Chapter 19

4130 Words
Chapter 19 "Seryoso ka bang ayaw mong pakasalan ang anak ko?" mata sa matang tanong ni Mr. Lavitus kay Summer. Napalunok naman ang binata. Gustong-gusto niyang pakasalan si Shara pero alam naman niyang may boyfriend na ang dalaga. Iyon ang bagay na hindi pa niya sinasabi sa Boss niya. Pagkakataon na niya ito kung tutuusin. Si Shara lang ang may karapatang magsabi sa ama niya ang tungkol sa pakikipagrelasyon nito sa isang Sy. Isa lang ang alam niya. Ayaw niyang saktan si Shara. Hinding-hindi niya ipagpipilitan ang sarili niya sa dalaga. Kahit kailan hindi siya nagustuhan ni Shara. Masakit man pero iyon ang totoo. Ayaw niyang sirain ang pagkakaibigan nila nang dahil sa nararamdaman niya dito. "Nakikita ko sa mga mata mo. You like my daughter." "Tama ho kayo Boss. I like Shara. Amarah I should say." Natawa siya nang mapakla. "Pero hindi niya ako mamahalin dahil kaibigan lang ang turing niya sa akin. Ayaw kong sirain kung anong meron kami ngayon." "Naiintindihan ko." Nanatili lang na nakapako ang mga mata niya sa naka-display na painting dito sa office niya. Tumikhim ang binata saka ulit siya nagsalita. "Dapat ipaalam niyo muna sa anak niyo ang mga plano niyo sa kanya. Siguradong magtatanim 'yon ng galit sa inyo. Sinasabi ko lang naman ang opinion ko Boss. Sana'y hindi kayo magalit." "Matanda na ako. Kakamuhian ako ng anak ko sa gagawin ko pero ito ang nakatakda para sa kanya. Kailangan kong siguraduhin ang magandang kinabukasan niya habang nabubuhay pa ako. Gusto kong iwan siya sa taong alam kong aalagaan siya nang maayos. Masisisi mo ba ako Summer?" Sa pagkakatitig niya sa mukha ng matanda, talagang nakarehistro sa medyo kulubot nitong mukha ang mukha ng isang ama. Amang gagawin ang lahat para sa anak niya. "Isa po kayong napakabuting ama Boss. Maiintindihan din kayo ng anak niyo. Susuportahan ko kayo sa mga plano niyo." Ngumiti siya nang tipid dito. "Hindi ako papayag na mapatumba nila ako." Umigting ang panga ng matanda. Gulat naman na napatitig si Summer sa kanya. "Ibig sabihin, alam niyo na?" "Ang alin Summer?" matalim na balik naman nito. "Ang panghihimasok ng mga Sy sa kumpanya ko o ang pakikipagrelasyon ng anak ko sa isang Sy?" Gusto ni Summer na paniwalain ang sarili niya na mali ang mga narinig niya pero hindi niya magawa. Isang tanyag na mafia ang kaharap niya ngayon. Alam niyang malalaman at malalaman nito ang lahat lalong-lalong na pagdating sa nag-iisa nitong anak. "Pupunta tayo sa Black University mamaya. Ilalabas natin ni Erwan doon." Kumurap-kurap ako baka sakaling nagkamali ako ng rinig. "Erwan Sackery Devoir?" "Siya nga. Siya ang natitipuan ko para kay Amarah." Inabot ko ang tubig ko sa table. Inisang lagok ko lang ang laman nito. Seryoso ba siya? Ipapaubaya niya ang anak niya sa isang taong walang direksiyon ang buhay. Kilala siya bilang pinuno ng mga voiseloir Clan. Isang samahan ng mga Mafias. "Alam kong hinuhusgahan mo na siya sa isipan mo." Ibang klase talaga si Boss. Parehas lang sila ni Shara na mind reader. "Sigurado kayo Boss?" "Next month, ipapakilala ko na si Amarah bilang anak at nag-iisang tagapagmana ko." Tuloy-tuloy niyang ani. Nanlalaki ang mga mata ko sa tinuran niya. Mas lalo na naman akong hindi nakaimik. Ibig sabihin, makikilala na din nang buong mundo ang nag-iisang alas niya. Ang mga kalaban niya ang makikinabang at magsasaya sa araw na 'yon. "Po?" halos pabulong kong wika. "Kasabay nito ang engagement party nila. Magugulat ang lahat pero hindi ko 'yon pagsisihan. Wala na akong pakialam kahit malaman pa ni Papa. Magiging ligtas ang anak ko sa mga kamay ni Erwan." Tahimik lang akong nakasunod sa bawat bawat pupuntahan niya. Ngayon ay nakarating na kami sa lugar na tinutukoy niya. "Welcome to the Black University Mr. Lavitus. Thank you for coming here. On behalf of all staffs here it's an honor to have you here." Masayang bati ng President ng Black University. Seryosong ang mukhang tumungo lang ito dito. "Where is he?" Maya-maya pa, lumabas na ang taong pinakahihintay nila. Isang matangkad na lalaki ang lumabas mula sa pintuan. "Erwan..." sambit ni Mr. Lavitus. Sumilay naman ang ngiti sa mga labi ng binata. Kitang-kita ang mapuputing mga ipin nito. Nakataas nang bahagya ang mga buhok niya at ang mga mata niyang maamo ay talaga namang nakakabighani. Talagang napakagwapo at napakakisig ng lalaki. Dumagdag pa sa karisma nito ang hikaw nitong kulay itim sa may kanang tainga. "So, where is my fiancé?" nakangiting tanong niya kay Mr. Lavitus. "I can't wait to meet her." Vince's POV "Vince!" malakas na tawag sa akin ni Lindsy. Naglakad siya palapit sa akin. "Si Zykie nakita mo?" "Nasa labas yata. May kausap kasi siya." sagot ko naman. Tinitigan ko nang taimtim ang lalaking kasama niya. Luiford ata ang pangalan niya kung hindi ako nagkakamali. Iba kasi siya makatingin sa akin. I mean, halos sa aming lahat. Parang imbestigor kung makatitig eh. Nalalabuan lang siguro ako sa kanya dahil siya na ata ang bago ni Lindsy. Anak ng ipis na dugyot. Sa dami niyang pwedeng ipalit kay Jace, bakit sa gwapo pa? Mag-eemote talaga ako kung ako si Jace. Kaya siguro magdamag na 'yong nasa garden. "May kausap?" nagsalubong ang mga kilay niya. "Yeah." "Paki tawag naman siya Vince. Kakain na tayo. Thank you!" "Ok. Paki tawag din si Jace." Ngiting asong balik ko sabay kindat. Pasimple akong tumingin sa kasama niya. Hindi ata niya nagustuhan ang sinabi ko. Umigting kasi ang panga niya. "The guy in the garden?" nakangiting singit ng lalaking kasama niya. Wala sa sariling napatungo ako. "He's with his girlfriend. They are currently talking." Ngumiti naman si Lindsy. Ok lang sa kanya? Seriously? Parang kailan lang noong nakikita ko silang laging sweet sa isa't isa. In just one blink, everything has change. Ang bilis namang maka-move ni Lindsy. "Luiford is right. You better text him na lang. Ayaw naming maka-istorbo sa iba." si Lindsy. "Ok." tipid kong ani. "Tara Lui." Napabuga na lang ako ng hangin nang maglakad na sila pabalik sa loob. Nagtungo na din ako sa likod para hanapin si Zykie. Sabi niya saglit lang siya. Thirty minutes na ata siyang wala. Napangiti naman ako nang maaninag ko siya sa may madilim na sulok. Halatang busy ito sa kausap niya sa phone. Sa dami niyang pwedeng puntahan, doon pa talaga. Wala kasing masyadong ilaw doon. Kawawa naman siya. Baka pinapak na siya ng mga lamok. Naglakad pa ako palapit sa kanya. Napakamot ako nang makita kong natanggal ang saksakan ng extensiyon sa tree house ni Bryle. Lagot na! Siguradong nagkandaletce-letche na ang porma ni Master doon. Special moment pa naman nila ni Shara ngayon. Sino ba kasing nagtanggal nito? Ah basta! Hindi ko kasalanan 'to! Agad ko itong isinaksak ulit saka ako tumakbo nang mabilis. Sus! Baka mahuli pa ako at masisi sa brown out doon. Nang malapit na ako kay Zykie bigla akong natigilan dahil sa lakas ng boses niya. "No!" malakas niyang ani. "Hehehe!" napakamot siya. "Tito, you're joking right?" Ayaw ko siyang istorbohin kaya nanatili muna ako dito sa sulok. Sino ba ang kausap niya? "Tito Richard, please talk to Ate Shara first." Pagsusumamo niya. Richard? Bakit pati pangalan ni Shara ay nadamay sa usapan nila? "You can't do that to your own daughter Tito." Madiin niyang sambit. "Ate Shara is the only Lavitus left. Nag-iisang anak niyo siya. You wanted to hand over everything under her name. Engaging her to that guy may hurt her so much. I don't think so Tito." Nanlalaki ang mga mata ko sa mga narinig ko. Tumingin ako sa kanya. Lavitus? Si Shara ay isang Lavitus? Ano bang mga lumalabas sa bibig ni Zykie? Kilala si Mr. Richard. Richard Lavitus. Kung ganoon, mag-ama sila? Si Shara, engaged? Para na akong nababaliw dito. Hindi ko na alam kung paano ako magre-react. Si Bryle lang ang inaaalala ko ngayon at ang magiging epekto sa kanya ng mga katotohanang ito. Bakit sila naglihim sa amin? Isa ang ama ni Shara sa mga posibleng pumatay sa ina ni Bryle. Isa siya sa mga minamanmanan namin. "I said yes but it doesn't mean I agreed to you Tito." Pagpapatuloy niya. "Ate Shara is fine. Inaalagaan ko ang pinsan ko. Ayaw ko siyang mawala sa tabi ko. Kailangan niya ako at mas kakailanganin pa kapag nalaman na niya na ipapakasal niyo siya sa hindi niya mahal. Sa taong hindi man lang niya kilala." May halong hinanakit niyang sambit. "Ok Tito. Take care. Don't worry I won't tell to her. Happy New Year Tito..." Napabuntong hiniga siya nang malalim habang nakatitig pa rin siya sa phone niya. Pagharap niya ay nagulat siya nang makita niya ako. "Vince?" gulat niyang ani. "Yes Zykie, I heard everything." Seryosong balik ko sa kanya. "Pretty lies. How could you define it? All this time nagsisinungaling pala kayo sa amin?! How could you?!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. END OF Vince's POV Lindsy's POV Ang awkward naman ng moment na 'to. Para na akong ihahatid sa huling hantungan dahil sa nakikita ko. Nagsusubuan kasi si Jace at Dana. Grabe naman ang Jana na 'to. Halos mabulunan na si Jace. Naiiyak na ako dahil kanina pa ako sinasaksak sa puso. Ang pangit kasi kami lang apat ang nandito sa malaking table sa sala. Nagpaalam si Jazz kasi ihahatid daw niya ang kaibigan niya sa airport. Si Daphnie at Kevin naman ay nagde-date sa labas. Ganoon din si Shara at Bryle. Siguro nakiuso din si Vince at Zykie kaya wala pa sila hanggang ngayon. Team sawi ata ako. Hindi pala team kasi mag-isa ko lang naman. Nagsosolong sawi. Kumain na lang ulit ako ng fruit salad. "Ah..." utos niya kay Jace. Tanga din si Jace kasi ngumanga din siya. Ang tanda-tanda na niya tapos magpapasubo pa siya. Minsan talaga feeling baby ang Jace na 'to. Ang sarap ng kain niya samantalang ako parang binagsakan na nang higanteng tornilyo. "Lindsy, gusto ko ng kanin. Lagyan mo naman 'yong plate ko." Si Luiford ba 'yong nagsalita? Buhay pa pala siya. Wala sa sarili inabot ko 'yong sandok ng kanin saka ko nilagay sa tapat ng bunganga niya. "Oh, kain ka na. Susubuan kita." Walang ganang sambit ko. "Haha. Sandok 'yan Lindsy. Hindi 'yan kasya sa bunganga ko." "Gawan mo ng paraan! Dapat magkasya 'yan!" inis kong balik sa kanya. "May balak ka bang patayin 'yang boyfriend mo?" natatawang tanong nitong Jana na 'to. Pati tuloy si Jace ay napatingin sa amin. Pakialamera din pala ang babaeng 'to. Ipukpok ko sa kanya 'tong sandok eh! Hindi ko naman sila pinapakialaman ah! "Sanay siyang kumain ng sandok. Pati nga planggana kinakain niya kapag sinabi ko." Nakangiting ani ko. Tumingin ulit ako kay Luiford. "Now say ah..." itinapat ko ulit 'yong sandok sa bunganga niya. "Sinasakal mo ang Boyfriend mo. Hindi maganda 'yan." "I have a pen. I have an apple. Uhmmm! Apple pen!" masayang kanta ko. "I have tinidor. I have a hand. Uhmmm! Baka maisaksak ko sa 'yo 'to!" nanlalaki ang mga mata nila. "Joke." Bawi ko sabay tawa nang malakas. "Are you ok Lindsy?" Nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa tanong ni Jace. Humigpit ang hawak ko sa tinidor ko. Bakit pa siya nagtanong? Sa ginawa niya sa akin talagang tinanong pa niya! Kahit nagpapakatatag ko dapat alam niya kung ano ang totoong nararamdaman ko! "Gusto mong sa 'yo ko na lang isaksak 'to?" sabay taas ng tinidor ko. "Talagang tinatanong mo kung ok lang ako?" inis kong wika. "Gusto mo bang balatan kita diyan saka ipagulong sa asin para malaman mo kung gaano kasakit?! Ang sakit-sakit na! Hype ka!" naiiyak kong dagdag. "Pinaasa mo ako! Tagapag-mana ka ni Haring Paasa at Reynang Pa-fall! Prinsipe ka ng mga Minions na kamoteng kangkong sa planetang Yekok! Sana sunduin ka na nang private spaceship mo!" Isang pikit na lang para malaglag ang luha ko. Nakanganga silang tatlo at nagpapalit-palit ng mga tingin. Na-carried away na naman ako. "Char lang!" malakas kong sambit. "Ok na? Ok ba 'yong acting ko? Ano sa tingin mo Luiford? Ok na ok ba?" wala sa sariling tumungo naman siya. "Salamat naman. Balak ko kasing sumali sa drama club next sem! Hihi!" "Really? Suportado kita always." Tagos na tagos ang ngiti ni Luiford. Parang mens na lumundag mula sa napkin. Hayyy, traydor na mens. "Grabe, akala ko totoo na. Ang galing Lindsy!" masayang puri sa akin ni Luiford. "Haha. Woah! Ako din. Nadala sa acting mo." si Jana. Abala ako sa pakikipag-usap kay Luiford. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko si Jace na nakatingin sa akin nang seryoso. Ano bang problema niya? "Nako! Salamat naman Luiford. Alam mo bang mas lumakas pa ang loob kong sumali dahil sa mga papuri mo? Talagang pagbubutihan ko pa." Napanguso ko nang makita kong hindi na siya nakikinig sa akin. Tarantado talaga ang lalaking 'to! Mas inuna pa niya ang pages-cellphone kaysa ang makinig sa akin. Kaya ko nga siya isinama para naman may makausap din ako. "Nag-text si Chantal no?" Lumingon naman agad siya sa akin. "Oo. Hindi naman siya ang inaalala ko. Nag-text din kasi si Boss." Mahinang ani niya. Inabot niya sa akin ang phone niya. From: B We need to talk. "Go on. Baka magalit pa siya kapag hindi ka pumunta agad." Ibinalik ko na ang phone niya. "Paano ka? Gusto mong ihatid na kita?" "No need. Hihintayin ko pa si Zykie. Sige na. Ok lang ako." Tumayo na ako. "Sumunod ka na sa akin. Ihahatid kita sa labas." Hindi ko na pinansin ang dalawang kasama namin. Basta nauna na akong naglakad. "Thank you to both of you. Happy New Year. Una na ako sa inyo." Narinig kong paalam niya sa mga ito. Nang makalabas na kami dito sa labas ng gate, humarap siya sa akin. "Thank you for this night. I'm happy because you are with me." Ngumiti siya sa akin. Hindi ko napaghandaan ang paglapit niya at ang paghalik niya sa pisngi ko. "Goodnight Lindsy..." END OF Lindsy's POV Jace's POV Humigpit ang hawak ko sa hello kitty na keychain sa kamay ko nang makita kong hinalikan ng lalaking iyon si Lindsy. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at parang gusto kong sumuntok. Pucha! Ang sakit sa puso. Para akong tinuturok nang libo-libong injections. Moreng mode na ako. Natigilan siya sa paghakbang nang makita niya ako. Nagpatuloy ulit siya sa paglalakad nang makabawi siya. Lalagpasan na sana niya ako nang pigilan ko siya sa kamay. Pinilit kong ibuka ang mga daliri niya saka ko inilagay ang keychain sa palad niya. "Happy New Year Lindsy..." mahinang anas ko. Sana narinig niya. "Pumunta ka sa guest room ni Bryle malapit sa Christmas tree. Nandoon ang totoong regalo ko sa 'yo. Sana magustuhan mo. Wag mo na lang bigyan ng kahulugan ito. Gusto ko lang ibigay 'yon sa 'yo dahil hindi ko naibigay noon." Paliwanag ko saka ako naunang naglakad pabalik sa loob. Hinang-hina ako sa bawat paghakbang ko. Hindi ko na ata talaga kayang kontrahin ang sarili ko. Paano ako kapag tuluyan na niya akong palitan? Nagulat ako nang may bumato sa likod ko. Humarap ako agad. Ang lumuluhang si Lindsy ang sumalubong sa akin. Gusto kong pumikit para hindi ko makita ang hinanakit sa mga mata niya. Alam kong nasasaktan pa rin siya. Napayuko ako. Nakita ko ang keychain na ibinigay ko sa kanya sa may semento. Iyon pala ang ibinato niya sa akin. "Gusto mo ba talaga akong patayin?" lumuluhang tanong niya. Parang sinasakal ang lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. Alam kong sobrang tanga ko na pero hindi na non mababago ang desisyon ko. Napahawak siya sa panga niya. Lagi naman niyang ginagawa 'yan kapag umiiyak siya. "Hayaan mo naman akong maka-move on Jace. Kahit naman hindi naging tayo nasaktan pa rin ako. Aanhin ko 'yan?" itinuro niya ang keychain sa semento. "Ayaw mo na ako sa buhay mo di ba? Ngayon tatanungin kita. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Pinapaasa mo ulit ako! Pwede ba kung ayaw mo na maglaho ka na lang at wag magpaparamdam sa akin!" Mas lumakas pa ang pag-iyak niya. Gusto ko siyang lapitan at patahanin pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko. Tama siya. Sa ginagawa ko mas lalo ko lang siyang sinasaktan. Kapag inayos ko ang lahat sa amin, mas masasaktan ko na naman siya dahil baka iba na naman ang magiging interpretasyon niya. "Tanggapin mo na ang regalo ko sa 'yo. I promise, it would be the last. Pwede mo namang itapon kung ayaw mo talaga." Napabuntong hininga ako nang malalim. "Walang ibig sabihin 'yon." Buong tapang akong tumingin sa mga mata niya. "Tapos na tapos na talaga tayo. Hinding-hindi na ako babalik sa buhay mo. Hindi ka na masasaktan pa. Let's just be happy in our own separate ways." Tinalikuran ko na siya saka ako nagmamadaling naglakad papasok sa loob. Kumurap-kurap ako upang mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Wala na siya sa buhay ko at kailangan kong tanggapin 'yon. Alam kong darating din ang panahon na magiging normal din ang lahat sa amin. END OF Jace's POV Shara's POV "I'm asking you to resign My Bee. Your work doesn't fit for you." Samo niya sa akin. "Pero kasi-" "Before I'll leave, I want you out." Putol niya sa iba ko pang sasabihin. "Bakit?" naguguluhang tanong ko. "Your life is in danger. You're willing to leave your life for them?" "Hindi naman sa ganoon Bryle. Hindi naman kasi ganoon kadelikado ang trabaho ko. Kaya ko naman eh." Pagtatanggol ko sa sarili ko. "I am leaving Shara." Pagpapaalala niya. Napayuko ako. "I know." malungkot kong sambit. "All I want is to leave you safe... You are my life. Wala akong silbi kapag may nangyaring masama sa 'yo." Masuyong ani niya. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Gustong-gusto ko kapag ginaganito niya ako. Ang init na hatid ng palad niya ay nagbibigay ng assurance na aalagaan niya ako. Na kahit malayo na siya balang araw ay hindi 'yon magbabago. Hindi ko magawang pagdesisyonan ang hiling niya sa ngayon. Hindi ko kayang talikuran ang trabaho ko. Bilang anak, may misyon din akong dapat gawin para kay Daddy. Kailangan kong manatili sa kompanya niya. Tahimik lang akong nakatunghay sa gwapong mukha niya. Parang ilang panahon na lang ang nalalabi sa amin. Kapag umalis na siya siguradong hindi ko na ito magagawa pa. "Hindi ko kayang iwan ang trabaho ko Bryle. Sorry..." Tumingin siya sa labas ng bintana. Dinig na dinig ko ang pagbuntong hininga niya nang malalim. Hindi ko rin siya kayang basahin minsan. Parang may nakatagong misteryo sa katauhan niya. Iyon ay kung hindi ako mali sa nararamdaman ko. "Ang trabaho ko ang bumubuhay sa akin ngayon. Marangal ang pagiging body guard at masaya ako sa ginagawa ko." Dagdag ko. Baka sakaling makumbinsi ko siya. "I can give everything you need. Work, house, money and whatever you want. Kayang-kaya kitang buhayin. You don't have to worry for your own." Madiin niyang bitaw. "My everything has no place to put. Why not to the one who completed me? You." Ramdam kong wala siyang ibang intensiyon sa sinabi niya. Ayaw kong abusuhin siya. Mas gusto kong pinaghihirapan ang lahat. Nakalimutan kong mayaman pala ang Boyfriend ko. "Minahal kita hindi dahil sa pera." Napangiti ko sabay iling. "Maraming salamat sa alok mo pero mas gusto kong pinaghihirapan ko ang lahat. Nasanay na kasi ako sa ganoon. I don't have an intention to offend you or punch your ego instead. It's just-" natigilan ako nang may makita akong pamilyar na bulto ng tao sa di kalayuan. "Dad..." I whispered to myself. "What?" Lumipat ang tingin ko Bryle. Kahit alanganin ay pinilit ko pa ring ngumiti sa kanya. Bakit nandito si Dad? Bakit alam niyang nandito ako? Napangiti ako nang mapait. Atat na ata na akong tumakbo papunta sa kanya. Gusto ko na siyang mayakap nang mahigpit na mahigpit. "Are you ok My Bee?" kabadong tanong ni Bryle sa akin. "Huh?" wala sariling ani ko. "Oo." Tumungo ako nang paulit-ulit. "Nagugutom na naman kasi ako. Pwede bang bumalik na tayo sa bahay mo? Mas marami kasing pagkain doon. Saka na lang natin 'to pag-usapan. Matagal pa naman ang alis mo eh." "Ok." ngumiti siya nang tipid. Nang makarating na kami sa bahay niya ay agad akong nagpaalam sa kanya na pupunta ako sa comfort room. Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay nang makahanap ako nang magandang tiyempo. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko pero mas pinili kong magpakatatag. Nakahinga ako nang maayos nang makita ko si Dad. Tuluyan na akong naiyak nang nakangiting inilahad niya ang kamay niya. Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa kanya. "Dad..." humahagulgol kong sambit. "I miss you..." "Amarah..." masuyong balik naman niya. Ipinikit ko lang ang mga mata ko. Ninanamnam ko ang bawat sandali. Nararamdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko at ang patuloy niyang paghalik sa tutok ng ulo ko. Pahigpit lang nang pahigpit ang yakap ko sa kanya. Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. "Paano niyo nalaman na nandito?" "Hindi na 'yon mahalaga Princess." Ngumiti siya nang matamis sa akin saka niya pinahid ang mga luha ko. "Happy New Year anak..." Muling nagsitulo ang mga luha ko. Parang biglang napawi ang pangungulila ko. "Happy New Year Dad..." lumingon ako sa mansion ni Bryle. Baka hinahanap na niya ako. Hindi niya pwedeng makita si Dad. "Dad, babalik na ako. Baka kasi hinahanap na ako ng mga kaibigan ko." "Kaninong mansion ba 'yan anak?" Napalunok ako dahil sa tanong niya. "Sa kaibigan ko po." Pagsisinungaling ko. "Dad, thank you for coming. Hindi ka naman kasi nila pwedeng makita dahil alam mo na." Natawa siya nang malakas. Sinabayan ko na din sa pagtawa. Gusto ko pa siyang makasama nang mas matagal pero hindi pwede. "I love you Dad..." hinawakan ko siya nang mahigpit sa mga kamay niya. Kahit nanlalabo na naman ang paningin ko ay pinilit ko pa ring ngumiti. "Konting tiis na lang magkakasama din ulit tayo." "I know Princess." Maingat niya hinawakan ang isang kamay ko. Nagulat ako nang maramdaman ko ang malamig na bagay na dumapo dito. Nanatili lang akong nakatitig sa silver ring sa gitna ng palad ko. "My New Year's gift for you." Masayang sambit niya. "Talaga Dad? Ang ganda..." agad ko itong isinuot sa daliri ko. Nagtaka ako dahil sa may finger na pinaglalagyan ng engagement ring talaga ito nagkasya. "February 14, 2016, that day I want you to wear that ring." Natigilan ako sa pagkilatis sa singsing dahil sa tinuran niya. Hindi ako mahilig sa mga alahas pero iba ang isang ito. Galing kasi ito kay Dad kaya dapat kong alagaan at mahalin. "Anong meron sa araw na 'yon Dad?" ngiting asong tanong ko. "There will be a party at the mansion. I want you to attend." Tumikhim siya saka ulit siya nagsalita. "Isa ka sa mga body guards sa Company ko di ba? Atleast come and be with me." "So, you knew already." Napakamot ako sabay ngisi. "Yes. Just wear that ring that day and I'll send everything you need." "Need?" napakunot noo ako. "Gowns, stylist and such. Ofcourse you need those. It's a party Princess." Paliwanag naman niya. "Kailangan pa ba Dad? Body guards mo nga kami di ba?" "Lahat kayo ay may parts sa party. Ok? You are my one and only daughter. Ayaw ko namang hindi lumitaw ang ganda mo sa gabing 'yon." "But nobody knows that you have a daughter." Pagpapaalala ko sa kanya. Baka kasi nakalimutan na niya ang estado namin. "I have a daughter and it's you..." ngumiti siya nang pilit saka siya nagpakawala nang mahabang buntong hininga. "I'm sorry for everything anak." Malaman niyang ani. "Sana pumayag ka na lang. Tama ka. Walang nakakaalam. Walang makakaalam. Pumunta ka sa party dahil mas magiging masaya ako kapag nandoon ka... Kahit anong mangyari, ginagawa ni Daddy ang lahat para sa 'yo." Naiiyak na tumungo ako sa kanya. "Opo Dad. I'll be there." Ngumiti siya saka niya ako niyakap. "Salamat anak..." "Shara?!" Napabitiw ako sa pagkakayakap kay Dad nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Bryle. Gulat akong napatingin sa bahay niya. Nakita ko siyang nakatayo at palinga-linga sa paligid. Muli akong tumingin kay Dad. "Dad you have to go. Hinahanap na ako ng mga kaibigan ko." Nagmamadaling ani ko. Hinawakan ko siya sa mga kamay niya. "Don't worry about me. Maayos ang kalagayan ko. About the party, I will be with you that night. I love you Dad and take care always." Masuyong sabi ko. Labag man sa loob ko ay bumitaw na ako sa mga kamay niya saka ako tumakbo pabalik ng mansion ni Bryle. Ang bawat hakbang ko ay mabigat. Parang may humihila pa sa akin pabalik kay Dad pero baka makita siya ni Bryle. Pilit akong ngumiti kahit nanlulumo ang pakiramdam ko. END OF Shara's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD