SINILIP muna ni Fabio ang sekretarya niya. Mula nang lumabas sa opisina niya si Marinela at napansin niyang tumigil pa talaga ang babae sa harap ni Mario na lalong nagpainit sa ulo niya. Hindi niya tuloy malaman sa sarili kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Gulong-gulo siya. Samantalang kung titingnan ay ikalawang araw pa lang ni Mario sa kompanya niya. Una ay ang training nito at ang mismong araw ng trabaho ngayon.
Napahilot na lang siya sa sentido. Anong mayroon sa lalaki at nagkakaganoon siya. Nagtataka talaga siya sa nararamdaman niya, na hindi naman dapat. Una sa lahat ay lalaki ito at lalaki din siya. Kaya bakit ginugulo nito ang isipan niya.
Para makapagfocus siya sa trabaho ay hindi na lang niya gaanong pinansin si Mario. Isinara niya ang blind cover sa glass wall para hindi ito makita. Walang magandang maiidulot sa kanya, iyong tuwing tutunghay siya, si Mario ang makikita niya sa labas ng opisina niya. Hanggang sa magtanghalian ay hinayaan lang niyang sarado ang blind cover ng glass wall.
Ngunit nagulat pa siya ng madatnan pa rin niya si Mario sa working area nito. Lumabas siya ng opisina para magtungo sa cafeteria noong maglunch break. Hindi na niya nagawang imikan ang binata. Alam na naman nito ang patungo sa cafeteria. Higit sa lahat alam nito ang oras ng lunch break nito, pero naroon pa ang lalaki. Ngayon ngayon nga ay nakabalik na siya ay nasa pwesto pa rin nito si Mario.
Hindi niya alam kung kumain na ba ang lalaki o hindi pa. Pero hindi niya ito nagawang tanungin. Nilampasan na lang niya ito at tumuloy na siya sa opisina niya.
"Malaki na siya. Kaya kung magpapakagutom siya ay problema na niya iyon. Nakahayin sa cafeteria ang pagkain at wala naman sa tabi ko," aniya sa sarili habang inaalis ang pag-aalala sa isipan niyang hindi naman dapat. "Bakit ba kailangan kong mag-alala? Ang dapat inaalala ko, kung paano ko siya mahahanap."
Napabuntong-hininga na lang si Fabio. Nakakapagtaka lang na hindi man lang muling nagpakita sa kanya si Ria. Habang sa kanilang dalawa, mas talo ang babae dahil siya ang nakauna dito. Higit sa lahat, para sa kanya hindi si Ria isang babae na basta lang dumaan sa kanya. May iniwan itong pakiramdam, o alaala na hindi niya maipaliwanag na sa dalaga lang niya naramdaman.
Ipinagpatuloy na lang ni Fabio ang trabaho hanggang sa dumating ang humapon na at magpasya na siyang umalis sa kompanya. Tinapunan lang niya ng saglit na tingin si Mario at nagpatuloy na siya sa paglabas.
Habang nagmamaneho ay hindi malaman ni Fabio kung saan ba talaga niya gustong magtungo. Naguguluhan talaga siya sa sarili niya. Alam niyang lalaki siya ngunit naguguluhan siya ngayon ng dahil lang sa presensya ni Mario.
Patuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa inabot na siya ng gabi. Paikot-ikot lang naman ang ruta niya. Walang siguradong deriksyon. Walang maisip na destinasyon.
Hanggang sa mapagod siya at ihinto niya ang sariling sasakyan sa isang bar. Ang Sweets Liquor Bar.
"Parang dito talaga ako hinatak ng mga paa ko," naiiling niyang saad bago pumasok sa loob.
Siya iyong tipo ng lalaki na hindi talaga umiinom pag stress. Mas gusto niyang idaan sa kape at pastries ang lahat ng problema niya. Hinahayaan niyang ang pagkain ng matatamis ang mag-alis ng isipin niya. Habang ang problema niya, ay pilit niyang gagawan ng solusyon.
Nagawa lang naman talaga niyang uminom noon ng walang kontrol noong iwan siya ni Alison. Sa totoo lang nabigla siya sa pangyayari. Kaya naman pati pag-inom niya ng walang kontrol ay hindi niya namalayan.
Hanggang sa makilala niya si Ria. Si Ria na wala man lang siyang naging balita kung ano na bang nangyari dito o kung nasaan na ba ito.
Nailing na lang siya at pumila sa counter ng cafe. Napangiti pa siya ng mapansin niyang mayroon pang peach mango cake na paborito niya. Kahit sabihing lalaki siya, eh anong magagawa niya kung gusto rin talaga niya ng matamis.
Kahit naman sabihing mayaman siya, or sabihing bilyonaryo siya. Mas gusto pa rin niyang makilala siyang simpleng tao. Na hindi siya makilala dahil mayaman siya. Kundi makilala siya bilang siya.
"Peach mango cake and Coffee Americano," aniya sa server. Ngunit napakunot noo siya ng may marinig na bumulong sa may likuran niya.
Tatalikod na sana ang babaeng bumulong ng hawakan niya ang kamay nito. Ayaw naman niyang maging makasarili. Kung gusto ng babae ng last piece ng cake na iyon, why not na hindi niya ipagkaloob dito. Marami pa namang pwedeng pagpilian.
Ngunit nagulat siya ng sa paghawak niya sa kamay nito ay may naramdaman siyang parang kuryente na dumaloy sa kamay niya. Kaya naman bigla rin niyang nabitawan ang kamay nito.
"I'm sorry," naitugon na lang niya sa babae.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya, hanggang sa magtagpo ang kanilang paningin.
"Ria," usal niya sa isipan. Parang nabato-balani siya sa kagandahang taglay ng babaeng nasa harapan niya.
Ang hirap ipaliwanag, ngunit parang nalunok niya ang sarili dila. Kung totoong si Ria nga ang nasa harapan niya, masasabi niyang mas maganda itong tingnan ngayong hindi siya lasing. Pero kahit noong lasing siya ay ganito na rin itong kaganda.
"Hi," bati niya sa dalaga.
Kitang-kita niya ang paglunok ng dalaga na hindi naman niya alam kung para saan. Kung si Ria nga ang babaeng kaharap niya. Ibig sabihin lang natatandaan siya nito.
"Hello," tipid namang sagot sa kanya ng dalaga. Kahit papaano ay natuwa siya, dahil sumagot ito.
"I'm sorry, but I heard what you said earlier," aniya. Gusto talaga niya itong makausap.
"Ang alin?" Nakakunot nitong sagot sa kanya. Napangiti na lang si Fabio dahil sobra siyang nakukyutan sa dalaga.
Simple lang ang ganda nito, pero para sa kanya, na hindi niya maipaliwanag. Napakaganda nito at parang wala pa siyang nakikitang babae na mas maganda sa babaeng kaharap niya ngayon.
"Iyong last piece pero hindi mapupunta sa iyo? What do mean by that?"
Ngumiti naman ang dalaga sa kanya. Para tuloy may kung anong bagay ang nagkakagulo sa puso niya.
"Ah, sorry. Nagcrave kasi ako sa peach mango cake. Kaya lang last piece na pala, at ikaw ang maswerteng nakabili," malungkot nitong saad.
Pero mas mukhang nalulungkot siya na makita itong malungkot ng dahil lang sa piraso ng cake na iyon. Hindi naman siya kung sino lang, para hindi maging mapagbigay.
"Gusto mo talaga ang cake na iyon? Kasi kung hindi ko narinig ang sinabi mo aalis ka na," aniya na ikinatango nito
Napailing na lang siya. Masyadong cute ang dalagang nasa harapan niya para hindi niya ibigay dito ang nais nito.
"I give you the cake, kung sasamahan mo akong magkape. No need to pay, gusto ko lang ng kausap. Deal?"
Hindi alam ni Fabio kung bakit bigla na lang lumabas sa bibig niya ang katagang iyon. Basta pakiramdam lang niya ay napakagaan ng loob niya sa dalagang kaharap.
Ngumiti naman ang dalaga sa kanya. Parang sa tingin niya ay may pag-asang sumang-ayon ito sa kanya. Wala naman siyang ibang nais sa mga oras na iyon kundi ang makausap ito.
Kanina kasi ng magtama ang paningin nila, si Ria na nakilala niya noong iwan siya ni Alison ang nakikita niya sa dalaga. Iyon nga lang, ayaw naman niyang biglain ito, at baka magulat ito kung bakit niya ito kilala. Ganoong sa tingin niya hindi siya nakikilala ng dalaga.
"Totoo libre? Bakit parang hindi ko kayang tanggihan ang alok mo. Pwede bang lubusin ko na. Kasi kanina habang papunta ako dito. Tea lang ang gusto ko. Pwede bang gawing matcha latte na lang, kung totoong libre mo."
Hindi naman mapigilan ni Fabio ang matawa sa narinig niyang sinabi ng babaeng kaharap. Hindi sa tinatawanan niya ito. Kundi ang cute lang nito habang nagsasabi sa kanya. Bakit sa simpleng bagay na iyon, napapasaya siya ng babae?
"Sure, no problem. By the way hindi pa ako nakakapagpakilala. I'm Fabio Sandoval, and you," tanong niya sa dalaga. Sa totoo lang kanina pa niya itong gustong tanungin sa pangalan nito. Kaya lang wala siyang mahanap na pagkakataon.
"Ria, just call me Ria. Pero hindi ba talaga nakakahiya."
Natigilan siya. Tama siya ng hinala ang babaeng kaharap niya ay si Ria. Ang babaeng naka one night stand niya. Ngunit sa kilos ng babae ay hindi talaga siya nito kilala. O maaaring dahil sa kalasingan ay hindi nito matandaan kung sino siya. Kaya naman nagdadalawang isip siya kung magpapakilala ba siya sa dalaga o hindi na muna. Hanggang sa nanaig sa isipan niyang may tamang panahon pa siguro para pag-usapan ang bagay na iyon.
"Nope, syempre hindi. Kung wala akong balak ilibre ka. Hindi na sana kita pinansin nang marinig ko ang bulong. Kaya don't worry. Nga pala, bakit Ria lang? Surname?" tanong pa niya.
"Maybe some other time Sir. But for now, I'm Ria," sagot ng dalaga sa kanya.
Kung ayaw magsalita ni Ria sa totoong pangalan nito ay makokontento na lang muna siya. Mahalaga, nakita niya itong muli. Kahit sa tingin niya ay hindi talaga siya natatandaan ng dalaga.
"Okay Ria, I'll order your matcha latte and I give you the peach mango cake. Oorder na lang ako ng ibang dessert. How about blueberry cheesecake?"
Nakita niya ang paglunok ni Ria, mukhang ayaw lang nitong magsalita. Pero natutuwa talaga siyang makita ito ngayon. "Ako na lang ang bahala. Hanap ka na lang ng table for two and wait me there," utos niya naman sa dalaga.
"Yes Sir!" sagot nito na ikinakunot ng noo niya.
Bakit biglang pumasok sa isipan niya ang lalaki niyang sekretarya sa sagot ng dalaga sa kanya.
Napailing na lang siya. Kung anu-ano at kung sino-sino ang naiisip niya. Ganoong si Ria ang kasama niya.
Sa totoo lang masaya siyang makita si Ria sa mga oras na iyon. Sana lang ay magkaroon pa ulit ng maraming pagkakataon na makasama niya ito.