Chapter 20 Lindsy's POV One month after. Isang buwan na din ang nakakalipas. First day of February ngayon. Napatingin ako sa tatlong mga rosas sa kamay ko. Bigay ni Luiford ang mga ito. Ewan ko sa tarantadong 'yon. Early valentines gift daw niya sa akin. Ako ang binigyan imbis na 'yong syota niya. Gago talaga. Napatingin ako kay Shara na ngayon ay tulala lang. Ang layo na naman ng narating niya. Nagpapaturo kasi ako sa isang Math subject ko. Ang talino niya talaga kasi hanggang ngayon alam pa rin niya 'yong mga formulas ng mga parameter, diameter, radius, circumference at kung anu-ano pang may kinalaman sa Geometry. "Shara!" siniko ko siya. Napakurap naman siya. "Ano? Na-gets mo na?" tanong niya. "Oo. Salamat ha?" Ngumiti lang siya sa akin. "Mabuti naman." "Ahmmm... Shara, pwede m

