Chapter 10

1620 Words
MABILIS na napatayo si Mario ng biglang pumasok mula sa pinto ang boss niya. Halos kadarating lang din niya ng opisina at hindi pa siya nakakapaglinis ng pinaka opisina ng boss niya. Maliban sa mga papeles na nakita na lang niya sa table niya, na ipinasok niya kaagad kanina sa opisina ng boss niya. Pero itong si Fabio, mas maagang pumasok sa kompanya nito higit sa inaasahan niya. Tulad ngayon, naroon na kaagad ito, na dapat ay mamaya pa ang pinaka dating nito. Napalunok naman si Mario ng maalalang hindi nga pala siya sigurado kung tuloy pa ba siya bilang sekretarya nito, o talagang, naging pakonswelo sa kanya, ang pagkikita nila kagabi, bilang siya si Ria at hindi si Mario. Hindi tuloy niya malaman kung babatiin niya o hindi ang boss niya. Hindi pa rin naman siya talaga sigurado kung wala na ang init ng ulo nito sa kanya. O assuming lang talaga siya na sa ngayon na sa isip niya ay okay na siya dito. Kahit ang totoo ay hindi pa naman pala talaga. Sa totoo lang umaasa pa rin siyang, hindi ito galit at may trabaho pa talaga siya. Malapit na sa pwesto niya si Fabio ng maglakas loob siyang batiin ito. "Good morning Sir!" Pikit mata niyang saad. Ngunit hindi niya inasahan na ngingitian siya ng lalaki. "Good morning Mario. What's my schedule?" Bati nito at nagtuloy na kaagad sa opisina nito. Pagkasara pa lang ng pintuan ng opisina ng pinaka boss niya ay mabilis din siyang nagtungo doon. Kumatok siya kaagad. Narinig naman niya na pinapapasok naman siya kaagad ng boss niya. Nakatingin lang sa kanya si Fabio na sa tingin niya ay sinusuri siya. Pero hindi naman ito nagsasalita. Kaya naman hindi niya alam kung ano ang saloobin nito. Mabilis naman niyang inilibot ang paningin sa kabuoan ng opisina ng boss niya. Malinis pa rin naman. Wala naman kasing nagkakalat doon kaya ang plano niya ay maglinis na lang paglumabas ito ng lunch break. Dahil walang nagsasalita sa kanilang dalawa, ay siya na ang naglakas loob na magsalita. Inisa-isa niya ang schedule nito ng meeting sa araw na iyon. Hindi naman marami, dalawa lang naman at sa hapon pa. At ang marami ay ang mga kailangan pirmahan. "Okay! You may go," tugon ni Fabio sa kanya, pero hindi naman siya makaalis sa pwesto niya. Gusto niyang makasigurado na hindi na ito galit sa kanya. At may totoong trabaho pa rin siya. Kahit sabihing walang sinasabi ngayon si Fabio sa kanya. Paano kung mamaya, ipatawag na lang siya ng HR, at sabihing last day of work na niya ngayon. Kahit kasisimula pa lang niya. "May kailangan ka pa?" Napatuwid siya ng tayò. Kahit sabihing lalaking-lalaki siyang tingnan ay babae pa rin naman siya. Sa puso at kaluluwa. Iyong kaba niya, hindi niya malaman kung hanggang saan na nakarating. Parang nahihilo na siya sa mga oras na iyon at parang gusto niyang masuka. Ngunit may mas kailangan siyang malaman sa mga oras na iyon, ang tungkol sa kinabukasan nilang mag-ina. Este kung may trabaho pa pala siya. Palihim niyang hinawakan ang sinapupunan, gamit ang tablet kung saan nakalagay ang mga schedule ng boss niya. Iniharang niya iyong sa may puson niya. Mabuti na lang at malapad iyon. Kaya naitago niya ang marahan niyang paghaplos sa sinapipunan niya. Para pakalmahin ang anak niya. Hindi siya maaaring magkalat ngayon sa loob ng ospisina ng boss niya. Kahit parang maduduwal na talaga siya sa labis na kaba. "Sir, galit po ba kayo sa akin? Paaalisin na po ba ninyo ako sa trabaho? Hindi ko naman po sinasadyang makipag-usap sa bisita ninyo kahapon. Tinanong ko nga po kung gusto niyang tawagin ko kayo pero ayaw niya. Hindi ko rin po akalaing mauupo siya sa tabi ko. Sir, wala po akong planong makipagrelasyon sa kahit na kanino. Lalo na dito sa loob ng kompanya mo. Kailangan ko po ng trabaho. Kailangan ko po ng pera. At itong pagtanggap ninyo sa akin bilang sekretarya ninyo ay napakalaking tulong sa akin," pag-amin niya. Napayuko na lang si Mario. Hindi niya kayang salubungin ang tingin ng boss niya sa kanya. Pero gusto lang talaga niyang iparating dito kung ganoon niya kailangan ng trabaho niyang iyon. Nang tumikhim ito ay napatunghay siya. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi naman niya magawang magbawi ng tingin. Lalo na at tinamaan na siya lalo ng hiya. Kitang-kita niya ang pagbuntong-hininga ng boss niya. Ang pagsalikop ng dalawa nitong palad at ang pagsandal nito sa upuan nito. Habang ang tingin nito ay hindi inaalis sa kanya. Ngumiti ito sa kanya. Tipid na ngiti na nagpabilis ng pagtibok ng puso niya. Ganoong-ganoong ngiti ang nasaksihan niya kagabi, bilang totoong siya at ang hindi nagpapanggap na si Mario. Ang ngiting nagpapabilis ng pagkabog ng puso niya. "What do you think Mario?" sagot nito kaya napalabi siya. Napanguso tuloy siya. Bakit naman kasi nagtatanong siya ay tanong rin ang isasagot ng boss niya? Pwede namang sumagot ng walang paligoy-ligoy. Napansin ni Mario ang pagkunot noo ni Fabio. Kaya naman napatayo siya ng tuwid. Bigla rin siyang nagbawi ng reaksyon. Si Mario nga pala siya at hindi si Maria Angela. Gusto na niyang kutusan ang sarili niya, at muntikan na siyang nawala sa pagpapanggap niya. "H-hindi ko po s-sigurado Sir." Bigla na lang nagbitiw ng malutong na tawa si Fabio na ikinagulat niya. Parang tumalon ang puso niya. Hindi maintindihan ni Ria kung bakit ganoon na lang epekto ng boss niya sa kanya. May kakaiba rin siyang nararamdaman sa sinapupunan niya. Pakiramdam niya ay nagdiriwang rin ang anak niya na marinig ang tawa ng boss niya. Napailing na lang siya. Ano naman ang kaugnayan ng anak niya sa boss niya. Siguro ay nararamdaman lang ng anak niya, na nawawala na ang kaba na nararamdaman niya kahit papaano. "Sir," aniya. Unti-unti namang pinigilan ni Fabio ang sarili sa pagtawa. At muling tumingin sa sekretarya niya. Nailing na lang siya. "Hindi ako galit, at wala akong planong paalisin ka. Una sa lahat, kahit kasisimula pa lang, kitang-kita ko ang dedikasyon mo sa trabaho mo. Isa pa, kalimutan mo na iyong mga nasabi ko sa iyo kahapon. At pasensya na rin kung may nasabi akong hindi maganda. Naiirita lang talaga ako kay Marinela. Dahil napakakulit ng babaeng iyon. Pero wala talaga akong ibang ibig sabihin. I mean, I didn't mean what I said to you." Napatango naman si Mario. Sa totoo lang ay nakahinga siya ng maluwag. Iyon lang naman talaga ang gusto niyang marinig. Ang kasiguraduhan na hindi siya mawawalan ng trabaho. "Thank you Sir. Mas pagbubutihan ko pa po talaga ang trabaho ko. Natakot lang po talaga akong mawalan ng trabaho. Hindi na ako makakahanap ng kompanya na katulad nitong kompanya ninyo na may transparency sa pasahod. At may malasakit sa empleyado." "Thank you. As a company owner. Ang mga ganyang bagay ay isang compliment para sa kompanya. Isa pa masyado akong masaya ngayon," hindi mapigilang saad ni Fabio na ikinakunot noo ni Ria. Totoong kanina pa niya napapansin na parang ang good mood ng boss niya. Wala siyang idea. Siguro ay may magandang nangyari, dito bago ito pumasok sa opisina kanina. O kaya naman ay may magandang nangyari dito matapos nilang maghiwalay na dalawa kagabi. Matapos kasi nilang kumain ng cake, na sa katunayan ay siya lang naman ang kumain at umubos ng inorder ng boss niya ay naghiwalay na silang dalawa. Balak pa sana nitong ihatid siya. Pero hindi na nito nagawa nang biglang may dumaang dyip ay sumakay na siya kaagad. Habang ang boss niya ay kukuhanin pa lang nito ang sasakyan nito sa may parking lot. Nagkapalitan lang sila ng cellphone number. Nagpapasalamat na lang siyang dalawa ang number niya. Ang isa ay ang inilagay niya sa resume niya na ginamit sa kompanya. At ang isa ay personal number niya. Iyon naman ay ginagamit lang niya, pagmagpapaload siya para may pang-data siya. At iyon ang ibinigay niya sa boss niya, bilang siya si Ria. Pagkarating niya sa bahay ay nagsabi lang siyang nakauwi na siya ng maayos at ligtas. Tulad ng pangako niyang magpapadala ng mensahe dito. Tapos noon ay nagpadala lang din ito na nakauwi na ito sa kung saan mang bahay ng boss niya. Bago siya tuluyang matulog para makapagpahinga. "Ganoon po ba? Good for you Sir. Mas gwapo ka pag masaya ka at nakangiti ka," hindi mapigilang papuri ni Mario sa kanya. Natigilan naman si Fabio. Bakit iba ang dating ng pamumuri na iyon ni Mario sa kanya? Bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Unti-unti niyang inabot ang parte ng dibdib niya kung saan naroroon ang puso. Parang gusto na nitong lumabas sa rib cage niya. Muli ay tinitigan ni Fabio si Mario. Walang mali sa lalaki, mukhang sa kanya talaga may mali. Pinilit niyang pakalmahin ang puso niya. "Thank you. You may back to work. Sabihan mo na lang ako kung may dapat pa ba akong pirmahan bukod sa mga narito sa table ko. At tatawagin na lang kita pag may kailangan ako." Tipid na ngiti ang isinunod ni Fabio kay Mario. "Okay Sir!" May diin at may kaseryosohan na sagot ni Mario sa kanya. Mayroon din itong tipid na ngiti, bago siya nito tinalikuran at naglakad patungo sa may pinto. Lalaking-lalaki rin itong naglakad palabas ng opisina niya. Hanggang sa maisara nito ang pintuan. Saka lang pinakawalan ni Fabio ang kanyang paghinga. Pigil na pigil pala niya iyon, habang kaharap si Mario. "What the fvck is happening to me? He is a man and I am a man too for a fvcking sake! Oh God!" ani Fabio at mabilis na tumayo mula sa upuan niya. Tinungo niya ang kanyang mini kitchen para magtungo sa kanyang mini ref, at kumuha ng malamig na tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD