Chapter 24

1497 Words

Tyrone Davis ALAM KONG WALA akong karapatang makialam sa problema nina Jah-Jah at ng pamilya niya. Pero nang makita ko si Tito Arthur na kasama ang babaeng mahal ko at nag-aalaga ng ibang anak ay hindi ko magawang hindi makialam. Ano ang ginagawa ni Tito rito sa Arkania? Ano ang plano niya? Hindi maaaring manatili rito ang mga taga-Snowdale na gaya niya. Ang Snowdale ay nasa kabilang isla malapit dito sa Arkania na kung tawagin ay Toraria. Hindi basta-basta nakapupunta rito ang mga tagaroon dahil kailangan nila ng pass mula sa pinuno ng Arkania, Nearon at Albanya -- ang tatlong bansang nagpapatakbo sa buong Ajia. Kung makatanggap man siya ay ilang linggo lang siya maaaring manatili. Pero hindi iyon ang ipinagtataka ko, bakit si Jah-Jah ang inaalagaan niya at si Tita Eli? Paano si Tita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD