Chapter 17

4057 Words
Chapter 17 Shara's POV Tahimik lang akong nakatingin kay Lalaine. Hindi ako makapaniwalang kaharap ko na siya ngayon. Naalala ko na naman ang mga pinagdaanan namin noon bilang isang matalik na magkaibigan. Gusto kong magpakilala sa kanya bilang si Ricky Amarah pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. Nakatingin lang siya sa malayo habang nakaupo siya. "Magagalit ka ba kung sasabihin kong ikaw si Amarah?" natigilan ako sa tanong niya. Nakatingin na siya nang seryoso sa akin. "You're Ricky Amarah Fortannia Lavitus right?" "I am..." ngumiti ako sa kanya. Napangiti naman siya nang mapait. "Sabi ko nga... Hahaha." Natawa siya nang alanganin. "Lalaine... Kamusta ka na?" marami na talagang nagbago. Parang ang hirap nang ibalik ang dati. Napayuko na lang ako nang makita ko siyang lumuluha. "Bakit kailangang ikaw?" lumuluhang tanong niya. "Sa dami ng babae sa mundo, bakit ikaw pa ang Girlfriend niya?" nanatili lang akong walang imik. "Si Bryle Dann Lavista Sy ang lalaking tinutukoy ko sayo noon. Siya ang lalaking crush na crush ko sa Jouvard..." "Sorry. Lalaine... Hindi ko kasi alam." Naiiyak na din ako. Lumuluhang nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Mahal ko pa rin siya Amarah at umaasa pa rin akong mapapansin din niya ako balang araw... But I am so damn stupid! I saw how he looked at you! Nakita ko kung gaano ka kamahal ng taong mahal ko!" Lumapit ako sa kanya. Nagtangka akong hawakan siya pero hindi ko na itinuloy. "I don't have any idea about that guy you are talking a years ago... Hindi ko alam na si Bryle 'yon. Lalaine, hindi ko sinasadya..." "Bakit Shara ang tawag nila sayo?" Madiin niyang tanong. "I'm hiding." Napabuntong hininga ako. "To whom?" ipinilig niya ang ulo niya. "Sa mga kaaway ni Dad. Alam mo naman yong nangyari kay Mommy noon di ba?" Natahimik naman siya. "Are you going to tell them about the real me?" umaasa akong hindi niya gagawin 'yon. "Ganyan ba ang pagkakakilala mo sa akin Amarah?" naiyak na din ako dahil sa naging tugon niya. "Hindi." Hinayaan ko lang ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga luha ko. "I am just assuming that you changed. Na hindi na tayo katulad ng dati... Maaaring galit ka sa akin dahil kay Bryle..." "So, walang alam si Bryle sa totoong pagkatao mo?" tumungo lang ako sa kanya bilang tugon. "I'm happy to see you again..." bigla akong nakaramdam ng ginhawa dahil sa sinabi niya. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha kong hindi na maubos-ubos. "Mas masaya ako ngayon... After ten years, nakita ulit kita..." Lumapit siya sa akin saka niya ako niyakap nang mahigpit. "I'm sorry for leaving you ten years ago. I'm really sorry..." bulong niya sa akin. "Gusto kong magalit sayo pero hindi ko magawa. Alam ng puso ko na ako 'yong may mas malaking kasalanan sayo..." Niyakap ko na din siya nang mahigpit. "Lalaine... Sobrang na-miss kita." Humahagulgol kong ani. "Ako din!" balik naman niya. Humiwalay na siya sa akin. Pinusan ko ang mga luha niya sa mga pisngi niya. "Kamusta ka na at ang pamilya mo?" "Maayos naman kami. Sana dumating 'yong araw na maamin mo na kay Bryle ang totoong pagkatao mo." Natigilan ako nang tumayo na siya. "Saan ka pupunta?" Natawa siya nang mahina. "Aalis na. Bukas ang flight ko pauwi ng New York. Mag-iingat ka Amarah... Alagaan mo si Bryle kasi alam kong aalagaan ka din niya." Lumuluhang bilin niya. "Wag mo na siyang papakawalan pa. Kapag sinaktan mo siya, walang kaibi-kaibigan. Babawiin ko siya sayo." Seryosong bitaw niya pero ngumiti din siy kalaunan. Ngumiti ako sa kanya. "Oo. Pangako ko 'yan sayo." END OF Shara's POV "Hello Boss Chander?" ani ni Luiford. Tinawagan niya agad ang Lolo ni Amarah para ipaalam dito na alam na niya kung nasaan ang apo nito. "Are you with her now? Please, bantayan mo ang apo ko at ang anak ko..." pakiusap ng matanda kay Luiford. "Yes Boss. She's with us right now. Don't worry Boss. Babantayan ko siya nang mabuti." Tugon naman nito sa kabilang linya. Nakahinga nang mabuti si Don Chander nang malaman niya ang sitwasyon ng kanyang apo. Marami siyang kasalanan sa anak niyang si Richard at sa apo niyang si Amarah. Tumatanda na din siya kaya ramdam niya ang matinding kalungkutan. Gusto niyang makabawi sa mga pagkukulang niya sa mga nito. "Salamat Luiford. Please, always report to me ok?" "Ofcourse Boss. Makakaasa kayo sa akin." Tuluyan na nitong pinatay ang tawag. Muling lumungkot ang kanyang mukha nang maalala niya ang huling pagkikita nila ng kanyang anak. FLASHBACK "How did you do this to us Papa?!" galit at lumuluhang tanong sa kanya ng kanyang anak. "Paano niyo nagawang sirain ang pamilya ko?! All this time, I am blaming myself for everything and then you came along and tell me that you are the reason why my wife is missing!" Lumapit sa kanya ang matanda ngunit humakbang siya palikod habang umiiling. "Hindi nararapat sa pamilya natin ang babaeng 'yon dahil hampaslupa siya! Hinding-hindi ko siya matatanggap sa pamilya natin! Ang ama niya ang dahilan kaya namatay ang Lola mo!" mabangis naman na sumbat nito. "What are you talking about Papa?" naguguluhang tanong niya. "Oo Richard! Ako ang dahilan kaya nawawala ang asawa mo! Ginawa ko siyang pain sa mga kalaban natin! Ipinadala ko siya sa Thailand noon para pagdusahan niya ang pagpapabuntis niya sayo! Magalit ka sa akin kung 'yon ang gusto mo! Ginawa ko lang ang tama! Mamamatay tao ang ama niya!" hindi na rin naiiwas ng matanda na mapahagulgol. "Pinatay niya ang asawa ko! Ama niya ang pumatay sa Lola Florence mo!" Ang ama ni Jasmine ay dating nagtra-trabaho sa pamilya ng mga Lavitus bilang isang hardinero noon. Nagkaroon nang malagim na trahedya sa loob ng Mansion. Natagpuang duguan si Donya Florence sa kwarto nito. Nagtamo siya ng dalawang saksak sa bandang tiyan at isang tama ng bala sa ulo nito. Ang hardinero lamang nila ang nasa Mansion noon kaya siya ang naging suspek. Nakalaya ang ama ni Jasmine noong magpakasal siya kay Richard. Itinapon ng korte ang kaso dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya at perang ipinagpiyansa dito. Ang ama ni Richard lamang ang hindi tumigil na sisisihin ang ama ni Jasmine sa nangyari sa kanyang asawa. Hanggang sa huli ang pagtutol niya sa pag-iibigan ng kanyang anak at Jasmine. "Papa, paano kayo nakakasiguro?! Sobrang bigat ng mga ibinibintang mo." "Mafia ako Richard. Alam ko lahat!" Tuluyan nang napaupo si Richard habang panay pa rin ang pagtulo ng mga luha niya. Alam kasi niyang hindi gagawa nang ganoon ang kanyang ama nang walang sapat na ebidensiya. "Pero Papa, may pamilya kami ni Jasmine. May anak kami..." humahagugol niyang sambit. "Paano si Amarah? Papa, inosente ang asawa ko. Wala na siyang kinalaman sa mga ginawa ng ama niya." "Tonta!" galit na sigaw sa kanya ng kanyang ama. "How sure you are?! Kung ano ang ugat, siya din ang bunga!" "Papa... Sabihin mo sa akin kung nasaan na si Jasmine? Nasaan ang asawa ko?" miserableng tanong niya. "Hindi ko alam..." "Sabihin mong buhay pa siya! Papa please! Sabihin mo... Buhay pa siya di ba?" Nagsusumamong pilit niya sa ama. Lumakas ang iyak nito nang umiling ang matanda. "No! Huhuhu. Hindi yan totoo! Ahhh!!!" umalingawngaw ang malakas nitong sigaw sa loob ng Mansion. "Last year, inilabas nila lahat ng mga bihag sa Wanglai Island sa Thailand. Nabalitaan kong pinagpapatay nila ang mga bihag na lulan ng barkong sinakyan nila. I'm not sure if Jasmine is one those who are killed." "Paano mo nagawa lahat ito Papa?" nanghihinang tanong nito sa ama. "Ako lang ang nagpadala kay Jasmine sa Thailand pero hindi ako ang nagpapatay sa kanila!" pagtatanggol niya sa sarili. "Hindi ako!" "Kung ganoon, sino?!" Medyo kumalma na si Richard pero nandoon pa rin ang hinanakit sa loob niya. Hindi pa rin niya matanggap ang mga nalaman niya. Masakit sa loob niya dahil ama niya ang sangkot kung bakit nasira ang pamilya niya. Nabalot siya ng kaba dahil nasa Thailand din si Amarah. Posible kayang nagtagpo ang mag-ina niya doon? Nandoon nga kaya si Jasmine? "Si Susie Man at ang kanyang pamilya ang siyang nakakaalam." Napailing muli si Richard. "Nakipagsabwatan ka sa mga kalaban natin?" hindi makapaniwalang tanong niya sa ama. "Alam mo namang may alitan kami dahil sa mga drogang inilayag nila sa Euope noon di ba?" "I'm sorry..." napayuko ang matanda. "Ano pa bang hindi ko pa alam Papa?! May dapat pa ba akong malaman?!" "Wala na anak... Ayaw ko lang na isipin mo na ako ang pumatay kay Jasmine, literally." Nanghihinang tumayo si Richard. "Parang ikaw na din ang pumatay sa kanya at sa akin..." mahinang anas niya. "Papa, kawawa ang anak ko..." halos pabulong na niyang sambit. "Nasaan ang apo ko? Ako naman ang magtatanong sayo ngayon. Si Amarah, saan mo siya dinala?" "You don't have to know. Mas makakabuti sa anak ko kung hindi niyo alam. Mula ngayon, wag na wag na kayong manghihimasok sa buhay ko at sa buhay ng anak ko!" napahilamos siya sa mukha niya. "Papa, wag na wag ka nang magkakamali ulit. Kinakamuhian kita! Wag mong hayaang kamuhian ka din ni Amarah. Hindi na dapat niya malaman ang tungkol sa mga ginawa mo. Tatanggapin ko lahat ng galit at sisi mula sa kanya kaya lumayo na lang kayo." ang huling sabi niya bago siya naglakad palayo sa ama. END OF FLASHBACK "Florence, hindi ko na alam kung paano ako makakabawi sa anak natin..." naiiyak niyang ani. Nakatayo siya ngayon sa tapat ng libingan ng asawa. "Kinuha ko sa kanya ang pinakamamahal niyang asawa. Itulad ko lang siya sa akin... Lahat ng mga sakit na naramdaman ko noong mawala ka ay nararamdaman din niya ngayon..." Alam niyang walang katumbas ang buhay ng kanyang asawa pati na rin ang buhay ni Jasmine. Gusto niyang pagbayaran ang mga kasalanan niya. Hinanap niya si Jasmine pero hindi niya ito natagpuan. Napag-alaman niyang hindi kasama si Jasmine sa mga bihag na pinatay sa baybay malapit sa Wanglai Island. May hinala din ang ilan na baka kinain ng dagat ang ilang mga bangkay. Pinagsisihan niyang nakipagkasundo siya sa mga kalaban. Hindi na kasi niya matukoy kung anong totoong nangyari sa asawa ng anak niya. Ang nais lang niya ay mapatawad siya ng kanyang anak at apo pagdating ng araw. "Don Chander, nandiyan na po ang sundo niyo?" ani ng isa sa mga tauhan niya. "Sabihin mong maghintay siya." balik naman niya. "Masusunod po." "Sinasabi ko na nga ba, dito lang kita matatagpuan." Nakangiting sambit ni Susie Man. Walang emosyon namang lumingon sa kanya si Don Chander. Ang mga tauhan niya ay naglabas ng kani-kanilang b***l. Lahat ng mga b***l ay nakatutok sa direksiyon ni Susie Man. Nakangising itinaas naman niya ang mga kamay bilang pagsuko. Napakunot noo ang matanda dahil sa pagpunta nito sa mismong puntod ng kanyang asawa. "Guns down." utos ng matanda sa mga tauhan niya. Tumalima naman agad sila. "What are you doing here?" si Susie Man naman ang hinarap niya ngayon. "Baka kailangan mo ng tulong sa paghahanap sa kanya." Nagpunta doon si Susie Man para manmanan ang bawat kilos ng matanda. Umaasa din siyang baka alam na nito kung nasaan si Richard. Ang makaharap si Richard ang pinakaasam-asam niyang mangyari. Hindi niya minamadali ang lahat dahil may plano na siya sa susunod nilang pagkikita. Gusto lang niyang ipakita balang araw kung paano niya unti-unting sisirain ang buhay ni Richard at ang pamilya nito. Maghihiganti siya sa taong nagpakulong sa kanya at sa inaakala niyang nagpapatay kay Jasmine Sy noon. Ang babaeng pinakamamahal niya. Nasa listahan din niya ang pangalan ni Leonardo Sy. Ang ama ni Bryle. Paglalaruan niya ang mga ito hanggang sa magsawa siya. "Hindi porket naging magkasabwat tayo noon ay maaari ka na ding lumapit sa akin kahit kailan mo gusto." Ngumiti lang si Susie Man nang makahulugan. "Hindi pa rin ba magkaibigan ang turing mo sa atin? Nagtulungan tayong ilayo ang babaeng iyon sa anak mo. Ikaw ang dahilan kaya naging miserable ang buhay ng anak mo Don Chander." Natahimik naman ang matanda. Lahat kasi ng mga sinabi nito ay pawang totoo. "Hindi ko alam kung nasaan ang anak ko. Malaki ang galit niya sa akin. Hindi ko alam kung magkakaayos pa kami. Alam niyang nakipagsabwatan ako sayo noon. Ang galit niya sayo ay doble pa sa galit niya sa akin. Kung may binabalak kang masama sa anak ko, wag mo nang ituloy. Uubusin ko lahat ng yaman ko, ma-protektahan lang siya." "Chill Don Chander... Wala akong planong makipag-banggaan sayo. Nag-aalok lang ako ng tulong." Kalmang saad niya. "I don't need your help. Matagal nang tapos ang ugnayin nating dalawa. Leave." Kalmadong utos ng Don. "Ok." tipid niyang sagot saka niya tinalikuran ang matanda. Nang makalabas na siya ng Heritage, naikuyom niya ang mga kamay niya habang nagpupuyos sa galit ang kalooban niya. Walang makakapigil sa mga plano niya. Iyon ang sumpa niya sa sarili. Pagbabayarin niya ang lahat ng mga may kinalaman sa pagkamatay ni Jasmine. "Hindi pa tayo tapos!" ang matigas niyang bitaw. "Malalaman niyo din kung paano ko pinaglaruan ang mga buhay niyo." Shara's POV TINGGG!!! TINGGG!!! TINGGG!!! "Assemble! Assemble!" tili ni Zykie. "Tara na po sa kanya-kaya nating mga upuan. The event is about to start!" Ilang minutos na lang, bagong taon na. Napatingala ako sa wall clock dito. Wala pa rin kasi hanggang ngayon si Bryle. Saan na kaya nagsususuot 'yon? Sunod-sunod silang nagsidatingan dito sa sala. Muli kong naalala si Lalaine. Pakiramdam ko ay hindi na namin maibabalik sa dati ang pagkakaibigan namin dahil kay Bryle. Salamat pa rin dahil hindi kami nag-away. "Oh, yeah!" tili ni Vince. Magka-upo na sila ngayon ni Zykie. Napatingin ako kay Jace at sa kasama niyang babae. Ngumiti siya sa akin. "She's Jana. My girl." Pakilala niya. May bago agad?! Sigaw ng utak ko. "Hi Jana." Nakangiting bati ko sa kanya. "Hello!" magiliw na bati naman niya. "Jana, she's Shara. Girlfriend siya ni Bryle at kaibigan na din namin." Si Jace. "Oh!" halatang nagulat siya. "May girlfriend na pala siya?" amuse niyang ani. "Yeah." Si Jace. "Ate Shara, nakita mo ba kung nasaan 'yong bowl ng fruit salad at-" natigilan si Lindsy nang makita niya kung sino ang mga kausap ko. "Ah- Mukhang alam ko na kung saan ko nailagay. Ano ulit 'yong hinahanap ko?" napapakagat labi na siya habang nakatingin siya sa kisame. Kakasabi lang niya pero nakalimutan niya agad. "Bowl Lindsy." "Ah, oo!" natatawang sambit niya. "Sa CR ko pala nailagay 'yon." Nakahawak sa babang ani niya. Napakunot noo ako. "CR? 'Yong bowl ng fruit salad?" nagugulahan na ako. Inilagay niya talaga 'yon doon? Seryoso? "Sige, kukunin ko lang saglit. Maiwan ko na kayo." Nagmamadaling paalam niya. "Lindsy! Ibang bowl 'yong nandoon. Baka kung ano ang makuha mo ah!" pahabol kong ani. Napailing na lang ako. Tinopak na naman siya. Napatingin ako kay Jace na nagpipigil sa tawa. Nakakapagtaka naman dahil parang hindi na apektado si Lindsy. Kung sabagay, mas makakabuti na 'yon sa kanya. Pati naman siya ay may kasama kanina. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang Luiford na 'yon. Iba kasi siya makatingin sa akin. Parang may halong panunuri. "Anong nangyari sa kanya? I won't eat fruit salad. I swear." Nakapilig ang ulong wika ni Jana. "Maiwan ko na kayo. Tutulong pa akong mag-ayos ng mga pagkain sa table." Paalam ko sa kanila. "Ok. Tutulong na din kami." Si Jace. Nagtulong-tulong kaming lahat sa pag-aayos ng sala. Nandito na kaming lahat sa table. May dalawa pang bakanteng upuan. Upuan ni Bryle at Daphnie. Kanya-kanya kami ng trip. Naglolokohan sina Lindsy at ang kasama nitong si Luiford. Sina Zykie at Vince naman ay abalang naglalambingan. Sina Jana, Jace, Kevin ay nagkwekwentuhan. Si Jazz naman ay abala lang sa phone niya. Napatayo ako nang may maalala ako. "Ate Shara! Saan ka pupunta?" tanong ni Zykie. Lahat sila ay napatingin sa akin. "May kukunin lang ako." Rason ko. "On the way na si Kuya." Nakangiting ani ni Jazz. "Wag mo na siyang hintayin sa labas." "Hindi naman siya ang pupuntahan ko." Natawa ako nang alanganin. "Babalik din ako agad." "Okay! Bilisan mo ha!" Si Lindsy. Tumakbo ako agad sa sala. Nakalimutan ko kasi kung saan ko nailagay ang regalo ko kay Dann. Napaupo ako saka ako napasapo sa noo ko. Dito sa kabilang sala ko lang naman iniwan 'yon kanina. Nandito kasi ang higanteng Christmas tree ni Bryle. Sa ilalim naman ay lagayan ng mga regalo. Dito ko mismo inilagay. Pinagkakalkal ko ang mga regalo dito. Nagulat ako nang may mapunit. Napatingin ako sa regalo 'yon. Ito 'yong regalo sa akin ni Jazz. Napangiti ako. Napansin kong medyo mabigat ang laman nito at nakalagay sa isang kahon. Unti-unti ko itong inilabas. Kinulog ko ito. Hindi na ako makakapaghintay pa. Nakangiting binuksan ko ang kahon. Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita ang laman nito. Isang pares ng sapatos. Ang mga sapatos na binili ko noon. Ang naiwan ko mismo sa labas ng Museum noong maganap ang Show. Bakit meron siya nito? Nagkataon lang ba na kapareho nito ang binili ko noon sa Mall? Napalunok ako. Nagkataon lang siguro. "Nagustuhan mo ba 'yang gift ko?" Napako ako sa kinalalagyan ko nang marinig ko ang boses ni Jazz. Unit-unti kong lumingon sa kanya habang hawak-hawak ko pa rin ang regalo niya. "Oo." Napayuko ako. "Talaga?" ngumiti siya nang totoo sa akin. Tumungo ako. "Mabuti naman. Ibinalik ko lang 'yan dahil sayo talaga 'yan. Shara... Anong ginagawa mo sa Museum noong gabing 'yon?" diretso sa mga matang tanong niya. "Bakit mo iniwan 'yan doon?" Itong nangyayaring ito ang hindi ko napaghandaan. Paano niya nalaman? Alam niya lahat. Siguradong alam din niyang pumasok ako sa Museum. Hindi ito maaari. Sino ka ba talaga Jazz? Bakit hindi ako naniniwalang magagawan mo ako nang masamang bagay? Huminga ako nang malalim saka ko sinalubong ang mga mata niyang punong-puno ng mga katanungan. "May ideya ka din ba Jazz kung bakit sobrang dilim ng Museum?" ngumiti ako. "Makikiihi sana ako noong gabing 'yon pero hindi na pala ginagamit ang Museum na 'yon." "Magkwento ka pa Shara. Anong nangyari noong pumasok ka?" Bumaba ang tingin ko sa sahig. Isang kakaibang kaganapan ang nasaksihan ko at alam kong alam niya kung ano 'yon. "Paano mo nalaman na nandoon ako?" balik ko naman sa kanya. "Kaibigan ko ang may-ari non. Under renovation ang Museum. Si Jace ang kinuhang architect at si Vince naman ang engineer. Kasosyo ni Dad ang taong 'yon kaya alam ko." "Kung ganoon, nandoon din sila noong gabing 'yon kaya niya nalaman." "Nakuhanan ka sa CCTV. Doon ko nalaman." Natigilan ako. "Napadaan lang ako doon. Iyon ang totoo." Pagsisinungaling ko. Ngumiti siya sa akin. "Iyan lang naman ang gusto kong malaman. Tara na. Darating na si Kuya." Napakurap ako. "Tara." "Happy New Year!" lumingon kaming sabay ni Jazz dahil sa nagsalita. "Dann!" nandito na siya. Naglakad siya palapit sa akin saka niya ako niyakap. Napangiti ako. "What are you both doing here?" nakangiting tanong niya. "Blame your Girlfriend Kuya. Excited na siyang magbukas ng mga gifts." Natatawang sagot ni Jazz. Inirapan ko lang siya sabay tawa. "Hindi ah!" tanggi ko. "Hindi daw. Tignan mo nga 'yong wrapper sa sahig." Asar niya sa akin. Napatingin naman si Bryle sa wrapper. "Whatever My Bee. Later na 'yan." Hinalikan niya ako sa cheek saka niya ako hinawakan sa kamay. "Let's eat. I'm hungry." "Saan ka kasi galing? Kanina ka pa namin hinihintay." Nagkatinginan silang magkapatid. "May inayos lang sa office si Kuya." Salo ni Jazz. "Ah... Tara na. Gutom na din ako." Natatawang ani ko. "Sunod na lang kayo." Si Jazz. Naglakad na siya papunta sa sala. "Sorry for making you wait." Si Bryle. "Mahal pa rin naman kita!" bulong ko sa kanya. Napangiti siya. "Ang layo ng sagot. Mahal mo pa rin ba ako kapag naghintay ko pa nang mas matagal." Seryosong tanong niya. Parang may laman 'yong sinabi niya. "Kahit gaano pa katagal 'yan. Mamahalin pa rin kita." Pinisil niya ang kamay ko. "I love you." "I love you more..." halos pabulong ko nang ani. Nandito na kaming lahat sa malaking table. Hanggang ngayon, hindi pa rin binibitawan ni Bryle ang kamay ko. Nagtataka na tuloy ako. Napatingin ako sa mukha niya. Tahimik lang siyang nakaupo. Medyo maingay dito pero parang wala siyang naririnig. Sumulyap ako sa phone ko sa table. Kanina pa kasi ito umiilaw. Si Summer na naman sigro. Mamaya ko na lang sasagutin ang tawag niya. "Count down na guys!" tili ni Lindsy. "Wait!" lumingon kaming lahat sa nagsalita. Napangana ako nang makita namin si Daphnie. Siya ba talaga 'to? Ang ganda kasi niya sa dress niyang color pink. Ngayon ko lang siya nakitang magsuot nang ganoon. Naka-heels din siya ng mga three inches. Ang ganda niya. Napangiti ako nang makita kong napalunok si Kevin. Kompleto na kami ngayon. "Wow! Ang gandang babae!" nakangangang ani ni Lindsy. "Friend ko 'yan!" "Woah! Mabuti na naman at nandito ka na. Susunduin na dapat kita kanina." Si Zykie. "Sorry guys!" 'yon lang ang nasabi niya. Naglakad na siya patungo sa upuan niya. Katabi niya si Kevin na ngayon ay nakatingin pa rin sa kanya. Nagandahan siguro. "Ok! Magbilang na tayong lahat!" si Zykie. "Ihanda ang mga mga fireworks!" si Jazz. "Five, four, three, two and one! Happy New Year!" malakas na sigaw naming lahat. Naglulundagan na silang lahat at nagbabatian. Nagpa-music na din si Vince nang napakalakas. Nagtatawanan at nag-aasaran ang mga boys. Nagulat ako nang hilain ni Bryle ang kamay ko. Mabilis siyang naglalakad. Ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Ayaw ko namang kausapin siya dahil hindi lang kami magkakaintindihan. Ang ingay kasi dito. Napatingin ako sa mga kamay naming magkahawak kamay. Tumigil ako nang huminto si Bryle. Hindi ko siya makita dahil madilim dito. Hindi ko din alam kung saan niya ako dinala. Ang tanging nakikita ko ay ang mga naggagandahang fireworks sa kalangitan. Sobrang dami ng mga ito. "Dann..." mahinang anas ko nang binatawan niya ang kamay ko. "Madilim ba Shara?" tanong niya. "Oo. Sobra." Sagot ko naman. "Nasaan ka ba? Akin na ang kamay mo." Natigilan ako nang biglang lumiwanag ang paligid. Ang ganda ng view. Nandito kami sa isang mala-paraisong hardin. Nasa ilalim kami nang malaking puno. Nagkalat ang iba't ibang halaman. Sa gitna ay may isang malaking fountain. Sa may puno ay may munting tree house. Napakagandang tignan dahil sumasabay ang liwanag na nagmumula sa mga fireworks. Si Bryle ay nasa di kalayuan sa akin. "You light up my universe Shara..." seryosong sambit ni Shara. "Just like this view. Very beautiful... This place is worth it and I want to share it to you. Welcome to my paradise Shara..." inilahad niya ang palad niya. Napatingin ako sa palad niya papunta sa mukha niya. Nararamdaman kong nakita ko na ang taong para sa akin. Si Bryle Dann Lavista Sy 'yon. Napangiti ako habang naluluha. Nanginginig ang kamay kong inabot ang kamay niya. Ang sarap sa pakiramdam marinig ang mga 'yon mula sa sa kanya. Gusto kong umiyak nang malakas dahil sa saya. "You light up my universe too... Dann, sobrang ganda..." naiiyak kong ani habang nakatingin ako sa magandang view sa harapan namin. "You're the only one I brought here..." "Talaga?" Niyakap ko siya nang sobrang higpit. Kumalas din ako agad. "Happy New Year My Bee. It's great to be with you this evening. I hope that this year will bring us a lot of years together..." nakangiting wika niya. Hinawakan ko siya sa mga pisngi niya. Hindi ko na din napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Lagi na lang niya akong pinapaiyak sa saya. Ipinikit ko ang mga mata ko. Siya na ang pinakamagandang regalo sa buhay ko. Nag-angat ako ng tingin nang punasan niya ang mga luha ko. "Don't cry..." bulong niya sa akin. Pilit akong ngumiti kahit patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko. Dahan-dahan kong inilabas ang gift ko sa kanya mula sa leeg ko. Tinanggal ko ang isang kwintas ko. Ito 'yong pull tap na ibinigay ko sa kanya noon. Ang engagement rings namin. Ginawa ko itong pendant ng mga kwintas namin. Ito lang 'yong alam kong bagay na sobrang espesyal sa akin. Nagtip-toe ako saka ko maingat na isinuot ito sa leeg niya. "Happy New My Da... I love you so much." Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya saka ko siya buong pusong hinalikan. END OF Shara's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD