Chapter 18

4289 Words
Chapter 18 Kevin's POV Napalunok ako sabay tingin sa katabi kong babae. Diyos ko, si Daphnie siga ba talaga 'to? Bakit parang ang bait-bait niya sa ayos niya? Ang ganda niya. Wait? Sinabi ko ba talaga 'yon? Hindi kaya! Ano ba itong mga naiisip ko?! Hindi siya maganda dahil bwisit siya! "Hoy tao! Bilisan mo diyan! May date pa tayo!" inis kong ani sa kanya. Humigpit naman ang hawak niya sa kutsara niya. Kumakain kasi siya ng fruit salad. Nalagyan pa ng cream 'yong invisible niyang bigote. Nakakatawa. First time lang ba niyang kumain nang ganito kasasarap na mga pagkain? Akala mo kasi kung ilang taon siyang hindi kumain. Amoy bagong laya. "Bulag ka? Mata please! Kita mong kumakain pa ako. Kung gusto mo, mag-date ka mag-isa mo!" inis na balik naman niya sa akin sabay subo. Bored na napatingin ako sa relo ko. "May date pa ako bukod sa date natin kaya lamunin mo na 'yang bowl nang matapos ka na diyan!" "Alam mo ikaw? Panira ka nang bagong taon ko!" pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Pwede ba? Mukha kang tarsier!" pinanlakihan ko din siya ng mga mata. "Eh, ikaw? Tarsier na may goiter! Mas malaki ang mga mata non!" Kung hindi lang talaga ako papatayin ni Bryle, hindi ko idi-date ang babaeng 'to. Weh? My mind echoed. Ofcourse! Tigilan mo nga ako! Baka maupakan kita diyan. Letcheng utak 'to. Masyadong pahalata. Nakahalukipkip ako habang panay ako sa pag-irap sa kanya. Ang tipo kong babae ay 'yong maayos kumain hindi 'yong katulad niya. Daig pa niya 'yong baboy eh. "Make it fast pig! May pagkain pa tayo sa table sa labas. Wag kang mag-alala magde-date tayo habang may pagkain!" Natigilan naman siya sa kakasubo. "Bakit di mo agad sinabi?!" sabi niya habang punong-puno ng pakain ang bunganga niya. "Patay gutom ka talaga!" bulong ko sa sarili. Tumayo na siya agad. Ang gandang babae pero may bigoteng cream. Natawa ako nang mahina. Nakaprente lang akong nakaupo dito. Nakapamewang siya habang ngumunguya. May hawak pa siyang tooth pick. Napataas kilay ako nang tanggalin niya ang high heel sandals niya saka siya tumingin sa akin. "Larga na! Saan tayo?" Tumayo na ako. "Ang pangit mo." natatawang ani ko. "Anong sabi mo?!" mataray niyang tanong. "Pangit ka sabi ko." Ulit ko sabay alis ng bigote niyang cream. "Chansing 'yan ah!" lumayo siya konti sa akin. "As if naman kung papatulan kita!" inirapan ko siya. "Saan nga tayo?" "Diretso lang 'yan." Nauna na siyang naglakad. Napangisi ako nang malapad. "Saan?" siya. "Diretso nga!" "Ang dilim!" reklamo niya. "Basta diretsohin mo!" "s**t! Ahhh!!!" natawa ako nang marinig ko ang mahabang tili niya. For sure, nahulog na 'yon sa pool. Natawa ako nang sobrang lakas. Ngayon ko lang naalala, doon pala naipatayo 'yong malaking pool ni Bryle. Nakainom na 'yon ng tubig sa pool. Sakto lang. Pantulak sa dami ng kinain niya. Tumakbo ako nang mabilis para makita siya. END OF Kevin's POV Shara's POV Inakay ako ni Bryle sa paglalakad. Dumaan kami sa pa-curved na wooden bridge. Medyo maliwanag sa paligid dahil sa mga chandeliers na nakasabit sa mga sanga ng puno. Nakatayo na kami malapit sa tree house. Nakangiti ako habang nakatingala ako dito. Ano bang naisip ni Bryle? Bakit siya nagpatayo nang ganito dito sa likod ng bahay niya? Tumingin sa akin si Bryle. "Hindi ko naranasang maging bata." Ngumiti siya nang malungkot. "I mean, I never experienced playing around like normal children do. My middle name is Trouble and my sure name is Stupid. I'm a Gangster Shara. Patapon. But still have a goal." "Paanong hindi mo naranasang maging bata?" nalungkot naman ako. "I got sick. I was not able to play because I am weak and fragile. I always stayed at home and do nothing. Just waiting to die..." natawa siya nang mapakla. "Dann!" saway ko sa kanya. "Anong patay-patay ka diyan? See, you survived. Normal lang sa bata ang magkasakit. Ako nga din noon eh." Ngumiti siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, may mali sa kanya. 'Yong tipong, may gusto pa akong dapat malaman pero hindi ko alam kung ano 'yon Napayuko ako. "Patapon din ako dati eh." Natawa ako nang mahina. "But I feel worth it now because of you." "Me too... Ganito pala kapag in love." Ini-angat niya ang mukha ko. "Oo nga! Haha." "It's true. I was dying before." "Bakit? Ano bang nangyari? Ano ba kasing sakit mo noon?" curious kong tanong. "I had a brain tumor." Wala sa sariling sabi niya. Natulala ako sa mukha niya. Brain tumor? Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa mga mata niyang sobrang lamlam. Bumaba pa ang tingin ko sa mga labi niyang tila namumutla. Maputi naman siya kaya normal lang siguro ang kulay ng balat niya ngayon. Lagi naman siyang stress dahil sa mga trabaho niya. "Magaling ka naman na di ba? Ang tagal na kaya non. Bata ka pa noon di ba? Nagamot ka naman di ba?" Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko saka siya ngumiti. "Of course I got healed. My Doctor is famous." Pagmamayabang pa niya. Ngumiti na din ako. Para akong nabunutan ng tinik sa puso. "Sabi na eh! Hindi naman kita kasama ngayon kung malala 'yon! Tumor lang 'yon. Pwedeng-pwedeng ipatanggal." Nakangiti lang siya sa akin. "You're right. It's just a fvcking tumor." Pinisil-pisil niya ang mga kamay ko. "Hmmm... Pero magaling ka na talaga? 'Yong todo-todong magaling na? Para sure." Seryosong tanong ko. Natigilan siya sa kapipisil sa mga kamay ko. Bahagyan siyang napatingin sa damuhan sa baba. "Yes. Magaling na magaling na ako." "Mabuti naman." Nakahinga ako nang maayos. "Ibig sabihin, magkakasama pa tayo nang matagal na matagal. Di ba My Da?" ngiting asong tanong ko. "I'll make sure of that." Nagulat ako nang bigla na lang niya akong yakapin. Kakaiba ang pagkakayakap niya sa akin. Sobrang higpit nito na para bang hindi na ako makakawala. END OF Shara's POV Bryle's POV I hugged her tight before my tears escape from my eyes. I bit my lower lip to control my sob. She doesn't need to know about my condition. I know I can get through this without informing her. I feel healed because of her. Everytime I see her innocent face, I feel normal. She's my oxygen. The only air I wanted to breathe. Her touch is the only chemo I need to continue living. "Dann!" she called. I just buried my face on her shoulder. I remain silent. Suddenly, I felt her touch behind my back. I close my eyes tight. I wiped my tears secretly. To compose myself, I breathe deeply. Smile pop out on my face. I look at her again as if nothing happened. She's the strongest woman I've known. I should do the same. "Anong nangyari sayo?" her brows connected. I smiled sweetly. "Nothing. I just... love hugging you." I smirked. She giggled. "Sus!" "Kinilig ka naman." I teased "Oo naman! Effective eh! Ang galing!" I laughed slightly. I took her hands and placed it on my lips. "I have a surprise for you!" I said while grinning. I clapped my hands. Again, fireworks scream in the sky. The fountains do their exhibitions. Thanks to Kevin. He helped me prepared all of these. Daing is now walking towards us. She is now swaying her tail. I thought her how to do it. It feels heaven when I heard Shara laughed. It's an honor to make her happy. "Wow! Hahaha!" No doubt, she's amazed with the view. "Daing! Paano ka nakapunta dito?" tumatawang tanong niya habang nakaturo siya sa pusa niya. I looked at her intently. I promise, magiging maayos din lahat Shara. Pagbalik ko, handa na akong harapin ang buhay kasama ka... "Happy New Year again Shara!" She smiled. Nangingilid na din ang mga luha niya. "Salamat My Da..." END OF Bryle's POV Shara's POV "Dann, salamat ha?" ani ko habang hinihimas ko ang ulo ni Daing. Nakaupo na kami sa damuhan ngayon "Anything for you." Nakangiting balik niya. "Will you excuse me?" "Ha?" napataas kilay ako. "Saan naman ang punta mo?" Nagulat ako nang may ilabas siya mula sa pantalon niya. Hindi ko nakita dahil bigla siyang tumayo. Ngumiti siya sa akin saka siya umayos ng tayo. "Wait me here ok? I'll make it quick." Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya nang umakyat siya patungo sa tree house. Ang daya naman niya. Hindi man lang nagsama. Napasimangot ako. Muli akong napatingin kay Daing na ngayon ay tulog na. Napangiti ako. "Iginalaw-galaw mo lang 'yang buntot mo, napagod ka na. Lika ka nga dito." Kinarga ko na siya. Napatingin ako sa tree house. Wala sa sariling umakyat ako sa hagdan nito. Nakakamangha dahil fully furnished ito. Pwedeng-pwede na ding tumira dito kung tutuusin. Matibay kasi ito at talagang mukhang pinagplanuhang gawin. Medyo malaki din ito. Mga sampong tao siguro ang kaya nitong ikarga. Sumilip ako sa awang ng pinto. Napanganga ako nang makita ko si Bryle na nakaupo. Nakapikit ang mga mata niya. May nakakabit sa ilong niya na inhaler. Para saan 'yon? Walang paalam akong pumasok. Naglakad ako nang dahan-dahan patungo sa kanya. Madilim dito sa loob. Tanging ang lampshade lamang ang nagsisilbing liwanag. May naririnig din akong ingay pero hindi ko matukoy kung ano 'yon. Nagulat siya nang makita niya ako. Nakalapit na kasi ako sa kanya. Napaupo siya nang maayos. "Dann... Bakit 'yan?" turo ko sa bagay na nakakabit sa mukha niya. Nakita kong napalunok siya. "I'm sorry." Ipinilig niya ang ulo niya. "Bakit nga 'yan? Para saan?" sunod-sunod kong tanong. "I have asthma." Napayuko siya. Inilipat ko ang tingin ko kay Daing. "May asthma ka pero hindi mo sinabi sa akin? Sana hindi ka na lang bumili. Masaya nga ako sa pagkakaroon ng pusa tapos mamamatay ka naman. Maiintindihan ko naman eh." "Para talaga sa 'yo si Daing. You love cats right?" apela naman niya. Hindi ako umimik agad. "Umupo ka lang diyan. Sige na. Wag mong aalisin ang nebulizer mo." Naglakad ako palayo. May nakita akong tali kaya kinuha ko ito. "What are you doing?" Naaawang napatingin ako kay Daing. Tulog na tulog talaga siya. Magsasaka ba ang pusang 'to? Akala mo naman kung sinong working pusa. Tinalo pa ako sa haba ng tulog niya. "Itatali muna kita ah? Kesa naman mamamatay 'yong Boyfriend kong may asthma pala." Napasulyap ako kay Dann. "I heard you." Nakangiting sabi niya. "Ipinarinig ko talaga sayo." "Poor Daing. Wag na kasi My Bee." Naaawa talaga siya kay Daing. Ako din naman. Maawa muna siya sa sarili niya. May hika pala siya. Di man lang nagsabi. Paano kung bigla na lang siyang bumulagta diyan? Mahirap mawalan ng taong minamahal. "Ilang oras mong tinuruan si Daing na magkembot-kembot?" naggagalit-galitan na ako. "Hours? Minutes lang My Bee." Pagtatama naman niya. Napakunot noo naman ako. "Wag kang sinungaling Dann kung ayaw mong gawin kitang daing. 'Yang pusang 'yan matuturuan mo nang ganoon kabilis? Wala ngang ginagawa 'yan kundi ang matulog maghapon sa apartment eh." "What do you expect?" nakangising sabi niya. "Alangan ipaglaba at ipagluto ka niya? And worse, sooner or later marunong na 'yang mag-toothbrush mag-isa." natatawang dagdag niya. Natawa na din ako sabay iling. "Kung pwede nga lang eh." "I bought her to guard you. All she need to do is to be with you. I also told her na magpa-cute lagi sa 'yo. Daing is my representative whenever I'm not around." "Magpa-cute?" napanguso na ako. "Yeah." Nangingiting sangayon niya. "Daing will always remind you of me." Napayuko ako. "Hindi pa rin tamang kinuha mo siya para i-train na kumembot-kembot. May asthma ka My Da. Alam mo naman ang epekto ng mga balahibo sa inyo di ba? "I just want to make you happy. 'Yon lang." sincere niyang bitaw. Hindi ako nakasagot agad. Lumapit ako sa kanya saka ako lumuhod sa tapat niya. Nanatili lang siyang nakaupo. Masuyo kong inabot ang isang palad niya saka ko dinala sa pisngi ko. Kitang-kita ko ang ngiti sa mga labi niya kahit pa may nakakabit na nebulizer sa ilong at bibig niya. "Anong nararamdaman mo? Masakit pa rin ba? Maayos na ba ang paghinga mo?" He nodded immediately. "I feel better now." Nakangiting sagot niya. Ngumiti na din ako sa kanya. "Salamat ha?" napabuntong hininga ako. "Kaya mahal na mahal kita eh!" "Ako ba hindi?" hinaplos niya ang pisngi ko. Inalis na niya ang nebulizer sa ilong niya. Tumayo ako agad saka ko siya inalalayang tumayo. Muli akong sumulyap sa kinaroroonan ni Daing. Napangiti ako dahil payapa pa rin siyang natutulog kahit may tali na siya sa leeg. Ibababa ko na lang muna siya para hindi na ulit atakihin si Dann. Naglakad na ako patungo sa kanya pero natigilan ako sa paghakbang nang maramdaman kong may yumakap mula sa likod ko. Iniyakap niya ang braso niya sa leeg ko. Wala sa sariling hinawakan ko ang kamay niya. Naramdaman ko ang unti-unting pagdikit ng baba niya sa balikat ko. "I'm not done yet." Bulong niya sa akin. Napanganga ako nang biglang lumiwanag ang buong tree house. Punung-puno ng mga pictures ko at pictures namin ang bawat sulok. Ang ilan ay nakasabit sa mga lobo na nakasabit pa sa itaas. Halos lahat ay nakadikit sa mga pader. Halos lahat ay mga stolen shots. Tuwang-tuwa ang puso ko dahil sa mga nakikita ko. Sobrang dami na pala naming nabuong alaala dahil sa mga litratong ito. Napatingin pa ako sa mini veranda sa harapan namin kung saan kitang-kita ang ganda sa labas. May nakahandang dinner table. May candles at napakaraming bulaklak sa labas. "This is one of my gifts to you. My exchange gift with the pull tap necklace you gave to me." Dagdag niya. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Hindi ko na din napigilan ang pagpatak ng mg luha ko. Siya lang kaya ang gumawa nang ganito sa akin. Sino namang hindi maiiyak di ba? Ang baduy ng gift ko sa kanya pero itong regalo niya, sobrang sosyal. Wala man lang kasi akong pera. Malayo pa ang sahudan. "Crying again?" tumawa siya nang mahina. "Wala. Na-realized ko lang... Ang pangit pala ng gift ko sayo?" pati sipon ko, tumulo na. Nakakahiya. "Hahaha." Tawa niya. Inilabas niya ang necklace niya. Nakatago kasi ito sa loob ng T-shirt niya kanina. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya. Napatingin siya sa pendant nitong pull tap. Dahan-dahan niya itong hinawakan saka ulit siya tumitig sa akin. "This is the second most precious gift I've ever received." Diretso sa mga matang ani niya. "Ikaw ang una... Kahit naman wala kang ibigay, wala 'yon sa akin. Ang mahalaga ay nasa akin ka. This pull tap is very precious to me because it stands as our engagement ring." Muling tumulo ang mga luha ko. "Talaga? Kahit baduy 'yan?" lumuluhang tanong ko. "Why do keep crying?" "Why are you always making me cry because of happiness?" balik ko naman. Lumapit siya sa akin saka niya pinahid ang mga luha ko gamit ang mga kamay niya. "Dahil mahal kita at gusto kong maramdaman mo 'yon lagi. As simple as that." Inakbayan niya ako. "We better eat. Baka umiiyak ka kasi gutom ka na." Sinapak ko siya sa balikat niya. "Hindi kaya ako gutom! Na-touched lang." Inalalayan na niya ako papunta sa table sa veranda. Hinila niya ang upuan kaya umupo naman ako dito agad. Umupo na din siya kaya magkaharap na kami ngayon. Binuksan niya ang takip ng mga pagkain dito. Lumantad ang napakaraming pagkain sa table namin. "You should eat a lot. Para naman tumaba ka." Napasimangot ako. "Baka hindi mo na ako mahalin kapag tumaba na ako." "That's impossible." Tumatawang ani naman niya. Nilagyan niya nang napakadaming pagkain ang plate ko. Nag-umpisa na din siyang kumain. Nakakatuwa pala siyang panoorin habang kumakain. Nakangiti kasi siya. Pati tuloy ako ay napapangiti na din. "My Da..." tawag ko sa kanya. Nag-angat naman siya ng mukha. "Salamat sa lahat ha?" Ngumiti siya sa akin. Nagseryoso din agad ang mukha niya. "I loved before Shara. But I don't do efforts. I only did these only to you..." Nakakatunaw puso naman. Nagulat na lang ako nang nasa harapan ko na siya. Hinawakan niya ako sa pisngi saka niya inilapit ang mukha niya. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa mga labi ko. Naging mabilis ang paghalik niya kaya buong puso ko naman itong tinugon. Naramdaman kong inaakay niya akong tumayo kaya napatayo na din ako. Patuloy pa rin ang paghalik niya sa akin. Nakakaramdam ako nang kakaibang kuryente dahil sa bawat haplos niya. Pinangko niya ako saka siya naglakad papasok. Maya-maya pa, naramdaman na ng likod ko ang malambot na kama. Tumingin siya sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang apoy at pagnanasa sa malamlam niyang mga mata. Hinalikan niya ulit ako sa mga labi ko. Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang isang kamay niya sa dibdib ko at isang kamay pa niya sa loob ng damit ko. "Dann..." nauutal kong sambit sa pangalan niya. Bigla naman siyang natigilan. Para siyang nabuhusan nang malamig na tubig. "I'm sorry..." napabalikwas siya ng bangon. Nakaupo na siya sa gilid ng kama. "I was carried away. Did I scared you?" nag-aalalang tanong niya. Umiling ako. "I'm sorry. I promised, it won't happen again." Tumungo ako saka ako ngumiti sa kanya. Napaupo na din ako agad. "Ok lang 'yon..." napayuko ako. "Shara, I am willing wait." Nag-angat ako ng mukha. "Until we are both ready..." "Kaya mo? Talaga? Kasi..." napalunok ako. Sasabihin ko ba? Kailangan kong sabihin para ma-gets niyang hindi ako nag-iinarte. Hindi naman siguro niya ako hihiwalayan dahil lang sa ayaw ko pang makipag-tugstugs. Alam niyo na. Iyong s*x na tinatawag. Mali namang gawin na namin 'yon ngayon kasi wala pa namang basbas ni Lord. "Kasi..." napakamot ako. Nakakunot noo lang siya habang naghihintay. "What My Bee?" "Virgin pa ako." Bulong ko sa hangin. "What?" mas lalo pang nagdikit ang mga kilay niya. Gwapo sana 'to kung hindi bingi. "Virgin pa ako!" napayuko ako sabay laro ng mga daliri ko. "You're always doing that when you're not at ease." "Huh?" "Playing with your fingers." Natawa siya. "Sorry talaga. Sorry. Hindi pa talaga ako handa." "I'm serious Shara. I am willing to wait. You don't have any idea how happy I am to know that you're still... virgin. Very innocent. I can't wait to see you walking along the altar. Me, asking permission from God to have you." "Altar?" bigla akong kinabahan. Ngumiti lang siya sa akin. "I already given may greatest gift to you. I am hoping that when that time comes, ako naman ang reregaluhan mo nang matamis mong oo." Napalunok ako. Ano bang gift 'yon? Wala naman akong natatandaan na gift niya sa akin bukod sa mga ito. Napangiti ako nang todo. May plano na kaya siyang pakasalan ako pagdating ng araw? Kung sabagay, engaged na kami pero kami lang ang nakakaalam. "Ano bang ibig mong sabihin My Da?" "Basta!" Tumayo na siya mula sa kama. Umupo siya sa sahig saka niya inilapat ang likod niya sa pader. Itinaas niya ang isang tuhod niya. Nakaunat lang ang isa. Ipinatong niya sa kayang tuhod ang kamay niya saka siya napapikit nang mariin. "Don't be scared My Bee. Hindi na 'yon mauulit." Iniisip pa rin pala niya 'yon hanggang ngayon. Tumayo na din ako saka ako dahan-dahang lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya saka ko ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko ang paggalaw niya. Nagulat siguro siya kasi nasa tabi na niya ako. "Hindi ako natatakot sa 'yo kasi alam kong inirerespeto mo ako." Mahinang anas ko. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. Nagulat ako nang biglang namatay lahat ang mga ilaw. Napayakap ako kay Dann. "Brown out!" sambit ko. "Sorry, sira ang generator ko. Don't worry, magkaka-ilaw din mamaya." Sampong minutos din kaming walang imikan. Nanatili lang na nakapatong ang ulo ko sa balikat niya. Nakayakap lang din siya sa akin. Parehas naming pinapakiramdaman ang isa't isa. Ang mga hininga lang namin ang tanging naririnig. Kahit madilim ang paligid, baliwala pala ito kapag alam mong 'yong taong mahal mo ang kasama mo. "Shara... I'm leaving. Is it ok to you?" Napamulat ako dahil bigla siyang nagsalita. "Aalis ka? Saan? Ilang araw ka bang mawawala?" "Matagal." Napabitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. "Iiwan mo ako? Kami?" "Look, I need to leave. There are bunch of reasons why." "Bakit nga?" Bakit kasi nag-brown out pa ngayon? Hindi ko tuloy nakikita ang mukha niya. Nakaramdam ako ng lungkot. Parang matatagalan kasi siya sa klase pa lang ng pananalita niya. "Purely about business again." "Gaano naman katagal?" malungkot kong tanong. "One year." Tipid niyang sagot. Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin. Naiiyak akong tumayo saka naglakad patungo sa kama. Sumalampak na lang ako dito saka ko isinubsob ang mukha ko sa unan. Kusa na lang tumulo ang mga luha ko. Pinigilan kong makalikha ng ingay mula sa iyak ko para hindi niya marinig. Bakit kasi ang tagal? "Shara..." tawag niya sa akin pero nanatili akong umiiyak. Umalon ang kama. Naramdaman ko na lang ang mga haplos niya sa ulo ko. Mas lalo tuloy akong naiyak dahil sa ginagawa niya. Narinig ko ang pagbukas niya sa isang drawer sa tabi niya. Bahagyan akong sumilip sa kanya. Nakita kong isinindi niya ang flashlight na hawak niya. Agad kong itinago ang mukha ko sa unan nang mapatingin siya sa akin. "Dapat kakantahan pa kita pero biglang nag-brown out." Ani niya. (Now Playing: FLASHLIGHT By: FM Reset Cover) Light, light, light You're my flashlight Light, light When tomorrow comes I'll be on my own Feeling frightened of The things that I don't know When tomorrow comes Tomorrow comes Tomorrow comes Nag-angat ako ng mukha nang marinig ko siyang kumakanta. Napasin kong nasa tabi na niya ang flashlight. Nakatutok ang liwanag nito sa pader. Nakikita ko ang paggalaw ng mga kamay niya sa tapat ng flashlight. Nakakalikha siya nang iba't ibang korte ng mga anino gamit ang mga kamay niya na ngayon ay napapanood ko sa pader. And though the road is long I look up to the sky And in the dark I found, lost hope that I won't fly And I sing along, I sing along, and I sing along I got all I need when I got you and I I look around me, and see a sweet life I'm stuck in the dark but you're my flashlight You're getting me, getting me, through the night Kick start my heart when you shine it in my eyes Can't lie, it's a sweet life Stuck in the dark but you're my flashlight You're getting me, getting me, through the night You're my flashlight (2x) I see the shadows long beneath the mountain top But I'm not afraid when the rain won't stop 'Cause you light the way You light the way, You light the way I got all I need when I got you and I I look around me, and see a sweet life I'm stuck in the dark but you're my flashlight You're getting me, getting me, through the night Kick start my heart when you shine it in my eyes Can't lie, it's a sweet life Stuck in the dark but you're my flashlight You're getting me, getting me, through the night Para siyang gumagawa ng black shadow play. Nakakakita ako ng hugis puso, hugis tao, hugis aso at kung anu-ano pa. Ang mga kamay niya ay tila mga paru-paru na ngayon na sumasayaw sa liwanag na nagmumula sa flashlight. Ang galing niya. Paano niya kaya niya natutunan 'yan? (Light, light, light, you're my flashlight) Light, light, you're my flashlight Light, light, light, light, light, oh (Light light light you're my flashlight) You're my flash, oh I got all I need when I got you and I I look around me, and see a sweet life I'm stuck in the dark but you're my flashlight You're getting me, getting me, through the night Kick start my heart when you shine it in my eyes Can't lie, it's a sweet life Stuck in the dark but you're my flashlight You're getting me, getting me through the night 'Cause you're my flashlight You're my flashlight Ooh ooh Ooh ooh Ooh ooh ooh ooh ooh Ooh oh oh You're my flashlight... Tapos na siyang kumanta pero nanatili pa rin akong walang imik. Umiiyak ako kasi siguradong magiging mahirap kapag wala siya sa tabi ko. Para akong unti-unting nilalamon ng lungkot. Siya na kasi 'yong perfect package na tao sa buhay ko. Hindi ko lang siya Boyfriend, tunay na kaibigan na din. "I'm sorry..." paos niyang sabi. "I will be back. Promise... I know, it would take long but I need to. We need to. For you. For us..." "May business concern bang umaabot ng taon?" mabuti na lang, medyo kumalma na ako. "There is. Fine. I'm not going just because of business. Shara, the person who killed my Mom is the main reason why." Narinig ko ang panginginig ng boses niya. "Pinatay ang Mommy mo?" gulat kong tanong. "Yeah." Malungkot niyang ani. "Now you know. Gusto ko lang i-meet ang taong 'yon." Biga akong nakaramdam ng awa sa kanya. Alam ko kasi kung anong nararamdaman niya dahil nawalan din ako ng ina. "I'm sorry... Hindi ko alam na ganoon." Bumangon ako saka ako umupo sa tabi niya. "Dann..." tawag ko sa kanya. Hindi na kasi siya nagsasalita. Bigla na lang akong nakarinig ng iyak. Umiiyak siya... "Sorry talaga... Pumapayag na akong umalis ka. Naiintindihan ko na ngayon. Please, wag ka nang umiyak..." Niyakap na lang niya ako nang mahigpit. "Naalala ko lang siya bigla. My real Mom..." humahagugol niyang sabi. Niyakap ko na din siya pabalik. "Iiyak mo lang. Nandito lang ako..." END OF Shara's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD