NAG-AAGAW na ang diwa at kamalayan ni Ria ng biglang tumunog ang cellphone niya. Gustong-gusto niyang mainis sa mga oras na iyon. Gusto niyang magwala at sabunutan ang kung sino mang pangahas na umabala sa kanya.
Kanina pa naaabala ang pag-idlip niya. Una ay nang biglang bumalik si Fabio, para kunin ang naiwang cellphone nito. At ngayon ay ang pagtunog ng cellphone niya.
Antok na antok talaga siya. Kaya nga mas gusto niyang matulog kaysa kumain. Lalo na at hindi rin naman nga siya makakain kasi nasusuka siya. Tapos may kung sino namang Poncio Pilato na biglang tumawag sa kanya.
Kung maaari nga lang siyang mag-silent ng cellphone ay ginawa na niya. Kaya lang ay hindi pwede. Minsan kasi ay sa cellphone niya tumatawag ang boss niya, lalo na at kung wala ito sa loob ng opisina nito. Or siya ang nasa labas kung may iniuutos ito.
Napapadyak pa si Ria ng mga paa, bago hinawakan ang cellphone niya. Ngunit agad ding napatuwid ng upo ng mapansing si Fabio ang tumatawag sa kanya.
"Hello Sir!" Bungad niya. Malalim at malagong ang kanyang boses. Kaya hindi mahahalatang babae siya. Sa katunayan ay kinasasanayan na rin niya ang pagpapanggap sa boses na iyon. Lalo na at hindi naman kasing hinhin ng ibang babae ang boses niya.
"R-Ria!"
Napakunot noo naman si Ria sa narinig. Bakit Ria ang sinambit na pangalan ng boss niya sa kanya. Di ba dapat ay Mario.
Unti-unting inilayo ni Ria ang cellphone niya sa kanyang tainga para tingnan kung saan ba tumatawag ang caller niya at bakit Ria ang sinambit nito.
Halos mabitawan naman ni Ria ang cellphone niya. Doon lang niya napagtantong kay Ria nga tumatawag ang boss niya at hindi sa numerong ginagamit ni Mario.
Ilang beses pa siyang tumikhim para lang mawala ang bara sa lalamunan niya.
"Yes Fabio, napatawag ka," aniya sa totoong boses niya. Hindi man malambing pero babae namang talaga.
"Are you with someone?"
"Ha? No!" gulat niyang sagot.
"Medyo nabingi ako sa sigaw mo ah. I'm just asking. Boses kasi ng lalaki ang narinig kong unang sumagot sa tawag ko," paliwanag pa ni Fabio.
"Ah, hindi. Nasa labas kasi ako, baka iyong mga dumaraan ang narinig mong nagsalita. Hindi pa kasi ako nakakapagsalita ng sagutin ko ang tawag mo. Tapos may dumaan sa tabi ko."
Napakagat labi naman si Ria. Bakit ba kailangan niyang magsinungaling kay Fabio? Mag-ano ba sila? Napailing na lang din siya. Bakit ba umaasa siyang nagkakagusto sa kanya si Fabio? Eh heto nga at buntis siya sa lalaking hindi naman niya kilala kung sino. Higit sa lahat magkaiba sila ng estado sa buhay. Tamang pang sekretarya lang ang peg niya. Pero lalaki pa ang ganap. Habang si Fabio, ayon boss niya at crush ng lahat. Isa na siya.
Ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi siya nagkakagusto sa boss niya kahit buntis siya. Syempre hindi lang pwedeng mahalata. Si Mario pa rin siya sa paningin ng lahat.
"I see," sagot ni Fabio na sa tingin naman ni Ria ay pinaniwalaan siya nito. "Nasaan ka ba? Pwede ba kitang puntahan? Aayain sana kitang maglunch."
Bigla namang bumilis ang pagtibok ng puso ni Ria sa sinabing iyon ng boss niya. Sa totoo lang ayaw niyang umasa. Sa ilang beses nilang pagkikita at pagkain sa labas. Masasabi niyang nahuhulog na talaga ang loob niya kay Fabio. Bukod pa roon ang araw-araw niya itong kasama sa trabaho bilang si Mario.
Pero walang puwang ang pagkakaroon niya ng damdamin sa lalaki. Kahit naman sabihing broken siya noong nabuntis siya ng kung sino ay mahal niya ang anak niya. Hindi niya ito ipagpapalit sa kahit na sinong lalaki. Lalo na at ang anak lang niya ang masasabi niyang nag-iisa niyang karamay at pamilya.
Kahit pa sabihing may pag-asa sila ni Fabio ay wala naman siyang planong magpakargo dito. Buhay nila iyong mag-ina. Kaya walang ibang dapat kumilos para mabuhay silang dalawa kundi siya.
Wala siyang balak maging pabigat sa mga taong wala namang kinalaman sa kanya. Na dahil lang sa buntis siya at walang kikilalaning ama ang anak niya ay isisiksik niya ang sarili niya sa ibang lalaki para lang may masabing ama ang anak niya.
Hindi siya ganoon. Mas gugustuhin pa niyang magsikap para mabuhay silang mag-ina. Kaysa umasa sa iba.
Humugot siya ng hangin bago muling magsalita. "Sa susunod na lang siguro. Medyo may inaasikaso ako eh. Kumain ka na ba?" Napakagat labi siya sa tanong niyang iyon. Bakit pakiramdam niya ay mga teenager sila na magkasintahan. Hindi talaga mapigilan ni Ria ang kiligin.
Kahit sa ganoon lang ay masaya na siya sa presensya ng boss niya. Sa tingin pa nga niya ay ito ang pinaglilihihan niya. Iyon nga lang, bilang Mario. Ang trabaho ay trabaho. At dahil lalaki siya. Bawal humarot.
"Kakain ka pa lang," sagot ng boss niya. Kahit alam niyang kakain pa lang naman talaga ito, dahil kalalabas lang nito ng opisina.
"Sige na kumain ka muna," aniya.
Kahit kasi gusto pa niyang makausap ng ganoon si Fabio ay tumatakbo ang oras. Mamaya matatapos na ang lunch break. Pero iyong antok niya, hindi pa rin niya naiidaos. Parang mawawalan na siya ng ulirat kung hindi niya magagawang umidlip sa mga oras na iyon.
Nasa tiyan pa lang niya ang anak niya, mukhang pasaway na. Ang gusto pagtutulog ay tutulog. Pag-ayaw ay ayaw. Napailing na lang siya.
"Sige, ikaw din Ria---,"
"Sir Mario, maglilinis po muna ako!"
Mula sa pintuan ay nabaling ang paningin ni Ria. Pumasok ang isang tagalinis ng kompanya. Si Rocky.
Nakilala niya ito, lalo na at ito naman ang palaging nakatoka sa opisina ng boss nila. Hindi na kasi nagpapaakyat ng babaeng tagalinis ang boss nila. Maliban sa mga empleyado sa HR Department na ang ilan ay babae, ay wala ng ibang babae na nakakausap ang boss niya.
Napabuga ng hangin si Ria bago tumango kay Rocky bilang sagot. Hindi kasi siya makapagsalita. Magulat ba naman siyang may taong biglang sumulpot mula sa labas.
Iyong ibang linisin ay siya na naman talaga ang gumagawa. Pero iyong mga basura ay kinukuha ng mga ito.
Nawala sa isipan ni Ria na kausap pa rin niya si Fabio. Nagulat kasi siya sa pagkatok at pagsasabi sa kanya ng tagalinis.
"Ria!" Nagulat na lang si Ria ng maalalang nasa kabilang linya pa rin nga pala si Fabio. "May kasama ka ba? Para kasing---."
"Sir!" Putol ni Ria sa sinasabi ni Fabio. Nananalangin din siyang hindi nito narinig ang pagtawag ni Rocky sa kanya ng Sir Mario.
Napapikit si Ria. Natataranta kasi siya. Paano ba niya babaguhin muli ang boses niya ay may ibang tao sa loob ng opisina ng boss niya. Baka mamaya ay magtaka ito, kung bakit may boses ng babae doon ay siya lang ang naroon at ang tagalinis.
"I have to go Fabio. Kumain ka na," sagot niya at mabilis na pinatay ang tawag.
Habol hininga naman si Ria, ng mapansing nakatingin sa kanya si Rocky.
"Ayos ka lang Sir Mario?" Napangiwi siya sa tanong nito. Hindi malaman ni Ria kung para saan ang tanong nito. Kung ayos lang ba siya. Lalo na at alam niyang narinig nitong boses babae siya.
"O-oo naman. Bakit naman magiging hindi?"
"Kasi Sir Mario, ang lamig dito sa opisina ni boss, pero pinagpawisan ka."
Doon lang naramdaman ni Ria ang pagpatak ng pawis mula sa mukha niya. Hindi rin niya alam kung bakit siya pinagpawisan. Kung akala ba niya ay nahuli siya ni Rocky na boses babae. O dahil talagang masama ang pakiramdam niya sa mga oras na iyon.
Ilang sandali pa ay nakaramdam siya ng hilo. Mukhang alam na niya ang dahilan ng paglapawis niya.
"Maaari mo ba akong ikuha ng tubig?" aniya na mabilis namang tumalima si Rocky.
May water dispenser naman doon sa labas ng pintuan ng pinaka opisina ng boss niya. Kaya hindi na kailangan pang pumasok sa pinaka opisina para magtungo sa mini kitchen ng boss niya. Mayroon na rin doong disposable cups na siyang pinaglagyan ng tubig na iniabot sa kanya ni Rocky.
"Sir Mario." Dinig niya ang pag-aalala nito. Ngunit siya man ay nag-aalala para sa sarili niya. Wala dapat makaalam na babae siya lalo na at nagdadalangtao pa siya. "Ayos lang po kayo?"
Mabilis namang ininom ni Ria ang tubig na ibinigay sa kanya ni Rocky. Kahit papaano ay umayos ang pakiramdam niya. Ngunit naroon pa rin ang pakiramdam na kailangan niyang itulog ang sama ng pakiramdam niya.
"Sir Mario gusto ba ninyong samahan ko kayo sa clinic? Ako na lang po ang magsasabi kay boss na nasa clinic kayo. Sure naman na nasa cafeteria lang si boss."
"Naku huwag na. Siguro ay kulang lang ako sa tulog. Kailangan ko lang iidilip itong nararamdaman ko."
"Sigurado po kayo? May nurse naman pong on duty sa clinic. Mas mabuting masuri niya kayo. Lalo na at namumutla kayo."
Napahawak naman si Ria sa kanyang labi. Hindi naman kasi siya makapaglagay ng lipstick kaya naman kitang-kita ang pamumutla niya. Paano ba siya maglalagay ay si Mario nga siya?
"Okay lang talaga ako Rocky. Pahinga lang ito," pagtanggi niya.
Hindi talaga siya pwedeng madala sa clinic. Siguradong malalaman at malalaman ng nurse na babae siya at nagdadalangtao siya.
"Ganoon po ba? Kung hindi ko po kayo mapipilit ay pwede kayong magpahinga kahit doon sa sofa sa loob ng opisina ni boss. Mabait naman po iyon. Sasabihin ko na lang na medyo sumama ang pakiramdam ninyo pag naabutan niya kayong natutulog."
Gusto man ni Ria na tanggihan ang sinasabi ni Rocky ay mukhang hindi na rin niya kakayanin kung hindi pa niya mailalapat ang kanyang katawan sa higaan. At parang bibigay ng talaga ang katawan niya kung hindi pa niya maiitulog ang antok na nararamdaman niya.
"Sige Rocky salamat," aniya at mabilis na tumayo at nagpaalam sa lalaki.
Pumasok siya sa loob ng opisina ng boss niya. Hindi na niya isinara ang pintuan, lalo na at alam niyang susunod din naman si Rocky sa kanya, para kunin ang mga basura ng boss niya na nasa basurahan.
Pagkalapat ng kanyang likuran sa sofa ay nakaramdam siya ng kaginhawahan. Nakaunan siya sa arm rest ng sofa. Ramdam niyang kumalma ang pakiramdam niya.
Hanggang na narinig na lang niya ang pagkaloskos ng plastic ng basurahan na sa tingin niya ay kinuha na ni Rocky ang laman. At pinalitan ng bago. Ganoon rin ang muling pagsarado ng pintuan at ang pakiramdam na wala na siyang kasama. Hanggang sa unti-unti ng nawalan na siya ng naririnig na kahit na ano. Dahil tuluyan na siyang nakatulog.