Ang masayang aura ni Prinsipe Jino ay agad na napalitan ng kaseryuhan ng makitang naghihintay sa kanya si Alarcon pagkapasok niya ng palasyo. "Magandang umaga,mahal na Prinsipe..kagabi pa kita hinihintay sa iyong pag-uwi," bungad nito sa kanya pagkalapit niya rito. Pormal na tumango siya rito. "Magandang umaga din,Alarcon..bakit? May habilin ba si Ama?" pagtatanong niya agad rito. Umiling agad ito. "Wala naman..may nais sana ako ipaalam sayo at gusto kong mag-ingat ka sa iyong paghahanap sa babaeng lobo na yun," matiim nitong tugon. Agad na nahinuha niya ang tutukuyin nito. "Alam mong mag-iingat ako sa isang lobo lang...maliban na lang kung may iba pang gustong kumalaban satin?" maingat niyang saad. Agad na natigilan ito at naalarma. Napangisi siya. "Kung ganun,meron nga?" Napatiim-

