Mataman niyang pinagmasdan ang Prinsipe ng mga bampira. "Xania...Si Jino,ang prinsipe ng aming lahi ..." untag ng kaibigan si Marko na ipinakilala nito sa kanya ang lalaking bampira. Ngumiti ito sa kanya at muling naramdaman niya ang kakaibang kalabog ng kanyang dibdib. Pinatili niya ang malamig na ekspresyon sa mukha niya. Wala pa rin siyang tiwala sa Jino ito. Lalo na ito pala ang Prinsipe ng mga lahing bampira. "Jino,si Xania.." baling naman ng kaibigan sa Prinsipe para ipakilala siya. "Isang karangalan na makilala ka,binibining Xania.."nakangiti pa rin ito sa kanya. Hindi siya tumugon bagkus isang mapanuring tingin lang ang tinugon niya rito kahit nakakabagabag sa kanya ang napakagwapo nitong ngiti. Oo..alam niya ang salitang gwapo! "Nais kong bumuo ng isang alyansa para pabags

