Chapter 21 Shara's Pov "Vince please! Kailangan kong makausap si Bryle." Naiiyak kong pakiusap. Nandito ako ngayon sa bahay nila Vince. Isang linggo na ang nakakalipas noong huling magkita kami ni Bryle. Hindi na siya ulit nagpakita sa akin. Ang huli kong narinig sa kaniya ay ang mga salitang, hindi tayo puwede. Noong araw na 'yon wala na akong matandaan. Nawalan ako ng malay. Nang magkamalay ako'y nasa bahay na ako ni Zykie. "May mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana Shara. He's not here. All I know is he's safe. Sanayin mo na ang sarili mong wala siya. Get used to it." "Pero hindi ko kaya..." Pabulong kong sambit. Umaasa akong hindi niya narinig. "May gagawin pa ako. Ihahatid na kita sa inyo." Ngumiti siya ngunit may halong lungkot. "Hindi na... Ok lang ako. Kaya ko naman um

