totoo lang, nainis ako sa kanya kanina. Hindi na kasi maipinta ang mukha ni Lindsy kanina. Iniisip ko na lang na mas maagang tapusin na lang niya ang lahat para hindi umasa si Lindsy sa kanya. Mas mainam yon dahil hindi pa sila. Kakalbuhin ko talaga siya kapag sinaktan niya si Lindsy habang magkarelasyon sila. "Gaya ng sabi mo, hindi naman kayo." Simpleng sagot ko. "Ang mahalaga hindi mo siya pinaasa. Mapapatay kasi kita kapag kayo tapos nagloko ka." Ngumiti naman siya sa akin nang tipid. "Para din sa kanya yon." Tama siya sa tinuran niya. Maya-maya pa, dumating na si Shara at Bryle. Magkahawak kamay sila habang naglalakad patungo sa amin. Lihim akong kinilig sa kanila. Sobrang ganda ni Ate ngayon tapos sobrang gwapo naman ni Bryle. Tama ako, bagay nga sa kanya yong dress na binili ko para sa kanya. Bagay na bagay talaga sila. Tumayo ako agad para salubungin sila. "Ate... Happy New Year!" masayang bati ko sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi. "Hi Bryle, Happy New Year." Nakibeso na din ako sa kanya. "Happy New Year din mamaya!" balik naman ni Ate Shara. Ngumiti lang sa akin si Bryle. "Tara, upo na tayo. Mabuti naman isinuot mo yang gift ko sayo." Ngiting asong ani ko. Namula naman si Ate. Hindi naman kasi siya sanay magsuot ng mga ganito. "Wala na kasi ako ibang maisuot na pampasuwerte." Nahihiyang turan niya. "Ano ka ba Ate? Bagay kaya sayo." Inakay ko na siya papunta sa malaking table. "Yeah Men, Happy New Year to all of us!" ani ni Vince habang nakahawak siya ng wine. "Men, maaga pa. 8 pa lang ng gabi. Mamayang 12 midnight pa ang bagong taon." Seryosong singit naman ni Jace. Natawa lang kaming lahat sa sinabi niya. "Masyado ka namang seryoso Jace. New Year na din ngayon." natatawang sabi naman ni Kevin. "Wala pang 12 midnight." Seryosong balik niya ulit. "Sige na nga. Pagbigyan. Haha." Si Vince. "Pagbigyan ang may pinagdadaanan." Nakangising saad ni Kevin. Inirapan lang siya ni Jace. Umupo na sila Ate sa upuan. Magkatabi sila ni Bryle ngayon. Napangiti ako dahil hanggang ngayon, magkahawak kamay pa rin sila. Napansin kong kanina pa nakadako ang mga mata niya sa mga bakanteng mga upuan. Napabuntong hininga na lang ako nang malalim. "Si Lindsy? Bakit si Daphnie wala?" sunud-sunod niyang tanong. Inaasahan ko na talaga yan. "Ahm. Ate kase-" napakamot na lang ako sa ulo ko. Napatingin ako kay Kevin na halatang naghihintay ng sagot at kay Jace na parang wala lang paki. Abala kasi siya sa paglagok ng wine niya. "Hindi sila pupunta?" kunot noong tanong ni Ate. "Ate baka kasi hindi na si Lindsy. Si Daphnie naman, baka nasa bahay pa lang siya." paliwanag ko. "Anong hindi ako makakapunta?!" napatingin kaming lahat sa nagsalita. Nalaglag ang panga ko nang makita ko si Lindsy na nakatayo sa bungad ng pintuan. Nakaayos siya ngayon. Sobrang ganda niya sa dress niyang kulay maroon. May mga desinyong mga prutas din ito. Napangiwi ako. May santol, lanzones, orange, ubas at kung anu-ano pang hugis bilog na prutas ang makikita sa dress niya. Magiging makulay ang taong 2016 siguro sa kanya dahil sa suot niya. Lumipat ang mga mata ko sa lalaking kasama niya. Sino naman siya? END OF Lindsy's POV Luiford's POV Nakatitig lang sila sa amin ni Lindsy. Nakatuon lang ang mga mata ko sa anak ni Boss. Si Ricky Amarah Fortania Lavitus. Ngayon ko lang siya nakita. Natutunghayan ko ngayon ang pinaghalong mukha ni Mr. Lavitus at ang asawa nitong si Tita Jasmine. Tama ang hinala ko noon, maganda nga ang anak ni Boss. Umigting ang panga ko nang makilala ko ang lalaking katabi niya. Si Bryle Dann Lavista Sy. Bumaba ang tingin ko sa magkahawak nilang mga kamay. May namamagitan ba sa kanila? Hindi ito maaari. Dapat naming mailayo si Amarah sa mga Sy. Walang order sa akin si Boss na gawin iyon pero iyon ang utos ng Lolo ni Amarah sa akin. Siya si Lolo Chander. Sa kanya talaga ako nagtatrabaho dati. Inilipat niya ako sa hanay ng anak niya para bantayan ito. Magagawa ko pa kaya ang misyon kong mailayo ang apo niya sa mga Sy kung nagawa na nitong makalapit? Ang tagal kong hinintay na dumating ang araw na ito. Misyon ko kasing alamin kung nasaan ang si Amarah. Iyon ang order ni Lolo Chander sa akin kaya niya ako inalis sa poder niya. Wala na din kasi silang naging ugnayan ni Boss simula noong ipadala si Amarah sa hindi alam ni Lolo Chander na lugar. Nagtitiyaga akong manatili sa poder ni Mr. Richard dahil baka sakaling mabanggit din niya sa akin kung nasaan ang anak niyang si Amarah pero wala akong napala. Salamat dahil umuwi na din si Boss dito sa Pilipinas. Naabutan ko sila kanina ni Lindsy na nag-uusap sa Lavitus Site. Hindi naman siya nag-alangang isali ako sa usapan nang makita ko sila kanina. Doon ko nalaman ang lahat ng tungkol sa anak niya. Nandito sa Pilipinas ang anak niya. Nakahinga ako nang maayos dahil sa wakas, uusad na din ang misyon ko. May isa pa akong dahilan kaya ako nandito. Ang makasama si Lindsy. Masaya ako dahil kasama ko siya ngayon. "Happy New Year!" masayang bati niya sa mga ito. Hindi pa rin sila umiimik. "Ah- haha. Nagtataka ba kayo sa kasama ko?" nakangiting tanong niya. "Halika Lui." Hinila niya ako palapit sa kanila. "He's Luiford. My... ex." Natawa siya nang alanganin. "Ex and soon to be her boyfriend again." Wala sa sariling salo ko. Napatingin sa akin si Lindsy. I know she is damn angry because of what I said. I know her two sides personalities. Iba siya sa labas at loob ng mundo namin. Mas gusto ko kapag nasa labas siya ng site dahil kalma lang siya. Iba kasi siya kapag kami na lang. Talagang hinding-hindi ka niya sasantohin. What can I do? I still love her and I'm dead serious of what I said. She'll be mine again soon. "May bago kang manliligaw ulit?" nakangiting tanong sa kanya nong babae. "Ah- hahaha. Nako, ganyan talaga si Luiford. Lagi naman niyang sinasabing liligawan niya ako pero wala din namang nararating. Hindi din lang niya itutuloy ang panliligaw niya. Katulad lang siya ng iba diyan!" natatawang balik naman niya. Pasimple naman silang tumingin sa isang lalaki dito. May pinapatamaan ba siya? "I'm serious Lindsy." Sabi ko na lang. Inirapan niya ako saka ulit niya ako nginitian. Alam kong uma-acting na naman siya. "Usap na lang tayo mamaya Lui tungkol sa mga ipinaglalaban mo." ani niya sabay kurot sa braso ko. Masakit yon. "Siya nga pala. Siya si Ate Shara, Bryle, Zykie, Vince, Kevin at-" natigilan siya. Napalunok siya. "Jace." Pakilala niya sa mga ito. "Mababait silang lahat maliban sa isa." Nang-uuyam niyang dagdag. "Si Daphnie yong tinutukoy ko!" natatawang sambit niya. "Nasaan na ba kasi siya?" Mas lumapit ako sa kanya. "She's Amarah." Mahinang bulong ko sa kanya. Tumalim naman ang tingin niya sa akin. "Haha. Relax lang Luiford." Tumingin siya sa mga ito. "Tinatanong niya kung maganda ba si Daphnie. Hahaha." Natatawang palusot niya. "Kita niyo na? Ewan ko sayo Luiford. Maganda yon malamang!" "Kahit gaano pa siya kaganda, ikaw pa rin ang liligawan ko." Nakangising bulong ko sa kanya. "Bumulong ka pa! Narinig din lang nila!" nanguuyam niyang sita sa akin. "Hindi pa ba tayo kakain? Gutom na ako eh." Napahawak siya sa tiyan niya. END OF Luiford's POV Shara's POV Katatapos lang naming kumain ng dinner. Mamaya 12 midnight ang main event namin. Napapasulyap ako paminsan-minsan kay Bryle. Nakatayo kasi siya sa malayo habang may kausap siya sa phone niya. Napapaisip tuloy ako kung bakit kailangan pa niyang lumayo sa akin. Wala naman siguro siyang itinatago sa akin. May tiwala ako sa kanya. Kumaway sa akin si Bryle kaya ngumiti ako sa kanya. May kanya-kayang mundo kami ngayon dito. Si Zykie ay abala sa pakikipag-usap sa boyfriend niyang si Vince. Si Lindsy at Luiford naman ay abala sa panonood ng Dora. Kinukutuban lang ako sa kasama niya. Siguro dahil ngayon ko lang siya nakita. Si Jace naman ay nasa labas at abala sa pagyoyosi. Hanggang ngayon naman ay wala pa si Daphine. Natigalan ako nang makita ko si Jazz na palapit sa akin. Kinabahan ako nang mapatingin ako sa kasama niyang babae. "Lalaine..." paos kong sambit. "Shara!" nakangiting kumakaway si Jazz. Gusto kong tumakbo pero para akong nagmistulang nakapako dito sa kinatatayuan ko. "Ah-" Paano ko haharapin si Lalaine sa katauhan ni Shara Mai Coe? Paano kung makilala niya ako? Nakatitig lang si Lalaine sa akin nang tuluyan na silang makalapit sa akin. Pinag-aaralan niya ang kabuuan ko. "Shara..." lumapit sa akin si Jazz saka niya ako hinalikan sa pisngi ko. "Happy New Year!" masayang bati niya sa akin. "Happy New Year too." Ngumiti ako sa kanya nang alanganin. "By the way, this is Lalaine. Friend namin siya ni Kuya sa New York." Pakilala niya. "Siya naman si Shara. Ang Girlfriend ni Kuya." "Hi." Bati ko sa kanya. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin. Ang laki na ng ipinagbago niya. Mas gumanda pa siya ngayon. Nag-aayos na din siya hindi katulad noon. Namiss ko din siya. Ang dati kong kaibigan na lagi ako ipinagtatanggol. Siya na lagi kong kong kasama noon. Hindi ko na alam kung anong kakahinatnan ng muling pagkikita namin. "Lalaine, are you okay?" untag sa kanya ni Jazz. Napakurap naman siya agad. "Yes, I'm good." Napakagat labi siya. "Where is your boyfriend?" Nakita ko ang hinanakit sa mga mata niya. Alam niyang ako si Amarah... Napayuko ako. "May kausap siya." mahinang sagot ko. "Hi there!" nag-angat ako ng mukha. Nandito na pala si Bryle. "Hi Lalaine." Lumapit sa kanya si Lalaine saka sila nagyakapan. Hinalikan din siya ni Bryle sa pisngi. "Happy New Year! How are you?" "I'm fine!" nakangiting sagot naman niya. "Maligayang bagong taon. I brought chocolate cake." Iniangat niyang isang kahon. "Well, thank you Lalaine." "Kuya." Nagyakapan din silang magkapatid. "I thought you want to celebrate New Year in New York with Dad and Mom?" Takang tanong sa kanya ni Bryle. "I changed my mind." Natatawang sagot naman ni Jazz. "Kamusta si Dad at Mom." Si Bryle. "They are all fine. Tatawag daw sila sayo mamaya." Si Jazz. "Ok. When did you arrived here?" si Bryle. "Yesterday." Napangiti si Jazz. "Galing ako sa Macau. I met Mr. Lavitus of Lavitus Company." Balita niya sa kapatid. Natigilan ako sa sinabi niya. Nakaharap niya si Dad? Bakit siya nakipag kita kay Dad? Napatingin sa akin si Lalaine. Nababasa kaya niya ang naglalaro sa utak ko? Ibubulgar kaya niya kung sino talaga ako? Siguro naman hindi niya magagawa yon sa akin dahil may pinagsamahan naman kami noon. Totoong kaibigan siya sa akin noon. Sana hindi pa yon nagbabago... "Jazz, you don't have to please him." Mahinahong ani ni Bryle "I know." hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ni Jazz. "Anong ginawa mo Macau?" nagulat ako sa tanong ni Lalaine. "You talked to a business tycoon for what?" pasimple siyang sumulyap sa akin. "Purely about business." Kampanteng sagot naman ni Jazz sa kanya. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko na kung ano. "Anyway, wag na nating pag-usapan yan. Hindi naman ang deal namin ang ipinunta ko dito. Here..." iniaabot sa akin ni Jazz ang isang paper bag. "Bakit 'yan?" maang kong tanong. "My gift to you." Nakangiting sagot naman niya. Nahihiyang inabot ko ito. "Thank you. Sorry kung wala akong gift sayo ah..." "Wala yon." Ngumiti siya sa akin. "Kuya and Lalaine, your gifts are in my car. Kunin niyo na lang mamaya. For now, I need to talk to Kuya." Napatingin siya sa akin papunta kay Lalaine. "Shara, ikaw muna ang bahala kay Lalaine." Bilin niya sa akin. "Ok lang ba?" Ano pa nga bang magagawa ko? "Ok..." Hinalikan ako ni Bryle sa pisngi ko saka siya umalis kasama si Jazz. Ngayon si Lalaine naman ang dapat kong harapin. "Tara sa veranda?" aya ko sa kanya. Tumungo naman siya. Nauna na siyang naglakad patungo doon. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Bahala na. END OF Shara's POV Jace's POV Tahimik lang akong nakaupo dito garde ni Bryle. Natatawa pa rin ako sa kawalan. Wala akong karapatang masaktan pero ang sakit-sakit talaga. Masakit makitang may kasamang ibang lalaki ang babaeng mahal mo. Para na akong takas sa mental. Nababaliw na ako sa selos. "Nasaan ang paninindigan mo Jace?!" inis kong sita sa sarili ko. "Masakit? Pwes! Magtiis ka! Ito ang gusto mo di ba?! Ngayon ito na!" Ito na ata ang pinakamasakit na New Year ko. Gusto kong umiyak pero walang gustong lumabas na luha mula sa mga mata ko. Tuminga ako sa veranda sa itaas. Naibaling ang atensiyon ko sa dalawang lalaking nakatayo doon. Si Jazz at Master pala ang nandoon. Kumaway ako sa kanila nang mapatingin sila sa akin. Muli akong tumingin sa sala. Kitang-kita ko kasi si Lindsy kasama yong lalaki sa transparent glass wall sa may sala. Gusto ko siyang sumbatan pero wala naman akong karapatan. Nagtext na lang ako kay Jana. Isa siya sa mga babae ko dati. Pinapapunta ko siya ngayon dito. Gusto ko lang ng kausap. Nagtext back naman siya agad. Parating na daw siya. Nagulat ako ngunit hindi ko ipinahalata nang makita ko si Lindsy sa may entrance ng garden. Ngumiti siya sa akin nang alanganin saka siya naglakad patungo sa kinauupuan ko. "Avocado ice cream. Dinalhan kita." Pormal niyang ani. "Ibaba mo lang diyan." Malamig kong wika. Nakita ko namang ibinaba niya ito sa may wooden table. "Sorry sa nangyari kanina." Bigla akong nanghina. Ako dapat ang nagso-sorry sa kanya ngayon. "Look, we should celebrate New year without hatred in our hearts... Jace, isipin na lang natin na parang walang nangyari sa pagitan natin. I hate you an hours ago but now I realized everything. Kakalimutan ko na 'yong sakit na nararamdaman ko ngayon pero hindi ikaw..." matatag niyang ani. "Once again, happy New Year Jace." God, I want to hug her tight. "Jacey Baby!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sa akin. Si Jana. Tumakbo siya patungo sa akin saka niya ako siniil ng halik sa mga labi ko. Napasulyap ako kay Lindsy. Pormal lang mukha niya niya at walang halong pagdaramdam. Siguro natanggap na niya talaga. Ngumiti siya sa akin saka siya naglakad palayo. Napakagat labi na lang ako. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko. Masakit din pa lang makitang lumalayo sayo ang taong mahal mo. "Happy New Year too..." mahinang anas ko. Para sana kay Lindsy 'yon pero wala akong planong iparinig pa sa kanya. "Baby? Are you okay?" Hindi ko lang sinagot si Jana. Niyakap ko lang siya nang mahigpit. END OF Jace POV Jazz's POV "Sigurado ka na ba sa desisyon mo Kuya?" Ipinaalam niya sa akin ang balak niyang pag-alis ng bansa. "Why Jazz?" seryosong tanong naman niya. Napatingala ako sa kalangitan. "Baka pwede pang magbago." "I'm serious." Plano niyang umalis pagkatapos ng first sem. Aalis siya ng bansa para hanapin si Lady Black Fire. Akala ko mawawala lang siya ng ilang mga araw pero nagkamali ako. Gugugulin niya ang isang taon na malayo sa amin. Napahawak na lang ako sa noo ko. Gusto ko siyang pigilan pero alam ko namang buo na ang desisyon niya. "Paano si Dad at si Mam? Si Shara? Kami?" lumanlam naman ang mga mata niya. "Matagal pa naman yon Jazz. May panahon pa ako para makasama sila at magplano." Dahilan niya. "Pero kahit na Kuya... Aalis ka pa rin. Paano ang pag-aaral mo? May isang subject ka pa sa summer bago ka tuluyang gra-graduate. Akala ko ba, gusto mong maging c*m laude?" "I will soon. I chose justice over my dreams." Ngumiti siya nang tipid sa akin. "I'm telling you these because I know you can able to take care of them..." "Iyan ka naman eh. Masyado kang advance mag-isip." Napasimangot ako. "Shara is more intelleligent than me." Napangisi siya. "I'll be happy if she'll get my dream. To be the c*m laude of Howward Collie University. My own University. Siya lang naman ang pangarap ko... Pagbalik ko, siya lang ang gusto kong makamit." "Kuya..." "I want to give her the best life Jazz. In able to do that, I should finished my business first. Sarili ko muna ang aayusin ko... I want to be with her forever if forever do exist... I love her so much..." lumapit ako sa kanya saka ko siya tinapik-tapik sa balikat niya. "Jazz, I want to marry her soon and give my whole world to her..." sincere niyang ani. "Are you sure that she is the one? I am just thinking. Kailan lang naging kayo..." natawa lang siya nang mahina. "I'm sure Jazz. If we are not ment to be then I'll make it happened." Nakangiting sambit niya. "She's all I want... Shara is my future." Napalunok ako. "Goodluck. Don't worry. I'll help you in every step of your way." "Thanks Jazz. For now, ikaw muna ang bahala kay Shara." "What?" naguguluhang tanong ko. "I'll go to Susie Man. Magpapaalam ako sa kanya." sagot naman niya. "Maaga pa Kuya." Dahilan ko naman. "Better in advanced." Balik naman niya. Wala na akong nagawa nang maglakad na siya paalis. END OF Jazz's POV Jimmy's POV Nagulat ako nang tumawag si Master kanina sa akin. Kailangan kasi niya ng driver papunta sa Site. Nagtungo ako agad sa tapat ng mansion niya para sunduin siya. Lumabas ako sa sasakyan nang matanaw ko siyang papunta dito. Seryoso lang ang mukha niya. "Happy New Year Master." Bati ko sa kanya. Ngumiti lang siya nang tipid. "Happy New Year too. Naistorbo ba kita?" walang emosyong tanong niya. "No Master. Maaasahan mo ako kahit anong oras." Sagot ko naman. Dumeretso kami agad sa Site. Ano kayang dahilan kaya kami nagpunta dito? Naabutan namin si Susie Man na abala sa pag-aayos ng mga gamit niya sa office. Natigilan siya nang makita niya kami. Tumayo lang ako sa tabi ng pintuan habang naglakad naman palapit sa kanya si Master. Ngumisi si Susie Man. "What brought you here? You should own this night." "I'll go straight to the point." Seryosong bitaw naman ni Master. "I am asking more time... More time to find her. Lady Black Fire." Nagseryoso naman bigla ang mukha ni Susie Man. "I said, three months." Madiin naman niyang balik. "Hindi mo kaya? Ilang palugit ang gusto mo? Paaabutin mo ng taon?" "Yes. A year or less than nine months." Napailing lang si Susien Man. "Paaabutin mo nang ganoon katagal samantalang kayang-kaya mo namang gawin ngayon?!" medyo tumaas na ang boses niya. Nagulat din ako sa sobrang tagal na palugit na hinihingi niya. Pero alam kong may maganda siyang dahilan. "Bakit hindi mo siya tanungin kung bakit?" singit ko. Lumipat naman ang tingin niya sa akin. "Why Bryle? Bigyan mo ako nang magandang rason." "I'll find her first outside the country." Dahilan niya. "Nandito si Lady Black Fire sa Pilipinas. You don't have to travel around world!" inis na sabi ni Susie Man. "Then find her yourself here in the Philippines!" Si Master. "Ikaw dito sa loob at sa labas naman ako. Ang tagal na niyang hindi nagpapakita sa atin. After the show at the Museum, I never see her again. I fvcking need to find her!" matigas niyang ani. Napabuga naman ng hangin si Susie Man. Napagtanto niya siguro na may punto si Master. "Paano ang pag-aaral mo at ang mga maiiwan mo?" "I'll finish this sem after that, I'll fly to Taiwan. Lady Black Fire lived there for almost 7 months I think..." si Master. "Lahat na lang ng mga naghahanap sa kanya ay umaalis." Natatawang sambit ni Susie. "What do you mean?" kunot noong tanong ni Master. "Umalis na din si Cheska patungong Germany. Doon niya inumpisang hanapin si Lady Black Fire. Mas naunahan ka pa ng pamangkin ko kung tutuusin." Umalis si Cheska pa hanapin si Lady Black Fire? "Kailan pa?" hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. "Noong kailan lang. Bakit? May balak ka bang sundan siya?" "Wala." Tipid kong sagot. Nag-aalala lang ako sa kanya. Kahit wala na kami, mahalaga pa rin siya sa akin. Tumungo lang siya sa akin saka ulit siya tumingin kay Master. "Sige. Pinapayagan na kitang umalis ng bansa. Tandaan mo ito Bryle, hindi ka dapat lumagpas sa isang taon. Tutuparin mo ang pangako mo. Pagbalik mo dapat maihaharap mo na si Lady Black Fire sa akin." Tumungo lang sa kanya si Master. "I promise that." Seryosong saad niya. "Happy New Year." Bati niya saka siya naglakad palabas ng office ni Susie Man. Tahimik lang akong sumunod sa kanya. Nang makarating na kami sa loob ng sasakyan, lumingon ako sa kanya. "Mawawala ka ulit?" tanong ko. "Yes Jimmy." Blanko ang mukha niya kaya wala akong mabasa sa kanya. "Gra-graduate ka na sa summer. Kaya mong ipagpaliban yon para sa misyon mo?" hindi makapaniwalang tanong ko. "I can." Tipid naman niyang sagot. "Ako ang makakahanap sa kanya at wala ng iba." Seryosong sambit niya. "Paano kung maunahan ka nila? Kilala mo naman si Cheska." "I won't let her." Pinal niyang bitaw. Mas pinili ko na lang na manahimik. Alam ko namang ayaw niyang maunahan siya ng iba sa paghahanap kay Lady Black Fire. Susuportahan ko siya kung ano man ang maging desisyon niya. Mas napa-aga lang ang mga plano niya. Hindi naman siguro naging hadlang ang babae niya ngayon sa misyon niya. Natutuwa akong malaman iyon. Tama lang ang naging desisyon niyang lisanin ang bansa pagakatapos ng sem na ito. END OF Jimmy's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD