Chapter 11

1879 Words
ISANG buwan na ang nakakalipas mula ng maging sekretarya ni Fabio si Mario. Masasabi niyang maayos itong magtrabaho at hindi talaga niya nakikitaan ng pagiging petiks. Ang katulad ni Mario talaga ang masasabi niyang kayamanan ng isang kompanya. Nakikita rin naman niya itong nagpapahinga. Ngunit tuwing oras lang talaga ng break nito, at tuwing lunchtime mismo. Papalabas pa lang ng mismong opisina niya si Fabio ng mismong sinsayan niya si Mario sa pwesto nito. Seryoso ang sekretarya niya sa pagtitipa sa keyboard nito at sa tingin niya ay hindi siya napapansin nito. Kumatok si Fabio sa ibabaw ng lamesa nito. Noon lang nag-angat ng tingin sa kanya ang sekretarya niya. Ngunit nagulat si Fabio sa tingin na iyon. Dahil hindi si Mario ang rumehistro sa paningin niya. Kundi ang mukha ng maganda at maamong mukha ni Ria. "Sir!" Nagulat pa si Fabio ng marinig ang pagtawag sa kanya ni Mario. Hindi niya akalaing matutulala siya habang nakatingin sa mukha ng binata. Hindi tuloy niya malaman kung bakit sa lahat na lang ng pagkakataon ay nakikita niya ang mukha ni Ria. Higit sa lahat, tuwing si Mario ay kaharap niya. Hindi niya masabing naguguluhan siya. Dahil gusto man niyang aminin sa dalaga ang nararamdaman niya ay hindi naman niya magawa. Tuwing kaharap niya si Ria ay umuurong ang lakas ng loob niya. Lalo na sa isiping hindi man sila palaging nagkikita ay napakabilis pa rin naman talaga, kung sasabihin niyang hindi na ito maalis sa isipan niya. Paanong hindi? Mula noong gabing may mangyari sa kanila, hindi lang kasi damit niya ang dinala ni Ria. Mukhang pati ang puso niya. Bagay na hindi niya maamin sa dalaga. At isang buwan mula ng magkita silang muli ni Ria sa bar ay ilang beses na rin naman itong nagpaunlak na magkita sila. Kaya lang hanggang ngayon hindi niya malaman kung saan ito nakatira. Ang malala pa, ni ang buo nitong pangalan ay parang inililihim pa ng dalaga sa kanya. Ayaw naman niyang pilitin ito. Kaya nakontento na lang siya sa ilang impormasyon na ibinigay nito sa kanya. Ang mahalaga ay single ito dahil hindi na ito nakipagbalikan sa ex-boyfriend nitong gago. "I'm sorry," sagot niya. Tumingin pa siya sa relo na nasa dingding. Nasundan din naman ni Mario ng tingin ang tinitingnan niya. "Pasensya na Sir. Lunch na po pala. Hindi ko na kayo napuntahan." Mula noong naging maayos sila, bilang boss ay sinasabihan ni Mario si Fabio tuwing lunch break. Pero ngayon ay si Fabio pa ang nagpaalala kay Mario. "It's okay. Lunch na rin naman, sumabay ka na sa aking maglunch," aya ni Fabio. Napalunok naman si Ria sa sinabing iyon ng boss niya. Oo nga at hindi sumasama ang pakiramdam niya sa oras ng trabaho. Mukhang marunong makisama ang anak niya. Ang problema lang niya, ay mukhang ayaw naman siyang pakainin ng lunch ng anak niya ngayon. Makaamoy lang kasi siya ng pagkain tuwing tanghali ay nasusuka na siya. Kaya tuwing lunch ay tubig at skyflakes lang ang kinakain niya. Bumabawi na lang siya sa gabi, pag-uwi niya ng bahay. Hindi talaga niya afford na magsuka at sumama ang pakiramdam habang nasa trabaho. "Naku Sir, salamat po. Kaya lang busog pa po talaga ako," pagsisinungaling niya. Napakunot noo naman si Fabio. Nakita naman niyang mula pa kaninang umaga ay wala namang kinakain ang sekretarya niya. Paano naman ito mabubusog? Isa pa, libre ang pagkain sa kompanya niya. Kaya wala itong dapat problemahin sa lunch nito. "Naku Mario, tumayo ka na. Sabay ka na." "Sir, ayos lang po talaga. May isa pa naman po akong break mamayang hapon. Iyon na lang ang gagamitin kong oras para kumain once na magutom po ako. Talaga lang pong, okay lang ako at busog pa." Wala na rin namang nagawa si Fabio kundi hayaan ang sekretarya niya. Lalaki ito, at alam nito ang daan patungo sa cafeteria kung magutom man ito. Hindi na niya pinilit si Mario na maglunch. Lumabas na siya para magtungo sa cafeteria. Malapit na si Fabio sa may elevator ng makapa niya sa kanyang bulsa na wala doon ang cellphone niya. Kaya naman mabilis siyang tumalima para balikan iyon. Pagkapasok niya ay napakunot noo siya ng mapansin ang pwesto ni Mario. May nakatakip sa mata nitong panyo at nakatingalang nakasandal sa upuan nito na mukhang natutulog. Wala naman siyang planong abalahin ng binata. Wala naman siyang magagawa kung mas gusto nitong gamitin ang oras ng lunch break nito sa pagtulog kaysa kumain. Ngayon nauunawaan na niya kung bakit ayaw ni Mario na sumabay sa kanya sa pagkain. Maaaring may ginawa ito kagabi kaya napuyat. Nailing na lang siya. Akmang lalampasan niya si Mario ng muling maagaw ng kanyang paningin ang leeg ng binata. Makinis iyon at napakaputi. Ngunit napakunot na naman ang kanyang noo ng mapansing pantay iyon. "May lalaki ba talagang walang adams apple?" naitanong niya sa sarili, sabay hawak sa kanyang leeg. Doon niya naramdaman ang adams apple niya. Normal lang ang pwesto niya, pero kita at ramdam na ramdam niya ang adams apple niya. Pero si Mario na nakatingala na nga, pero kahit kauting bukol ng adams apple ay wala. Napalunok si Fabio ng laway. Pakiramdam niya ay parang nag-iinit ang kanyang katawan sa pamamagitan lang ng pagtitig sa leeg ni Mario. May kung ano na namang pakiramdam ang binubuhay ni Mario sa kaibuturan niya. Gusto niyang sapakin ang sarili. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari sa kanya. Bakit pag si Ria ang kaharap niya, pakiramdam niya ay wala na siyang ibang nakikita kundi ang dalaga. At pagkaharap si Mario, parang ganoon din. Mababaliw na siyang talaga. Lalaki siya at babae ang gusto niya. Kung mayroon mang isang tao na gusto niyang makapasok sa puso niya, si Ria iyon at wala ng iba. Wala siyang balak pumatol sa kapwa niya. Eva ang gusto niya, at hindi ang isang Adan, na sa tingin niya kahit maliit ay lalaking-lalaki rin naman talaga. At hindi tulad ng ibang, mararamdaman mong pumipitik talaga. Hindi niya hahayaang masira ang lahi niya, ng dahil lang sa magulong nararamdaman niya. Humugot siya ng hangin para kalmahin ang sarili. Muli siyang napatingin sa leeg ni Mario. Nagtataka lang talaga kung paano nangyari ang bagay na iyon. Nasa malalim na siyang pag-iisip kung paano nangyari na walang adams apple si Mario ng alisin nito ang panyo na nakatabon sa mata nito at umayos ng upo. Antok na antok talaga si Ria. Kaya lang, bakit ba naman sa dami ng pagkakataon na pagmamasdan siya ng boss niya ay kung kailan oras pa ng pag-idlip niya sana. Hindi naman siya makakaidlip kung may nakatingin sa kanya. Kaya wala siyang pagpipilian kundi ang iparating ditong gising naman siya. Bali gising pa siya, patulog na sana. Nagmadali na nga siyang umayos ng makalabas ang boss niya. Gusto talaga niyang idaos ang saglit na pag-idlip. Kaya lang mukhang nabulilyaso pa. Hindi na nga siya basta nakita tinitigan pa siya. Ewan ba niya kung bakit. Mula nang magbuntis siya ay parang ang lakas-lakas ng pakiramdam niya. Lalo na pag mayroong nakatitig sa kanya. "Sir!" aniya, at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo. Nahihilo pa talaga siya. Kaya lang nilalabanan niya ang hilo at antok. "Inaantok ka?" Gustong-gusto irapan ni Ria ang tanong na iyon ni Fabio. "Obviously boss! Iidip ba ako kung hindi ako inaatok!" anas niya sa isipan. Kung pwede nga lang sana niyang ibulalas ay ginawa na niya. "Medyo Sir. Wala naman akong ibang kasama sa bahay. Kaya syempre, ako ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Kaya late na akong nakatulog," pagsisinungaling niya. Sa katunayan, pagkauwi niya ay kakain lang siya at matutulog na. Dahil sa madaling araw, magigising siya at magsusuka. Tapos noon papasok na sa trabaho. At pagdating sa trabaho, inaantok na naman siya. Ang mga labahin nga niya, ay laundry shop na ang namamahala. Hindi na niya kayaning maglaba. Kaya naman never siyang nagsuot ng makapal na damit. Para naman, mura lang palagi ang bayad niya pagnagpapalaba. Napatango naman si Fabio. Siya man ay mag-isa lang sa bahay niya. Kaya lang, may stay out siyang katulong. Kaya naman lahat ng gawaing bahay, bago siya umuwi ay tapos na. Isa pa, malinis naman talaga ang bahay niya. Karaniwan lang niyang kalat ay mga labahin. Dahil ang pagluluto ng pagkain niya at pagdadayag ng mga ginamit at pinagkainan niya ay kaya na niyang gawin. "Okay, bumalik lang ako at naiwan ko ang cellphone ko," ani Fabio at nilampasan na rin si Mario. Nakahinga naman ng maluwag si Ria. Pakiramdam niya ay makakatulog na siya kahit papaano paglumabas at kumain na ang boss niya. Matagal pa naman itong kumain, lalo na at palagi nitong kasabay kumain ang mga tao sa HR department. Lumabas na ulit si Fabio sa pinaka opisina nito ng muli itong huminto sa tapat ni Mario. Mukha itong may nais sabihin. Pero hindi naman masabi kung ano. Kaya naman si Ria na ang nagtanong. Gusto na talaga niyang palayasin ang boss niya. Kasi tutulog talaga siya. "Sir may sasabihin ka?" Ilang beses pa itong tumikhim, bago nagsalita. "Bakit wala kang adams apple?" Direkta nitong tanong kaya napalunok siya. Bakit ba naman napansin pa iyon ng boss niya? Malamang wala talaga siyang adams apple. Saan naman siya kukuha noon? "Ah, kasi Sir, baka ganito talaga minsan. Naisip ko rin na dahil hindi na ako tumangkad ay hindi rin nagpakita ang adams apple ko," pagsisinungaling niya. Aminado naman kasi siya na sa height niya, kahit alam niyang matangkad na siya ay maliit pa rin siya kompara sa boss niya. Lalo na at lalaki siya sa paningin nito. "Really? May ganoon ba talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Fabio. Bakit ngayon lang niya nalaman ang bagay na iyon? At may ganoon ba talaga? Napangiwi naman si Ria. Syempre walang ganoon. Gawa-gawa lang niya iyon eh. Makalusot lang ba. "Oo boss. Meron akong adams apple hindi lang talaga halata." Kitang-kita ni Fabio ang paghagod ni Mario sa lalamunan nito. Kaya naman napalunok siya. Kaya naman bago pa makita ni Mario ang kakaibang reaksyon niya ay tinalikuran na niya ito. "Wala ka talagang balak maglunch?" Wala sa ano ay tanong ni Fabio. "Mamaya na lang Sir." Tumango na lang si Fabio at nagsimula ng maglakad palabas ng opisina. Pagkasarado ng pintuan ay napahawak si Fabio sa kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang mabilis na pagtibok ng puso niya, ay si Mario lang naman ang kaharap niya. Samantala, nakasunod lang ng tingin si Ria sa likuran ng boss niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ganoon ang pakiramdam niya. Pero isa lang ang masasabi niya. Kahit palagi niya itong nakikita bilang sekretarya nito ay nakikipagkita pa rin siya dito bilang Ria. Dahil sa kadahilanang humahanga talaga siya dito. Sinong hindi hahanga sa boss niya. Gwapo ito, at isa pa ay mabuting boss din ito. Kaya lang hindi niya magagawang lumapit dito kung si Mario siya. Lalo na at mukhang pinaglilihihan niya ang boss niya. Hanggang sa sumara ang pintuan ay nakatingin lang doon si Ria. Hindi niya mapigilan ang mapangiti ng mapansin ang pamumula ng pisngi ng boss niya. Napahawak tuloy siya sa sinapupunan niya. "Hay baby, ang cute ng boss ko di ba? Sana ay kasing cute at gwapo din niya ang daddy mo. Kung nakita, o naalala ko man lang sana ang mukha niya. Kung nalaman ko man lang sana ang pangalan niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD