Chapter 9

1647 Words
KAHIT malamig ang paligid ay hindi mapigilan ni Ria ang pamukalan ng pawis. Hindi talaga niya alam kung paano siya kikilos sa harapan ng boss niya, na sa tingin naman niya ay hindi siya nito nakilala. Abot tanaw pa rin siya dito habang nasa harapan ito ng counter. Mukhang good mood na ito ngayon at hindi na katulad kanina sa opisina na badtrip ito kay Mario. Nakatingin lang siya sa likuran ng boss niya, habang nasa may counter, at mukhang nagbabayad na sa may cashier. Hindi talaga niya mapigilang mapaisip kung bakit napakasaya nito ay ngayon lang naman sila nagkita. Kung tutuusin ay ngayon lang sila nagkakilala at, as in totally strangers talaga sila. Maliban sa kanya na kilala naman niya ito kasi boss niya ito sa bago niyang trabaho. Iyon nga lang hindi bilang Ria. Kundi bilang Mario. "Your latte, and a peach mango cake for the lady," ani Fabio na ikinapitlag naman ng babaeng kaharap. "I'm sorry nagulat ba kita? Akala ko kasi napansin mo na akong papalapit sa iyo. Akala ko kasi kanina sa akin ka nakatingin." "I'm sorry, hindi ko sinasadya. Thank you," sagot ni Ria ng mapansin niya ang mga slice ng cake na nasa table nila. Hindi niya mapigilan ang paglunok ng laway. Parang gusto niyang tikman lahat. Kaya lang hindi naman kanya ang mga cake na iyon. Marahan niyang hinaplos ang tiyan. Mukhang magpapasaway pa ang anak niya. Paano niya titikman ang lahat ng iyon, heto nga at swerteng dahil sa rant niya. Boss pa niya ang nakarinig sa kanya. Kaya ngayon nilibre siya nito. "Thank you dito." Turo pa ni Ria sa latte at peach mango cake niya. "Dig in," sagot ni Fabio na ikinatango niya. Natigilan naman si Ria ng mapansing nakatingin lang sa kanya ang boss niya. Kahit alam niyang hindi siya nito kilala, ay nakakailang talaga ang titig ng lalaki sa kanya. Katulad pa rin kahit si Mario siya. Kumakalabog ang puso niya. "May problema ba?" "Ahm, Ria may natatandaan ka bang pangyayari or isang lugar na napuntahan mo na. Or may natatandaan ka bang halimbawa party, event or meetings ganyan na sa tingin mo ay parang nagkita na tayo," tanong ni Fabio na ikinakunot ng noo ni Ria. "Maraming beses na, noong isang araw at kanina lang sa opisina mo. Ang sungit mo pa nga. Kung anu-ano ang sinabi mo sa akin, eh wala naman akong ginagawang masama. Isa pa, hindi ko naman hinaharot iyong babae mo. Si Ms. Marinela. Aba'y kung lalaki ang bet niya, ay mas lalong lalaki rin ang gusto ko. Lalo na kung ang makikilala ko ay ang tatay ng anak ko," usal niya sa isipan. Bagay na gusto niyang sabihin sa boss niya. Kaya lang hindi pwede. "Ria?" untag nito na ikinagulat niya. "Sorry. Ah hindi pa. Maybe this is our first time na magkita tayo?" Napangiwi pa siya. Hindi naman kasi talaga iyon ang first time na nagkita sila. Magkasama pa nga sila kanina sa opisina nito, habang nagsusungit "Talaga? Wala ka ba talagang natatandaang pagkakataon na nagkita na tayo?" tanong pa rin ni Fabio sa dalaga na ikinailing niya. Hindi malaman ni Ria kung ano ang pinupunto ng boss niya. Kung nagkita na sila noon, malamang kilala niya ito. Kaya lang, hindi pa naman talaga sila nagkikita. Maliban noong nag-apply siya ng trabaho dito, bilang sekretarya nito. "Alam mo Sir, kung nagkita na tayo noon, siguro matatandaan naman kita. Pero wala talagang chance sa isipan ko na nagtagpo na tayo. Maybe nagkasalubong. Pero sorry talaga hindi ko maalala. Or wala talagang pagkakataon na nagkita tayo," aniya. Pero ang mukha ng boss niya ay parang hindi satisfied sa sagot niya. Pero masatisfied man ito o hindi. Wala talaga siyang natatandaang nagkita sila nito noon bilang siya si Ria. Maliban sa nito lang, nang maging si Mario na siya at sekretarya nito. Kitang-kita niya ang paghugot ng hangin ng boss niya. Mukha pa itong may sasabihin. Ngunit hindi na rin nito itinuloy. Bagkus ay sumimsim na lang ito ng kape nito. Siya naman ay nagpatuloy sa pagkain ng cake. Nang maalala niyang magpasalamat muli. "Thank you nga pala ulit sa libre, Sir," aniya na halos maubos na niya ang peach mango cake niya. "Just call me Fabio. Sobrang formal naman ng Sir." "Okay, Fabio." "It's nice to hear my name, coming from you Ria." Bigla namang kumabog ang dibdib ni Ria. Kakaiba talaga ang pakiramdam niya sa boss niya. Talagang wala pa namang ginagawa, pinapabilis na ang pagtibok ng puso niya. "Ah, ganoon ba? Ikaw naman kasi ang may sabing Fabio na lang ang itawag ko sa iyo. Kaya naman, sinunod lang kita." Iyon naman kasi ang katotohanan. Ano bang espesyal sa pagtawag ko sa pangalan niya? Sa tingin ko naman ay wala. Maliban sa pinapakabog nito puso niya. "Ria, last question na. Wala ka ba talagang naaalala na nagkita na tayo. Tulad ng halimbawa, ilang buwan na ang nakakalipas?" Napaisip pa rin naman si Ria. Pero wala talaga siyang maalala na nagkita sila ng boss niya. Hanggang sa maalala niya ang lalaking naka one night stand niya. Muli niyang pinagmasdan ang boss niya. Ngunit mabilis ding inalis ang kung anong bagay na dumaan sa isipan niya. Imposibleng ang boss niya ang nakasama niya noong time na iyon. Ang alam niya, hindi mahilig uminom ng alak ang boss niya. Mas gugustuhin pa nitong uminom ng kape tulad ngayon kaysa uminom ng alak. Nalaman niya ang bagay na iyon kay Ms. Suarez. Kaya imposibleng ang boss niya iyon. Dahil ang lalaking ama ng anak niya, lasing na lasing noong gabing iyon. "Sa tingin ko talaga Sir, ay hindi pa talaga." Napangiti na lang si Ria sa pagtango mg boss niya. "Sa tingin ko talaga, nagdududa na ang boss ko sa itsura ko. Although kamukha ko pa rin naman si Mario. Kaya lang, lalaking-lalaki na ako pag si Mario ako at hindi mahahalata na babae ako. May ginagamit pa nga ako para maitago ang dibdib ko. Isa pa perks of being na maliit ang hinaharap. Kaya dapat talaga hindi niya maisip ang mukha ni Mario. Kung hindi lagot talaga ako. Malamang si Mario talaga ang naiisip ng boss ko. Naku Fabio tama na ang pag-iisip. Need ko ang trabaho sa iyo. Kailangan ko ng pera para sa future namin ng baby ko," anas pa niya. Habang nananalanging huwag maalala ng boss niya si Mario, na alam niyang kamukha niya. Paanong hindi, ay siya rin iyon. "Baka nga nagkakamali lang ako. Kain ka pa," sagot ni Fabio sa kanya, ng mapansin niyang last bite na ng peach mango cake niya ang isinubo niya. Napalunok na naman si Ria ng mapatingin sa iba pang slice ng cake sa table nila. "Gusto mo? Kain ka lang. If mauubos mo, why not di ba? Basta kaya mong ubusin walang problema." Halos manlaki naman ang mga mata ni Ria sa narinig na sinabi ng boss niya. Daig pa niya ang nanalo na lotto ng marinig ang sinabi nito. Sinong hindi matutuwa. Halos nasa anim na flavor ng cake ang nasa lamesa. At ang boss niya, ni isang slice cake wala pa itong binabawasan. Maliban sa Coffee Americano nito na iniinom nito. "Seryoso ka?" aniya na ikinatango nito. "Pero, ngayon lang tayo nagkakilala. Tapos ililibre mo ako. Hindi ba nakakahiya, lalo na at ang mamahal ng bawat slice ng cake dito." Sa totoo lang masaya siya kung matitikman niyang lahat ang flavour ng cake sa Sweet Liquor Bar. Para ngang na excite rin ang baby niya. Hindi pa man niya nararamdaman ang pagpitik nito. Lalo na at nasa unang buwan pa lang ito ay nararamdaman niya ang init ng buhay sa sinapupunan niya. Kaya lang nahihiya naman siyang makita ng boss niya na mukhang patay gutom. Mayroon pa rin naman siyang natatagong hiya sa katawan. Ayaw din niyang abusuhin ang kabaitan ng boss niya. Nailibre na siya nito at sapat na iyon. Siguro ay ibabawas na lang niya pagnakasweldo siya ang pambili ng mga cake na iyon. Iyon ay kung hindi pa siya nito aalisin sa trabaho pagpasok niya bukas. "It's okay. Binili ko lang naman ang lahat ng iyan, kasi sa tingin ko magugustuhan mo. Pero kung ayaw mo, hayaan mo na lang dyan. Ipalinis na lang natin sa waitress nila," wika nito na ikinalaki ng mga mata niya. Grabe naman itong boss niya. Sayang ang cake. Mapupunta lang sa basurahan ang mga iyon. Mas mabuting siya na lang ang kumain. Kaysa masayang. Nagtitipid na nga siya, tapos mag-aaksaya pa siya ng pagkain. Naku, iyon ang bagay na hindi niya gagawin. "Naku hindi naman. Pero kung seryoso ka talaga na ipakain ang lahat ng ito sa akin, ay kakainin ko na talaga ang mga ito. Alam mo, masama ang tumatanggi sa grasya, nilalayuan ng biyaya. Kaya thank you dito ha," nakangiti pa niyang sagot bago sinimulang kainin ang blueberry cheesecake na nasa harapan niya. Hindi mapigilan ni Ria ang sarili na hindi mapapikit sa sarap ng cake na kinakain niya. Mukhang mamumulibi siya sa cravings ng baby niya. Kaya talagang nagpapasalamat siya sa boss niyang hindi siya kilala. Pero heto at nilibre pa talaga siya. "Thank you Fabio," aniya kay Fabio sabay ngiti. Ngiti lang din naman ang isinagot ni Fabio sabay simsim sa kape nito. Si Ria naman ay nagpatuloy sa pagsubo ng cake. Habang abala si Ria sa pagkain ng mga cake sa kanyang harapan ay hindi niya napansin ang matamis na ngiti ni Fabio. Ngiti na puno ng pagkamangha at paghanga. Bagay na hindi naramdaman ni Fabio sa iba. Maliban kay Ria. Hanggang sa pumasok bigla sa isipan niya ang sekretarya niya. Bigla na lang ipinikit ni Fabio ang mga mata at pagmulat ng kanyang mga mata, itinuon na lang niya ang tingin kay Ria. Si Ria ang kasama niya, kaya dapat kay Ria lang ang atensyon niya. At hindi sa isang lalaking walang kamalay-malay na malamang na nasa bahay na nito at nagpapahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD