NINE

480 Words
Mabilis na nagtungo sa Mt.Dilo si Xania nang makatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang Lolo Dilo. Ang ama ng kanyang ina. Nang makarating siya agad na sinalubong siya ng kanya Lolo Dilo at ang ilang ka-tribo ng matanda. "Lolo Dilo..."aniya. Natuon ang atensyon niya sa isang grupo na mga lobo at lahat ng mga ito ay bakas ang pagluluksa at pagdadalamhati. "Apo,halaki,sa loob tayo mag-usap,"anyaya ng kanya Lolo Dilo. Pumasok sila sa munting kubo ng kanya Lolo Dilo. " Ano ho nangyari?"tukoy niya sa nakita niya kanina. Bumuntong-hininga ang kanya Lolo Dilo. "May bampira pumatay sa kanya," pagsagot nito. Agad niya naikuyom ang mga palad. "Paano?" "Nagtungo siya ng siyudad hindi siya napigilan ng kanya pamilya at kagabi duguan siya bumalik dito hanggang sa bawian siya ng buhay kaninang umaga.." "Ang sabi niya,isang bampira ang sumugod sa kanya,akala ko hindi na ito mauulit pa,"biguan saad ng kanya Lolo. " Lolo Dilo,"untag niya rito. "Ano yun apo?" "Pinaghahanap na ako ng mga bampira," saad niya. Natigilan ito. "Hindi maaari," anito. "Hindi ka na ligtas,apo..mabuti pang manatili ka na muna rito,"may pag-aalalang saad nito. "Ayokong matunton ng mga bampira ang tribong ito,Lolo Dilo..haharapin ko sila," "Pero apo,ayoko naman na may masama mangyari sayo..nawala na sakin ang iyong ina at ayoko pati ikaw ay mawala sakin.." marubdob na saad nito. "Ayoko naman pong maulit ang nangyari ngayon,Lolo Dilo..nalagasan na kayo ng isang ka-tribo.." Bumaling siya sa labas ng bintana at pinagmasdan niya ang pagdadalamhati ng mga magkakatribo sa pagkawala ng isa sa kanila. Mariin niya ikinuyom ang mga palad. "Hindi ko po sila tataguan,haharapin ko sila,kung kinakailangan gamitin ang pagiging Vi-Olf ko gagawin ko...mapanatili ko lamang ang katahimikan at kaligtasan ng ating lahi,Lolo Dilo.." seryosong hinarap niya ito muli. Mababakas ang pag-aaalala sa mukha ng kanya Lolo Dilo. "Pinangangambahan ko ang maaaring mangyari sayo,Apo..hanggang ngayon wala tayo ideya kung ano pa ang ibang magagawa ng isang tulad mong Vi-Olf..."saad nito. "Hindi natin alam kung ano ang kaya ng isang tulad mo,paano kung ikapahamak mo ang pagiging Vi-Olf mo.."dagdag nito. Wala silang ideya sa isang tulad niya. Wala nakakaalam kung ano nga ba ang kaya ng isang Vi-olf bukod sa taglay niya ang kakayahan ng dalawang uri ng lahi. "Huwag niyo na po iyun alalahanin,Lolo Dilo..ang mahalaga sakin ay ang protektahan ang ating lahi.." Isang pagtango ang itinugon ng kanya Lolo Dilo. Nakaharap siya sa malapad na salamin ng kanya banyo. Nakatitig siya sa kanya repleksyon. Inalis niya ang suot na contact lenses na nagtatago sa totoong kulay ng kanya mga mata. Pagkaalis ng isang pares ng contact lense sa kanya mga mata sumilay ang kulay tsokolateng bughaw na mga mata niya. Ang kulay bughaw na nakapalibot  sa paligid ng kulay tsokolate ng kanya mata. Tinitigan niya ang sarili sa salamin. Ano ba ang maaaring magawa ng isang Vi-Olf na tulad niya? Masama ba o mabuti? Magiging halimaw ba siya? Marahas siya napabuga ng hangin. Isa lang ang mahalaga sa kanya,ang kanya kabutihang loob. Ang adhikain na ipagtanggol ang mga tao at ang lahing lobo sa mga malulupet na bampira. Tama,magtutuos pa sila ng bampirang may kulay puteng buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD