Chapter 13

1887 Words
NAPATULALA na lang si Fabio sa cellphone niya ng bigla na lang siyang pagbabaan ng tawag ni Ria. Nagtataka pa siya kung bakit, labis naman ang pagmamadali nito. Ni hindi man lang ito nakapagpaalam ng maayos sa kanya. Isa pa sa ipinagtataka niya, ay kung narinig ba niyang may bumanggit ba talaga sa kung sino na Sir Mario sa tabi ni Ria o nagkamali lang ba talaga siya ng pagkakarinig. Dahil saktong pagkabukas ng elevator ay bumungad na rin sa kanya ang iba niyang empleyado na patungo rin sa cafeteria. Napailing na lang si Fabio at inilagay ang cellphone sa kanyang bulsa. Mabilis na lang siyang naglakad, patungo sa cafeteria. Nasa lamesa na ring laan sa kanila ang mga pagkain nila. Naroon na rin ang mga kasabay niya sa pagkain. "Nasaan ang sekretarya mo Sir?" tanong ni Ms. Suarez na mukhang tinamaan kay Mario. Mula nang maging sekretarya niya ang binata ay palagi na lang itong bukambibig ng halos karamihan sa empleyado niya. Kahit ang mga nasa HR Department na dalaga, ay hindi mailihim ang paghanga kay Mario. Kahit sa katunayan, ay isa na rin siya doon. Lalo na at hindi lang naman basta gwapo ang binata, kundi dedicated talaga ito sa trabaho nito. "Busog daw siya," tipid niyang sagot. Pero may katotohanan naman ang sinasabi niya. Iyon din naman kasi ang totoong dahilan ni Mario sa kanya, kaya hindi ito bumaba kasabay niya. "Sayang naman. Alam mo ba Sir, bukod sa iyo, si Mario na talaga ang isa sa mga pinag-uusapan ng mga dalaga dito sa kompanya mo. Ang boss at ang sekretarya niya, parehong gwapo," saad pa ni Ms. Capiz. Kasamahan din ni Ms. Suarez sa HR Department. Tumikhim naman ang sa may asawa na nasa departamento si Mrs. Lorena Capitollio. "Magsitigil kayong dalawa. Mahiya naman kayo kay Mr. Sandoval." "Ikaw naman Mrs. Capitollio, hayaan mo na ang mga batang iyan. Alam mo namang masaya lang silang makakilala ng ibang gwapo, maliban kay Fabio. Tama ba Mr. Jaranillia?" ani Mr. Marco Juanito na ikinailing na lang ni Fabio. Mr. Marco Juanito is the head of the HR Department. Malaki ang tiwala ng mga magulang niya sa matanda. Dahil kaibigan ito ng daddy niya. Same kay Mr. Lando Jaranillia. Si Mrs. Lorena Capitollio naman ay kakilala ng mommy niya. At sina Ms. Luna Suarez naman at Ms. Mona Capiz ay pamangkin ni Mrs. Capitollio. Kaya naman hindi na iba ang mga ito sa kanya. Syempre pag nasa loob ng kompanya, boss at empleyado talaga ang turingan nila. Pero katulad ngayon, formal pa rin naman ang usapan, pero ramdam ang biruan. "Sir, matagal ko na itong gustong itanong. Single pa ba si Mario?" Mula sa pagkakayuko sa pagkain ay nag-angat ng paningin si Fabio kay Ms. Capiz. "Why?" "Maliban po kasi talaga sa inyo. Parang nakita ko na ang dream guy ko, mula ng magtrabaho dito si Mario." Siniko naman ni Ms. Suarez si Mona at sabay pang kinilig ang dalawa. Rinig na rinig niya ang impit na tili ng dalawa. At ang marahang pagtawa ng tatlo pa nilang kasama. Lihim namang napakuyom ang kamao ni Fabio sa sinabing iyon ni Ms. Capiz. Parang nawalan na siya ng ganang kumain. Hindi talaga niya maipaliwanag ang nararamdaman niyang gusto na lang talaga niyang ibulsa si Mario, para wala ng ibang makakita dito. Gusto niyang ipagdamot ang binata. Gusto niyang, sa kanya lang ito. Bagay na talagang nagpapagulo sa magulong isipan niya. Humugot muna siya ng hangin. "Hindi ako sigurado. Much better na siya ang tanungin ninyo. Trabaho lang naman ang concern ko about Mario. Hindi ko sakop ang pribado niyang buhay." Napatango na lang ang dalawang dalaga sa sagot niya. Mukhang hindi satisfied sa nalaman. Pero wala siyang balak sabihin na alam niyang single ang binata. Dahil sa nawalan na rin naman siya ng gana na kumain ay nagpaalam na rin siya sa mga ito. "Ang bilis mo naman Mr. Sandoval," ani Mr. Jaranillia na nakatingin sa plato niyang halos hindi pa niya nagagalaw. "Medyo busog pa rin ako. Mauna na ako sa inyo." Wala na rin namang nagawa ang lima niyang kasabay dapat sa pagkain nang magsimula na siyang maglakad paalis. Pagdating niya sa may elevator ay napabuntong-hininga na lang siya. Ano na naman bang nangyayari sa kanya? Di ba si Ria naman talaga ang nagugustuhan niya. Bakit narinig lang niyang maraming humahanga sa sekretarya niya, gusto na naman niya itong itago sa mga empleyado niya para walang makakita? Pagbukas ng elevator ay pumasok siya kaagad. Habang hinihintay ang pagtaas noon ay pinilit niyang alisin sa isipan si Mario. Mas dapat isipin niya kung ano ang nangyari kay Ria at bigla na lang itong nagmamadali sa pagbaba ng tawag niya. Tinawagan niyang muli ang dalaga. Pero ring lang nang ring ang cellphone nito ngunit hindi na talaga nito sinagot. Pagdating niya sa taas ay binuksan kaagad niya ang pintuan. Wala sa pwesto nito si Mario na ikinakunot ng noo niya. Naglalakad siyang papalapit sa pwesto ni Mario ng mula sa pinakaloob ng opisina niya ay lumabas si Rocky. Bitbit ang dalawang garbage bag at mga panlinis nito. "Magandang tanghali Mr. Sandoval. Katatapos ko lang linisan ang opisina ninyo." Tumango siya bilang sagot. Akmang lalampasan siya ng lalaki ng magsalita siya. "Si Mario? Nakita mo ba kung nasaan siya?" Bigla namang bumaling sa kanya ang lalaki. "Naku Sir, nagpapahinga sa loob," sabay turo ni Rocky sa opisina niya. "Inalalayan kong makapasok sa opisina po ninyo, si Sir Mario. Pagpasok ko kasi kanina para maglinis ay napansin kong halos mamuo ang pawis niya, habang napakalakas naman ng buga ng hangin ng aircon. Tapos ay namumutla pa si Sir Mario. Ayaw namang magpasama sa clinic. Kaya pinilit kong alalayan na lang siya sa loob ng opisina ninyo. Sinabi ko rin sa kanya na hindi naman kayo magagalit, kahit magpahinga siya sa loob." Napalunok naman si Fabio. Nakaramdam siya ng labis na pag-aalala kay Mario. Kung hindi lang magmumukhang obvious ay iiwan na niya si Rocky at tatakbuhin niya ang papasok sa loob ng opisina. Kaya lang ayaw niyang magkaroon ito ng maling interpretasyon sa magiging kilos niya. Kaya naman tumikhim muna siya, para alisin ang bara sa lalamunan niya. "Ganoon ba? Sige hahayaan ko na lang muna si Mario na magpahinga. Total naman at lunch time pa naman. Ikaw Rocky, kung tapos ka na sa ginagawa mo ay maglunch na rin kayo ng mga kasamahan mo. Mahirap malipasan ng gutom, lalo na sa uri ng trabaho ninyo, kailangan ninyo ng lakas. Hindi biro ang trabaho ninyo," kalmado niyang saad. Kahit sa puso niya ay gustong-gusto na niyang pasukin sa loob si Mario ng makita niya ang kalagayan nito. "Opo Sir. Tapos na po akong maglinis. Sige po, magtatanghalian na rin po kami ng mga kasama ko. Nagpaalam lang po talaga akong maglinis muna dito bago kami kumain ng sabay-sabay." Pagkasarang-pagkasara ni Rocky ng pintuan ay binuksan naman kaagad niya ang pintuan ng opisina niya. Halos habulin niya ang kanyang hininga ng makapasok siya doon. Kaagad niyang tinungo ang pwesto ni Mario na nakahiga sa maliit niyang sofa. Napaluhod siya kaagad sa tabi nito. Kahit naman mas matangkad siya sa lalaki ay masasabi niyang mataas na rin naman si Mario kung ang mismong average height lang ang titingan. Pero kung naging babae si Mario ay matangkad na rin talaga ito. Masasabi niyang hindi komportable ang pagkakahiga nito sa sofa. Pero sa tingin naman niya ay maayos na kahit papaano ang pakiramdam nito. Lalo na at sinabi sa kanya kanina ni Rocky na namumutla ito. Ngayon naman ay may kulay na ang labi nito. Iniangat ni Fabio ang kanyang daliri at marahang idinampi iyon sa mukha ni Mario. Halos mapapikit siya ng maramdaman na napakalambot ng mukha ng binata. Hindi tuloy niya magawang tigilang haplusin ang pisngi nito. Napamulat si Fabio ng marinig niya ang pag-ungot ni Mario. Parang ungol ng isang babae ang naring niya. Bagay na alam niyang narinig na niya noon. Ngunit hindi niya matandaan kung saan. Dahil ngayon lang naman niya nakitang tulog si Mario. Napalunok siya ng laway ng mapansin ang mapulang labi ni Mario ay nakaawang. Nakaramdam siya ng pag-iinit ng kanyang katawan. Para siyang hinahalina ang labi nito. Hindi niya malaman kung paano nangyari. Nagulat na lang si Fabio sa sarili niya ng dampian niya ng halik ang nakaawang na labi ni Mario. Tumagal din iyon ng ilang segundo, bago niya napagtanto ang lahat. Para naman siyang napapaso ng bigla siyang tumayo para iwan si Mario sa pagkakahiga nito. Mabilis niyang tinungo ang table niya at naupo sa silya niya. Napasabunot siya sa sariling buhok. "What the hell is happening to me? Fvck me!" aniya. Halos iumpog ni Fabio ang ulo sa lamesa niya. Hindi niya alam sa sarili kung paano niya nagawang humalik sa kapwa niya lalaki. "Am I a gay?" naitanong niya sa sarili. Ngunit mabilis din siyang umiling. "Hindi ganoon, you like Ria, right?" saad pa niya. Hindi niya malaman kung bakit parang nababaliw na siya. Muli ay sinulyapan niya si Mario. Nakatagilid ito at hindi na maganda ang pwesto. Akmang gagalaw itong muli ng mapansin ni Fabio na isang maling kilos lang ni Mario ay mahuhulog na ito sa sofa. Hindi na nagdalawang isip pa si Fabio at mabilis niyang nilapitan si Mario. Bago pa ito bumagsak sa sahig ay nasalo na niya ito. Napakunot noo pa siya ng iangat niya ang katawan nito. Wala pa ring malay ni Mario at sa tingin niya ay nasa malalim pa rin ang pagtulog nito. Wala siyang balak gisingin si Mario, dahil napapansin niya ang pagpapawis nito. Sa tingin niya ay masama talaga ang pakiramdam ng binata. Ngunit ang labis niyang ipinagtataka ay ang maliit na katawan nito. Sa gaan ni Mario ay para lang siyang may buhat na maliit na dalaga. Ngunit ipinagsawalang bahala na lang niya ang bagay na iyon. Sa kilos at pananalita ay lalaki si Mario. May kasalanan pa siya kay Mario. Pero kahit may kasalanan siya, wala siyang balak aminin dito ang ginawa niya. Dinala na lang niya ang binata sa kwarto niya sa loob ng opisina niya. Hahayaan na lang niya itong magpahinga. Bayad niya dito sa kasalanan niya. Matapos niyang ihiga ng maayos si Mario sa kama ay inalis niya ang suot na sapatos at ang medyas nito. Nailing na lang siya sa liit ng paa nito. At ang kinis na wari mo ay paa ng isang dalaga. "Nababaliw ka na talaga Fabio," sita niya sa sarili. Kinumutan niya si Mario. Mamaya na lang niya ito kakausapin na magpatingin ito sa doktor. Ayaw din naman niyang pangunahan ito. Tulad ng sinabi ni Rocky na ayaw nitong magpadala sa clinic kaya hindi na siya nagpatawag ng nurse na maaaring tumingin dito. Isa pa ay dalaga ang nurse na duty sa mga oras na iyon. Baka isa pa ito sa magparamdam ng paghanga sa binata. Bago pa kung ano ang pumasok sa isipan niya ay lumabas na siya at iniwan na si Mario sa silid niya. Tama na ang isang pagkakamali na hindi dapat mangyari pero nagawa niya. Pabagsak na naupo si Fabio sa upuan niya sa harap ng working table niya. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Ria. Hindi pa rin sinasagot ng dalaga ang tawag niya. Kaya naman nagpadala na lang siya ng mensahe dito. Ria: Are you free tonight? Okay lang bang magkita tayo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD